You are on page 1of 7

MGA ANTAS NG WIKA

1. Balbal
o salitang kalyeo pinakamababang uri wikang ginagamit ng tao, nabuo sa
kagustuhan ng isang partikular nagrupo na nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlano.
Halimbawa:
  lespu (pulis) chicks (dalagang bata pa)
 epal (mapapel) orange (bente pesos)
chibog (pagkain) Pinoy (Pilipino)

2. Kolokyal 
o Salitang ginagamit sa pangarawaraw ng pakikipagusapo.
Halimbawa:
Kumara Meron ka bang dala?
Pare napano?
Tapsilog

3. Lalawiganin 
o Salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigano
Halimbawa:
adlaw (araw)
balay (bahay)
babaye (babae)

4. Pambansa 
o Ginagamit ng buong bansao Mga salitaing kabilang sa wikang Filipinoo
Halimbawa:
malaya
sabaw
paniwala

5. Pampanitikan 
o ginagamit ang mga salita sa iba pang kahulugano ginagamit pangkatha ng
dula at iba pang likhang pampanitikano
Halimbawa:
sanggunian
tahanan
kabiyak
Pagsusulit: I
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan, Isulat ang
wastong sagot sa sagutang papel.
_______________1. Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit
ng nakararami.
_______________2. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-
araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
_______________3. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarilapara sa paaralan at pamahalaan.
_______________4. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.Ang mga
salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
_______________5. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o
lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
_______________6. Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may
kagaspangan nang kaunti,maari rin itor refinado ayon sa
kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,dalawa
o higit pang titik sa salita.
_______________7. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes,
mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
_______________8. Ito ay wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa
Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao.
_______________9. Ito ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na
ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang
kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon,
katayuan at okasyong dinadaluhan.
_______________10. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito
ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Pagsusulit II
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa bawat bilang. Piliin
kung ito ay Lalawiganin, Pampanitikan, Pambansa, Kolokyal o Balbal na
salita. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
_______________1. Buhay
_______________2. Todas
_______________3. Malakat
_______________4. Bokal
_______________5. penge
_______________6. Nanghihilakbot
_______________7. meron
_______________8. Panibugho
_______________9. Hinigugma
_______________10. musta
Pagwawasto:
Pagsusulit I

1. Pormal
2. Di-Pormal
3. Pambansa
4. Pampanitikan
5. Lalawiganin
6. Kolokyal
7. Balbal
8. Lingua franca
9. Wika
10. Wika

Pagsusulit II

1. Pambansa
2. Balbal
3. Lalawiganin
4. Balbal
5. kolokyal
6. Pampanitikan
7. kolokyal
8. pampanitikan
9. lalawiganin
10. kolokyal

You might also like