You are on page 1of 7

laa

n
I LI
a B
m
ah
BI Pangalan:
g
Pa
A G ______________________________________________________________
in
-a
a r
PIN Seksyon:

Pa
g
I I
______________________________________________________________
ND
HI
Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Kuwarter – Modyul 4 (Week 4)
Kakayahang Pangkomunikatibo

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas


1
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Natutukoy ang mga angkop na salita,pangungusap ayon sa konteksto ng
paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon; (F11PN-IId-89)
b. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng
mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika.
(F11EP – IId – 33 )

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa kakayahang pangkomunikatibo sa sitwasyon ng wika sa Pilipinas.

A. SURIIN

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


(KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKA)

Ano ang ibig sabihin ng Kakayahang Pangkomunikatibo? At kailan natin masasabi


na ang isang mag-aaral na tulad mo ay may kakayahang pangkomunikatibo?

Ang salitang kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence ay


nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist at folklorist na si Dell Hymes noong 1966
na mula sa Portland Oregon. (Dayag at del Rosario, 2016).Sinasabing sa mga silid-
aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Ngunit hindi sapat na basta lamang
itong umiikot o nakatuon sa kayarian ng wika o gramatika tulad ng bahagi ng panalita,
bantas, baybay, ponolohiya, mormolohiya at iba pa. Dahil masasabi lamang na ang isang
Pilipinong mag-aaral ay nagtataglay ng kakayahang pangkomunikatibo kapag naipahatid
nang maayos sa kausap ang diwang nais iparating sa kinakausap at magamit ang pang -
unawang ito sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong buhay pasalita man o pasulat. Si
Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala, at maimpluwensiyang antrpologist na
maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit. Mula sa kanyang pag- aaral ay
ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative
competence na nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistiko. Ang kakayahang
lingguwistiko ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng
maayos at makabuluhang pangungusap. Ang kakayahang komunikatibo naman ay
tumutukoy sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaskyong sosyal.

Hinihimok ni Dr. Hymes ang kanyang mga tagasunod na pag-aralan ang lahat ng
uri ng diskursong nangyayari sa buhay tulad ng usapan ng mga tao sa mesa; mito,
alamat, at mga bugtong; mga testimonya sa korte, talumpating pampolitika, mga elehiya,
ta mga saluting ginagamit sa pamahalaan. Bahagi na gusto niyang malaman ay kung
paano nagkakaiba- iba ng mga ito sa iba’t ibang kultura.
Sipi mula kay Alma Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p. 149-150

2
 
Gawain 1

Panuto: Mula sa naging talakay, ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano


nagkakaiba ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo.
Isulat ang paliwang sa mga kahong nakalaan sa ibaba.

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

B. PAGYAMANIN

Ang Kakayahang Pangkomunikatibo at Social Media

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutunan lang ang mga


tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito
nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang:

(1.) maging maayos ang komunikasyon,


(2.) maipahatid ang tamang mensahe, at
(3.)magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag- uusap.

Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang


komunikatibo. Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang kasanayang
nararapat nataglayin ng bawat isa sa lipunan. Ang tao ay ay isang panlipunang nilalang
na nangangailangang makihalubilo sa kanyang kapwa tao sa halos lahat ng panahon.
Ang isang mag-aaral ay kailangang makisalamuha sa kapwa niya mag-aaral at sa mga
guro sa halos lahat ng pagkakataon, lalung-lao na kung nasa paaralan. Ang kakayahang
komunikatibo ay nararapat lamang hasain dahil malaki ang maitutulong nito bilang
paghahandasa mapipiling karera ng isang mag-aaral sa hinaharap. Kung hindi marunong

3
ang isang mag-aaral makipag-ugnayan sa kapwa tao, maaring magiging sanhi ito ng hindi
pagkakaintindihan na siya ring kadalasang puno't dulo ng away.
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na
kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nagkikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat
ng mga Internet-Based na mga aplikasyon na bumubuo ng idelohikal at teknolohikal na
pundasyon ng Web 2.0 nanagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman
na binuo ng gumagamit.

Mga Uri ng Social Networking

1. MySpace --- Isa ito sa mga laganap na Social Networking (SN), ayon kay Paul Marks
(2006). Ang MySpace, ayon sa OUT-LAW.com (2006) ay ginawa ni Brad Greenspan
para sa lahat. Ito ay para sa mga magkakaiban at sa mga taong mahilig makipag-usap
sa iba; mga taong malayo sa kanilang pamilya at gustong makipagkamustahan o
makipag-usap sa kanilang pamilya; negosyante at kanilang mga katrabaho na
interesado sa SN; mga magkaklase at mga kapareha sa pag-aaral at marami pang
iba.

2. Multiply -- Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri ng social
network na nagbibigay-kakayahan sa mga gumagamit nito na magbahagi ng mga uri
ng midya tulad ng litrato, video, musika at iba pa sa loob ng sariling websayt. Ito ay
may kakaibang SN sayt. Dahil nga naturingan itong isang SN, hinahayaan nito ang
gumagamit na makipagpalitan ng social networking ay isang istrakturang sosyal
nanodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isang web-based
na nagbibigay sa mga indibidwal para (1)bumuo ng isang profile , ang tawag sa
impormasyong pormal na binibigay sa profile ng ibang indibidwal kung saan siya
konektado, (2) para computer-mediated.

3. Ang Facebook(literal na aklat ng (mga) mukha) ay isang social networking website na


libre ang pagsali at pinatatakbo at pag-aari ng facebook, Inc.na isang pampublikong
kompanya. Ginagamit sa pagpapadala ng mensahe, pag-upload ng mga larawan,
videos, makipag-chat o makipag-usap at iba’t iba pang gamit nito. Dinebelop ito ni
Mark Zuckerberg.

4. Ang Twitter ay nilikha noong Marso 2006 nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone at
Evan Williams at inilunsad noong Hulyo(taon). Mabilis na nagkaroon ang serbisyo ng
pandaigdigang katanyagan. Noong taong 2012, mahigit sa 100 milyong mga user ang
nag-host ng 340 milyong tweet kada araw, at nagkakaroon ang serbisyo ng 1.6 bilyong
search query kada araw. Noong 2013, naging isa ito sa sampung pinakabinibisitang
websayt at inilarawan bilang “ang SMS ng Internet”. Noongtaong 2016, naitala na
mayroon itong 319 milyong aktibong user kada buwan.

4
5. Ang YouTube ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga vide at nagbibigay-
daan para sa mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita , at ibahagi ang mga
video clips. Ang mga video ay maaaring husgahan ang dami ng husga at ng mga
nakanood ay parehong nakalathala. Ang YouTube ay sinimulan ng dating mga
empleyado ng Paypal na sina Steve Chen, Chard Hurley at Jawed Karin. Noong 2006,
binili ito ng Google at naging sangay ng naturang kompanya.

- https://brainly.ph/question/1733238#readmore

C. ISAGAWA

 
Gawain 2

Natutuwa ako na natapos mo nang maayos ang mga gawain sa tatlong yugto ng
pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka nang kaalaman upang sagutin ang
mga tanong naibibigay ko sa iyo sa gawain 2.

Panuto: Kagaya ng modelo sa ibaba, sagutin ang tanong at isulat ang sagot sa
nakalaang espasyo sa ibaba.

Mga dapat kong pahalagahan sa mga kakayahang pangkomunikatibo

1. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
5
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang kasanayan na nararapat


nataglayin ng bawat tao sa lipunan. Ang tao bilang isang panlipunang nilalang ay
nangangailangang makihakubilo sa kapwa tao sa halos lahat ng panahon. Ang kakayahang
komunikatibo ay nararapat lamang hasain dahil malaki ang maitutulong nito bilang
preparasyon sa mapipiling karera ng isang mag-aaral sa hinaharap. Kung hindi marunong ang
isang mag-aaral makipag-ugnayan nang sa kapwa tao, maaring magiging sanhi ito ng hindi
pagkakaintindihan na siya ring kadalasang puno't dulo ng away.

TAYAHIN
HULING PAGTATAYA

Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat ang
iyong sagot sa nakalaang espasyo.

______ 1. Ang salitang “kakayahang pangkomunikatibo” o communicative competence ay


nagmula sa isang lingguwistikang si___________.
a. Dell Hathaway Hymes
b. Dr. Fe Otanes
c. Noam Chomsky
d. Emily Langer

______ 2. Ano ang pangunahing Layunin sa pagtuturo ng wika?


a. Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taog nag-uusap
b. Maipahatid ang tamang mensahe sa taong kinakausap
c. Magamit ang wika ng wasto sa angkop na sitwasyon
d. Lahat ng nabanggit

______ 3. Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagkapwa sa iba,


ano ang kailangang gawin ng mga guro?
a. Bigyan sila ng maraming gawain
b. Bigyan sila ng maraming pagsusulit
c. Bigyan sila ng pagkakataong makilahok sa iba’t ibang gawain
d. Bigyan sila ng maraming takdang-aralin

6
______ 4. Tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap_____.
a. Sosyolingguwistiko
b. Diskorsal
c. Pragmatic
d. Lingguwistiko
______ 5. Ang nagsasalita ng wika ay hindi dapat magkaroon ng kakayahang ___.
a. Panglingguwistika
b. Komunikatibo
c. Lingguwistika
d. Lingguwista

______ 6. Alin sa mga sumusunod ang pinakasikat na social networking sites?


a. Facebook, You Tube , Instagram
b. Facebook, Instagram , Twitter
c. Faceboolk, You Tube, Pinterest
d. Facebook, Twitter , Vine

______ 7. Kung mayroon kang ipapaskil sa Internet, hanggang kailan ito mananatili sa
site na iyon?
a. 6 na buwan
b. 30 taon
c. 5 taon
d. Hangga’t hindi binubura

______ 8. Isang sikat na websyt na babahagi ng mga video at nagbibigay-daan para sa


mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video
clips.
a. Multiply b. Twitter c. Facebook d. Youtube

______ 9. Isang social networking website na libre ang pagsali at pinatatakbo at pag-
aari ng facebook Inc. na isang pampublikong kompanya.
a. Facebook b. Youtube c. Twitter d. Multiply

______ 10. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing mithiin ng wika?


a. Makabuo ng isang pamayanang malalalim ang mga salitang ginagamit sa
pagsasalita
b. Makabuo ng isang pamayanang nagtutulungan
c. Makabuo ng isang pamayanang mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang
d. Makabuo ng isang pamayanang mapayapa

You might also like