You are on page 1of 23

8

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Paglalahad ng Pagsang-ayon at
Pagsalungat sa Isang Argumento
Filipino – Baitang 8
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Paglalahad ng Pagsang-ayon at Pagsalungat sa
Isang Argumento

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang akdang Dapat Ba o Hindi Dapat Sang-ayunan ang K-12 Program – Sanaysay ay
ginamit sa modyul na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MA. CRIZIA S. OBEÑA
Editor: RODOLFO F. DE JESUS, PhD
Tagasuri: PATROCINIA T. ARIATE, ROSALIE I. ZINGAPAN, PAMELA O. DESCARTIN,
DULCE S. VALENZUELA, NERISSA M. ROXAS, BERNARDITA T. MORON

Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo


Tagalapat: Brian Spencer Reyes,
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
8

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 4:

PAGLALAHAD NG PAGSANG-
AYON AT PAGSALUNGAT SA
ISANG ARGUMENTO
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Modyul para sa araling


Paglalahad ng Pagsang-ayon at Pagsalungat sa isang Argumento

Ang modyul na ito ay idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa


pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka ng gurong
tagapagdaloy. Upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Modyul ukol sa Paglalahad ng Pagsang-


ayon at Pagsalngat sa isang Argumento

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay, tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

ii
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

iii
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos ng sagutan lahat
ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino mang kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito ay makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip. Ito ay narito
upang matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang pampanitikan na
mula sa Malaysia. Ang saklaw ng modyul ay nagbibigay pahintulot na magamit sa
iba’t ibang pagkakataon sa iyong pagkatuto. Ang wikang ginamit sa modyul ay
kinikilala ang iba’t ibang antas ng wikang alam ng mga mag-aaral. Ang mga aralin
ay inihanay upang makasunod sa pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng
bawat baitang. Ngunit ang ayos ng modyul na ito, kung saan mo mababasa ay
maaaring mabago na batay sa batayang aklat na iyong ginagamit.

Ang nilalaman ng modyul na ito ay:

• Aralin 4 – Paglalahad ng Pagsang-ayon at Pagsalungat sa


Isang Argumento
Dapat Ba o Hindi Dapat Sang-ayunan ang K-12 Program
ni Ella Manzanilla

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang:

1. Nakikilala ang iba’t ibang hudyat sa paglalahad ng pagsang-ayon at


pagsalungat.

2. Nagagamit ang mga hudyat ng pag-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag.

3. Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa


isang argumento.

1
Subukin

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng letrang A ang


patlang sa unahan ng bilang kung ito ay nagpapahayag ng pagsang-ayon at
letrang B naman kung nagpapahayag ng pagsalungat.Isulat sa sagutang
papel.

____1.Naniniwala akong sa pagpupursige ay magtatagumpay tayo.


____2.Hindi totoong walang mararating ang mga taong mahihirap.
____3.Masaya sanang makatapos ng pag-aaral ngunit nagdadalwang-
isip ako dahil sa kalagayan ko sa buhay.
____4.Talagang mulat na siya sa buhay kahit na bata pa lamang,
mataas na ang kanyang pangarap sa buhay.
____5.Hindi ko matanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng
kasiraan sa ating pag-uugali at kultura.

Aralin
Paglalahad ng Pagsang-ayon at
4 Pagsalungat sa isang Argumento

Balikan

Panuto: Bumuo ng mga makabuluhang tanong hinggil sa napapanahong


isyu o paksang maaring pagtalunan o gawing paksa ng balagtasan sa
kasalukuyan. Itala ang iyong sagot sa tsart na makikita sa ibaba.
Ginawa na ang unang puwang para sa iyo..

Tema Isyu/Paksang Maaaring Pagtalunan


Dapat ba o Hindi Dapat Manligaw ang
Pag-ibig
Kababaihan?
Edukasyon
Mass Testing

2
Tuklasin

Gawain1:

Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung sa palagay mo ay tama o


nararapat ang ipinapahayag sa pangungusap at ekis kung sa palagay mo
ito ay mali o hindi mo sinasang-ayunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_________1. Paglaan ng mahabang oras sa harap ng gadgets gaya ng
cellphone.

__________2. Pagbili ng mga kagamitan o bagay na magustuhan kahit di


naman masyadong kailangan.

___________3. Pag-iwas sa mga matataong lugar o pagpunta sa mga okasyon.

___________4 Pagbili lamang ng sapat sa pangangailangan.

___________5. Pag-imbak ng sobra-sobrang pagkain bilang paghahanda sa


mga kalamidad.

DI KO PO MACOPY LINK NG PIC NG BATO


Pokus na Tanong

1. Bakit mahalagang makilala ang iba’t ibang hudyat sa paglalahad ng


pagsang-ayon at pagsalungat?

2. Paano makatutulong ang paggamit ng mga hudyat ng pagsang-ayon at


pagsalungat sa ating pagpapahayag?

3
Suriin

Tandaan na ang Kasingkahulugan ay tumutukoy sa kaparis, katulad o kawangis


na kahulugan ng isang salita samantalang ang Kasalungat ay tumutukoy sa
kabaligtaran na kahulugan ng salita o kontra sa panig ng pagbibigay-kahulugan.

Talasalitaan

Panuto: Palawakin ang mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga


kaugnay na konsepto o kahulugan at pagkatapos ay gamitin ito sa
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. plataporma

Kahulugan: _______________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________

2. binabatikos

Kahulugan: _______________________________________________
Pangungusap:__________________________________________

3. benepisyo

Kahulugan: _______________________________________________
Pangungusap:__________________________________________

4. programa

Kahulugan: _______________________________________________
Pangungusap:__________________________________________

5. inilunsad

Kahulugan: _______________________________________________
Pangungusap: ______________________________________________________

4
Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay

Dapat Ba o Hindi Dapat Sang-ayunan ang K-12 Program?


ni Ella Manzanilla

Maraming programa ang inilulunsad ng ating gobyerno para makatulong sa ating


mamamayan na magkaroon ng magandang pamumuhay. Maraming plataporma ang
inilalatag para sa atin upang mapagyabong ang ating kakayahan nang sa gayon ay
makatulong na marating ang ating inaasam pati na rin ang pagtulong na paunlarin ang
ekonomiya ng ating bansa. Isa na rito ang proyekto ng K-12.
Ang programa ng K-12 ay ang pagpapatupad ng 13 na taon sa ating pangunahing
edukasyon. Isang taon ang para sa Kindergarten, 6 na taon para sa Elementarya, 4 na
taon para sa Junior High School at 2 taon para sa Senior High School. Ito ay
pinamumunuan ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayon na mahasa at mapaghusay
ng mga magaaral ang kani-kanilang kakayahan upang maging handa sa kanilang
kolehiyo pati na rin sa pagtratrabaho at pagnenegosyo.
Sa pagsang-ayon na ipatupad ang programa ng K-12 narito ang mga benepisyo na
maaaring makuha ng isang magaaral na sumasailalim sa pinatutupad na programa.
Una, pinagtitibay ang pundasiyon ng unang 6 na taon para sa pagpapaunlad kung
paano mag-isip ang isang mag-aaral. Upang mas mapadali, inilunsad na gamitin ang
“mother tongue” o ang “native language” mula unang baitang hanggang ikatlong baitang
ng elementarya. Pangalawa, ang Senior High School naman ang ika-11 at ika-12 taon. Ito
ay ang pagbibigay laya na pumili ang isang magaaral base sa kanilang kakayahan at
interes. Ito ay mayroong 4 na espesyalisasyon- ang Academic (Accountancy, Business &
Management (ABM), Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM),
Humanities and Social Sciences (HUMSS) at ang General Academic Strand (GAS), sunod
ang Technical Vocational Livelihood (Home Economics, Industrial Arts, Information and
Communications Technology, at ang Agricultural and Fishery Arts), ang Arts and Design
at huli ay ang Sports. Ito ay labis na makatutulong na mahasa sa mga iba’t ibang
larangan ng espesiyalisasyon na kung saan ay labis makatutulong para lumaking handa
sa lahat ng pagsubok na haharapin sa kanilang landas na tatahakin.
Ngunit ang pagpapatupad nito ay labis na binatikos dahil naniniwala sila na tayo
ay hindi pa handa na magkaroon ng programa ng K-12. Maraming nagsabi na ito ay
minadali at hindi pinagisipang mabuti. Ngunit, ang paglulunsad nito ay makatutulong na
maging mahusay sa matematika, siyentipiko, lingguwistika at araling praktikal na
magagamit nila sa pangaraw-araw na pamumuhay. At ayon sa Kagawaran ng
Edukasyon, hindi magiging sagabal ang kakulangan ng paaralan, kagamitan sa
pagtuturo at guro dahil ipanatupad nila na magiging kasapi ang pribadong paaralan
upang makamit ang mataas na kalidad ng edukasyon. Ang bawat sumasailalim sa k12
program ay makakatanggap ng “voucher” kung saan makakatulong na pumasok sa mga
eskwelahang mayroong track na kanilang napili. Ito rin ay makatutulong na mahasa sa
kompetisyon sa pandaigdigang merkado na naglalayo makatulong sa kanilang
pagtratrabaho mapa-Pilipinas man o ibang bansa.
Maraming benepisyo ang makukuha sa mga taong sumasailalim sa programa ng
K-12. Ito ay labis na makakatulong para sa ating mga sarili at para sa ating bansa. Dahil
kung ang lahat ng tao ay mas maagang madidiskubre at mapagyayabong ang kanilang
kakayahan at interes mas mapapadali ang pakikiisa nila na mapaunlad ang ating bansa.
Kung lahat lamang ay naniniwala at nagtitiwala sa magandang dulot ng programa
ng K-12 ay mas makakatulong itong mapadali ang buhay ng ating kapwa mamamayan.
Kaya sa pamamagitan ng pagpapaalam sa benepisyong tulad nito ay mas mahihikayat
natin ang ating kapwa na sumailalim at mas magkaroon ng buhay na kanilang
pinapangarap.

5
Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itala ang


iyong kasagutan sa sagutang papel.

1. Ano ang programang K-12 ng gobyerno? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga benepisyo na maaring matamo ng mga mag-aaral sa


ilalim ng K-12 program? Magbigay ng isa.
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

3. Bakit may mga bumabatikos sa pagpapatupad ng K-12 program ng


gobyerno??

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

4 Base sa binasang sanaysay, ano-ano ang mga kakulangang nakikita sa


pagpapatupad ng K-12 program?
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

5 Ngayon na kasalukuyan nang naipatupad at umiiral ang K-12 program,


ano kaya sa iyong palagay ang mga dapat pang paunlarin sa programang
ito?

_______________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Alam mo ba na….
SANAYSAY – isang uri ng Panitikang pasulat o komposisyon na naglalayong ibahagi
ang mga saloobin ng may akda nito. Maari rin itong magbahagi ng impormasyon,
magpahayag ng damdamin, magbigay ng opinyon o manghikayat ng tao at marami
pang iba. Ang dalawan uri ng sanay say ay pormal at impormal. Ang pormal na
sanaysay ay gumagamit ng mga salitang akma sa paksa at nakabatay sa
pananaliksik o pag-aaral. Sa kabilang banda ang impormal ay batay sa opinyon o
pananaw ng may akda. Maaari itong mula sa karanasan o pagmamasid ng may-akda.
Ang paksa ng impormal na sanaysay ay karaniwan, personal at hindi dapat maging
seryoso ang tono.

6
Bahagi ng araw-araw na pakikipag-ugnayan ng tao ang pagsang-ayon
o pagsalungat sa paksang pinag-uusapan. Hindi lahat ng mga detalye
o mensahe ng pahayag ng kausap ay sinasang-ayunan o tinututulan.
Sa pagsasaad ng pagsang-ayon o pagtutol, mahalagang maunawaan
nang lubos ang pahayag upang makapagbigay ng opinion na
magpapatibay sa ginawang pagtutol o pagsang-ayon.
Kung ang paglalahad ng pagsang-ayon o pagsalungat ay sa paraang
pasulat,
mahalagang makita ang mga sumusunod upag maging epektibo sa
bumabasa:
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkakasulat
nito.
2. Gumamit lamang ng mga salita at pangungusap na madaling
maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisayon.
4. Panatilihin ang makatawag-pansin na simula, ang mayamang bahagi
ng katawan at kapana-panabik na wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel.

Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
MGA PAHAYAG SA PAGLALAHAD NG PAGSALUNGAT AT
PAGSANG-AYON
Ito ay isang paraan upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok
sa anumang usapang, pagbibigay ng mga sariling pananaw, opinion, ideya o
kaisipan.

1. PAGSANG-AYON
Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o
pakikibagay sa isang pahayag.
PANANDA: Sang ayon ako, tama, iyan ang nararapat, pareho tayo
ng iniisip, ganyan din ang palagay kko, oo, tunay, tumpak, talaga, sumang-
ayon.
2. PAGSALUNGAT
Ito ay nangangahulugan ng pagtanggi, pagtutol, pagkontra sa iang
pahayag o ideya.
PANANDA: Hindi ako sang-ayon, mabuti sana ngunit,
ikinalulungkot ko, ngunit, nauunawaan kita subalit, bakit di natin, ayaw,
hindi, ngunit, subalit, mali at walang katotohanan.

7
Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan
upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Itinuturing din ang
paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-
bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD

1. Kalinawan – malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang


gagamitin.
2. Katiyakan – nakapokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin
ng pagpapaliwanag.
3. Kaugnayan – magkakaugnay ang mga pangungusap o talata.
4. Diin – binibigyang-diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin

MGA BAHAGI NG PAGLALAHAD

1. SIMULA- nakatatawag-pansin; nakaaakit; nakapupukaw; nakagaganyak at


nakahahatak ng kuryosidad.

Ilan sa mga halimbawa ng maaaring simula:


a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o Paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Diyalogo o Usapan
f. Makatawag-pansing pangungusap

2. KATAWAN O GITNA – binubuo ng talatang kinapapalooban ng mga


pangunahin at pantulong na kaisipan upang maibigay ang detalye sa isang
paksa. Dapat magkaroon ng kaisahan, kaugnayan at diin ang mga kaisipan
para hindi malito ang bumabasa.

3. WAKAS – nag-iiwan ng isang impresyong tatatak sa damdamin at kikintal sa


isipan ng mambabasa. Gaya ng panimula. Ang paglalahad ay maaring wakasan
sa iba’t ibang paraan.

8
Pagsasanay 1

Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang S. kung ikaw ay
sumasang-ayon at DS kung hindi sumasang-ayon at pagkatapos ay
pangatwiranan ang iyong sagot. Ilahad ang iyong paliwanag o katuwiran sa kahon.
____1. Iasa na lamang ang anumang gawain o trabaho sa mga makabagong
teknolohiya upang di mahirapan ang ating katawan.

____2. Pagpapatuloy ng klase sa gitna ng Covid 19 Pandemic.

____3. Sa makabagong panahong ating ginagalawan ngayon, di na


kailangan ang mga sinaunang kagamitan.

____4. Maari tayong maging dalubhasa sa mga makabagong teknolohiya


nang hindi naaapektuhan ang ating pagpapahalaga bilang Pilipino.

____5. Handa ang mga Pilipinong sumabay sa hamon at pagbabagong hatid


ng bagong milenyo.

Pagsasanay 2

Panuto: Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga salitang


hudyat ng pagsang-ayon at pasalungat

1. ______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

3. ______________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________

9
Gawain 1:
Panuto: Isulat sa sagutan papel ang ginamit na hudyat ng pagsang-ayon at
pagsalungat sa pangungusap :

1. Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang ang buhay dito sa
mundo.

2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang


buhay ngayon sa noon..

3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo

4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag
natin silang tularan.

5. Kaisa ako sa lahat ng mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.

Gawain 2:

Sagutin ang Pokus na Tanong.


1. Bakit mahalagang makilala ang iba’t ibang hudyat sa paglalahad ng
pagsang-ayon at pagsalungat?

___________________________________________________________________________

2. Paano makatutulong ang paggamit ng mga hudyat ng pagsang-ayon at


pagsalungat sa ating pagpapahayag?

Isaisip

Panuto: Bumuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagdurugtong.

Napatunayan ko na ang pag-aaral sa mga mga hudyat ng pagsang-ayon at


pagsalungat ay…..

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Natuklasan ko na sa paglalahad ng ating opinyon o saloobin kinakailangan
tandaan na …..

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

Kasanayan sa Pagsulat ng Paglalahad na may Pagsang-ayon at


Pagsalungat
Muli na namang masusubok ang husay mo sa pagsulat. Ngayon ay
susulat ka ng isang paglalahad na binubuo ng tatlo hanggang limang talata
kung saan tatalakayin mo ang mga pagpapahalaga at ugaling Pilipinong sa
palagay mo’y dapat na panatilihin at dapat iwaksi sa ating sarili lalo na sa
panahon ngayon na laganap ang krisis dala ng Pandemya. Gagawin mo ito
bilang kabahagi ng isang grupong may adbokasiyang mapabuti ang asal at
pag-uugali ng kabataan sa kasalukuyan sa kabila ng ating mga
nararanasan. Bago mo tuluyang isagawa ang gawaing ito ay balikan mo
muna ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng talata.
Ang talatang bubuoin ay dapat na makasunod sa rubric na ito.
Kumuha ng isang buong papel upang isulat ang iyong talata.

11
Aking
Laang Puntos(guro
Mga Pamantayan
Puntos ang
magbibigay)
Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at
5
maayos na mga pangungusap.
Naipakita/nakagamit ng hudyat ng pagsang-ayon
5
at pagsalungat sa pagpapahayag.
Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
5
tungkol sa paksa.
Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang
5
mabuting talata.
Gumagamit ng wastong bantas sa pagbuo ng mga
5
pangungusap
KABUOANG PUNTOS 25
5- Napakahusay
4- Mahusay
3- Katamtaman
2- Di-mahusay
1- Sadyang Di-mahuay

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa iyong


sagutang papel ang letra ng tamang kasagutan.

1. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o


pakikibagay sa isang pahayag.
A. pagsalungat B. pagsang-ayon C. pananda D. opinyon

2. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggi, pagtutol, pagkontra sa isang


pahayag o ideya.
A. pagsalungat C. pananda
B. pagsang-ayon D. paglalahad

3. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang


isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na
maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
A. pagsalungat B. pagsang-ayon C. pananda D. paglalahad

4. Binubuo ng talatang kinapapalooban ng mga pangunahin at pantulong


na kaisipan upang maibigay ang detalye sa isang paksa.
A. simula B. katawan C. wakas D. paglalahad

12
5. Nag-iiwan ng isang impresyong tatatak sa damdamin at kikintal sa
isipan ng mambabasa.
A. simula B. katawan C. wakas D. paglalahad

6. Katangian ng mahusay na paglalahad kung saan nakapokus lamang


sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng pagpapaliwanag.
A. kalinawan C. kaugnayan
B. katiyakan D. diin

7. Katangian ng mahusay na paglalahad kung saan malinaw ang


paliwanag at angkop o tama ang mga salitang gagamitin.
A. kalinawan C. kaugnayan
B. katiyakan D. diin

8. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa


mundo. Alin sa mga salita mula sa pangungusap ang nagsasaad ng
pagsalungat?
A. paniniwala B. Hindi totoo C. napakahirap D. Hindi

9. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa


mundo. Alin sa mga salita mula sa pangungusap ang nagsasad ng
pagsang-ayon?
A. nananalig C. maganda
B. Lubos D. Lubos akong nananalig

10. ____________ palang may mga mga taong negatibo ang pananaw sa
buhay. Punan ng angkop na salita ang patlang.

A. Hindi totoo B. Ayaw ko C. Talaga D. Tunay ngang

Karagdagang Gawain

Panuto: Sang-ayon ka ba o hindi, kung sakaling magkaroon na ng face-to-


face classes sa taong 2021-2022. Sumulat ka ng sanaysay sa sagutang
papel patungkol sa paksa. Gumamit ng iba’t ibang hudyat sa pagsang-yon o
pagsalungat.

13
Pamagat ng Sanaysay:

14
Susi sa Pagwawasto

15
Sanggunian
1. Ansay-Villaverde, Sharon (2015). Daluyan 7 – Modyul sa Filipino -
Grade 7. Malabon City. JIMCZYVILLE Publications.
2. Baisa-Julian, Aileen G. et. Al. (2015). Pinagyamang Pluma 8. Quezon
City. PHOENIX Publishing House.
3. Blanca, Celeste D. et.al (2019). PITAK 8. Quezon City. Educational
Learning Resource Publication.
4. Almario, Virgilio S. (2010). UP- DIKSYUNARYONG FILIPINO. Pasig City.
ANVIL Publishing Incorporated.
5. Department of Education. https://commons.deped.gov.ph/melc
6. Worldpress https://baninablog.wordpress.com/2019/01/13/dapat-
ba-o-hindi-dapat-sang-ayunan-ang-k-12-program/
7. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=4v4LukCiwMM

16

You might also like