You are on page 1of 59

Pagsusuri ng Ilang Halimbawang

Modyul Pananaliksik sa Filipino Batay sa


1 Layunin, Gamit, Metodo, at Etika
ng Pananaliksik

Alamin

Ang Modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng Baitang


Labingisa ng Senior High School sa Taóng Panuruan 2020-2021. Ito ay
kinapapalooban ng Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin,
Isaisip, Isagawa, Tayahin, at Karagdagang Gawain na lilinang sa mga
kasanayang inaasahan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng
Modyul na ito, inaasahang malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng ilang
halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika
ng pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,


metodo, at etika ng pananliksik (F11PB-IVab-100)

Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

Layunin:

A. Natutukoy ang kahulugan ng layunin, gámit, metodo at etika ng


pananaliksik.
B. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin
at gamit.
C. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa metodo at etika
ng pananaliksik.

Subukin
Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Isulat sa iyong
sagutang papel kung LAYUNIN, GAMIT, METODO, at ETIKA ang mga
ilang bahagi ng pananaliksik.

1
__________1. Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik na
pananaliksik.
__________2. Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang Correlational Studies
kung saan ikokompara ang dalawang baryabols para malaman kung
mayroong positibo o negatibong epekto ang isa sa isa.

__________3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.


__________4. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang
balidasyon na isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikawalong
baitang.

__________5. Ginamit sa pananalisik na ito ang deskriptibo at kuwasieksperimental


na uri ng pananaliksik.

__________6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik


layunin at implikasyon.

__________7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa


pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon
sa pananaliksik.
__________8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino.
__________9. Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang pagdalo sa mga
seminar upang umunlad ang mga kakayahan sa pagtuturo.

__________10. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.

Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino


Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay pag-aanalisa upang
mapagaralan at mabigyang-kasagutan ang problema. Ito ang prinsipyo na
ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong pag-aaral.
Dito hinihimay ang paksa sa mas maliit na bahagi at maunawaang mainam ang
bawat detalyeng nakapaloob dito.

Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa


pagbuo ng isang saliksik.

May apat na bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik:

1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik


o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa
napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang
layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa
pananaliksik. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na
pakay sa pananaliksik sa paksa.

2. Gamit - Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga


bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.

2
3. Metodo -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos
at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa
sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon,
at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos
na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa.

4. Etika - Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal


na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na
mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological
Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na
maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang
larangan.

Tuklasin
Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang
Layunin, 2 ang Gámit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik.
Kopyahin at isulat ang wastong bílang sa inyong sagutang papel.

A.

__________ Mangangalap ng talâ sa Internet, aklat, at jornal at makikipanayam sa


mga doktor

__________ Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng


isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng
paggamit ng halamang gamot bílang gamot sa COVID19.

__________ Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng


mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa
paggamit ng halamang gamot.

__________ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.

Suriin

LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK

Layunin

Sa bahagİng ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananalİksİk.


Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok,
maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bílang mga pahayag na
nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa
pananaliksik.

3
Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang
mga layunin at seguruhing natupad o nagawa nga ang mga İto. Kung hindi
nasagot sa kongklusyon ang mga layunin, maaarİng hindi nasunod ang wastong
proseso, lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhİn nito.

Paano bumuo ng layunin?

Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag


ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais
makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunİn ng pananaliksik,
mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:

1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang


dapat gawin at paano ito gagawİn

2. Makatotohanan o maisasagawa

3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring


masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong sa pananaliksik

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:

Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag,


masaliksik, makapagpahayag, maihanay, maiulat/makapag-ulat,
masuri/makasuri, nakapagorganisa, makilala, makapaghulo, makabuo,
makabuo ng konsepto, mailahad, maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa,
magamit/makagamit, makapagsagawa, at makatalakay.
Gamit ng Pananaliksik

Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at


impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang
bágong lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin ang isang
tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng smartphone at Internet. Ayon sa
pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababád sa
Internet at paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya
ng isang tao.

1. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bágong


interpretasyon ang lumang impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay
magkaroon ng panibagong imbensiyon na may kaugnayan sa dáting
pananaliksik. Halimbawa, noong una ay pinupuri ang pagkatuklas ng paraan
upang mapabuti ang produksiyon ng ilang uri ng pagkain sa pamamagitan ng
genetically modifed organism o GMO. Ngunit ngayon, iniuugnay sa ilang sakít
ang pagkonsumo ng mga pagkaing sumailalim sa modipikasyon o GMO.

2. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang


isyu. Halimbawa nitó ang mga bágong tuklas na benepisyo ng marijuana upang

4
malunasan ang ilang karamdaman. Sa kabila nitó, marami pa rin ang hindi
sumasang-ayon na gawing legal ang paggamit ng marijuana.

3. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa


at katotohanan ng isang datos o idea. Maaaring kumpirmahin ng bágong pag-
aaral ang isang umiiral na katotohanan.

Metodo
Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa
ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang
instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang
gabay sa panayam o talaan ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din
ang isang talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin
sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay questionnaire o talatanungan.
Kailangang Iaging nása isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento
ang mga suliranin ng pananaliksik.

Etika ng Pananaliksik
Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:

1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik. Gaya ng


nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa
paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik
ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang
nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa
iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong
pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang
komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.

2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi


pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o
anumang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey,
pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga
tagasagot ang kabuoang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok
ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang
kaniyang paglahok sa kabila nitó.

3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng


Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang impormasyon
na magmumula sa kanila ay gagaamitin lamang sa kapakinabangan ng
pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang
pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may
sensítibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng
pananaliksik o kayâ'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring

5
ipagpaalam at hingín ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing
pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang


ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa
kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na
yaong mga nása komunidad, na ginagamit lámang sila ng mananaliksik upang
kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay
dahil sa mangilanngilan lámang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi
sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng
modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang
pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong
sa kapakinabangan ng ko munidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

Pagyamanin

PAGSASANAY 1
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na
nása ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga
kasunod na tanong.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA:


ISANG PANANALIKSIK

Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia


BS in Psychology

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano


ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal,
espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik
ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base
sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na
batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan
sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba
ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok,
edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay
tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa
mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

Sanggunian: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang
Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
http://lpulaguna.edu.ph/wpcontent/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-
ISANG- BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf

6
1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa abstrak
nitó? Pangatwiranan ang sagot.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano kayâ ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang


ginawang saliksik?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

PGSASANAY 2

Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pananaliksik
sa Filipino batay sa layunin, gámit, metodo, at etika ng pananaliksik. Punan
ang talahanayan na nása ibaba. Kopyahin at sagutan sa inyong sagutang papel.

ABSTRAK

A. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng


pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang bilang basehan ng
interbensyon at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino.
Mayroon animnapu't isang (61) respondente ang pananaliksik na ito at gumamit
ng pamaraang palarawang disenyo. Ang resulta ay nagpapakita na ang
pangunahing estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral na lalaki ay kinestetik na
may frequency na 409 0 36.65 na bahagdan, samantalang awditori ang sa mga
mag-aaral na babae na may frequency na 374 0 34.63 na bahagdan. Ang
natamong X2 value na 1.7 ay mas mababa sa 5.99 na critical value sa 0.05 level
of probability teybol gamit ang degree of freedom na 2. Ang Null hypothesis na
nagsasabing walang significant relationship o malaking kaugnayan ang estilo ng
pagkatuto ng mga lalaki at babaeng mag-aaral ay tinanggap.
Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Leaming Action Cell (LAC) session
para sa guro na ang paksa ay tungkol sa estilo ng pagkatuto, laluna sa kinestetik
at awditory upang makapagbigay ng angkop na pamamaraan na gagamitin sa
pagtuturo upang mapataas ang marka at malinang ang kakayahan ng mga mag-
aaral ngayong 21st century.
Bata, Bata, Paano Ka Matututo?
Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ika-anim
na
Baitang sa Paaralang Elementarya ng Kaytitinga, taong panuruan 2015-2016
Ribecca B. Fenol, ANG GURO Ikaapat na Edisyon,Vol.7,2017

7
LAYUNIN GÁMIT METODO ETIKA

Tayáhin

Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa layunin, gámit, metodo, at etika
sa pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) ang linya bago ang bílang kung ito
ay tama at ekis (❌) kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.
____________1. Ang metodo ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng mananaliksik sa
pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
____________2. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais
matamo ng pananaliksik.
____________3. Ang layunin ng pananaliksik ay maaaring maging panlahat o tiyak.
____________4. Ang mananaliksik ay dapat maging matapat sa anumang
impormasyong ilalagay niya sa kaniyang pananaliksik.
____________5. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na
pakay sa pananaliksik sa paksa.

Modyul Pagbibigay-Kahulugan sa

2 mga Konseptong Kaugnay


ng Pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:

Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik

8
(Halimbawa: balangkas konseptuwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.)
(F11PT-IVcd-89)

Layunin:

A. Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos


empirikal, atbp.
B. Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa kahulugan
nitó.
C. Nagagamit ang konseptong kaugnay ng pananaliksik ayon sa kahulugan nitó.

Subukin
I. Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang hiwalay na
papel.
1. Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng
dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik na maaaring sa obserbasyon,
pakikipanayam, at ekperimentasyon, o iba pang pamamaraan.
A. Datos Empirikal
B. Datos Numerikal
C. Sarbey
D. Talang Marhinal

2. Ito ay paglalarawan sa datos sa paraang patalatâ.


A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstuwal

3. Paglalarawan ito sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng line


graph, pie graph, at bar graph.
A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstuwal

4. Gumagamit ito ng estadistikal na talahanayan sa paglalarawan ng datos.


A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstuwal
5. Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik
hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.
A. Datos Empirikal

9
B. Datos na Tekstwal
C. Balangkas Konseptuwal
D. Balangkas Teoretikal

Sa modyul na ito inaasahang magtutuon táyo sa pagbibigay kahulugan sa


mga konseptong kaugnay ng pananaliksik.
Ang pagbibigay-kahulugan ay isang eksposisyon na tumatalakay o
naglalahad ng depinisyon o kahulugan sa isang salita. Ito rin ay paglilinaw sa
kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larang ay
may mga jargon o teknikal na katangian na kinakailangan ng paglilinaw o
pagpapalinawanag.

Ito ang mga konseptong pangwika na pag-uukulan nang pansin sa bahaging


ito:

1. Balangkas Teoretikal – ay mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang o


disiplina na subók na at may balidasyon ng mga pantas.

2. Balangkas Konseptuwal – ay mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol


ng pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik

3. Datos Empirikal – ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit


sa pangangalap ng datos
Panuto: Ngayon, nais kong basahin mo ang teksto sa ibaba. Pagkatapos ay sagutan
sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong.

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya ni


Jac Sarito

Isa sa kinahaharap ngayon ng bansa ay ang hamon ng muling pagsisimula ng klase


sa Agosto 24, 2020 batay na rin sa isinaad ni Gng Briones, Kalihim ng Kagawaran
ng Edukasyon.
Hati ang saloobin ng mga Pilipino hinggil sa naging panukala ng kalihim. May
sumasang-ayon, may tumatanggi at umusbong ang maraming agam-agam at mga
katanungan dahil sa muling pagbubukas ng klase sa kabila ng pandemya dulot ng
COVID-19.
Sa kabila nito, naglahad ng mga solusyon ang Kagawaran ng Edukasyon upang
maipakitang kakayanin ang hamon o suliraning ito. Inilatag ng kagawaran ang
pagkakaroon ng iba’t ibang pamamaraan o modalities ng pagkatuto: Online
Learning, Blended Learning, Modular Learning, telebisyon, at radyo, binigyang
diin nila na hindi kailangan ang Face to Face Learning hangga’t hindi pa ito
pinahihintulatan ng pamahalaan at hindi pa ligtas lalo na sa mga mag-aaral.
Bukod dito, upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at magulang
sa enrollment o pagpapatala, nagbigay din ng iba’t ibang paraan ng pagpapatala
katulad ng online enrollment, pagpapadala ng mensahe/text, pagtawag/call,

10
at kung talagang hindi kakayanin ang mga naunang paraan saka lamang pupunta
sa paaralan. Ito ay isasagawa batay sa ligtas na pamamaraan.
Habang papalapit ang klase, patuloy ang paghahanda ng mga guro, administrasyon
at mga ahensya upang masiguro ang maayos na pagbubukas ng paaralan.

Sa kabila ng suliranin, may mga solusyon upang ang edukasyon ay sumulong,


kailangan lamang ang pakikiisa upang ito ay maging matagumpay.
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang suliranin sa teksto? _______________________________________


2. Pansinin ang mga nakadiin (bold) na salita, paano nito nabigyan ng solusyon
ang suliranin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ayon kina Grant at Osaloon (2014) sa jornal ni Adom (2018), ang balangkas ay
nagsisilbing ‘blueprint’ o gabay sa pananaliksik. Ito ay mahalagang bahagi ng
pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel at
maiwasan ang paglihis sa paksang napili. Ang balangkas na ito ay makatutulong sa
mga mananaliksik bílang pundasyon ng tila binubuong gusali.

Balangkas Teoretikal
Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang
larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik
(Adom, 2018)
Isinaad din ni Akintoye (2015) sa parehong jornal na mahalaga ang teoretikal na
balangkas upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na
dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan o layunin
ng saliksik na ginagawa. Sa pamamagitan nitó mas binigyang-lalim at paglalapat
ang ginagawang saliksik.

Ayon kina Simon at Goes (2011), narito ang ilan sa mga punto na maaaring
gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas:

1. Ang pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa


2. Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
3. Pagbabása at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
4. Pagtatalâ ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
5. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
6. Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
7. Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nitó sa iyong papel
8. Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling
teorya
9. Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya

Isang halimbawa ng teorya ay Attachment Theory ni John Bowlby (1971) na ginamit


sa pananaliksik na pinamagatang Mga Batas ukol sa Child Abuse ni Abadejos. Napili
nila ang teorya sapagkat ito ang sumasagot sa baryabol nilang child abuse na

11
pumapaksa sa pagkawalay sa ina bílang isang dahilan ng pagkakaroon ng pang-
aabuso sa mga bata.
Kung iyong mapapansin, ang Attachment Theory na ginamit sa papel ay isang subok
na teorya na kinikilala ng iba pang mga pantas. Ito rin ay sumasagot sa kung bakit
nga ba nagkakaroon ng pang-aabuso sa baryabol na “child abuse”.

Balangkas Konseptuwal
Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil
sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng
pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang paradigma ng
pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.
Isinaad naman nina Grant at Osanloo (2014) na ito ay naglalahad ng estruktura na
nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal,
epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang pananaliksik
(Adom, 2018).
Ito rin ay pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o
masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik (Imenda, 2014). Sapagkat ito ay
magkakaugnay na konsepto, ito ay dapat na nakaayos sa lohikal na estruktura sa
tulong ng larawan o biswal na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga idea (Grant at
Osanloo, 2014).
Halimbawa, ang iyong paksa ay ukol sa “Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan,”
mula rito, ito ang iba’t ibang konsepto na nabuo ng mga mananaliksik upang
masukat ang kanilang baryabol ukol sa “paraan sa pag-iingat”.

“Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan”

Replace

Reduce
Indibidwal na
Gawain (4R)
Recycle

Pag-iingat sa Recycle
Kalikasan

Lokal na Batas Proper


Segregation

Mga Batas na
Batas Pambansa mangangalaga sa
kalikasan

Kung iyong susuriin, mapapansing nagtataglay ito ng IBA-IBANG konsepto upang


matugunan ang baryabol o suliranin hinggil sa kalikasan. Totoong ang ilan dito ay
mula sa kilalang batas o pantas ngunit ito ay ISINAMA sa iba pang konsepto at
nabuo ng mananaliksik ang konseptong ito na ipinakikita sa dayagram.

12
PAGKAKAIBA NG BALANGKAS NA TEORETIKAL AT KONSEPTUWAL (Adom,
2018)
Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptwal
Mas malawak ang mga nilalatag na idea Mas tiyak ang mga idea

Nakabatay sa mga teoryang umiiral na Nakabatay sa mga konseptong may


subok at may balidasyon ng mga pantas kaugnayan sa pangunahing baryabol ng
pananaliksik
Isang modelo batay sa isang pag-aaral Modelong binuo ng mananaliksik batay sa
mga baryabol ng papel.

Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o


mga teorya na aakma sa layunin ng
pananaliksik
Mahusay ang pagkakabuo, disenyo, at Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni
tinatanggap na ng mananaliksik batay sa suliranin ng
pananaliksik na ginagawa
Ito ay may focal point para sa dulog na Balangkas na nagtataglay ng lohika kung
gagamitin sa saliksik sa isang tiyak na paano masasagot ang mga katanungan ng
larang upang masagot ang katanungan ginagawang saliksik
Ito ay mga teorya na magkakaugnay para Pinagsasamang mga konsepto na
sa proposisyon ng papel magkakaugnay upang masagot ng
mananaliksik ang suliranin o layunin ng
papel
Ito ay ginagamit upang subukin ang Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya
isang teorya

DATOS EMPIRIKAL
Ang datos empirical ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng
dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o
ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa pagsusuri at maaaring mapatunayan
na totoo o hindi, makabuluhan o hindi.
TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL

1. Tekstuwal. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata.


Halimbawa:
Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang naapektuhan
nang dahil sa 2019 N Corona Virus sa buong mundo at 28 milyon naman ang
naapektuhan sa Pilipinas.

2. Tabular. Paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan.


Halimbawa:
Ilang Online Television Radio Modular Blended
Lalawigan Learning Learning Learning
sa Cavite

13
Bacoor 3046 398 120 5700 6900
Imus 4025 1098 370 7098 8929
Dasmariñas 3098 1209 405 9091 10,901

3. Grapikal. Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad


ng line graph, pie graph, at bar graph.

Line Graph. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol
o numero sa haba ng panahon.

Ang Bilang ng mga Kabataang Nagpositibo ng


Covid-19
3

0
Marso Abril Mayo Hunyo

Ang Bilang ng mga Kabataang Nagkakaroon ng Covid-19

Pie Graph. Isang bílog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita
ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong
pag-aaral.

Iba't Ibang Paraan ng Pagkatuto

30% 29%

24% 17%

Biswal Pandinig Pagbasa at Pagsulat Kinestetic

Bar Graph. Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkahiwalay at ipinaghahambing.

14
Halimbawa:
600,000
500,000
Bílang ng mga mag-aaral sa Bawat Track sa SHS
400,000
300,000
200,000
100,000
0 Luzon Visayas Mindanao
Academic Technical-Vocational-Livelihood Sports and Arts

, t,

PAGSASANAY A Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng


Abstrak na nása ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga
kasunod na tanong

Mga Batas Ukol sa Child Abuse


Alynna Joyce S. Abadejos, Karl Cyrille D. Bello,
Stanley Lawrence B. Chua, at Katrina Ysabel L. Salita

*Ito ay ilang bahagi lamang ng kanilang pananaliksik.

Dalawang teorya ang pinagbasehan ng mga mananaliksik ukol sa sanhi ng


mga pang-aabuso sa bata upang magabayan sila sa riserts na kanilang
gagawin. Ang mga teoryang ito ay ang attachment theory at learning theory.

Nagmula ang dogma ng attachment theory kay John Bowlby (1971) noong
ikalawang digmaang pandaigdig. Ayon sa kaniya, ang pagkawalay ng bata
mula sa kaniyang ina sa unang limang taon ng kaniyang pagkabuhay ay
maaaring magkaroon ng nakapipinsalang epekto sa emosyonal na aspekto
ng bata na maaaring magbunga sa ilang sikolohikal at sosyal na problema
sa kaniyang paglaki, kagaya ng pagkawala ng interes sa mga bagay-bagay
at pagiging pabaya o delinkuwente.

Ang learning theory naman ay isang konsepto kung saan ang ugali ay
nasusukat, o natutuhan sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng isang
indibidwal sa kalikasan at lipunan. Ayon kina Pavlov at Skinner, ang ugali
ay nagmumula sa mga external stimuli o mga bagay na nararanasan ng isang
indibidwal sa kaniyang paligid. Mula dito, napagtanto nila na kung ano ang
hindi nakikita ng isang indibidwal ay hindi umiiral sa totoong buhay.

Sanggunian: De La Salle University Manila, “Mga Batas Ukol sa Child Abuse”,


Nakuha noong Hunyo 10, 2020,
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/53835582/Child_Abuse.pdf?1499851670=
&response-content-
disposition=inline%3B+filename%3DMga_Batas_Ukol_sa_Child_Abuse.pdf

1. Ano ang balangkas na ginamit upang masagot ang suliranin o layunin ng


pananaliksik?
Pagsasanay 1: _____________________________________

15
2. Ipaliwanag ang iyong naging sagot.
Pagsasanay 1: _____________________________________

Isaisip
Batay sa iyong natutuhan sa ating talakayan, isulat mo ang sumusunod na aytem
na may kaugnayan sa mga konsepto sa bawat hanay.

1. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taon-
taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.
2. Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o mga teorya na aakma sa layunin ng
pananaliksik.
3. Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa pangunahing baryabol ng
pananaliksik.
4. Sa paglalarawan sa datos, maaaring gumamit ng biswal na representasyon katulad ng
line graph, pie graph, at bar graph.
5. Ito ay mga teorya na magkakaugnay para sa proposisyon ng papel.

Datos Empirikal Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptuwal


(A) (B) (C)

Tayáhin

Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa balangkas teoretikal, batayang


konseptuwal, at datos empirikal. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at Mali
naman kung hindi sa sagutang papel.
____1. Maaaring gumawa ng sariling estruktura upang mabuo ang balangkas
konseptuwal.
____2. Katuwang ng mananaliksik ang balangkas teoretikal at konseptuwal upang
masagot ang suliranin o maipaliwanag ang baryabol ng pananaliksik.
____3. Ang Pie Graph ay maaaring gamitin upang ipakita ang pagbabago sa paglipas
ng panahon.
____4. Maaaring lumikha ng sariling teorya sa ginagawang pananaliksik
____5. Subók na ng mga pantas ang binubuong sariling balangkas konseptuwal ng
mga mananaliksik.
____6. Ang balangkas konseptuwal ay ginagamit upang mapaunlad ang teorya.
____7. Ang bar graph ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkakahiwalay ay ipinaghahambing.
____8. Mahalagang maging tapat ng paglalahat ng datos empirikal batay sa naging
resulat ng pananaliksik.
____9. Maaaring gawin ang pananaliksik nang hindi gumagamit ng balangkas.

16
____10. Ang mga konseptong pananaliksik ay nariyan upang maging gabay sa
binubuong pananaliksik.

Aralin
Hakbang sa Pagsulat ng
3 Pananaliksik
Aralin
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at dinisenyo para sa iyo. Ito ay


nabuo upang lubos mong maunawaan ang asignaturang Pagbása at
Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ang kabuoan
ng modyul na ito ay makakatulong upang maibigay sa iyo ang
mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na makatutulong sa
iyong pag-unlad. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang pagkakaibang
antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang aralin ay isinaayos upang
sundin ang batayang pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang
pagkakasunod-sunod ng iyong binasa ay maaring magbago upang
tumugma sa aklat na ginagamit mo ngayon.

Ang modyul na ito ay patungkol sa paksang:

Aralin 1: Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik


Matapos mong pagdaanan ang modyul na ito, inaasahan na ikaw
ay:
Pamantayang Pangnilalaman:
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na
pananaliksik
Pamantayan sa Pagganap:
Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang
paksa
Kasanayang Pampagkatuto:
Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng
isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo,
at etika ng pananaliksik (F11PU-IVef-91)

Layunin:

• Natutukoy ang mga layunin at gámit ng pananaliksik;


• Naisasagawa ang responsibilidad ng mag-aaral bílang
mananaliksik;

17
• Naibibigay ang katuturan ng metodo at pamamaraan sa
pagsulat ng pananaliksik;
• Nagkapagpapakita ng pagkilala sa mga táong pinaghanguan
ng mga kaalaman;
• Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng bibliyograpiya;
• Natutukoy ang mga maaaring pagkuhanan ng mga
impormasyon sa pagbuo ng saliksik;

Naranasan mo na bang sumulat ng maprosesong pananaliksik?


Ano-ano ang mga isinasaalang-alang mo kung ikaw ay gagawa ng isang
pag-aaral bílang bahagi ng kurikulum at sa makrong kasanayang
pagsulat? Kung hilaw pa ang kaalaman mo hinggil sa pananaliksik,
magagabayan ka ng modyul na ito.

Sa bahaging ito ng modyul, mahalagang makapagtamo ng mas


malalim na pagpapahalaga sa pananaliksik sa Filipino ang mga mag-
aaral na tulad mo, dahil ang tuon ng edukasyon ngayon ay maitaas ang
kasanayan na maging palabasá at mapagsaliksik.Ang pokus ng modyul
na ito ay ang pagkatuto mo sa mga hakbang at tamang proseso ng
pananaliksik. Inaasahan na magkakaroon ka ng bágong pananaw at
interes na gumawa ng makabuluhang pananaliksik na maaaring
pagpapaunlad sa sarili at makaambag ng bágong kaalaman sa lipunan.

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat
bílang. Piliin ang letra ng tamang sagot isulat ito sa sagutang papel.

1. Nirerespeto at iginagalang ang anumang mga pribadong


impormasyon tungkol sa kaniyang pinag-aaralan.
A. Mapamaraan B. Matiyaga C. Mabait D. Etikal
2. Hindi kinilala ni G. Maglaya ang isinalin na akda ni G. Lumbera,
ano’ng tawag sa kaniyang ginawa?
A. Plagiarism B. Layunin C. Metodo D. Gámit
3. Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng ng mga kasunod at kaugnay
na tanong (follow-up question).
A. Sarbey C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D.Dokumentaryong pagsusuri
4. Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at inter-aksiyon ng mga kalahok
sa isang likas na kapaligiran.
A. Dokumentaryong pagsusuri C. Obserbasyon
B. Pakikipanayam D. Sarbey
5. Dahilan ng pananaliksik o kung ano ang gustong matamo sa
isang partikular na pag-aaral.
A. Inaasahang Bunga C. Layunin
B. Konseptong Papel D. Metodolohiya

18
Balikan
Pagpili ng Paksa
Maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pagpili ng paksang
kanilang sasaliksikin. Karaniwan ang kanilang napipiling paksa ay
nagawan na ng pananaliksik nang maraming ulit.

Huwag nating kalimutan na ang paksa ang pangunahing idea na daan sa


takbo ng isinagawang pananaliksik kayâ napakahalaga ang pagpili ng
paksa.

Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa


1. Sa kasalukuyang panahon, ang Internet at Social
Media ay bahagi na ng búhay ng tao. Napakaraming taglay
na impormasyon ang internet at kung magiging mapanuri
ka bakâ nandiyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at
bágong paksang maaari mong gamitin para sa iyong
pananaliksik.

2. Ang Telebisyon ay isa pa sa mga uri ng media na laganap


lalo na sa panahon ng cable at digital television. Sa panonood mo
ng mga balita, mga programang pangtanghali, teleserye, talk
shows, at iba pa bakâ matuon.

3. Diyaryo at Magasin. Mula sa mga ito’y pag-uukulan ng


pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinyon,
editoryal, at mga artikulo. Suriin at bakâ naririto lang ang
paksang aakit sa iyo ng atensiyon.

4. Mga Pangyayari sa iyong paligid. Kung maging mapanuri


ka ay maaaring may mga pangyayari o mga bágong kalakaran
sa paligid na mapagtutuunan ng pansin mo at maaaring maging
paksa mo sa pananaliksik.

5. Sa sarili. Ang paksang nagmula sa bagay na interesado


ang mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang
matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat nalalagay niya
hindi lámang ang kaniyang isipan kundi ang buong puso at
damdamin para sa gawaing sa una pa lang ay gusto niya o
interesado siya.

“Alam kong makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ka ng gabay at


mapadali sa iyo ang daloy ng modyul na ito. Batid kong mulat na ang
iyong kamalayan sa mga nakalahad sa talahanayan na maaaring
malaki ang maitutulong sa iyo sa pagpili ng paksa sa gawaing
pananaliksik.”

19
Gawain 1:

Panuto: Magtalâ ng mga napapanahong isyu o paksa na makukuha


mula sa sumusunod:

Internet/Soci Telebisyon Diyaryo/ Mga Sariling


al Media Magasin pangyayari sa Interes
paligid

Mula sa naitalang mga paksa, pumili ng isa at ano sa tingin mo


ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang pananaliksik.

Gawain 2:

Panuto:Pumili ng isang paksa mula sa Gawain 1. Isulat ang


paksa sa ibaba at ilahad kung ano-ano ang layunin mo sa napiling
paksa.

Paksa:____________________________________
1._______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________

Ang bahaging ito ng modyul ay iyong magiging gabay o tulong sa


sandaling ikaw ay magsusulat na ng sariling layunin ng gagawin
mong pananaliksik sa napili mong paksa.

Tuklasin
Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik

 Layunin ng pananaliksik

Narito ang mga layunin ng pananaliksik ( base sa aklat nina Garcia)

1. Mabigyan ng kasiyahan ang kuryusidad ng tao.

20
Dahil sa pagkamangha sa mga nakikita sa kapaligiran, lalo na
ngayong panahon ng teknolohiya, nagsusulputang imbensiyon
nagiging mausisa tayo.

2. Mabigyan ng mga kasagutan ang mga tiyak na katanungan.

Gumagawa táyo ng pananaliksik dahil nais nating mabigyan ng ng


kasagutan ang mga tiyak na katanungan.Nabibiyang-linaw ang
maraming katanungan sa kaisipan natin bílang mananaliksik.

3. Malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersiya.

Mga kontrobersiyang bumabalot sa ating kaisipan, mga kontrobersiyang nagaganap


sa ating bansa na unti-unti nang nasasagot ang mga ito sa pamamagitan ng
pananaliksik.

4. Makatuklas ng mga bágong kaalamam.

Maraming nang kaalaman ang umiiral, ginagamit at pinakikinabangan


ngunit lubha pa itong mapapaunlad sa pamamagitan ng pananaliksik

5. Maging solusyon ito sa suliranin

Kung noon ang mga damo at dahon ay walang silbi, ngayon ito ay mga gamot na
herbal nanakakalunas sa iba’t ibang karamdaman at pinagkakaperahan tulad ng
sakít sa diabetes at tuberculosis.

Laging tatandaan na ang layunin ng pananaliksik ay siyang


sasagot sa iyong gagawing pag-aaral.

Halimbawa:

LAYUNIN NG PAG-AARAL:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang tuklasin
ang pananaw, kaalaman, at paniniwala ng mga Bacooreño sa usaping
patungkol sa virus na HIV.

Nilalalayon ng pananaliksik na ito na:

1. Matukoy ang kaalaman ng mga Bacooreño patungkol sa virus na


HIV;
2. Malaman ang kahalagahan ng tamang pag-unawa sa virus na HIV;

21
3. Maipahayag ang mga pananaw ng mga Bacooreño sa mga PLHIV at
sa patuloy na paglobo ng mga kaso nito; at
4. Maitama ang mga maling pananaw ng mga Bacooreño sa virus na
HIV.

Gámit ng Panaliksik sa Akademikong Gawain

Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong


institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng
kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang
magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang
lámang.
Ang maprosesong pananalisik ay isa sa mga halimbawa ng
akademikong pagsulat.

Pagbuo ng Akademikong Pagsulat


Nakadepende sa kritikal na pagbása ng isang indibidwal (Arogante
et al. 2007)
Husay ng manunulat na:
-mangalap ng mahahalagang datos -mahusay magsuri
-mag-organisa ng mga idea -orihinalidad na gawa
-lohikal mag-isip -may inobasyon
-kakayahang gumawa ng sintesis

Etika at Pananaliksik

ETIKA-Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan


na wasto at naaayon sa pamantayan ng nakararami.

 Kawalan ng etika sa Panaliksik


1. Pagpapasagot sa sarbey nang hindi ipinapaalam sa respondent
kung tungkol saan ang saliksik.
2. Pagtatanong sa mga mag-aaral kaugnay sa kanilang
seksuwal na gawain.
3. Paglalathala ng mga datos na tumutukoy sa personal na
resulta ng panayam o sarbey ng grupo ng mga impormante .

 Komponent ng Etika sa Pananaliksik


1. Pagprotekta sa kaligtasan ng mga respondent.
2. Pag-iingat sa mga personal na datos
3. Pag-iwas sa desepsiyon o hindi pagsasabi ng totoo
4. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga bata bílang
respondent ng saliksik

 Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng mananaliksik


Naging tampok na usapan sa social media ang ilang popular ng
plagiarism sa Pilipinas. Kontrobersiyal ang naging paggamit ng isang

22
malaking negosyante ng mga sikát na linya sa kaniyang talumpati nang
walang pagbanggit sa malalaking pangalan ng pinagmulan ng idea.
Gayundin, binatikos ang isang senador sa walang habas na paggamit
ng idea at direktang pagkopya sa artikulo ng blogger tungkol sa isyu
ng Reproductive Health Law sa kaniyang talumpati sa senado. Dahil sa
mga pangyayaring ito, naging tampok sa social media ang konsepto ng
plagiarism at ang mga kaugnay sa usaping etikal nito.

Ayon sa Purdue University Online Writing Lab(2014), ang


plagiarism ay ang tahasang paggamit o pangongopya ng nga salita at
idea nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan
nito.

Tinukoy ng Plagiarism.Org (2014) ang iba pang anyo ng


plagiarism gaya ng: Pag-angkin sa gawa, produkto, o idea
ng iba;
• Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
• Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping
pahayag;
• Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kayâ pagsasalin
ng teksto ngunit pangongopya sa idea nang walang sapat na
pagkilala; at
• Ang pangongoya ng napakaraming idea at pananalita sa isang
pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin
man o hindi ang pinagmulan nito.
Bukod sa mga nabanggit narito pa ang ibang anyo ng plagiarism:
• Pagsusumite ng isang papel sa magkaibang kurso (Council of
Writing Programs Administrators 2003)
• Redundant publication ang pagpasá ng isang mananaliksik ng
iisang pagaaral sa dalawang magkaibang refereed journal para
sa publikasyon
• Self-plagiarism ang bahagi ng isang pananliksik ay inuulit sa
isa pang pananaliksik na walang sapat na pagbanggit(Univerity
og Minnesota, Center for Bioethics 2003)
• Pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit hindi naman
talaga ito nagamit sa pananaliksik

Metodo o Pamamaraan
Ito ang ikalawang kabanata o tsapter sa mga sulating pananliksik.
Nakapaloob dito ang mga sumusunod na mahahalagang bahagi:

A. Disenyo ng Pag-aaral
Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo sa
pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historical, o
kayâ’y eksperimental.

Mga uri ng pananliksik:


1. Pananaliksik na Eksperimental

23
 Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang
ianaasahang resulta
 Binibiyang- pansin ang mga posibleng dahilan na
maaaring tumugon sa suliranin Halimbawa:
Saan higit na madaling matuto sa matematika batay sa wikang
ginagamit

2. Korelasyonal na Pananaliksik
 Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang
Makita ang implikasyon nitó at epekto sa isa’t isa
 Makatutulong para magkaroon ng prediksiyon sa
kalalabasan ng pananaliksik Halimbawa:
Kaugnayan ng kinalakhang paligid sa pagiging goal-
oriented ng isang Tao.

3. Pananaliksik na Hambing-Sanhi
 Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang
bagay o tao Halimbawa:
Paghahambing sa kahusayan ng mga mag-aaral sa
pribado at pampublikong paaralan

4. Sarbey na Pananaliksik
 Pagpapayaman at pagpaparami ng datos
Halimbawa:
Pagkuha ng persepsiyon ng mga mag-aaral sa pagtaas ng matrikula

5. Etnograpikong Pananaliksik
 Kultural na pananaliksik
Halimbawa: Uri ng pamumuhay ng mga Mangyan sa Mindoro

6. Historikal na Pananaliksik
 Pagtuon sa nagdaang pangyayari
 Magpabatid ng katotohanan ng nakalipas na
pangyayari
Halimbawa: Pag-alam sa lawak ng angkan

7. Kilos-saliksik (Action Research)


 Benepisyal
 May suliraning kailangang tugunan
 Nagbibigay ng solusyon
Halimbawa: Pagtukoy sa suliranin ng pamayanan

8. Deskriptibong Pananaliksik
 Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay
sa paksa
 Pinakagamiting uri ng pananaliksik
Halimbawa: Pagtukoy sa iba’t ibang halamang gamot sa Pilipinas

24
Uri ng Pananaliksik Batay sa Klase ng Pagsisiwalat ng Datos

1. Kuwantiteytib- Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o


istadistikal na datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na
kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
2. Kuwaliteytib- Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga
karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring
isalin sa numerikong pamamamaraan upang makita ang
magkakaibang realidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.

B. Mga Kalahok at Sampling


Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bílang ng mga kasangkot
sa pagaaral, tiyak na lugar, at ang hangganan ng kaniyang paksang
tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng
pag-aaral.

Mga katanungang dapat sagutin:


• Sino ang kasangkot sa pag-aaral
• Ilan ang kasangkot
• Paano sila pipiliin

Ano ba ang Sampol?


• Tumutukoy sa grupo (tao o bagay) na pinaghahanguan ng
mga impormasyon para sa pananaliksik

Pagkuha ng Sampol
• Tumutukoy sa proseso ng pagpili ng mga indibidwal na
miyembro ng isang grupo para sa paksa ng gagawing pag-
aaral o pananaliksik.

Ang Populasyon
• Tumutukoy sa grupo ng interes ng gagawing pananaliksik;
• Ang grupong ninanais paghanguan ng resulta sa gagawing
pag-aaral

Bakit karaniwang praktis ang kumuha ng isang bahagi ng malaking


populasyon?
 Magastos kung buong populasyon
 Maraming oras ang igugugol kung buong populasyon
 Nakapaghihinuha (Inferring) at nakapaglalahat (generalizing)
tungkol sa populasyon gámit ang sampling
Hakbang sa Pagsasampling
 Pagkilala sa populasyon, pagtiyak sa kinakailangang sukat
ng sampol at estratehiya sa pagpili ng sampol

Mga Estratehiya sa Sampling (Pagsasampol


 Pagkuha ng Random o Random Sampling
 Pagkuha ng Nonrandom o Non-random Sampling

25
Random Sampling- Ang bawat miyembro ay mayroong pantay na
pagkakataon upang mapili (EQUIPROBABILITY) at maging bahagi ng
gagawing sampol ng pagaaral
Uri ng Random Sampling:
 Simple Random Sampling
 Stratified Random Sampling
 Cluster Random Sampling

1. Simple Random- ang bawat miyembro ng populasyon ay may


pantay na pagkakataon na magsilbing sampol Halimbawa:
Lottery sampling o fishbowl technique
- sampling na walang kapalit (nababawasan ang probability)
- sampling na may kapalit (pantay ang bilang ng probability)

2. Stratified Sampling-Pagpili na ang mga tiyak na subgroup ay


magkakaroon ng sapat na bílang ng mga kinatawan sa loob ng
sampol Hakbang:
-Hinahati ang grupo na ang bawat isa ay nabibilang sa katulad
na istratum.
-Gumamit ng pa-random sa pagpili ng mga kalahok sa bawat
istratum.

3. Sampling na Klaster- Tinatawag ding “Area Sampling”. Pumipili


ng mga myembro ng sampol nang pa-klaster kaysa gumamit ng
hiwalay na mga indibidwal. Klaster na grupo – grupong may
magkakatulad na katangian. Halimbawa : mga mag-aaral sa
isang disiplina

Nonrandom Sampling:
 Systematic Sampling
 Convenience Sampling
 Purposive Sampling

1. Sistematikong Sampling- Plano para sa pagpili ng mga


miyembro matapos na mapili nang pa-random ang panimula. Pagtiyak
sa sampling interval at constant sampling interval
Halimbawa: Populasyon 2000 = 200(10%)
1 11
2 12
3 constant 13
4 sampling 14
5 6 15 sampling
7 16 interval
17
8 18
9 19
10 20

26
2. Convenience Sampling- Batay sa kaluwagan ng mananaliksik o
ang accessibility nitó sa nagsasaliksik
Halimbawa: Pagtawag sa telepono o Pop-up survey sa internet

3. Purposive Sampling- Ginagamit batay sa paghuhusga at


kaalaman ng mananaliksik upang makuha ang representiveness ng
populasyon
Halimbawa: Paksa: Reaksiyon sa RH Bill
Populasyon: Mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Cavite
Sampling: Mga Student-Leader sa bawat Pamantasan/Kolehiyo
sa Cavite

Stratified sampling ang ginamit ng mananaliksik sa pagkalap ng


mga respondente na kung saan ang tiyak na subgroup ay magkakaroon
ng sapat na bílang ng mga kinatawan sa loob ng sampol. Gumamit din
ang mga mananaliksik ng Slovin’s Formula n = N / (1+Ne2).

Ang mga tagatugon ng pananaliksik ay nagmula sa mga estudyante ng


City of Bacoor Senior High School-Dulong Bayan na kung saan hinati
sa tatlong espesyalisasyon na STEM, ABM at TVL. Ang bawat
espesyalisasyon ay may karampatang numero ng respondente na
nakabase sa resultang nakalap gámit ang Slovin’s Formula, Stratified
Sampling, at Even Numbering Random Sampling.

Ang kabuoang respondente na ginamit sa buong pananaliksik ay 149


na

mga estudyante na kinabibilangan ng 18 na taga-STEM, 53 na taga-


ABM, at 76
na taga-TVL.

C. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos


Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa
paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit upang
matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Maaaring
gumamit ng sarbey, talatanungan(questionnaire-checklist), at
pakikipanayam.

Sa pangangalap ng datos, may tatlong pangunahing ginagamit:

1. Talatanungan
Ang talatatanungan ay ginagamit ng mga mananaliksik kung
saan ay isinusulat ang mga tanong na pinasasagutan sa mga
respondente. Ito ang pinakamadaling paraan sa pangagalap ng datos.
• Open-ended na talatanungan- Ang mga respondent ay malaya sa
pagsagot.

27
• Close-ended na talatanungan- Uri ng talatanungan ng may
pagpipilian

2. Ang pakikipanayam
Ito ay maisasagawa kung possible ang inter-aksiyong
personal.May dalawang uri ito.
• Binalangkas na pakikipanayam o structured interview
• Di-binalangkas na pakikipanayam o unstructured
interview

3. Obserbasyon
Kinapapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa
sitwasyong pinagaaralan. Sa ganitong uri ng ng pag-aaral, ang
mananaliksik ay natugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong
pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para makamit ang
layuning ito ay ang pagmamasid dito.
May dalawang uri ito:
• Di-pormal na obserbasyon- Itinatala lamang ang mga napag-
usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon.
• Pormal na imbestigasyon o structured observation- Itinatala rito
kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng
kasagutan ay binalangkas. Limitado ang mga impormasyong
makukuha ngunit ito ay mas sistematiko kaysa sa di-pormal
na obserbasyon.

Halimbawa:

Naghanda ng mga talatanungan na ipapasagot sa bawat


estudyante na mapipiling maging respondente ng City of Bacoor
Senior High School- Dulong Bayan upang malaman ang antas ng
kanilang kaalaman patungkol sa SHS at pagpili ng espesyalisayon
sa SHS.

Ang mga talatanungan ay ginawa at dinesenyo ng mananaliksik


batay
sa kapakinabangan at pangangailangan ng pananaliksik na ito.
Pinasagutan ang bawat katanungan sa 149 estudyante ng City of
Bacoor Senior High School- Dulong Bayan. Upang makasegurado ang
mga mananaliksik sa takdang bílang ng mga respondente ay kinuha
ng mananaliksik ang mga respondente base sa resulta ng Draw lots
at tiningnan ang kanilang mga ID upang maging tama ang mga
respondente na kukunin sa nasabing pananaliksik.

D. Paraan ng pangagalalap ng datos


Dito ipinapaliwanag kung paano ang pangangalap ng mga
impormasyong ginamit. May mga ilang pamantayan sa paghahanap ng
mga datos at mga impormasyong kailangan sa pananaliksik. Ito ay ang
sumusunod:

28
• Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang
gagamitin sa pananaliksik.
• Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga
kukuning sanggunian.
• Kailangang may sapat na bílang ang mga sangguniang
makatutugon sa paksang pag-aaralan.

Pangunahing Mapagkukuhanan ng Datos


1. Opinyon ng mga EKSPERTO
2. Pagkonsulta sa mga AKLAT at ARTIKULO
3. OBSERBASYON sa mga karanasan
4. SARILING paniniwala

a. Kahusayan sa pagsubok- Isinasaad kung paano gagawin para


masubok ang Reliability ng pag-aaral. Nangangahulugan din ito
ng ganap na kawastuan ng datos. Ito ay kadalasang kinukuha sa
tulong ng mga bihasa sa estadistika. Kaakibat nitó ang tinatawag
na validity na may kinalaman sa ugnayan ng mga datos.
Sinusukat dito ang lawak ng pagtatamo ng mga layuning
hinahangad na matamo o masukat ng pamamaraan.

b. Pagsusuri ng mga Datos- Tinatawag din itong pag-aanalisa ng


mga datos. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ng mananaliksik ang
paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang kasagutan ng mga
kasangkot sa pag-aaral, maaaring sa paraang pabahagdan. Ang
mga karampatang puntos ng bawat kasagutan at ng paliwanag
sa paraan ng ganuong pagpupuntos.

Halimbawa:

Upang masagot at malaman kung ano ang antas ng kanilang


kaalaman sa pagpili ng espesyalisasyon sa SHS at patungkol sa SHS,
gumamit ang mga mananaliksik ng estadistika at titingnan kung ano
ang may pinakamataas na porsiyento ng kasagutan sa mga
katanungan.
Dagdag pa dito ay inilatag rin ang mga nasabing resulta sa tulong
ng mga kaugnay na literatura ng mga mananaliksik upang maging
batayan sa paggawa ng mga rekomendasyon upang mapataas ang
antas ng kanilang kaalaman patungkol sa SHS at pagpili ng
espesyalisasyon.

Talaan ng Sanggunian/ Bibliyograpiya

Sa paghahanap ng datos tungkol sa paksa, ang karaniwang


nagagamit na sanggunian ay mga aklat, pahayagan, journal, magasin,
mga computer data base, at mga aklat pananaliksik, na inaayos na

29
paalpabeto. Matatagpuan dito ang pangalan ng awtor na nauuna ang
apelyido, pamagat ng aklat/magasin, artikulo, pangalan ng
magasin/pahayag, lugar ng pinaglimbagan, taon ng pagkalimbag, at
pahina.
Ang talasanggunian o Bibliyograpiya ay bahagi ng isang
pananaliksik o maging ng aklat na kakikitahan ng talaan ng mga aklat,
jornal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o
pinagkuhaan ng impormasyon.

Sa pangangalap ng datos, huwag kalimutan ang talaan ng


sanggunian:
Magkaroon ng magkakabukod na talaan para sa iba't ibang sanggunian

Talâng Parentetikal/ Dokumentasyong Parentetikal


a. APA – American Psychological Association, ang estilong APA ay
kadalasang ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa
larangan ng sikolohiya, medisina, agham panlipunan, at iba pang
mga teknolohikal na larangan.
b. MLA – Modern Language Association, karaniwang ginagamit sa mga
akademiko at iskolarling papel sa malalayang sining o liberal arts at
sa disiplina ng Humanidades.

DALAWANG (2) URI NG PAGTATALÂ NG MGA IMPORMSYON O DATOS


1. Tuwirang Sipi - Ito ay eksakto o kompletong pagsipi ng bahagi ng
orihinal na teksto. Maaaring ito ay isa o higit pa sa isang salita,
parirala, pangungusap, o talata.
2. Pabuod - Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may
mga tekstong mahahaba. Kailangang maisagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng sariling pananalita ng mananaliksik.
(Paraphrasing ang tawag dito)

A. APA – American Psychological Association


• Isang estilo ng pagsulat ng bibliyograpiya o pagbanggit sa loob ng
papel na karaniwang ginagamit ng mga mananaliksik sa disiplina
ng agham at mga pang-akademikong papel.
• Nagagawa nitóng maging tuloy-tuloy ang daloy ng teksto sa
pagbása.
• Sa paggamit ng APA, pagkatapos banggitin ang “paraphrase”
kailangang sundan ito ng apelyido ng awtor at ng petsa kung
kailan ito nailathala o nabanggit ng awtor.
• Mahalaga ang maingat na pagkilalasa pinagmulan ng hiram na
idea , datos o, impormasyon.
Halimbawa: sa hulíng talata: (Mabilin, 2010)
sa simulang talata: Mabilin (2010)

• Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto,


taon na lámang ng publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.

30
• Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang
taon ng publikasyon.
• Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang
volume, banggitin ang bílang ng volume kasunod ng pangalan ng
awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas upang
paghiwalayin ang unang entry sa taon ng publikasyon.
• Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang
pangunahing awtor sa mismong teksto, banggitin na lámang ang
unang awtor sa loob ng panaklong at sundan ng et al. bago ang
taon ng publikasyon.

B. MLA – Modern Language Association


Karaniwang ginagamit sa mga akademiko at iskolarling
papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng
Humanidades.
Halimbawa: Isang awtor: (Mendillo, 2010)
Higit sa dalawang awtor: (Mabilin at Mendillo,
2010) Higit pa sa dalawang awtor: (Mendillo
et al.)

Mga Hakbang sa pagtatala ng Sanggunian o Bibliyograpiya

1. Istilong APA (American Psychological Association)


a. Halimbawa ng isa ang awtor

Garcia, Lakandupil C. (2012). Paradaym: Pananaliksik sa


Wikang Filipino
(Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto), Malabon City:
Jimcsy Publishing House.

b. Halimbawa ng dalawa ang awtor


• Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang
taon ng publikasyon.

Irabagon, Cristina T. at Gonzales, Corazon C. (2003).


Sining ng Komunikasyon. Valenzuela City: Mutya
Publishing.

c. Halimbawa ng tatlo o higit ang awtor


• Kung tatlo o higit pa ang awtor sa mismong teksto, banggitin na
lámang ang unang awtor sa loob ng panaklong at sundan ng et al.
bago taon ng publikasyon.
Garcia, Lakandupil C. et.al. (2012). Paradaym:Pananaliksik sa
Wikang
Filipino (Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto), Malabon
City: Jimcsy Publishing House.

31
d. Halimbawa ng mga hanguang walang awtor o editor
• Simulan sa pamagat ng akda at tuldukan, taon ng pagkasulat,
lugar ng pinaglimbagan, publisher na nagsagawa ng paglilimbag.

The Personal Promise Pocketbook. (1987). Makati: Alliance Publishers,


Inc.

e. Magasin, Journal, diyaryo at Newsletter


Morales, N. (2014, August 13). “MPC goes into renewable energy.”
The Philippine Star, Vol. 29, no.17, page B-7.

f. Tesis/ Disertasyon
Edulzhura, Princess. (2017).Epekto ng Social Networking Sites
sa mga Piling Mag-aaral ng SHS in Progressive Di-
nalathalang Tisis.Senior High School in Progressive,
Bacoor City. Bacoor City.

g. Pelikula, Kaset, CD, VCD


Gaya ng pagtatala sa aklat papalitan lamang ang awtor ng direktor
kung pelikula at artist/speaker/lecturer kung kaset,vcd o cd.

Pelikula
Bernardo, Sigrid A. (2017). “Kita Kita” (Pelikula). Viva Films

CD
Labajo, Juan Karlo. (2018). “Buwan” (Pinoy Rock). Juan
Carlos Band, MCA Music Inc. (Universal Music
Philippines)

h. Mga dokumento mula sa mga tanggapan ng gobyerno


Sulat ang pangalan ng ahensiyang pinagmulan ng dokumento at
tuldukan. Kasunod ang taon ng publikasyon at tuldok. Isunod
ang pamagat ng dokumento, ang bílang ng publikasyon (kung
mayroon) sa loob ng parentesis at tuldukan. Isunod ang lugar ng
publikasyon, tutuldok, at pablisher.

. Mga hanguang elektroniko


• Kung naka-post sa internet ang pangalan ng awtor o kontribyutor,
taon at pamagat, sundin ang tuntunin at isunod ang
sinalungguhitang website o path, tuldok.
• Kung pamagat lámang ang abeylabol, simulan sa pamagat,
tuldukan, at isunod ang website o path na sinalungguhitan.
• Kung hindi abeylabol ang datos pangalan ng awtor at pamagat,
ilagay na lang ang sinalungguhitang website.

32
Aguino, Christine Joy (2018). Mga batayang Kasanayan sa
Paghahanda para sa Papel Mananaliksik. Mula sa
https://www.academia.edu/ 33481735/ PANANALIKSIK

Makepeace, Caroline. (2019). 7 Helpful Tips for Visiting the Grand


Canyon in
Winter. Mula sa https://www.ytravelblog.com
/author/cazcraig/

2. MLA – Modern Language Association


Aklat na Iisa ang Awtor:
Mendillo, Benjamin. Namamayaning-Diwa.Manila: PNU Press, 2010
Aklat na may Dalawang Awtor:
Mendillo, Usher Ben R., at Ben Steward Mendillo. The Successful
Entrepreneur. 2nd Ed. Quezon City, 2012.

Mga batayang impormasyon na kailangang matukoy sa talasanggunian


a. Pangalan ng Awtor o mga awtor
b. Pamagat ng libro
c. Lugar ng publikasyon
d. Pablisher o tagalimbag
e. Petsa o Taon ng pagkalimbag
f. Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga halimbawa ng hanguang


primarya (primary sources) ay ang mga indibidwal o awtoridad, mga
grupo o organisasyon/ asosasyon, samahan o kapisanan, pamilya, mga
pampublikong kasulatan, o dokumento at iba pa. Kabilang din dito ang
mga kinagisnang kaugalian maging mga pampublikong kasulatan o
dokumento,

Samantala, ang mga hanguang sekundarya naman ay: aklat


tulad ng diksyonaryo, ensayklopedya, taunang aklat, jornal, atlas,
almanac. Mga lathalaing artikulo gaya ng magasin, disertasyon,
manuskrito, at iba pa.

Hanguang Elektroniko o Internet ay maituturing ngayon bílang


isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga
impormasyon o datos. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon
ng mga serbisyong postal, telepono, at silid-aklatan. (mga Uniform
Resource Locator (URL) na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyon ng
edukasyon o akademiko., .org organisasyon, .com business o
komersyon, .gov. ph institusyon o sangay ng pamahalaan o gobyerno ng
Pilipinas)

33
Hanguang Silid-aklatan isang lugar puntahan upang makapangalap
ng mga impormasyon o datos na na sasaliksikin.

May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid- aklatan.


Una, panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang
aklat, bibliograpi, indeks, at hanguang elektroniko o internet.
Pangalawa, pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing,
skimming, at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation
mula sa mga babasahin.
Pangatlo, pagbabasá at pagtatalâ mula sa aklat, sanaysay,
artikulo, computer prinouts, at iba pang sanggunian.

Uri ng Kard katalog

a. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung ang malinaw pa


lámang sa mananaliksik ay ang kaniyang paksang
tatalakayin.
b. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang
mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad
sa kaniyang paksa
c. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa
tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kayâ parang naghahanap
pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa iba.

Suriin
 Bakit mahalaga ang dokumentasyon at pagsinop ng talâ sa pagsulat ng
pananaliksik?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
• Sa iyong palagay makakatulong ba ang pagkilala sa pinagmulan
ng idea at batis ng impormasyon?
_______________________________________________________
________________________________________________________

• Paano makatutulong ang pagkilala sa lahat ng mga impormasyon


at datos sa pagbuo ng pananaliksik?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Persepsiyon ng mga Mag-aaral at Guro ng


City of Bacoor Senior High, School-Dulong Bayan
sa Distribusyon ng Condom ng DOH at ang Implikasyon nito sa mga
Kabataan
Layunin ng Pag-aaral:

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang


iba’t ibang persepsiyon ng mga mag-aaral at guro ng City of Bacoor

34
Senior High School- Dulong Bayan ukol sa distribusyon ng condom ng
Kagawaran ng Kalusugan at ang implikasyon nitó sa mga kabataan.

Nilalalayon ng pananaliksik na ito na:

1._______________________________________________________________

2._______________________________________________________________

3._______________________________________________________________

Gawain 1:

PAGTUKOY: Tukuyin kung anong uri ng disenyo ng pananaliksik ang


inilalahad ng bawat pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Isulat
ang sagot sa sagutang papel. Titik lámang.

A. Eksperimental B. Korelasyonal C. Hambing-Sanhi


D. Etnograpiko E.Sarbey F. Kuwaliteytib G. Historikal
H. Kilos- Saliksik I. Deskriptibo J. Kuwantiteytib

_____ 1. Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang inaasahang


resulta.
______2. Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng
tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin
sa numerikong pamamamaraan upang makita ang
magkakaibang realidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
______3. Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa
paksa
______4. Kultural na pananaliksik
______5. Matutukoy ang ugnayan ng 2 baryabol nang makita ang
implikasyon nitó at ang epekto sa isa’t isa
______6. Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o estadistikal na
datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na
kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
______7. May suliraning kailangan tugunan/solusyon
______8. Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
______9. Pagtuon sa nagdaang pangyayayri
______10. Pagpapayaman at pagpaparami ng mga datos

Gawain 2:

Panuto: Gámit ang mga detalye sa ibaba, gumawa ng isang


talasangunian. Isulat ito sa loob ng kahon.
1. Mga May-akda: Benjie A. Amarillas, Sharon Rose L.
Mendoza, Jennifer E. Quinto
Pamagat: Edukasyon sa Pagpapakatao

35
Lugar: Quezon City
Tagapaglathala: St. Bernadette Publishing House
Corporation
Taon: 2017

2. Mga May-akda: Jose, F,S,


Pamagat:Why we are Shallow
Pangalan ng Pahayagan: Philippine Star
Tagapaglathala: http://www.philstar.com/arts-and-
culture/725822/why-we-are-shallow
Taon: 2012

Isagawa
Gawain 1:
Panuto:Lapatan ito ng mga tiyak ng layunin ang pamagat ng pananaliksik.Maaari
mong palitan ng pangalan ng iyong paaralan.

Mga Dahilan ng Stress at Epekto sa


Pang-akademikong Gawain ng mga Mag-aaral sa
STEM G11 at 12 ng City of Bacoor Senior High School Dulong Bayan

Layunin ng Pananaliksik:
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay naglalayong
matukoy ang mga dahilan at epekto ng stress sa pang-akademikong
Gawain ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Nilalalayon ng pananaliksik na ito na:
1._______________________________________________________________

2._______________________________________________________________

36
3.___________________________________________________________Kaugnay
sa gawain sa itaas lapatan ng proseso o pamamaraan ng pananaliksik
o metodolohiya base sa isinulat mong suliranin o layunin ng pag-aaral.
(Pabalangkas)

Disenyo ng Pag- aaral

Kalahok at sampling

Instrumento ng pangagalap ng
datos

Paraan ng pangangalap ng
datos at pagsusuri ng mga
datos

Tayáhin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bílang. Piliin ang
letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ipinapahayag sa bahagi ng metodolohiya ang iba’t ibang
isinasagawang hakbang ng mananaliksik sa paghahahanap ng
datos.
A. Paraan ng pangangalap ng datos C. Pangongopya ng
datos
B. Pagpapayaman ng datos D. Pagsusuri ng datos
2. Inilalarawan sa bahaging ito ng metodolohiya ang bawat hakbang sa
pag- aanalisa ng mga datos na nakalap.
A. Pagsusuri ng Datos C. Pangangalap ng datos
B. Pagrerebisa ng datos D. Pagpaparami ng datos
3. Ito ang pinakapamagat ng ikalawang bahagi ng sulating
pananaliksik na katutunghayan ng pamamaraan at paraaan,
gayundin ng mga bílang ng respondent na gagamitin o ginamit sa
pag-aaral.
A. Resulta B. Diskusyon C. Metodolohiya D. Introduksiyon
4. Ipinaliliwanag sa bahaging ito ng metodolohiya ang paraan ng
pagpili ng sampol mula sa populasyon.
A. Mananaliksik B. Respondente C. Disenyo D. Datos
5. Alin sa sumsusunod na mga gawain ang nabanggit ang nagpapakita
ng plagiarism?

37
A. Hindi man kilala ang awtor ng pinagkunan ay binibigyan pa
rin ito ng pagkilala.
B. Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa mga siniping
pahayag.
C. Himihingi ng pahintulot sa may-akda ng mga gagamiting talâ

D. Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang sanggunian

Aralin Markahan–Modyul 4: Lohikal at


Ugnayan ng mga Idea sa Pagsulat ng
1 Pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto:

Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga idea sa pagsulat ng


isang pananaliksik F11WG –IVgh – 92

Layunin:

1. Natatalakay ang bahagi at katangian ng konseptong papel.


2. Naisasagawa ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga idea sa pagsulat
ng isang konseptong papel.
3. Nakabubuo ng konseptong papel para sa sulating pananaliksik.

Subukin
Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin lámang ang titik ng wastong sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay nagsisilbing proposal sa gagawing pananaliksik.
A. Adyenda C. Memorandum
B. Konseptong Papel D. Posisyong Papel
2. Ito ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang
paksang nais pag-aralan.
A. Konsepto C. Metodolohiya
B. Layunin D. Rationale
3. Alin sa sumusunod na pangungusap tungkol sa konseptong papel ang hindi
kabilang?
A. Ito ay nagsisilbing proposal
B. Ito ay gawaing pang-display lamang sa exhibit
C. Ito ay isang plano na nagpapakita kung saan direksiyon patungo ang
paksa
D. Nagsisilbing gabay o direksiyon lalo na sa mga baguhan sa gawaing
pananaliksik

38
4. Sa anong bahagi ng pananaliksik matutunghayan ang hangarin o tunguhin
batay sa paksa?
A. Inaasahang awtput C. Metodolohiya
B. Layunin D. Rationale
5. Ito ang bahaging nagsasaad ng kinalabasan ng pananaliksik o pag-aaral.
A. Inaasahang awtput C. Metodolohiya
B. Layunin D. Rationale

Tuklasin
Basahin ang sitwasyon. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Sa nalalapit na pagtatapos ng taóng-panuruan, napansin ni Bb. Kayumanggi


na halos marami na sa kaniyang mag-aaral ang hindi na pumasok sa klase. Napag-
alaman niya na ang ilan sa mga mag-aaral ay huminto na rin sa kanilang pag-aaral.
Bílang gurong-tagapayo, ang nais niya ay matulungan ang mga mag-aaral na huwag
huminto sa pag-aaral at alamin ang kadahilanan ng kanilang paghinto o malimit na
pagliban sa klase. Inanyayahan niya ang lahat ng mag-aaral upang pag-usapan ang
kanilang mga suliranin at makatulong upang maiwasan ang absenteeism at risk of
dropping-out. Tinanong niya ang mga magaaral at narito ang ilan sa kanilang mga
pahayag:

A. Walang sapat na pantustos sa kakailanganing kagamitan sa pag-aaral

B. Kakulangan ng suporta mula sa kanilang magulang

C. Natatákot sa kanilang mga mahihigpit na guro.

D. Nawawalan ng interes at pagtitiyaga sa kanilang pag-aaral.

E. Maagang tinanggap ang hamon ng responsibilidad na magkaroon ng


sariling pamilya.

F. Impluwensiya ng maling barkada at masamang kapaligiran.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang inyong napuna sa naging pag-uusap ng guro at mag-aaral?

2. Pansinin ang naging kasagutan ng mga mag-aaral? Masasabi ba ninyo na


katangap-tanggap ang kanilang mga sagot? Maaari ba itong maging basehan
upang malutas ang problema sa paaralan? Ipaliwanag.

39
3. Ano ang dapat na gawin sa mga naging kasagutan ng mga mag-aaral upang
magkaroon ng solusyon sa problema?

4. Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung ang lahat ng suliranin sa paaralan
at maging sa pamayanan ay gagawan ng konseptong papel at magtutuloy sa
pananaliksik?

Suriin
Sa araw-araw nating gawain, maraming suliraning sa kapaligiran ang
nangangailangan ng solusyon upang huwag nang magdulot ng ibayong pagdurusa o
kalituhan sa bawat isa. Upang masolusyunan ang mga suliranin, iminumungkahi
ang pagbuo ng konseptong papel upang ang lahat ng katanungan, mungkahi, at
rekomendasyon ay maidokumento nang maayos at maging basehan para sa angkop
na solusyon sa anumang problema.

Alam ba ninyo na mayroong iba’t ibang bahagi ang konseptong papel na


maaaring magamit sa mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga idea sa pagbuo ng
isang pananaliksik? Tara na! Pag-usapan natin ang mga ito.

A. Konsepto - Bílang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang


paghandaan ang pagbuo ng isang konsepto. Ang konsepto ay isang plano na
nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais
pagtuunan.
B. Konseptong Papel – Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang
pananaliksik. Isang kabuoang idea na nabuo mula sa isang framework o
balangkas ng paksang bubuoin. Makatutulong ang konseptong papel upang
lalong magabayan o mabigyang-direksiyon ang mananaliksik lalo na kung
siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin ang
malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nakalap na
ebidensiya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad
kung ano ang mangyayari.
C. Pangunahing bahagi ng konseptong papel

1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa - Narito ang tentatibong pamagat ng


pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa magiging pamagat ng
saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na
naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.

Tentatibong Paksa
Paano Ginagamit ang E-Textbook sa Loob ng Silid-Aralan?

Isinumite sa Departamento ng Environmental Science


Bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang
Research in Daily Life 1

40
May-Akda

Isinumite ni
Juan Dela Cruz

Grade 11-Oxygen

Guro

Isinumite kay
G. William T. Camara Jr.
Taon kung kailan natapos
ang pananaliksik

2020

2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale) – Ito ang bahaging


nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang
paksa. Mababása rito ang kahalagahan ng paksa.

Halimbawa:
Ayon kina Bernie Trilling at Charls Fadel sa kanilang aklat na 21st
Century Skills: Learning for Life in our Times (2009), ang kasalukuyang siglo ay
nagdala ng mga bágong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang
magulang. Sila ang mga digital native. Sila ang unang set ng henerasyon na
napaliligiran ng digital media. Sila rin ay naiiba sa mga “natutong gumamit”
ng teknolohiya paglipas ng panahon o mga digital immigrants. Inilarawan nina
Trilling at Fadel ang mga digital native bílang unang henerasyon sa
kasaysayan na mas marami pang nalalaman tungkol sa mga impormasyong
digital at teknolohiyang pangkomunikasyon o digital information and
communications technologies kaysa mga mas nakatatanda sa kanila.
Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga
mag-aaral na ang mga digital mentor at ang mga guro at magulang na ang mga
part-time na mga mag-aaral.

3. Layunin – Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng


pananaliksik. Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik,
alalahaning balikan ang mga layunin at seguraduhing natupad o nagawa ang
mga ito.

Halimbawa : Nais ng papel na ito na magpokus sa information, media, at


technology skills lalo na at ang ilan sa mga silid-aralan sa Pilipinas ay
nagsisimula nang maging hi-tech hindi lámang sa pamamagitan ng paggamit

41
ng teknolohiya upang gumawa ng mga teaching aid at instructional material,
kundi sa pamamagitan din ng unti-unting pagpapalit sa mga inimprentang
teksbuk ng electronic textbook o e-textbook. Nais ng papel na ito na malaman
kung paano ginagamit ng mga guro at mga magaaral ang e-teksbuk sa
pagtuturo at pag-aaral sa loob ng silid-aralan bílang manipestasyon ng
kanilang information, media, at technology skills at kung ano ang impak ng
teknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng
mga silid-aralan.

Paano bumuo ng layunin?

a. Nakasaad sa paraang ipinapaliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano


ang dapat gawin at paano ito gagawin
b. Makatotohanan o maisasagawa
c. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na
maaaring masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong sa pananaliksik

Halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso


Matukoy-Natutukoy
Maiulat-Naiuulat
Makapagsagawa-Nakapagsasagawa
Mailarawan-Nailalarawan

4. Metodololohiya – Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik


sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri
naman niya sa mga nakalap na impormasyon.

Halimbawa:
Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng
pakikipanayam sa ilan sa mga guro at mag-aaral na gumagamit ng etextbook
bílang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik
na isasagawa. Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng
obserbasyon sa mga silid-aralan ng isang piling paaralan na nagpapatupad ng
paggamit ng e-textbook sa piling mga pangkat at baitang upang higit na
matibay ang mga datos na makukuha mula sa pakikipanayam.

5. Inaasahang awtput o resulta – Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o


magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang
pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago
ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap
ng datos.

Halimbawa:
Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang awtput ang pananaliksik na
isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito. Inaasahan ding
makapagpapahayag sa awtput ng mga rekomendasyon na maaaring magamit

42
ng piniling paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais na gumamit ng e-
textbook sa kanilang kurikulum.

6. Mga Sanggunian - Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng


paunang mga impormasyon, ang mga sangguniang maaaring magamit, at
nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.

Halimbawa:
Dayag, A. M. & MG. G. del Rosario (2017) Pinagyamang Pluma 11 (Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik). Quezon City:
Phoenix Publishing House.

Pagyamanin
PAGSASANAY 1

Sagutin at ipaliwanag ang kasagutan sa mga tanong.


1. Ano-ano ang bahagi ng konseptong papel? Bakit mahalaga ang bawat bahagi nito?
2. Bakit mahalaga ang feedback at mungkahing guro sa pagbuo ng isang konseptong
papel?
3. Paano isinasagawa ang proseso sa pagbuo ng konseptong papel?
PAGSASANAY 2
Bílang paghahanda sa pagbuo mo ng konseptong papel, inaanyayahan kitang bumuo
ng tatlong paksa ayon sa iyong level ng interes. Pagkatapos ay lagyan ang mga
nabanggit na paksa ng angkop na layunin.
1. a.PAKSA
b.LAYUNIN

2. a.PAKSA
b. LAYUNIN

Isagawa
Buoin ang konseptong papel mula sa mga suliraning iyong naoobserbahan sa paligid.
Isulat ang iyong sa sagot sa kuwaderno.
Paksa
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Rasyonale
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Layunin
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

43
Metodolohiya
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Inaasahang Awtput o Resulta
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Sanggunian
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Tayáhin
Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin lámang ang letra ng wastong sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Anong bahagi ng pananaliksik matutunghayan ang hangarin o tunguhin


batay sa paksa?
A. Inaasahang awtput C. Metodolohiya
B. Layunin D. Rationale
2. Ito ang bahaging nagsasaad ng kinalabasan ng pananaliksik o pag-aaral.
A. Inaasahang awtput C. Metodolohiya
B. Layunin D. Rationale
3. Ito ay nagsisilbing proposal sa gagawing pananaliksik.
A. Adyenda C. Memorandum
B. Konseptong Papel D. Posisyong Papel

4. Ito ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang
paksang nais pagtuunan.
A. Konsepto C. Metodolohiya
B. Layunin D. Rationale
5. Aling bahagi ng konseptong papel ang naglalahad ng pamamaraang gagamitin
ng mananaliksik sa pangangalap ng datos?
A. Inaasahang awtput C. Metodolohiya
B. Layunin D. Rationale

Aralin Pagbuo ng Isang Maikling


Pananaliksik sa mga
5 Napapanahong Isyu

44
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa kung paano makabubuo
ng isang maikling pananaliksik sa mga napapanahong isyu sa ating bansa. Ito ay
may kaugnayan din sa napag-aralan mo sa naunang modyul. Makatutulong ito sa
iyo upang lalo pang mapaunlad ang iyong kakayahan sa pagsulat ng pananaliksik.

Kasanayang Pampagkatuto:
• Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa
(F11EP – IVij)

Layunin:
• Nabibigyang-kahulugan ang pananaliksik,
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng bawat bahagi nitó, at
• Nakasusulat ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.

Subukin
Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Sa bahaging ito matatagpuan ang paglalahad ng suliranin.


A. kabanata I B. kabanata II
C. kabanata III D. kabanata IV
2. Binibigyang-kahulugan dito ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit
sa pananaliksik.
A. instrumento B. kahulugan ng katawagan
C. rasyonal D. saklaw at limitasyon
3. Nakalatag dito ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral.
A. batayang konseptuwal B. disenyo ng pananaliksik
C. interpretasyon D. respondent
4. Sa bahaging ito matatagpuan ang interpretasyon ng kinalabasan ng pagaaral.
A. kabanata I B. kabanata II
C. kabanata III D. kabanata IV
5. Inilalahad dito ang eksaktong bílang ng mga sumagot sa inihandang
kuwestiyonaryo-sarbey.
A. instrumento B. interpretasyon

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga bahagi ng pananaliksik. Dito ay pag-aaralan


mo ang nilalaman ng bawat bahagi ng pananaliksik upang makabuo ka ng isang
maikling pananaliksik na tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa ating bansa.

45
Tuklasin
Kasabay ng paglaganap ng pandemya sa bansa ay ang mainit na usapin tungkol sa
panukalang batas na “Anti- Terror Bill” na naglalayong umiwas at itigil ang iba’t
ibang uri ng terorismo sa pamamagitan ng direktang pag-atake sa indibidwal o grupo
na may kinalaman sa terorismo.

Palalimin mo pa ang pagkaunawa sa isyung ito sa pamamagitan ng kaalamang


nabása, napanood, at napakinggan. Kapag naunawaan mo na, matalino mong
ipahayag ang iyong pananaw sa sumusunod:

a. Ano sa tingin mo ang mangyayari sampung taon mula ngayon kung sakaling
maipása ang panukalang batas na ito?

b. Kung hindi man ito mangyari, ano ang magiging epekto nito sa ating bansa?

Suriin
Upang mas maging mas maliwanag sa iyo ang paggawa ng pananaliksik sa
Filipino, narito ang mga mahahalagang bahagi na dapat taglayin ng isang
pananaliksik. Subalit bago iyan, alamin muna natin ang kahulugan ng salitang
pananaliksik.

Ano ang pananaliksik?

Ayon kay Susan B. Neuman (1997), na binanggit nina Evasco et al. (2011) sa
aklat na “Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at
Sining”, ang pananaliksik ay isang paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Patuloy
ang pananaliksik sa sa iba’t ibang paksa at penomenon dahil patuloy na inuunawa
ng tao ang mga pangyayari at pagbabago sa kaniyang paligid. Kasabay ng pag-
unawa, tumutuklas ang tao ng iba’t ibang imbensiyon at kaalaman.

Narito ang mga bahagi ng pananaliksik na dapat mong malaman.

KABANATA I
(Ang Suliranin at ang Kaligiran Nitó)

I. PANIMULA O INTRODUKSIYON (RASYUNAL)


Ito ay isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay
ng paksa. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit - “Ano ba ang
tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa?” at “Bakit kailangan pa itong pag-aralan?”

Halimbawa:

Paksa: Information Technology: Daan sa Makabagong Panahon

46
Rasyunal: Bago sumapit ang information technology, katakot-takot na pasakit
at paghihirap ang dinanas upang makatanggap o makapagpadala ng mensahe. Ilang
araw o buwan ang kailangang lumipas bago matanggap ang liham. Kuntento na rin
sa isang beses na makapag-usap dahil mahal ang overseas long distance.
Samakatuwid, mabagal ang paraan ng komunikasyon.
Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay naging Quiapo at ang Hongkong
ay Divisoria. Kaunting pihit lang sa kompyuter ay konektado ka na sa kabilang bahagi
ng mundo. May pagkakataon pa ngang makausap o makita ang isa’t isa sa screen ng
kompyuter. Ang lahat ng ito ay dahil sa teknolohiya.
(ni Julie Ebal-Wika at Lipunan sa Panahon ng Impormasyon)

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Sa bahaging ito nakalagay ang sanhi o layunin kung bakit isinasagawa ang
pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga pangunahing suliranin na nása anyong
patanong. Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Ito ang pokus o
sentro ng pag-aaral.

Halimbawa:

Ang pag-aaral na ito ay may layuning mabatid ang Antas ng Pagtanggap sa


Paggamit sa Dinesenyong Rubrics Bílang Pamantayan sa Pagmamarka sa mga Piling
Gawain sa Filipino ng mga Guro sa University of Rizal System Taóng PangAkademiko
2014-2015.

Layunin nitó na sagutin ang sumusunod na katanungan:


1. Ano ang propayl ng respondente ayon sa edad, kasarian, katayuan sa búhay,
bilang ng taon sa pagtuturo, at kuwalipikasyong edukasyonal?
2. Ano ang antas ng pagtanggap sa paggamit ng rubriks bilang pamantayan sa
pagmamarka sa mga piling gawain sa Filipino ng mga guro sa University of Rizal
System ayon sa edad, kasarian, bilang ng taon sa pagtuturo, at kuwalipikasyong
edukasyonal batay sa disenyo, kalinawan, kaangkupan, at kasapatan?

III. KAHULUGAN NG KATAWAGAN


Binibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa
pananaliksik.

Halimbawa:

Upang lalong maunawaan ang mga katawagan, ginamit ang konseptuwal na


kahulugan sa pag-aaral na ito:
Batayan. Ito ay bagay na pinagsasaligan o sinusunod.
Asignaturang Filipino. Ito ay tumutukoy sa mga bagay-bagay na may kaugnayan
sa balarila, mga uri ng pananalita, at kahit na ang mga mahahalagang
pangyayari sa ating bansa, gamit ang Wikang Pambansa bilang midyum ng
instruksiyon sa pagtuturo.

47
Guro. Ito ay táong nagtuturo o táong naghahanap-buhay o ang propesyon ay
pagtuturo.
Kaalaman. Ito ay kakayahang nakukuha ng isang tao sa pamamagitan ng
karanasan o pag-aaral.

IV. BATAYANG KONSEPTWAL


Nakasaad ang teoryang pinagbabatayan ng pag-aaral.

Halimbawa:

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng teorya ni Thorndike na tinatawag na


Connectionism Theory kung saan nakapaloob dito ang Law of Effect na nagsasaad ng
“The more satisfying the result of a particular reaction, the better the action.” This law
applies to any repeated trial or error experiment to an individual.
Sinasabi na ito ay isinasagawa sa anumang bagay o pagsubok na hindi
napagtagumpayan ng isang indibidwal. Ito ay may kinalaman sa pag-aaral ng mga
mananaliksik sapagkat ang Rubriks ay instrumentong ginagamit ng mga guro bílang
batayan sa kanilang pagmamarka. Maihahalintulad ito sa Law of Effect sa
kadahilanang ito ay tumutukoy sa pag-alam ng kalakasan maging kahinaan ng isang
indibidwal. Dito nagkakaroon ng batayan kung paano maiwawasto ang bagay na
hindi napagtagumpayan.

V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Dito nakasaad ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan.

Halimbawa:

Ang saklaw ng pag-aaral ay limitado lámang sa pagbatid sa Antas ng


Pagtanggap sa Paggamit sa Dinesenyong Rubrics Bílang Pamantayan sa Pagmamarka
sa mga Piling Gawain sa Filipino ng mga Guro sa University of Rizal System Taóng
Pang-Akademiko 2014-2015.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa iba’t ibang kampus ng University of Rizal
System na may kursong Edukasyon. Ang katanungan ay limitado lámang tulad ng
propayl ng tagatugon ayon sa edad, kasarian, bílang ng taon sa pagtuturo, at
kuwalipikasyong edukasyonal batay sa kategorya ng rubrics tulad ng disenyo,
kalinawan, kaangkupan, at kasapatan.

KABANATA II
(Metodo Ng Pananaliksik)

I. DISENYO NG PANANALIKSIK
Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik

Halimbawa:

48
Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan sa pag-aaral na
ito upang mabatid ang Antas ng Pagtanggap sa Paggamit ng Dinisenyong Rubriks
Bilang Pamantayan sa mga Piling Gawain sa Filipino ng mga Guro sa University of
Rizal System Taóng Pang-Akademiko 2014-2015.
Ayon kay Javier (2005), na binanggit ni Danao ang deskriptibong pananaliksik
ay kinapapalooban ng pagpapaliwanag, pagtatalâ, pag-aanalisa, interpretasyon, at
kadalasang sumasaklaw sa pagkokompara at pagtutulad, pagdiskubre sa mga sanhi
at bunga ng mga kalagayang nagaganap sa mga bagay at pangyayari sa
kasalukuyan.
Layunin ng pag-aaral na ito na makapangalap ng mga tamang datos o
impormasyon upang mapatunayan ang nasabing pag-aaral.
Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng
pamamaraang gagamitin sa pagtuklas ng impormasyon ukol sa suliraning inilahad.

II. RESPONDENTE
Dito inalalahad ang eksaktong bílang ng mga sumagot sa inihandang
kuwestiyonaryo-sarvey.

Halimbawa:

Kalahok sa Pag-aaral
Ang kalahok sa pag-aaral ay ang mga gurong nagtuturo ng Filipino sa iba’t
ibang kampus ng University of Rizal System na may kursong Edukasyon.

UNIBERSIDAD/KAMPUS TAGASAGOT

Pililla 2

Tanay 2

Morong 3

Angono 3

Antipolo 3

Taytay 3

Cainta 1

Rodriguez 4

KABUOAN 21

49
III. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Dito nakikita ang mga ginamit na instrumento sa pagsarbey sa mga
respondente katulad ng paggamit ng “questionnaire”.
Halimbawa:
AYTEM 5 4 3 2 1

I. Disenyo
1. Ang disenyo ng rubriks ay payak, madaling maunawaan, at
gamitín ng mga guro.

2. Ang mga hanay at mga kolum ay nakaayos nang

50
IV. TRITMENT NG MGA DATOS
Nakalagay rito ang simpleng estadistika ng mga nakuhang datos gáling sa
respondente.

Halimbawa:

Ang estadistikang ginamit upang mabatid ang antas ng pagtanggap sa


paggamit ng rubriks bílang pamantayan sa pagmamarka sa mga gawain sa Filipino
ng mga guro sa Pilila, Rizal ay ang sumusunod:
Suliranin 1. Upang malaman ang pasariling datos o propayl ng mga respondente ayon
sa edad, kasarian, katayuan sa búhay, bílang ng taon sa pagtuturo, at
kuwalipikasyong edukasyonal ay ginagamit ang frequency at percentage rank.
Suliranin 2. Sa pagsusuri sa Antas ng Pagtanggap sa Paggamit ng Rubriks Bilang
Pamantayan sa Pagmamarka ng mga guro, ginamit ng mga mananaliksik ang mean
rank gámit ang eskala ni Likert.
Iskala Punto Interpretasyong Berbal
4.20-5.00 5 Napakataas na Pagtanggap (NNP)
3.40-4.19 4 Mataas na Pagtanggap (MNP)
2.60-3.39 3 Katamtamang Pagtanggap (KP)
1.80-2.59 2 Mababang Pagtanggap (MP)
1.00-1.79 1 Napakababang Pagtanggap (NP)

51
KABANATA III
(Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos)

I. PAGSUSURI

Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag o pagpapaliwanang ng


kinalabasan ng pinag-aaralan.

Halimbawa:

Suliranin Blg. 1: Ano ang propayl ng mga tagasagot ayon sa kasarian, edad,
bilang ng taon sa pagtuturo, at kuwalipikasyong edukasyonal?

Talahanayan 1 Respondente ayon sa Kasarian

Kasarian F %
Lalaki 6 28.57
Babae 15 71.43
kabuoan 21 100

Ipinakikita sa talahanayan 1 na ang mga babaeng guro ay nangunguna sa


ranggo na may kabuoang 15 o 71.43 bahagdan, samantalang ang mga lalaki ay may
kabuoang 6 o 28.57 bahagdan.
Nakalahad sa datos na ang mga kababaihan ay mas higit na marami ang bilang
kaysa kalalakihan.
Wika ng dáting Kalihim ng Edukasyon na si Jesli A. Lapuz (2008) “Male teachers
were a vanishing breed, accounting for only a very small portion of the entire teacher
population in the country at present.”

II. INTERPRETASYON
Sa pagbibigay-interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag dito
ang pansariling implikasyon, at resulta ng pananaliksik.

Halimbawa:

Kompositong Talahanayan sa Antas ng Pagtanggap sa Dinisenyong Rubriks


Bílang Pamantayan sa Pagmamarka ayon sa Kasarian
Lalaki Babae Kabuuan
Kategorya Wx R IB Wx R IB Wx R IB
Disenyo 4.36 2 NNP 4.33 1 NNP 4.35 1.5 NNP
Kalinawan 4.06 3 MNP 4.32 2 NNP 4.19 3 MNP
Kaangkupan 3.86 4 MNP 4.30 3 NNP 4.08 4 MNP

52
Kasapatan 4.56 1 NNP 4.14 4 MNP 4.35 1.5 NNP
Kabuoan Wx 4.21 NNP 4.27 NNP 4.24 NNP

Ipinakikita sa talahanayan 5 na ang mga babae pagdating sa kategoryang


disenyo ay nangunguna na may Wx 4.33 at interpretasyong berbal na napakataas na
pagtanggap samantalang ang kasapatan naman ang nakakuha ng pinakamababang
antas na may Wx na 4.14 at interpretasyong berbal na mataas na pagtanggap.
Sa mga datos ng mga lalaki, ang kasapatan ang nangunguna sa ranggo na may
Wx na 4.56 at interpretasyong berbal na napakataas na pagtanggap samantalang ang
kaangkupan ang nakakuha ng pinakamababang antas na may Wx na 3.86 at
interpretasyong berbal na mataas na pagtanggap.
Sa pinagsamang kabuuan ng lalaki at babae, disenyo at kasapatan ang
nangunguna sa ranggo. Ang kabuuang Wx ay 4.24 ay nagsasaad na ang antas ng
pagtanggap sa dinesenyong rubriks ayon sa kasarian ay napakataas ang
pagtanggap.
Ayon sa isang pahayag na nakuha sa internet “Ang pagsasaalang-alang sa
mga komento at suhestyon ng mga mag-aaral ay nakatutulong din sa pagdididisenyo
ng isang rubriks, sa kadahilanang ang mga ito ay maaaring naglalaman ng tama at
maling paniniwala na maaring hindi maikonsidera ng isang nagdidisenyo.”

Halimbawa:

Kongklusyon
Batay sa komprehensibong paglalagom ng mga datos, ang sumusunod na
kongklusyon ay inilahad:
1. Hinggil sa pansariling datos ukol sa kasarian, higit na nakararami ang mga gurong
babae, may edad na 35 taóng gulang pataas, nagtuturo ng 16 taon pataas at may
masteral units at masteral degree.
2. Mataas ang antas ng pagtanggap ng mga guro sa dinisenyong rubriks, sapagkat
nakikita nila na maayos at makatutulong ito bilang pamantayan sa pagmamarka
ng mga gawain sa Filipino.

KABANATA IV
(Paglalahad Ng Resulta Ng Pananaliksik)
Dito inilalahad nang isa-isa at malinaw ang mga naging kasagutan sa bawat
suliranin o tanong o layunin na binigay sa simula ng pananaliksik.

Halimbawa:

Batay sa isinagawang pag-aaral ng antas ng pagtanggap sa paggamit ng


dinisenyong rubriks, binigyang diin ang sumusunod:

1. Propayl ng mga respondente

53
A. Hinggil sa kasarian, karamihan sa mga gurong respondente ay babae na
may 15 o 71.43 na bahagdan samantalang ang lalaki ay 6 o 28.57 na
bahagdan.
B. Hinggil sa edad, karamihan ng mga guro ay nása edad 35 taon pataas o
66.66 na bahagdan, samantalang 31-34 at 25 taon pababa naman ang may
pinakamababang bílang na 2.0 o 9.52 bahagdan.
C. Hinggil sa bílang ng taon sa pagtuturo nangunguna ang mga gurong
nagtuturo nang 16 taon pataas na may kabuoang 10 o 47.62 bahagdan,
pumapanghuli ang 6-10 na may 4.76 na bahagdan.
D. Hinggil sa kuwalipikasyong edukasyonal, una ang mga gurong may masteral
units at masteral degree na may magkaparehong bílang na 8 o
38.09 bahagdan.
2. Antas ng pagtanggap sa paggamit ng dinisenyong rubriks:
a. Sa disenyo, ang natamong Wx ay 4.28 at may interpretasyong berbal na
napakataas na pagtanggap.
b. Sa kalinawan, ang natamong Wx ay 4.18 at may interpretasyong berbal na
mataas na pagtanggap.
c. Sa kaangkupan, ang natamong Wx ay 4.12 at may interpretasyong berbal
na mataas na pagtanggap.
d. Sa kasapatan, ang natamong Wx ay 4.09 at may interpretasyong berbal na
mataas na pagtanggap.
Pagyamanin
Ang pagsulat ng isang pananaliksik ay isang proseso. Upang makabuo ka ng
pananaliksik ay gawin mo ang mga pagsasanay sa ibaba.

PAGSASANAY 1

Maglista ng tatlong paksa na maaari mong pag-aralan sa iyong gagawing


pananaliksik. Pumili ng mga paksang tumatalakay sa napapanahong isyu sa
lipunan. Tandaan, isa sa mga salik na isinasaalang-alang sa pagpili ng paksa sa
pananaliksik ay ang iyong interes dito. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga
paksang iyong mapipili.

1.
2

3.

PAGSASANAY 2
Batay sa mga inilistang paksa sa Pagsasanay 1 ay maglahad ng tatlong
suliranin sa bawat paksang napili. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

PAKSA PAGLALAHAD NG SULIRANIN

54
1. 1.

2.

3.
2. 1.

2.

3.
3. 1.

2.

3.

PAGSASANAY 3
Gamit ang larawang nakakahon ipaliwanag at ilarawan ang impormasyong
nakalagak.

___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

55
Isagawa

PAGSASANAY 1
Sa mga naunang gawain ay nagawa mong makapili at makagawa ng sariling
paksa na maaaring magamit sa pagsulat ng isang maikling pananaliksik. Pumili ng
isang paksang higit na pumukaw ng iyong atensiyon mula sa bahagi ng Pagyamanin.
Gamitin ang kahon sa ibaba upang maibigay ang mga hinihinging impormasyon ukol
sa iyong paksa. Maaari kang magsaliksik mula sa iba’t ibang batayan upang
mapagtibay ang iyong gagawing pananaliksik. Gamitin ang pamantayan sa pagsulat.
Tandaan, mayroon kang dalawang linggo upang gawin ito.

Pamantayan sa pagsulat ng pananaliksik Kaukulang puntos


Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling 10
paksa
Organisado at malinaw ang pagkalahad ng mga 10
impormasyon sa bawat bahagi ng pananaliksik
May kaisahan ang mga ideyang nakapaloob sa 10
pananaliksik
Inilahad ang mga sangguniang ginamit 10
KABUOAN 40

BAHAGI NG NILALAMAN NG MGA BAHAGI


PANANALIKSIK

Paksa

Rasyonal at Kaligiran
ng Paksa

Paglalahad ng
Suliranin

56
Kahulugan ng
Katawagan

Layunin at
Kahalagahan ng Pag-
aaral

Batayang
Konseptuwal

Saklaw at Limitasyon
ng Pag-aaral

Disenyo ng
Pananaliksik

Mga Sangguniang
Ginamit

Tayáhin
Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Nakasaad dito ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan.


A. disenyo B. instrumento
C. saklaw at limitasyon D. tritment ng mga datos
2. Sa bahaging ito inilalahad ang metodo ng pananaliksik.
A. kabanata I B. kabanata II
C. kabanata III D. kabanata IV

3. Binibigyang-kahulugan dito ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit


sa pananaliksik.
A. instrumento B. kahulugan ng katawagan
C. rasyonal D. saklaw at limitasyon
4. Nakalagay rito ang sanhi o layunin ng paksang inaaral sa anyong patanong.
A. disenyo ng pananaliksik B. kahulugan ng katawagan
C. paglalahad ng resulta D. paglalahad ng suliranin
5. Sa bahaging ito matatagpuan ang paglalahad ng suliranin.

57
A. kabanata I B. kabanata II
C. kabanata III D. kabanata IV

Sanggunian

De Laza, Crizel Sicat & A. E. Batnag (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila, Philippines: Rex Book Store.

https://www.academia.edu/40167390/PAGBUO_NG_GABAY_SA_SULATING_PANA
NALIKSIK_SA_SEN IOR_HIGH_SCHOOL_converted20190825_80570_15gkrd

Gonzales, Ma. Francisca, J. Pasay, & P. Penueco (2016). Antas sa Pagtanggap sa


Paggamit ng Dinesenyong Rubrics Bilang Pamantayan sa Pagmamarka sa mga
Piling Gawain sa Filipino, Philippines, URSP.

58
59.

You might also like