You are on page 1of 19

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikatlong Markahan - LAS 7
Ang Tekstong Prosidyural

1
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – LAS 7: Ang Tekstong Prosidyural
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Learning Activity Sheet (LAS)

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Raqel S. Domingo

Tagasuri ng Nilalaman: Anastacia N. Victorino


Tagasuri ng Wika : Raymond Villafane
Tagasuri ng Paglapat : Jeffrey M. Espino

Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.


Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng __________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

2
Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikatlong Markahan - LAS 7
Ang Tekstong Prosidyural

3
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.

C. MELCs
Pangpito - Walong Linggo
1. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag ng may:
a. Kalinawan b. Kaugnayan c. Bisa (F11PU – IIIfg – 90)

D. Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng
tekstong prosidyural.
2. Naibabahagi ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong prosidyural sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
3. Nakasusulat ng isang halimbawa ng tekstong prosidyural.

II. NILALAMAN

Aralin 7 - Ang Tekstong Prosidyural


a. Kahulugan at Layunin
b. Mga Bahagi at Elemento
c. Mga Dapat Isaalang-alang

4
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
Paunang Pagtataya:
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang tekstong prosidyural ay __________________________.
a. nagbibigay ng ideya c. nagbibigay ng panuto
b. nagbibigay ng kahulugan d. nagbibigay ng saklaw
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong prosidyural?
a. Artikulo c. Manwal
b. Manuskrito d. Polyeto
3. Aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad ng ganito:
"Inumin ang tableta, kada ikaanim na oras.”
a. Hakbang c. Layunin
b. Kagamitan d. Payo
4. Piliin kung aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad ng ganito:
"Mga sahog sa pagluluto ng pansit"
a. Hakbang c. Layunin
b. Kagamitan d. Sangkap
5. Piliin kung aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad: "2 tasang gata”
a. Hakbang c. Layunin
b. Konklusyon d. Sangkap
6. Piliin kung aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad: Kung paano maglaro
ng chess.
a. Ebalwasyon c. Kagamitan
b. Hakbang d. Layunin
7. Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang bagay.
Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at
appliances.
a. Direksyon c. Panuto
b. Manwal d. Recipe
8. Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng tekstong prosidyural maliban sa isa:
a. Ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong
deskripsyon.
b. Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
c. Ilista ang lahat ng gagamitin
d. Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa unang panauhan

5
9. Kinakailangan na gumamit ng salitang-kilos sa tekstong prosidyural.
a. Tama c. Hindi sigurado
b. Mali d. Wala sa nabanggit
10. Maaaring hindi detalyado ang mga impormasyon o paraan sa tekstong prosidyural.
a. Tama c. Hindi sigurado
b. Mali d. Wala sa nabanggit

B. Balik-aral
Panuto: Batay sa iyong mga natutuhan sa aralin ng tekstong argumentatibo, magbigay ng
ilang mga patunay upang mahikayat mo ang iyong mambabasa sa proposisyong ito: “Mas
epektibo ang pagkatuto ng mag-aaral sa Modular Distance Learning kaysa Online Distance
Learning.”

C. Paglulunsad ng Bagong Aralin

Ano nga ba ang tamang paraan ng paggamit ng social media?

Isa ka rin ba sa mga napapagod na sa masalimuot na mundo ng social media? Na-


mimiss mo na rin ba ang mga panahon na ginagamit lamang natin ang Facebook, Twitter,
Instagram, at iba pang mga social networking sites para paigtingin ang pagkakaibigan at mag-
share ng mga nakakatuwang mga kaganapan sa ating buhay? Ninanais mo rin bang maibalik
sa dati ang katiwasayan ng internet?
Ganoon din ang pakiramdam ng nakararami. Ikaw, ako, at marami pang iba ang
gustong makagamit ng social media nang maayos. Yung walang bangayan, walang murahan,
walang panlilinlang, o kaya’y pagkakawatak-watak.

6
Paano nga ba ang tamang paraan ng paggamit ng social media? Halina at baybayin
natin ang ilan lamang sa mga pamamaraan upang maibalik natin ang katinuan sa internet.
Maaaring sa pamamagitan ng pamamaraan na ito, magsilbi tayong halimbawa sa mas
nakararami pa nating mga kababayan at kaibigan upang mapanatili natin ang kagandahang-
asal sa online.

Una, tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong lugar. Anumang
bagay na i-post natin sa social media at sa internet ay naisasapubliko. Ang isang post ay
maaring mabasa ng daan-daan nating mga kaibigan. Maaari rin itong mai-share at umabot sa
libu-libo, o maging milyun-milyong nakakonekta sa internet.
Kaya dapat maging maingat tayo sa lahat ng ating mga pananalita, mga pictures, at
maging sa ating ekspresyon. Tandaan na maaaring mabasa ang mga ito ng samut-saring uri
ng tao; mga kamag-anak, mga kaibigan, maging ng ating mga employer. Tandaan na kung
ano ang ating reputasyon online, ganoon din ang kanilang magiging pagkilala sa atin sa tunay
na buhay.
Hangga’t maaari, iwasang mag-post ng masyadong pribadong mga paksa, maseselang
litrato at video, at huwag mag-post ng nakasasakit o nakaka-offend sa ibang tao, lalo na ang
patungkol sa kasarian, relihiyon, at pulitika.

Ikalawa, ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan. Ang


social media ay nilikha upang paigtingin ang ating koneksyon sa ating mga mahal sa buhay,
kaibigan, sa pamayanan, at maging sa kabuuan ng lipunan. Ang Facebook, Twitter, Instagram,
at iba pa, ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.
Maaring dumating minsan ang punto na magkasalungat ang ating mga pananaw sa
iba’t ibang mga bagay subalit tandaan natin na karapatan ng bawat isa ang magpahayag ng
paniniwala at saloobin. Hindi ito masama. Mas mainam nga na nakikipagkuro-kuro tayo.
Importante lang na manaig ang respeto sa mga pagkakaiba nating ito.
Kung masyado nang mainit ang usapan, bakit hindi mo yayaing magkape ang iyong
kaibigan at pag-usapan ang inyong mga punto sa tunay na buhay? Iba pa rin ang face-to-face
na pag-uusap.

Ikatlo ay ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng article bago magkomento
o mag-share. Minsan maysado na tayong nasanay sa instant: instant noodles, instant coffee,
instant lahat. Minsan pati sa mga bagay na nakikita natin online, gusto na rin natin ng madalian
at mabilisan. Kung kaya, maraming beses tayong napapaso dala ng pag-react sa headline
lamang.
Tandaan natin na importante ang pagbabasa at pag-unawa nang lubusan sa mga
bagay na nakikita natin sa internet. (Babala: hindi lahat ng nakikita sa internet ay totoo!)

7
Narito ang ilang mga gabay na tanong upang mas maunawaan natin ang ating mga
binabasa:
 Ano ang pangunahing paksa ng article na ito? (Tungkol saan ang article na ito?)
 Ano ang mga sumusuportang ideya sa pangunahing paksang ito?
 Ano ang gustong ipahiwatig ng manunulat/potograpo/may-akda ng gawang ito?
 Lahat ba ng mga naisulat/ipinapakikta/nailathala ay suportado ng siyentipikong
pagsusuri, ebidensya at patunay?
 Pantay ba sa lahat ng panig ang mga anggulo sa akdang ito?
 Maaari ko bang beripikahin at i-cross check sa iba pang mga sources ang mga sinasabi
at kine-claim ng awtor sa article na ito? Sumusuporta ba sa claim na ito ang iba pang
mga sources? O salungat ang mga ito?
 Itong akda/imahe/video ba ay diretsong pagpapahayag ng katotohanan/kaganapan
(facts)? O ito ba ay pagpapahayag lamang ng may-akda ng kanyang sariling opinyon?
 Paano ito makakaapekto sa akin at sa aking pang-araw-araw na pamumuhay?
 Ano ang ibig sabihin article na ito sa mga bagay-bagay na kasalukuyang nangyayari sa
ating lipunan?

Kapag hindi lubusang naintindihan ang nababasa o nakikitang mga imahe, mas mainam
na magtanong sa nakakaalam, o mga eksperto. Magtanong sa mga kaibigan, kamag-anak,
guro, o mga otoridad na may mas malawak na kaalaman sa topiko ng article o litrato.

Ikaapat, iwasang mag-share ng hindi beripikadong mga article o memes. Karugtong ng


nasa itaas, tandaan natin na importanteng totoo at beripikado ang mga impormasyon na ating
sine-share sa social media. Alamin kung totoo at batay lamang sa katotohanan ang nilalaman
ng articles at mga larawan.
May mga artikulong nais lamang magbigay ng komentaryo sa pamamagitan ng
pagpapatawa. Ang tawag sa mga ito ay lampoon, parody, o satire. Maging maingat sa pagkilala
at pagbasa ng mga ito.
Tandaan natin na may iba pang mga websites na ang tanging pakay lamang ay
manlinlang at magpakalat ng hindi totoong mga impormasyon. Iwasan natin ang mga ito.
Maaring sa pagse-share natin ng maling impormasyon ay makasakit tayo ng ibang tao, maging
dahilan ng panic, o di kaya’y maging sanhi ng kaguluhan sa atin lipunan. Ayaw nating mangyari
ito.

Panghuli ay maging responsable sa lahat nang oras. Kailangan pa bang i-memorize


‘yan? Oo. Kailangang i-memorize ito at paulit-ulit nating tandaan na ang responsableng
paggamit ng social media ay ang tanging solusyon upang maibalik natin ang kaayusan at

8
katiwasayan sa online. Ang pagiging responsable online ay nag-uugat sa dalawang bagay
lamang: katotohanan at paggalang.
Samakatuwid, kung ang bawat isa sa atin ay responsable sa ating pag-aasal sa social
media, maiiwasan natin ang bangayan, hindi pagkaka-uunawaan, siraan, at pagkakawatak-
watak.
Sa dakong huli, gamitin natin ang social media nang tama. Gamitin natin ito upang
linangin ang ating pakikipagkapwa tao. Gamitin natin ito upang tayo ay matuto. Gamitin natin
ang Facebook, Twitter, at Instagram upang mas mapabuti pa ang ating pamumuhay.

-hango mula sa
https://medium.com/@ken.lerona/paano-nga-
ba-ang-tamang-paraan-ng-pag-gamit-ng-social-
media-fa41e64041df

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang binasang teksto?


2. Magbigay ng isang hakbang sa tamang paggamit ng social media na natutuhan mo
mula sa teksto? Ipaliwanag
3. Bakit mahalagang maunawaan ng mag-aaral na tulad mo ang tamang paggamit ng
social media?
4. Ano-ano ang mga posibleng masamang epekto ng social media sa tao kapag hindi
responsable ang paggamit?
5. Paano nailahad ng may-akda, sa pamamagitan ng teksto ang tamang paggamit ng
social media?

Pagtalakay sa Paksa:

Tekstong Prosidyural

Ang huling aralin na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng
kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye
ng mga aralin na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano
isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa
kronolohikal na paraan o mayroong batayan ng pagkakasunod-sunod.

9
Ang layunin ng tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa mambabasa para
maisagawa ng maayos ang isang gawain.

Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural

• Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito


ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto,
kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita
rin ng mga larawan.

• Panuto/Hakbang (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano


maisagawa o likhain ang isang bagay.

• Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng


gabay na dapat nilang sundin.

• Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin


ang isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers,
machines at appliances.

• Mga eksperimento – sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa


natin alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang
maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng
gawain.

 Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para


makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.

Ang karaniwang bahagi/ ayos ng tekstong prosidyural ay ang sumusunod:

1. Pamagat – ang nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung anong bagay ang
gagawin o isasakatuparan
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon
upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng
pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na
mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita.

10
Elemento ng Tekstong Prosidyural

Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi o elemento; ito


ay ang mga sumusunod:
1. Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat
maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na
“Paano”.
2. Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap
upang maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.
3. Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.
4. Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay nagbibigay ng
gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang
isang prosidyur.

Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng tekstong prosidyural

 Ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong


deskripsyon.
 Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
 Ilista ang lahat ng gagamitin
 Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person
point of view)

C. Pang-isahang Gawain

Gawain 1:
Panuto: Sa pamamagitang ng grapikong representasyon, ibigay ang kabutihang
naidudulot ng Tekstong Prosidyural sa pang-araw-araw na buhay ng tao.

Kabutihang
PROSID
YURAL
Naidudulot

11
Gawain 2:
Panuto: Balikang muli ang halimbawang teksto tungkol sa “Ano nga ba ang tamang
paraan ng paggamit ng social media?” Tukuyin kung anong uri ito ng Tekstong
Prosidyural ang nakalahad.
 Ayon sa teksto, paano isasagawa ang impormasyon? Ibuod ang
pamamaraan natutuhan.Gamiting gabay ang grapikong representasyon sa
ibaba.
Uri: _______________________?
Pamamamaraan:

Gawain 3:
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tekstong prosidyural ang mga sumusunod na
halimbawa. Piliin ang direksyon na kumakatawan sa tamang sagot at isulat ito sa
patlng.

-- Pagbibigay Direksyon -- Manwal -- Panuto

-- Panuntunan sa Laro -- Ekperimento

_____1. Brosyur na naglalaman ng tamang pagluluto ng kare-kare.


_____2. Hakbang sa pagbubuo ng Robot na gawa sa lego.
_____3. Tamang daan paakyat sa tuktok ng bundok ng Anawangin.
_____4. “Mechanics” sa Pinoy Henyo.
_____5. Mga ‘side effects” ng bakuna sa COVID-19.

12
Kasanayang Komunikatibo:

Mga Panandang Pantalakayan


May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag- uugnayan sa iba’t
ibang bahagi ng pagpapahayag. Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang
kinakatawan ng mga pang-ugnay.
May mga tungkuling ginagampanan ang mga pananda:
1. Mga Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
kilos/pangyayari.
Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
Sa gitna: ikalawa, ikatlo…,sumunod, pagkatapos, saka
Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas

2. Pagbabagong-lahad
sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita

3. Pagbibigay ng pokus
bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa

4. Pagdaragdag
muli, kasunod, din/rin

5. Paglalahat
ilang paglalahat, sa kabuuan, samakatuwid

6. Pagtitiyak / Pagpapasidhi
siyang tunay, walang duda

Gawain 4:
13
Panuto: Basahing muli ang teksto tungkol sa tamang pamamaraan ng paggamit ng social
media. Tukuyin ang panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng
mga kilos o pangyayari sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
__________1. Una, tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong lugar.
__________2. Ikalawa, ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at
pagkakaunawaan.
__________3. Ikatlo, ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng article bago
magkomento o mag-share
__________4. Ikaapat, iwasang mag-share ng hindi beripikadong mga article o memes.
__________5. Panghuli, maging responsable sa lahat nang oras.

Gawain 5:
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga Panandang Pantalakay. Gamitin ito sa tamang
pangungusap.
1. sa kabuuan –
2. pagkatapos –
3. samakatuwid –
4. muli –
5. bigyang-pansin –

D. Paglalapat
Panuto: Ilahad ang kasagutan sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap lamang.

Nakatulong ba ang akdang binasa upang


maunawaan ang tekstong prosidyural?
Ipaliwanag ang kahalagahan nito sa iyo
bilang mag-aaral.

_____________________________________
_________________________________________
________________________________________
_________________________________________

_________________________________________
_

14
IV. PAGTATASA
Panuto: Sa pamamagitan ng isang pangungusap lamang ibigay ang layunin ng iba’t ibang
Uri ng teksto.

Impormatibo Naratibo

Deskriptibo Argumentatibo

Persweysib Prosidyural

Pangwakas na Pagsusulit:

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.


1. Ito ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa
paggawa ng isang bagay.
a. Argumentatibo c. Persweysib
b. Naratibo d. Prosidyural
2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong prosidyural, maliban sa isa?
a. Brosyur c. Manwal
b. Iskrip d. Mapa
3. Sinasagot ng Tekstong Prosidyural ang tanong na ___________.
a. Ano c. Kailan
b. Bakit d. Paano
4. Piliin kung aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad ng ganito:
"Mga paraan sa pagkukumpuni ng kompyuter"
a. Hakbang c. Layunin
b. Kagamitan d. Patalastas
5. Piliin kung aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad: "isang basong suka”
a. Hakbang c. Layunin
b. Konklusyon d. Sangkap
6. Piliin kung aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad: mga turnilyo, pako,
martilyo at kahoy.
a. Ebalwasyon c. Kagamitan
b. Hakbang d. Layunin

15
7. May malinaw na _____________ ang kailangan ng manlalakbay upang makarating sa
kaniyang destinasyon.
a. Brosyur c. Manwal
b. Direksyon d. Panuto
8. Mga bahagi sa pagbuo ng tekstong prosidyural maliban sa isa:
a. Larawan b. Pamagat c. Seksyon d. To-do list
9. Elemento ng tekstong prosidyural ito, kung minsan ay mga
Kasanayan o kakayahan, na gagamitin sa bawat gagawing hakbang.
a. Ebalwasyon o Pagtataya c. Layunin o Tunguhin
b. Hakbang o pamamaraan d. Sangkap o Kagamitan
10. Elemento ng tekstong prosidyural na pinagpapalagay na pinakamahalaga sa lahat.
a. Ebalwasyon o Pagtataya c. Layunin o Tunguhin
b. Hakbang o pamamaraan d. Sangkao o Kagamitan

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gumawa ng isang pinal na awtput na nasa anyong powerpoint presentation na
nagpapakita ng prosidyur kung paano isagawa ang isang bagay. Malayang pumili
ng paksa na naaayon sa iyong interes. Tatayain ang pamantayang pagganap batay
sa sumusunod na batayan sa ibaba.

Pamantayan: Puntos Marka


Napapanahon at kapaki-pakinabang
ang napiling paksa. 15
Tumpak ang mga datos at
impormasyong ginamit. 15
Tama ang pagkasunod-sunod ng
pamamaraang ginamit. 10
Malikhain at Organisado ang
pagkakagawa ng presentasyon. 10
Kabuoan 50

16
Mga Sanggunian

Department of Education- Bureau of Learning Resources. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. DepEd Complex: Meralco Avenue, Pasig City.
Unang Limbag, 2016.

Deped Learning Resources Portal. “K+12 Resources in Grade 11 and 12.” Accessed
last February 20, 2021. https://lrmds.deped.gov.ph/learning-resources/

Negros Oriental Learning Rseources Portal. “Senior High School Resources.”


Accessed last February 21, 2021. http://negorlrmds.weebly.com/senior-high1.html

17
18
Gawain3 Panimulang Pagtataya
1. Pababang arrow 1. c
2. Pakanan na arrow 2. c
3. Pakaliwang arrow 3. a
4. d
4. Pataas na arrow
5. d
5. Taas at baba na
6. b
arrow 7. b
8. d
Gawain 4 9. a
1. Una 10.b
2. Ikalawa
3. Ikatlo Gawain 1
4. Ikaapat Maaaring magkakaiba
5. Panghul ang sagot ng mag-aaral
Gawain 5 Gawain 2
Maaaring magkakaiba Uri: Hakbang / Panuto
ang sagot ng mag-aaral 1. Una, tandaan na ang
social media at ang
internet ay isang
Pangwakas na Pagtataya
publikong lugar.
1. D 2. Ikalawa, ang social
2. B media ay lugar para sa
3. D pagkakaibigan at
4. A pagkakaunawaan.
5. D 3. Ikatlo ay ugaliing
6. C basahin nang buo at
7. B maigi ang nilalaman ng
8. D article bago magkomento
9. D o mag-share
10.b __________4. Ikaapat,
iwasang mag-share ng
hindi beripikadong mga
article o memes.
__________5. Panghuli,
maging responsable sa
lahat nang oras.
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

19

You might also like