You are on page 1of 19

Piling Larang Akademik

Ikalawang Markahan – Modyul 7:


Pagtukoy sa Mahahalagang
Impormasyon upang Makabuo ng
Sintesis
Filipino sa Piling Larang Akademik
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagtukoy Sa Mahahalagang Impormasyon sa
Pagbuo ng Sintesis
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magka-
roon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpa-
man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Benipie S. Atlas
Editor: Dodge Galang
Tagasuri: Ma. Theresa Austria
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Rommel C. Bautista, CESO V (SDS)
Elias A. Alicaya Jr., Ed.D (ASDS)
Ivan Brian L. Inductivo (ASDS)
Elpidia B. Bergado, Ed.D (Chief, CID)
Maribeth C. Rieta (EPS-Filipino)
Noel S. Ortega (EPS-LRMS)
Leonila L. Custodio, RL (Librarian II)
Julie Anne V. Vertudes (PDO II – LRMS)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Office Address: Capitol Compound, Brgy. Luciano
Trece Martires City, Cavite
Telefax: (046) 419 139 / 419-0328
E-mail Address: depedcavite.lrmd@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
Akademik
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagtukoy sa Mahahalagang
Impormasyon upang Makabuo ng
Sintesis
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik-


Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagtukoy
sa Mahahalagang Impormasyon sa Pagbuo ng Sintesis

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong ta-
gapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, pan-
lipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasa-
nayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Nilalaman ng modyul na ito ang mga gawain


susubok sa naunang kaalaman ng mga mag-
aaral. May mga pagtalakay din upang
mabigyang linaw ang kaalaman ukol sa paksa
nasusundan ng mga gawaing susukat sa na-
tutunan ng mga mag-aaral. Makikita rin ang
susing sagot sa huling bahagi at ang sanggu-
niang pinaghanguan ng mga gawain.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Akademik- Baitang 12 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsulat ng Talumpati Batay sa
Napakinggan Pagtukoy sa Mahahalagang Impormasyon sa Pagbuo ng Sintesis

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pama-


magitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang
mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi
at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili
o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matu-


Alamin tuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaala-


Subukin man mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksy-
on.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pam-
bukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa ara-


Suriin lin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang ba-
gong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasa-
nay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng mody-
ul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong na-
tutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sit-
wasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa na-
tutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Susi sa Pagwawasto sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anu-
mang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pag-
sasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas na-
katatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa pagtukoy sa mahahalagang impor-
masyon sa isang pulong. Ang sakop ng modyul ay magamit sa anomang kalagayan
ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng
mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng
sintesis sa napag-usapan.

Layunin:
Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon
sa isang pulong upang makabuo ng sintesis.
Nagagamit ang mahahalagang impormasyon sa
isang pulong sa pagbuo ng sintesis.
Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagtukoy sa
mahahalagang impormasyon sa isang pulong sa
pagbuo ng sintesis.
Subukin

Paala ala: Ang bahaging ito ay babasahin ng magulang o kasama sa bahay.


Pakinggan ang pagpupulong at itala ang mahahalagang impormasyon mula rito.

PAGPUPULONG UKOL SA PAGSASAGAWA ONLINE ENROLLMENT

Pangulo: Magandang araw sa inyong lahat! Simulan muna natin an gating


online pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin na pangungunahan ng
ating kasamang si Gng. Imelda Ramos.
Gng. Ramos: Tayo ay manalangin……….
Pangulo: Bago tayo magpatuloy sa ating gawain ay mag-uulat muna sa atin
tungkol sa mga dumalo ang ating kalihim na si Bb. Theresa Amon.
Bb. Amon: Ikinagagalak ko pong sabihin na lahat po ng inaasahang lumahok sa
online meeting na ito ay dumalo..
Pangulo: Kaya po tayo nagpatawag ng pagpupulong ay upang makapagplano sa
gagawing online enrollment sa darating na HUnyo 1. At narito ang ating punong
guro upang magpahayag.
Punongguro: Magandang araw sa inyo! Natutuwa ako na sa kabila ng pandemi-
ya ay nananatili ang malasakit natin sa mga mag-aaral. Sa darating na Hunyo 1
ay magsasagawa tayo ng Online enrollment.May format ng pagkuha ng datos na
ibinigay ang DepEd sa atin kung kaya’t isasaayos lamang ito ng ating ICT coor-
dinator na si Ma’am Maricar. Ang lahat ng adviser ang magsasagawa ng online
enrollment kung saan tatawagan o kokontakin nila ang mga nakaraang advisery
class nila upang tanungin kung magpapaenrol ang mga ito. Sa tulong naman ng
mga guro na itatalaga ay i-eencode nila ang mga datos na makukuha para sa
ating record. Magsisimula ito sa ganap na 8 N.U.-4NH..Ito ay mangyayari mula
Hunyo 1 hanggang 15. May mga katanungan po ba kayo?
Guro 1: Ma’am, paano po kung wala kaming numero ng mga mag-aaral?
Punong guro: Maaaring sa facebook o social media o kaya ay magtanong sa mga
kaklase o kapitbahay nila.
Guro 2: Paano po kung hindi pa rin po sigurado ang mga magulang na papasu-
kin ang mga bata?
Punongguro: Ipaliwanag ninyo sa kanila ang ibang mode ng pag-aaral upang
malinawan sila. May tanong pa po ba? Hanggang dito na lamang an gating pag-
pupulong…Paalam na sa inyo.

1. Ilahad ang mahahalagang datos mula sa napakinggang pagpupulong.


2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magbuod ng pinagpulungan, paano mo
ito ilalahad?
Aralin
Pagtukoy sa Mahahalagang
1 Datos sa Isang Pulong
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang
mga paraan ng pagtukoy sa mahahalagang datos sa isang pulong upang makabuo
ng sintesis sa napag-usapan. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagu-
tan mo muna ang mga susunod na gawain.

Balikan

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng isang pagpupulong?


2. Ano-anong mga datos ang dapat na taglay ng isang pagpupulong?
3. Paano ka bubuo ng isang sintesis mula sa napakinggang pulong?

Tandaan: Tiyaking naunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang


mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang
mabuti ngmga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simu-
lant. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pag-
sasagot at pagwawasto nito.
Tuklasin

Mahalaga ang pagtatala ng mga datos sa pagsulat ng isang sintesis.


Ano ang sintesis?
Ang sintesis ay pinaikling bersyon at nagtatasa ng iba-ibang punto
ng iba’t ibang batis ng kaalaman at impormasyon.Hinahanap nito
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga impormasyon.
Maaaring makakuha ng impormasyon sa pa-
nayam,diskusyon,blog,pelikula ,nobela, kuwento, pagpupulong at
iba pa.
Hindi hihigit sa isang pahina ang aabutin sa tuwing sumusulat ng
sintesis.
Kinakailangang maisama sa pagsulat ng sintesis ang lahat ng maha-
Suriin
Paalaala: Ang talumpati ay maaaring basahin ng magulang o kasama sa bahay.

PAGPUPULONG SA PAGSASAGAWA NG COMMUNITY DISINFECTION


Kapitan: Magandang araw sa inyong lahat. Nais kong pag-usapan natin bilang mga
opisyales ng ating baranggay ang gagawin nating community disinfection sa darating
na Sabado.
Konsehal 1: Ay! Kap., bakit po? May kaso po ba tayo ng Covid sa ating baranggay?

Kapitan: Wala naman. Gusto lamang nating maiwasan ang pagkakaroon ng kaso
nito sa ating lugar. Atsaka dapat ng asana ay magawa natin ito kada Sabado. Kaso
ay kulang tayo sa budget. Magsisimula tayo ng 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Ang lahat kay gagamit ng PPE’s upang maprotektahan ang sarili. Kukunin ang mga
gagamitin dito sa baranggay. Magtatalaga rin tayo ng magdodokumento at kukuha
ng larawan. Inaasahang matapos natin ng dalawang araw ang disinfection. May
tanong pa po ba?
Mga Konsehal: Wala na po Kap!
Kapitan: Kung gayon ay maaari na tayong magsiuwi…Salamat sa pakikiisa.
Pagsasanay A:
Lagyan ng tsek ang mga datos na narinig mula sa pulong at ekis kung hindi.
1. Magkakaroon ng mass testing sa barangay.
2. Nagpatawag ng pulong ang konsehal ng barangay.
3. Magkakaroon ng community disinfection.
4. Mayroong kaso ng Covid sa barangay.
5. Layunin ng gawain na maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng Covid sa lugar.
6. Gagamit ng PPE’s ang lahat ng opisyales.
7. Magaganap ito sa loob ng dalawang araw.
8. Ang mga gamit ang kukunin sa munisipyo.
9. Magtatalaga ng magdodokumento sa gawain.
10. Isasagawa ito mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Pagsasanay B:
Maglahad ng mahahalagang bahaging dapat ilagay sa pagbuo ng sintesis.
Pagyamanin

Mula sa napakinggang pulong sa baranggay, bumuo ng sintesis nito.


Pamantayan sa pagsulat ng sintesis:
Mahusay (10) Katamtamang husay (6-9) Kailangan pang paghusa-
yan (1-5)
Maikli, malinaw at Maikli ngunit di gaanong Gumamit ng maraming
madaling maunawaan maunawaan salita at di maunawaan

Nailagay ang mahahalagang Nailagay ang ilang maha- Naitala lamang ang kaunt-
datos halagang datos ing datos

Nakaayos mula sa pinaka- Hindi gasinong sunod- Hindi matukoy ang mga
mahalaga sunod ang detalye detalte
Isaisip

Punan ng datos ang word web.


Isagawa

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano ka sumusulat ng sintesis?

2. Saan kinukuha ang mga datos sa sintesis?

3. Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng sintesis?


Tayahin

Pagsasanay A:
Tukuyin kung TAMA ang konsepto tungkol sa tinalakay at MALI kung
hindi.
Ang sintesis ay pinaikling bersyon ng batis ng kaalaman.
Maaaring kumuha ng datos mula sa napakinggan, napanood o naba-
sa.
Ang sintesis ay binubuo ng dalawang pahina o higit pa.
Hinahanap nito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga impormasy-
on.
Nagpapahayag ito ng pagsusuri sa isang pulong na naganap.
Pagsasanay B:
Makinig ng isang pagpupulong sa telebisyon o sa internet. Ilahad at isa-
isahin ang mahahalagang impormasyong iyong nakuha mula rito.
Ibalangkas ito na gagamitin sa pagbuo ng sintesis.
Karagdagang Gawain

Makinig sa isang pagpupulong sa telebisyon tungkol sa kalagayan ng bansa sa


panahon ng Covid. Sumulat ng sintesis mula rito.

Pamantayan sa pagsulat ng sintesis:

Mahusay (10) Katamtamang husay (6 Kailangan pang


-9) paghusayan (1-5)

Maikli, malinaw at Maikli ngunit di Gumamit ng maraming


madaling maunawaan gaanong maunawaan salita at di
maunawaan
Nailagay ang maha- Nailagay ang ilang ma- Naitala lamang ang
halagang datos hahalagang datos kaunting datos

Nakaayos mula sa pin- Hindi gasinong sunod- Hindi matukoy ang


akamahalaga sunod ang detalye mga detalte
Tayahin: Suriin:
X
TAMA X
TAMA /
MALI X
/
TAMA
X
MALI /
X
/
/
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

•Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro


• Lolita T. Bandril at Voltaire M. Villanueva.Pagsulatsa Filipino sa
Piling Laangan (Akademik at Sining).Quezon City, Phillippines.Vibal
Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al.Filipinosa
Piling LaranganAkademik. Malabon City. Jimczyville Publications.
2016
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like