You are on page 1of 10

1

ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

Pangalan: _______________________________________
Pangkat: ________________________ Guro _________________________

Aralin

6 Tugon ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga Isyu ng


Karahasan at Diskriminasyon

I. Layunin: MELC/Kasanayan: Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan


sa Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. Learning Code: AP10KI-Ic-3

Inaasahan
Sa iyong kaalaman na natutuhan mula sa huling aralin tungkol sa iba’t ibang
isyu ng karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan at LGBT, ang bahaging ito ay
magbibigay-diin naman sa mahalagang gampanin ng pamahalaan upang tumugon sa
mga isyung ito. Inaasahan na mamulat ang iyong kaisipan at bilang mamamayan ay
maging bukas sa mga suliraning pangkasarian sa pamamagitan ng pag-alam sa mga
batas na ipinatutupad sa ating bansa at mga samahan na nagsusulong ng pantay na
karapatan sa kasarian.
Sa huli, bilang isang mag-aaral, ikaw ay maging aktibo sa pag-alam nang iyong
karapatan at maging kabahagi sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay sa anumang
uri ng kasarian.

Paunang Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot
sa patlang bago ang bilang.
___ 1. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay
nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang
tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad labing-lima (15) pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating
asawang babae

___ 2. Ano ang pangunahing layunin ng Magna Carta for Women?


A. Mabigyan ng pagkakapantay-pantay ang babae at lalaki
B. Mabigyan proteksyon ang babae laban sa mga lalaki
C. Alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan
D. Isulong ang mga programang magbibigay tulong sa kababaihan
___ 3. Ang mga sumusunod ay saklaw ng Magna Carta for Women maliban sa:
A. marginalized woman C. women in especially difficult circumstance
B. bata at matandang babae D. mga babaeng mahihirap lamang
___ 4.Sino ang pangunahing tagapagpatupad ng Magna Carta for Women?
A. pamahalaan B. hukom C. mambabatas D. civil society

AP 10 Qrt 3. Week 6
2
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

___ 5. Ayon sa Anti-Violence Against Women, ito ay may pangunahing layunin na


bigyan proteksyon ang _______ at ___________ .
A. kababaihan at mga anak C. kababaihan at matatanda
B. kababaihan at mga bata D. kababaihan at mahihirap
___ 6. Ang Women in Especially Difficult Circumstances ay mga babaeng nasa
panganib na kalagayan o mga biktima ng pang-aabuso at karahasan. Ang mga
sumusunod ay halimbawa nito maliban sa _______.
A. illegal recruitment B. digmaan C. prostitusyon D. migrante
___ 7. Ano ang marginalized women ayon sa Magna Carta for Women?
A. mga babaeng biktima ng iba’t ibang illegal na gawain laban sa kababaihan
B. mga babaeng wala o may limitadong kakayahan matamo ang edukasyon
C. mga babaeng mahihirap o nasa hindi panatag na kalagayan
D. mga babaeng bumubuo sa civil society
___ 8. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng marginalized women maliban sa
A. magsasaka B. manggagamot C . katutubo D. mangingisda
___ 9. Ang mga sumusunod ay saklaw ng VAWC maliban sa ____________ .
A. kasalukuyan o dating asawang babae
B. babaeng may kasalukuyan o dating karelasyon
C. mga lehitimong anak ng babaeng ina
D. mga anak na wala pang kakayahan alagaan ang sarili
___10. Sino ang maaaring magsagawa ng krimen na lalabag sa Anti Violence Against
Women?
A. kasalukuyan o dating asawa C. lalaking ngakaroon ng anak sa babae
B. kasalukuyan o dating karelasyon D. mga lalaki na iniwanan ng asawa

BALIK-TANAW
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot
___ 1. Ang pagbuo ng Prinsipyong Yogyakarta ay hinango ng 27 eksperto ng SOGI sa
balangkas nang _____.
A. UDHR B. WHO C. CEDAW D.UN
___ 2. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito “LGBT rights is also human rights”.
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
B. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
C. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao
___ 3. Ang Prinsipyo 16 sa Yogyakarta ay naglalahad nang _______.
A. Karapatan sa Edukasyon C. Karapatan sa Buhay
B. Karapatan sa Trabaho D. Karapatan sa sa Buhay Pampubliko
___ 4. Ang mga sumusunod ay layunin ng CEDAW maliban sa:

A. Ipinagbabawal ang lahat ng aksiyon umaagrabyado sa kababaihan.

B. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng kasarian

AP 10 Qrt 3. Week 6
3
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

C. Pag-atas sa mga state parties na sugpuin ang anumang uri ng diskrimiasyon


sa kababaihan

D. Paghamon sa mga state parties na baguhin ang stereotype na


nagdidiskrmina sa mga babae

___ 5. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na may


komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan.

A. Prinsipyong Yogyakarta C. CEDAW

B. UDHR D. LEAP

.
PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Ang pandaigdigang kasunduan na nilagdaan at nilahukan ng iba’t ibang estado
sa mundo ang naging batayan nang maraming bansa upang magsulong ng mga
pamamaraan kung paano mabibigyan nang karapatan at proteksiyon ang mga
kabababaihan at maging LGBT. Sa iba’t ibang isyu at hamong pangkasarian na ito,
ang mga mamamayan ay nangangailangan ng tulong mula sa kanyang pamahalaan
bilang (primary duty bearer) o pangunahing tagapagpatupad ng mga batas na kikilala
at magbibigay proteksyon sa mga mamamayan nito anumang kasarian ang estado
nila sa buhay. Sa puntong ito, halina’t alamin ang tugon ng pamahalaan at
mamamayan ng Pilipinas sa Isyung Pangkasarian sa ating lipunan.

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT OF 2004 (R.A. 9262)

Ito ay isang batas na nilikha upang mabigyan ng proteksiyon ang mga


kababaihan at kanilang mga anak laban sa anumang uri ng karahasan at
nagbibigay lunas sa mga biktima nito . Ito ay kilala din sa pinaikling tawag na
VAWC.

Ang kababaihan ayon sa batas na ito ay tumutukoy sa mga sumusunod:

(a. kasalukuyan o dating asawang babae; b. babaeng may kasalukuyan o dating


karelasyon sa isang lalaki ; c. babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon).

Ang mga anak naman ay tumutukoy sa mga sumusunod:

(a. anak ng babaeng inabuso (lehitimo man o hindi); b. mga anak na wala pang
labin-walong taong gulang (18) at pataas na wala pang kakayahang alagaan o
ipagtanggol ang sarili; c. kabilang rin ang mga hindi tunay na anak ng isang
babae ngunit nasa pangangalaga niya).

Ang mga maaaring magsagawa ng krimen na ito ay mananagot sa batas at ito ay


ang sumusunod: (kasalukuyan at dating asawang lalaki, kasalukuyan o dating
kasintahang at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa
babae at mga lalaking nagkaroon ng sexual or dating relasyon sa babae)

MAGNA CARTA FOR WOMEN (R.A. 9710)

Ito ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 na layuning alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasyon laban sa kababaihan at itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng
mga babae at lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa CEDAW.

AP 10 Qrt 3. Week 6
4
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

Sa batas na ito, layunin nitong alisin ang stereotype o maling pananaw sa


kababaihan bilang mahina at iba pang paniniwala na taliwas sa pagkakapantay-
pantay na karapatan ng kababaihan.

Saklaw ng batas na ito ang lahat ng babaeng Pilipino anuman ang edad, estado
sa buhay, pinag-aralan, relihiyon at pinagmulan.

Binibigyang pansin ng batas na ito ang batang babae, matatanda, may


kapansanan at mga babae sa larangan ng marginalized woman at women in
especially difficult circumstances.

Ang Marginalized Women ay ang mga babaeng nasa gitna ng kahirapan o nasa
hindi maayos na kalagayan. Halimbawa nito ay mga babaeng wala o limitadong
kakayahan sa pangangailangan gaya ng mangingisda, magsasaka, migrante,
mga babaeng Muslim o katutubo.

Ang Women in Especially Difficult Circumstances ay mga babaeng nasa gitna ng


panganib gaya ng pang-aabuso, armadong sigalot gaya ng digmaan-sibil, biktima
ng illegal recruitment, prostitusyon at mga babaeng nakakulong.

ANTI-SEXUAL HARASSMENT ACT OF 1995 (R.A. 7877)

Ito ang batas na nagbibigay proteksyon sa lahat ng indibidwal laban sa anumang


seksuwal na karahasan sa kanilang hanapbuhay, pag-aaral, at sa lipunang ginagalawan.
Ilan sa mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito ang anumang seksuwal na pang-
aabuso sa kanilang trabaho at edukasyon kapalit ng paborableng sitwasyon. Halimbawa
nito ay ang pamimilit sa mga babae na magkaroon ng pagtatalik kapalit ng posisyon o
magandang marka sa paarlan). Ang sinumang mapatunayan na nagkasala sa batas na
ito ay may parusang pagkakakulong at pagmumulta batay sa bigat ng nagawang
kasalanan.

ANTI-DISCRIMINATION BILL

Marami na ang sumubok ng panukang batas na ito na may iba’t ibang sariling bersiyon
sa isinusulong ng iba’t ibang grupo ng LGBT at maging ng ilan mambabatas para sa
layuning alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon at bigyan ng pantay na karapatan ang
mga mamamayan na kabilang sa LGBT. Ito ay kasalukuyang naging mainit na usapin sa
Kongreso nang ang panukalang batas ay hindi binigyan ng pagsang-ayon nang mayorya
at hindi umusog gaya ng sikat na bersyon ng Anti-Discrimination Bill na kilala sa tawag
na SOGIE Bill nitong 2019. Sa pag-usad ng panukalang batas, may ilan grupo ng
mambabatas pa rin ang tutol dito dahil sa isyu ng same sex marriage na pangunahing
paksa ng debate na lumalabas sa balita. Gayunpaman, ang may-akda partikular sa
bersyon ni Rep. Geraldine Roman ng panukalang batas na ito ay iginigiit na ang SOGIE
Bill ay para sa pantay na karapatan ng mga LGBT sa ating lipunan na kadalasan
nagiging biktima ng diskriminasyon at karahasan. Sa panukalang batas na ito,
inaasahan na ang pamahalaan ay maglahad ng kanilang suporta at magsusulong sa
matagal nang ipinaglalaban ng mga mamamayan natin na kabilang sa LGBT.

Sa kabilang banda, may ilan ordinansa naman sa tulong ng mga lokal na lider ng
lungsod-pamahalaan ang nagpapatupad ng Anti-Discrimination gaya ng Ordinance No,
SP 2357 An Ordinance Providing for a Comprehensive Anti-Discrimination Policy on the
Basis of Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) na ipinatutupad sa
Lungsod ng Quezon.

AP 10 Qrt 3. Week 6
5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

Sa ordinansang ito sa lungsod ng Quezon na kilala sa bansag na Gender Fair advocate


mula sa pangunguan ng kanilang Mayor Joy Belmonte, ang sinuman mapatunayan sa
pagpapakita ng diskriminasyon o karahasan sa LGBT ay mananagot at may kaukulang
parusa sa kanilang lungsod.

Samantala, alamin naman natin ang ilang samahan sa Pilipinas na tumutugon sa mga
Isyung Pangkasarian:

GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership and Action)

Ito ang samahan na nagsimula noong 1984 at binuo ng mga kababaihan sa Pilipinas na
nagsulong ng karapatang-pantao, proteksyon laban sa anumang karahasan o
diskriminasyon at programang kakalinga sa mga babaeng nalalagay sa hindi panatag na
sitwasyon.

Ito rin ay nakilala na GABRIELA Women’s Partylist na bukod-tanging partido-politikal


para sa kababaihan sa Pilipinas na kabilang sa Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng
ating Kongreso na nagsusulong ng batas para sa mga isyung pangkasarian sa ating
lipunan.

PROGAY Philippines

Ang samahan na ito ay unang nagsimulang makilala noong ika-26 ng Hunyo, 1994 sa
pangunguna ni Oscar Atadero katuwang ang Metropolitan Community Church (MMC)
nang sila ay nag-martsa sa Quezon City Memorial Circle na nakilala sa gawain na Pride
March. Ito ay martsa ng protesta kung saan ang kaganapan ay nilahukan ng iba’t ibang
miyembro ng LGBT. Ito din ay kasalukuyan pa rin umuusbong hanggang sa dumadami
ang kanilang taga-suporta hindi lamang sa hanay ng LGBT kundi maging sa mga
kababaihan at kalalakihan na nakikiisa sa pagprotesta nang diskriminasyon at
karahasang nararansan ng mga LGBT sa ating lipunan.

Gabay na Tanong

1. Ano ang papel ng pamahalaan sa pagtugon sa mga Isyung Pangkasarian sa


lipunan?

2. Ano ang nilikhang batas sa Pilipinas para sa mga iba’t ibang isyung pangkasarian?
Ipaliwanag ang pagkakaiba ng bawat isa.

3. Ano ang tugon ng mamamayan sa pagsulong ng Karapatan at proteksyon sa mga


kababaihan?

4. Sa iyong pananaw, bakit kailangan lumikha ng mga batas para sa kababaihan at


LGBT ? Ipaliwanag.

GAWAIN
I.KOMIK-SENARYO. Basahin at sagutan ang Pamprosesong Tanong sa ibaba ng
larawan.

AP 10 Qrt 3. Week 6
6
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

Pamprosesong Tanong:

1. Ilarawan ang karakter ng bawat miyembro ng pamilya batay sa ipinapakitang


senaryo.

A. Nanay - ___________________________________________________________________

B. Tatay - ____________________________________________________________________

C. Anak - ____________________________________________________________________

.2. Anong isyung pangkasarian ang inilalarawan ng komiks na ito? Ano ang iyong
damdamin ukol dito?
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

3. Anong batas sa Pilipinas ang maaring magbigay proteksiyon sa sitwasyon


ipinapkita? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

II. KOMIK-REPLEKSYON SA SARILI

Panuto: Gumawa ng iyong sariling komik na nagpapakita ng kadalasang isyung pangkasarian


sa inyong tahanan. Gawin batayan ang iyong sariling Gender Identity sa gagawin komiks.
(Maaring 5-10 usapan ang maaring ipakita upang makabuo ng senaryo (SUNDIN ANG
PAMANTAYAN NA IBIBIGAY NG GURO SA PAGGAWA NG KOMIKS)

TANDAAN

Ang samahan ng mga kababaihan na


nagsusulong ng reporma sa sektor ng mga
kababaihan sa ating lipunan at
tumatayong nag-iisang kinatawan ng
GABRIELA kababaihan sa Kongreso bilang isang
Partido politkal

Ito ay samahan ng mga LGBT na nakilala


sa ginanap na Pride March noong 1994 at
patuloy na nagsusulong ng karapatan para
PROGAY sa kanilang sektor na kinabibilangan.

Ito ang batas laban sa mga


kababaihan na nakakaranas Anti-Sexual Harassment
na seksuwal na pang-aabuso Act of 1995
sa kanilang trabaho, paaralan
at pamayanan.

Mahalagang ang mamamayan ay mulat sa mga karapatan sa pantay na


kasarian upang maipagtanggol ang sinuman naapi dahil sa karahasan at
diskriminasyon sa ating lipunan.

AP 10 Qrt 3. Week 6
7
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

Pag-alam sa mga Natutuhan


Mula sa kakatapos lamang na aralin, sukatin natin ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pagkumpleto ng iyong kaisipan sa bawat simula ng titik na
bumubuo sa salitang BABAE, LALAKI at LGBT. Bumuo ng mga salita o pahayag na
maglalahad ng iyong natutuhan.

B-
A-
B-
A-
E-

L-
A-
L-
A-
K-
I-

L-
G-
B-
T-

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
I. Multiple Choice: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
____ 1. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 ay isang batas
na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak. Sino
ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad labing-lima (15) pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranasng pang- aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating
asawang babae.

AP 10 Qrt 3. Week 6
8
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

____ 2. Ang paglikha ng batas para sa mga kababaihan ay pagtupad ng pamahalaan


bilang state-parties na alinsunod sa internasyunal na kasunduan na ___________.
A. UDHR B. CEDAW C. UNCLOS D. Prinsipyong Yogyakrta
____ 3. Ang mga sumusunod ang maaring kasuhan sa batas ng VAWC maliban sa ____
A. kasalukuyan o dating asawang lalaki C. lalaki na may anak sa babae
B. kasalukuyan o dating karelasyon na lalaki D. anak na lalaki
____ 4. Sino ang pangunahing primary duty bearer sa batas na Magna Carta for
Women?
A. mamamayan C. civil society
B. pamahalaan D. kababaihan
____ 5. Ang mga sumusunod ay tinuturing na mga anak sa batas na Anti-Violence
Against Women and Their Children Act of 2004 maliban sa __________.
A. mga anak ng babae leitimo man o hindi
B. mga anak sa pangangalaga ng ama
C. mga anak sa pangangalaga ng ina
D. mga anak na nasa 18 taong gulang pababa
___ 6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng marginalized woman?
A. Si Tinay ay anak na nagmula sa angkan ng mga Zaragosa na nagmamay-ari
ng hacienda sa kanilang probinsya.
B. Si Bella ay nakapagtapos ng pag-aaral ang kasalukuyang nagtuturo sa
pampublikong paaralan.
C. Si Krisa ay naninirahan sa bundok kung saan madalas nagkukuta ang mga
komunistang grupo.
D. Si Ritchie ay isang kasamabahay habang masinop na sabay na nag-aaral
habang naghahanap-buhay upang may matustos sa pangangailangan.
____ 7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng women in especially difficult
circumstances?
A. Si Tinay ay anak na nagmula sa angkan ng mga Zaragosa na nagmamay-ari
ng hacienda sa kanilang probinsya.
B. Si Bella ay nakapagtapos ng pag-aaral ang kasalukuyang nagtuturo sa
pampublikong paaralan.
C. Si Krisa ay naninirahan sa bundok kung saan madalas nagkukuta ang mga
komunistang grupo.
D. Si Ritchie ay isang kasamabahay habang masinop na sabay na nag-aaral
habang naghahanap-buhay.
____ 8. Ang Magna Carta for Women ay isininabatas noong Hulyo 2, 2008 bilang
Republic Act __.
A. R.A. 9262 B. R.A. 9710 C. R.A. 9626 D. R.A. 9701
____ 9. Ang sumusunod ay naglalahad sa batas ng Magna Carta for Women maliban
sa _____.
A. Ito ay layuning alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon sa mga
kababaihan.
B. Ang lahat ng babaeng Pilipino ay sakop ng batas na ito.

AP 10 Qrt 3. Week 6
9
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

C. Ang layunin nito ay mawala ang anumang stereotype, kostumbre at maling


paniniwala sa mg kababaihan.
D. Ito ay nagtataguyod ng karapatan ng kasarian sa anumang uri ng iyong
kasarian.
____ 10. Anong lungsod ang nagpapatupad ng Anti Discrimination Ordinance para sa
mga LGBT at kilala bilang Gender Fair sa kanilang lugar?
A. Caloocan B. Quezon City C. Makati D. Pasig

PAGNINILAY

Sa mahabang panahon na ang kababihan at LGBT ay itinuturing na mababang


kasarian kaysa sa kalalakihan, ito ay nagdulot ng iba’t ibang karahasan at
diskriminasyon sa kanilang pamumuhay. Bunga nito, unti-unting namulat ang
lipunan sa hindi pantay na pagtingin at binigyan pansin ang papel ng kababaihan at
LGBT na gaya ng anumang kasarian ay may malaking ambag sa pag-unlad ng isang
bansa.
Sa pagtatapos ng araling ito, binabati kita! Mahalagang malaman na mayroon
batas na nagbibigay karapatan, proteksiyon at suporta sa karapatan sa kasarian sa
ating lipunan nang sa gayon ay matigil ang anumang karahasan at diskriminasyon na
tila naging kultura na nang iilan.
Maging mamamayan na may pakialam at isulong ang pantay na pagtingin sa
anumang kasarian

AP 10 Qrt 3. Week 6
10
ARALING PANLIPUNAN 10- IKATLONG MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL- Week 6

PANGALAN: _________________________________________________________

PANGKAT: ____________________________ Guro: _______________________

Paunang Pagsusulit
1. 6.
2. 7.
3. 8.

4. 9.
5. 10.

Balik-Tanaw
1.
2.

3.

4.

5.

Gabay na Tanong: ilagay ang sagot sa iyong kwaderno

GAWAIN: KOMIK-SENARYO : Ilagay sa iyong portfolio ang iyong kasagutan at gawain

PAG-ALAM SA NATUTUHAN : Ilagay sa portfolio ang iyong sagot


Mula sa kakatapos lamang na aralin, sukatin natin ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pagkumpleto ng iyong kaisipan sa bawat simula ng titik na
bumubuo sa salitang BABAE, LALAKI at LGBT. Bumuo ng mga salita o pahayag na
maglalahad ng iyong natutuhan.

Pangwakas na Pagsusulit
1. 6.

2. 7.

3. 8.
4. 9.

5. 10.

AP 10 Qrt 3. Week 6

You might also like