Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kaligiran at Katangian ng mga
Isyu at Hamong Panlipunan
Alamin
Matapos ang talakayan sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makakamit ang mga
sumusunod na layunin:
1
Subukin
PAGKILATIS SA AKING SARILI
A. Panuto: Pag-isipan mong mabuti ang mga sumusunod na PAGLALARAWAN
sa tseklist sa ibaba. Basahin mabuti ang bawat aytem at sagutin mo ito ng
may buong katapatan. Lagyan ng tsek ( ) ang hanay na naayon sa iyong
sagot. Gumamit ng sagutang papel para sa mga gawain.
2
TSEK-O-EKIS; PAGKILATIS NG MGA PANGYAYARI SA PALIGID
B. Panuto: Basahin at suriin ang bawat mga pangyayari. Lagyan ng tsek kung
maituturing itong kontemporaryong isyu at ekis naman kung hindi.
3
Balikan
TALASALITA-HUNT
PANUTO: Bumuo ng mga salita mula sa jumbled letters bilang sagot sa mga
tanong sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa iyong Journal notebook.
S O C I O L O G I C A L I M A G I N A T I O N
S A Y S R P A G K A M A M A M A Y A N S N S O
B N E Y T D A I G D I G T W M V A T Q L M I A
A E L U E V O L T R E B L A U I H F I R B N R
S H U N E M P L O Y M E N T L Z U V O R A O U
U L V G P E R S O N A L B L A C B N D N U D T
R O L I K A S Y A M A N O K T Y A J U K W S L
A L O Y R A R O P M E T N O K Q S P E C R O U
N O S Y A J O R W Q E P A N I N I W A L A T K
P A G K I L A L A S A S A R I L I O S U R I V
4
6. Kakayahang matukoy ang mga kaalamang kailangan pang matutunan at kung
paano ito nakaiimpluwensya sa pag-unawa sa sariling paraan ng pag-iisip at
pagkilos. _______________________________
7. Tumutukoy sa pagiging kasapi o miyembro na may matapat na tungkulin sa
lupaing sinilangan o bansang kinabibilangan ___________________
8. Ito ay nangangahulugan ng mga paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa
lipunan _______________________
9. Sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho o
hanapbuhay ________________________
10. Isang uri ng lason kabilang ang mga baktirya at arkeya na nakahahawa sa lahat
ng uri ng anyong buhay gaya ng tao, hayop at halaman hanggang sa mga mikro-
organismo ___________________
5
Tuklasin
GAWAIN 1: TUKLAS-AWIT (Mapanuring Pag-iisip)
A. Panuto: Damhin mo ang liriko ng awitin upang masuri at matuklasan ang
mensahe nito. Sagutin ang mga pamprosesong tanong gamit ang iyong sagutang
papel.
Link: https://www.azlyrics.com/lyrics/bamboo/tatsulok.html or
https://www.youtube.com/watch?v=hI3T_D8TCUk
6
Suriin
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga
pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang
lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang
maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” (Mooney, 2011)
2. Social Group- Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may
magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo
ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group: ang primary
group at secondary group. (Mooney, 2011)
A. Primary group- ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga
indibidwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa
nito ay ang pamilya at kaibigan.
B. Secondary group - ay binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan
sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong
uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan
ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga
manggagawa sa isa’t isa.
7
3. Status- Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibidwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status: ito ay ang
ascribed status at achieved status.
A. Ascribed Status- Nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay
ipinanganak at hindi nya kontrolado.
B. Achieved Status- Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang
pagsusumikap kaya’t maari nya itong mabago.
8
SIMULAN MO DITO!
A. i-Link mo sa Talasalita-Hunt (Itala sa Journal Notebook)
1. Ano ang lipunan base sa sarili mong pakahulugan? Paano inilalarawan ng mga
sosyologo ang lipunan?
2. Ilahad ang papel na ginagampanan ng mga sumusunod na institusyon sa
lipunan: a. Pampamilya b. Pang-Edukasyon c. Pampamahalaan
d. Pang-Ekonomiya e. Pangrelihiyon
PAGBASA NG SIPI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sipi na naglalaman ng ideya at mga
impormasyon hinggil sa paksa. Maaari mong gamitin ang iyong Journal
Notebook sa pagtatala ng mga mahahalagang detalye na mababanggit sa mga
pahayag ng sipi.
9
Ang isyung panlipunan ay maituturing na isang pampublikong usapin.
Nakaaapekto ito hindi lamang sa isang tao kundi sa malaking bahagi mismo ng
lipunan. Bagama’t may mga pangyayari sa ating buhay na maituturing natin na
isyung personal at maaaring makaapekto sa mga malalapit na tao na nakapaligid
sa atin, ang solusyon sa mga ganitong isyu ay nasa kamay pa rin ng indibidwal
at maituturing na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong
pamamaraan.
10
Paalala: Bilang paghahanda at pagpapatuloy mo sa mga kaugnay na paksa,
ipinaaalala sayo na gumamit parati ng iyong kwaderno o ng windows journal.
Huwag mo ding kalimutan na magtala ng mga mahahalagang impormasyon na
makatutulong sa iyo sa pagpapalawak ng iyong karagdagang mga kaalaman.
Link; https://www.digitalcitizen.life/first-steps-using-windows-journal
11
Mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu ng lipunan
at daigdig. Nalilinang tayo bilang mabuting mamamayan. Nalilinang din nito ang
mga sumusunod; (1) Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan upang makalahok sa mga makabuluhang gawain para sa ikabubuti
ng pamumuhay ng pamayanan, bansa at daigdig. (2) Pang-unawa at paggalang
sa mga batas at alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa, pag-unlad, at
pagkaroon ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig. (3) Pang-unawa
sa iba’t ibang aspekto ng mga suliranin at isyu ng lipunan: heograpiya,
ekonomiya, kultura, pamahalaan, at pansibiko gamit ang mga kasanayang
nalinang sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina; (4) Pagpapahalaga sa sama-
samang pagkilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga pambansa at
pandaigdigang suliranin; (5) Masidhing damdaming makabayan, makatao,
makakalikasan, at makasandigan na mag-uudyok upang maging produktibo at
makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa kasalukuyan at pagpapanday ng
maunlad at mapayapang pamayanan, bansa at mundo; (6) Aktibong pagganap
sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan, at
pamayanan.
Pagyamanin
GAWAIN 3: Mag- SSS muna tayo!
A. (Sitwasyon sa Sociological Imagination at naging Solusyon)
Ikalawang hanay- ilahad ang sanhi at epekto ng mga sitwasyon gamit ang
Sociological Imagination.
Ikatlong hanay- maglahad ng tugon kung paano mabibigyan ng solusyon ang mga
inilunsad na isyu. Inaasahan ko ang pagtupad mo sa gawaing ito.
12
Sociological
Sitwasyon Solusyon
Imagination
13
B. Panuto: Maglahad ka ng isang sitwasyon buhat sa sariling karanasan na
maituturing mo na isyung personal o isyung panlipunan. Tukuyin ang mga
naging sanhi at epekto nito gayon din ang mga naging solusyon mo ukol dito.
Gawin mo ito sa iyong Journal Notebook gamit ang gabay na graphic organizer
sa ibaba.
Isyu
Epekto
Solusyon
C. Panuto: Matapos mong basahin ang sipi tungkol sa paksang tinalakay, ilahad
mo mula sa kolum sa ibaba ang sa iyong palagay ay pinakamahalagang
benepisyo na makukuha sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu.
14
Isaisip
Sanggunian: Antonio, Eleonor D., Et.al, Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu, Rex
Bookstore Inc, 2007 pahina 12-13
15
Puntos Pagkilatis ko sa Aking Sarili Naging Tugon
>Kumukuha ng malinaw at
makabuluhang kaalaman tungkol sa
mahahalagang kaganapan na
nakaiimpluwensya sa mga tao,
pamayanan, bansa at sa mundo.
16
MAHALAGA ANG IYONG REAKSYON! (PAGBUO NG KATAUHAN)
Panuto: Tugma ba ang interpretasyon sa naging iskor mo? Ilahad ang iyong
damdamin gamit ang emoticon react kaugnay sa naging rebelasyon ng iyong
puntos. Magkomento at i-type ito sa nakalaang kahon sa ibaba.
17
Isagawa
RED
YELLOW
GREEN
18
Tayahin
BASAHIN AT UNAWAIN
Panuto: Tayahin mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot.
19
8. Ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag ay naglalarawan sa
kontemporaryong isyu, alin ang hindi?
A. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
B. May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mamamayan
C. Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o
impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon
D. Layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuru-kuro
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na kahalagahan ng pagiging mulat
sa mga kontemporaryong isyu?
A. nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang
mag-aaral
B. paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa
C. pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas
nagiging mapagmatyag, matalino at produktibong mamamayan
D. wala sa nabanggit
Karagdagang Gawain
20
21
Susi sa Pagwawasto
22
23
JOURNAL LOGGING: (1) Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan upang makalahok sa mga makabuluhang gawain para sa ikabubuti ng
pamumuhay ng pamayanan, bansa at daigdig. (2) Pang-unawa at paggalang sa mga
batas at alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa, pag-unlad, at pagkaroon ng
kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig. (3) Pang-unawa sa iba’t-ibang aspekto
ng mga suliranin at isyu ng lipunan: heograpiya, ekonomiya, kultura, pamahalaan, at
pansibiko gamit ang mga kasanayang nalinang sa pag-aaral ng iba’t-ibang disiplina; (4)
Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga
pambansa at pandaigdigang suliranin; (5) Masidhing damdaming mkabayan, makatao,
makakalikasan, at makasandigan na mag-uudyok upang maging produktibo at
makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa kasalukuyan at pagpapanday ng maunlad
at mapayapang pamayanan, bansa at mundo; (6) Aktibong pagganap sa mga gawain at
tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan, at pamayanan.
Iba Pang Sagot