Professional Documents
Culture Documents
Sinasabing ang kultura ay pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao kung saan ang mga
kasapi ay natatagpuan sa isang teritoryo, responsable sa bawat isa at may pagkakakilanlan.
Isa rin ang wika sa bumubuo ng kultura. Masasabing ang wika ay nakasandig sa kultura. Bawat wika
ay may naiibang mga bagay na bahagi ng isang kultura.
TUKLASIN
A. Basahin nang malakas ang balita na tila isang newscaster. Pagkatapos, pahalagahan ang nilalaman nito sa
pamamagitan ng pagsagot sa kasunod na mga tanong.
Disiplina sa Bangketa
Ipinahayag ng MMDA (Metropolitan Manila Authority) na kailangan ang Urbanidad upang magkaroon
ng disiplina sa bangketa.
Ano nga ba ang Urbanidad?
Urbanidad ang tamang pag-uugali sa paninirahan sa mataong lugar. Kung wala nito, hindi raw hadlang
manirahan sa lungsod kung saan masalimuot ang pamumuhay.
Urbanidad din ang pagsunod sa batas at kautusan ng komunidad. Nangangahulugan ito ng ibayong
pag-iingat upang anuman ang gawin ay hindi makakasakit o makakapinsala sa kapuwa. Ibig sabihin nito'y
paggalang sa damdamin at karapatan ng ibang tao.
Kung walang Urbanidad, tapon kahit saan ang basura, walang bigayan ang mga motorista, unahan at
tulakan sa abangan ng sasakyan, tumatawid kahit saan ang mga tao, walang pakialam kung marumi ang kani-
kaniyang bakuran. Kung walang Urbanidad, nawawala ang ating hiya sa sasabihin ng ating kapuwa sa maling
gawa natin.
Sa Urbanidad nagmumula ang dangal ng bayan, kung paano ang bawat isang mamamayan, kasama
ang kanilang pamahalaan, ay pawang magkakaibigan.
Naging masipag ang MMDA sa pagbibigay ng nasabing mga impormasyon sa kalunsuran.
Mga Tanong:
Ang negosyo ay gawaing pamimili at pagtitinda ng kalakal upang kumita. Maraming dahilan kung bakit
nagtatayo ng negosyo ang ibang tao.
Hindi kailangan ang malaking puhunan sa pagnenegosyo. Kapag sinasabing ang isang taong may
business acumen o ang kakayahang gumawa ng mahusay na paghuhusga at mabilis na pagpapasiya lalo na
sa larangan ng pagnenegosyo, hindi maglalaon ang taong ito at ang negosyong naipundar niya ay uunlad at
patuloy na lalago.
Kawalan ng hanapbuhay ang isa sa pangunahing salik na nagtutulak sa isang indibidwal na makapag-
isip na magkaroon ng isang negosyo. Ang negosyong ito ang tutulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya na
mamuhay nang simple at may dangal. Subalit sa iba naman, kahit na may pinagkakakitaan na ay nag-iisip pa
rin ng paraan gaya ng pagnenegosyo upang may karagdagang kita para sa pamilya. Lumalabas ang
kakayahang entrepreneurial ng isang tao sa larangan ng pagnenegosyo.
Asahan na rin ang dalawang mukha sa pagnenegosyo—ang tagumpay at kabiguan. Hindi naman agad
natatamo ang tagumpay ng isang pagnenegosyo. May mga balakid din na mararanasan ang negosyante
habang pumapalaot sa larangang ito. Malaki ang kompetisyon sa pagnenegosyo kaya dapat na hindi
mawawalan ng pagtitiyaga at determinasyon ang isang negosyante. Nararapat na siya ay may lakas ng 100b
na harapin kung anuman ang hinaharap ng kaniyang negosyo, malikhain, may malawak na pananaw sa
hinaharap o bisyon para sa kaniyang negosyo, may kapanagutan, organisado, at nakatuon sa pagkakamit ng
layunin ng kaniyang negosyo. Kakikitaan ng kasipagan at pagiging positibo ang mga Pilipino na magandang
katangian na dapat pahalagahan. Mga katangian itong nagpapakita ng isang bahagi ng kultura ng mga Pinoy.
Anumang sektor nabibilang, mahalagang taglay ang nasabing mga katangian upang magtagumpay sa buhay.
Mga kabataang Pinoy, kilos na!
Tunghayan MO!
Kahanga-hanga ang Isang mang-aawit na negosyante rin sapagkat ptnatunayan mya na ang
pangkaniyang buhay ang nagbunsod upang pasukin ang pagnenegosyo.
Basahin ang balita na ibrinodcast sa telebisyon.
Mga produktong pastelerya (pastry) ang negosyo ni Wency kasama ang Galletas de Davao, manipis na
biskwit na parang lengua de gato. Kumpara sa tradisyonal na lengua ay mas Pino ang galletas ng kaniyang
produkto, kung kaya't malalasahan ang linamnam nito sa iyong bibig. Maaari Itong tikman sa iba't ibang flavor,
may plain, Ube, at durian.
Pinangalanan ko itong Galletas de Davao dahil gusto ko itong maging pasalubong mula sa Davao,
kuwento ni Wency. Gusto kong makilala ito gaya ng Otap ng Cebu o peanut brittle at strawberry jam ng
Baguio.
Hindi naisip o pinangarap ni Wency noon na maging negosyante. "Kinailangan kong magnegosyo, dala
na rin ng mga pangyayari sa aking buhay," pahayag ni Wency.
Ikinuwento niya na inalok siya ng isang malapit na kaibigan para pasukin ang larangan ng
pagnenegosyo at magbenta ng pasta at salad dressing. Dapat magkasosyo sila sa negosyo. Sa hindi
inaasahang pangyayari, hindi natuloy ang pagnenegosyong ito. "Nagamit niya ang pera ko para sa komisaryo
kaya naman kinailangan kong gumawa ng paraan para mabawi ito," pahayag niya.
Mabuti na lamang at may nakilala siyang may negosyo ng pastelerya sa Maynila. Kung kailan
nabuhayan siya ng pag-asang magnegosyo, isang pagsubok na naman ang muling dumating sa kaniya.
Nagkaroon siya ng hindi pagkakaintindihan sa may-ari ng nirerentahang lugar dahil hindi siya ang nakipag-
usap dito. Sa puntong ito ay handa na sana siyang sumuko sa pagnenegosyo.
Mabilis namang natuto si Wency sa loob ng maikling panahon, nakagawa siya ng ilang pastry products
sa ilalim ng company name na Kraze Kits Bakeshop. "Maliban sa musika, pagluluto at pag-babake ang iba
pang passion ko sa buhay," kuwento ni Wency. "I'm very blessed to have pursued my passions. Ang business
partner kong si Cats del Rosario ang nangumbinsi sa akin para ipagpatuloy ang pagnenegosyo."
May outlet si Wency sa Davao International Airport (DIA). "Bilang pampasalubong, natural lamang na
ibenta ang produkto sa lugar kung saan naroroon ang maraming turista," paliwanag pa niya.
Maliban sa DIA, mabibili rin ang galletas sa Swiss Deli, Buen Gusto (Abreeza), Ma'ans Bakery, Fish
Bay, at sa Peter's Cafe.
Ang Galletas de Davao ay isa lamang sa baked goods na kaniyang ginagawa at ibinebenta. Nag-
susupply rin siya ng cakes, pastries, at cookies sa ilang kilalang kainan, bakery, at kapihan sa Davao.
Maagang natuto ng pagluluto at pag-babake si Wency. "Noong bata pa ako, nakatira kami sa Iola ko na
magaling magluto," kuwento ni Wency. "Sa tapat naman ng bahay ng Iola ko nakatira ang tito ko at ang asawa
niyang magaling ding magluto at mag-bake. Doon ako laging kumakain noon."
Nang lumipat sila ng bahay, hinahanap-hanap niya ang luto ng kaniyang Iola at tita. "My mom, being
the busy media person that she is, didnt have much time to cook so i took it upon my self to learn and the rest
is history".
Nakikita ni Wency na magreretiro siya sa negosyo sa susunod na sampung taon. "Hopefully by the
business," pahayag ni Wency. "Sana mapalago niya ito. I am also looking forward to being able to relax and do
things for the sake of experiencing them. I dont want to grow too old to enjoy the fruits of my labor.
Sa ngayon, binibigyan ngr priyoridad ni Wency ang kaniyang negosyo ngunit hindi naman niya tuluyang
isinasara ang pinto para sa pagkanta. Wala pa siyang tiyak na plano sa ngayon, ngunit gaya nga ng mga titik
ng isa sa mga sikat niyang kanta, "habang may buhay..."
—Mula sa Magasing, Negosyanteng Pinoy 2012—
Simulan Mo!
Pagbibigay-kahulugan sa mga Salitang Ginamit sa Akda
Mga salita ang pinakamahalagang sangkap ng wika. Ito rin ang itinuturing na pinakadiwa ng isang wika
na nagiging kabuuang talasalitaan nito. Gurnagamit ng mga salita sa pagpapahayag ng naisip at nadarama ng
isang tao.
Ang pagtatamo ng mga salita ay maaaring bunga ng isang paglinang ng talasalitaan. Ayon kay
Channel (1988), ang isang salita bago maangkin ay kailangang ibigay muna ang kahulugan ayon sa gamit nito
sa loob at labas ng isang konteksto at magagamit nang buong husay sa pakikipagkomunikasyon.
A. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit nang ayon sa pagkakagamit sa akdang binasa. Piliin
sa kasunod na kahon ang kahulugan ng salita sa bawat bilang at isulat ito sa patlang na nasa unahan
ng bawat bilang.
Isaisip Mo!
Pamamahayag at Broadcasting (Radyo/Telebisyon)
(Mga Sitwasyong Pangwika)
Ipinapahayag na isa sa pinakamaimpluwensiyang sitwasyong pangwika na behikulo sa
pagpapalaganap ng wika ang Pamamahayag. Sitwasyong pangwika ito na nagbibigay ng mga impormasyon
ng mahahalagang pangyayari sa lipunan.
Kapag napag-uusapan ang Pamamahayag, ang naiisip kaagad ay ang paglalathala ng balita.
pamamahayag ang pag-uulat o paghahatid ng mga pangyayari sa kaalaman ng mga mambabasa. Ano mang
ulat, pasalita o pasulat man, na ukol sa pangyayaring hindi karaniwan, napapanahon, nakatatawag ng pansin
at kawiwilihan ng mambabasa, nabatid o nabunyag sa kauna-unahang pagkakataon, napakahalaga sa mga
mambabasa, nakagaganyak at nakalilibang, makatotohanan at hindi, kathambuhay, at nagaganap ang
nilalaman ng isang balita.
Sa kabilang banda, hindi maitatangging malaki ang papel na ginagampanan sa lipunang ginagaIawan
ng radyo at telebisyon. Ipinahayag sa Encyclopedia na ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan
sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na Broadcast Media.
Sino nga ba ang hindi nakikinig sa radyo upang mapakinggan at malaman ang mahahalagang
anunsiyo mula sa ilang ahensiya ng pamahalaan o mga napapanahong impormasyon? Sino nga ba ang hindi
nanonood ng telebisyon upang abangan ang mga kaabang-abang na tagpo sa telenobela o kaya'y malaman
ang mahahalagang balita sa nakalipas na araw? Tunay ngang bahagi na ng ating buhay ang Broadcast Media.
Ang Pamamahayag at broadcasting ay mga sitwasyong pangwika na nagpapakilala ng mga tunay na
sitwasyon ng buhay ng isang lipunan kasabay ang kulturang kaugnay nito.
Pansinin Mo!
Basahin ang mga pangungusap sa bawat kahon.
1.
Urbanidad ang tamang pag-uugali sa paninirahan sa mataong lugar.
Urbanidad din ang pagsunod sa batas at kautusan ng komunidad.
3.
Malambot, malasa, malaman – ilan lamang ito sa mga naglalarawan sa puto pao.
Suriin Mo!
1. Tungkol saan ang paksa ng mga pangungusap sa bawat kahon?
2. Magkakaugnay baa ng mga salitang sinasalungguhitan sa bawat pangungusap?
3. Sa punto ng konteksto sa paksa, angkop ba ang mga salitang ginagamit upang makabuo ng
pangungusap?
Tandaan Mo!
Angkop na Salita, Pangungusap Ayon sa Konteksto ng Paksa
Sa anumang napakinggang mga balita sa radio at napanood sa telebisyon, gumagamit ng mga angkop
na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang ginagamit.
Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang balita ang paggamit ng mga
salitang nagsasama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya.
Sa paggamit ng angkop na salita o pangungusap, nakabatay ito sa uri ng pagpapahayag o diskurso.
May gamit sa pagsasalaysay, paglalarawan, pangangatuwiran, at paglalahad o pagpapaliwanag.
Halimbawa:
1. Hindi naisip o pinangarap ni Wency noon na maging negosyante. (nagsasalaysay)
2. Kung titignan, para itong ordinaryong puto – kulay puti na may keso sa ibabaw, ngunit gaya naman ng
siopao ang lambot nito at may lamang asado. (naglalarawan)
3. Urbanidad ang tamang pag-uugali sa paninirahan sa mataong lugar. (nagpapaliwanag)
Gawin Mo!
Panuto: Suriin ang salita o mga salitang may salungguhit kung angkop sa diwa ng pangungusap. Sabihin ang
tsek kung angkop ito, ekis naman kung hindi.
1. Masasabing mataas na ang pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating bansa.
2. Naglalaman ang magasin ng maikling kwento at sunod-sunod na mga nobela.
3. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa sariling
bansa.
4. Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng
paglaganap ng teknolohiya.
5. Nahihilig ang maraming kabataan sa pagbabasa ng mga pocketbook, komiks, at magasin.