You are on page 1of 8

UNIVERSIDAD DE DAGUPAN

SCHOOL OF TEACHER EDUCATION


Arellano St., Dagupan City

5E`s Banghay-Aralin sa Filipino 8

Pangalan: Daren C. Mamaril


Petsa ng Pakitang-turo: January 10, 2024
Asignatura at Baitang: Filipino 8
Pamantasan: Universidad de Dagupan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng
panitikang popular sa kulturang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign).
Kakayahan ng Pagkatuto: Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at
personal na interpretasyon ng kausap.
A. Konsepto/paksa/kasanayan
Paksa: Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media user
Kasanayang pangkonsepto: Ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo at maisagawa ang
mga layuning inaasahan ng guro pagkatapos ng talakayan.

B. Layunin:

Sa pagtatapos ng talakayan, dapat na ang mag-aaral ay:


A. Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng multimedia (F8PT-
IIIa-c-29);
B. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon ayon sa paksa;
C. Nakapaglalarawan o nakasasagawa ng islogan at poster na nagpapakita ng social media
campaign;
D. Napahahalagahan ang tamang paggamit ng social media.
C. Kagamitan: laptop, Rolling TV, book, kartolina, pentel pen, tape, paper, kahon, cardboard, ring
bell at Television.

D. Sangguninan:
a. Pluma Filipino 8 page 214
b. https://www.youtube.com/watch?v=_xuci53eO_4

E. Pamamaraan sa Pagkatuto
1. Panalangin
2. Pagtala ng lumiban
3. Paglalahad ng mga alituntunin sa klase
4. Balik aral
1. PAGGANYAK (ENGAGE)
Ngayon klase, tumayo nga ang lahat. kung handa na ang lahat tayo ay sumayaw ng “You you
dance” mauuna ako at susunod ang mga mag aaral.

Handa na ba kayong lahat? (you you you Dance)

Batid ko nga na handa na ang lahat!


Bago magsimula sa ating talakayan ay magkakaroon muna tayo ng laro, Ito ay may pamagat na
“FAMILY FEUD”. Ipapangkat sa dalawa ang klase at ang bawat pangkat ay may pinuno.
Bago ang pagsisimula, ilalatag ng guro ang alituntunin o mechanics ng laro.
1. Magtatanong ang guro.
2. Ang mga pinuno ay tutukoy at magpapatintero para sagutin ang tanong, ang pangkat na nauna
sa pagpindot ng ring bell ang bibigyan ng pagkakataon na unang sumagot
3. Kung sino ang unang pinuno na sumagot, susunod ang kanilang miyembro sa paghuhula
hanggang mabanggit ang lahat ng mga lingo/termino na ginagamit sa social media.
4. Ang mananalo sa larong ito ay mag kakaroon ng premyo o reward, ngunit ang matatalo ay
sasayaw ng “you you you dance”.

1. Social media
2. Blogger
3. Hashtag
4. Netizen
5. Netiquette
6. Jejemon
7. Trending

2. PAGGALUGAD(EXPLORE)
Matapos mag bigay ng kasagutan ,ang mga mag-aaral papaikotin ang Recitaion Spin ang maituro
ang siyang magbibigay kahulugan/ngalan sa mga lingo/termino na makikita sa larawan.
Mahusay!

Magaling clap!

Sa inyong palagay tungkol saan ang ating talakayan sa araw na ito ?

3. PAGTATALAKAY(EXPLAIN)

Ang paksang tatalakayin natin sa araw na ito ay tungkol sa “Mga Dapat Ipabatid sa mga
Social media User”

Ano ang social media?

Ang social media ay isang online na platform o sistema ng komunikasyon na nagbibigay


daan sa mga tao na mag-ugnayan, magbahagi ng nilalaman, at makipag-interact sa kanilang mga
kapwa sa iba't ibang paraan.

Ang layunin ng social media ay palawakin at mapabilis ang komunikasyon, pagbabahagi ng


impormasyon, at pagpapakita ng koneksyon sa pagitan ng mga tao sa buong mundo.

Naintindihan ba ang kahulugan ng social media at ang layunin nito?

Maari bang magbigay ng halimbawa ng social media?

Ating tatalakayin “Ano nga ba ang tamang paraan ng paggamit ng social media”. Tatawag ang guro
ng mag-aaral nang babasa nito at papaikutin ng guro ang Recitation Spin, ang maturo ang siyang
sasagot sa mga tanong ng guro.
1. Tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong lugar.

Para sa iyo ang ibig sabihin nito?

Mahusay! Kaya nagpapaalala lamang ito na huwag masyado mag-post ng mga sensitibong
mga paksa o maseselang mga litrato lalo na huwag magpo-post ng mga nakasasakit o nakaka-
offend sa damdamin ng iba.

Magaling clap!

Naintindihan ba Grade 8?

2. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.

-Bakit nasabi na ang social media ay lugar ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan?

Mahusay! Ngunit maaring minsan ay magkaiba tayo ng pananaw sa iba’t ibang bagay subalit
tandaan natin na may karapatan ang bawat isa na magpahayag ng paniniwala at saloobin.

-Magbigay ng halimbawa ng sitwasyon base sa inyong karanasan.


Magaling Clap!

3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng article bago mag-komento o mag-
share.

Bakit kailangan basahin ng maigi ang article?

Tama!

Huwag puro react o share ng mga article, ito ay ating basahin at unawain ang buong pahayag nito.
kung ito ay hindi maintindihan magtanong sa mga nakakaalam o eksperto upang hindi makapag
pahayag ng mga maling impormasyon.

Naiintindihan ba?

4. Iwasang mag-share ng hindi beripikadong mga article o memes.

Ano ang ibig sabihin nito?

Tama! Tandaan na may iba pang websites na ang tanging pakay lamang ay manlinlang at
magpakalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon kaya iwasan natin ito.

Magbigay ng halimbawa ng kahihinatnan ng pag-share ng maling impormasyon?

Magaling clap!

5.Maging responsable sa lahat ng oras.

Bakit kailangan ito? Paano mo ito maisasabuhay?

Bilang isang social media user, bakit kailangang maging responsible at maging maingat sa
paggamit nito?

Magaling clap!

4.PAGLALAPAT (ELABORATE)

Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase. Gagawin lamang ito sa loob ng sampong minuto, ito ay
ipopost sa social media batay sa pamantayan sa pagganap. (Social media Awareness)

Unang pangkat
Poster ng social media campaign at pumili ng isa o dalawang representatibo upang ilahad ang
ginawang poster.
Sanggunian: https://bit.ly/483hEJy

Pangalawang pangkat
Islogan “nagpapakita ng tamang paggamit ng social media” at pumili ng representatibo upang
ilahad ang ginawang slogan.

Sanggunian : https://bit.ly/3RrgLF7

5.PAGTATAYA (EVALUATE)

Sagutin lamang ito ng sampong minuto.

Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Direksyon: Tukuyin ang tiyak na layon ng teksto batay sa mensaheng isinasaad ng mga pahayag.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Sa panahon ng information and communication technology, nararapat na maging malinaw
sa isipan ng mga guro na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng impormasyon
kundi isang facilitator na gumagabay at nagsisilbing konsultant rig kaalaman sa klasrum
a. nagpapabatid
b. nagpapaalala
c. nagbibigay ng papuri
d. naglalarawan
2 Mga kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang
internet, ay may positibo at negatibong epekto sa buhay ng mga kabataan.
a. nangangaral
b. nagsusuri
c. nagbibigay ng babala
d. nagtatanong
3. Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang ganap na
maiayos ang mga problemang kinahaharap ng bansa patungkol sa cyber-bullying. Karapat-
dapat lamang na bigyang-pugay ang taong nagsulong nito
a. nagbibigay ng pagkilala
b. nagpapaalala
c. nagbibigay ng payo
d. nang-uuyam
4. Huwag kaligtaang maging responsable at ethical sa paggamit ng social media. Laging
isaisip ang mga netiquette na dapat gawin ng bawat netizen.
a. nagtatampo
b. nang-uuyam
c. nagbibigay-payo
d. nagtatanong
5. Sa kasalukuyan, hindi na bago sa atin ang mga terminong gaya ng information age, e-
class, multimedia at e-mail, online/distance learning education, cybernetics, web page,
hypermedia, at marami pang iba.
a. nagsasalaysay
b. naglalarawan
c. nangangatwiran
d. nagpapaalala

Takdang-Aralin:
Magbigay ng mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon na nakikita at naririnig sa
social media o iba pa.

Inihanda ni:
Bb. Daren C. Mamaril
FS Observer

Sinuri ni: Isusuri ni:


G. Steven Luke M. Zarasate Bb. Mica Ella DC.
Estrada
Resource/Cooperating Teacher Middle and Senior High
Coordinator

Inaprubahan ni:
Dr. Ma. Ditas A. Fernandez
Academic Director/ School Principal
PAGTATAYA

Pangalan: Iskor:
Baitang at Seksyon: Petsa:

Sagutin lamang ito ng sampong minuto.


Panuto: Tukuyin ang tiyak na layon ng teksto batay sa mensaheng isinasaad ng
mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa panahon ng information and communication technology, nararapat na maging
malinaw sa isipan ng mga guro na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng
impormasyon kundi isang facilitator na gumagabay at nagsisilbing konsultant rin
ng kaalaman sa klasrum
a. nagpapabatid
b. nagpapaalala
c. nagbibigay ng papuri

2. Mga kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo


na ang internet, ay may positibo at negatibong epekto sa buhay ng mga kabataan.
a. nangangaral
b. nagsusuri
c. nagbibigay ng babala
d. nagtatanong

3. Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang


ganap na maiayos ang mga problemang kinahaharap ng bansa patungkol sa cyber-
bullying. Karapat-dapat lamang na bigyang-pugay ang taong nagsulong nito
a. nagbibigay ng pagkilala
b. nagpapaalala
c. nagbibigay ng payo
d. nang-uuyam

4. Huwag kaligtaang maging responsable at ethical sa paggamit ng social media.


Laging isaisip ang mga netiquette na dapat gawin ng bawat netizen.
a. nagtatampo
b. nang-uuyam
c. nagbibigay-payo
d. nagtatanong

5. Sa kasalukuyan, hindi na bago sa atin ang mga terminong gaya ng information


age, e-class, multimedia at e-mail, online/distance learning education, cybernetics,
web page, hypermedia, at marami pang iba.
a. nagsasalaysay
b. naglalarawan
c. nangangatwiran
d. nagpapaalala

You might also like