You are on page 1of 20

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 3:


MIGRASYON
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Migrasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: EDGARDO DEL MUNDO CRUZ
Editor: Elena G. Estabillo, Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Michelle P. Bartolome, Nerissa V. De Leon, Cristina A. Norberte, Alona A.
Millares, Peter Paul Eting, Dexter P. Jino-o
Tagaguhit: Micah G. Estabillo
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
MIGRASYON
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Migrasyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Migrasyon!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa

iii
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
5
Alamin

Sa nakaraang aralin ay iyong napag-aralan ang mga isyu sa larangan ng


paggawa sa ating bansa na bunga ng globalisasyon at iba pang mga suliraning
kinakaharap sa kasalukuyang panahon ng mga manggagawang Pilipino. Bilang
mag-aaral inaasahang ko na anuman ang iyong natutuhan ay magagamit mo upang
makabuo ka ng mga angkop na plano sa pagtugon sa mga isyung lubos na
nakakaapekto sa iyong pamumuhay.
Ang susunod na aralin ay tatalakay naman sa Migrasyon, ang kahulugan nito,
at ang mga dahilan at epekto nito sa ating pamumuhay. Inaasahan ko na ang
anumang malalaman mo sa araling ito ay makatutulong ng malaki sa iyong
matalinong pagpapasya tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa migrasyon na
maaaring makaapekto sa iyong pamumuhay.

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa
matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)


Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-
ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Matapos mong mabasa ang modyul na ito ay inaasahan ko na iyong:


1.) Naipapaliwanag ang kahulugan at mga dahilan ng migrasyon.
2.) Nasusuri ang mga epekto ng migrasyon sa aspektong pangkabuhayan,
panlipunan at pangkapaligiran.
3.) Nakabubuo ng mga tamang hakbang sa pagtugon sa mga suliraning dulot ng
migrasyon.

6
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
ang paninirahan.
A.) Migrasyon
B.) Globalisasyon
C.) Stock Transfering
D.) Offshoring
2. Batay sa pag-aaral, malaking bilang ng mga imigranteng manggagawa ay
mga Asyano. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A.) Maunlad ang ekonomiya ng mga bansang Asyano kaya may
kakayahan silang mangibang bansa
B.) Mababa ang antas ng kalidad sa paggawa sa mga bansang Asyano
C.) May mas malaking oportunidad ang mga Asyano na makahanap ng
trabaho na angkop sa kanilang natapos
D.) Mas malaki ang oportunidad ng mga Asyano na manirahan sa ibang
bansa
3. Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa
na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at overstaying sa
bansang pinuntahan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pangunahing
dahilan kung bakit mayroon ganitong uri ng migrasyon?
A.) Kawalan ng magandang hanapbuhay sa bansang pinanggalingan
B.) May nagawang paglabag sa batas sa bansang pinagmulan
C.) Paghahanap ng murang edukasyon
D.) Kawalan ng seguridad sa bansang pinanggalingan
4. Sa nagdaang panahon mas maraming kalalakihan ang bumubuo sa larangan
ng migrasyon at paggawa. Sa kasalukuyang panahon naging mahalaga ang
ginagampanang papel ng kababaihan sa labor migration. Ano ang mabubuo
mong konklusyon sa pahayag na ito?
A.) Tumaas ang kalagayan ng kababaihan sa larangan ng paggawa at
migrasyon
B.) Naging bukas sa kababaihan ang nga kursong teknikal sa iba’t ibang
panig ng daigdig
C.) Nabago ang kultural na pananaw sa katayuan ng mga kababaihan sa
lipunan
D.) Dumami ang bilang ng mga kababaihang nakakapagtrabaho
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng magandang epekto
ng migrasyon sa aspektong pangkabuhayan ng pamilyang Pilipino?
A.) Nakapagpapadala ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ng libo-
libong dolyar na remittance
B.) Nakapagpapatayo ng simpleng negosyo ang mga pamilya ng ilang
Overseas Filipino Workers (OFW)
C.) Nakapag-ipon para sa pagpapaaral ng mga anak
D.) Lahat ng nabanggit

7
Balikan

Gawain 1: Larawang Suri


Panuto: Suriing mabuti ang larawan sa ibaba at sagutan ang mga pamprosesong
tanong.

Pamprosesong Tanong: Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang ipinakikita ng larawan?


2. Ano ang pangunahing suliranin sa paggawa ang ipinakikita sa larawan?
3. Magmungkahi ng mga paraan kung paano malulutas ang suliranin sa
paggawa na ipinakikita sa larawan.

8
Tuklasin

Gawain 2: Masusing Suriin


Panuto: Suriin ang editorial cartoon na nasa ibaba. Ipaliwanag ang saloobin mo
ukol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Guhit ni: Micah Ellaine G. Estabillo

Suriin

KAHULUGAN NG MIGRASYON
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao
mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar na maaaring pansamantala lamang o
permanente. Hindi na bago ang konsepto ng migrasyon. Bago pa sumilang ang mga
kabihasnan sa daigdig ay nandarayuhan na ang mga tao upang matugunan niya ang
kaniyang mga pangangailangan o kaya naman ay may kinalaman sa pansariling
kaligtasan. Naging mas mabilis ang proseso ng migrasyon sa kasalukuyan kung
ating ihahambing sa mga nagdaang panahon. Ang paglipat ng tao sa loob at labas
ng bansa ay naging mas masalimuot kung ang pagtutuunan ng pansin ay ang
dahilan at epekto nito sa lugar na iniwanan at pinuntahan ng tao. Halos lahat ng

9
bansa sa daigdig ay nakakaranas ng iba’t ibang uri ng migrasyon tulad ng migrasyon
ng mga manggagawa, migrasyon ng mga refugees at permanenteng migrasyon.

URI NG MIGRASYON
Maaaring mauri ang migrasyon batay sa mga sumusunod;
1. Panloob na Migrasyon (Internal o Local Migration)- tumutukoy sa
paglipat ng tao o pamilya ng pook panirahan mula sa isang bayan,
lalawigan or rehiyon patungo sa iba pang bahagi ng sariling bansa.
Ang Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM)
ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas. Maraming tao ang
umalis sa rehiyong ito upang makahanap ng panustos sa pang araw-
araw na pangangailangan. Isa pang dahilan ng pag-alis ng mga tao
doon ay ang suliranin sa peace and order dahil sa banta ng mga
terorista. Karamihan ay nagtungo sa mga lungsod na mauunlad ang
pamumuhay at walang banta sa kaligtasan.
2. Panlabas na Migrasyon ( External o International Migration) –
tumutukoy sa paglipat ng tao o pamilya ng pook panirahan mula sa
sariling bansa patungo sa ibang bansa. Karamihan ng mga
nandarayuhan palabas ng bansa ay paghahanap ng trabaho na may
malaking kita ang pangunahing dahilan. Tinatayang 232 milyong katao
ang nandarayuhan sa buong daigdig na kumakatawan sa 3.1
porsiyento ng kabuuang populasyon sa buong daigdig. Noong taong
2013, nagmula sa Asya ang may pinakamalaking bilang ng mga
nandayuhan na lumabas ng kanilang bansa. Ang 48 porsiyento dito ay
mga kababaihan na ang pangunahing dahilan ay maghanapbuhay.
(Halaw sa ILO: International Labor Organization Facts and Figures)

Tinatawag na nandarayuhan o migrant ang taong lumilipat ng panirahan.


Maaari silang mauri sa mga sumusunnod:
A. Irregular Migrant-tumutukoy sa mga nandarayuhan sa ibang bansa na illegal
dahil hindi sila dokumentado, walang pahintulot na magtrabaho o sinasabing
overstaying na sa bansang nilipatan.
B. Temporary Migrants- tumutukoy sa mga nandarayuhan sa ibang bansa na
legal dahil may kaukulang dokumento ng pagbibigay permiso na
pansamantalang manirahan at magtrabaho sa bansang pinuntahan.
C. Permanent Migrant- tumutukoy sa mga nandarayuhan na ang layunin sa
pagtungo sa bansang pinuntahan ay hindi lamang magtrabaho o mag-aral na
pansamantala kundi permanente nang manirahan sa piniling bansa.
Kalimitang nauuwi ito sa pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship ng
taong nandayuhan.

Mga Dahilan ng Migrasyon o Pandarayuhan

1. Paghahanap ng hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na


inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay sa nandayuhan at sa
kanyang pamilya.
2. Paghahanap ng ligtas na pook panirahan tulad ng ligtas mula sa mga
sakunang dulot ng kalikasan o ng tao tulad ng karahasan at digmaan.
3. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman lalo na sa mga bansang

10
mauunlad at industriyalisado. Batay sa estadistika, dumarami ang bilang ng
mga Koreano na nagtutungo dito sa Pilipinas upang mag-aral sa kolehiyo
partikular sa Maynila, Baguio at Cebu.
4. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na permanente nang
naninirahan sa ibang bansa. Maaaring naienganyo sila sa marangyang
pamumuhay ng mga kamag-anak na naninirahan na ng permanente sa ibang
bansa.

MAHAHALAGANG TERMINO O SALITA NA GINAGAMIT SA PAG-AARAL NG


MIGRASYON
FLOW- ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa
isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas
gamitin ang mga terminong inflow, entries or immigration. Kasama dito ang bilang
ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tinatawag na emigration,
departures or outflows. Ang net migration naman ay makukuha kapag ibinawas ang
bilang ng umalis sa bilang ng pumasok sa isang lugar o bansa.

STOCK- ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng nandayuhan na piniling manirahan o


manatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang pag-aaral sa flow sa pag-unawa sa
trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay
makatutulong sa pagsusuri sa pangmatagalang epekto ng pandarayuhan sa isang
partikular na populasyon.

MGA EPEKTO NG MIGRASYON SA ASPEKTONG PANGKABUHAYAN,


PANLIPUNAN AT PANGKAPALIGIRAN

Aspekto Salik na Tumutulak Salik na Humihila

Pangkabuhayan Lumilipat ng pook-tirahan Naaakit sa mas mataas


kung walang maganda o na kita sa ibang lungsod o
sapat na mapagkukuha- ibang bansa ang dahilan
nan ng ikabubuhay sa ng paglilipat ng pook-
lugar na tinitirahan. tirahan.

Panlipunan Maaaring laganap ang Payapa at tahimik na


krimen/kaguluhan sa katangian ng isang lugar
lugar na tinitirahan kaya ang pangunahing umaakit
nagpapasya na upang maglipat tirahan.
mandayuhan sa ibang
lugar.

Pangkapaligiran Maaring ang pagiging Maaring ang pagiging


lantad sa mga sakuna na ligtas ng isang lugar mula
dulot ng kalikasan, tulad sa panganib na dulot ng
ng bagyo, pagbaha o kalikasan ang humihila sa
pagiging malapit sa tao na lumipat sa lugar na
aktibong bulkan ng isang may ganitong katangian.
lugar ang nagtutulak Idagdag pa ang
upang lumipat ng pook pagkakaroon ng

11
tirahan. magandang tanawin at
sariwang hangin.

Pagyamanin

Gawain 3: Chain Reaction


Panuto: Ang pag – alis ng isang mamamayan sa kaniyang bansa o sa isang
lugar ay may maraming dahilan. Sa bawat dahilan ay may mga epekto
na nagaganap. Ibigay ang mga epekto ng migrasyon ayon sa
sitwasyon na ilalahad sa ibaba
.

Dahilan
Epekto
1. ________________________
1.Kawalan ng hanapbuhay
________________________
________________________
________________________

2. Kahirapan sa isang lugar 2. ________________________


________________________
________________________
________________________
3. Kawalan ng opurtunidad sa
3. ________________________
lugar na kinabibilangan ________________________
________________________
________________________

4. Kaguluhan o digmaan
4. ________________________
________________________
________________________
________________________
5. Nahikayat ng mga kamag- ________________________
anak
5. ________________________
________________________
________________________
___

12
Isaisip

Gawain 4: Sa Pula, Sa Puti


Matapos mabasa ang mga sanhi at bunga ng migrasyon sa ating bansa
maging ito ay migrasyong lokal o internasyunal, ating timbangin ang mga positibo at
negatibong epekto na hatid nito sa iba’t ibang aspekto ng ating pamumuhay. Itala

Panuto: Isa-isahin ang mabuti at di mabuting epekto ng migrasyon sa graphic


organizer sa ibaba. Ilagay ang iyong sagot sa bukod na sagutang papel.

Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan

Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Pangkapaligiran

13
Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Pangkabuhayan

Isagawa

Gawain 5: Repleksyon
Panuto: Hindi lingid sa ating kaalaman ang suliranin ng epekto ng Covid 19
na kinakaharap natin sa kasalukuyan. Maraming mga negosyo, paaralan at
opisina ang nagsara. Maraming uri ng transportasyon ang nahinto ng
operasyon. Gumawa ng isang repleksyon kung ano ang mangyayari sa
kasalukuyang kalagayan ng migrasyon sa ating bansa sa gitna ng
pandemya. Ilagay iyo sa hiwalay na papel.

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

Gawain 6: Magsaliksik

14
Panuto: Gumawa ng isang pananaliksik ukol sa mga programa ng gobyerno
na nakakatulong sa mga Pilipinong migrante sa iba’t ibang panig ng
mundo. Itala ang mga ito sa kahon na nasa ibaba. Ilagay ang iyong
sagot sa papel.

Programa ng Gobyerno Saang Bansa Epekto sa mga


Ipinapatupad Pilipinong Migrante

Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Tumutukoy sa mga nandayuhan na ang layunin sa pagtungo sa bansang
pinuntahan ay hindi lamang magtrabaho o mag-aral na pansamantala
kundi permanente nang manirahan sa piniling bansa. Kalimitang nauuwi
ito sa pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship ng taong
nandayuhan.
A.) Irregular Migrants
B.) Temporary Migrants
C.) Permanent Migrants
D.) International Migrants
2. Tumutukoy sa paglipat ng tao o pamilya ng pook panirahan mula sa
sariling bansa patungo sa ibang bansa.
A.) Panlabas na migrasyon
B.) Panloob na migrasyon
C.) Lokal na migrasyon
D.) Migrasyon
3. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang lugar
patungo sa ibang lugar maging ito man ay pansamantala lamang o
permanente.
A.) Migrasyon
B.) Imigrante
C.) Globalisasyon
D.) Liberalisasyon
4. Ang mga sumusunod ay dahilan ng migrasyon o pandarayuhan, maliban
sa ______________.

15
A.) Paghahanap ng ligtas na pook panirahan tulad ng ligtas mula sa mga
sakunang dulot ng kalikasan o ng tao tulad ng karahasan at digmaan.
B.) Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na permanente nang
naninirahan sa ibang bansa.
C.) Paghahanap ng hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na
inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay sa nandayuhan
at sa kanyang pamilya.
D.) Humingi ng tulong sa pamahalaan ng ibang bansa upang mabago ang
kalagayan pulitikal sa bansang pinagmulan.
5. Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa
isang pamilya. Paano ito nakaaapekto sa mga pamilyang Pilipino?
A.) Humina ang ugnayan ng mga miyembro ng pamilyang Pilipino.
B.) Malaki ang bilang ng mga babae na nangingibang bansa
C.) Nabuo ang konsepto ng “house husband” kung saan ang lalaki ang
gumaganap sa tungkulin ng asawang babae na nagtatrabaho sa ibang
bansa.
D.) Naiiwan ang mga anak sa pangangalaga ng mga lolo at lola.

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Istorya ng Aking Paglalakbay


Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na naglalarawan o nagkukwento ng mga
naranasan mo at ng iyong pamilya sa unang lugar na inyong tinirahan
hanggang sa kasalukuyang tinitirahan. Ilakip ang bawat dahilan ng
inyong pag – alis mula sa isang lugar tungo sa isa. Gawin ito sa bukod
na papel.

Pamagat: ________________________________________________________

_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong:

16
1. Nakatulong ba sa pag – unlad ng iyong pamilya ang paglipat ninyo ng lugar?
Paano ito nakatulong sa inyo?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na pumili ng lugar na lilipatan, saang
lugar ang pipiliin mo? Bakit?

Susi sa Pagwawasto

17
Gawain 1-Larawang Gawain 5- Repleksyon
Subukin
Suri Magmumula sa mga
1. A
2. C
Magmumula sa mga mag-aaral ang sagot.
3. A mag-aaral ang sagot.
4. A Gawain 2 – Masusing Gawain 6- Magsaliksik
5. D Surii. Magmumula sa mga
Tayahin Magmumula sa mga mag-aaral ang sagot.
mag-aaral ang sagot.
1. C Gawain 3 – Chain Gawain 7 – Istorya ng
2. A Reaction Aking Buhay...
3. A Magmumula sa mga Magmumula sa mga
4. D mag-aaral ang sagot. mag-aaral ang sagot
5. C
Gawain 4-Sa Pula, Sa
Puti
Magmumula sa mga
mag-aaral ang sagot.

Sanggunian
Antonio, Eleanor, et al. KAYAMANAN, Mga Kontemporaryong Isyu. Binagong
Edisyon, 2017. REX Book Store, Inc.
Sebastian, Adelina A. Baleña, Ederlina D. and Lucero, Dolores M., Araling
Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu, Educational Resources
Corporation, 2018.

18

You might also like