You are on page 1of 33

11 Filipino

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino


MODYUL 1.1: KONSEPTONG
PANGWIKA
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 1.1 : Konseptong Pangwika

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang

makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala


at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad
Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ligaya H. Garcia


Editor: Michelle Erika A. Clemente Emma D. Gonzales Daryl R. Orenciada
Tagasuri ng Nilalaman: Nora J. Laguda Sharon A. Vito
Ana Maria B. Gojar Imelda G. Narvadez
Mary Ann Rimpola
Gumuhit ng Larawan: Jotham D. Balonzo
Nagdisenyo ng Pahina: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian
Navarro

Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul
na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito.
Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka
ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin! ii

Konseptong
Pangwika
(Wika: Kahulugan, Katangian, Kalahalagahan at
Barayti)

Panimula:
Magandang araw, kaibigan!

Masarap magpahayag ng nararamdaman gamit ang sariling wikang atin. Ano


nga ba ang wika? Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan,
kapuwa tao, paligid, mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, politika,
ekonomiya at kultura.
Sabay nating alamin ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng wika,
kasama ang pagkakaiba ng barayti ng wika. Alam kong matututuhan mo ito nang
maigi kapag nag-umpisa na tayong mag-aral.
Okey ba iyon sa’yo? Sige, simulan mo na ang pagbabasa. Sana marami kang
matutuhan.

Sa modyul na ito, inaasahan na


natutukoy mo ang mga kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong
pangwika. 1

Layunin

May mga bagong salita tayong dapat matutuhan sa


araling ito.

Basahin natin sa kasunod na pahina.

Talasalitaan
Wika – isang Sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbolo.
Morpema

makabuluhang pagsasama ng mga
Ponema – pinakamaliit na yunit ng
tunog/maliit na
makabuluhang tunog Morpolohiya – makaagham na pag-
aaral ng mga morpema o pagbuo ng
salita.

Ponolohiya – makaagham na pag aaral


ng mga ponema.

Sintaksis – makaagham na pag aaral


o pagbuo ng mga
pangungusap.

yunit ng salita. Diskurso – makahulugang palitan ng mga pangungusap ng


dalawa o
higit pang tao.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo
nga?

Panimulang Gawain
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang kahulugan ng wika ayon sa iyong
nalalaman. WIKA
3

Binabati kita.
Natapos mo ang
unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina
13 ang wastong sagot sa
mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot –
NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, diba kayang-kaya mong isulat ang


kahulugan ng wika.
Halika, may inihanda pa akong aralin
para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Basahin mo.
Kahulugan ng Wika

Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba, ginagamit natin ang wika bilang daluyan ng


impormasyon. Kailangang magkatulad ang wikang ginagamit ng dalawang magkausap
upang hindi ito maghatid ng sigalot sa pang-unawa. Nababakas sa wika ang kulturang
kinabibilangan at kung paano ito pinahahalagahan ng gumagamit. Maraming manunulat ang
nagbigay ng iba’t ibang depinisyon tungkol sa wika. Ilan sa mga ito sina:

Henry Gleason – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog


na pinipili at at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Bernales et al. (2002) – ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di
berbal.

Ano kaya
ang
katangian

ng wika?

1. Ang wika ay masistemang balangkas – Pangunahing katangian ng isang tunay na


agham ang pagiging sistematik. Dahil may katangiang makaagham ang isang wika,
naging batayan ito upang umiral ang larangan ng Linggwistiks, malaliman ngayong
tinatalakay ang isang wika mula sa ponolohiya, morpolohiya, hanggang sa sintaks.

4
2. Ang wika ay sinasalitang tunog – Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tunog.
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. Hindi lahat ng tunog ay
binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos – upang hindi magdulot ng kalituhan sa iyong
kausap, kailangang piliin ang tamang gamit ng mga salita.
4. Ang wika ay arbitraryo – pagkakaroon ng sariling istilo ng paggamit ng wika, maging
indibiduwal man o sa komunidad.
5. Ang wika ay patuloy na ginagamit – upang patuloy itong makilala at umunlad
kailangan siyang gamitin araw-araw.
6.

Ang wika ay nakabatay sa kultura – ginagamit ang wika ayon sa lugar na


kinabibilangan nito.
7. Ang wika ay nagbabago – dahil sa modernisasyon, patuloy na nag-iiba,
nadadagdagan, o maaaring mawala ang isang wika.

Mahala
ga nga kaya ang wika? Tumpak Ganern! Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan
ng wika ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay
ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit.

Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng


kultura ng bawat grupo. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika.

Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay
malaya at may soberanya. Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin
ng sariling wikang lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at


kaalaman. Bawat bansa ay may kani-kaniyang yaman ng mga karunungan at kaalaman.

Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

-Taylan, et al. 2017-

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

Ano-ano kaya ang sinasabing barayti ng wika? BARAYTI NG


WIKA

1. Dayalek o Diyalekto – ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.


Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito ay makikilala hindi
lamang sa pagkakaroon ng set na mga distinct na bokabularyo kundi maging sa
punto o tono at sa estruktura ng pangungusap.
Hal. Maynila – Aba, Ang ganda! Bataan – Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang
ganda eh! Rizal – Ka
ganda, hane!

2. Sosyolek – barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong


sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa pangkat panlipunan. Halimbawa nito
ay ang mga wika ng estudyante, wika ng matatanda, wika ng mga kababaihan, wika
ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
Hal. Sinetch itey, na sumikat dahil sa kanyang opinion tungkol sa batas sa
klasrum?
Pare, takbo! Nandiyan na ang mga parak.

Ipagpatuloy mo.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyonal na rehistro. Ilan sa halimbawa ay


hearing, settlement, file, case atbp. Ginagamit ang mga salitang ito sa abogasya. Samantala,
ang mga disiplinang Accountancy, Medisina, Edukasyon, Enhinyero ay may kani-kaniyang
rehistro ng wikang ginagamit.

Kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibiduwal


na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika.
Ito ang nagpapaiba sa indibiduwal sa iba pang indibiduwal.
Ano naman ang idyolek na barayti ng wika? May pagkakaiba kaya
ito sa dalawang nabanggit sa itaas?

Bawat isa ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong


idyolek. Ito ang dayalek na personal sa isang ispiker. Kilala ang mga personalidad na sina
Kris Aquino, Ruffa Mae Quinto, Boy Abunda atbp. Dahil sa kwaliti ng kanilang boses at
katangiang pisikal na rin na nagtataglay ng baryasyon sa paggamit ng wika.

Magpatuloy ka.
Mag FACT or BLUFF tayo para sa ilan pang karagdagang kaalamang dapat mong
matutuhan sa konseptong pangwika.

Ang wika ay maaaring tumutukoy


sa kakayahan ng tao na mag-angkin at

gumamit ng komplikadong sistemang


pangkomunikasyon. Fact o Bluff?

Fact. Ang wika ay tumutukoy sa

Kognitibong pakulti na nagbibigay-


Kakayahan sa mga tao upang matuto At gumamit ng mga Sistema ng

Komplikadong
komunikasyon. na ang kabuuan ay pinangalanan ng tiyak na
Ang wika ay tumutukoy sa mga tiyak na lingguwistik katawagan tulad ng Ingles, Pranses, Aleman,
Mandarin,
Ang salitang Ingles na Nihonngo, Filipino atbp. Fact o Bluff?

Bluff. Ang ibig


sahin ng lingua
patunay ito sa
ay dila. Ang
historikal na

pagkaprominente ng sinasalitang wika.

Lodi! Natutukoy mo na ang kahulugan at kabuluhan ng konseptong pangwika,


maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay
Anong
mahahalagang
impormasyon
ang iyong
nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa


iyong pag-aaral?

Markahan sa
ibaba ang antas
ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.


Game ka na ba?

Pagsa sanay
Panuto: Tukuyin kung ang wika ay arbitaryo, may
balangkas, likha ng tunog, nakabatay sa kultura
at pinipili.
1.Ang wika ay
binubuo ng mga ponema, morpema, sintaksis at diskurso.
2. Ito ang mga nalilikhang tunog ng ating aparato sa pagsasalita na
nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggalingang
lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng
tunog o

artikulador.

3. Ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious o magkaminsan sa


conscious na pag-iisip, upang huwag magdulot ng kalituhan sa pagitan mo
at ng iyong kausap.

4. Bawat indibiduwal ay nagkakaroon ng ibang katangian na ikinaiiba niya


sa lahat, gayundin kung paano niya gamitin ang wika sa komunikasyon.

5.Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig sapagkat sa kulturang


kinabibilangan ng bawat isa. Walang magkatulad na wika sa buong
daigdig.

Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?

Tingnan ang sagot sa pahina 13 .

Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?

Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!

Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.

Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at

pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay,

heto pa ang isang gawaing magpapatibay ng iyong

kaalaman.

“HUWAG JUDGEMENTAL”.

Pagsasanay _____
2

sagot sa loob ng kahon. ____ _____


empleyado sa opisina lalo na kung kaya
naman magampanan ang trabaho nila
______ mula sa bahay sa pamamagitan ng
teknolohiya.
_______

Ang prayoridad natin ngayon ay ang


kaligtasan ng lahat. Magtulungan po tayo
na maiwasang mahawaan ng sakit ang
ating kapwa.
a. lingua franca
Panuto: Basahin ang pangungusap sa ibaba at isulat
ang titik sa patlang na nagpapakilala na ang wika ay
Nagpasalamat naman si Go sa mga
mahalaga. Piliin ang nagbigay ng Tulong at donasyon para
tugunan ang mga pangangailanagan ng
sektor ng medisina lalo na ng mga
1. Impose Work from Home and Flexible biktima ng sakit.

Para naman sa pribagong sektor,


kailangan aniya ngayon ang
Magbayanihan.
Work Schedule: Kung maaari, huwag na
natin papasukin ang ating mga Dahil sa sitwasyon
ngayon, kailangan
nating magkaisa at
gawin kaagad ang
lahat
ng pwedeng gawin
para maprotektahan
ang
kapakanan ng mga
Pilipino”

b. Mahalaga
ang wika sa
pagpapanatili,

pagpapayabong
at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo
c. instrumento sa komunikasyon
d.malaya
e.tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga
karunungan at kaalaman.
Halaw sa: https://radyo.inquirer.net/234575/sapat-na-pondo-para-respondehan-ang-covid-19-tiniyak
ni-sen-bong-go- retrieved 5/4/2020

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2. Saang

pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang


mga gawain upang masagutan ang sumusunod
na pagsasanay.
Pagsas
a nay
IHAGIS MO!
Panuto: Suriin kung ang pangungusap sa ibaba ay
nagpapahiwatig ng barayti ng wika. i-shoot ang bilog sa loob ng lata.

DAYALEK
SOSYOLEK IDYOLEK
1.

2. You know it’s a --- may Comelec listahan. And that I condition --- I placed a
Kayong mga flying voters noon, kung saan-saan condition there na kung nandiyan na
kayo nagboto ayan. 'yung antibody available na sa market
dito and they’re being sold in quantity
--- in numbers ---
then I am inclined to maybe, at that
time, lift the lockdown.

3.Okay tayo diyan? Mayor? Governors?


Ako... I am your public servant. Kayong mga
mayor bata-bata lang ninyo ako.

2. But itong antibody which is --- which has


3. So mga kababayan ko, ginawa - --
been manufactured outside of the
ginawa namin lahat ito. One is that I
human body parang killer ito na ano ---
really do not want to see a single
just like the antibiotic, talagang
Filipino dying of --- lalo na ‘yung mga
bata. bibirahin niya ‘yung bacteria.

Halaw sa:https://www.philstar.com/headlines/2020/04/14/2007237/full-text-dutertes-april-13-talk-people-covid-19-
pandemic

10
Bilib na talaga ako
sa iyo. Nasagutan
mo lahat na
pagsasanay.

Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 13


Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

☹☺😐

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo


sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang
kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Ilagay ang kung sang-ayon sa binasa at kung hindi sang-ayon.


3. Ginagamit
ang wika
upang
makuha natin
ang ating
gusto.
2. May pasulat at
pasalitang anyo
ang wika.

4. lahat ng
wika sa
mundo ay
natatangi o
espesyal
ang
katangian
sa bawat
isa.

5. Ang mga senyas na ginagamit ng mga


hindi makapagsalita ay matatawag na wika.

Yehey!

Malapit mo nang matapos ang araling ito.


Iwasto ang iyong mga sagot sa pahina 13.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

✰✰✰✰✰ nagawa lahat ✰✰✰✰ 1 hindi nagawa ✰✰✰ 2 hindi


nagawa ✰✰ 3 pataas hindi nagawa

11
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.


Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa
ng karagdagang gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng tamang paggamit ng wika sa lipunan
gamit ang konseptong pangwika.

Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay


Puntos Pamantayan

25 pts. Malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na sanaysay at


nagtataglay ng tamang konseptong pangwika.

20 pts. Malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na sanaysay


ngunit kulang ang ginamit na konseptong pangwika.

15 pts. Hindi gaanong malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na


sanaysay ngunit kulang ang ginamit na konseptong pangwika.
5 pts. Hindi malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na sanaysay
at kulang ang ginamit na konseptong pangwika.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang lupet mo !

12

Su
si sa
Pagw
awas
to
dayalek
5.
sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng

pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit


may mahalagang papel ang wika sa 5.
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Mangahis
paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
pilosopiya, kaalaman at karunugan, moralidad,
pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, wika
ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, 4.
Alfonso Santiago
usap ang isang grupo ng mga tao
- sama ng mga ito para magkaunawaan o
makapag - mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama ang wika ay isang kalipunan ng
Pamela at Zafra 3.
berbal. - simbolikong cues na maaaring berbal o
di agtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng p
ang wika ay proseso ng pagpapadala at 2.
Bernales, et al.
kabilang sa isang kultura.
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
sinasalitang tunog na pinipili at at isinaayos sa
ang wika ay masistemang balangkas ng 1.
Henry Gleason
Panimulang Pagsubok 13
sosyolek 4.
dayalek 3.
sosyolek 2.
idyolek 1.

Pagsasanay 3
E 5.
D 4.
A 3.
B 2.
C 1.

Pagsasanay 2
5. nakabatay sa kultura 4. arbitraryo
3. pinipili
2. likha ng tunog
1.may balangkas

Pagsasanay 1

Sanggunian:
Aklat
Dr. Marquez Jr, Servillano T. 2017. Pintig Senior High School
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
SIBS Publishing house, Inc. Quezon Ave. Quezon City.

Baronda, Andrew John C. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Filipino. JFS Publishing Services. Pasay
City, Philippines.
Bernales, Rolando et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Mutya Publishing House Inc. Malabon City.

Taylan, Dolores H, et al 2017. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Rex Book Store, Inc. Sampaloc, Manila.

Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Vibal Group, Inc. Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.

Website
https://www.philstar.com/headlines/2020/04/14/2007237/full-text-dutertes-april-13-talk
people-covid-19-pandemic

https://radyo.inquirer.net/234575/sapat-na-pondo-para-respondehan-ang-covid-19-tiniyak-ni
sen-bong-go- nakuha noong 5/4/2020
14

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like