You are on page 1of 13

Pagbasa at Pagsusuri Pagtukoy ng Iba’t ibang

ng Iba’t Ibang Uri ng

Teksto Tungo sa Paksa at Pagkilala sa Iba’t
Pananaliksik
ibang Uri ng Teksto
Unang Markahan
Una at Ikalawang Linggo

MELC : Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang

ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa

Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa

Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto

Layunin : Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito at sa mga salitang
ginamit.

Nakasusulat ng halimbawang teksto na naaayon sa katangian nito.

Ating Alamin at Tuklasin

Natural mo bang natutunan ang pagbasa gaya ng pakikinig at pagsasalita? Sa paaralan

o sa bahay ka ba nagsimulang matutong magbasa? Gumamit ka ba ng ABAKADA sa

pagbasa? Ano-ano ang mga babasahing madalas mong basahin?

Siguradong sasang-ayon ka kapag sinabi ko sa iyong ang pagbabasa ay isa sa mga

kasanayang dapat linangin ng mga mag-aaral na tulad mo. Naniniwala rin ang mga

eksperto na lubos na mahalaga ang kasanayan natin sa pagbabasa. Sa katunayan, para

sa kinikilalang Ama ng Pagbasa na si William Scott Gray, “ang pagbabasa ay isang

proseso ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga nakakodang impormasyon sa

anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.”

1
Sa iba’t ibang pamamaraan tayo nagbabasa, maaaring sa pamamagitan ng mabilis na

pagbasa. Ginagamit ang ganitong pamamaraan sa mabilis na pagtingin at pagbabasa

sa kabuuang nilalaman ng aklat. Maaari rin namang pahapyaw na pagbabasa ang ating

ginagawa Bahagyang pagtingin o pagbasa ito sa mga impormasyong natatagpuan

habang nagbabasa. Halimbawa ay kung naghahanap tayo ng kahulugan ng salita sa

diksiyonariyo o ng mga pangalan ng nakapasa sa pagsusulit. Ginagamit naman natin

ang pamumunang pagbasa kung binabasa naman natin ang mga elemento ng isang

teksto tulad ng pamagat, simula, katawan, wakas ng akda, estilo ng awtor, at ang

wastong paggamit ng balarila at ng bantas. Kung susukatin naman ang iyong

kakayahan bilang mag-aaral sa pag-unawa sa mga teorya, simulain o prinsipyong

nabasa sa tekstong itinakda ng guro, ang pamamaraang ginagamit ay pagsusuring

pagbasa. Samantala, ang mag-aaral na tulad mo ay nagsasagawa ng paaral na pagbasa

kung ginagawa mo ang pagkuha ng mahahalagang detalye o pagsasama-sama ng

maliliit na kaisipan upang magkaroon ng mahusay at wastong pagkaunawa sa

pangunahing kaisipan ng isang teksto. Halimbawa nito ay sa tuwing kakabisaduhin mo

ang mga aralin para sa isang itinalagang pagsusulit.

Ilan sa maituturing na kahalagahan ng pagbabasa ang nasa ilustrasyon sa ibaba.

Maaari mong pagnilayan kung ganito ba ang iyong naging karanasan sa pagbabasa.

Iba’t iba ang uri ng tesktong ating binabasa. Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. Impormatibo
2. Deskriptib
3. Persuweysib
4. Naratib
5. Prosidyural
6. Argumentatib
2
3
4
Tayo’y Magsanay
Practice
Gawain 1: HANAP-SALITA: Hanapin ang mga salita na halimbawa ng iba’t ibang uri

ng babasahin. Ang ayos nito ay maaaring pahalang, patayo, mula sa kaliwa papuntang

kanan, mula sa kanan pakaliwa., paitaas, paibaba.

PANGALAN: _____________________________________________________________

SEKSIYON: Baitang 11 - __________________________ ISKOR: _____ / 10

PETSA: IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 1

GURO: __________________________________________________________________
5
Tayo’y Magsanay
Practice
Gawain 2: TALAHANAYAN NG URI NG TEKSTO AT PAKSA: Basahin ang mga bahagi
ng mga sumusunod na teksto. Pagkatapos ay isulat sa talahanayan ang uri ng teksto,
katangian ng teksto, at paksa sa bawat bilang.

1. Sa unang tingin pa lamang ay labis na akong naakit sa kaniyang mga matang

tila nangungusap. Hindi ko mapuknat ang aking paningin sa ‘di pangkaraniwang
kagandahan sa aking harapan. Papalayo na sana ako sa kaniya subalit alam kong
dalawang nagsusumamong mga mata ang nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang-
aakit upang siya’y balikan, yakapin at ituring na akin.

2. Sa isang artikulo ng Smart Parenting (2020), pinatototohanan ng UNICEF na

lubos na mapanganib ang cyberbullying dahil napakabilis ng pagkalat nito bunsod
ng modernong teknolohiya. Sa Pilipinas, sa isinagawang National Baseline Survey on
Violence Against Children, ang mga kabataang nasa edad 13 hanggang 17 ang
karaniwang naaapektuhan. Apektado rin dito ang 44% kalalakihan at 43% naman
sa kababaihan. Ipinakikita rin ng pag-aaral na ito na sangkatlo (1/3) ng mga
kabataang Pilipino ang nakararanas ng verbal abuse sa internet.

3. Kailangan maglaan ng pondo ang pamahalaan, nasyonal at lokal, sa pagbili ng

mga desktop, laptop, at mobile devices para sa estudyante at mga guro. Dagdag pa
rito ang paglalaan ng pondo para sa pagsasanay ng titser sa pagsasalin ng kanilang
ituturo sa digital format at kung paano gumamit ng mga devices para mag-upload
ng mga aralin na ginawa nila. Ang araling pang-isang oras sa silid- paaralan ay
kailangan kinisin upang magkasya sa loob ng 15- 30 minuto lamang sapagkat ito
ang pinaka epektibong online session, ayon sa University of Peking. Ayon kay
Antonio Contreras (Manila Times, Mayo 7,2020), sa mga Pilipinong edad 18 – 24,
80% dito ang nakakapag-online. Sinabi ni Contreras na malaking hamon kung
paano mabubuksan ang isipan ng age group na ito na ang internet ay tagapaghatid
rin ng edukasyon at hindi lamang ito kasangkapan ng libangan, aliwan, at
pakikipag-ugnayan sa mga FB friends at mga followers nila. Minungkahi niya na
pagsamahin ang edukasyon at libangan sa pagdisenyo ng mga programa sa online
at offline learning sapagkat “learning should be fun”. Sabi ni Alfred Mercier, dapat
maging masayang karanasan ang pag-aaral upang hindi makalimutan ng mag-
aaral ang kanyang natutuhan. Kung susundin ng DepEd, CHED at TESDA ang
mungkahi ni Contreras, hindi mababagot ang mga batang mag-online para mag-
aral. Ang bagong normal sa edukasyon ay dapat maging isang masayang karanasan
ng bata at titser.
6
Tayo’y Magsanay
Practice
Gawain 2: TALAHANAYAN NG URI NG TEKSTO AT PAKSA

Bilang Uri ng Teksto Katangian ng Teksto Paksa

(1 puntos bawat (2 puntos bawat bilang) (2 puntos bawat bilang)
bilang)
1

PANGALAN: _____________________________________________________________

SEKSIYON: Baitang 11 - __________________________ ISKOR: _____ / 15

PETSA: IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 1

GURO: __________________________________________________________________
7
Ating Pagyamanin

Gawain 3: TUKUYIN MO! : Basahin ang mga bahagi ng mga sumusunod na teksto.
Pagkatapos ay isulat ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa teksto
gamit ang iyong sariling salita. Piliin ang katangian ng mga salitang nakasalungguhit
sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa mga opsiyon.

1. Maraming Pilipino ang nakakagat ng aso o pusa. Delikado ito dahil puwede itong
magdulot ng rabies. Ang rabies ay nakukuha sa laway at ihi ng aso, pusa, daga
at paniki na may rabies. Kapag tinamaan ang pasyente ng rabies, maghihintay
pa ng 3 hanggang 8 linggo bago magkaroon ng sintomas. Ang sintomas ng rabies
ay ang pamamanhid sa lugar ng sugat, pagwawala, paglalaway at paninigas ng
masel sa mukha

– “Mga Dapat Gawin Para Makaiwas sa Rabies Mula sa Kagat ng Aso at Pusa”
www.facebook.com/Willie Ong

2. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang

basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang
ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang
bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na
nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” Naisigaw na lamang ni Adong.

Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang
niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang
sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang
kumandong sa kaniya.

- “Mabangis na Lungsod” ni Efren Abueg

3. Ang salitang pandemya ay tumutukoy sa malawakang paglaganap ng sakit sa

buong daigdig sa loob ng isang panahon. Mas malawak ang sakop nito kaysa
epidemya (epidemic). Sa kalagitnaan ng taong 2020, umabot na sa halos 10
milyon ang nagkaroon ng sakit na COVID – 19 sa buong mundo samantalang
umabot na sa halos kalahating milyon ang namatay sa pandemyang ito.
- https://pgc.up.edu.ph/salin-sa-filipinong-mga-terminolohiya-kaugnay-ng-covid-19/a_gen_covid19_terminolohiya_05d/

4. Samahan ng galapong ang kaning lamig at asukal na puti.

Haluing mabuti at lagyan ng baking powder.
Haluan ng isang binating itlog sa tuwing maglalagay ng galapong sa hurnuhan.
Ihurno nang may dahon ng saging sa hurnuhan.
Ibuhos ang isang tasa ng galapong at samahan ng kesong puti.
Lutuin sa baga sa ilalim at sa ibabaw ng bibingka sa loob ng kalahating oras.

- “Paraan ng Pagluluto ng Bibingka”

Flodilyn Larracas, Marinduque National High School

8
Ating Pagyamanin

Gawain 3: TUKUYIN MO!

Mga salita KAHULUGAN BATAY SA TEKSTO Lagyan ng tsek (/) batay sa katangian
ng mga salita sa teksto
GAMIT ANG SARILING PANANALITA
(3 puntos) (2 puntos)
1. rabies
 Argumentatibo

 Deskriptibo

 Impormatibo

 Naratibo

 Persuweysib

 Prosidyural
2.kapayapaang
biglang  Argumentatibo
kumandong  Deskriptibo

 Impormatibo

 Naratibo

 Persuweysib

 Prosidyural
3.pandemya
 Argumentatibo

 Deskriptibo

 Impormatibo

 Naratibo

 Persuweysib

 Prosidyural
4. Ihurno
 Argumentatibo

 Deskriptibo

 Impormatibo

 Naratibo

 Persuweysib

 Prosidyural

PANGALAN: _____________________________________________________________

SEKSIYON: Baitang 11 - __________________________ ISKOR: _____ / 20

PETSA: IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 1

GURO: __________________________________________________________________

9
Ating Pagyamanin

Gawain 4: PAGSULAT NG TEKSTO: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa paksang

PANDEMYA. Iugnay mo ito sa iyong sarili, iyong pamilya, iyong pamayanan, iyong
bansa o sa daigdig. Pumili ng tekstong nais gamitin sa paglalahad: (Impormatib,
Persuweysib, Argumentatib, Deskriptib, Naratib, o Prosidyural).

Batayan ng Pagmamarka 3 2 1
(Napakahusay) (Mahusay) (Kailangan pang
Magsanay)
Kaisahan ng mga ideya upang
linangin ang paksang
“Pandemya”

Kahusayan ng pag-uugnay ng
paksa sa sarili, pamilya,
pamayanan, bansa o sa daigdig

Kalinawan ng paglalahad ng
impormasyon (kabilang na ang
wastong pagkilala sa
pinaghanguan ng impormasyon)

Kaangkupan ng mga salitang

ginamit batay sa uri ng teksto

Mekaniks ng pagsulat (wastong

pagbaybay at gramatika)

Ang Aking Natutuhan

Gawain 5: DUGTUNGAN MO! Panuto: Kompletuhin ang pangungusap batay sa iyong

natutuhan sa aralin
1. Mahalaga ang pagbabasa dahil __________________________________________________.
2. Ang mga halimbawa ng iba’t ibang tekstong tinalakay ay __________________________
_________________________________________________________________________________.
3. Matutukoy ang paksa ng teksto sa pamamagitan ng ______________________________.

PANGALAN: _____________________________________________________________
SEKSIYON: Baitang 11 - __________________________
PETSA: IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 2
GURO: __________________________________________________________________

10
Ating Pagyamanin

Gawain 4: PAGSULAT NG TEKSTO:

Lagyan ng tsek (/) ang uri ng tekstong isinulat
 Argumentatibo  Deskriptibo  Impormatibo  Naratibo  Persuweysib  Prosidyural

_______________________________________________________________________________________

11
Ating Tayahin
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang uri ng maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari

at may layuning magkuwento.
A. Deskriptibo
B. Impormatibo
C. Naratibo
D. Argumentatibo

2. Ito ay naglalayong ilarawan ang pisikal na katangian ng mga pangunahing tauhan

at ang ilang mga bagay.
A. Deskriptibo
B. Impormatibo
C. Naratibo
D. Argumentatibo

3. Isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag

at ipatatanggap sa bumabasa ang katotohanang inilatag.
A. Deskriptibo
B. Impormatibo
C. Naratibo
D. Argumentatibo

4. Isang paglalahad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga konsepto at mga

palagay batay sa pansariling haka-haka, opinyon o pananaw.
A. Deskriptibo
B. Impormatibo
C. Naratibo
D. Argumentatibo

5. Naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang ang isang paksa ay

maging kapani-paniwala.
A. Deskriptibo
B. Impormatibo
C. Persuweysib
D. Argumentatibo

II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap, kung
hindi naman ay isulat ang MALI. (2 puntos bawat bilang)
_______1. Ang editoryal ay halimbawa ng tekstong prosidyural.
_______2. Mga talang pangkasaysayan at balita ay maituturing na uri ng tekstong
impormatibo.
_______3. Ang nobela o mg akadang pampanitikan ay naglalahad o nakgukuwento ng
pangyayari ayon sa kronolohikal na ayos.
_______4. Ang isa sa mga tekstong nagtataglay ng kauukulang impormasyon sa
katangiang pisikal ng isang tao, lugar, bagay o pangyayari ay tekstong prosidyural.
_______5. Ang tekstong deskriptibo ay isa sa mga pinakamadaling hanapin sapagkat
ito ay sumasagot sa tanong na “ano”.

PANGALAN: _____________________________________________________________
SEKSIYON: Baitang 11 - __________________________ ISKOR: _____ / 15
PETSA: IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 2
GURO: __________________________________________________________________

12
Sanggunian

Bandril, L., Villanueva, V., Bautista, A., at Palmes, D. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Lunsod Quezon: Vibal Group, Inc.

Dayag, A. at del Rosario, M.G. (2016). PINAGYAMANG PLUMA (Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Lunsod Quezon: Phoenix Publishing,
Inc.

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with

Corresponding CG Codes.Pasig City: Department of Education.

Larracas, F. (2021). Halimbawang Awtput sa Filipino sa Piling Larang (Teknikal –

Bokasyonal): “Paraan ng Pagluluto ng Bibingka”. Marinduque National High
School.

Nobleza, D. at Pastoral E. Kagamitang Pampagkatuto ng mga Mag-aaral sa Filipino

(SENIOR HIGH SCHOOL). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik, Unang Markahan, Modyul 1. Department of Education – Division
of Marinduque.

Inihanda nina:
Diana P. Nobleza, Ph.D.
Marinduque National High School
Sangay ng Marinduque

Ederlyn Q. Pastoral
Maranlig National High School
Sangay ng Marinduque

13

You might also like