You are on page 1of 32

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Ikalawang Yugto ng Disaster Risk
Reduction and Management Plan:
Disaster Preparedness
Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk Reduction and
Management Plan: Disaster Preparedness
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, Ph, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Armie V. Cruz
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Vincent D. Robles
Tagalapat: Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Ikalawang Yugto ng Disaster Risk
Reduction and Management Plan:
Disaster Preparedness

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ikalawang Yugto ng Disaster Risk
Reduction and Management Plan: Disaster Preparedness.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ikalawang Yugtong Disaster Risk Reduction and
Management Plan: Disaster Preparedness.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

iv
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

v
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

 Leksyion 1- Konteksto at Kahulugan ng Disaster Preparedness


 Leksyon 2- Mahahalagang Layunin ng Disaster Preparedness
 Leksyon 3- Mga Paghahanda sa Pagharap sa Kalamidad at Sakuna

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy mo ang mga hakbang na dapat gawin, bago at sa panahon ng
pagtama ng sakuna o kalamidad;
2. nasusuri kung paano mababawasan o maiiwasan ang maaring idulot ng
pinsala ng sakuna o kalamidad; at
3. natutukoy mo ang kahalagahan ng pagiging handa sa mga sakuna o
kalamidad na maaaring maranasan ng tao.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago, at sa panahon ng


pagtama ng sakuna o kalamidad.
A. Disaster Response
B. Disaster Prevention and Mitigation
C. Disaster Preparedness
D. Disaster Rehabilitation and Recovery

2. Ito ay ang pinakamahalagang layunin ng Ikalawang Yugto ng Disaster Risk


Reduction and Management Plan.
A. Mabawasan o maiwasan ang pinsalang dulot ng kalamidad.
B. Mataya ang lawak ng pinsala ng hazard.
C. Maisaayos o maibalik ang dulot ng pinsala ng kalamidad.
D. Mataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa mga
kalamidad at sakuna.

3. Ang higit na dapat mabigyan ng paalala o babala sa pagtama ng sakuna o


kalamidad.
A. pamahalaan
B. mamamayan
C. NGO
D. pribadong sektor

4. Layunin nito na magbigay kaalaman sa mga hakbang na dapat gawin sa oras ng


sakuna, kalamidad at hazard.
A. to inform
B. to instruct
C. to advice
D. to announce

5. Mahalagang malaman ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng


sakuna o kalamidad kung kaya’t ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga
gawain tungkol sa proteksiyon, paghahanda at pag-iwas sa iba’t ibang uri ng
sakuna at hazard ay gampanin ng Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o ng Disaster
Preparedness. Saang layunin ito nabibilang?
A. to advise
B. to announce
C. to inform
D. to instruct

2
6. Ang sumusunod ay mga paraan ng pagbibigay paalala o babala sa mamamayan
sa panahon ng sakuna o disaster maliban sa:
A. patalastas sa telebisyon at radyo
B. pagdidikit ng poster
C. pagpapakalat ng fake news
D. barangay assembly

7. Anong ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay ng abiso at hakbangin upang


mapaghandaan ng mamamayan ang maaaring maging epekto ng mga hazard,
kalamidad at sakuna?
A. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA)
B. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
C. Department of Transportation and Communication (DOTC)
D. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS)

8. Ang ahensyang ito ay may layunin na paliitin ang bahagdan ng epekto ng


sakunang dulot ng pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at iba pang
heotektonikong phenomenon.
A. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
B. Department of Transportation and Communication (DOTC)
C. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS)
D. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA)

9. Layunin na magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na


dapat puntahan, mga opisyal ng pamahalaan na dapat hingan ng tulong sa oras
ng sakuna, kalamidad at hazard.
A. to instruct
B. to announce
C. to inform
D. to advice

10. Ang sumusunod ay mga mahahalagang dapat gawin sa panahon ng pagtama ng


lindol maliban sa:
A. Huwag mag-panic.
B. Manatili sa lugar na malapit sa dagat.
C. Gawin ang drop, cover, hold.
D. Magtungo sa ligtas na lugar.

11. Kapag itinaas ng PAGASA ang ______________ inaasahan ang pagkilos at


pagtugon ng mamamayan sa paghahanda at paglikas dulot ng matinding
pagbaha.
A. Orange rainfall advisory
B. Red rainfall advisory
C. Green rainfall advisory
D. Yellow rainfall advisory

3
12. Ang palagiang paghahanda ng emergency kit at pagbuo ng isang planong
pangkomunikasyon ng inyong pamilya ay mahalagang gawin ____________.
A. bago ang kalamidad
B. pagkatapos ng kalamidad
C. habang nagaganap ang sakuna at kalamidad
D. wala sa mga nabanggit

13. Ang aftershocks at pagbabadya ng tsunami ay posible o maaaring maganap


pagkatapos ng pagtama ng _______________.
A. bagyo
B. lindol
C. landslide
D. pagbaha

14. Ito’y inilalabas para bigyan ang publiko ng babala sa pagdating ng masamang
panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo.
A. Rainfall Warning
B. Public Storm Warning Signal
C. Thunderstorm Warning
D. Emergency Warning

15. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng babala at paalala sa mga mamamayan bago
at sa panahon ng pagtama ng hazard, kalamidad at sakuna?
A. para maitama ang mga pagkakamali
B. para maging ligtas at mabawasan ang malawak na pinsala
C. upang takutin ang mga mamamayan
D. lahat ng nabanggit

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

4
Aralin
Ikalawang Yugto ng DRRM
1 Plan: Disaster Preparedness

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang Unang Yugto ng Disaster Risk


Reduction and Management Plan o Disaster Prevention and Mitigation. Upang
mapagtibay ang iyong mga nalalaman at pag-unawa sa nagdaang aralin iyong
pagmasdan ang dalawang larawan na makikita sa ibaba.

Balikan

Suriing mabuti ang mga larawan kung ano ang isinasaad nito. Sagutin ang
mga katanungan at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang nakikita mo mula sa dalawang larawan?


2. Ano ang pagkakaiba ng dalawang larawan?
3. Ano ang kaugnayan ng dalawang larawan sa Unang Yugto ng DRRM Plan o
Disaster Prevention and Mitigation?
4. Bakit mahalaga na mataya ang mga kahinaan at kakayahan ng isang pamayanan
sa pagharap sa sakuna at kalamidad?

5
Tuklasin

Suriin ang nilalaman ng awit at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang
ang sagot sa inilaang sagutang papel (activity sheet).

MAY PLANO BA TAYO?

Isa dalawa tatlo, sino ang alerto?


Apat lima anim, may plano ba tayo?
Pito walo siyam, bilisan ang kilos niyo
Sampu hala sampu, makaliligtas tayo

(CHORUS)
‘Pag sumapit ang lindol,’di maiiwasan
Na lahat sa atin ay kakabahan
Ngunit ‘di dapat mangamba, dapat lang paghandaan
Maging kalmado at alerto tayo diyan

“Pag nasa bahay ka at doon ka inabutan


‘Wag agad lalabasbakamabagsakan
Sa matibay na bagay, ikubliulo’t katawan
Tiyakin ‘di bibigay anuman ang dumaan

Kung kayo’y nasa labas at nagmamaneho


At sumayaw ang lupa sa paligidniyo
Itabi sa gilid ng kalsada ang oto
At maghanap ng bakanteng espasyo

Pagkatapos ng lindol tumingin sa paligid


Kung mayroong nasaktan dapat ipabatid
Ipagpatuloy ang inyong pagmamasid
Tulong kapuso, kapamilya, kapatid

Himig at titik ni Rev Mendoza


Handa Awit Lindol
UP Diliman OVCAD
https://soundcloud.com/up-diliman-ovcrd/sets/handa-awit-lindol

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awiting “May Plano Ba Tayo?”


2. Ayon sa awitin, ano-ano ang mga mahahalagang dapat tandaan kung sakaling
sumapit ang lindol?
3. Bakit mahalaga na may pagpaplano sa pagdating ng lindol o anomang sakuna?

6
Suriin

Ikalawang Yugto ng Disaster Risk Reduction Management


Plan: Disaster Preparedness

Ang Pilipinas ay isa sa mga


bansa sa mundo na nangunguna sa
may pinakamaraming kalamidad na
nararanasan, tulad ng baha,
pagguho ng lupa, tagtuyot at iba
pang mapaminsalang kalamidad na
karaniwa’y dulot ng kalikasan.
Nagdudulot ito ng malaking pinsala
sa buhay at ari-arian ng
mamamayan at ng buong bansa.

Walang makapagsabi kung


kailan nga ba mangyayari ang isang
sakuna, sa ganitong sitwasyon
gaano nga ba tayo kahanda sa
maaaring maging panganib na dulot
nito? Mahalaga na maihatid sa
bawat isa ang mahahalagang
impormasyon sa pamamagitan ng
patalastas o anunsyo mula sa
telebisyon, radyo, pahayagan, at
internet tungkol sa mga gagawin
natin kung sakaling tayo ay
makakaranas ng iba’t ibang
kalamidad. Ito ay ilan lamang sa
mga halimbawa ng mahahalagang
hakbang na nakapaloob sa ikalawang yugto ng Disater Risk Reduction and
Management Plan ang Disaster Preparedness, tumutukoy ito sa mga hakbang o
dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng hazard, kalamidad, at sakuna.

Mahalaga rin na malaman ng lahat ng miyembro ng pamilya, ng mamamayan


sa buong komunidad at maging ang mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat
gawin sa panahon ng pagtama ng sakuna o kalamidad.

Dapat na maging maliwanag ang lahat ng impormasyon upang magkaroon ng


koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaaring magdulot ng
mas malubhang pinsala sa tao at ari-arian.

7
Napakahalaga ang pagbibigay ng mga paalala at babala sa mga mamamayan
bago at sa pagtama ng kalamidad. Ito ay may tatlong mahalagang layunin.

Magbigay ng kaalaman tungkol sa mga


TO INFORM hazard, risk, capability at pisikal na
katangian ng pamayanan.

Magbigay impormasyon sa mga gawaing


TO ADVISE may kinalaman sa pagbibigay
proteksyon, paghahanda, at pag-iwas sa
mga sakuna at hazard.

Magbigay ng mga hakbang na dapat


gawin, mga ligtas na lugar na dapat
TO INSTRUCT puntahan, mga opisyal ng
pamahalaaan na dapat hingan ng
tulong sa oras ng sakuna, kalamidad at
hazard.

Ang mga komunidad ay may iba’t ibang pamamaraan upang mabigyang paalala
at babala ang kanyang mga mamamayan tulad ng;

1. Pagdaraos ng barangay assembly


2. Pamamahagi ng flyers
3. Pagdidikit ng poster o billboard
4. Patalastas mula sa radyo, telebisyon at pahayagan
5. Social media tulad ng facebook

Ang lahat ng ito ay ginagawa upang maging handa at alerto ang mamamayan
sa mga uri ng hazard na maaaring tumama sa kanilang pamayanan. Malaki ang
papel na ginagampanan ng pamahalaan upang maihanda ang bawat mamamayan
bago at sa pagpatama ng sakuna, kalamidad at hazard upang maging ligtas at
maiwasan ang pinsala nito.

8
Mga Ahensya ng Pamahalaan na maaaring magbigay-paalala at babala:

1. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services


Administration (PAGASA) – Nagbibigay babala ito sa pagdating ng bagyo. Nag-
uulat sa lakas ng hangin, ulan, at galaw ng bagyo.
2. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)–
Nagbibigay ng update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga
kalamidad tulad ng bagyo, lindol at iba pa.
3. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS)– Nagbibigay
babala para sa aktibidad ng bulkan, lindol at tsunami.
4. Department of Transportation and Communication (DOTC) – Nagbibigay ng
abiso sa lagay ng sistema ang pampublikong transportasyon tulad ng mga
biyahe, sa himpapawid, pandagat at panlupa.
5. Philippine Coast Guard – Nagpapatupad ng kaligtasang pandagat, seguridad at
mga search and rescue operation sa panahon ng sakuna at kalamidad.
6. Department of Social Welfare and Development (DSWD) –Nagbibigay ng
serbisyong panlipunan sa mamamayang Pilipino.
7. Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) – Nagbibigay ulat sa mga
operasyon at problema ukol sa byaheng panghimpapawid.

Mga uri ng kalamidad na karaniwang nararanasan sa Pilipinas at mga


kailangang paghahanda na dapat gawin:

 Bagyo - isang malakas na hanging kumikilos nang paikot, na madalas ay may


kasamang malakas at matagal na pag-ulan.

Mga dapat gawin bago dumating ang bagyo:

1. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang


baterya, pang-emergency na pagkain tulad ng
delata, biskwit at iba pa.
2. Tiyaking mabuti na matatag ang mga bahagi ng
inyong tahanan.
3. Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga
punongkahoy na malapit sa bahay.

Mga dapat gawin habang may bagyo:


1. Makinig sa kinauukulan, tumutok sa radyo,
internet para sa ulat panahon;
2. Siguraduhing may mga gamit pang-emergency
na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa;
3. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos
ang bagyo; at
4. Maghanda para sa posibilidad na paglikas sa
mataas na lugar o evacuation area.

9
Mga dapat gawin pagkatapos ng bagyo:
1. Umiwas sa mga nasirang gusali.
2. Umiwas sa baha at sa mga nasira o nalaglag na
kable ng kuryente.
3. Mag-ingat sa pag-inom ng kontaminadong tubig.

Warning Bugso at lakas ng Katangian


Signal hangin

Inaasahan ang
#1 30-60 kph pagsama ng panahon
sa loob ng 36 oras.

Inaasahan ang
#2 61-120 kph pagsama ng panahon
sa loob ng 24 oras.

Inaasahan ang
#3 121-170 kph pagsama ng panahon
sa loob ng 18 oras.

Inaasahan ang
#4 171- 220 kph pagsama ng panahon
sa loob ng 12 oras.

Inaasahan ang higit na


pagsama ng panahon
at malawak na pinsala
#5 220 kph o higit pa
sa loob ng 12 oras.
Tinatawag na super
typhoon.

Ang Public Storm Warning ay inilalabas para bigyan ang publiko ng babala
sa pagdating ng masamang panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo.

10
 Baha o flood - pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, lawa, at iba pang anyong-tubig
na umaapaw sa mabababang lugar. Maaari itong magdulot ng pagkasira ng mga
ari-arian at pagkawala ng buhay.

Mga dapat gawin bago ang baha:

1. Tumutok sa radyo, telebisyon, cellphone at


internet para sa ulat panahon mula sa
PAGASA at NDRRMC.
2. Maghanda sa paglikas sa matataas na lugar.
3. Ilagay sa matataas na bahagi ng bahay ang
mahahalagang gamit.
4. Bago lumikas ibaba ang inyong main switch.

Mga dapat gawin habang may baha:

1. Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo


na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito.
2. Siguraduhing lutong-luto ang mga pagkain at
iwasang marumihan ang mga tirang pagkain.
3. Pakuluan ang tubig bago ito inumin.

Mga dapat gawin pagkatapos ng baha.

1. Tiyaking walang buhay na kable o outlet na


nakababad sa tubig.
2. Maging alerto sa mga bagay na maaaring
pagsimulan ng sunog.
3. Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-
baha ang mga pagkain at inumin.
4. Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang
pasilidad gaya ng poste, kawad ng kuryente,
tubo ng tubig, at iba pa.

Ang mga Colored Rainfall Advisory ng PAGASA

itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5 mm


Yellow Rainfall
hanggang 15 mm ng ulan sa susunod na isang oras,
Advisory
at inaasahan na magpapatuloy ito.

itinataas sa mga lugar na inaasahang makararanas


Orange Rainfall ng 15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa
Advisory susunod na isang oras. Nagbabadya na ang baha sa
mga pamayanang ito.

naituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan.


Red Rainfall Nangyayari ito kung mahigit 30 mm ang ulan sa
Advisory susunod na isang oras, o kung tatlong oras nang
malakas ang ulan at umabot na sa 65 mm.

11
 Lindol – isang biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa na nagdudulot ng pabibiyak
at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinapakawalan nito ang
pwersang naiipon sa mahabang panahon.

Mga dapat gawin bago ang lindol:

1. Palagiang ihanda ang emergency kit at bumuo


ng isang planong pangkomunikasyon ng inyong
pamilya.
2. Siguruhing matatag ang mga bahagi ng inyong
tahanan tulad ng dingding, kisame at iba pa.
3. Alamin ang pagbibigay ng paunang lunas o first
aid.

Mga dapat gawin habang may lindol:

1. Huwag mag-panic.
2. Gawin ang drop, cover, hold.
3. Magtungo sa ligtas na lugar. Kung ikaw ay
malapit sa dagat lumikas agad maaaring
magkaroon ng banta ng tsunami.

Mga dapat gawin pagkatapos ng lindol:

1. Inspeksyunin ang iyong sarili o kasama,


isagawa ang first aid kung kinakailangan.
2. Mag-ingat sa mga kawad ng kuryente, mga
gumuhong gusali. Ipagbigay-alam ito sa
kinauukulan.
3. Maghanda sa maaring aftershocks at
pagbabadya ng tsunami.

Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ang mamamayan na


magkaroon ng sapat na impormasyon at pang-unawa sa mahahalagang hakbang na
dapat nilang gawin bago, habang at pagkatapos ng hazard at kalamidad upang
maiwasan ang inaasahang maging epekto at pinsala.

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang paksa sa disaster preparedness


sa Unang Markahan. Ngayon naman ay dumako tayo sa ilang pagsasanay upang
ating tahayin ang lawak ng iyong pagkaunawa sa aralin. Ihanda mo na ang iyong
sagutang papel at simulan na.

12
Pagyamanin

A. Handa Ako!

Panuto: Piliin mula sa bawat bilang sa ibaba ang mga dapat na ilaman sa loob ng
survival Go Bag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

__________________ _________________

__________________ _________________

__________________

1. flashlight 6. libro

2. first aid kit 7. calculator

3. prutas at gulay 8. pera

4. sapatos 9. fire extinguisher

5. importanteng dokumento 10. de-lata

B. Tama o Mali
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay wasto, at
kung mali, tukuyin ang salitang nagpamali at isulat ang nararapat na salita upang
maiwasto ang pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

___________ 1. Lahat ng mga balita mula sa telebisyon, radyo, pahayagan at internet


ay kailangan munang suriin bago ito paniwalaan.
___________ 2. Ang pangunahing layunin ng disaster preparedness ay upang
mataya ang pinsalang dulot ng kalamidad.
___________ 3. Ang pagbibigay babala at paalala ay mabisang paraan upang maging
handa ang mamamayan sa mga dapat gawin sa panahon ng pagtama
ng hazard, kalamidad at sakuna.
___________ 4. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa paghahanda
at pagtugon sa panahon ng kalamidad.

13
___________ 5. Ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat matuto ng first aid,
CPR (cardiopulmonary resuscitation), at iba pang mga
kaalaman upang mailigtas ang buhay sa panahon ng sakuna.
___________ 6. Ang survival kit ay ang mga gamot o pang-unang lunas na
ginagamit sa panahon ng karamdaman at sakuna na hindi
inaasahan.
___________ 7. Ang pagbibigay paalala at babala ay ginagawa upang maging
edukado at alerto ang mga opisyal ng barangay sa mga uri ng
hazard na maaaring tumama sa kanilang pamayanan.
___________ 8. Ang mga paaralan ay kabahagi sa paghahanda ng ating
pamahalaan sa posibilidad na pagtama ng kalamidad at
sakuna.
___________ 9. Ayon sa PAGASA, ang babala ng storm signal no. 3 ay may
dalang hangin na umaabot sa 171- 220 kph at inaasahan ang
pagsama ng panahon sa loob ng 12 oras.
___________10. Kapag may banta ng bagyo lumikas kung pinag-uutos ito ng
lokal na pamahalaan at kung walang anunsyo ng paglikas,
manatili sa loob ng tahanan upang maging ligtas.

C. Handa ang Komunidad


Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga wastong impormasyon tungkol sa mga
gampanin ng buong komunidad sa kahandaan ng pagharap sa mga kalamidad at
sakuna. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

Ang Aking Komunidad sa


Pagharap sa Kalamidad
at Sakuna

Gampanin ng Gampanin ng
Lokal na Mamamayan
Pamahalaan

___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________

___________ ___________

14
D. I-konek Mo
Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang Ahensya ng Pamahalaan na nagbibigay ng
babala o paalala sa panahon ng kalamidad na nakasaad mula sa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel (activity sheet).

Hanay A Hanay B
_____ 1. aktibidad ng bulkan, lindol at tsunami
a. DOTC
_____ 2. lagay at sistema ng pampublikong sasakyan
b. DOH
_____ 3. update sa epekto at hakbang para sa
paghahanda sa kalamidad o sakuna c. PAGASA
_____ 4. nagbibigay ng realtime o kasalukuyang abiso d. PHILVOLCS
tungkol sa lagay ng panahon at bagyo. e. CAAP
_____ 5. nangangalaga sa kapakanang pangkalusugan f. DepEd
ng mamamayan g. DSWD
_____ 6. nangunguna sa pagtulong sa mga nasalanta ng h. Bureau of Fire
kalamidad
i. PNP
_____ 7. nagbibigay ng ulat sa mga operasyon at j. DPWH
problema ukol sa byaheng panghimpapawid
k. NDRRMC
_____ 8. nangangasiwa ng proteksyong pangkaligtasan
l. DOST
sa sunog o fire protection
_____ 9. nagpapatupad ng batas at lumalaban sa krimen
_____ 10. nagpapanatili at nagsasaayos ng mga daan

E. Kumpletuhin Natin

Panuto: Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon tungkol sa mga paghahanda


na dapat gawin sa pagharap sa mga kalamidad at sakuna. Isulat ang sagot sa
inilaang sagutang papel (activity sheet).

Kalamidad/Sakuna Bago Habang Pagkatapos

Bagyo

Lindol

Baha

15
F. Loop a Word

Panuto: Mula sa krosalita hanapin sa anumang direksyon ang salita na tinutukoy


sa bawat bilang na nasa ibaba. Bilugan ang salita at isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

D E M E R G E N C Y K I T

L A N D S L I D E O R H S

I B A I U A R O Y I E K U

N O D R I S T G E K I S N

D E S O C I A L M E D I A

O K W A O B A B A L A D M

L H I G U E L U A A A A I

S S T O R M S I G N A L R

A D E L A T A D T I O K P

K A L A M I D A D S T W U

_______________________ 1. Isang malakas na hangin na kumikilos nang paikot,


karaniwang may dalang malalakas na hangin at ulan.
_______________________ 2. Pag-apaw ng tubig sa natural nitong daluyan tulad ng
ilog, sapa, lawa at iba pang anyong tubig na
nagdudulot ng malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
_______________________ 3. Biglaan at mabilis na paggalaw ng lupa na nagiging
sanhi ng pagbibiyak ng mga bato sa ilalalim ng lupa.
_______________________ 4. Higanteng alon na nagaganap matapos ang paggalaw
sa ilalim ng dagat dulot ng lindol.
_______________________ 5. Pagguho ng lupa at isa sa mapaminsalang epekto ng
bagyo at pagbaha.
_______________________ 6. Hindi inaasahang pangyayari mula sa kalikasan na
maaring magdulot ng panganib at sakuna.
_______________________ 7. Tumutukoy sa babala ng lakas o signal ng bagyo.
_______________________ 8. Pagbibigay-kaalaman sa mamamayan tungkol sa
nakaambang panganib o sakuna.
_______________________ 9. Isang lalagyan o bag na naglalaman ng mahahalagang
bagay na magagamit sa panahon ng sakuna o
kalamidad.
_______________________ 10. Makabagong daluyan ng komunikasyon na
tumutulong sa paghahatid ng mga babala at paalala sa
mamamayan.

16
Isaisip

Pag-isipan Mo!
Panuto: Dugtungan sa loob ng kahon ang sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot
sa inilaang sagutang papel (activity sheet).

1. Sa pag-aaral ko ng Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o Disaster Preparedness,


natutunan ko ang__________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Mahalaga ang pagiging handa bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad


at sakuna sapagkat _________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Mapauunlad ko pa ang aking kaalaman sa pagharap sa mga hazard,


kalamidad at sakuna sa pamamagitan ng __________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bilang isang Pilipino sisikapin kong isabuhay ang aking mga natutunan sa
mga aralin na may kaugnayan sa Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o Disaster
Preparedness sa aking pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan
ng_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagtataya ng Kaalaman at Pag-unawa sa Ikalawang Yugto ng DRRM


Plan o Disaster Preparedness

5 – Ang mag-aaral ay may buo at detalyadong kaalaman at pag-unawa sa


Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o Disaster Preparedness.

4 – Ang mag-aaral ay may kaalaman at pag-unawa sa Ikalawang Yugto ng


DRRM Plan o Disaster Preparedness ngunit di ganap na detalyado.

3 – Ang mag-aaral ay may kakulangan sa pag-unawa sa Ikalawang Yugto ng


DRRM Plan o Disaster Preparedness.

2 – Maraming kakulangan sa kaalaman at pag-unawa sa Ikalawang Yugto ng


DRRM Plan o Disaster Preparedness.

1– Walang pasyang maibibigay tungkol sa kaalaman at pag-unawa sa


Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o Disaster Preparedness.

17
Isagawa

Tukoy-Sitwasyon

Panuto: Piliin ang angkop na hakbang sa bawat sitwasyon na nakasaad sa bawat


bilang. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Inabutan ka ng lindol sa loob ng isang gusali, ano ang unang pagtugon na dapat
mong gawin?
A. Mananatili sa loob ng gusali habang lumilindol.
B. Magsasagawa ng drop, cover, hold.
C. Magtatago sa loob ng silid.
D. Lulundag sa palapag ng gusali upang agaran na makalabas.
2. Ang iyong kapamilya ay nakararanas ng sintomas ng kasalukuyang kumakalat
na sakit na COVID19, ano ang nararapat na gawing hakbang ng inyong pamilya?
A. Ililihim ito sa kinauukulan.
B. Hahayaang manatili sa loob ng tahanan ang iyong kapamilya na
nakararanas ng sintomas upang di makahawa ng ibang tao.
C. Dadalhin agad ang pasyente sa ospital upang ito ay matingnan ng doktor.
D. Wala sa nabanggit.
3. Inabutan ka ng baha sa loob ng inyong tahanan, ano ang iyong dapat gawin
upang ikaw ay maging ligtas?
A. Lumikas at pumunta sa pinakamalapit na ligtas na lugar o evacuation
center.
B. Mananatili sa loob ng tahanan upang mabantayan ang mahahalagang
gamit.
C. Aakyat sa bubong ng inyong bahay.
D. Lahat ng nabanggit.
4. Habang ikaw ay nasa paaralan ay nakita mo na nagsisimula na ang sunog sa
inyong silid-aralan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Tatawagin ang iyong kapwa kamag-aral upang patayin ang sunog.
B. Hahanapin mo ang general switch ng inyong paaralan at ito’y iyong
ibababa.
C. Pag-aaralang gamitin ang nakita mong fire extinguisher.
D. Ipagbibigay alam agad sa kinauukulan.
5. May paparating na super typhoon sa inyong lugar, anong paghahanda ang dapat
gawin ng inyong pamilya upang maging ligtas?
A. Tumutok sa mahahalagang balita sa radyo o telebisyon tungkol sa bagyo.
B. Ihahanda ang mga supplies tulad ng pagkain, gamot, tubig, baterya,
flashlight at iba pa.
C. Sisiguruhing matatag at walang sira ang bahagi ng bahay.
D. Lahat ng nabanggit.

18
Tayahin

Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Inilalabas ang public storm warning para bigyan ng babala ang publiko pagdating
sa banta ng masamang panahon kabilang na ang lakas at signal ng bagyo. Ayon
sa PAGASA, ilang public storm warning signals mayroon ang Pilipinas?
A. Apat
B. Lima
C. Tatlo
D. Anim

2. Maituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan sa ilalim ng rainfall warning


na ito. Mapanganib na ang pagbaha at dapat na lumikas na ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar.
A. Yellow Rainfall Advisory
B. Orange Rainfall Advisory
C. Green Rainfall Advisory
D. Red Rainfall Advisory

3. Ang __________ay itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5 mm hanggang 15


mm ng ulan sa susunod na isang oras. Pinapayuhan na maging alerto ang mga
mamamayan sa inaasahang pagbaha sa mabababang lugar.
A. Orange Rainfall Advisory
B. Yellow Rainfall Advisory
C. Green Rainfall Advisory
D. Red Rainfall Advisory

4. Ilang araw nang narararanasan ng ilang bahagi ng Central Luzon ang patuloy na
pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat, dahil dito ang
ahensya ng PAGASA ay nagbabala sa mga mamamayan na maging alerto sa
maaaring badya ng pagbaha sa mga pamayanan lalo na sa mabababang lugar,
anong rainfall warning signal ang tinutukoy dito?
A. Yellow Rainfall Advisory
B. Red Rainfall Advisory
C. Orange Rainfall Advisory
D. Green Rainfall Advisory

5. Anong ahensya ng pamahalaan ang inatasang magbibigay ng mga babala tungkol


sa baha, bagyo at iba pang lagay ng panahon?
A. Philippine Weather Forecast Bureau
B. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration
C. Philippine Institute of Volcanology and Seismology
D. Department of Environment and Natural Resources

19
6. Kamakailan lamang ay hinagupit ng bagyong Ambo ang ilang bahagi ng ating
bansa, kabilang sa nasalanta ay ang mga lalawigan sa Central Luzon, nag-iwan
ito ng matinding pinsala sa buhay at ari-arian ng mga residente. Anong kategorya
ng bagyo napapabilang ang bagyong Ambo?
A. Tropical Depression
B. Severe Tropical Storm
C. Super Typhoon
D. Typhoon Warning
7. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?
A. Manatili sa lugar na malapit sa ilog o dagat.
B. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng pagbaha
C. Magpunta sa bahay bakasyunan ng inyong pamilya.
D. Mamasyal sa mga pook pasyalan tulad ng park o mall.
8. Alin ang tamang pahayag tungkol sa kalamidad o disaster?
A. Ang kalamidad o disaster ay hindi natin maaaring pigilan.
B. Mga pangyayaring dulot ng kalikasan na nagbibigay pinsala sa tao at
kapaligiran.
C. Mga natural na pangyayari sa ating kapaligiran na dapat paghandaan.
D. Lahat ng nabanggit.
9. Ano ang maaaring gawin ng publiko upang maiwasan ang pagkalat ng
pandemyang COVID-19?
A. Panatilihing malakas ang resistensya. Sumunod sa mga kinauukulan.
B. Gumamit ng face mask, alcohol o sanitizer.
C. Pumunta sa matataong lugar.
D. A at B
10. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang layunin ng Disaster Preparedness?
A. Mataya ang kakayahan at kahinaan ng komunidad.
B. Mataya ang lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad
C. Maisaayos at maibalik sa normal ang napinsalang komunidad.
D. Maihanda ang mga mamamayan at buong komunidad sa mga nararapat
gawin sa pagharap sa kalamidad at sakuna.
11. Ang sumusunod ay mahahalagang layunin ng pagbibigay paalala at babala sa
mga mamamayan bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, maliban sa:
A. To advice
B. To announce
C. To inform
D. To instruct
12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahandaan sa panahon ng pagtama ng
kalamidad tulad ng lindol?
A. Pagtatayo ng bahay sa ilalim ng tulay.
B. Kawalan ng kaalaman tungkol sa drop, cover, hold.
C. Pagiging alerto sa mga dapat gawin at kaalaman sa ligtas na lugar para sa
paglikas.
D. Paglalagay ng mabibigat na bagay sa matataas na lugar sa tahanan.

20
13. Kailan natin nalalaman na may bagyong paparating sa ating bansa?
A. Isang oras bago ito dumating, kaya kinakailangan nang agad lumikas.
B. Ilang araw bago pumasok ang bagyo sa ating bansa, kaya may
pagkakataon tayo na makapaghanda.
C. Ilang minuto bago dumating ang bagyo, kaya wala na tayong pagkakataon
na makapaghanda.
D. Lahat ng nabanggit.

14. Ang sumusunod ay mahahalagang hakbang na nakapaloob sa Ikalawang Yugto


ng Disaster Risk Reduction and Management Plan o Disaster Preparedness
maliban sa ________________.
A. Pabibigay ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng radyo at
telebisyon.
B. Pagkakabit ng mga poster o billboard.
C. Pagsasagawa ng barangay assembly.
D. Pagdaraos ng pampamilyang pagtitipon.

15. Ano ang pinakamahalagang bahagi at tungkulin ng mamamayan sa yugto ng


Disaster Preparedness?
A. Pagiging mulat sa mga paalala at babala tungkol sa mga maaaring maging
epekto ng kalamidad at sakuna.
B. Pagiging mulat at aktibo sa mga kahandaan sa pagharap sa mga sakuna
at kalamidad.
C. Pagsunod sa mga kautusan ng pamahalaan ukol sa mga dapat gawin bago
at sa panahon ng pagtama ng kalamidad.
D. Umasa at humingi ng tulong sa pamahalaan sa panahon ng sakuna at
kalamidad.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang ika-


anim na paksa sa ating Unang Markahan- Modyul 6. At handa ka ng harapin ang
mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong
ipagpatuloy ang pagsasagot sa karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong
pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!

21
Karagdagang Gawain

Family Preparedness Plan


Panuto: Makibahagi sa iyong kapamilya at gumawa ng pagpaplano sa mga hakbang
na dapat gawin sa pagharap sa sakuna at kalamidad. Pagtulung-tulungan ito ng
lahat ng miyembrong pamilya. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba upang
makabuo ng planong pangkaligtasan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mahahalagang
gamit na dapat
ihanda

Planong
Mga ligtas na lugar Mga numerong
Pangkaligtasan
na dapat puntahan dapat tawagan
ng Aking
Pamilya

Lokasyon ng
Kaalaman sa pang-
evacuation area sa
unang lunas
aming lugar

22
Islogan ng Kahandaan
Panuto: Gumawa ng islogan na nagpapakita ng kahalagahan ng kahandaan sa
panahon ng kalamidad at sakuna. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

RUBRIC SA PAGTATAYA NG ISLOGAN

Pamantayan Mahusay Sapat Kaunti Kulang


5 4 3 2
1. Pagpapakita ng mensahe

2. Maganda at malinaw na
pagkakasulat ng mga titik

3. Kaangkupan sa paksa

4. Kalinisan ng awtput

23
24
SUBUKIN A. HANDA AKO B. TAMA O C. HANDA ANG
MALI KOMUNIDAD
1. C 1. flashlight
2. A 2. first aid kit 1. tama Ang sagot ay
3. B 3. importanteng 2. mataya- nakabatay sa
4. A dokumento mabawasan pagkaka-unawa ng
5. A 4. pera 3. tama mag-aaral
6. C 5. de-lata 4. tama
7. B 5. tama
8. C 6. survival kit –
E. KUMPLETUHIN
9. D emergency kit
MO
10. B 7. opisyal ng
11. B barangay- Ang sagot ay
12. A mamamayan nakabatay sa
13. B 8. tama pagkaka-unawa ng
14. B 9. 3 - 4 mag-aaral
15. B 10. tama
D. I-KONEK MO F.HANAP SALITA TAYAHIN
ISAGAWA
1. D 1. Bagyo 1. B 1. B
2. A 2. Baha 2. D
2. C
3. B
3. K 3. Lindol 3. A 4. C
4. C 5. B
4. Tsunami 4. D 6. C
5. B
5. Landslide 7. B
5. D
6. G 8. D
6. Kalamidad 9. C
7. E
10. D
7. Storm signal
8. H 11. B
8. Babala 12. C
9. I
13. B
10. J 9. Emergency kit 14. D
15. B
10. Social media
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. 1st ed. Pasig City:
Department of Education.
K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga
Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. 1st ed. Pasig City:
Department of Education.
"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource
Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.
"How To Make Sense Of PAGASA’S Color-Coded Rainfall Advisories | GOVPH".
Official Gazette Of The Republic Of The Philippines, 2020.
https://www.officialgazette.gov.ph/how-to-make-sense-of-pagasas-color-
coded-warning-signals/.
"Public Storm Warning Signals". Philippine Atmospheric, Geophysical And
Astronomical Services Administration, 2020. http://bagong.
pagasa.dost.gov.ph/learning-tools/public-storm-warning-signal.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)

Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like