You are on page 1of 8

Pangalan:

______________________________________________________________
Seksyon:
______________________________________________________________

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 5 (Week 5)
KOMPONENT NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
( Kakayahang Lingguwistiko at Sosyolinguwistiko)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

1
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod


na kasanayang pampagkatuto:
a. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan F11PT – IIe – 87;
b. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan .
F11PS – IIe – 90. Sa huli, nilalayon ng kabanatang ito na masuri ang kalikasan at gamit
ng wika.

SURIIN
Sa araling ito kaibigan tatalakayin natin ang unang komponent ng kakayahang
komunikatibo; ang kakayahang lingguwistiko/gramatikal at ikatlong komponent ang
sosyolingguwistiko. Sa pag-aaral ng maraming dalubwika, kung kakayahang pangkomunikatibo
ang pag-uusapan, isang bahagi lang nito ang kakayahang lingguwistiko. Sa mga naunang
framework o modelo ng mga lingguwista sina Canale at Swain (1980-1981) ay may tatlong
komponent silang iminungkahi. Ang mga ito ay ang kakayayanag gramatikal, sosyolingguwistiko,
at istratedyik. Sa sumunod na bersyon ng nasabing modelo, si Canale (1983-1984) ay nagsalin ng
ilang elemento mula sa kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo ang ikaapat na komponent,
ang kakayahang diskorsal. Sinasabi nina Canale at Swain, ang kakayahang lingguwistiko o
gramatikal ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks,
semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. Ang komponent na ito ay magbibigay
kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at
pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.

Ngayon sa kakayahang sosyolingguwistiko na naman tayo. Kilala niyo ba si Dell


Hymes? Alam niyo ba na siya ay isa sa mga mahuhusay na lingguwista na nag-iwan ng malaking
ambag sa larangan ng sosyolingguwistika. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay maituturing na
gamit o kasangkapan sa sosyolisasyon, na ang ugnayang sosyal ay hindi magiging ganap o buo
kung wala ang wika. Ang paliwanag naman ni Hymes (1967) ukol sa kakayahang komunikatibo,
mahalagang malaman kung kailan tayo magsasalita at hindi magsasalita, ano ang pag-uusapan,
sino ang kakausapin, saan, at sa paanong paraan.Halimbawa: Magkaiba ang magiging takbo ng
usapan sa loob ng isang pormal na komunikatibong sitwasyon gaya ng talakayan sa klase,
asembleya, o pagpupulong kumpara sa isang impormal na sitwasyon gaya ng kwentuhan ng
magkakamag-aaral sa labas ng silid-aralan. Nangangahulugan ang kakayahang
sosyolingguwistiko ay ang pag-unawa batay sa kung sino, paano, kailan, saan at bakit
nangyayari ang sitwasyong pangkomunikatibo. Binibigyang-pansin dito ang pagkakaiba ng
COMPETENCE o KAGALINGAN o KAKAYAHAN sa PERFORMANCE o PAGGANAP.

Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Phoenix Publishing House (2016) p.153-160

2
Bakit mahalagang pag-aralan kakayahang sosyolingguwistiko?

Kinakailangang pag-aralan ang kakayahang sosyolingguwistiko dahil ang Pilipinas ay isang


multilingguwal at multikultural na bansa, kinakailangang ang kakayahang ito upang magkaroon ng
epektibong komunikasyon sa anumang sitwasyong maaaring kasangkutan at susi ng epektibong
komunikasyon na ito ang kakayahang sosyolingguwistiko. Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay
hindi lamang nakakahon sa mga lingguwistikong kumbensyon ng wika kung hindi, tumutuon ito sa
panlipunang alituntunin sa paggamit ng wika.Ayon kay Savignon (1972) isang propesor sa
University of Ellinois,ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa
wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Ayon sa kanya magiging
maayos lamang ang komunikasyon kung ito’y isasaayos. Kaya ang salitang SPEAKING sa ingles
na tinatawag naman sa Filipino na Pagsasalita ay isang anyo ng kamunikasyon ng tao.
Karaniwang ginagamit ang pagsasalita sa araw-araw na pamumuhay kaya ito ay napakahalaga
sa atin dahil nabigyan ng mga posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o
ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din ito sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kaya, basahin at
unawaing mabuti ang mnemonic device na SPEAKING at ang kahalagahan nito bilang
mahalagang elemento sa alinmang speech activity.

Setting – Tumutukoy ito sa pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o
pakikipagtalastasan. Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao.Kailangan
iangkop natin ang ating pananamit at pananalita sa lugar kung saan nangyayari ang usapan.
Halimbawa: Kapag tayo ay nasa pormal na palatuntunan, hindi tayo makikiapag-usap na tayo ay
parang nasa kalsada. Ang mga salitang ito ay ang mga sumusunod: tsimay, isnab, sikyo, tsimay,
ermat, erpat.

Participant – Kinakatawan nito ang mga taong nakikipagtalastasan. Dapat nating isaalang-
alang kung sino ang ating kakausapin o kinakausap. Hindi natin kinakausap ang ating guro tulad
ng pakikipag-usap natin sa ating kaklase o kaibigan, dahil sa ating guro kinakailangan nating
maging magalang samantalang kampante naman tayo sa ating mga kaklase o kaibigan.
Mahalagang maging magalang tayo sa pakikipag-usap sa ating mga guro samantalang maaaring
maging kampante o komportable naman tayo sa ating mga kaibigan o kaklase.

3
Ends – Ito ay ang mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. Alamin natin kung ano ang
ating mga layunin sa gagawing pakikipag-usap. Halimbawa kung hihingi tayo ng pabor
kinakailangan natin ang pagpapakumbaba.
Act sequence- Tumutukoy ito sa daloy o sa takbo ng usapan. Maging sensitibo sa takbo
ng usapan. Halimabawa kapag mainit ang takbo ng usapan kailangan nating maging kalmado sa
pakikipag-usap upang magtatapos sa isang mapayapang usapan. Kung minsan naman ang
biruan ay nagbubunga ng pagkapikon at alitan kaya kailangan maging mapagmasid tayo sa kahit
anong takbo ng usapan.

Keys- May kinalaman ito sa tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook/lugar,


nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di- pormal.
Halimbawa ang mga salitang balbal o mga salitang kalye ay di dapat gamitin sa mga sitwasyong
pormal.

Instrumentalities- Nakapaloob naman sa elementong ito ang tsanel o midyum na ginamit


na maaaring pasalita o pasulat. Dapat alamin natin kung ano ang dapat sabihin at kung saan natin
ito sasabihin.

Norms- Dito naman makikita ang paksa ng usapan. Mahalagang alamin natin kung tungkol
saan ang usapan. Minsan may mga sinasabi ang mga nakakatanda “ito ay usapang pangmatanda
lamang”, usapang pambabae o “ girls talk”, may usapang panlalaki rin. Ibig sabihin kailangan
nating iangkop ang paksa ng ating usapan kung saan ito nababagay o nabibilang.

Genre – Ikinokonsider dito ang diskursong ginagamit. Kailangang maging sensitibo tayo sa
kung anong diskurso ang gagamitin. Nagsasalaysay ba, nangangatwiran, o nakikipagtalo.

Ang modelong SPEAKING na tinatawag ni Hymes ay nakapaloob sa etnograpiya ng


komunikasyon. Ang salitang Etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at
kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-unayan sa mga kalahok sa
kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na ang pag-aaral sa
wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na
gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998). Isang kahingian, kung gayon, na
pahalagahan ang mga salik na nababanggit sa modelong SPEAKING tungo sa mas maayos at
mabisang komunikasyon sa tiyak na konteksto.

https://prezi.com/pov4ncg4gwb1/kakayahang-sosyolingguwistiko/
4
 
Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyong pangwika.Tukuyin kung sino ang nag-
uusap,paano nangyari ang pag-uusap( sa pamamagitan ng diyalogo), kailan, saan at bakit
nangyayari ang usapan. Gawing batayan ang acronym na SPEAKING. (Napipili ang angkop na mga salita
at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan.F11PS – IIe – 90). Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.

1. Sa isang shopping center sa Cebu, sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Sinulog, may dalawang


turistang tila naliligaw. Magalang na nagtanong ang dalawang turista sa isang mamimili kung
saan sila makakakuha ng taxi papuntang Basilica Del Santo Niňo. Tinulungan naman ito ng
mamimili hanggang sa makasakay ng taxi ang dalawang turista.

S- Saan ginaganap ang pag-uusap?


_____________________________________________
P-Sino-sino ang mga kalahok sa sitwasyon?
_______________________________________
__________________________________________________________________________
E- Ano ang pakay ng pag-uusap? _______________________________________________
__________________________________________________________________________
A - Paano ang nagging takbo ng usapan?_________________________________________
__________________________________________________________________________
K-Ano ang tono ng pag-uusap?
_________________________________________________
__________________________________________________________________________
I-Anong midyum ang ginamit sa pag-uusap?
_______________________________________
__________________________________________________________________________
N-Ano ang paksa ng usapan?
___________________________________________________
__________________________________________________________________________
G-Anong uri ng diskurso ang ginamit?
____________________________________________
__________________________________________________________________________

2. May magkasintahang nagbabalak na magpakasal at nais nilang malaman ang mga dapat nilang
ihanda kung saka-sakaling sila ay lalagay na sa tahimik. Nagpunta sila sa isang wedding
planner na nakilala nila sa isang online site ng mga event organizer.Napagkasunduan nilang
magkita sa isang restoran upang pag-usapan ang mga dapat gawin at ang maaaring gasto kung
sila ay magpapakasal.

S- Saan ginaganap ang pag-uusap?


_____________________________________________
P-Sino-sino ang mga kalahok sa sitwasyon?
_______________________________________
__________________________________________________________________________
E- Ano ang pakay ng pag-uusap? _______________________________________________
__________________________________________________________________________
A - Paano ang nagging takbo ng usapan?_________________________________________

5
__________________________________________________________________________
K-Ano ang tono ng pag-uusap?
_________________________________________________
__________________________________________________________________________
I-Anong midyum ang ginamit sa pag-uusap?
_______________________________________
__________________________________________________________________________
N-Ano ang paksa ng usapan?
___________________________________________________
__________________________________________________________________________
G-Anong uri ng diskurso ang ginamit?
____________________________________________
__________________________________________________________________________
Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016) p.170-171
ISAGAWA

 
Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
1. Bilang isang mag-aaral bakit kailangan kong matutunan ang komponent ng kakayahang
komunikatibo ( lingguwistiko at sosyolingguwistiko)? Isulat ang iyong sagot sa nakalaang
espasyo.

Bilang isang mag-aaral kailangan ko matutunan ang komponent ng kakayahang


komunikatibo dahil
______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Paano mo mapapaunlad ang iyong kakayahang komunikatibo, na maaari mong magamit sa


iyong sarili, pamilya at komunidad?

Mapapaunlad ko ang aking kakayahang komunikatibo na maaari kong magamit sa aking


sarili sa pamamagitan ng :
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

6
Sa aking pamilya sa pamamagitang ng:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Sa aking komunidad sa pamamagitang ng:


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na nagkakaintindihan. Kaya sa


pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat na alam ang tuntuning pang-gramatika. -Ang pangunahing layunin
sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na sitwasyon, maipahatid ang tamang
mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap. Ang kakayahang linggwistiko ay isang
kakayahan o katalinuhan sa larangan ng isang linggwahe. Ang lingwistikong kakayahan ay binubuo ng
kakayahan nito sa isang wika sa tamang pagbigkas, pagsulat. May malalim na kaalaman sa isang wika sa
pagsulat at sa pagbigkas, na may taglay ng tamang gramatika. Samantala ayon kay Jocson, et. al. (2014)
pahalagahan ang lugar ng usapan, igalang ang kausap, maging konsistent sa paksang pinag-uusapan,
isaalang-alang ang genre ng usapan gayundin ang layunin ng pag-uusap at higit sa lahat, pasalita man o
pasulat ang komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag-uusapan iyan naman ang
sosyolingguwistikong kakayahan. Nawa’y naging malinaw sa iyo ang paksang aralin. Paalam.

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

_____ 1. Ito ay pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o pakikipagtalastasan.
a. Keys b. Participants c. Setting d. Act Sequence
_____ 2. Ito ang tawag sa takbo ng usapan
a. Act Sequence b. Participants c. Instrumentalities d. Keys
_____ 3. Ito ay tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat.
a. Norms b. Genre c. Participants d. Instrumentalities
_____ 4. Ito ay kumakatawan sa paksa ng usapan.
a. Participants b. setting C. Norms d. Keys
_____ 5. Ito ay may kinalaman sa tono ng pakikipag-usap.
a. Genre b.keys c. setting d. Norms

7
_____ 6. Sino ang nagsabi na ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao
sa wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika.
a. Dell Hymes b. Hymes c. Savignon d. Savignonon
_____ 7. Siya ay isa sa mga mahuhusay na lingguwista na nag-iwan ng malaking ambag sa larangan ng
sosyolingguwistika.
a. Savignon b. Hymes c. Dell d. Dell Hymes
_____ 8. Ito ay tinatawag na isang anyo ng kamunikasyon ng tao.
a. Speaking b. pananalita c. Speking d. pag-uusap

_____ 9. Ito ang diskurso na ginagamit sa pagsasalita.


a. Keys b. Instrumentalities c. Genre d. setiing
_____ 10. Ito ay ang mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan.
a. Ends b. Genre c. Setting d. Keys

You might also like