You are on page 1of 24

8

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
PANGUNAHIN AT PANTULONG
NA KAISIPAN
Filipino – Baitang 8
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang akdang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan ay ginamit sa modyul na ito at


nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan ng walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: APRIL JOY R. ESTIVA
Editor: RODOLFO F. DE JESUS,PhD
Tagasuri: PATROCINIA T. ARIATE, ROSALIE I. ZINGAPAN, PAMELA O. DESCARTIN,
DULCE S. VALENZUELA, NERISA M. ROXAS, BERNARDITA T. MORON

Tagaguhit: LEILANIE S. YUTIEMPO


Tagalapat: BRIAN SPENCER REYES
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
8

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 1:

Wika:
“PANGUNAHIN AT PANTULONG
NA KAISIPAN”
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Modyul para sa araling Wika:


Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.

Ang modyul na ito ay idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa


pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka ng gurong
tagapagdaloy. Upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Modyul ukol sa Wika: Pangunahin at


Pantulong na Kaisipan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay, tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos ng sagutan lahat
ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
mang kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito ay makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip. Ito ay narito
upang matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang pampanitikan na
mula sa Malaysia. Ang saklaw ng modyul ay nagbibigay pahintulot na magamit sa
iba’t ibang pagkakataon sa iyong pagkatuto. Ang wikang ginamit sa modyul ay
kinikilala ang iba’t ibang antas ng wikang alam ng mga mag-aaral. Ang mga aralin
ay inihanay upang makasunod sa pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng
bawat baitang. Ngunit ang ayos ng modyul na ito, kung saan mo mababasa ay
maaaring mabago na batay sa batayang aklat na iyong ginagamit.

Ang nilalaman ng modyul na ito ay:

 Aralin 1 – W ika: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang:


A. Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa.

B. Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng sanaysay na napakinggan.

C. Napipili ang isang napapanahong paksa sa pagsulat ng isang sanaysay.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay isang sulating naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o


opinyon ng isang awtor.
A. tula B. sanaysay C. kuwento D. dula

2. Ano ang tawag sa pamaksang pangungusap ng isang akda?


A. pantulong na kaisipan C. pangunahing kaisipan
B. karagdagang detalye D. pamatnubay

3. Tumutukoy ito sa mga detalyeng inilahad upang magbigay-linaw sa


paksang tinalakay.
A. pangunahing kaisipan C. impormasyon
B. pantulong na kaisipan D. kongklusyon

4. Magkakaroon ng mataas na lagnat, may pangangati ng lalamunan at


magkakaroon ng ubo, kasunod nito ay ang pagkawala ng panlasa at
pang-amoy. Ano ang pangunahing kaisipan?
A. Magastos ang sakit na covid-19.
B. Nakatatakot mahawaan ng covid-19.
C. Maraming sakit ang mararamdaman kapag nakakuha ng covid-19.
D. May iba’t ibang sintomas upang malaman kung nahawaan ng covid -
19.

5. Alin sa mga sumusunod ang detalyeng magbibigay-linaw sa


pamaksang pangungusap na: Hindi maiaalis sa mga Pilipino ang
pagiging madiskarte sa buhay lalo na ngayong may pandemya.
A. Kaya marami ang nawalan ng trabaho.
B. Kaya marami ang umaaasa sa ayuda ng gobyeno.
C. Kaya naman iba’t ibang pagkakakitaan ang kanilang naisip gawin.
D. Kaya naman kailangan nilang buhayin ang kanilang pamilya
ngayon.

2
Aralin
Pangunahin at Pantulong na
1 Kaisipan

Balikan

Panuto: Piliin mula sa kahon ang angkop na salita o pahayag sa bawat patlang
upang makabuo ng pagbabalik-tanaw sa nakaraang modyul. Isulat ang sagot
sa hiwalay na papel.

panghuli dagdag pa riyan


una
pangalawa kasunod

Kapag magsasagawa ng pananaliksik ay kinakailangang sundin ang


sumusunod na mga hakbang. _____ kailangan mong makaisip ng problemang nais
solusyunan. __________, maaari ka ng bumuo ng pamagat batay sa napiling paksa
ng iyong pananaliksik. __________ ay ang pangangalap ng datos tungkol sa
isinasagawang pananaliksik. __________ maaari ka rin magsagawa ng panayam sa
taong may kaalaman ukol sa iyong paksa at makasasagot sa problemang nais mong
bigyan ng solusyon at __________ kapag kumpleto na ang iyong mga datos ay maaari
mo na itong ayusin at ilahad sa maayos na paraan.

Tuklasin

Gawain1:
Panuto: Magbigay ng pangungusap tungkol sa mga salita/pahayag bawat
bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.

3
1. Covid-19

_________________________________________________________________

2. Frontliners

_________________________________________________________________

3. Bagyong Ulysses

_________________________________________________________________

4. Online Learning

_________________________________________________________________

5. Modular Learning

_________________________________________________________________

DI KO Pokus na LINK
P O MACOPY Tanong
NG PIC NG BATO

1. Paano nakatutulong ang kaalaman sa pagtukoy sa pangunahin at


pantulong na kaisipan sa pagsulat ng sanaysay?

2. Paano mo mapauunlad ang iyong kasanayan sa pagsulat ng sanaysay?

Suriin

Tandaan na ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa parehong kahulugan ng isang


salita samantalang ang kasalungat ay tumutukoy sa kabaligtarang kahulugan ng
salita o kontra sa salitang binibigyang-kahulugan.

Talasalitaan

Panuto: Kopyahin ang pangungusap sa iyong sagutang-papel. Bilugan ang


kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa loob ng pangungusap.

1. Nakararanas ang buong mundo ngayon ng pandemya dahil sa malawakang


paglaganap ng sakit o virus na kilala sa tawag na covi d-19.

4
2. Gumawa si Joy ng makabuluhang gawain ngayong panahon ng pandemya
kaya ang pananatili niya sa loob ng bahay ay masasabi niyang may saysay.

3. Hilig niya ang ang magbasa ng libro at ito rin ang gusto niyang gawin sa
tuwing siya ay nagbibiyahe.

4. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay natututuhan niya ang kultura ng iba’t


ibang bansa kaya tumatatak sa kaniyang isipan ang paraan ng pamumuhay
ng mga taong naninirahan doon.

5. Matatapos din ang lahat ng unos sa ating buhay at mapagtatagumpayan


natin ang lahat ng pagsubok na ating kinahaharap.

Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay/teksto.

Makabuluhang Quarantine
ni: April Joy R. Estiva

Kaliwa’t kanang masasamang balita ang aking napapanood sa telebisyon


at nababasa sa social media ngayon. Lahat nakatatakot, lahat negatibo. Kaya sa
halip na magmukmok na lamang sa panahon ng pandemya ay sinikap kong
gumawa ng mga kapaki-pakinabang na mga gawain. Ayaw kong masayang ang
bawat araw kung itutuon lamang ito sa pagbabasa at panonood ng balita na sa
huli ay wala namang maidudulot na maganda sa akin. Hayaan ninyo akong
ibahagi kung ano-ano ang mga ginawa ko ngayong panahon ng quarantine.
Una, ibinalik ko ang aking hilig sa pagbabasa ng mga nobela. Noong may
pasok pa ay halos wala na akong oras na makapagbasa ng mga paborito kong
nobela dahil kailangan kong unahing basahin ang mga aralin namin sa paaralan.
Alam n’yo ba kung bakit gustong-gusto ko ang magbasa ng nobela? Sa
pamamagitan nito ay nakapaglalakbay ang isip ko sa mga lugar na hindi ko pa
napuntahan. Nababalikan ko ang mga panahong hindi pa ako nabubuhay at
maging ang hinaharap ay kaya ko ring mapuntahan. Pati ang kultura ng iba’t
ibang bansa ay aking napag-aaralan. Ang saya, di ba?

5
Isa pa sa aking pinagkaabalahan ay ang pagluluto ng mga pagkaing noon ay
lagi ko lang binibili sa mga kainan. Sa pamamagitan ng internet ay napag-aralan
ko ang mga recipe at nalaman ko na napakadali lang palang lutuin ng mga pagkaing
pagkamahal-mahal ang presyo sa mga restaurant. Bukod sa hindi na ako ngayon
gumastos nang malaki ay sabay-sabay pa kaming nag-aagahan hanggang hapunan
ng aking mga mahal sa buhay.
Ikatlo sa aking nakahiligan ay ang pagtatanim ng mga halaman. Sa
katunayan, ang mga magulang ko ang nagsimula ng pagtatanim sa aming bakuran.
Pero nang nakikita kong nagkakaroon ng bunga ang kanilang mga itinanim ay
naisip kong masarap palang makita ang bunga ng iyong mga pinaghihirapan. Kaya
naman nagsimula ako sa pagtatanim ng mga halamang namumulaklak at
sinundan ng mga namumungang prutas at gulay. Nakawawala ng pagod kapag
nakikita ang dati na buto lamang na itinanim ay nasa bilao at lulutuin na.
Kaibigan, alam ko na mayroon ka ring pinagkaabalahan ngayong panahon
na tayo ay bawal lumabas sa ating mga tahanan. Ipagpatuloy mo lamang ‘yan
upang ikaw ay malibang at makalimutan mo ang mga problema sa buhay.
Matatapos din ang unos na ito sa ating buhay, ang mahalaga ay may dahilan tayo
upang magpatuloy sa ating buhay.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Itala ang iyong
kasagutan sa sagutang-papel.

1. Tungkol saan ang binasang teksto?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
2. Isa-isahin ang kaniyang ginawa sa panahon ng quarantine.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Tunay nga bang naging makabuluhan ang panahon ng quarantine
sa may akda ng sanaysay? Ipaliwanag ang iyong sagot.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

6
4. Ano ang mensaheng nais iparating ng may-akda sa mga mambabasa?
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

5. Kung ikaw ay susulat ng iyong sariling sanaysay ano ang paksang


nais mong talakayin? Bakit?

_______________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Alam mo ba na….

Ang Sanaysay ay isang sulatin na naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro,


o opinyon ng isang awtor o may-akda. Ipinahahayag ng may-akda ang
kanyang damdamin o saloobin sa isang paksa o isyu. Katumbas nito sa
Ingles ang essay.

Elemento ng Sanaysay:

1. Tema at Nilalaman - tumutukoy sa kaisipang ibinabahagi ng may-akda ng


sanaysay.
2. Anyo at Istruktura – tumutukoy sa maayos na pagkakasunud-sunod ng
ideya o pangyayari na makatutulong sa mambabasa upang higit na
maunawaan ang sanaysay.
3. W ika at Istilo – tumutukoy ito sa uri at antas ng wika at sa paraan ng
pagkakagamit ng mga ito na nakatutulong upang maging simple, natural at
matapat ang pagtalakay sa paksa.

Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
Pagtukoy sa Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.

7
Ang sanaysay ay mayroong pamaksang pangungusap na kung saan ito
ang itinuturing na pangunahing kaisipan na ipinahahayag sa pamamagitan ng
isang pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pinag-uusapan sa talata
samantalang ang pantulong na kaisipan ang mga detalyeng nagpapaliwanag o
nagbibigay-linaw upang lubos na maunawaan ang pangunahing kaisipan.

Halimbawa:
Ang pangungusap na initiman ay halimbawa ng pangunahing kaisipan
samantalang ang pangungusap na nakahilig ay pantulong na kaisipan.

1. Natupad na ni Apple ang kanyang mga pangarap sa buhay. Ito ay ang


magkaroon ng magandang trabaho, magkaroon ng sariling bahay at sasakyan
at higit sa lahat ay ang makatulong sa mga taong nangangailangan.

2. May malasakit siya sa kapuwa at tumutulong siya nang walang hinihintay na


kapalit at pagbibigay ng pangangailangan ng mga mahihirap. Ito ang mga
katangian ni Irish kaya siya patuloy na pinagpapala ng Panginoon.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang maiksing sanaysay na nasa loob ng kahon. Sagutin ang
mga tanong at isulat ito sa sagutang-papel.

Pahalagahan ang Edukasyon


Ni. April Joy R. Estiva

Maraming naging hadlang upang maipagpatuloy ang pag-aaral para sa


taong ito, ‘yan ay dahil sa banta ng covid-19. Sapagkat dapat unahin ang
kaligtasan ng buhay ng tao at kailangang sumunod sa ipinag-uutos ng
pamahalaan sa pangunguna ng Inter-Agency Task Force (IATF), hindi
maaaring magsagawa ng face -to-face na klase sa mga paaralan. Mabuti na
lamang at naging maagap ang Kagawaran ng Edukasyon at naisip nilang
ipatupad ang tinatawag na Blended Learning, ang pagtuturo sa pamamagitan
ng online class at pag-aaral sa tulong ng pagsagot ng mga hinandang modyul.

8
Imposible man sa pananaw ng ilan ngunit ito ay naisakatuparan. Bilang
mga Pilipino, hindi tayo nauubusan ng paraan. Lahat ay nagtulong-tulong
upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga kabataan. Mula sa pagpaplano,
pagdaraos ng mga webinar, pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo at
pampagkatuto, pagsasagawa ng mga pakitang-turo at higit sa lahat ang
pamamahagi ng mga modyul at iba pang kagamitan na makatutulong sa mga
mag-aaral, masasabing tagumpay ang laban.
Ilang buwan ang inilaan ng mga guro upang mapaghandaan ang
pagbubukas ng klase. Marami sa kanila ay nakaranas ng problema sa
koneksyon sa internet lalo na ang mga naninirahan sa malalayong lugar na
kung saan mahina ang kanilang nasasagap na signal. Subalit hindi ito naging
hadlang at sa halip ay umisip sila ng paraan kung paano nila ito
masosolusyunan. Habang patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga modyul
sa mga paaralan, sa ibang bahagi naman ng bansa ay mga guro ang
nagtutungo sa tahanan ng kanilang mga mag-aaral at personal na
ipinamimigay ang mga modyul.

Kaya naman nang magbubukas ang klase noong Oktubre ay


masasabing handa na ang mga gagamitin ng mga guro at mag-aaral. Lumabas
ang pagiging maparaan ng mga guro kung paano nila isasagawa ang
pagtuturo. Maging ang pagkikipag-ugnay sa mga mag-aaral upang tiyakin ang
kanilang pagkatuto. Iyan ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga video
conference applications, group chat, pagtawag at pagtetext. Kaiba man sa
nakasanayan nating pamamaraan ngunit lahat ay nagtutulong-tulong upang
hindi mahinto ang pag-aaral ng mga kabataan.
Walang sinoman ang nakaisip na sasapit tayong lahat sa ganitong
sitwasyon. Subalit alam natin kung gaano kahalaga ang edukasyon. Kaya
naman hindi natin ito dapat hayaang mawala sa atin. Lahat ay nakaranas ng
hirap sa panahon ng pandemya kaya higit na kailangan ang pagkakaunawaan
at pagtulungan. Pahalagahan ang edukasyon dahil ang mga guro kailanma’y
hindi magsasawang gampanan ang kanyang tungkulin na tumulong at
gumabay sa mga kabataan. Mapagod ka man ngunit huwag kang susuko,
madapa ngunit patuloy na bumangon. Higit sa lahat magsikap upang sa huli
ay makamit mo ang iyong mga pangarap.
1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?

____________________________________________________________________

2. Ibigay ang pangunahing kaisipan sa binasang sanaysay.

____________________________________________________________________

3. Magbigay ng mga pantulong na kaisipan na ginamit sa sanaysay.

______________________________________________________________

9
Pagsasanay 2

Panuto: Isulat sa iyong sagutang-papel ang angkop na pangunahin o


pantulong na kaisipan para sa sumusunod na mga halimbawa:

1. Pangunahing Kaisipan: Marami akong pangarap sa buhay.


Pantulong na Kaisipan: ____________________________________________
__________________________________________________________________

2. Pangunahing Kaisipan: Sa sarili kong pamamaraan ay nais kong


makatulong sa aking bayan.
Pantulong na Kaisipan: ____________________________________________
__________________________________________________________________

3. Pangunahing Kaisipan: Kapag ako ay nakapagtapos sa aking pag-aaral


ay ilan lamang ito sa mga nais kong gawin.
Pantulong na Kaisipan: ____________________________________________
__________________________________________________________________

4. Pangunahing Kaisipan: ________________________________________________


Pantulong na Kaisipan: Ang mga Pilipino ay likas na masipag, mabait,
magalang at mapagmahal sa kaniyang bayan.

6. Pangunahing Kaisipan: _______________________________________________


Pantulong na Kaisipan: Kaya dapat lamang tayong manatili sa ating mga
tahanan upang hindi makakuha ng sakit.

7. Pangunahing Kaisipan: _______________________________________________


Pantulong na Kaisipan: Kinakailangan nating palaging kausapin ang
ating kapamilya at mga kaibigan, panatilihing positibo ang ating mga
pananaw sa buhay at higit sa lahat ay manalangin sa ating Panginoon.

Gawain 1:
Panuto: Itala sa iyong sagutang-papel ang pangunahin at pantulong na
kaisipan na nasa loob ng talata.

Tinutulungan ako ni Nanay sa pagsasagot ng aking modyul. Kapag


marami naman siyang ginagawa ay nariyan si kuya at ate na
napagtatanungan ko tungkol sa mga araling hindi ko nauunawaan. Sa oras
naman ng aming klase at tinatawagan ako ng aking guro ay itinatanong ko
na kaagad sa kaniya ang mga konseptong labis akong nahihirapan.
Mahirap man ngunit para sa akin, masaya ang magsagot ng modyul dahil
nariyan silang lahat upang ako ay tulungan.

10
Mga Pantulong na Kaisipan:

____________________________________
Pangunahing Kaisipan: ____________________________________
____________________________________
____________________________
____________________________________
____________________________
____________________________________
____________________________
____________________________________
____________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
_________
Gawain 2:
Sagutin ang Pokus na Tanong.

1. Paano nakatutulong ang kaalaman sa pagtukoy sa pangunahin at


pantulong na kaisipan sa pagsulat ng sanaysay?

______________________________________________________________________

2. Paano mo mapauunlad ang iyong kasanayan sa pagsulat ng


sanaysay?
__________________________________________________________________

Isaisip
---------------------------

Panuto: Bumuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagdurugtong. Isulat ang iyong


sagot sa sagutang-papel.

Ang kaalaman sa pagtukoy ng pangunahin at pantulong na kaisipan sa loob ng


talata o sanaysay ay nakatutulong upang
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Natutuhan ko mula sa araling ito ang mga sumusunod:


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____
11
Isagawa

ISYUNAYSAY

Sa panahon ngayon na tinatawag na new normal ay marami na tayong


oras upang makapagbasa at makapanood ng balita. Habang nag-iiscroll ka sa
facebook ay nakakita ka ng isang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay. Sakto at
kinakailangan na ang isusulat mong sanaysay ay may kinalaman sa mga
napapanahong isyu sa bansa. Dahil marami kang nalalaman na balita ay nais mong
sumali sa patimpalak na ito.
Ang sanaysay na iyong isusulat ay mamarkahan gamit ang
pamantayang:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan Marka


(4) (3) (2) ng gabay
(1)

Nilalaman Kumpleto at wasto Wasto ang May ilang Maraming


ang lahat ng mga detalyeng detalye na kakulangan sa
detalyeng nakalahad sa hindi dapat nilalaman ng
nakasaad sa bawat talata. isinama sa bawat talata.
bawat talata bawat talata.

Organisasyon Organisado at Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos ang


ng mga ideya sinuring mabuti pagkakalahad maayos ang pagkakalahad ng
ang ng mga ideya pagkakalahad mga ideya o
pagkakasunod- o kaisipan. ng mga ideya kaisipan.
sunod ng mga o kaisipan.
ideya o kaisipan.

Wasto ang Tama ang Tama ang Tama ang Hindi wasto ang
baybay ng mga pagbabaybay at baybay ngunit gamit ng pagbabaybay ng
salita at gamit ng mga may ilan na bantas ngunit salita at paggamit
paggamit ng bantas. hindi nagamit may ilang ng bantas.
bantas. ng wasto ang kamalian sa
bantas. pagbabaybay.

12
Tayahin

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Ang nagbibigay-linaw at nagpapalawak sa paksa ng isang sanaysay


ay tinatawag na __________.
A. paksa C. pantulong na kaisip
B. kaisipan D. pangunahing kaisipan

_____ 2. Anong akdang pampanitikan ang naglalahad ng kuro-kuro,


saloobin o kaisipan ng manunulat ukol sa isang paksa?
A. maikling kuwento C. nobela
B. awiting-bayan D. sanaysay

_____ 3. Ano ang tawag sa pamaksang pangungusap na pinag-uusapan sa


isang talata?
A. pangunahing kaisipan C. detalye
B. kaisipan D. pamatnubay

_____ 4. Bakit umisip ng mapagkakaabalahan ang may-akda ng


Makabuluhang Quarantine?
A. Upang may pagkakitaan siya.
B. Ginaya niya ang ginagawa ng mga kasama niya sa bahay.
C. Upang hindi siya matakot sa covid-19.
D. Ayaw niyang masayang ang oras sa panonood o pagbabasa ng
mga negatibong balita

_____ 5. Ano ang pangunahing kaisipan sa akdang Makabuluhang


Quarantine?
A. Pagbabasa ng mga nobela.
B. Pagluluto ng iba’t ibang putahe sa kanilang tahanan.
C. Pagtatanim ng halaman, prutas at gulay sa bakuran.
D. Ginawa niyang makabuluhan ang kaniyang quarantine.

_____ 6. Ang mga ibinahagi niyang detalye tungkol sa pagbabasa ng nobela,


pagluluto at pagtatanim ay mga halimbawa ng __________?
A. paksa C. pantulong na kaisipan
B. pangunahing kaisipan D. pamagat

_____ 7. Si Glorielyn ay isang huwarang anak. Sinusunod niya ang utos ng


kanyang mga magulang. Umuuwi siya sa tamang oras at higit sa
lahat ay nag-aaral siyang mabuti upang maibalik ang paghihirap ng

13
kanyang mga magulang. Ang nakasalungguhit na pangungusap ay
halimbawa ng __________?

A. pangunahing kaisipan C. paksa


B. pantulong na kaisipan D. pamagat

_____ 8. Nag-eehersisyo siya araw-araw, kumakain ng masusustansiyang


pagkain, umiinom ng bitamina at nananatili sa loob ng bahay. Ilan
lamang iyan sa mga ginagawa ni Diane upang matiyak niyang hindi
siya magkakasakit sa panahong ito. Ang pahayag na may
salungguhit ay isang halimbawa ng __________ .
A. karagdagang kaisipan
B. pantulong na kaisipan
C. pangunahing kaisipan
D. pangunahing pangungusap

_____ 9. Ano ang angkop na pangunahing kaisipan sa pantulong na


kaisipan na: Gumigising siya nang maaga, inihahanda ang
pangangailangan ng kanyang asawa’t anak. Walong oras siyang
nagtatrabaho at pagkauwi’y gumagawa ng gawaing-bahay.
A. Araw-araw na pagod si Kim.
B. Maraming oras si Kim sa sarili.
C. Si Kim ay responsableng ina at asawa.
D. Nakakapagod ang mga gawain ni Kim sa araw-araw.

_____ 10. Ano naman ang angkop na pantulong na kaisipan para sa


Pangunahing kaisipan na: Handang-handa na si Erika para sa
pagsisimula ng kanilang online class sa susunod na buwan.
A. Kaya naman ipapaayos na niya ang nasirang kompyuter.
B. Kung kaya’t nakapagbasa-basa na siya ng maraming libro.
C. Kaya namili na sila ng kanyang mga magulang ng mga gamit sa
paaralan.
D. Sa katunayan, mayroon na siyang gadget at malakas na
koneksyon ng internet.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong pangarap na mangyari sa


Pilipinas kapag natapos na ang pandemya. Salungguhitan ang pangunahing
kaisipan.

____________________________________________________
Pamagat
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka ng 5 4 3 2 1
Talata

Nilalaman (Lawak at lalim ng


pagtalakay sa paksa)

Organisasyon (maayos ang


pagkakasunod-sunod ng mga
ideya)
Malikhain

5- Napakahusay 2- Mapaghuhusay
4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng pagsasanay
3- Katamtamang husay

15
16
TAYAHIN Pantulong na Kaisipan: PAGSASANAY 1
1. Tinutulungan ako ni at 2
1. C
Nanay sa pagsasagot ng
2. D Ang guro ang
aking modyul.
3. A magwawasto sa
4. D 2. Kapag marami kasagutan ng mag-
5. D naman siyang ginagawa
aaral.
6. C ay nariyan si kuya at
7. A ate na
napagtatanungan ko sa
8. B
mga araling hindi ko GAWAIN 1
9. C
nauunawaan.
10. D Pangunahing Kaisipan:
3. Sa oras naman ng
aming klase at Mahirap man ngunit
tinatawagan ako ng para sa akin, masaya
aking guro ay ang magsagot ng
itinatanong ko na modyul dahil nariyan
kaagad sa kaniya ang silang lahat upang ako
mga konseptong labis ay tulungan.
akong nahihirapan.
PAG-UNAWA SA TUKLASIN PAUNANG
BINASA Ang guro ang PAGSUBOK
1. Ang makabuluhang magwawasto sa 1. B
gawain ng may-akda sa kasagutan ng mag-
panahon ng quarantine. aaral. 2. C
2. Siya ay nagbasa ng
nobela, nagluto at 3. B
TALASALITAAN
nagtanim. 4. D
3. Maaaring tanggapin 1. Malawakang
ang sariling kasagutan paglaganap ng 5. C
ng mag-aaral. sakit
4. Marami tayong 2. may saysay BALIKAN
maaaring gawin o 3. gusto
pagkaabalahan upang 1. Una
4. paraan ng
hindi matuon ang
pamumuhay 2. Ikalawa
atensyon natin sa 3. Kasunod
problema ng mundo.
5. pagsubok
4. Dagdag pa riyan
5. Maaaring tanggapin
5. Panghuli
ang sariling kasagutan
ng mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

1. Department of Education. https://commons.deped.gov.ph/melc


2. https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/
3. https://www.slideshare.net/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga-
pantulong-na-detalye
4. https://brainly.ph/question/140197
5. https://www.slideshare.net/NeiliaChristinaQue/elemento-ng-sanaysay
6. https://brainly.ph/question/285785

17

You might also like