Professional Documents
Culture Documents
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Members: Marie Emerald A. Cabigas, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD,
EPS-ADM; Erlinda G. Dael, PhD, SGOD Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov,ph
Modyul 5
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Tayahin – Masusukat mo sa bahaging ito kung gaano katatas ang iyong sarili
sa mga bagong aralin sa tulong ng pagtataya.
Karagdagang Gawain – Isa pang gawain ang iyong tatapusin sa bahaging ito
upang mas mapalawak at maragdagan pa ang iyong kaalaman sa aralin.
Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay
matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng pagbahagi
ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o mawawalan ka ng
dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na
magbubunga ng kasaganahan.
Halina’t matuto!
Mga May-akda
ALAMIN 1
PANIMULANG PAGTATAYA
Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala, aalamin lang nito
kung kailangan mo pa ba ang modyul na ito o tutuloy ka na sa kasunod. Tandaang
gumamit ng hiwalay na sagutang papel.
YUGTO NG PAGKATUTO
3
6
BALIKAN
TUKLASIN
Basahin at unawaing mabuti ang tekstong nasa ibaba. Gamit ang Storey
Mountain Organizer, suriin ang pagkabuo o pagkabalangkas ng “Editoryal | Si Marcos
at ang Ilusyon ng Pag-unlad” sa pamamagitan ng pagtala ng mga pahayag ayon sa
mga bahagi ng teksto: simula, gitna o katawan at konklusyon.
Gitna
Mahalagang
Bahagi ng
Tekstong
Simula Wakas
Iisa ang tono ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tuwing nababanggit ang kanyang
tatay na si Ferdinand Marcos na pinatalsik sa Malakanyang sa unang People Power sa EDSA:
Kung hindi nagkaroon ng EDSA People Power, maunlad na sana ang Pilipinas.
Tila sinasabi niyang pagkakamali ang EDSA People Power kung kaya nananatili ang
krisis dito sa bansa. Tila walang kasalanan ang administrasyon ng kanyang ama sa kahirapan
na nararanasan ng mga mamamayan sa ilalim ng administrasyon nito noon.
Mas maunlad daw noon ang Pilipinas kumpara sa kalagayan ngayon. Kahit na
ihambing umano ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Asya, di hamak na nangunguna raw ito.
Sa madaling sabi, maunlad noon ang Pilipinas at dahil ito sa kanyang ama. Kung may isang
kakambal na pangalan ngayon ang mga Marcos, iyun ay ang Martial Law (ang deklarasyon
na kumitil ng hindi lamang ng demokrasya sa bansa kundi maging ang pinakamagigiting at
pinakamahuhusay na anak ng bayan). Ito ang idineklara ni Marcos para umano makontrol ang
bansa para magkaroon ng “kaayusan” at sumulong ang ekonomiya ng bansa.
Pero nakakalimutan yata ni Bongbong na isang planadong krimen ang Martial Law
para mapanatili ang kapangyarihan ng kanyang ama sa puwesto tulad ng inamin ni Juan
Ponce Enrile, isa sa mga arkitekto nito. Totoong matindi ang kahirapan na nararanasan ng
bansa ngayon sa ilalim ni Aquino (at iba pang rehimeng nagdaan). Pero hindi ibig sabihin di
na matindi ang kahirapang nararanasan noon ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ni
Marcos.
Mula noong panahon ni Marcos (o bago pa man), isa nang tatsulok ang lipunang
Pilipino na nasa itaas ang naghaharing mga uri, at iilan lamang na pamilya ang nakikinabang.
Ganito pa rin ang lipunan ngayon, dahil wala naman talagang tunay o makabuluhang
pagbabagong ginagawa ang mga pulitikong nakaupo mula pa nang likhain ng Estados Unidos
ang pamamahala sa Pilipinas batay sa kanilang interes. Wala sa mga nakaupo sa puwesto
ang makakagawa na ipamahagi nang libre ang lupa sa mga magsasaka. Wala sa kanila ang
magbibigay ng nakabubuhay na sahod sa mga manggagawa at ipatitigil ang
kontraktuwalisasyon. Wala sa kanila ang pangungunahan ang industriyalisasyon sa bansa.
Lalong wala sa kanila ang tatayo laban sa panghihimasok ng ibang bansa gaya ng Estados
Unidos (at kahit pa Tsina).
Labag ang lahat nang ito sa interes at batas ng mga naghaharing uri na nakaupo sa
puwesto. Nakailang eleksiyon na ang mga Pilipino, pero nananatiling dominante ng mga
pamilyang ito ang eleksiyon sa Pilipinas. Wala silang lilikhaing batas na labag sa interes ng
mga haciendero at mga kapitalista.
May Marcos o wala na nakaupo sa bansa, o may Martial Law man o wala, hinding
hindi tunay na uunlad ang Pilipinas at mga mamamayan nito habang nananatiling
nakadisenyo ang gobyerno para mapanatili ang mga naghaharing uri sa kanilang puwesto at
panatilihin ang ganitong sistema na sila lang ang nakikinabang.
Desperasyon na marahil ng ibang mga Pilipino ang pagkakaroon ng Martial Law o
kamay na bakal tulad ng mga itinotono ng mga pulitikong tumatakbo para umano umayos at
umunlad ang bansa.
Ipinapangako ng mga pulitiko ang lahat kahit ano para lang manalo. Pero alam na ng
marami na hindi ito magkakatotoo. Dahil kung may tunay na pagbabago na magkakatotoo at
makabubuti sa ordinaryong mga tao, hindi ito manggagaling sa mga kandidato.
Napatunayan ng mga pag-aalsa mula panahon ng kolonyalismong Espanyol
hanggang First Quarter Storm ng 1970 hanggang sa EDSA noong 1986 na nagkakaisang
mga mamamayan ang nagtutulak ng pagbabago.
SURIIN
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
5
Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang paglalahad ng katotohanan
mula sa balidong datos na nakuha o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang
ating kaalaman ngunit isang paraan upang makakuha ng sapat na impormasyon
hinggil dito ay ang pagpili ng mga babasahin na may kaugnayan sa paksa. Huwag din
kalimutang isaalang-alang ang kredibilidad ng awtor kung malinaw bang nailahad ang
kanyang mga pananaw at maaaring mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat. Ang
tekstong argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi
lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat kundi pati na rin sa mga
datos o mga impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng
pangungumbinsi-ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang
logos. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga
argumento, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.
Ang empirikal na pananaliksik naman ay tumutukoy sa pangongolekta ng mga datos
sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey at eksperimento.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O
PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Panimula
Ang panimula ay kinakailangang mapanghikayat, nilalahad dito ang thesis
statement kung saan binabanggit ng manunulat ang pangunahing paksang
tatalakayin.
Gitna o Katawan
Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyon o pananaw ng manunulat kaugnay
sa paksang tinatalakay at inihahanay batay sa mga datos na ilalahad. Mahalagang
malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksang tinatalakay.
Konklusyon
Inilalatag ng sumulat ang kanyang kabuuang pananaw ukol sa pinag-uusapang
paksa. Kinakailangang maging matibay ang konklusyong binuo ng manunulat na
nakabatay sa mga nabanggit na datos sa katawan ng teksto.
KAIBAHAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB SA TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Gawain 1
Isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad ng
pahayag at Mali naman kung mali ang isinasaad nito.
PAGYAMANIN
Gawain 2
ARGUMENTATIBO PERSUWEYSIB
Gawain 3
8
PAGSULAT NG DYORNAL
ISYU POSISYON
Maagang
Pagbubuntis ng
mga Kabataang
Pilipino
Kabataan sa
Makabagong
Panahon
Parusang
Kamatayan o Death
Penalty
ISAISIP
10
TANDAAN:
ISAGAWA
Gawain 5
Mula sa iyong nabuong guhit, ipaliwanag ang iyong posisyon, taglay ang mga
bahagi ng tekstong argumentatibo: simula, gitna o katawan at konklusyon.
Pamantayan ng Pagmamarka sa Gawain 5 at 6:
TAYAHIN 12
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
B. Lohikal D. Pasaklaw
13
KARAGDAGANG GAWAIN
Mga Benepisyo
Ito ay nagpapalakas sa iyong buhok sa loob lamang ng isang araw!
Mawawala ang mga balakubak sa buhok ninyo at magkakaroon ito
ng malakas ng proteksyon mula rito!
Ito rin ay hindi nakaiirita sa iyong mga mata.
Mananatili rin ang mahalimuyak na amoy ng iyong buhok
hanggang bente kwatro oras!
Ito ay gawa sa mga natural na mga kagamitan kaya hindi ito
nakasisira sa ating kalikasan!
Ang lahat ng mga benepisyong ito ay makukuha ninyo sa mababang
presyo lamang! Kaya ano pa’ng hinihintay ninyo? Bili na!
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO
14
TALASANGGUNIAN
A. MGA AKLAT
B. INTERNET
Filipino, Guro, Guro Filipino, and View profile. "ARALIN 4: Gamit Ng Panandang
Diskurso". Gurosafilipino.Blogspot.Com, 2020. https://bit.ly/2TYaz9v
16
17