You are on page 1of 21

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 6
KAKAYAHANG DISKORSAL

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Kwarter – Modyul 6: Kakayahang Diskorsal
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Content Editor: Dolores A.Tacbas
Language Editor: Desiree E. Mesias
Proofreader: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar,PhD, EPS 1
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 6
KAKAYAHANG DISKORSAL

This instructional materials was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to
the Department of Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


ALAMIN

Sa mga nakalipas na aralin, nabatid mo ang unang apat na kakayahang


pangkomunikatibo na dapat taglayin ng isang mahusay na komyunikeytor. Sinasabi
nalilinang at lumalago ang kakayahang pangkomunikatibo kapag ito ay madalas na
ginagamit at nararanasan sa ibat ibang konteksto.
Bagama’t ang kahalagahan ng bawat salik ng kakayahang
pangkomunikatibo ay may kaugnayan sa bawat isa, hindi matatawaran ang
kahalagahang hiwalay na mapag-aralan ang bawat salik. Ngayong alam mo na ang
iba pang salik ng kakayahang komunikatibo - ang lingguwistiko, gramatikal,
sosyolingguwistiko, pragmatic, at istratedyik, tatalakayin natin ang isa pang salik,
ang kakayahang diskorsal. Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng
mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto. Ang isang
taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakapagbibigay rin ng wastong
interpretasyon sa napakinngan o nabasang pangungusap o pahayag upang
makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.

MODYUL 6

Kakayahang Diskorsal

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikaanim

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

ALAMIN

Pangkalahatang Ideya

Nasusukat ang kakayahang pangkomunikatibo ng isang mag-aaral sa tatas


ng kanilang pagsasalita sa wika, kakayahang umunawa at sa paggamit ng tamang
salita na angkop at nababagay sa mga pagkakataon o sitwasyon na kanilang
kinabibilangan. Kung kaya’t layunin ng modyul na ito ang maihatid at maipaabot ang
mga kaalaman at kasanayang dapat matutunan ng isang mag-aaral na hindi
makapasok sa normal na eskedyul ng pag-aaral.

Nilalaman ng Modyul
1
Ang modyul na ito ay naglalalaman ng mga kakayahang pangkomunikatibo
na ang pokus ay Kakayahang Diskorsal. Nakapaloloob dito ang mga gawain, mga
pagsasanay na sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang
malinang sa modyul na ito.

Mga Layunin

Sa kabanatang ito, nnaasahang sa katapusan ng kabanatang ito:

1. Nahihinuha ang layunin ng kausap batay sa paggamit ng mga salita at


paraan ng pagsasalita; (F11WG-IIf-88)

2. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng


paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.
(F11EP-IIf-34)

 
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang


pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng pagkatuto. Tampok dito ang
tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay (Subukin at Tayahin)
kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga
konseptong pangwika. Makikita sa bahaging pagyamanin naman ang mga
mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na
lilinangin sa aralin. Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang
mga layuning pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga
kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay.

KAKAYAHANG DISKORSAL
2
Pagtiyak sa Kahulugang Ipinahahayag ng mga Teksto/Sitwasyon ayon sa
Konteksto

https://www.google.com/search?
q=kakayahang+diskorsal&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALeKk020AVzrEigxtlahnx9i7p1XSIbHfg:1590763696011&source=lnms&tbm
=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjusJbIqNnpAhUN_GEKHWrTBK0Q_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=q1jIjAn-tdTe_M

SUBUKIN

3
PANIMULANG PAGTATAYA

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay Tama o Mali.


Ipaliwanag sa isa hanggang dalawang pangungusap kung bakit ito ang iyong
kasagutan. Isulat ang iyong kasagutan sa hiwalay na papel, o notbuk.

_____ 1. Nakakahawang sakit ang ebola virus.

_____ 2. Maaaring mahawa ng Ebola kung gagamitin ang unan na ginamit ng may
sintomas nito.

_____ 3. Ang mga sintomas ng Ebola gaya ng pamumula ng mata at pagdurugo ng


ilong ay posibleng maranasan ng isang taong nahawa nito kalahating
buwan matapos makasalamuha ang maysakit.

_____ 4. Talamak ang Ebola sa kontinente ng Asya.

_____ 5. Wala pang lunas sa Ebola bagama’t makatutulong ang pagpapanatiling


malinis sa katawan.

_____ 6. Kung nakararamdam ng pagkahilo matapos ang paglalakbay sa


apektadong bansa, agad na makipag-ugnayan sa mga airport
quarantine officer.

_____ 7. Mahalagang maibigay ang helath information checklist ng mga pasaherong


bumiyahe sa loob ng Pilipinas.

_____ 8. Nararapat na kaagad maibukod sa ibang tao ang sinumang kakikitaan ng


sintomas ng Ebola.

_____ 9. Susi sa paggaling sa Ebola ang pagsasalin ng dugo sa maysakit.

_____ 10. Nakikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Kalusugan sa Kagawaran ng


Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs) upang maiwasan
ang Ebola.

Panuto: Tukuyin ang pamantayang ipinahihiwatig sa bawat bilang. Isulat ang sagot
sa ¼ piraso ng papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

4
Pamamahala sa Pag- Pamamahala sa Pag-
Bisa
uusap uusap

Pagkapukaw-damdamin Pakikibagay Pagkapukaw-damdamin

1. Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap.


Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay
nagpapatuloy at naiiba.

2. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay ang


damdamin sa katauhan ng ibang tao.

3. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang pag-
uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.

4. Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng


pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

5. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong gamitin ang
kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

ARALIN 1

Kakayahang
5
Diskorsal
Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa kakayahang diskorsal

YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalasatasan ay nangangahulugan ng


pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng
makabuluhang pahayag. Maaaring ang mga pahayag ay naipamalas sa ugnayan ng
dalawa o higit pang taong nag-uusap. Maaaring magpahayag din nang mag-isa,
gaya sa mga interbyu, talumpati o pagkukuwento. Samakatuwid, ang matas na
kasanayan ng isang tao sa wika ay pinatunayan din sa kaniyang kapasidad na
makilahok sa mga kumbersasyon at makalikha ng mga naratibo.

Ang Kakayahang Diskorsal ay nakatuon koneksiyon ng magkakasunod na


pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan (Savignon,2007) at hindi sa
interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap. Pagtiyak sa kahulugang
ipinahahayag ng mga teksto o sitwasyon ayon sa konsteksto. Saklaw nito ang
pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang
makabuluhang teksto.

Dalawang bagay na isinasaalang-alang

1. Cohesion o pagkakaisa
2. Coherence o pagkakaugnay-ugnay

Halimbawa:

Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung napagdidikit ang kahulugan ng


mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.

A: Sobrang kalat naman dito!

B: Huhugasan ko na lang ang mga plato.

Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang


mga pahayag. Gayunpaman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil
naunawaan ni B ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat.

6
Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa
lingguwistikong paraan. Ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at
magkaugnay ay masasabing may kakayahang diskorsal

 
Gawain 1

Panuto: Ayusin ang mga pahayag sa ibaba batay sa wastong pagkakasunod-


sunod nito upang makabuo ng isang kuwento. Talakayin sa klase ang naging
batayan sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. May mga salita
bang nagpapahiwatig ng sunuran?

_____ Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito.
_____ Isang araw, namamasyal sa tabing –ilog si Pagong at si Matsing.
_____ Umiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog
pero itinapon pa rin siya ni Pagong.
_____ Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli.
_____ Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kaniyang saging, nakipagkasundo siya
kay Matsing na siya ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na
bunga.
_____ Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahoon at itinamin ito sa kakahuyan.
_____ Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya ay gaganda ang kaniyang balat.
_____ Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging.
_____ Inubos ni Matsing ang lahat ng bunga kaya nagalit si Pagong.
_____ Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na
ikinatuwa naman niya dahil dadami siya at magkaroon ng kasama.
_____ Kinuhan naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing-
ilog.
_____ Kinalaunan, namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay
Pagong.
_____ Dahil natuwa na namang muli si Pagong, napagdesisyunan ni Matsing na
itapon na lang si Pagong sa ilog upang malunod.
_____ Nilagyan ni Pagong ng mga tinik ang bababaan ni matsing kaya natinik ito at
nasaktan.
_____ Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumangoy. Naisahan niya si
Matsing.

https://sites.google.com/site/merlen1603/mga-kwentong-pang-bata/si-pagong-at-si-matsing

B. SURIIN
7
Pagpapahaba ng Pangungusap

1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga—napahahaba ang pangungusap


sa pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala at iba
pa.
Halimbawa: May ulam pa? May ulam ba?

2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring---- napapahaba ang


pangungusap sa tulong ng mga panuring na na at ng.
Halimbawa: Siya ay anak. Siya ay anak na babae. Siya ay anak na
bunsong babae.

a. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento--- napapahaba ang


pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o ang Bahagi ng
panaguri na nagbibigay ng Kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng
komplemento ng pandiwa ay tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o
sanhi, layon at kagamitan.

b. Komplementong tagaganap--- isinasaad ang gumagawa ng kilos.


Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip.
Halimbawa: Ibinalot ni Jay ang mga tiring pagkain.

c. Komplementong tagatanggap—isinasaad kung sino ang nakinabang sa


kilos, Pinangunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa: Naghahanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.

d. Komplementong ganapan--- isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.


Pinangunahan ng panandang sa at mga panghalili nito.
Halimbawa: Namalagi sila sa evacuation area.

e. Komplementomg sanhi—isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos.


Pinangunahan ng panandang dahil sa o kay at mga panghalili niyo.
Halimbawa: Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa
sugal.

f. Komplementong layon--- isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng


pandiwa. Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa: Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.

g. Komplementong Kagamitan—isinasaad nito ang instrumentong ginamit


upang maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa
pamamagitan ng at mga panghalili nito.
8
Halimbawa: Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng
impormasyon.

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal--- napagtatambal ang


dalawang payak na pangungusap sapamamagitan ng mga pangatnig na at,
ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay
Tinatawag na tambalang pangungusap.
Halimbawa: Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda
sa palengke ang kaniyang nanay.

Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang


Pangkomunikatibo

Ang kakayahang komunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi isa-isa.


Hindi maaaring sabihing ikaw ay may kakayahang pragmatic ngunit walang
kakayahang sosyolingguwistiko o kaya naman may kakayahang diskorsal pero
walang kakayahang lingguwistiko. Dapat tandaan na ang isang taong may
kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi
ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang angkop sa mga
sitwasyong pangkomunikatibo (Bagari, et. al. 2007).

Anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody (2000)

1. Pakikibagay (Adaptability)

Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan


ang pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipakita ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)

Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang


paksa sa pakikisalamuha sa iba.

Makikita ito kung taglay ang sumusunod:


a. kakayahang tumugon
9
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. kakayahang making at mag-pokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)

Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol


nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy
at naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)

Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng


ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa
kalagayan ng isang tao o samahan.

5. Bisa (Effectiveness)

Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at


nauunawan.

6. Kaangkupan (Appropriateness)

Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar


ng pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016)

 
Gawain 2 10
Panuto: Pahabain ang sumusunod na pahayag gamit ang mga paraan sa
pagpapahaba ng pangungusap ayon sa mga nakalahad at mga halimbawa.

1. Maganda ang Pilipinas……


2. Ihanda mo ang iyong sarili…..
3. Nakikita na ang kaunlaran sa timog Silangang Asya…
4. Dumating ang Pangulo….
5. Mahuhusay ang mga Pilipino….
6. Suportahan ang isapang pangkapayapaan….
7. Paglingkuran ang sambayanan…..
8. Bumili ang pamahalaan….
9. Mamumuhunan ang mga dayuhang negosyante…..
10. Ipaglaban ang kalayaan…..

C. PAGYAMANIN

 
Gawain 3

Panuto: Pumili ng isang premis sa ibaba. Sumulat ng sanaysay batay sa napiling


premis. Isulat ang sanaysay sa isang buong papel. Buoin ang sanaysay ng hindi
bababa sa dalawampong (20) pangungusap.

1. “Ang kahulgan ng sinasabi ng tao ay hindi lamang nakabatay sa mga salitang


kaniyang binibigkas kundi nasa kung paano niya ito binigkas. Ngareresulta sa
pagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan o interpretasyon ang binitawang salita
dahil sa paraan ng pagbibitaw ng salita”.

2. “Ang Kahulugan ng sinasabi ng tao—berbal man o di-berbal—ay nakaayon sa


kulturang kaniyang kinabibilangan”.

3. “Ang Kahulugan ng sinasabi ng tao ay nabubuo sa pamamagitan ng


pakikipagnegosasyon o pakikipagtalaban ng Kahulugan sa kausap”.
11
Gamitin ang rubrik sa ibaba sa pagtatasa sa sanaysay.

Pamantayan Puntos Iskor


Organisasyon
 Malinaw na naipaliliwanag ang tinutukoy
ng premis 40
 Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng
mga ideya
Estilo
 Sapat ang mga patunay at detalye na 30
ginamit
 Maayos at mabisa ang paggamti sa wika
Anyo
 Angkop ang Pormat na ginamit 40
 Wasto ang pagkakasulat ng mga
pangungusap
Kabuuan 100

D. ISAGAWA

 
Gawain 4

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang talumpati. Sa loob ng


dalawampong (20) minuto, ipahayag ito sa klase sa pamamgitan ng
isang pagbibidyu sa sarili. Dapat na may angkop na tono at kumpas
ito. Ipasa rin sa guro ang isinulat na talumpati.

1. Paglalaan ng maraming oras ng mga estudyante sa online games


2. Pakikipagrelasyon ng kabataan
3. Nightlife o paglilibang sa gabi

Narito ang rubriks sa pagtatasa:

Kategorya Nagsisimula Nagtatangka Mahusay Napakahusay Puntos


12
5-8

0-4 9-12 13-15

Hindi Bahagyang Naiaangkop ang Ganap na


naiaangkop naiaangkop talumpati sa naiaangkop ang
ang talumpati ang talumpati tagapakinig; talumpati sa
Kahandaan sa tagapakinig sa tagapakinig nakakukuha ng tagapakinig at
at hindi at nakakukuha atensiyon nakatutok ang
nakakukuha ng ng kaunting mga
atensiyon atensiyon tagapakinig at
litaw ang
interes sa
talumpati

Hindi maayos May tangkang Nakapagpaliwan Maaayos na


ang maipaliwanag ag ng mga naipaliwanag
pagpapaliwana ang ideya; may ideya; ang mga ideya;
Kaalaman g; halos naibabahaging nakapagbabaha maraming
sa paksa walang ilang bagong gi ng bagong naibahaging
naibabahaging kaalaman at kaalaman at bagong
bagong kaunting kumukilala sa kaalaman at
kaalaman at sanggunian sanggunian mahusay ang
sanggunian pagkilala sa
sanggunian.

Mahina sa May ilang Angkop ang Mahusay ang


gramatika at pagkakamali gramatika at ang gramatika at
sa pagpili ng sa gramatika mga salitang ang mga
Kahusayan angkop na at sa pagpili ng Ginagamit; salitang
sa salita; hindi angkop na maayos ang Ginagamit ;
Pagsasalita maayos ang salita; maayos- pagbigkas; hindi maayos na
pagbigkas ng ayos ang kinakabahan maayos ang
salita; halatang pagbigkas ng bigkas ng mga
kinakabahan mga salita;; tila salita; litaw ang
kinakabahan kumpiyansa sa
pagsasalita

KABUUAN

13
Mahalagang malaman ang anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody
(2000)

1. Pakikibagay (Adaptability)

Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang


pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipakita ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)

Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa


pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ang sumusunod:
a. kakayahang tumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. kakayahang making at mag-pokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)

Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol nito ang


daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)

Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao


at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan
ng isang tao o samahan.
5. Bisa (Effectiveness)

Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at


nauunawan.

TAYAHIN

14
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay Tama o Mali.


Ipaliwanag sa isa hanggang dalawang pangungusap kung bakit ito ang iyong
kasagutan. Parehong suggestion po sa paunang pagtataya

_____ 1. Nakakahawng sakit ang ebola virus.

_____ 2. Maaaring mahawa ng Ebola kung gagamitin ang unan na ginamit ng may
sintomas nito.

_____ 3. Ang mga sintomas ng Ebola gaya ng pamumula ng mata at pagdurugo ng


ilong ay posibleng maranasan ng isang taong nahawa nito kalahating
buwan matapos makasalamuha ang maysakit.

_____ 4. Talamak ang Ebola sa kontinente ng Asya.

_____ 5. Wala pang lunas sa Ebola bagama’t makatutulong n panatilihing malinis


ang katawan.

_____ 6. Kung nakaramdam ng pagkahilo matapos ang paglalakbay sa apektadong


bansa, agad na makipag-ugnayan sa mga airport quarantine officer.

_____ 7. Mahalagang maibigay ang helath information checklist ng mga pasaherong


bumiyahe sa loob ng Pilipinas.

_____ 8. Nararapat na kaagad maibukod sa ibang tao ang sinumang kakikitaan ng


sintomas ng Ebola.

_____ 9. Susi sa paggaling sa Ebola ang pagsasalin ng dugo sa maysakit.

_____10. Nakikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Kalusugan sa Kagawaran ng


Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs) upang maiwasan ang
Ebola.

Panuto: Tukuyin ang pamantayang ipinahihiwatig sa bawat bilang at isulat ang


sagot sa ¼ piraso ng papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

15
1. Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap.
Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay
nagpapatuloy at naiiba.

2. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay ang


damdamin sa katauhan ng ibang tao.

3. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang pag-
uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.

4. Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng


pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

5. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong gamitin
ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

Pamamahala sa Pag- Bisa Pamamahala sa Pag-


uusap uusap
Pagkapukaw- Pakikibagay Pagkapukaw-
damdamin damdamin

 
SUSI NG PAGWAWASTO

16
Panimulang Pagtataya

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama

Gawain 1:
1. 4 A.
2. 1
3. 13 M
4. 2
5. 8
6. 5
7. .11
8. 3
9. 9
10. 12.
11. 6
12. 7
13. 14
14. 10
15. 15

Gawain 2: Nasa guro ang pagpapasiya


Gawain 3: Nasa guro ang pagpapasya
Isagawa: Nasa guro ang pagpapasiya
Tayahin:

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama

ga Aklat
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.

17
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


927 Quezon Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016

Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at Pananaliksik

B. Websites

https://www.google.com/search?
q=kakayahang+diskorsal&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALeKk020AVzrEig
xtlahnx9i7p1XSIbHfg:1590763696011&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKE
wjusJbIqNnpAhUN_GEKHWrTBK0Q_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657#imgr
c=q1jIjAn-tdTe_M

https://sites.google.com/site/merlen1603/mga-kwentong-pang-bata/si-pagong-at-si-
matsing

18

You might also like