You are on page 1of 22

ARALIN 1: PAGPILI NG PAKSA

MGA DAPAT TANDAAN…

Ang Katangian ng Pananaliksik

1. Ang pananaliksik ay sistematik. Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang


na dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anumang layunin ng
pananaliksik.
2. Ang pananaliksik ay kontrolado. Dapat ay hindi mabago ang mga baryabol na
sinusuri, lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik. Dahil anumang pagbabagong
magaganap dito ay makaaapekto sa buod ng pananaliksik.
3. Ang pananaliksik ay empirikal. Dapat ang mga pamamaraan at baryabol na
gagamitin sa pananaliksik, gayundin ang mga datos na makakalap, ay
katanggaptanggap. Hidni ito dapat maging isang teorya lamang o kaya nama'y gawa-
gawa lamang. Dapat ito ay maging katotohanan na sasang-ayunan ng nakararami.
Dapat ay may basehan na karanasan o obserbasyon.
4. Ang pananaliksik ay mapanuri. Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay dapat
suriin nang mabuti upang hindi magkamali sa pag-iinterpret ang mananaliksik.
Madalas na ginagamitan ng estadistika ang pagsusuri upang masabing analitikal ang
pananaliksik.
5. Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling. Anuman ang lumabas
na resulta sa pananaliksik ay hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na saloobin
ng mananaliksik.
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal na metodo.
Nakalahad sa numerikal na pamamaraan ang mga datos at ginagamitan ng istatistika
upang maging mas akyureyt ang resulta. Madalas na ginagamitan ng porsyento, ratio at
distribusyon ang paglalahad ng mga numerikal na datos.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Ang isang pananaliksik ay naglalaman
ng mga datos na nakalap ng isang mananaliksik na nagmula mismo sa kanyang
paghahanap at pagtuklas dahil kailangan na ang mga datos ang galing sa praymari
sorses. Hindi ito galing sa pag-aaral ng ibang mananaliksik.
8. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali. Kailangang pagtiyagaan ang
bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang accuracy ng mga
datos na makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito ng sapat na
panahon at ibayong pag-iingat dahil kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang
pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga resulta at kongklusyon.
9. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Dapat ay maging matapang ang
isang mananaliksik sapagkat hindi maiiwasan na makaranas siya ng di magagandang
bagay habang ginagawa ang kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding hindi
sumasang-ayon ang lipunan sa resulta ng pag-aaral, o kaya nama'y magkaroon ng hindi

1
pakakaunawaan sa pagitan ng mga mananaliksik.
10. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at
deskripsyon. Bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa nang
tama upang maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon sa
isang pag-aaral ay may kaakibat na matibay na ebidensya upang sumuporta dito.

PAGTATALAKAY
Mga Uri ng Pananaliksik

May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong
kategorya: (1) basic, (2) action, at (3) applied na pananaliksik.
Basic ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito. Makakatulong din ang
resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral
na sa kasalukuyan.
Halimbawa ng basic research:
• Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa
paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid.
• Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila.
• Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan
sa isang barangay.
Action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong
problema o masagot ang mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga
tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay
ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.
Halimbawa ng action research:

• Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang


gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o
nakikibahagi at natututo sa mga gawain
• Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstrakurikular na mga
gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance.
• Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng
mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaralan.

Applied Research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon


Halimbawa ng applied research:

2
• Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan.
• Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa
isang baitang sa isang paaralan.
• Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.

Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa


Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating
pananaliksik.
Mahabang panahon ang ginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman
makabubuting napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon ng pinal na
desisyon.
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo. Mahaba at mabusisi ang proseso
ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kakain ito ng maraming oras mo at magiging
mahalagang bahagi ng sumusunod na mga araw, linggo, at buwan sa iyong buhay. Kaya
naman, mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang
mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito
kabusising gawin.

• Paksang marami kang nalalaman – May mga kabutihan ang pagpili ng paksang
may malawak ka nang kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga
gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o mga taong
eksperto sa nasabing paksa bago pa man simulan ang pananaliksik.
• Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman – Madalas, may mga tao
kang higit na gusto pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at gustong-
gusto mo sanang higit pang malaman o makilala.
• Paksang napapanahon – Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga
paksang napapanahon. Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng
iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil angkop o tumutugma
ito sa kasalukuyang pangangailangan.
• Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling
paksa ng mga kaibigan mo – Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong
paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula
sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang sa kung anuman ang
natuklasan ng ibang mananaliksik.
• May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon – Tulad ng naunang
nabanggit, sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa Internet
lang mangalap ng kagamitan at impormasyon.
• Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan – Gaano man kaganda ang
paksang napili mo kung hindi naman ito matatapos sa takdang panahon ay

3
mawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng
panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat
bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang araw ng
pagpasa.

Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa

1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin


Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo
muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo
sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.
Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas o ang kasanayan sa pananaliksik
sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo ng sulating pananaliksik patungkol sa mga
paksang napapanahong magagamit ng mga guro at administrador ng paaralan sa
pagpaplano at pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng paaralan para sa mga
magaaral.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga
magaaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
• Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo?
• Bakit ka interesado?
• Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?
• Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o
mapalawak ang iyong kaalaman?
• Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
• Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
• Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
• Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang
panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa
mga nakatala sa iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating
pananaliksik.
5. Paglilimita sa paksa
Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kakailanganin
mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik.

4
Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa dami
ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa takdang panahon
at hindi maihahanap ng angkop na kasagutan.
Malawak o Pangkalahatang Paksa
 Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Nilimitahang Paksa
 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Magaaral at ang Epekto nito sa
Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Lalo Pang Nilimitahang Paksa
 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung
Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto Nito sa Kanilang
Gawaing Pang-akademiko

Malawak o Pangkalahatang Paksa


 Persipsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan
Nilimitahang Paksa
 Persipsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan
Lalo Pang Nilimitahang Paksa
 Persipsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan

ARALIN 2: PANGANGALAP NG PAUNANG IMPORMASYON AT PAGBUO NG


PAHAYAG NG TESIS

PAGTATALAKAY
Pangangalap ng Paunang Impormasyon
Sa mga naunang aralin sa kabanatang ito ay nalaman mo at natuto kang pumili at
maglimita ng paksa para susulating papel pananaliksik. Mula sa mga natutunang iyon ay
susunod naman na hakbang ay ang pagsulat ng pahayag ng tesis o mas kilala sa tawag sa
Ingles na thesis statement na hahanguin mula sa iyong paksa.
Para makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis, ito ay nangangailangan muna
ng mga paunang impormasyon o mga kaalaman tungkol sa napiling paksa.

5
Mga Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon
Sa pangangalap ng paunang impormasyon ay hindi muna ito ang malawakan at
malalimang pangangalap ng datos at impormasyon subalit kailangan ang kaalaman kung ano
at saan makakuha at makakalap ng mga magpakakatiwalaang impormasyon.
Maraming mga puwedeng mapagkukunan subalit maging maingat sa pagpili at
pagkuha ng impormasyon. Kinakailangang sisiguraduhin na beripikado, tumpak, mabisa, at
kompleto ang mga datos at impormasyon na kukunin.
Sa Internet kailangang maging mapanuri sa mga impormasyong makukuha. May mga
web site na maituturing na mapagkakatiwalaan kagaya ng mga domain extension na
nagtatapos sa .edu.gov at .org.
Sa lahat ng mga posibleng mapagkukunan, ang silid-aklatan pa rin ang
napakahalagang lugar sa inyong paaralan ang mapagkunan ng mga impormasyon sa
gagawing pananaliksik. Maraming maging sanggunian gaya ng aklat, almanac, atlas, at
encyclopedia, gayundin ng pahayagan, journal, at magasin. Sisiguraduhin lang kung kailan
inilimbag ang aklat sapagkat kung higit sampung taon na mula sa pagkalathala ang aklat ay
maaaring may mga bagong impormasyon na sa kasalukuyan na maaaring angkop sa
susulating papel pananaliksik.

Mga Uri ng Datos

Ang pananaliksik ay may iba’t ibang uri. Ang bawat uri ng pananaliksik ay may
kanyakanyang layunin na nais makamit at nangangailangan ng angkop na datos. Ang
mananaliksik ay nangangailangan ng tamang metodo sa pagkalap ng mga datos.
Isa sa uri ng datos ay datos ng kalidad o qualitative data na kung saan ito ay
nagsasalaysay o naglalarawan o pareho ang layunin. Halimbawa ng qualitative data ay
damdamin, lasa, tekstura, kulay, mga pangyayari at ang mga katanungang sasagot sa paano
at bakit.
Samantala, may mga papel pananaliksik na nangangailangan ng datos na numerika na
ginagamitan ng istadistika at ito ang datos ng kailanan o quantitative data. Ito ay tumutukoy
sa dami o bilang ng mga sagot ng mga sinarbey.

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement


Kailangang ang mananaliksik ay may kabatiran kung saan siya patungo sa kaniyang
gagawing pananaliksik. Kaya ang pahayag ng tesis ay mahalaga sapagkat ito ay naglalahad
ng sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na nagpapakita sa
pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik na handa niyang patunayan sa
pamamagitan ng pangangalap ng datos at impormasyon.

6
Ito rin ay nagbibigay batid sa mga mambabasa kung tungkol saan ang sulating
pananaliksik at nagbibigay direksyong sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa
paksang pinag-aralan.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis


Ang pangangalap ng paunang impormasyon ay mahalaga sa pagbuo ng mahusay na
pahayag ng tesis. Dapat suriing mabuti ang mga impormasyon na nakalap at kung sapat na
ang mga ebidensiyang nakuha ay maaari ng makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis.
Ayon kay Dayag at del Rosario (2016), maaaring masubok kung mahusay o matibay
ang nabuong pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod:

• Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?


• Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
• Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
• Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng
pananaliksik?

Mga Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis


Ayon kay Samuels (2004), maaari itong isagawa sa alinman sa sumusunod na mga
paraan:

• Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o posisyon.
• Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung
paano ito maaaring malutas.
• Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
• Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perkspektibo o pananaw.
• Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/hindi
nangyari ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
• Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng
marka.
• Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa
kaya ito naging ganito o ganoon.
Matutunghayan sa ibaba ang mga halimbawa ng paksa at ang pahayag ng tesis na nabuo
mula rito. Ang mga halimbawa ay mula kina Dayag at del Rosario (2016).

Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang lengguwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal

7
na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng
orihinal na awit.
Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at pelikula Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood ng telebisyon at
pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito.

Paksa:
Mas pinipili ng mga tao ang mga kapehan bilang lugar para sa socialization kompara sa mga
fastfood outlets, restoran, o karinderya. Tesis:
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapehan ay nakapag-project ng imahe sa lipunan sa
tulong ng media bilang lugar kung saan nagkikita-kita o nakikipagkilala ang mga tao na
sinusuportahan naman ng kanilang arkitektura, internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan
ng kostumer na bumuli kaya siya nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapehan.

ARALIN 3: PAGBUO NG PANSAMANTALANG BALANGKAS AT KONSEPTONG


PAPEL

PAGTATALAKAY
Ano ang balangkas?

• Ang balangkas o tinatawag na “outline” ay kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan


ng aktuwal na proyektong gagawin. (DIWA, Senior High School Series: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)
• Ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna ng mga kaisipan ayon sa
talatuntuning lohikal na pagkasunud-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsusulat.
(Arrogante,1992)
• Nagsisilbing gabay upang masagot ng mananaliksik ang dalawang mahalagang
tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na alam ko na o nasasaliksik ko na at maaari ko nang
iorganisa patungkol sa aking paksa?
2. Ano- ano ang mga batas o impormasyon ang wala pa o kulang pa at kailangan ko
pang saliksikin?

Bakit mahalaga ang pagbuo ng balangkas bago simulan ang pagsulat?


Mahalaga ang pagbuo ng balangkas bago simulan ang pagsulat upang:

• Higit na mabibigyang-diwa ang paksa.


Ang paksa ang pinakasentro ng sulatin, kaya makatulong ang pagbuo ng balangkas.
• Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat.

8
Dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng sulatin sa proseso ng pagsulat ng
pananaliksik.
• Nakatutukoy ng mahihinang argumento.
Dahil sa pagbabalangkas ang nahahati ay malalaking ideya at nilalagyan pa ng
sumusuportang detalye para mapatibay ang argumento at matutukoy kung alin ang
mahina at dapat ayusin at rebisahing mga argumento.
• Nakakatulong maiwasan ang writer’s block.
Magkaroon ng direksiyon ang manunulat at mapag-isipan ang kanyang isusulat.
Uri ng Balangkas

1. Paksa o Papaksang balangkas (Topic Outline)- ito ay binubuo ng mga parirala o salita na siyang punong kaisipan.
Hal.

Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain

I. Panimula
A. Kahalagahan ng Pag-aaral
B. Saklaw ng Pag-aaral
C. Pagbibigay- kahulugan
II. Mga Pangunahing Pagkain
A. Mayaman sa Enerhiya
B. Mayaman sa Protina
C. Mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Pangunahing Pagkain

9
A. Mabuting Epekto
1. Nagpalakas ng katawan
2. Nakatulong na makaiwas sa sakit
3. Nakapagpapasigla ng katawan
IV. Konklusyon

2. Papangungusap na Balangkas (Sentence Outline)- binubuo ng mahahalagang pangungusap na siyang


kumakatawan sa mahalagang bahagi ng sulatin. Halimbawa:

Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain

I. Panimula
II. May tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
A. Ang mga pagkaing mayaman sa enerhiya
B. Ang mga pagkaing mayaman sa protina
C. Ang mga pagkaing mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Tatlong Pangunahing Pagkain
A. Mabuting Epekto
1. Ang pagkain ay nakapagpapalakas ng katawan
2. Ang mga pagkain ay maaaring makatutulong sa pag-iwas ng sakit
3. Ang mga pagkain ay maaaring naging sanhi ng pagiging masigla ng isang tao.
IV. Konklusyon

3.Patalatang Balangkas-binibigyang-diin ay ang pagkakaugnay. Halimbawa:

Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain

1. Ang pagkain ay sadyang kailangan ng tao upang mabuhay. Kailangang matutuhan din kung anong pagkain ang
mararapat na kainin upang manatiling malusog at masigla ang ating katawan .
Ang Konseptong Papel

• nagsisilbing proposal para maiihanda ang isang pananaliksik.


• Ito ay isang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang
bubuuin.
• Magbibigay ng pagkakataon sa mananaliksik upang mailahad kung ano ang mangyayari.
• Magbigay kaalaman sa guro sa tunguhin o direksyong ninanais ng mananaliksik para sa
sulatin.

Bahagi o templeyt ng Konseptong Papel (Constantino at Zafra,2000)

1. PAKSA- nakasulat dito kung tungkol saan ang gagawing pananaliksik.


o Ilimitado ang paksa gamit ang tinutukoy na batayan sa paglilimita
2. RASYONALE- tinatalakay sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at/o
matuklasan ng mga mag-aaral sa pananaliksik.

10
o Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
3. LAYUNIN- dito mababasa ang tunguhin o hangarin ng pananaliksik base sa paksa.
o Tinatalakay sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at matuklasan ng
mga mag-aaral sa pananaliksik.
o Maaaring isulat ang mga ito ng paisa-isang pangungusap o patalatang
pangungusap.
4. METODOLOHIYA/ PAMAMARAAN- ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng
mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri
naman niya sa mga nakakalap na impormasyon.
o Paraan:
o Literature Search
- Pangangalap sa
Internet o Uri ng
Pangngangalap ng Datos
- Talatanungan,
Pakikipanayam,
Obserbasyon,Sarbey
5. INAASAHANG OUTPUT o RESULTA- dito ilalahad ang inaasahang kalabasan o
magiging resulta ng pag-aaral.
o Maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na
papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.(dahil sa patuloy na
pangangalap).

11
ARALIN 4: PANGANGALAP NG IMPORMASYON AT PAGBUO
NG BIBLIYOGRAPIYA (KARAGDAGANG ARALIN)

PAGTATALAKAY
Bibliyograpiya
Ang paggawa ng bibliyograpiya ay isang kasanayang susubok sa sipag, tiyaga, at
katapatan ng isang mananaliksik. Ang magandang balita sa panahon ngayon ay marami ng
web site na tumutulong sa mga mananaliksik upang gumawa ng kanilang bibliyograpiya.
Layunin nilang mapagaan ang gawain ng mga mananaliksik at mabigyan ng tamang kredito
ang pinagmulan ng mga impormasyon.
Habang nangangalap ka ng impormasyon o datos para sa iyong gagawing
pananaliksik ay siguraduhin naihanda mo na rin ang bibliyograpiya o talasanggunian .Ito ay
nagpapakita ng talaan ng aklat, dyornal, pahayagan, magasin,di nakalimbag na batis katulad
ng pelikula, programang pangtelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media
networking site na pinagkuhanan mo ng impormasyon. Mahalagang magkaroon ng
bibliograpiya o talasanggunian ang isang pananaliksik o aklat sapagkat ito ay isa sa katibayan
ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa. Sa pagsulat ng bibliyograpiya
o talasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat o
artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglathala, at taon kung kailan ito nailathala.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya


Narito ang mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya:

• Maghanda ng mga index card na pare –pareho ang laki. Karaniwang 3x5 pulgada ang
ginagamit ng iba.
• Isulat sa mga index card na ito ang mga impormasyon ng iyong sanggunian. Ang
ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya.
• Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian.
Maaari itong ilagay sa kahon, folder, o sobre.
May iba’t ibang paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

• APA o American Psychological Association


• MLA o Modern Language Association
• Chicago Manual of Style
Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala

• Silid- aklatan- kung saan naglalaman ng maraming aklat, peryodikal at iba pang
babasahin.

12
• Internet- kung saan makakuha tayo ng maraming impormasyon, bagama’t dapat
maging maingat sa pagpili ng impormasyon.
• Social Media Networking site- na maaari ring mapagkukunan ng impormasyon.
Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng Tala

1. Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya.


2. Tiyaking may pamagat at pahina ang aklat na pinagkukunan ng tala.
3. Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard o index card na gagamitin.
Maraming sukat ang notecard o index card, karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang 5 x
8, at 4 x 6, para sa mga tala.
4. Upang madaling matukoy ang sanggunian ilagay ang datos ng sanggunian sa
notecard. Sa kanang itaas na bahagi ng notecard ay isulat ang awtor at pamagat ng
sanggunian(aklat, dyornal, webite etc.), sa gitna ang pamagat ng tala at sa itaas na
kaliwang bahagi ang pahina na pinagkukunan ng tala.

Baisa- Julian,Ailene et al
Pinagyamang Pluma
8 p.287
Ibat’ Ibang Paraan ng Pagpapahayag

5. Maaari ring gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian. Ang sistemang ito ay
gumagamit ng titik at numero upang maging code sa notecard.
Baisa- Julian, Ailene et al ←may-akda

Pinagyamang Pluma
Ang titik A ay tumutukoy

sa unang sanggunian at  A8

ang bilang 8 ay tumutukoy


P287
sa pang- ilang tala o ideya
sa sanggunianumutukoy

Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ←paksa

6. Tiyakin ang uri ng talang gagamitin. Ang uri ng tala ay magiging batayan ng isang
maayos at sistematikong pagsasaayos ng mga tala.
Mga Uri ng Tala

• Direktang sipi-Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Sa
paggamit ng direktang sipi kinakailangan lagyan ng panipi(“”) ang bawat nakuhang
tala.

13
• Buod ng tala- Ginagamit ito kung nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang
ideya ng isang tala, tinatawag itong synopsis.
• Presi- ang tawag kung ang gagamitin ay buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi
pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista ng may-akda.
• Sipi ng sipi- Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Sa ganitong
uri ay gagamitin din ang panipi.
• Hawig o Paraphrase- Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na
payak na salita ng mananaliksik.
• Salin/Sariling Salin- Sa pagkakataong ang mga tala ay nasa wikang banyaga, ito ay
ginagamitan ng pagsasalin. Ito ay paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba
pang wika.
Pagsulat ng Pinal na Bibliyograpiya
Pagkatapos makalap ang mga impormasyon para sa iyong pananaliksik at naisulat na
ang pansamantalang bibliograpiya sa mga notecard o index card, ngayon isulat mo na ang
pinal na bibliyograpiya. Sa puntong ito, natanggal mo na ang mga sanggunian na hindi mo
magagamit at naidagdag mo na rin ang ilan pang gagamitin mo. Aayusin ito sa paraang
paalpabeto ang pangalan ng may-akda ng sangguniang ginamit.
AKLAT:
Narito ang mga impormasyong isasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay aklat.

• Tala tungkol sa may-akda


• Tala tungkol sa pamagat
• Tala tungkol sa publikasyon
Narito ang mga paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya:
Chicago APA

 Ihanay ang tatlong pangkat ng  Ihanay ang tatlong pangkat ng


impormasyon (may-akda, pamagat at impormasyon (may-akda, pamagat, at
tala ng publikasyon). Unahin ang tala ng publikasyon).
apelyido ng may-akda.  Unahin ang apelyido at sundan ng
 Isulat ng buo ang pamagat ng aklat initials ng may-akda.
maging ang subtitle.  Isulat ang taon ng publikasyon sa loob
 Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong ng parenthesis.
pangkat ng impormasyon. Isulat ng buo ang pamagat ng aklat

Paghiwalyin ng tutuldok ang lugar ng maging ang subtitle.

publikasyon at publisher.Paghiwalayin Paghiwalayin ng tutuldok ang tatlong

ng kuwit ang publisher at taon ng pangkat ng impormasyon
publikasyon. Naka-italicize ang pamagat ng aklat.

Naka-italicize ang pamagat ng aklat. Ginagamitan ito ng hanging indention.
 
Ginagamitan ito ng hanging indention.

14
Kung isa lamang ang may-akda:
Chicago APA
Dayag,Alma M.Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Dayag, A.M.(2014)Lakbay ng Lahing
Quezon City: Phoenix Publishing House, Pilipino 3.Quezon City. Phoenix Publishing
2014 House

Kung dalawa ang may-akda:


Chicago APA
Julian, Ailene B. at Nestor S. Lontoc. Lakbay Julian, A. B. &N.S. Lontoc(2015)Lakbay ng
ng Lahing Pilipino 4. Quezon City:Phoenix Lahing Pilipino 4. Quezon City:Phoenix 10
Publishing House,2015. Publishing House
Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang
pangalan ay isinusulat nang buo at nauuna pangalan ay nauuna na ang initials ng
na ang pangalan kaysa apelyido. pangalan kaysa sa apelyido.

Kung higit sa dalawa ang may-akda:


Chicago APA
Dayag, Alma. et al. Pinagyamang Pluma 10. Almario, Virgilio S. (2014). KWF Manwal sa
Quezon City: Publishing House, 2015. Masinop na Pagsulat. Quezon City:
Komisyon sa Wikang Filipino.
Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2016).
Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Quezon City, Philippines:
Pheonix Publishing House, Inc.
Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2019).
Pinagyamang Pluma SHS (K to 12) TWE:
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon
City: Phoenix Publishing House, Inc.
Kramer, J. (2020). How to Write Bibliographies.
Cebu City: Phoenix Publishing House.
Labor, K. L. (2017). Isang Sariling Wikang
Filipino: Mga Babasahin sa Kasaysayan
ng Filipino. Metro Manila.
Leyson, L. D., Montera, G. G., Rebamonte, G. C.,
Perez, A. A., Largo, R. C., & Macan, R. S.
(2007). Filipino 1: Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Sta. Cruz, Manila:
TCB Book Supply.
Montera, G. G., Perez, A. A., Gawahan, R. L., &
Canega, J. I. (20112). Pagbasa at
Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik. Cebu
City: Likha Publicatuon.

15
Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang Pansinin na sa pagsulat sa ikalawang
pangalan ay isinusulat ng buo at nauuna ang pangalan ay nauuna na ang initials ng
pangalan kaysa apelyido. pangalan kaysa sa apelyido.

Kung hindi nabanggit. ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page, ang
pamagat na lamang ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya. Ang pamagat ang ginagamit sa
alpabetisasyon.
Chicago APA
The Plight of Filipino Teachers. Cavite City: The Plight of Filipino Teachers (1998) Cavite
Grayson Publishing House, 1998 City: Grayson Publishing House.

PERYODIKAL- tumutukoy ito sa anumang publikasyon nang regular. Narito ang mga
impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay peryodikal:

• Tala tungkol sa may-akda


• Tala tungkol sa pamagat ng artikulo
• Tala tungkol sa publikasyong kinabibilangan ng:
• Pangalan ng peryodiko
• Bilang ng bolyum
• Bilang ng isyu
• Petsa
• Mga pahina ng buong artikulo
Narito ang paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa peryodikal:
Chicago APA

 Ihanay ang tatlong pangkat ng  Ihanay ang tatlong pangkat ng


impormasyon (may-akda, pamagat, at impormasyon(may-akda,pamagat at
tala ng publikasyon) Unahin ang tala ng publikasyon.)
apelyido ng may-akda.  Unahin ang apelyido at sundan ng
 Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong initials ng may-akda.
pangkat ng impormasyon.  Isulat ang taon ng publikasyon sa loob
 Ilagay sa panipi ang pamagat ng ng parenthesis.
artikulo
 Isulat nang buo ang pamagat.
 Naka-Italicize ang pamagat Paghiwalayin ng tuldok ng isyu ang

ng peryodikal. tatlong pangkat ng impormasyon.
 Nakaparentesis ang taon at petsa. 
Naka-italicize ang pamagat
Inilagay rin ang tomo o volume at ng peryodikal.

bilang ng isyu. Inilalagay din ang tomo o volume at

bilang ng isyu at paghiwalayin ito ng
kuwit.

16
 Ginagamitan ito ng hanging indention.

Journal- Ito ang peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad


Chicago APA
Del Rosario, Mary Grace G. “Wikang Del Rosario, M.D. G. (2010)Wikang Filipino.
Filipino.”Phoenix Publishing House Phoenix Publishing House EJ Forum:1:16
EJForum(Agosto 2010):1:16

Magasin- Ito ang peryodikal para sa publiko


Chicago APA
Bennet, Dahl. “ Coming Clean” Working Bennet, D.D.(2012, October)Coming Clean.
Mom,October 2012, 107 Working Mom, 107.

Pahayagan-Ito ang peryodikal na araw-araw lumalabas


Chicago APA
Beigas, Leifbilly. “Publiko kinokondsiyon na Beigas, L.(2015, October 19) Publiko
sa disqualification ni Poe?” Kinokondisyon na sa disqualification ni Poe?.
Bandera, 19 October 2015, 2 Bandera , p. 2

DI NAKATALATHALANG SANGGUNIAN
Narito ang mga impormasyon isinama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di-nakatala:

• May-akda
• Pamagat
• Anyo ng manuskrito
• Tala tungkol sa pinagmulan ng lokasyon ng sanggunian
• Petsa ng pagkasulat
Manuskrito
Chicago APA
Del Rosario, Adrian Paolo,”Harmful Effects Del Rosario, A .D. (2008) Harmful Effect of
of Computer Games to Teenage Students.” Di Computer Games to Teenage Students( Di –
nakalimbag na manuskrito. Nasa pag-iingat nakalimbag na manuskrito) De La Salle
ng may-akda. 2008. University, Dasmariῂas.

DI NAKALIMBAG NA BATIS

• Pelikula o Manunulat, director, o


prodyuser o Pamagat o
Pangunahing artista o Kompanyang

17
nag-prodyus o Taon ng
pagpapalabas
Chicago APA
Quintos, Rory B., director. Anak. Kasama Quintos, R. B. (director).( 2000)Anak
sina Vilma Santos at Claudine Baretto. Star (Pelikula). Philippine: Star Cinema
Cinema, 2000.

• Programa sa Telebisyon at Radyo o


Pamagat ng segment, serye, o
programa o Prodyuser,director,
manunulat,o artista o Broadcasting
corporation o Petsa
Chicago APA
Soho, Jessica. “Mathinik na Bulilit.”Kapuso Soho, J.(October18, 2015) Mathinik na
Mo Jessica Soho. Jessica Soho, tagapagdaloy Bulilit. Kapuso Mo, Jessica Soho. Quezon
ng programa. GMA 7, October 18, 2015. City: GMA.

• Web Site o May-kda o Petsa ng


Publikasyon o Pamagat ng artikulo
o Pinanggalingang URL
Chicago APA
Clinton, Jerome W. “The Tragedy of Sohrab Clinton, J. W. (2014, December 5). The
and Rostam.” December 5, 2014, galing sa tragedy of Sohrab and Rostam Galing sa
http://www.heritageinstitute.com/zoroastriani http://www.heritageinstitute.com/zoroastriani
sm/shahnameh/ sm/shahnameh/

• Blog o May-akda (kung hindi


nakalagay ang pangalan ng may-
akda maaaring screen name lamang
ang ilagay) o Petsa ng publikasyon
(naka-parentesis)
o Pamagat ng artikulo ( Pansining hindi naka-italicize)
o Pinanggalingang URL
Chicago APA
Kahayon, Lisa. “Masbate Travel Diary.” Kahayon, L. (2015, October14). Masbate
Scenestealer (blog) October 14, 2015 (8:39 Travel Diary. Scenestealer. Galing sa http://
a.m.) http://www.lissakahayon.com/ www.lissakahayon.com/

18
Almario, Virgilio S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon sa Wikang
Filipino.

Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City, Philippines: Pheonix Publishing House, Inc.

Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2019). Pinagyamang Pluma SHS (K to 12) TWE: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Kramer, J. (2020). How to Write Bibliographies. Cebu City: Phoenix Publishing House.

Labor, K. L. (2017). Isang Sariling Wikang Filipino: Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Filipino. Metro
Manila.

Leyson, L. D., Montera, G. G., Rebamonte, G. C., Perez, A. A., Largo, R. C., & Macan, R. S. (2007).
Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta. Cruz, Manila: TCB Book Supply.

Montera, G. G., Perez, A. A., Gawahan, R. L., & Canega, J. I. (20112). Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa
Pananaliksik. Cebu City: Likha Publicatuon.

ARALIN 5: PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK

PAGTATALAKAY
Ang mga Nakalap na Tala

PAGSASAAYOS

Ang sumusunod ay ang ilang paraan na makakatulong sa pagsasaayos ng mga nakalap na


tala:
Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard.
Maghanda ng isang notebook o maaaring i-encode sa iyong computer ang anumang kaisipan,
tanong, o komentaryong pumasok sa iyong isip habang binabasa ang mga nakalap mong tala
sa mga notecard.
Suriin ang mga nakalap na impormasyon kung sapat na ba ito o nangangailangan pa ng
pananaliksik.

Pagsusuri
Sa pagsusuri ng mga talang nakalap:
Siguruhing ang mga impormasyong nakuha ay konektado sa binuong tesis.
Kung isasaisip ang tesis habang sinusuri ang mga nakalap na tala, makikita mong may mga
talang nararapat isama at mayroon din namang hindi dapat isama dahil malayo ang mga ito sa
binuong tesis.
19
Huwag kalimutang suriing mabuti ang mga ideya at i-klasipika ito bilang pangunahin at
pantulong na ideya.
Upang lalo mong maunawaan ang paksa at madagdagan pa ang ideya, isulat mo ang ibang
komentaryo tungkol sa paksa at nakalap na tala. Matapos isa-isahin ang mga tala, timbangin
kung sapat na ba ang nakalap upang mapagtibay nito ang binuong tesis at anumang pahayag
na isasama mo sa iyong papel. Matapos ang masusing pagsusuri ng mga nakalap na tala,
maaaring rebisahin nang kaunti ang tesis.
Organisasyon ng Papel
Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang susunod mo namang
gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang maisulong mo ang tesis
ng iyong sulating pananaliksik. sa pag-oorganisa ng papel, isinasaalang-alang ang tesis at ang
mga datos o impormasyong nasuri.

Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat ito ang susi upang
madaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat lamang na humanap ng paraan upang
mahusay na mapagtagni-tagni ang mga talang nakalap.

Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa pag-oorganisa ng


papel:

• Kronolohikal – Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o


impormasyon ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong
paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan
Halimbawa:
 Ang political dynasty sa Pilipinas
 Ang ebolusyon ng telepono

• Heyograpikal o batay sa espasyo – Ginagamit ito kung ipakikita at


ipaliliwanag ang lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo
Halimbawa:
 Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at pamantasan
 Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan
 Komparatibo – Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang
pagkakatulad at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao,
prinsipyo o kaisipan.
Halimbawa:
 Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat
 Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine
 Sanhi/Bunga – Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at
bunga o sanhi o bunga ng isang paksang sinisiyasat. Maaaring alam

20
na ang sani at sisiyasatin ang bunga, o kaya ay alam na bunga at
sisiyasatin naman ang sanhi.
Halimbawa:
 Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa computer
games
 Ang dahilan ng maagang pag-aasawa

 Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita


ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan Halimbawa:
 Ang lagay ng paggawa ng indie films sa Pilipinas
 Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag-bala”

Panghuling Balangkas
Matapos mong pag-isipan kung ano o ano-ano ang gagamitin mong prinsipyo upang
maorganisa ang iyong papel ay maaari mo nang buoin ang panghuling balangkas. Ngunit
hindi dapat makalito sa iyo ang tawag na “panghuling balangkas” dahil maaari mo pa rin
itong baguhin habang isinusulat mo na ang iyong papel sapagkat marami pa ring ideya o
kaisipang pumapasok sa iyong isip.
Sa pagbuo ng panghuling balangkas, tiyakin ang mga posisyon ng pangunahin at
pansuportang ideya.
Siguraduhing may hindi bababa sa dalawang ideya sa bawat libel o antas ng
balangkas.
Kapag nakabuo ka ng isang maliwanag na panghuling balangkas ay hindi ka
mahihirapan sa pagsulat ng iyong draft o borador.

MGA SANGGUNIAN
Almario, Virgilio S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon sa Wikang
Filipino.

Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City, Philippines: Pheonix Publishing House, Inc.

Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2019). Pinagyamang Pluma SHS (K to 12) TWE: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Kramer, J. (2020). How to Write Bibliographies. Cebu City: Phoenix Publishing House.

Labor, K. L. (2017). Isang Sariling Wikang Filipino: Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Filipino. Metro
Manila.

Leyson, L. D., Montera, G. G., Rebamonte, G. C., Perez, A. A., Largo, R. C., & Macan, R. S. (2007).
Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta. Cruz, Manila: TCB Book Supply.

Montera, G. G., Perez, A. A., Gawahan, R. L., & Canega, J. I. (20112). Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa
Pananaliksik. Cebu City: Likha Publicatuon.

21
http://padillojenifer.blogspot.com/2013/02/blog-post_11.html

22

You might also like