You are on page 1of 23

8

Filipino
Unang Markahan
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Aralin 3: Epiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rinalyn DS. Sagles
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 3:
Aralin 3: Epiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa Aralin 3: Epiko.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Aralin 3: Epiko !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa mag-aaral. Ito ay binuo upang
tumulong sa pag-alam sa panitikan ng ating bansa sa Panahon ng mga Katutubo- Epiko.
Sinasaklaw nito ang ilang napapanahong kalagayang panlipunan at ang mga kasanayan na
magagamit sa iba’t ibang sitwasyon sa iyong pag-aaral. Ang wikang ginamit dito ay
kumikilala sa magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay
inayos batay sa pagkakasunod-sunod ng pamantayan. Ngunit maaaring maiba ang ayos mula
sa aklat na iyong gagamitin.

Ang modyul na ito ay tungkol sa:


 Aralin 3 – Wika: Iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:


-paghahawig o pagtutulad
-pagbibigay depinisyon
-pagsusuri

Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO. Tukuyin ang teknik na ginamit sa pagpapalawak ng paksa sa mga sumusunod na
pahayag. Isulat sa sagutang-papel ang kumakatawan na mobile legend rank sa
iyong sagot.

EPIC -Paghahawig o pagtutulad


LEGEND -Pagbibigay depinisyon
MYTHIC -Pagsusuri

1. Ang epiko at karunungang-bayan ay mga uri ng panitikan. Kapwa ito nagpapahayag ng


mga kaisipan, karanasan at diwa ng mga tao.
2. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong “epos” na nangangahulugang
salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o
isatono.

1
3. Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan.
4. Ang Biag ni Lam-ang ay isang pinakapopular na epikong bayan na nagmula sa
Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union.
5. Masusuring ang pangunahing tauhan sa epiko ng Ilocos ay si Lam-ang. Siya ay
inilalarawan bilang isang matapang na mandirigmang may supernatural na lakas.
6. Ang Epiko ni Tuwaang ay ipinagmamalaki ng mga Bagobo.   Ito ay mahabang tula na
nagsasalaysay sa kabayanihang ginawa ni Tuwaang sa isang dalaga.
7. Ang suliranin sa akdang Tuwaang ay ang paghingi ng tulong ng dilag na nagmula sa
kalangitang Buhong. Ito ang naging sanhi upang pumunta si Tuwaang sa Batooy.
8. Ang mga tauhan sa epiko ng Bagobo ay sina Tuwaang, ang Dalaga ng Buhong na
Langit, Batooy, Bai, Binata ng Pangavukad at Binata ng Pangumaon.
9. Ang akdang Tuwaang at Biag na Lam-ang ay mga halimbawa ng isang epiko. Dahil
parehas itong nagsasalaysay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan..
10. Sa lipunang Ifugao, ang Hudhud ay isang mahabang salaysay na patula na karaniwang
inaawit sa panahon ng tag-ani, o kapag inaayos ang mga payo o dindamuhan ang mga
palayan.
11. Ang pangunahing tauhan sa epiko ng Ifugao ay ang pambihirang nilalang na si Aliguyon,na
kabilang sa uwing mariwasa o kadangyan.
12. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga Bukidnon at sinasabing ukol lamang ito sa
buhay at pakikipagsapalaran ni Agyu.
13. Ang epikong Prinsipe Bantugan at Bidasari ay mula sa Mindanao. Parehong itong
nakapaloob sa pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan.
14. Ang epikong Ibalon ay tanyag sa Bicol at ang orihinal na sipi nito sa wikang Bicolano
ay iningatan ni Padre Jose Castano.
15. Ang Ibalon ay salaysay na pakikipagsapalaran ng mga bayaning sina Baltog, Handiong
at Bantong.

Bigyan mo ng pansin ang kalakip na susi sa pagwawasto upang iyong malaman kung alin
sa mga aytem ang iyong nasagutan nang wasto at mali.Huwag kang mag-alala kung may
naging sagot kang mali sapagkat gagabayan ka ng modyul na ito upang maiwasto ang mga
ito.

Aralin Epiko
3 Wika: Iba’t ibang teknik sa
Pagpapalawak ng Paksa
Simulan na ang pagpapaunlad ng inyong kaalaman at kakayahan sa pagtalakay sa aralin
tungkol sa iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa. Siguradong ikaw ay handing-handa na!

Ngunit bago magsimula ang aralin , magbalik-tanaw muna sa iyong nakaraang aralin.

2
Balikan
ML Hero ko!
Pumili sa Mobile Legend Card Hero ng mga pahayag na gumagamit ng mga hudyat
ng sanhi at bunga sa pangyayari. Lagyan ng ang ngalan ng Hero na nagsasaad ng
iyong kasagutan.

GRANGER LANCELOT KHUFRA


KARRIE “Puspusan ang “Ang bayanihan sa
paghahanda na
“Ang ikawalong “Ikaw ba ay may pamamahagi ng
ginawa ng DepEd
baitang ay nagbabasa magandang nagawa tamang
kaya naman ang mga
ng mga halimbawa ng sa iyong tahanan kabataang Pilipino ay impormasyon at
epiko.” dahil sa quarantine nagpatuloy sa prebensyon sa
na pinaiiral sa kanilang pag-aaral sa sakit ay
VS bansa?” kabila ng pandemya.” mahalaga.”
.” MASHA
HANABI KARINA
LESLEY
“Ang epiko ay isang “Bumuhos ang
tulang pasalaysay na “Kung ang lahat ay “Sa sektor naman ng pagsaludo ng
nagsasaad sa may disiplina at edukasyon, kapansin- netizens para sa
kabayanihan ng nanatili lamang sa pansin ang iba't ibang
pangunahing tauhan na tahanan tuloy ang pagbabago sa sistema frontliners
nagtataglay ng ng pag-aaral dahil sa sapagkat patuloy
pagtamasa natin sa
supernatural na pagkaroon ng ang kanilang
kaligtasan laban sa
katangian kaya naman pandemya sa bansa.” serbisyo kahit
COVID-19.” may banta ng
nakawiwili itong
basahin.” virus.”

Tuklasin

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay binubuo ng mga pamamaraan at mga
gawain para sa proseso ng iyong pagtuturo. Iminumungkahi
ang patuloy na paggabay sa mag-aaral upang maisakatuparan
ang kanilang pagkatuto.

Star na!

3
Panuto: Piliin sa mga sumusunod na ranked game ang iyong masasabi sa
paksang “COVID-19”. Lagyan ng kulay ang reward star na iyong napiling kasagutan.

WARRIOR ELITE MASTER GRANDMASTER EPIC

Malaki ang Ang sakit na Maraming buhay Ang mga sintomas Ang Middle East
naitulong ng Coronavirus 2019 ang naliligtas dahil ng COVID-19 ay Respiratory
COVID-19 sa (COVID-19) ay sa COVID-19 na maaaring mula sa Syndrome (MERS-
kabuhayan ng mga isang sakit sa tunay na banayad (o walang CoV) at Severe
Pilipino. palahingahan. Ito ay nagbibigay-lakas sa mga sintomas) Acute Respiratory
sanhi ng isang pangangatawan ng hanggang sa Syndrome (SARS-
bagong virus. isang tao. malubhang sakit CoV) ay mga
malubhang sakit
bunga ng malaking
pamilya ng mga
virus.Ito ay ang
tinatawag na
coronaviruses.

Suriin

Kapansin-pansin sa pagpapalawak ng paksa ay may mga teknik o paraan na


ginagamit. Ito ay iyong napamalas sa pagsagot sa unang gawain.
Ano-ano nga ba ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa?

 Paghahawig o Pagtutulad –Ito ay pagbibigay kahulugan sa isang salita o bagay na


magkapareho o nasa iisang kategorya lamang.

Halimbawa:
Ang maikling kuwento at nobela ay mga uri ng panitikan.Kapwa binubuo ito ng mga
tauhan, tagpuan at nagbibigay aral sa mga mambabasa.

4
 Pagbibigay katuturan o depenisyon- May mga salitang hindi agad-agad
naiintindihan kaya’t kailangan bigyan ng depenisyon. Ito’y mga bagay o kaisipan
nangangailangan ng masaklaw na pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaantasan,at
kaibahan ng mga salitang ito ay binibigyang diin sa pagbibigay ng depinisyon.

Halimbawa:
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang
tao na may sukat at tugma at gumagamit ng matatalinghagang pahayag na nakatago
ang kahulugan.

 Pagsusuri- Ito ay pagpapaliwanag hindi lamang ng bahagi ng kabuuan ng isang


bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng bahagisa isa’t isa.

Halimbawa:
Pagsusuri sa bahagi o elemento ng tula;
-anyo
-tugma
-sukat
-saknong
-taludtod
-tono o indayog
-kariktan/matatalinhagang pahayag

Pagyamanin
Gawain 1: Sagutan ang Lucky Spin!
Palawakin ang paksang “epiko”. Piliin ang bilang ng aytem ng iyong sagot at
ilagay ito sa loob ng ML lucky spin.

EPIKO

1. Hindi mahalaga ang pagbabasa ng epiko sa ating lahi.


2. Ang epiko ay pinaniniwalaang hindi kabahagi ng ating panitikan.
3. Ang epiko at kwentong bayan ay kapwa sumasalamin sa kultura’t
paniniwala ng sinaunang mga Pilipino.
4. Ang mga elemento na bumubuo sa epiko ay ang mga sumusunod:
tugma, taludturan, matatalinghagang salita,banghay, tagpuan at
taludturan.

5
5. Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao.

Gawain 2. Basahin at Piliin sa ML Tower!

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin sa loob ng mobile legend


tower ang angkop na paksa rito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Kur epiko
savakan Tuwaang
Binata ng Pangumanon
tulang pambayan at tulang epiko

_________1. Si Kur ay isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga Espanyol sa kanilang


kapanahunan dahil sa kanyang likas na pagiging malikhain at matalino.

_________2. Si Tuwaang ay isang lalaking may kakaibang lakas at ang kanyang armas ay
mayroong pambihirang kapangyarihan.

_________3. Ang Binata ng Pangumanon ay maituturing na kontrabida sa epikong Tuwaang


at ang Dalaga ng Buhong na Langit.

_________4.Ang savakan ay nangangahulugang mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga


nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal.

_________5. Sa Pilipinas, popular noon ang mga tulang pambayan at tulang epiko.Pareho
itong kinapalolooban ng mga paniniwala, mga kaugalian at mga huwaran sa
buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan.

Gawain 3: Victory o Defeat!


Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay gumamit/hindi gumamit ng teknik
sa pagpapalawak ng paksa . Isulat sa loob ng mobile legend icon ang kumakatawan sa iyong
kasagutan.

VICTORY – gumamit ng teknik sa pagpapalawak ng paksa


DEFEAT - hindi gumamit ng teknik sa pagpapalawak ng paksa

6
1. Mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

2. Ang online selling ay ng pagtitinda sa


internet gamit ang website, applications o
mga social networking sites.

3. Noong nakaraang taon ay masaya kong nakita ang iba’t ibang


pasyalan sa Lungsod ng Valenzuela.

4. Ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong


lugar ay isang ordinansa. Parehas itong patungkol sa proteksyon sa
ating kalusugan laban sa banta ng virus.

5.Ang ibig sabihin ng Home Quarantine ay pananatili sa loob


ng bahay ng labing-apat (14) na araw.Ang mga taong ito ay
walang sakit pero galing sa lugar kung saan laganap ang
nakahahawang sakit.

Gawain 4 Larawan ko ito!

Tingnan ang larawan at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang makikita sa larawan? ______________________________________


2. Ano ang masasabi mo sa larawan? Bilugan ang mga titik na nagsasad ng iyong
kasagutan.

7
A. Ito ay bagay na maaaring maihambing sa pangangalaga mo sa iyong sarili.
B. Ito ay mabisang proteksyon upang maging mababa ang tyansa na ikaw ay
mahawaan sa COVID-19.
C.Ito ay ginagamit bilang disenyo lamang sa mukha at walang mabuting naidudulot sa
ating kalusugan.
D. Ayon sa pagsusuri ng eksperto, ang pagsusuot ng nito sa mukha na gawa sa tela ay
makakapagpabagal ng pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng paglimita sa
paglabas ng virus sa hangin.

Gawain 5 Tama o Mali!

Suriin ang mga sumusunod na pahayag at sagutin kung TAMA o MALI ang
nakatalagang teknik sa pagpapalawak ng paksa. Isulat sa loob ng medal chest ang iyong
sagot.

1. ______ 4. ______
2. ______
3. ______ 5. ____

1. (Katuturan o depenisyon)
Ang diyagnostikong swab test ay tumutukoy sa presensya ng COVID-19 virus.

2. (Paghahawig o pagtutulad)
Ang pandemya ay isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na
nakakaapekto sa maraming tao sa boung mundo at mabilis na kumakalat.
3. (Pagsusuri)
Ang kalusugan ay tumutukoy sa mabuting kalagayan ng ating pangangatawan,
kawalan ng sakit, may sapat na timbang at may maayos na pangangatawan.

4. (Paghahawig at pagtutulad)
Ang pagsagot sa modyul at online class ay mga alternatibong paraan sa pag-aaral na
inihanda ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong Pandemya. Kapwa ito bagong sistema sa
pag-aaral ng mga mag-aaral.

5. (Depinisyon)

8
Pinatunayan ng DepEd na handa nitong tugunan ang iba’t ibang pangangailangan at
kakayahan ng mga mag-aaral upang maiataguyod ang kanilang pag-aaral ngayong panahon
ng krisis.

Gawain 6 Pumili na!

Pumili lamang ng isang paksa at gamitin ang nakasaad na teknik sa pagpapalawak


nito. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Pag-ibig (Pagbibigay katuturan o depenisyon)


2. Edukasyon noon at ngayon (Paghahawig o pagtutulad)
3. Tagpuan ng Epikong Tuwaang aat ang Dalaga ng Buhong ng Langit (Pagsusuri)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isaisip
Sa bahaging ito, isaisip mo ang iyong mga natutuhan na aralin, gawin ang
hamon sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain.
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng araling tinalakay.

 Ang paksa sa epiko ay


______________________________________________________________
_______________________________________________________________

 Sa pagbasa nito, mahalaga na maunawaan ang


______________________________________________________________
______________________________________________________________

 Sa pagpapalawak naman ng paksa, mahalagang malaman ang iba’t ibang


teknik na
______________________________________________________________
______________________________________________________________

 Kaya naman mula ngayon


______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
Isagawa

Basahin ang sanaysay at sagutan ang gawain sa ibaba. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Susi sa Tagumpay ng Bahay-Klasrum


ni Ry Ann B. Nodesca

Nagbago ang buhay nating lahat dahil sa pandemiya. Isa sa malaking pagbabagong
nakita natin ay sa edukasyon. Maraming magulang ang nag-alala sa kalusugan ng kanilang
mga anak kaya sila ay nag-aalangan kung papasukin pa sa paaralan ang mga bata.
Matapos ang ilang kosultasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kagawaran ng
Edukasyon, napagpasayahan na iurong ang pagbubukas ng klase at gawin nalang
itong distance learning o walang face to face learning na nakasanayan noon sa
pagtuturo at pagkatuto. Palibhasa magiging bahagi na ng new normal ang distance
learning, nabuo ang salitang Bahay-Klasrum sa Valenzuela. Pero paano magiging
matagumpay ang pag-aaral sa bahay? Narito ang ilang tips:
1. Magkaroon ng iskedyul at mahigpit itong sundin araw-araw. Hamon ito sa
isang mag-aaral dahil sa loob ng bahay maraming pang-abala.
Mapagtatagumpayan ito kung susuporta ang magulang sa iskedyul ng anak.
2. Bawasan ang distraction o panggambala sa paligid. Kaya makiusap sa mga
kasama sa bahay na sa panahon ng klase iwasang lumikha ng ingay kasi
makasisira sa pokus ng mag-aaral ang mga distraction.
3. Maglaan ng lugar para sa pag-aaral. Kahit maliit ang bahay, dapat may mesa
at upuan para sa pag-aaral. Gawing permanente ang lugar ng bawat bata sa pag-
aaral bunga nito naipoprogram na sila sa pag-aaral sa tuwing umuupo sila roon.
4. Samantalahin ang online resources. Kung may kakayahang mag-online,
samantalahin ang mga online applications para higit na matuto ang mga bata.
Kailangan ang patnubay ng magulang sa paggamit ng online resources sapagkat
may banta ng panganib ang paggamit ng internet.
5. Laging makipag-usap sa kapamilya o kaibigan. Dahil sa nagbagong kalagayan,
naapektuhan ang emosyonal at mental na kalagayan ng mga kabataan. Ilang
buwan na silang nalulungkot at nababagot, kaya kailangan nila ng suporta at taong
nakakaunawa sa kanila. Kausapin sila at maglibang kasama nila.

Kung sisikaping sundin ito, magiging kapana-panabik ang pag-aaral sa Bahay-


Klasrum kasama ang kanilang mga Nanay-Tatay Titser. Tiyak na magtatagumpay ang
Bahay-Klasrum dahil sa suporta nina Nanay-Tatay Titser!

Panuto: Mula sa binasa, ibigay ang sanhi/bunga na hinihingi sa kahon.

10
Sanhi Bunga
1. nagbago ang buhay nating lahat
maraming magulang nag-aalala sa
2.
kalusugan ng mga anak
nabuo ang salitang Bahay-Klasrum sa
3.
Valenzuela
dahil sa loob ng bahay maraming pang-
4.
abala
kaya makiusap sa mga kasama sa bahay na
5.
huwag lumikha ng ingay
bunga nito naipoprograma ang mga mag-aaral
6.
sa pag-aaral sa tuwing umuupo sila roon
Sapagkat may banta ng panganib ang
paggamit ng internet 7.
naapektuhan ang emosyonal at mental na
8.
kalagayan ng mga kabataan
ilang buwan na silang nalulungkot at
9.
nababagot
10. magtatagumpay ang Bahay-klasrum

Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang, kunin ang hudyat ng sanhi/bunga
at isulat sa sagutang ang SUBSCRIBE kung ito ay para sa sanhi at BLOG kung sa bunga.
Hal. Umuwi siyang basa dahil inabutan siya ng malakas na ulan.
Sagot: dahil- SUBSCRIBE

1. Isinama ng Kagawarang ng Edukasyon ang epiko sa pagtalakay ng panitikan sapagkat


layunin nitong maitimo sa isipan ng mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa kulturang
Pilipino.
2. Hindi pa rin naalis sa paniniwalang Pilipino ang kagila-gilalas na pangyayari kaya
naman patuloy ang paglikha ng mga babasahin at panooring may tauhang may taglay
na kapangyarihan.
3. Hindi pumayag ang pangulo na ituloy noong Hunyo ang pagbubukas ng klase
sapagkat wala pang bakuna sa Covid-19.
4. Sa panahon ng pandemic dumami ang subscribers ng ilang vloggers sa YouTube kaya
naman malaki ang kita nila.
5. Mahuhusay sa teknolohiya ang mga kabataan ngayon palibhasa kabilang sila sa tina
tawag na Generation Z o Gen Z.
6. Idineklarang General Community Quarantine na sa NCR tuloy dumami ang tao sa
labas.

11
7. Maraming Pilipino ang naging madiskarte sa buhay kasi nawalan sila ng hanapbuhay.
8. Nabalitaan ni Haring Madali na namatay ang kaniyang kapatid kaya pinuntahan niya
upang buhaying muli.
9. Dahilan sa nalaman ng buong Kaharian na binuhay-muli ni Haring Madali ang
kapatid na si Bantugan, nagbunyi silang lahat.
10. Pagkapanganak ni Lam-ang nagsasalita na siya, palibhasa kakaibang bata siya.
11. Natatakot si Bai sa pag-alis ng kapatid bunga nito pinigilan niya si Tuwaang sa
paglalakbay.
12. Nagalit ang binatang ikakasal dahilan sa umupo sa tabi ni Tuwaang ang dalagang
kaniyang pakakasalan.
13. Ayaw mapahiya ni Tuwaang ang binatang hindi makapagbigay ng huling handog sa
pamilya ng babaeng pakakasalan niya kung kaya lumikha siya ng makalumang gong,
gintong gitara at gintong bansi.
14. Sapagkat namatay lahat ng kawal ni Tuwaang, binuhay niya silang lahat gamit ang
kaniyang laway.
15. Dahil sa pagsasaling-dila ng ating mga ninuno, lumaganap ang epiko noong
Sinaunang Panahon at umabot ito sa modernong panahon.

Karagdagan
Gawain

Panuto: Bumuo ng islogan na nagpapakita ng pagpapahalagang natutuhan mo


sa pagbabasa ng epiko at buuin ito gamit ang sanhi at bunga. Isulat ito nang
malikhain, orihinal at malinaw sa loob ng kahon. Ilagay sa oslo paper.

12
Subukin RUBRIKS SA PAGTATAYA
Tuklasin Gawain 3:Dugtungan
Tayo!
PAMANTAYAN 1. WARRIOR PUNTOS
1. Orihinalidad 10
1. EPIC 2. Nilalaman 2. ELITE *(pasya20ng guro ang
3. Biswal na Hatak (Visual Impact)
3. MASTER pagwawasto)
10
2. LEGEND
4. Nakasunod Sa Pamantayan Gawain104: Punan Mo!
3. LEGEND KABUUAN 4.GRANDMASTER 50
1. kaya/kaya naman/
4. LEGEND 5.EPIC bunga nito/dahil dito
2. dahil
5. MYTHIC 3. kasi/dahil
PAGYAMANIN
6. LEGEND Binabati kita! Ipinakita mo ang iyong husay sa pagsagot ng mga gawain. Ipagpatuloy
sapagkat/pagkat
mo ang iyong kahusayan! Gawain
Inaasahan
1 na magagampanan mo ang mga gawain sa susunod na
7. MYTHIC kaya/kaya
mga aralin. Hanggang sa muli!
1.DEFEAT naman/bunga
8. MYTHIC
2.VICTORY nito/Subukin
9. EPIC
3.VICTORY
10. LEGEND
4.VICTORY 1.STAR
11. MYTHIC
5.VICTORY 2. BUCKS
12. LEGEND
Gawain 2 3.BUCKS
13. EPIC
A.Facemask 4. STAR
14. LEGEND
B. 1-3(Malaya ang guro 5. BUCKS
15. LEGEND
sa pagwawasto)
6. BUCKS
BALIKAN
Pangungusap *(pasya ng
7. STAR
HANABI guro ang pagwawasto)
8.STAR
Gawain 3:Dugtungan
KARINA
Tayo! 9. BUCKS
LANCELOT *(pasya ng guro ang 10.STAR
pagwawasto)
LESLEY 11. BUCKS

MASHA
Susi sa Pagwawasto

13
Susi sa Pagwawasto

TAYAHIN
Pangwakas na Pagtataya
1. sapagkat- SUBSCRIBER
2. kaya-BLOG
3. sapagkat- SUBSCRIBER
4. kaya naman- BLOG
5. palibhasa- SUBSCRIBER
6. tuloy- BLOG
7. kasi- SUBSCRIBER
8. kaya-BLOG
9. dahilan sa- SUBSCRIBER
10. palibahsa- SUBSCRIBER
11. bunga nito- BLOG
12. dahilan sa- SUBSCRIBER
13. kaya-BLOG
14. sapagkat- SUBSCRIBER
15. dahil sa- SUBSCRIBER
KARAGDAGANG GAWAIN

*(pasya ng guro ang pagwawasto)

14
Sanggunian
Aklat
Julian, Aileen B., & Lontoc, N. Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma. Quezon City.
Phoenix Publishing House, Inc., 2017.
Internet/Website
http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/
https://www.youtube.com/watch?v=Bs06wEqyGBw
https://www.health.nsw.gov.au/Infectious/diseases/Documents/social-distancing-
messages-filipino-tagalog.pdf
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/downloads/2019-ncov-factsheet-
Tagalog.pdf
https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materials/basicstagalog.pdf
https://www.redcross.org/content/dam/redcross/atg/PDF_s/Preparedness___Disaster_Recovery/Disast
er_Preparedness/Flu/Flu_ENG_TG_final.pdf

At iba pa
K to 12 Gabay Pangkurikulum. Filipino 8. Pahina 62-74.Mayo 2016.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

16

You might also like