You are on page 1of 18

Piling Larang Akademik

Ikalawang Markahan – Modyul 14:


Pagsasaalang-alang sa Etika sa
Binubuong Akademikong Sulatin
Filipino sa Piling Larang Akademik
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 14: Pagsasaalang-alang sa etika ng binubuong sulatin Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magka-
roon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpa-
man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Benipie S. Atlas/ Dodge Galang
Editor: Dodge Galang
Tagasuri: Ma. Theresa Austria
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Rommel C. Bautista, CESO V (SDS)
Elias A. Alicaya Jr., Ed.D (ASDS)
Ivan Brian L. Inductivo (ASDS)
Elpidia B. Bergado, Ed.D (Chief, CID)
Maribeth C. Rieta (EPS-Filipino)
Noel S. Ortega (EPS-LRMS)
Leonila L. Custodio, RL (Librarian II)
Julie Anne V. Vertudes (PDO II – LRMS)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Office Address: Capitol Compound, Brgy. Luciano
Trece Martires City, Cavite
Telefax: (046) 419 139 / 419-0328
E-mail Address: depedcavite.lrmd@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
Akademik
Ikalawang Markahan–Modyul 14:
Pagsasaalang-alang sa Etika ng
Binubuong Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik-


Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsasaalang
-alang sa etika ng binubuong sulatin

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong ta-
gapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, pan-
lipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasa-
nayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Nilalaman ng modyul na ito ang mga gawain


susubok sa naunang kaalaman ng mga mag-
aaral. May mga pagtalakay din upang
mabigyang linaw ang kaalaman ukol sa paksa
nasusundan ng mga gawaing susukat sa na-
tutunan ng mga mag-aaral. Makikita rin ang
susing sagot sa huling bahagi at ang sanggu-
niang pinaghanguan ng mga gawain.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Akademik- Baitang 12 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol araling Pagsasaalang-alang sa etika ng
binubuong sulatin

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pama-


magitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang
mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi
at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili
o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matu-


Alamin tuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaala-


Subukin man mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksy-
on.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pam-
bukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa ara-


Suriin lin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang ba-
gong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasa-
nay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng mody-
ul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong na-
tutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sit-
wasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa na-
tutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Susi sa Pagwawasto sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anu-
mang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pag-
sasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas na-
katatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutu-
long upang matutuhan ang tungkol sa pagsasaalang-alang sa etika sa binubuong sulatin. Ang sakop
ng modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay ang-
kop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasaalang- alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.

Layunin:

1. Naiisa-isa ang mga etika sa pagbuo ng piktoryal na sanaysay.


2. Naipaliliwanag ang etika sa pagbuo ng piktoryal na sanaysay.
3. Nakabubuo ng piktoryal na sanaysay.
Subukin

Tukuyin ang mga mensahe ng mga larawan. Iugnay ang mga ito at sumulat ng isang
talata sa ibaba. 15 puntos

_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
______
Aralin
Pagsasaalang-alang sa etika sa
1 binubuong sulatin
Mahalaga sa pag-aaral at akademikong gawain ang pagsulat ng piktoryal na sa-
naysay. Ngunit kadalasan ay hindi nabibigyan ng linaw ang konsepto nito at kahala-
gahan nito sa buhay ng mag-aaral at sa karerang pipiliin sa hinaharap.

Balikan

1. Ilahad ang mga pagbabagong nagaganap sa inyong pamayanan dulot ng pan-


demya. Magtala ng mga senaryo at talatang magpapaliwanag sa mga ito.

2. Gaano kahalaga ang paggamit ng larawan sa isang sanaysay?

3. Paano nito napalilinaw ang mensahe ng sinasabi?

Mga Tala para sa Guro


Tandaan: Tiyaking naunawaan at masunod ang mga panuto sa pag-
sasagot. Maging matapat sa pagsasagot at pagwawasto nito. Maglaan ng
isang kuwaderno para sa mga modyul sa asignaturang ito, ang mga
pahina ng kuwaderno ang magsisilbing sagutang papel.
Tuklasin

Sa bahaging ito, mauunawaan mo ang kahulugan at katangian ng isang piktoryal na


sanaysay at mga hakbangin sa pagbuo nito.
Kahulugan ng Piktoryal na Sanaysay
Ang piktoryal na sanaysay ay kilala rin bilang pictorial essay sa ingles.
Ito ay paggamit ng mga larawan na may kalakip na sanaysay o caption. Ito ay may
layong mas makapanghikayat at maaliw ang mga mambabasa ukol sa es-
pisipikong paksa.
Ayon kay Ina Greenwood, ang pictorial essay ay serye ng mga larawan na nagla-
layong magsalaysay ng kuwento at magbigay o maglabas ng emosyon sa mga
mambabasa.
Ayon din sa kaniya, ang piktoryal na sanaysay ay maaaring pasalaysay o ayon sa
tema.

Pasalaysay Ayon sa Tema


Ito ay may layong mag- Ito ay may pinag-uukulan na
salaysay ng mga partikular na tema tulad
pangyayari na ayon sa ng kahirapan, edukasyon,
pagkakasunud-sunod ng kalikasan, pagkakaisa at
mga pangyayari o aksyon. iba pa.
Gumagamit ito ng mga la-
rawang maglalahad ng mga
pangyayari ngunit maaari
rin namang may isang la-
rawan na tutukoy sa ka-
buuan o isang ideya ng
pangyayari mula sa nai-
sulat na kuwento.
Katangian ng Piktoryal na Sanaysay
Lagi itong may kasamang sinulat na teksto na nasa anyong sanaysay, artikulo o
maikling caption.
Ito ay dapat magtaglay ng isang malinaw na paksa.
Ang sulatin ay dapat maging epektibo, ang pagiging epektibo ng ganitong uri ng
sulatin ay nakasalalay sa pagbibigay ng pokus ng manunulat sa mismong
paksa. Hindit dapat ito maligoy upang matuon ang mambabasa sa pangunang
ideya ng sulatin.
Sa usapin ng orihinalidad, mas mainam kung gagamit ng larawan na sariling
kuha. Kailangan din na ang pangkahalatang kahulugan ng ipinapahayag sa la-
rawan ay mula sa ideya ng manunulat.
Maari at katanggap-tanggap naman ang paggamit ng larawan o imahe kung sa-
kaling walang sariling kuha o larawan ang manunulat. Huwag lamang kalimu-
tan ang pagbibigay ng pagkilala o credits sa may-ari ng larawan o kung saan ito
kinuha.
Higit sa lahat, ang kaugnayan ng larawan at teksto ay napakahalaga. Mahalagang
maipakita agad ng larawan ang kaisipan na mababasa mula sa teksto.
Kailangang iwasan ang paggamit ng larawan na walang direktang kaugnayan o
malayo ang pagpapakahulugan sa ideya na nasa teksto.
Ito ay dapat may malinaw at maayos ng estruktura, ang mga larawan ay isinasaay-
os ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod higit lalo kung ito ay pasalaysay.
Hakbangin at mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Piktoryal na Sa-
naysay
Pasalaysay Ayon sa Tema

1. Magbasa o magsaliksik ng isang 1. Pumili ng paksa na nais o nagbibigay sa iyo


kuwento. Maaari rin namang sariling sa- ng interes. Magsaliksik ukol sa paksang
laysayin. Pagkatapos ay isulat ang sa- tatalakayin.
laysayin. Bigyang pansin ang sekwensiyal 2. Magsulat ng sanaysay na sinaliksik. Gawin
na ayos ng teksto. ito sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
2. Pumili ng mga larawan na tumutukoy lalong lalo na sa paraang paglalahad, paglalara-
ukol sa sinulat upang mailahad na mag- wan, pangungumbinsi o mga maargumento na
lalabas at magbibigay ng interes sa mga naaayon sa paksang nais talakayin.
mambabasa. Kung nais lamang na iisa 3. Mag-isip ng isang larawang may kinalaman
ang larawan ay isipin ang pangkalahatang sa iyong sanaysay at kakatawan sa pangunah-
kaisipan ng salaysayin na may dating at ing ideya ng iyong sulatin. Dapat ito ay naka-
kakatawan sa sinulat na teksto. kapukaw ng damdamin at mapapanatili ang
3. Siguraduhin ang kaisahan at kaugna- interes ng mambabasa.
yan ng larawan, komposisyon, dating ng 4. Panatilihin lagi ang kaugnayan ng larawan at
larawan. ng teksto o sanaysay na ginawa.
Suriin

Pagsasanay A
Basahin at suriin ang bawat bilang. Tukuyin ang tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
1. Ang pictorial essay ay _______________ ng mga larawan na naglalayong magsalaysay ng
kuwento at magbigay o maglabas ng emosyon sa mga mambabasa. (Greenwood)
a. grupo c. sanggunian
b.lupon d. serye
2. Ang piktotyal na sanaysay ay dapat magtaglay ng ______________.
a. lohikal at estruktural na ayos c. makabuluhang teksto o caption
b. orihinalidad d. lahat nang nabanggit
3. Ang piktoryal na sanaysay ay maaaring maging _____________ at ___________.
a. ayon sa tema – ayon sa impormasyon
b. ayon sa tema – ayon sa lawawan
c. pasalaysay – ayon sa tema
d. pasalaysay – ayon sa impormasyon
4. Katanggap-tanggap ba ang paggamit ng hiram na larawan sa pagbuo ng piktoryal na sa-
naysay?
a. Oo, kakailanganin lamang na kilalanin ang may-ari ng larawan.
b. Oo, dapat lamang na ito ay may kaugnayan sa teksto.
c. Hindi, laba ito sa batas.
d. Hindi, tanging sariling larawan ng manunulat ang maaaring gamitin.
5. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagtataglay ng HINDI wastong kaisipan tungkol sa
piktoryal na sanaysay.
a. Ito ay may layong magsalaysay ng mga pangyayari na ayon sa pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari o aksyon.
b. Ito ay may pinag-uukulan na partikular na tema tulad ng kahirapan, edukasyon,
kalikasan, pagkakaisa at iba pa.
c. Lagi itong may kasamang sinulat na teksto na nasa anyong sanaysay, artikulo o maikling
caption.
d. Ito ay may layong magbigay ng pagninilay o repleksyon hinggil sa isang partikular na su-
latin.
Pagsasanay B
Manood ng isang piktoryal na sanaysay na may pamagat na Faces of addiction.Suriin ang
pagkakaugnay ng mga larawan sa paglalahad ng sanaysay.Ilahad nang patalata ang inyong
sagot. 10 puntos.
https://youtu.be/8G2njHIsKIw
Pagyamanin

Basahin ang piktoryal na sanaysay sa ibaba at sagutin

“No Face mask, No Entry”, ito ang madalas na nakapaskil sa mga grocery store, bangko, palengke, remittance center, at iba
pang establisyemento na patuloy ang operasyon ngayong Enhanced Community Quarantine o ECQ. Kailangan ang face mask
tuwing lalabas ng tahanan, isa rin ito sa mga protocol na inilabas ng awtoridad. Mahigpit ang pagpapatupad nito kaya naman
nagkaroon na rin ng kakulangan sa suplay nito noong unang linggo pa lamang ng ECQ. Talamak ang hoarding ng face mask, sa
takot ng iba na maubusan ng suplay, pakyawan o bultuhan ang pagbili. Hindi yata alam ng iba ang problemang dulot ng pag-
bili ng maramihan, hindi nila alam na sa pagbili ng bultuhan maaaring wala o kakaunti na lang ang matitirang suplay para sa
iba na kailangan din bumili at gumamit ng face mask.
Ang mga pangyayaring ito, bunsod ng takot sa pandemya, takot tayong mahawaan, takot tayong makahawa, takot tayong
hindi sumunod sa iniuutos ng mga awtoridad, takot ang nangingibabaw sa karamihan, takot sa isang kalaban na hindi natin
nakikita.

Bukod sa “No Facemask, No Entry”, ang ibang establisyemento, mahigpit din sa patakaran na “No Quarantine Pass, No Entry”.
Ang quarantine pass o Q-pass ay nagsisilbing tiket na nagpapahintulot sa isang tao na makalabas ng bahay upang bumili ng
pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan. Bukod dito, ang mga Q-pass holder ay mayroon ding curfew
hours na kailangan sundin. Hindi dahil may Q-pass ay libre at malaya nang lumabas ng bahay, ang mga curfew violators ay
may karampatang charge o parusa. Sa kabila nito, may ilan pa rin nahuhuli na lumalabag, mga lumalabas ng bahay na walang
Q-pass, o di kaya naman sumuway sa curfew hours. Pero ano kaya ang dahilan ng paglabag? May ilan na bibili raw ng gamot o
ng pagkain, hindi raw kasi sapat ang natatanggap na ayuda kaya napilitang lumabas kahit walang Q-pass, kahit oras ng cur-
few.
Ganoon pa rin, nandoon pa rin ang takot, at takot pa rin ang nagbubunsod sa mga ganitong pangyayari. Takot mawalan ng
pagkain sa hapag, takot sa pagkagutom, ang problema pa ng ilan, hindi alam kung paano o saan kukunin ang ipambibili ng
pagkain sa mga susunod na araw.
Sa madaling salita, hindi lamang virus ang ating kinatutukutan. Nakakaramdam din tayo ng takot para sa seguridad ng ating
pamilya, takot na hindi matugunan ang kanilang pangangailangan. Mahirap maging panatag, lalo na at hindi natin alam kung
hanggang kailan tayo magtitiis sa ganitong sitwasyon, walang kasiguraduhan kung makakabalik pa sa dating pamumuhay, o
kung paano mag-aadjust para sa tinatawag na New Normal.
Balot man tayo ng takot sa virus, pero dapat nating mas balutin sa pagmamahal at pag-aaruga ang ating mga mahal sa buhay.
Balutin natin ang ating sarili ng mga positibong pananaw upang hindi tayo kainin ng pangamba. At higit sa lahat, balutin natin
ang ating sarili sa pananampalataya at sa pag-asa na malalampasan natin ang pagsubok na dulot ng pandemya.
1. Anong uri ng piktoryal na sanaysay ang nasa itaas?
2. Ano ang pangunahing ideya sa binasang piktoryal na sanaysay?
3. Ano ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito?
4. Himayin ang bahagi nito.
5. Itala ang kagandahang dulot ng larawan sa isang sanaysay.

Isaisip

Gamit ang iyong mga natuklasan sa araling ito, ipaliwanag at iugnay ang iyong
natutuhan sa pahayag na nasa ibaba at isulat ito sa iyong sagutang papel.

"A picture is worth a thousand


words."

Isagawa

Basahin ang mga tanong sa ibaba, ibahagi ang iyong ideya at isulat sa iyong
sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan ng pagkatuto mo sa konsepto ng piktoryal na sanaysay?

2. Ano ang kapakinabangang dulot ng ganitong uri ng sulatin?

3. Sa anong paraan mo magagamit ang kaalamang natamo sa pagtugon sa kinaha-


harap na suliranin ng ating lipunan?
Tayahin

Muling balikan binasang piktoryal na sanaysay. Suriin ito gamit ang talahanayan sa
ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ang hanay A kung
lubos ang pagsang-ayon sa paglalarawan sa binasang piktoryal na sanaysay, B –
sumasang-ayon, C - hindi sumasang-ayon, at D – walang katiyakan. Isulat sa ha-
nay E ang maikling paliwanag tungkol sa iyong pagkilatis.
Pormat
A B C D E
1. Ang piktoryal na sa-
naysay at pasalaysay.
2. Ang piktoryal na sa-
naysay ay ayon sa tema.
3. Ito ay nagtataglay ng
larawan at teksto.
Nilalaman
A B C D E
1. Nagtataglay ito ng isang
pangunahing ideya at mga su-
portang detalye.
2. Ito ay may malinaw at maay-
os ng estruktura.
3. Lohikal ang paglalahad
ng mga kaisipan.
4. Orihinal ang mga kai-
sipan/ideya na nilalaman
ng sulatin.
Estilo/Teknikalidad
A B C D E
1. Nagtataglay ito ng la-
rawan na may direktang
kaugnayan sa teksto.
2. Orihinal ang larawan na
ginamit o hindi kinuha
mula sa ibang sangguni-
an.
Karagdagang Gawain

Kung ikaw ay susulat ng piktoryal na sanaysay, anong napapanahong paksa


ang magiging tuon ng iyong sulatin? Humingi ng tulong sa kasama sa bahay,
gumupit o kaya ay kumuha ng mga larawan sa naisip mong paksa. Gawan ito ng
sanaysay.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Napakahusay Katamtamang Hu- Nangangailangan


say pang paghusayin
4 2
6
orihinalidad Gumamit ng la- Gumamit ng alin- Hindi gumamit ng
rawan at ideyang mang orihinal sa orihinal na larawan
orihinal pagsulat, maaaring at ideya
larawan o ideya
Organisasyon Malinaw ang pagka- Hindi masyadong Hindi malinaw ang
kahanay ng mga malinaw ang organ- organisasyon ng
larawan at kaisipan isasyon ng mga ideya
ideya
Nilalaman Napapanahon at Napapanahon Hindi napapanahon
interesante ang ni- ngunit hindi ang paksang napili
lalaman o mensahe masyandong in-
teresante
Wastong gamit ng Mahusay na May ilang pagkaka- Hindi wasto ang
wika nagamit ang wika mali sa gamit ng gamit ng wika
wika
Suriin Subukin
1. d 1. b
2. d 2. c
3. c 3. b
4. a 4. a
5. d 5. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan
(Akademik), SIBS Publishing House, Inc. Quezon City
Google
https://modules.arvicbabol.com/files/FILI121/Aralin%207%20Picto%20essay.pdf
https://prezi.com/p/5oyxyid-liwh/pictorial-essay/

You might also like