You are on page 1of 27

11

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ikatlong Markahan-Modyul 1:
Ang Kahulugan, Katangian at Uri ng
Teksto
Filipino – Baitang 11
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Kahulugan, Katangian at Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Myrna Diva- Gornez
Editor: Melodena C. Brazil
Tagasuri: Lelita A. Laguda
Tagaguhit: Krelle Estrada Llana & Ariane Joy A. Santiago
Tagalapat:
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Tagapamahala:
Telefax: Allan2288825/
(083) G. Farnazo, CESO
(083) IV – Regional Director
2281893
E-mail Address: Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
region12@deped.gov.ph
Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XII

Office Address: Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph
11

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kahulugan, Katangian at Uri ng
Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa araling Ang Kahulugan, Katangian at Uri ng Teksto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul ukol sa Ang Kahulugan, Katangian at Uri ng Teksto !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

4
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Magandang araw sa iyo! Marahil ay handa ka na sa susunod na pagkatuto

tungkol pagbabasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto. Natutuhan mo sa
nakaraang semestre ang proseso sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo
at pananalikisk sa wika at kulturang Filipino.

Ang modyul na ito ay inihanda para tutulungan kang mapalalim ang pag-
unawa sa iyong binabasa katulad ng pagkuha ng mga impormasyon at pagbibigay
kahulugan ng mga uri ng teksto at higit sa lahat ay malibang at matuto. Ang
pagbabasa ay daan din upang makatuklas ng mga bagong kaalaman , masuri ang
mga konsepto at maiuugnay ito sa sarili, sa kapwa at sa lipunan. Layunin din
nitong maiangat ang pagpapahalagang pampanitikan sa pamamagitan ng mga
babasahin at teknolohiya tungo sa pambansang pagkakilanlan.

Aralin 1: Mga Uri ng Teksto

1.1Tekstong Impormatibo
1.2Tekstong Dekriptibo
1.3Tekstong Naratibo
1.4Tekstong Prosidyural
1.5Tekstong Persuweysib
1.6Tekstong Argumentatibo

Pagkatapos mong masagot ang mga gawain ay inaasahang matatamo mo

ang pinakamahalagang kasanayan ng pampagkatuto na:

Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.

(MELC-F11PB-IIIa-98)
Naututukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa. (MELC-PT-IIIa-88)

5
Subukin

Bago tayo magpatuloy, sagutin mo muna ang mga sumusunod na katanungan.

Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.
________1. Ang sumusunod na babasahin ay halimbawa ng impormatibong di
piksyon maliban sa ___________.
a. alamat c. balita
b. artikulo d.talambuhay

________2. Alin sa mga pahayag ang nagbibigay ng impormasyon?

a. Ayon sa kagawad ng aming barangay, marami raw ang nagkakasakit
dahil sa masamang dulot ng polusyon sa hangin.
b. Hindi ko matatanggap ang iyong mga paliwanag tungkol sa
pangingibang bansa mo.
c. Nais kong makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating
paaralan.
d. Ayon sa DOH COVID (Case Bulletin#130, Hulyo 22, 2020), umabot na
sa 41, 803 bilang ng mga mamamayan sa Pilipinas ang positibong
nahawaan ng sakit na COVID-19.
________3. Ang tekstong ito ay naglalahad ng panig ng isyung pinaniniwalaan. May
layuning makahikayat upang umang-ayon ang mambabasa sa panig ng manunulat.
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Prosidyural

________4. Ang layon nito ay maglahad ng mga tiyak na impormasyon at

mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay. Ito ay tinatawag na _______.

a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Prosidyural

b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Persweysib

Para sa blg.5-6. Basahin at suriing mabuti ang bahagi ng sanaysay na nasa loob
ng kahon.

Ano nga ba ang layunin ng Panitikan? Sa aking palagay, dito ay malaya tayong
naipahayag ang ating sariling mithiin, saloobin, mga nais na sabihin sa sambayanang
Filipino at pati na rin sa ibang bansa. Sa panitikan, nagkakaisa tayong ilantad ang
daan ng pakikilaban sa buhay, nagkakaisa na may layunin maingat ang antas ng ating
pagkatao. Patunay nito, na ang panitikan ay salamin ng buhay, salamin na makikita
ang tunay na sining ng pagiging makabayan.

ni Myrna Diva-Gornez

6
________5. Ano ang paksa ng talata na iyong binasa?

a. Panitikan c. Pagkakaisa
b. Salamin d. Wika

________6. Ipinaliliwanag ng awtor na ang dakilang layunin ng panitikan ay

__________.

a. salamin ng pagkatao at pagkakaisa

b.daan ng pagpapaunlad ng kaalaman sa wika
c. maging tanda ng pagkakaisa ng kalooban sa isang bayan.
d. daan sa pagkilala sa tunay na talambuhay ng isang lahi

________7. “Nagtapos ako ng aking kolehiyo sa Notre Dame of Midsayap College na dala
ang inspirasyong maabot ang matayog na pangarap. Dahil sa malakas na paninindigan at
tiwala sa sarili, natamo ang mga mithiin sa lungsod ng Heneral Sanots”. Ito ay isang
halimbawa ng tekstong ___________.
a. Tekstong Impormatibo c. Tekstong Argumentatibo
b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Naratibo

________8. Ikaw ang aking inspirasyon na lumaban sa dagok ng buhay. Ang matamis mong
ngiti, mainit mong yakap na tilang walang masalimuot na nararanasan. May bagong pag-asa
dahil may bagong umagang darating. Ito ay isang halimbawa ng tekstong_________.
a. Tekstong Naratibo c. Tekstong Deskriptibo
b. Tekstong Argumentatibo d. Tekstong Impormatibo

________9. Layunin ng tekstong ito na hikayatin ang mambabasa na tanggapin ang

posisyong pinaniniwalaan o ineendorso nito. Kumbinsihin na mabago ang isipan na sumang-
ayon sa manunulat. Ang tawag ng tekstong ito ay ____________.
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Impormatibo
b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Prosidyural

________10. Inilalahad ang serye kung paano ginagawa ang isang bagay o ipabatid ang mga
wastong hakbang na dapat isagawa. Halimbawa nito ay “Paano Magluto ng Adobong
Manok?” Ito ay halimbawa ng tekstong __________.
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Prodidyural d. Tekstong Deskriptibo

________11. Patuloy na nararanasan ng mga bansa ang matinding kahirapan sa paglutas sa

pagkalat ng sakit na Covid-19 at makatuklas ng bakuna para masugpo ang paglaganap nito.
Nais ni Eliza na magkaroon ng maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon
ang tekstong may pamagat na “ Bakuna Para sa Covid-19, Natuklasan na”.Ang tekstong ito
ay nabibilang sa ____________.
a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari c. Pag-uulat Pang-impormasyon
b. Paglalahad ng Kasaysayan d. Pagpapaliwanag

7
________12. Ang tekstong ito ay hindi naglalaman ng opinyon kung kaya ang tono nito ay
obhetibo. Layunin lamang na magbibigay ng tiyak na impormasyon patungkol sa tao, bagay o
pangyayari.
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Persweysib

________13. Layunin ng tekstong ito na magsalaysay o magkukuwento tungkol sa isang

tiyak na pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan.
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Persweysib

________14. Buo ang pananalig na makaahon sa hirap na nararamdaman, may malaking

tiwala sa sarili, matatag at handang harapin muli anomang pagsubok sa buhay. Siya si Pedro,
ang nag-iisang kaibigang tunay. Ang mga salitang buo, malaki, matatag at tunay ay
halimbawa ng salitang ______
a. naglalahad c. nagsasalaysay
b. naglalarawan d. nanghihikayat

________15. Ang tekstong ginamit sa bilang 14 ay halimbawa ng _____.

a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Deskriptibo d. Tekstong Persweysib

Aralin
Kahulugan, Katangian at Uri
1 ng Teksto

Layunin ng pagbabasa na mapapaunlad ang kakayahan sa kritikal at

pagsusuri sa iba’t ibang teksto. Maihanda ang mga mag-aaral na makabuo ng
makabuluhang pananaliksik sa mga piling paksa sa iba’t ibang larangan. Mga
teksto na naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong
paniniwala at mga bagong impormasyon. Ang mga teksto ay naglalaman ng
napapanahong sanaysay, tula, maikling kuwento, talumpati, at mga teksto gamit
ang social media na makatutulong maingat ang interes ng mga mag-aaral na
pagsusuri sa mga napapanahong isyung panlipunan.

Sa pagsusuri ng teksto, mahasa ang kakayahang matukoy ang paksa,

makilala ang mga katangian nito, masuri ang uri at mapalalim ang pag-alam sa
kaugnayan nito sa sarili, kapwa at sa lipunan.

8
Balikan

Marahil ay handa ka na. Ito ang unang gawain mo sa unang linggong aralin.
Mula sa mga larawan sa ibaba, alin-alin ang pinakapaborito mong babasahin?
Iantas ang mga sagot mo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bilang. Magsimula
sa bilang 1 sa higit mong kinagigiliwang basahin at 10 sa may panakamababa.
Isulat ang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.

_________1. _________6.

_________2 _________7.

_________3
_________8.

_________4. _________9.

_________5. ________10

Ngayon, subukin mong sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kinagigiliwan mong basahin? Magbigay ng mga dahilan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano naman ang hindi mo masyadong nabigyang pansin na babasahin? Maaari

mo bang ilahad ang mga dahilan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang pagbabasa?

9
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Paano mo hikayatin ang mga kamag-aral o kaibigan na magbasa?

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang

lubusang matuto at maunawaan ang pinakamahalagang layunin ng
pampagkatuto. Naglalaman din ito ng mga gawain at pagsasanay upang
malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral.

10
Tuklasin

MAGSURI KA!
(ni Myrna Diva-Gornez)

Halina’t tayo’y magsuri, mga larawang may pahiwatig

Katangian, paksa, at layunin ng teksto nais ihatid
Tekstong impormatibo, deskriptibo, naratibong nabatid
Payabungin… prosidyural, argumentatibo at persuweysib

Magbigay ng impormasyon at magpaliwanag nang malinaw

Tulad ng Covid-19, sakit na maaaring ika’y pumanaw
Tiyak na paksa ang pahalagahan at tandaan mong tunay
Mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay

Kung nais naman patunayan at ilahad ang isang punto

Ebidensyang matitibay na susuporta sa argumento
Katulad ng “Alin ang mas Mahalaga, Pera ba o Ginto”
Maglahad ng datos o impormasyon sa mahal mong katoto

Sa loob at labas ng ating bansa, tila may nagbabadya

Nakabibinging katahimikan dulot matinding pangamba

11
Damdamin natin sumisiklab sa lumalalang epidemya
Dapat magpakatatag sa tulad kong may mababaw na luha

Panahon ng epidemya, talakayan sadyang mahalaga

Gamit ang ating wika sa paglalahad ng anomang paksa
Magsaliksik, mag-ambag para sa pagbangon ng ating bansa
Wika’y nagsisilbing sinturon na magkaisa ating diwa

Panahon ng pangamba, pag-aalala aking nadarama

Nakatago sa bahay, balisa at parang walang paglaya
Lalong masaklap, di na muling madama ang yakap ni ina
Sa puso’t isip ko, ang tanong ko ….“Ako Ba’y Pinagpala?”

Positibong pananaw panatilihin , sundin mga hakbang

Maging mapagmatyag at sisikaping puso’t isip panatag
Magsiyasat, makialam sa mga gawaing maging ligtas
Sa huli, pag-ibig ng pamilya at Diyos na walang katulad.

Ngayon, subukin mong suriin ang bawat saknong ng tula.

1. Sa unang saknong ng tula, ibigay ang pinag-uusapan o paksa ng tula.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ano-anong uri ng mga teksto ang nabanggit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Sa kabuoan, sumasang-ayon ka ba sa mga kaisipan inilahad ng may-akda sa

tula? Patunayan ang iyong sagot. At kung hindi, magbigay ng mga paliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Suriing mabuti ang mga layunin ng may-akda sa bawat saknong. Gamitin ang
tsart sa ibaba para sa iyong mga sagot.

Bilang ng Saknong Layunin

Saknong bilang 2

Saknong bilang 3

Saknong bilang 4

Saknong bilang 5

Saknong bilang 6

Saknong bilang 7

12
Suriin

Pagtukoy ng Paksa sa Tekstong Tinalakay

Sa bawat teksto na ating binabasa ay may pinag-uusapan na maaaring tao,
hayop, bagay, pangyayari at iba pa. Ang unang dapat taglayin ng mahusay na
mambabasa ay ang pagtukoy ng paksa sa kanyang binasa. Madali lamang
malaman ang paksa sa pamamagitan ng tanong sa sarili, “Tungkol saan ang aking
binabasa? Tungkol saan o ano ang pinag-uusapan. Ito ang paksa ng teksto.

Ang Kahulugan, Katangian at Uri ng Teksto

Mahalagang maunaawaan ang iba’t ibang teksto upang matugunan ang
pangangailangan na magkaroon ng kritikal na pag-iisip na makabuo ng
sistematikong pananaliksik. Masuri ang kalikasan, katangian, layunin nito at
maiuugnay ang kaisipan sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Alamin
ang sumusunod na uri ng teksto:

Uri ng Teksto Kahulugan/katangian

Impormatibo Nagbibigay impormasyon at detalye na may lohikal
na paghahanay
Deskriptibo Naglalarawan o nagbibigay katangian sa kaisipan,
tao, bagay, hayop o pangyayari
Naratibo Nagsasalaysay o nag-uulat ng mga pangyayari
Prosidyural Naglalahad ng mga hakbang kung paano ginagawa
ang isang bagay
Persuweysib Nanghihikayat sa mambabasa na sumang-ayon sa
posisyong pinaniniwalaan ng may-akda. Ang
panghihikayat ay nakabatay sa damdamin o opinion
ng manunulat.
Argumentatibo Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon.
Nagpapakita ng proposisyon at sumasagot sa
tanong na “Bakit”?

Pagyamanin

13
Pagsasanay 1. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon at punan ang patlang ng
wastong sagot upang mabuo ang diwa ng talata.

proposisyon impormasyon hakbang

maglarawan manghikayat pagkukuwento

Mga Uri ng Teksto

Sa pagbuo ng tekstong argumentatibo, kinakailangan na magpapakita ng
mga 1. ___________________________________, mga pahayag na inilalahad upang
pagtalunan o pag-usapan. Kung nais naman matugunan ang mga tanong na ano,
kailan, sino at paano, gamitin ang tekstong impormatibo dahil layunin nitong
magpaliwanag at magbigay ng 2. _______________________________. Sa
pagsasalaysay o 3. _______________________________ ng personal na naranasan, mga
tunay na pangyayarin o kathang-isip lamang ay gamitin ang tekstong naratibo.
Kung hangad ay bigyang kulay o katangian ang iyong nakikita, gamitin ang
tekstong deskriptibo, layunin nitong 4. __________________________upang maipakita
ang tunay na imahen para mapukaw ang isip at damdamin ng mambabasa. Sa
paglinang ng kakayahang sumula’t sumuri, dapat sundin ang mga wastong 5.
____________________________ o proseso upang matamo ang inaasahang tagumpay
na maisagawa ang mga gawain. Iyan ang layunin ng tekstong prosidyural. Sa
panghuli, kung nais mong mabago ang takbo ng isip ng mambabasa, tekstong
persuweysib naman ang gagamitin dahil layunin nitong 6._______________________
kung anomang pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.

Pagsasanay 2: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay sa ibaba. Pagkatapos,

sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang Gusto Ko ay Agosto

ni Myrna Diva-Gornez

Para sa akin, iba ang kulay ng buwan ng Agosto. Natatangi sa lahat ng

buwan ang simoy ng Agosto. Dito, nangingibabaw at umaalab ang ating puso,
nagmamayabang, taas noo, matapang na isinisigaw na “Ako ay Filipino, Filipino
ang Wika Ko at Filipinas ang Bayan Ko”.
Oo, napakasarap pakinggan, bumabalik sa ating isipan kung paano
ipinaglalaban ng ating mga bayani ang pagkakaroon ng sariling pagkikilanlan, ang

14
pagkakaroon ng sariling wika na simbolo ng pagiging malaya. Oo nga, nagiging
gunita na lamang ang mga alaalang iyon. Mabuti na lang, may Agosto… ang
buwan na gustong-gusto ko dahil nakamamanghang panoorin ang mga mag-aaral
na nagsisiklaban sa iba’t ibang patimpalak tulad ng katutubong sayaw, sabayang
bigkas, talumpati at marami pang iba. Ah! Bakit sa buwan lamang ng Agosto natin
kadalasan makikita ito? Maaari naman sa lahat ng buwan, hindi ba?
Ayon sa ArtikulobXIV, Sek.6, Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Talagang malinaw, hindi ba?
Dapat payabungin at payamanin pa, ngunit mas higit pang mas mahalaga ang
ibang wika? Mas nahuhumaling at tinangkilik pa ang paggamit ibang wika?
At bakit ba buwan ng Agosto? Lahat ba ng Filipino ay may alam nito? Kung
hindi pa, muling balikan natin ang Proklamasyon Blg.12, ipinalabas noong Marso,
1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika mula Marso 29-Abril 4 (kapanganakan ng Francisco Balagtas). Lumipas ang
isang taon, ayon sa Proklamasyon 186, inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon, ama ng
Wikang Pambansa). Ang Linggo ng Wika ang naging Buwan ng Wika dahil noong
taong 1997, nilagdaan at pinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos na nagtatakda ba ang
buwan ng Agosto, ang buwan ng wikang Filipino na nakasaad sa Proklamasyon Blg.
1041.
Ngayong malinaw na ang kahalagahan ng buwan ng Agosto. Ang gusto ko
lamang ipabatid sa lahat na kahit hindi buwan ng Agosto ay bigyang halaga ang
paggamit ng ating wika, ang ating sariling wika…ang wikang pambansa, ang
wikang Fiipino na naging durungawan ng kultura ng ating lipunan. Ang gusto ko
ay isapuso ang pagka-Filipino, hindi lamang sa buwan ng Agosto. Pero di
maiiwasan, at aaminin din natin na tayo’y nagbibigay pugay, binabalikan ang
pagbangon at kasaysayan ng wika sa buwan ng Agosto. Kaya’t, gustong-gusto ko
ang buwan ng Agosto.

Nagustuhan at naunawaan mo na ba ang teksto? Subukin mong sagutin sa buong

pangungusap ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang paksa ng tekstong nabasa?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Sumasang-ayon ka ba sa mga paniniwala ng may-akda tungkol sa pagdiriwang
ng Buwan ng Agosto ?

15
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano sinimulan ng may-akda ang teksto? Ano-anong mga salitang ginamit niya
sa paglalarawan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Sa kabuoan ng teksto, ilahad ang mga layunin ng may-akda sa pagsulat ng
teksto.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isaisip

Dahil nasagot mo na ang mga gawain sa Pagyamanin ay handa ka na sa

susunod na bahagi na lalo pang hahasa sa iyong kakayahan.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap o pahayag sa ibaba.

Isulat sa patlang kung ito ay impormatibo, naratibo, argementatibo, deskriptibo,
prosidyural o persweysib.
________1. Ito ay may isang tiyak na paksa na naglalayong maglahad ng mga
impormasyon at mahahalagang detalye na may lohikal na
Paghahanay.
________2. Sa pagsulat ng teksto, makabubuo ng pangunahing larawan ang
mambabasa. Layuning maipakita kung paano ang isang bagay ay
naiiba sa kauri niya.
________3. Hangarin ng tekstong ito na magsasalaysay ng mga pangyayari ng
magkakasunod o sa kaayusang kronolohikal na maaaring may
katotohanan o likhang-isip lamang.
________4. Ang tekstong ito ito ay kilala rin sa tekstong pamproseso.
Nagpapaliwanag kung paano ginawa ang isang bagay o
pagkakasunud-sunod sa pagsasagawa ng bagay.
________5. Isang uri ng tekstong persuweysib na may katwirang lohikal na
hinihikayat ang mambabasang tanggapin ang kanyang posisyon sa
isang isyu.
________6. Naglalaman ng personal na opinyon at paniniwala ng may-akda at
naglalayong kumbinsihin ang mambabasa na tanggapin ang

16
posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.

Isagawa

Ngayong matagumpay mo na naisagawa ang mga gawain tungkol sa

pagpapakahulugan at pagkilala ng mga katangian ng iba’t ibang uri ng teksto.
Ibuod ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang talata.
Mahalagang magbasa at _____________________ng iba’t ibang
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Rubrik:
Nilalaman (wasto at kumpleto) - 5 puntos
Organisasyon (malinaw at simple) - 3 puntos
Wastong Gramatika at bantas - 2 puntos
_________
Kabuoan 10 puntos

Tayahin

Ang sumusunod na katanungan ay susukat sa iyong natutuhan mula sa mga

paksang tinalakay sa modyul na ito. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.

________1. Ang sumusunod na babasahin ay halimbawa ng impormatibong di

piksyon maliban sa ___________.
a. balita c. artikulo
b. talambuhay d. alamat

17
________2. Ang tekstong ito ay naglalahad ng panig ng isyung pinaniniwalaan. May
layuning makahikayat na sumang-ayon ang mambabasa sa panig ng manunulat.
a. Tekstong Impormatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Argumentatibo d. Tekstong Prosidyural

________3. Alin sa mga pahayag ang nagbibigay ng impormasyon?

a. Ayon sa kagawad ng aming barangay, marami raw ang nagkakasakit
dahil sa masamang dulot ng polusyon sa hangin.
b. Hindi ko matatanggap ang iyong mga paliwanag tungkol sa
pangingibang bansa mo.
c. Nais kong makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating paaralan.
d. Ayon sa DOH COVID (Case Bulletin#130, Hulyo 22, 2020), umabot na
sa 41, 803 bilang ng mga mamamayan sa Pilipinas ang positibong
nahawaan ng sakit na COVID-19.

________4. “Nagtapos ako ng aking kolehiyo sa Notre Dame of Midsayap College na dala
ang inspirasyong maabot ang matayog na pangarap. Dahil sa malakas na paninindigan at
tiwala sa sarili, natamo ang mga mithiin sa lungsod ng Heneral Sanots”. Ito ay isang
halimbawa ng tekstong ___________.
a. Tekstong Impormatibo c. Tekstong Argumentatibo
b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Naratibo

________5. Ang layon nito ay maglahad ng mga tiyak na impormasyon at

mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay. Ito ay tinatawag na _______.

a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Prosidyural

b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Impormatibo

Para sa blg. 6-8. Basahin at suriing mabuti ang bahagi ng sanaysay na nasa loob
ng kahon.

Ano nga ba ang layunin ng Panitikan? Sa aking palagay, dito ay malaya

tayong naipahayag ang ating sariling mithiin, saloobin, mga nais na sabihin sa
sambayanang Filipino at pati na rin sa ibang bansa. Sa panitikan, nagkakaisa
tayong ilantad ang daan ng pakikilaban sa buhay, nagkakaisa na may layunin
maingat ang antas ng ating pagkatao.Patunay nito, na ang Panitikan ay salamin ng
buhay, salamin na makikita ang tunay na sining ng pagiging makabayan.

ni Myrna Diva-Gornez

18
_______6. Ano ang paksa ng sanaysay na iyong binasa?
a. Panitikan c. Pagkakaisa
b. Salamin d. Wika

________7. Ipinaliliwanag ng awtor na ang dakilang layunin ng panitikan ay

__________.
a. salamin ng pagkatao at pagkakaisa
b.daan ng pagpapaunlad ng kaalaman sa wika
c. maging tanda ng pagkakaisa ng kalooban sa isang bayan.
d. daan sa pagkilala sa tunay na talambuhay ng isang lahi

________8. Ikaw ang aking inspirasyon na lumaban sa dagok ng buhay. Ang

matamis mong ngiti, mainit mong yakap na tilang walang masalimuot na
nararanasan. May bagong pag-asa dahil may bagong umagang darating. Ito
ay isang halimbawa ng tekstong_________.
a. Tekstong Naratibo c. Tekstong Deskriptibo
b. Tekstong Argumentatibo d. Tekstong Impormatibo

________9. Layunin ng tekstong ito na hikayatin ang mambabasa na

tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso nito. Kumbinsihin na
mabago ang isipan na sumang-ayon sa manunulat. Ang tawag ng tekstong
ito ay ____________.
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Impormatibo
b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Prosidyural

________10. Inilalahad ang serye kung paano ginagawa ang isang bagay o
ipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Halimbawa nito ay
“Paano Magluto ng Adobong Manok?” Ito ay halimbawa ng tekstong
__________.
a. Tekstong Prosidyural c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Argumentatibo d. Tekstong Deskriptibo

________11. Patuloy na nararanasan ng mga bansa ang matinding

kahirapan sa paglutas sa pagkalat ng sakit na Covid-19 at makatuklas ng
bakuna para masugpo ang paglaganap nito. Nais ni Eliza na magkaroon ng
maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon ang tekstong
may pamagat na “ Bakuna Para sa Covid-19, Natuklasan na”.Ang tekstong
ito ay nabibilang sa ____________.
a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari c. Pag-uulat Pang-impormasyon
b. Paglalahad ng Kasaysayan d. Pagpapaliwanag

________12. Ang tekstong ito ay hindi naglalaman ng opinyon kung kaya

ang tono nito ay obhetibo. Layunin lamang na magbibigay ng tiyak na
impormasyon patungkol sa tao, bagay o pangyayari.
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Persweysib

19
________13. Layunin ng tekstong ito na magsalaysay o magkukuwento
tungkol sa isang tiyak na pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan.
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Persweysib

________14. Buo ang pananalig na makaahon sa hirap na nararamdaman,

may malaking tiwala sa sarili, matatag at handang harapin muli anomang
pagsubok sa buhay. Siya si Pedro, ang nag-iisang kaibigang tunay. Ang mga
salitang buo, malaki, matatag at tunay ay halimbawa ng salitang ______
a. naglalahad c. nagsasalaysay
b. naglalarawan d. nanghihikayat

________15. Ang tekstong ginamit sa bilang 14 ay halimbawa ng _____.

a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Deskriptibo d. Tekstong Persweysib

Karagdagang Gawain

Magaling! Binabati kita dahil naunawaan mo na ang pagkilala ng mga iba’t

ibang uri ng teksto. Bibigyan kita ng panghuling gawain upang mas lalo pang
mananatili sa iyong isipan ang mga konseptong iyong natutuhan.
Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto ay gagawa ka ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa.
Hikayatin mo ang kapwa mong mag-aaral na magbasa at magsuri ng mga teksto,
dahil ito ang kasangkapan nila sa pagtatagumpay sa paggawa ng pananaliksik.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

20
21
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. a 1. proposisyon 1. d
2. d 2. impormasyon 2. b
3. a 3. pagkukuwento 3. d
4. b 4. maglarawan 4. d
5. a 5. hakbang 5. d
6. a 6. manghikayat 6. a
7. d 7. a
8. c 8. c
9. b 9. b
10.b 10.a
11.c 11.c
12.b 12.b
13.c 13.c
14.b 14.b
15.b 15.b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino (Batayang Aklat;Kagawaran ng Edukasyon). Quezon City: Vibal Group
Company. 2016

Project EASE (Effective Alternative Secondary Education)

22
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN

Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like