You are on page 1of 14

Modyul 7: Pagsulat ng Posisyong

Papel
Ang pagsulat ng posisyong papel ay isang
paraan upang ipahayag ang paninindigan.
POSISYONG PAPEL
Ayon kay Jocson et al. (2005), sa kanilang aklat na Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksiik, ang pangangatwiran ay tinatawag ding
pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na
mga paliwanag:
· Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo
ng isang patuna na tinatanggap ng nakararami.
· Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang
maipahayag ang katotohanan.
· Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang
mga opinyon ito sa iba.
Mga Dapat Isaalang-alang para sa Isang Mabisang Pangangatwiran:

1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.

2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.

3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay.

4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang


makapanghikayat.

5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan


sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.

6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.


Kung gayon, ang posisyong papel ay isang sanaysay na
naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o
usapin. Dito, kinakailangang pumosisyon sa isang panig.
Halimbawa, naniniwala kang nakagagamot ang marijuana kaya
isinusulong mo ang paggamit nito sa medisina. O kaya,
pro-choice ka kaya pabor ka sa aborsiyon. Anuman ang
posisyon, kailangang magbigay ng malinaw at matatag na mga
argumento at mga makatuwirang ebidesyang susuporta sa mga
ita sa kabuuan ng papel.
Ayon kay Grace Fleming, sumulat ng artikulong “How To Write an Argumentative
Essay”, ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng
isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin
para sa iyong pananaw o posisyon. Kung nailatag na ang kaso at ang posisyon
hinggil sa isyu, mahalagang mapatunayang totoo at katanggap-tanggap ito sa
pamamagitan ng mga karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang
magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan. Ayon pa sa kanya, sa pagsulat ng
posisyong papel, mahalga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu,
maaaring ang paksa ay maging simple o komplikado ngunit ang iyong gagawing
argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang maging matibay, malinaw, at
lohikal.
Ang layunin ng posisyong papel ay kumbinsihin ang mga
mambabasa na may saysay at bisa ang mga
argumentong ihahain sa kanila. Sa lohika, ang
argumento ay ang mga pahayag na ginagamit upang
manghikayat at mang-impluwensya ng iba o upang
ipaliwanag ang mga dahilan sa pagkiling sa isang
posisyon.
Mga Katangian ng Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay may mga sumusunod na katangian:

1. Naglalarawan ng posisyon sa isang partikulat na isyu at ipinaliliwanag ang basehan sa likod


nito.

2. Nakabatay sa facts (estadistika,petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay na


pundasyon sa mga inilalatag na argumento.

3. Hindi gumagamit ng personal na atake upang siraan ang kabilang pang.

4. Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad.

5. Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyong maging ang sa
kabilang panig.

6. Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at


nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang atamo ang layunin.

7. Gumagamit ng akademikong lenggwahe.


Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.


2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis
o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buuin ang balangkas ng posisyong papel
Ang susunod na bahagi ang laman ng posisyong papel. Dito iisa-isahin ang mga argumento,
opinion, at suportang detalye. Maaaring maging gabay ang sumusunod na balangkas.:

A. Ilatag ang unang argumento


1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensy
B. Ilatag ang pangalawang argumento
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag an tatlo o higit pang suporta o ebidensya
C. Ilatag ang pangatlong argmento
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinion
2. Ilatag ang tato o higit pang suporta o ebidensya
Isaalang-alang ang mga magbabasa ng posisyong papel. Sila ba
ay mga guro, estudyante, o iba pa? ang pagbuo ng matibay na
argumento ay nakasalalay sa pagkilala kung sino ang mambabasa.
Maaaring tanungin ang sarili: Ano ang paniniwala ay
pinahahalagahan ng mga mambabasa? Ano kayang argumento
ang kanilang pinapaborahan? Ano ang kahalagahan ng paksa sa
kanila? Paano maaapektuhan ng usapin ang kanilang mga interes?
Anong ebidensya ang mas pinaniniwalaan nila?
Isaalang-alang ang mga magbabasa ng posisyong papel. Sila ba
ay mga guro, estudyante, o iba pa? ang pagbuo ng matibay na
argumento ay nakasalalay sa pagkilala kung sino ang mambabasa.
Maaaring tanungin ang sarili: Ano ang paniniwala ay
pinahahalagahan ng mga mambabasa? Ano kayang argumento
ang kanilang pinapaborahan? Ano ang kahalagahan ng paksa sa
kanila? Paano maaapektuhan ng usapin ang kanilang mga interes?
Anong ebidensya ang mas pinaniniwalaan nila?
Kailangang ding isaalang-alang ang etika sa bubuuing
posisyong papel.iwasan ang pag-atake sa katauhan ng
sinumang may salungat na opinyon. Ang ganitong klaseng
pag-atake ay tanda ng kawalan ng respeto at pagkakaroon
ng mahinang argumento. Maging lohikal at magtuon lamang
sa isyu. Maghain ng mga argumentong sinusuportahan ng
mga ebidensya at iwasang baluktutin ang mga impormasyon.

You might also like