You are on page 1of 32

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan –
Modyul 7: Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
(Pananaw ng mga Dalubhasa)

Self-Learning Kit
Filipino – Ikalabing- isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Pananaw ng mga
Dalubhasa)

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Blesilda B. Pimentel
Editor: Nanette A. Garrido
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief: Maria Lourdes L. Ipong
Name of Division EPS In Charge of LRMS: Nanette A. Nacor
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Talisay City Division


Department of Education – Region VII
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
11

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan –
Modyul 7: Kasaysayan ng Wikang
Pambansa (Pananaw ng mga
Dalubhasa)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala mula sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


Kasaysayan ng Wikang Pambansa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral,
ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan.
Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga
kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang

iii
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang wikang Filipino bilang Wikang Pambansa ay simbolo


ng kasarinlan ng mga Pilipino, naniniwala na ang kalayaang
natatamasa ay behikulo sa paglinang ng isang nasyonal na
personalidad. Sa pagtuklas sa kasaysayan ng pagtamo ng wikang
pambansa ay isa sa mga patunay ng pagpapahayag ng
nasyonalismo. Halika! Sabay-sabay nating tunghayan ang mga
butil ng karunungan na inihahandog ng modyul na ito. Ito ay
mula sa Facebook ni Wen Taraya
dinisenyo at sinulat para sa iyo at nilalayon nitong tulungan ka
upang makamit ang kahusayan sa Filipino at pagpapakita ng
pagmamahal sa sariling wika.

Kasanayang Pampagkatuto:

 Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika.
(F11PB- lf-95)
 Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay
sa wikang pambansa. (F11PN- If- 87)
 Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng
kasaysayan ng wika. (F11PU- Ig- 86)

Ang aralin sa modyul na ito ay hinimay para sa iyong ganap na pagkatuto.


 Aralin 7 – Kasaysayan ng Wikang Pambansa
 Aralin 7.1. Panahon ng Amerikano
 Aralin 7.2. Panahon ng Hapon
 Aralin 7.3. Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan

Pagkatapos matutuhan ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy sa kasaysayan ng wikang pambansa ayon sa iba’t ibang panahon;


2. nakapag-iisa- isa sa pananaw ng iba’t ibang awtor sa kasaysayan ng wika;
3. nakapagpapahayag ng sariling opinyon o pananaw kaugnay sa wikang pambansa; at
4. nakasusulat ng isang sanaysay kaugnay sa partikular na panahong napili.

1
Subukin

Ang bahaging ito ng modyul ay susubok sa iyong mga kaalaman hinggil sa


paksang pag-uusapan. Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik
na kumakatawan sa tamang sagot. Isulat sa malinis na papel ang iyong kasagutan.

1. Sino ang linggwistang Amerikano na nagsabing ang wikang Ingles ang dapat
gamitin sa mga paaralan sapagkat ang wikang bernakular ay hindi sapat para sa
edukasyon?
A. Almirante Dewey C. Jacob Schurman
B. David Doherty D. William Forbes
2. Anong batas ang ipinatupad sa pagtatag ng Department of Public of Instruction na
nangasiwa sa libreng pampublikong paaralan sa bansa?
A. Batas Blg. 74 C. Batas Blg. 94
B. Batas Blg. 86 D. Batas Blg. 96
3. Sino ang dating kalihim ng Paturuang Pambayan na may paniniwalang epektibong
gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino?
A. Borrows C. Cornell
B. Butte D. N. M. Saleeby
4. Sino ang Direktor ng Edukasyon na may paniniwalang ang pagkakaisa ay
nakasalalay sa iisang wika tulad ng Ingles?
A. Balmeda C. Borrows
B. Benjamine D. Butte
5. Anong taon naitaguyod ang bagong kulturang Pilipino, napalaganap ang wikang
Hapones at winakasan ang wikang Ingles?
A. 1941 C. 1944
B. 1942 D. 1945
6. Anong Ordinansa na nagsasaad na ang Niponggo at Tagalog ang opisyal na mga
wika sa Pilipinas?
A. Ordinansa Militar Blg. 9 C. Ordinansa Militar Blg. 13
B. Ordinansa Militar Blg. 11 D. Ordinansa Militar Blg. 15
7. Anong taon binuhay ng mga Hapon ang Surian ng Wikang Pambansa?
A. 1942 C. 1944
B. 1943 D. 1945
8. Anong panahon ang may pinakamasiglang talakayan sa wika?
A. Amerikano C. Kasalukuyan
B. Hapon D. Pagsasarili
9. Sino ang nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at mga di- Tagalog?
A. Benigno Aquino C. Jose Abad Santos
B. Castro Alejandrino D. Jose Villa Panganiban

2
10. Ano ang damdaming mailarawan sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa?
A. Makabayan C. Makakalikasan
B. Maka- Diyos D. Maka- tao
11. Ano ang pinakaangkop na dahilan sa paglipat ng petsa sa pagdiriwang ng Linggo
ng Wika noong taong 1955?
A. mabigyang- diin ang pagbabago ng batas
B. mabigyang- pokus ang layunin ng Pangulo
C. mabigyang- halaga ang kaarawan ni Quezon
D. mabigyang- karangalan ang Araw ni Balagtas
12. Ano ang pinakaangkop na motibo ng pamahalaang Pilipinas sa pagpapatupad ng
iba’t ibang batas kaugnay sa wikang pambansa?
A. Mapalawak ang paggamit nito sa lahat ng ahensya.
B. Mahikayat ang mamamayan sa pagpapaunlad nito.
C. Mapahalagahan ng mga di- Tagalog ang wikang ito.
D. Malaman ng mga Pilipino ang tamang paggamit nito.
13. Ano ang dahilan na ialinsabay sa panahon ang gramatika ng wikang pambansa?
A. Mabigyang- tuon ang ebolusyon ng wika.
B. Matamo ang paraan ng paggamit ng wika.
C. Mapaunlad ang wika kasabay sa pagbabago ng panahon.
D. Mabigyang- pansin ang wikang ginagamit sa kasalukuyan.
14. Ano ang pinakalayunin sa pagtatag ng wikang pambansa?
A. Natutugon ang pangangailangan ng mga Pilipino.
B. Napatutunayan na ang Pilipino ay may kalayaan.
C. Naipakikita na may naiaambag ang pamahalaan para sa wika.
D. Nag- uugnay sa mga pulo at sa iba’t ibang pangkat linggwistiko.
15. Bilang mag- aaral, bakit mahalagang matutunan ang kasaysayan ng wikang
pambansa?
A. Mapahalagahan ang kasarinlan.
B. Malaman ang ebolusyon ng wika.
C. Matutuhan ang paggamit ng wika.
D. Mapalaganap ang wikang ginamit.

Ngayong natapos mo nang sagutin ang paunang pagtataya, maaari mo nang iwasto
ang iyong mga kasagutan gamit ang Susi ng Pagwawasto na makikita sa ikalabing-isang
bahagi ng modyul na ito. Kung nakuha mo lahat ang tamang sagot ay maaari mo nang
laktawin ang modyul na ito, ngunit kung may marami kang kamalian ay pag-ibayuhin pa ang
pag-aaral at magpatuloy sa susunod na mga bahagi.

Tandaan, sikaping naging totoo ka sa pagwawasto upang maging makabuluhan ang


pagpapatuloy mo sa mga susunod na bahagi ng modyul. Ilakip ang sinagutang papel sa
pagsumite ng modyul na ito.

3
Balikan

Sa bahaging ito ng modyul ay babalikan natin ang mga nauna nang aralin na
maaaring maiugnay sa kasalukuyang leksyon. Maging masipag sa pagtukoy sa mga
nakaimbak na kaalaman upang higit na mapadali ang pagkatuto sa bagong aralin.

Mga Tala Mula sa Guro

Bilang panimulang gawain, gamit ang gabay na pormat na nasa ibaba, mag-
isip at magsulat ng isang ideya kung ano para sa iyo ang Tagalog, Pilipino at Filipino.
Isulat sa malinis na papel ang iyong kasagutan.

Tagalog Pilipino

Filipino

Nais mo bang malaman kung naging tama ang


iyong kasagutan? Hali na’t tingnan ang Susi ng
Pagwawasto! Kung naging tama ang iyong
kasagutan ay maaari ka nang magpatuloy sa
susunod na bahagi ng modyul na ito.

4
Tuklasin

Sa bahaging ito, tuklasin natin ang malawakang pang- unawa kaugnay sa


kasaysayan ng wikang pambansa. Batid nang karamihan na may mahabang prosesong
isinagawa sa pagsasakatuparan nito. Kaya ngayon, sabay nating paunlarin ang
kaalaman hinggil sa ebolusyon ng wika hanggang sa may itinuturing na wikang
pambansa. Simulan na natin!

Gawain: Dugtungan Tayo!

Panuto: Dugtungan ang bawat pahayag sa loob ng kahon para mabuo ang diwa. Sikaping
gamitin alinman sa salitang Tagalog, Pilipino at Filipino sa pahayag na
idudugtong. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na katanungan. Isulat sa
malinis na papel ang iyong kasagutan.

Halimbawa: Talagang masaya ang kuwentuhan…..


Sagot: Talagang masaya ang kuwentuhan kung nasa wikang Filipino ang usapan.

Magsimula rito

1. Mas uunlad ang Pilipinas _______________________________________________


2. Pinoy ako ___________________________________________________________
3. Sa aming bayan ______________________________________________________
4. Iboboto ko ang kandidato sa eleksiyon kung ________________________________

Mga Gabay na Tanong:

1. Naging madali ba sa iyo ang pagdugtong sa pahayag gamit ang alinman sa salitang
Tagalog, Pilipino at Filipino? Palawakin ang sagot.
2. Paano mo mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa kaibahan at pagbabago ng
kahulugan ng tatlong salitang ito?

5
May punto ka! Mapalawak ang iyong kaalaman sa
kaibahan at pagbabago ng kahulugan ng mga salitang
Tagalog, Pilipino at Filipino sa pagtuklas sa kasaysayan ng
wikang pambansa.
Sa iyong pagpapatuloy sa modyul na ito ay
bibigyang- pansin ang panahon ng Amerikano, Hapon at
Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan na maglalantad sa
iba’t ibang batas tungo sa pagkamit at pagpapaunlad ng
wikang pambansa.

Suriin

Sa bahaging ito ng modyul ay pag-uusapan natin ang aralin na dapat mong


matutuhan. Kaya kinakailangan mong basahin at unawaing mabuti ang bawat
pangungusap upang magkaroon ng katiyakan ang iyong pagkatuto.

May sariling kasaysayan ang wikang pambansa, tulad ng ibang wika. Ang
pagpapahalaga sa wika ay naging patnubay sa pagtalunton sa masalimuot na landas tungo
sa pagkakaroon ng wikang pambansa (Bendal 2018). Dagdag sa aklat nina Taylan, Petras,
at Geronimo (2016), kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa,
nangangahulugang ito ay malaya at may soberenya. Wika ang tagapagbandila ng
pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito. Bago napagtagumpayan ang
mithiing magkaroon ng sariling wikang pambansa ay dumaan sa mahabang proseso sa
kadahilanang may maraming dayuhang sumakop sa bansang Pilipinas.

Kaya, sabay nating suriin ang pagkakabuo ng wikang pambansa sa pamamagitan


ng pag- alam sa kasayasayan nito ayon sa tatlong kapanahunan: Amerikano, Hapon at
Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan.

6
PANAHON NG AMERIKANO
123rf.com

Sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang


mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano
nang dumating sila noong 1898 sa pamumuno ni
Almirante Dewey. Kung relihiyon ang naging pamana ng
mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang
pangunahing ipinamana ng mga Amerikano (SCRIBD
n.d.).
Kaugnay nito, basahin at unawain nang mabuti
ang mga naiambag ng mga Amerikano sa ating wikang
pambansa na nasa ibaba.

 Almirante Dewey
- Sa kanyang pamumuno ay ginamit na instrumento ang pambansang
sistema ng edukasyon sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano
alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan.
 Thomasites
- Ang mga Amerikanong sundalo na kinikilalang unang guro at tagapagturo ng
Ingles.
 William Cameron Forbes
- Naniwalang mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles
upang madaling magkakaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano.
 Jacob Schurman
- Naniwalang kailangan ng wikang Ingles sa edukasyong primarya. Ito ang
nagbibigkis sa pagpapalaganap ng demokrasya.
 David Doherty
- Isang linggwistang Amerikano na nagsabing ituro ang wikang Ingles sa mga
paaralan sapagkat ang mga wikang bernakular ay hindi sapat para sa
edukasyon.
 David Borrows
- Direktor ng Edukasyon (1903) na naniwalang ang pagkakaisa ay nakasalalay
sa iisang wika tulad ng Ingles.
 Batas Blg. 74
- Isinakatuparan noong Enero 21, 1901 na nagtatag ng Department of
Public Instruction na mangasiwa sa libreng pampublikong edukasyon.
Itinakda na hangga’t maaari ay Ingles ang gagamiting wikang panturo
sa lahat ng paaralang bayan.
 Howard Taft
- Nagsabing napili ang Ingles na wikang opisyal sa Pilipinas dahil ito ang wika
ng Silangan, wika ng isang demokratikong institusyon, wika ng kabataang
Pilipino na hindi marunong ng Espanyol. Mas madali rind aw matutuhan ang
Ingles kaysa Espanyol.

7
 N. M. Saleeby
- Amerikanong Superintendente na naglahad ng kanyang paniniwala sa
kanyang artikulong “The Language of Education in the Philippine Island”
tungkol sa wikang panturo na dapat gamitin.
- Ayon sa kanya kahit napakahusay ang maaaring pagtuturo ng wikang Ingles
ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may
kani- kaniyang bernakular na nananatiling ginagamit sa tahanan at sa pang-
araw- araw na gawain.
 Bise Gobernador Heneral Butte
- Dating kalihim ng Paturuang Pambayan ay pumanig sa paniniwalang
epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino.
- Ayon sa kanya na ang paggamit ng mga katutubong wika sa mga baitang
primary ay makatutulong nang malaki sa mga estudyante upang malaman
ang kanilang katutubong wika sa panitikan.
 Lope K. Santos
- Nagmungkahing isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang pambansa.
 Pangulong Manuel L. Quezon
- Pangulo ng pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
- Sinusugan ang panukala ni Lope K. Santos.
- Ipinalabas noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-
aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng
wikang pambansa.

Nabatid mo na ang pinagdaanan ng wika sa panahon ng Amerikano. Mula sa pag


papatupad sa wikang Ingles bilang wikang opisyal ng bansang Pilipinas hanggang sa
nabigyan ng oportunidad ang pangulo ng bansa na makapagpalabas ng kautusan na
wikang Tagalog ang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa (Bernales et al. 2016).

PANAHON NG HAPON
nicepeng.com

Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong


1941 hanggang 1945. Ipinagpatuloy ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa lahat ng antas. Hindi pa gaanong
matagal na ipinaturo ang wikang ito ay sumiklab ang
Pangalawang Digmaang Pandaigdig na dahilan ng
sandaling pagsara ng mga paaralan (Bernales et al.
2016).

8
Sa pagbubukas nito ay ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo. Sa
pamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang paglaganap ng ideolohiyang Hapones.

Sa pamumuno ni Hen. Enero 2, 1942


Homma ay pinayagan ang
pambansang pamahalaan
na hawakan ng mga
Pilipino sa pamatnubay ng
Ipinaunawa ng mga Hapon
Militar na Hapon at nasa Enero 17, 1942
na ang Pilipinas ay para sa
ilalim ng Batas Militar.
Pilipino, maitaguyod ang
kulturang Pilipino at
mapalaganap ang wikang
Pinalabas ang Ordinansa Hulyo 24, 1942 Hapones at wakasan ang
Blg.13- Nagsasaad na
paggamit ng Ingles.
Niponggo at Tagalog ang
opisyal na mga wika.
Maging paksa sa pagtuturo
ang pamumuhay at Okt 14, 1943 Ang Surian ng Wikang
kulturang Hapones. Pambansa’y binuhay. Si
Jose Villa Panganiban ay
nagturo ng Tagalog sa
mga Hapon at di- Tagalog.

Masasabing ang pinakamasiglang talakayan sa wika ay noong Panahon ng Hapon


sanhi na rin ng pagbabawal ng mga mananakop sa pagtangkilik sa Ingles (Leyson 2006).
Dagdag din ni Constantino (1985) na marahil kung ganito kasigasig ang mga
tagapagtaguyod noong nakaraang panahon at ang dumating pang panahon ay hindi na
pagtatalunan pa hanggang sa taong 1980 ang tungkol sa wikang pambansa. Noong
panahon ding iyon napilitan ang mga mag- aaral sa Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat
gamit ang wikang ito.
Nalaman mo na ang kalagayan ng wika ng Pilipinas sa panahong ito. Ipatuloy ang
pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wika. Halika’t sabay nating
suriin ang pangyayari sa mga naganap sa Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa
Kasalukuyan.

9
PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA KASALUKUYAN
drawingnow.com

Sa panahon ng Pagsasarili, wikang Pilipino ang tawag sa wikang pambansa.


Maraming kautusan at nirebisang batas sa pagpapatupad nito (Dayag at del Rosario 2016),
na inilalahad sa susunod na pahina.

Hulyo 4, 1946 Marso 26, 1954 Set. 23, 1955 Agosto 13, 1962
1959

Nilagdaan ng -Pinalitan ang


Pangulong Ramon tawag sa wikang
Magsaysay ang pambansa.
Proklama Blg. 12
na nagpahayag ng -Mula Tagalog, ito
pagdiriwang ng ay naging Pilipino
sa bisa ng
Linggo ng Wikang
kautusang
Pambansa mula
Pangkagawaran
Marso 29- Abril 4
Blg. 7 na
taun- taon, sang- ipinalabas ni Jose
ayon sa tagubilin B. Romero, ang
ng Surian ng dating Kalihim ng
Wikang Edukasyon.
Pambansa.

Nilagdaan ni
Pangulong Ramon
Magsaysay ang
Proklama Blg. 186 na Nilagdaan ni Kalihim
nagsususog sa Alejandro Roces ang
Proklama Blg. 12 s. Kautusang
Pinagtibay na ang 1954, na inililipat ang Pangkagawaran Blg.
wikang opisyal sa pagdiriwang ng 24, s. 1962 na nag-
bansa ay Tagalog at Linggo ng Wikang utos na sa simula sa
Ingles sa bisa ng Pambansa taun- taon taong- aralan 1963-
Batas Komonwelt simula ika- 13 1964, ang mga
Bilang 570. hanggang ika- 19 ng sertipiko at diploma
Agosto bilang ng pagtatapos ay
pagbibigay- ipalilimbag sa wikang
karangalan sa “Ama Pilipino.
ng Wikang
Pambansa” na si
Manuel L. Quezon.

10
WIKANG PAMBANSA TUNGO SA KAUNLARAN
drawingnow.com

Sa panahong ito ay lalong naipabayo ang itinatag na wikang pambansa hanggang sa


may panibagong katawagang inaprobahan.

1 Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusang


9 Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na ipinag- utos na awitin ang
6 Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
3

1 Iniutos ni Ferdinand E. Marcos ang pagpabisa sa Kautusang


9 Tagapagpaganap Blg. 96 na ang lahat ng edipisyo, gusali at
6 tanggapan ay pangalanan sa Pilipino.
7

1 Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum


9 Sirkular Blg. 172 nag- utos na ang mga ulong- liham ng mga
6 tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino.
8

1 Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.


9 187 na nag- utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, at tanggapan at
6 iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino
9 hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.

Nagpalabas si Kalihim Juan L. Manuel ng Kautusang Pangkagawaran


1 Blg. 25 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang
9 Edukasyong Bilingguwal.
7
4

Ang Constitutional Commision ay inaprobahan na pormal na pagtibayin


1 ang Pilipino bilang wikang pambansa.
9
8
3
Nang umupo si Pangulong Corazon Aquino ay bumuo ng
1 bagong batas ang Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987
9 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang
8 Filipino Ang Sek. 6-9 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987 ay
7 isinulong ang paggamit ng wikang Filipino.
ino.

11
Ito ang umiiral na wikang pambansa, at ang nucleo nito ay Pilipino. Ito po ang
umiiral na wikang pambansa, at ang nucleo nito ay Pilipino ... sapagkat ito ay isa nang
malaganap na umiiral na wika na Pilipino na P. Sinasabi rin na mayroong isang wikang
umiiral na pinalawak at pinaunlad na tinatawag na Filipino at ang pormalisasyon nito ay
kailangang isagawa sa sistemang pang-edukasyon, subalit hindi nangangahulugan na
dahil hindi pa ito formalisado ay hindi ito umiiral. Ito ay isang lingua franca (Villacorta
1986).
Sa ngayon, masasabing marami pa ring sagabal sa pagsulong ng wikang Filipino.
Ngunit kung ang pagbabatayan ay ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino,
masasabing mabilis ang pagsulong nito (Dayag at del Rosario 2016). Napakarami
pang dapat gawin upang sumulong at magtagumpay ang wikang Filipino. Sama-
samang abutin ang wagas na hangaring maging wika ng karunungan ang wikang
pambansa (kwf n.d.).

Ngayon, nakuha mo ba ang mga


mahahalagang kaalaman sa mga aralin?

Upang mas mapagtibay ang pag-unawa at


mga kasanayan sa paksa, pakisagutan ang mga
gawain na nasa ibaba.

GAWAIN A
Panuto: Isaayos ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunud- sunod sa nabasang
kasaysayan ng wikang pambansa. Lagyan ng bilang 1-8 ang mga patlang. Kopyahin ang
mga pahayag na nasa ibaba at sagutin ito sa malinis na papel.

___ Pinayagan ang pambansang pamahalaan na hawakan ng mga Pilipino sa pamatnubay


ng Militar na Hapon at nasa ilalim ng Batas Militar.
___ Pinagtibay na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570.
___ Isinulong ang paggamit ng wikang Filipino ayon sa Saligang Batas Sek. 6-9 ng Artikulo
XIV.
___ Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon sa pagnanais na
maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan.
___ Iniutos ni Ferdinand E. Marcos ang pagpabisa sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino.
___ Ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon na mula Tagalog, ito
ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7. .
___ Nag- atas si Pangulong Manuel L. Quezon na Tagalog ang magiging batayan ng
wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
___ Pinalabas ang Ordinansa Blg.13 na nagsasaad na Niponggo at Tagalog ang opisyal na
mga wika. Maging paksa sa pagtuturo ang pamumuhay at kulturang Hapones.

12
GAWAIN B
Panuto: Isulat ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Kopyahin ang pormat na nasa ibaba at sagutin ito sa malinis na papel.

Mga dahilan sa pagpili sa


Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa

1. 2. 3.
(2 pts) (2 pts) (2 pts)

Upang matukoy natin kung naging tama


ang iyong kasagutan, tingnan ang Susi ng
Pagwawasto.

Kung naging tama ang iyong kasagutan ay


maaari ka nang magpatuloy sa susunod na bahagi
ng modyul na ito.

Pagyamanin

Ang bahaging ito ng modyul ay nakapaloob ang gawain o pagsasanay upang


maproseso mo ang mga natutunan mula sa aralin.

MGA GAWAIN
A. Panuto: Ipakita ang kasaysayan ng wikang pambansa gamit ang balangkas sa ibaba.
Sagutin ito sa malinis na papel.

Pilipino

Tagalog Filipino

13
PAMANTAYAN SA PAGTUKOY SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Marka Deskripsiyon
Nakagawa ng isang malinaw na presentasyon na may kaisahan. Batay ito
3 sa isinagawang pagbasa tungkol sa kasaysayan ng wika mula sa iba’t ibang
kapanahunan. Masusing natalakay ang mga batas na naitakda sa pagbuo at
pagbabago ng wikang pambansa.

Nakagawa ng isang malinaw na presentasyon batay sa isinagawang


2 pagbasa tungkol sa kasaysayan ng wika. Bahagyang natalakay ang mga
batas na naitakda sa pagbuo at pagbabago ng wikang pambansa.
Nakagawa ng isang presentasyon ngunit walang kaisahan at hindi batay sa
1 isinagawang pagbasa tungkol sa kasaysayan ng wika mula sa iba’t ibang
kapanahunan. Hindi natalakay ang mga batas na naitakda sa pagbuo at
pagbabago ng wikang pambansa.

B. Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataong umakda ng dalawang Batas Pangwika,


ano- ano ito? Ano sa palagay mo ang magiging ambag sa wika ng bawat batas na
iyong iaakda? Kopyahin ang pormat na nasa ibaba at sagutin ito sa malinis na papel.

Batas 1: _______________________________________________________________
Ambag sa wika:_________________________________________________________

Batas 2: _______________________________________________________________
Ambag sa wika:__________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGTAKDA NG BATAS PANGWIKA


Marka Deskripsiyon
Nakatakda ng isang batas na may napakalinaw na paliwanag sa
3 pagpapaunlad ng wika. Natalakay nang masinisinan ang kabuluhan ng
batas na naitakda. Nakagamit ng mga salitang madaling maunawaan ng
mga mambabasa.
Nakatakda ng isang batas na may malinaw na paliwanag sa
2 pagpagpapaunlad ng wika. Natalakay ang kabuluhan ng batas na naitakda.
Bahagyang nakagamit ng mga salitang madaling maunawaan ng mga
mambabasa.
Nakatakda ng isang batas ngunit walang kaugnayan sa pagpapaunlad ng
1 wika. Hindi natalakay ang kabuluhan ng batas na naitakda. Hindi nakagamit
ng mga salitang madaling maunawaan ng mga mambabasa.

14
Magaling! Nakaabot ka sa bahaging ito. Upang
iyong lubos na masuri ang kaangkupan ng iyong mga
kasagutan sa Gawain A at B, tingnan ang Susi ng
Pagwawasto na makikita sa likurang bahagi ng
modyul na ito. Kung may kawastuhan ang iyong mga
kasagutan ay maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na mga bahagi.

Isaisip

Ang bahaging ito ng modyul ay nakapaloob ang gawain o pagsasanay upang


maproseso mo ang mga natutuhan mula sa aralin.

GAWAIN: Pagsusuri sa Pananaw ng Iba’t ibang Awtor

Panuto: Mula sa nabasang kasaysayan ng wikang pambansa, pumili ng dalawang awtor


mula sa alinmang kapanahunan na naglahad ng kanilang pananaw tungkol sa isinulat na
kasaysayan ng wika. Isulat sa kahon ang nasipi at ilahad ang iyong pananaw ukol dito. Isulat
kung ikaw ay sumasang- ayon o sumasalungat sa kanilang pananaw at pangatwiranan ito.
Gawing gabay ang pormat na nasa ibaba at sagutin ito sa malinis na papel.

2
1

Pangalan ng Awtor: Pangalan ng Awtor:

Pananaw: Pananaw:

Sumasang- ayon o Sumasang- ayon o


Sumasalungat? Sumasalungat?

Pangatwiranan: Pangatwiranan:

15
PAMANTAYAN SA PAGSUSURI NG PANANAW

Panukatan Deskripsiyon 5 4 3 2 1
Nilalaman  Mahusay na nakatutugon sa layunin ng pagsusuri.
 Malinaw at wastong nasusuri ang mahahalagang
aspekto.
 Matibay sa paglalatag ng mga katwiran upang
patunayan ang kaugnayang konsepto/ prinsipyo sa
mga tiyak na aspekto ng pagsusuri sa pananaw ng
iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan.
Gamit ng  Mahusay na nagagamit ang wikang Filipino sa
Wika pangatwiran
 Maayos ang gramatika at pagbabaybay
 Wasto ang gamit sa mga bantas
Estruktura  Lohikal ang daloy ng kaisipan
 Sumunod sa itinakdang pormat
 Malinis ang pagkasulat ng buong gawain
Kabuuan: _____/15

Magaling! Nakaabot ka sa bahaging ito. Upang


iyong lubos na masuri ang kaangkupan ng iyong mga
kasagutan sa Pagsasanay, tingnan ang Susi ng
Pagwawasto na makikita sa likurang bahagi ng
modyul na ito. Kung may kawastuhan ang iyong mga
kasagutan ay maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na mga bahagi.

Isagawa

Ang bahaging ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

16
GAWAIN: Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw

Panuto: Sumulat ng iyong opinyon o pananaw batay sa ibinigay na gawain sa ibaba.


Pumili lamang ng isang gawain na gawan mo ng paliwanag. Gawing gabay ang pormat na
nasa ibaba at sagutin ito sa malinis na papel.

Gawain 1

Ang huling bahagi ng pagtalakay sa kasaysayan ng wikang pambansa ay


nag- iwan ng isang hamon na sama- sama nating itaguyod ang paggamit ng wikang
Filipino. Ikaw bilang isang mag- aaral, ano- ano ang maaari mong gawin upang
makatulong sa pagsulong ng wikang Filipino? Isulat ang iyong sagot sa hindi bababa
sa limang pangungusap.

Gawain 2

Batay sa tinalakay na kasaysayan, nabatid nating napakalaki at


napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga naging lider ng ating bayan sa
pagtataguyod ng wikang pambansa. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong
maging lider ng ating bansang Pilipinas, anong proyekto ang iyong paiiralin upang
maisulong ang paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino? Palawakin ang sagot
kung bakit ito ang proyektong napili. Isulat ang iyong sagot sa hindi bababa sa
limang pangungusap.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG OPINYON O PANANAW


Pamantayan Puntos Iskor
 May maayos na nilalaman at pagbanggit sa sitwasyon 10
 Malinaw ang mga punto 10
 Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pananalita 5
 Malinis at presentable ang papel 5
KABUUAN 30

Magaling! Nakaabot ka sa bahaging ito. Upang


iyong lubos na masuri ang kaangkupan ng iyong mga
kasagutan sa Pagsasanay, tingnan ang Susi ng
Pagwawasto na makikita sa likurang bahagi ng modyul
na ito. Kung may kawastuhan ang iyong mga kasagutan
ay maaari ka nang magpatuloy sa susunod na mga
bahagi.

17
Tayahin

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto
sa pagkamit ng natutuhang kompetensi kaya basahing mabuti at unawain mo ang bawat
aytem upang maibigay ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa isang malinis na papel.

1. Sino ang Direktor ng Edukasyon noong 1903 na naniwalang ang pagkakaisa ay


nakasalalay sa iisang wika tulad ng Ingles.
A. David Borrows C. Jacob Schurman
B. David Doherty D. N. M. Saleeby
2. Sino ang nagmungkahing isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang pambansa?
A. Alejandro G. Abadilla C. Lope K. Santos
B. Benigno S. Aquino Jr. D. Manuel L. Quezon
3. Sino ang naniwalang kailangan ng wikang Ingles sa edukasyong primarya dahil ito
ang nagbibigkis sa pagpapalaganap ng demokrasya?
A. Borrows C. N. M. Saleeby
B. Cornell D. Schurman
4. Kailan nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula Espanya tungo sa Estados
Unidos?
A. Abril 8, 1898 C. Abril 11, 1899
B. Abril 10, 1898 D. Abril 13, 1899
5. Kailan ipinalabas ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang Niponggo at
Tagalog ang opisyal na wika ng Pilipinas?
A. 1938 C. 1941
B. 1939 D. 1942
6. Sino ang nagpatibay na ang pambansang pamahalaan ay hawakan ng mga Pilipino
sa pamatnubay ng Militar na Hapon at nasa ilalim ng Batas Militar?
A. Hitomi C. Kazumi
B. Homma D. Tanaka
7. Sino ang awtor na naglahad ng pananaw na sa panahon ng Hapon ang may
pinakamasiglang talakayan sa wika?
A. Badayos C. Constantino
B. Bernales D. Leyson
8. Sino ang awtor na naglahad ng pananaw na marami pa ring sagabal sa pagsulong
ng wikang Filipino?
A. Badayos C. Petras
B. Dayag D. Taylan
9. Anong artikulo ang nagsulong sa paggamit ng wikang Filipino?
A. Artikulo XII C. Artikulo XIV
B. Artikulo XIII D. Artikulo XV

18
10. Ano ang damdaming mailarawan sa mga Pilipinong nakikiisa sa pagpapalaganap
ng wikang Filipino?
A. Makabayan C. Makakalikasan
B. Maka- Diyos D. Maka- tao
11. Anong ugaling ipinakita ng mga Hapones nang nag- aral sila ng wikang Tagalog?
A. Taglay ang respeto para sa mga Pilipino.
B. Bukas ang isipan sa anumang pagbabago.
C. Likas na mapagmahal sa sinumang dayuhan.
D. Malakas ang paniniwala sa kanilang kakayahan.
12. Ano ang pinakaangkop na dahilan sa pagpapalit ng tawag sa Wikang Pambansa ng
Pilipinas mula Pilipino ay naging Filipino?
A. Iba- iba ang namuno sa Departamento ng Edukasyon.
B. Sinunod ang kagustuhan ng mga mamamayang Pilipino.
C. May mga pananaliksik na ginawa tungo sa ikauunlad ng wika.
D. Ang mga namuno sa bansa ay hangad ang pagbabago ng wika.
13. Ano ang dahilan na ialinsabay sa panahon ang gramatika ng Wikang Pambansa?
A. Mabigyang- tuon ang ebolusyon ng wika.
B. Matamo ang paraan ng paggamit ng wika.
C. Mabigyang- pansin ang wikang ginagamit sa kasalukuyan.
D. Mapaunlad ang wika kasabay ng pagbabago ng panahon.
14. Bilang mag- aaral, bakit mahalagang matutunan ang kasaysayan ng Wikang
Pambansa?
A. Mapahalagahan ang kasarinlan.
B. Malaman ang ebolusyon ng wika.
C. Matutuhan ang paggamit ng wika.
D. Mapalaganap ang wikang ginamit.
15. Bilang isang Pilipino, paano mo maipakita ang pagtangkilik sa sariling wika?
A. paggamit ng jejemon na salita
B. pagbigkas nito kung kailangan
C. pakikinig ng mga OPM na kanta
D. paggamit ng pananalitang conyo

Ngayong tapos ka na sa pagtataya, ihambing mo ang iyong mga naging sagot na


matatagpuan sa Susi ng Pagwawasto. Maging makatotohanan sa pagwawasto upang
makapagpatuloy ka sa susunod na bahagi ng modyul.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito ay may ibibigay sa iyo na panibagong gawain upang


pagyamanin ang iyong kaalaman at kasanayan sa natutuhang aralin.

19
GAWAIN: Pagsulat ng Sanaysay

Panuto: Sa araling ito ay nabasa at naunawaan mo ang tatlong mahahalagang bahagi o


yugto ng kasaysayan ng wikang pambansa. Nabatid mo rito ang ilang pangyayari tungo sa
pagkakabuo at pag- unlad ng wikang pambansa. Pumili ng isang panahon at sumulat ng
sanaysay na tumatalunton sa mga pangyayari sa panahong ito. Talakayin mo rin ang
naging ambag ng yugtong ito sa pagkakabuo ng wikang pambansa. Bilang pagtatapos,
isulat mo ang kahalagahan ng partikular na yugtong ito sa kasaysayan ng pagkakabuo at
pag- unlad ng wikang pambansa. Isulat ito sa malinis na papel.
Gawing gabay ang sumusunod na mahahalagang yugto ng kasaysayan ng wikang
pambansa na nasa ibaba (Taylan et.al, 2016):

PAGSASARILI-
AMERIKANO HAPON
KASALUKUYAN

Malayang ginamit ang Tinawag na “Gintong Pinalitan ang tawag sa


wikang Ingles. Itinuro Panahon ng Tagalog.” Wikang Pambansa. Mula
ang Ingles sa sa mga Ipinagbawal ang sa Tagalog, ito ay naging
paaralan at ginamit ito paggamit ng wikang Pilipino. Pinaunlad ang
bilang wika ng Kastila at Ingles. paggamit nito ayon sa
pagtuturo. Sa panahong Naging puspusan ang ipinag- utos ng iba’t
ito nag- atas na wikang pagpapagamit ng ibang batas. Nagbago
Tagalog ang magiging Tagalog sa mga ang tawag ng Wikang
batayan sa pagbuo ng paaralan. Pambansa noong 1987.
Wikang Pambansa. Ang Wikang Pambansa
ng Pilipinas ay Filipino.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Pamantayan Puntos Iskor


 May interesanteng pamagat 10
 Malinaw at malikhain ang pagtatalakay at paghahanay ng mga 10
kaisipan
 Tama ang gamit ng bantas, baybay at kapitalisasyon 5
 Malinis at presentable ang papel 5
KABUUAN 30

Magaling! Natapos mo rin ang paggawa at


pagsagot ng mga gawain sa iba’t ibang bahagi ng
modyul. Binabati kita! Ngayon, ihambing ang iyong
mga sagot sa Susi ng Pagwawasto. Gaano kahusay
ang nagawa mo? Marami ka bang natutunan sa
paksang ito? Hanggang sa susunod na talakayan!

20
21
Tuklasin Suriin
Gawain A
1. kung paiiralin ng
mga Pilipino ang 3 Pinayagan ang pambansang pamahalaan na hawakan ng mga
Nasyonalismo. Pilipino sa pamatnubay ng Militar na Hapon at nasa ilalim ng Batas
2. at gagamitin ko ang Militar.
wikang Filipino 5 Pinagtibay na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa
3. ay may maraming ng Batas Komonwelt Bilang 570.
lenggwahe tulad ng 8 Isinulong ang paggamit ng wikang Filipino ayon sa Saligang Batas Sek.
Tagalog, Hiligaynon
6-9 ng Artikulo XIV.
at iba pa.
1 Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon sa
4. may puso para sa
mga Pilipino. pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting
pakikipag-ugnayan.
7 Iniutos ni Ferdinand E. Marcos ang pagpabisa sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan
ay pangalanan sa Pilipino.
6 Ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon na mula
Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7.
2 Nag- atas si Pangulong Manuel L. Quezon na Tagalog ang magiging
batayan
ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
4 Pinalabas ang Ordinansa Blg.13 na nagsasaad na Niponggo at Tagalog
ang
opisyal na mga wika. Maging paksa sa pagtuturo ang pamumuhay at
kulturang Hapones.
Subukin Balikan
1. B
2. A
3. B
4. D
5. B
6. C
7. A
8. B
9. D
10. A
11. C
12. A
13. C
14. D
15. A
Susi sa Pagwawasto
22
Pagyamanin A Pagyamanin B
TAGALOG
1. Batas
Nagsimulang naisakatuparan sa panhon ng
Amerikano at Hapon. Sek. 1 ng Artikulo XV ng Saligang Batas
2020 ay isusulong ang pagpapalaganap ng wikang
Nagmungkahi SI Lope K. Santos na isa sa Filipino sa ibang bansa.
mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang pambansa at ito ay sinang- ayunan ni Ambag sa wika
Pangulong Manuel L. Quezon.
Mapalaganap at mapalawak ang wikang
Ipinalabas noong 1937 ang Kautusang
Filipino sa ibang bansa sa pamamagitan ng
Tagapagpaganap Blg. 134 na nag- aatas na
Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin pakikiisa sa mga International Schools na pagtibayin
sa pagbuo ng Wikang Pambansa. ang paggamit ng wikang Filipino sa panahon ng
talakayan.
PILIPINO Magpapadala ang pamahalaan ng mga
eksperto ng wikang Filipino na siyang mamuno mga
Nagsimulang naisakatuparan sa panahon
seminars at trainings para sa mga gurong nagtuturo
ng Pagsasarili.
sa mga nasasabing paaralan.
Pinalitan ang tawag ng Wikang Pambansa 2. Batas
na mula sa Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa
ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Sek. 2 ng Artikulo XV ng Saligang Batas
Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon. 2020 ay isusulong ang pagpapaunlad ng mga
Pelikula at Dulang Pantelebisyong Pilipino.
FILIPINO
Ambag sa wika
Nang umupo si Pangulong Corazon Aquino
ay bumuo ng bagong batas ang Constitutional Magkaroon ng komperensya at trainings sa
Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga director at iba pang staff ng pelikula at Dulang
mga kailangang gawin upang maitaguyod ang Pantelebisyon upang palusugin ito at maiwasan ang
wikang Filipino. pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga banyagang
teleserye o telenovela. Sa ganitong paraan ay
Ang Sek. 6-9 ng Artikulo XIV ng Saligang
magkaroon ng interes ang mamayang Pilipino na
Batas 1987 ay isinulong ang paggamit ng wikang
tangkilikin ang sariling likha at kasabay na maging
Filipino.
pamilyar at mapaunlad ang paggamit ng wika dahil
ito ang palagi nilang napapanood at naririnig na
ginagamit ang wikang Filipino.
Suriin
Gawain B
23
Isagawa Tayahin
1. A
Ang napili ko ay ang Gawain 1 2. C
3. D
Bilang mag- aaral, unang- una ay dapat magsimula muna sa aking
4. C
sarili. Kailangan kong matutuhan at mapahahalagahan ang sariling wikang 5. D
Filipino sa pamamagitan ng pakikinig ng mga OPM na kanta, panonood ng 6. B
mga pelikula at teleserye na likha ng kapwa Pilipino, pagbabasa ng panitikang 7. D
Filipino at pag post sa FB o sa iba pang sites sa social media ng aking mga 8. B
paboritong tula, kuwento at awit sa Filipino. Sa paraang ito ay 9. C
maimpluwensya ko ang iba na mahalin at pahalagahan ang saring Wikang 10. A
Pambansa. Ipamumulat ko sa kanila na ang kaunlaran ng wika ay behikulo sa 11. B
tagumpay ng buong aspekto ng bayan. 12. C
13. D
14. A
15. C
Isaisip
Leyson
Pinakamasaiglang talakayan sa wika ay sa panahon ng Hapon.
Ako ay sumasang- ayon dahil nagigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapaunlad ang wikang
kinagisnan. Ito ang magiging daan na mapahalagahan nila ang sa kung ano mayroon sila. Dagdag pa nito ay
sumali ang mga Hapones sa pag- aaral ng wikang Tagalog.
Dayag
Sa kasalukuyan, masasabing marami pa ring sagabal sa pagsulong ng wikang Filipino. Ngunit kung
ang pagbabatayan ay ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino, masasabing mabilis ang pagsulong
nito.
Sumasang- ayon ako dahil sa pagbabago ng panahon ay sumasabay ang pag- unlad ng wika. Sa
kabila ng mga sagabal ay isinakatuparan na ang paggamit ng wikang Filipino sa pagbabalita sa pahayagan,
radio at telebisyon. Mayroon ding probisyon na may inilaang oras sa bawat FM Station na ipatugtog ng isang
oras ang OPM na kanta. Higit sa lahat ay nalilinang rin ang wika dahil ito ay ginagamit na medium of
instruction hindi lamang sa asignaturang Filipino kundi pati na sa Araling Panlipunan.
24
Karagdagang Gawain
Filipino ang Wika ng Karunungan
ni Ricalyn Bitancor
Bakit nga ba ginagamit natin ang wikang Filipino? Bakit nga ba ito ang ugat ng karunungan nating
mga Pilipino? Sa sanaysay na ito malalaman natin ang gamit at importansya nito sa ating mga Pilipino.
Ang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas, ginagamit natin ito sa pagkakaroon ng mabisang
komunikasyon sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Napakahalaga ng wikang ito sapagkat ito ang
pinakapangunahing instrumento nating mga Pilipino na maipahayag ang ating damdamin, saloobin, kaisipan,
opinyon at iba pa. Ang pagkatuto ng Wikang Filipino ay isa rin sa instrumento upang tayo ay magkaintindihan
at makakalap ng mga impormasyon tungo sa maunlad na pagkakaisa.
Hindi lahat ng Pilipino ay may kakayahang gamitin ito sa mas malalim na paraan pero maaari pa rin
nating makasalamuha ang ating kapwa Pilipino dahil tayo ay nasa modernong panahon, marami nang
teknolohiya tulad ng telebisyon, radyo at mga social networking sites na maaaring maging instrumento para
sa mas madaliang pag-unawa sa wikang ito.
Hindi tayo makakatuklas at makakagamit ng ibang wika hanggang sa hindi natin lubusang tatanggapin
ang sariling wika natin. Ang pagiging marunong sa Wikang Filipino ay hindi lamang para sa ating
komunikasyon kundi para rin sa ating ekonomiya. Alam nating lahat na maraming turista sa ibang bansa ang
pumupunta sa Pilipinas para makita kung gaano kaganda ang ating bansa. Marami tayong nakukuhang
kaalaman sa kanila lalong-lalo na sa kanilang wika. Gayundin tayo, natuturuan rin natin sila ng mga salita na
isinalin sa Wikang Filipino at dahil dito mas pinapatibay pa natin ang ating komunikasyon at relasyon sa
kanila at higit sa lahat naibabahagi natin ang ating kaalaman na nagbigay naman sa kanila ng karunungan sa
paggamit nito para sa mabisang komunikasyon.
Higit sa lahat, ginagamit natin ang wikang ito upang maipakita natin sa iba na tayo ay Pillipino at tayo
ay taas noo'ng pinagsisigawan na tayo ay mamamayan ng bansang sinilangan. Ito ang nagpapaalala sa atin
na sa kabila ng imperyalismo ng ibang bansa sa panahon ng kanilang pananakop ay nanatili tayong tapat sa
ating bansa hanggang sa nakamit natin ang ating kalayaan. Ito rin ang nagpapaalala sa atin na dapat nating
respetuhin ang mga bayani ng bansa noong unang panahon na nag buwis ng kanilang buhay para sa
kalayaan natin. Ang kalayaang gawin ang nararapat sa ating bansa at ang makamit ang karapatang pantao.
Wikang naging instrumento sa pagkakaroon ng magandang edukasyon at mabisang komunikasyon. Wikang
sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino. Wikang nagpapaunlad sa ating ekonomiya. Ang Wikang Pambansa. Ito
ang wikang Filipino.
Sanggunian

Mga Aklat

Bernales, R. A. et al. 2002. "Komunikasyon sa Makabagong Panahon." Valenzuela City:


Mutya Publishing House, Inc.

Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. 2016. “Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino.” Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Taylan, D. R. et al. 2016. “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.”


Quezon City: Rex Book Store.

Mga Hanguang Elektroniko

Bitancor, Rica. 2016. blogspot.com. July 31. Accessed July 04, 2020.
https://filipinowikangkarunungan.blogspot.com/2016/07/sanaysay-tungkol-sa-
filipino-ang-wika.html.

Taraya, Wendell B. 2020. facebook.com. June 27. Accessed July 03, 2020.
https://www.facebook.com/photo?fbid=3457178914294824&set=pcb.345717941429
4774.

Ursal, Theresa. 2016. blogspot.com. July 3. Accessed July 02, 2020.


http://theresaursal.blogspot.com/2016/07/wikang-pambansa-wikang-opisyal-at.html

n.d. 123.rf.com. Accessed July 02, 2020. https://www.123rf.com/clipart-


vector/black_and_white_american_flag.html?sti=lg6nohszsn1q5jjfyj|.
n.d. drawingnow.com. Accessed July 02, 2020.
https://www.drawingnow.com/tutorials/122328/philippines-flag/.
n.d. nicepeng.com. Accessed July 02, 2020.
https://www.nicepng.com/ourpic/u2q8t4q8u2u2e6r5_japan-flag-royalty-free-vector-
clip-art-illustration/.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

26

You might also like