You are on page 1of 10

TALOBATIB HIGH SCHOOL

Purok 4, Talobatib, Labo, Camarines Norte

Q3- MODIFIED LEARNING ACTIVITY SHEET (MLAS)


GAWAING PAGKATUTO: Bilang 03

Pangalan ng Mag-aaral : ________________________________________________________________________


Asignatura (Subject) : ARALING PANLIPUNAN Antas: Grade 10: Seksyon(Class) :
______________________
Petsa ng Pagbigay: : April 12, 2021 Petsa ng Pagsumite/Pagsauli sa Guro: April 19, 2021

PAALAALA: PAGKATAPOS NA ITO AY MABASA AT MAUNAWAAN ANG NILALAMAN AY, GAMIT ANG
BALLPEN, SAGUTAN ANG LAHAT NG MAKIKITA NINYONG MGA KATANUNGAN AT ISULAT ANG SAGOT AYON
SA HINIHINGI NG PANUTO AT IBALIK SA GURO ANG SAGOT AYON SA NAKATAKDANG PETSA O PWEDI RIN
SA PAMAMAGITAN NG TEXT SA CELL PHONE O SA MESSENGER NG IYONG GURO MARAMING SALAMAT!

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon
1. Nakatutukoy ng mga batas na nagbibigay proteksiyon at nagsusulong sa kapakanan ng mga kalalakihan,
kababaihan at LGBTQIA+;
2. Nakapagpapaliwanag ng tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+; at
3. Nakapagpapakita ng kahalagahan sa pagtugon ng pamahalaan at ng iba’t ibang samahan sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.

PAKSA: Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan


LESSON 3 at Diskriminasiyon

II. PANIMULANG KONSEPTO

Subukin Mo!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot sa isang papel.
1. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay
lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito.
A. Women and Children Act C. Act for Women and Children in Discrimination
B. Anti-Children and Women Act Bill D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
2. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for Women.
A. Samahang Gabriela C. Powerful Women of the Society
B. Marginalized Women D. Women in Especially Difficult Circumstances
3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty bearer
ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan B. pamahalaan C. senado D. simbahan
4. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-
aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng nakakulong.
A. Women of the Society C. Especial Women in Difficult Circumstances
B. Able Women of the Society D. Women in Especially Difficult Circumstances

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
5. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang
alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women C. Women for Magna Carta Act
B. Women Discrimination Bill D. Act Against Women Discrimination
6. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community
quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women C. Focused Women of the Society
B. Women in Marginal Society D. Women in Especially Difficult Circumstances
7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng
mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang state party sa Convention on the Elimination
of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon.
D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan
8. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng:
A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang layunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng pang-
aabuso at diskriminasyon
9. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang- tao. Bilang isang
empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang
asawa?
A. Maternity Leave C. Leave for Fathers
B. Paternity Leave D. Paternity Leave of Absence
10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehinsibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong
kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst Women
D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Agianst Women
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon,
relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod
na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang
larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.

Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.

Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong
sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Balikan
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga karahasan at diskriminasyong ipinakikita ng mga
ito. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.

Ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay makaranas o makasaksi ng karahasan at diskriminasyong ipinakita
sa mga larawan?

SAGOT:

III. PANIMULANG GAWAIN

A. Ipaliwanag:

Sa iyong palagay ano ang pinakamahalagang nagagawa ng Magna Carta para sa kababaihan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
B. Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin maaalis sa ating lipunan ang
patuloy na pakikibaka ng mga iba’t ibang kasarian upang makaiwas sa mga karahasan at iskriminasyon.
Sa bansang patuloy na nangingibabaw ang batas, may pagkakataon pa kayang maipakita ng mga
kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+ ang angking husay nang walang mararanasang diskriminasyon at
karahasan?
Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang malaman mo kung paano mabibigyang proteksyon at
benepisyo ang mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.

Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women .
Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang The Women’s
Convention
o ang United Nations Treaty for the Rights of Women . Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979, kaalinsabay
ng
pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at
niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot na sa 180 bansa mula
sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong
Setyembre 3, 1981 o 39 taon na ang nakararaan noong 2006, subalit kaunti pa lang ang nakaaalam nito.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?


Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at ‘di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin
ang State Parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Ang State Parties ay inaasahang:
1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong
mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang, kondisyon at karampatang
aksiyon; at
4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad
ang mga tungkulin sa kasunduan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act


(Republic Act No. 9262)
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan
laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at
nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng
proteksiyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan”
sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o
nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak”
naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong
gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae
ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit atmaaaring
kasuhan ngbatas na ito?
Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga
kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga
lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
Maliban sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa ring batas sa Pilipinas na
nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan.

Magna Carta for Women(Republic Act No. 9710)


Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki
sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng
pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan
ng kababaihan ay karapatang pantao.
Ano-ano ang responsibilidad ng pamahalaan upang maproteksiyunan ang mga kababaihan at mga anak nito
sa ilalim ng batas na ito?

Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty
bearer ng komprehensibong batas na ito. Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na
proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan
upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad
ng mga batas, patakaran at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo
sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis
ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang
panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay
ang mga babae at lalaki.

Sino ang saklaw ng Magna Carta?


Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng bukod na pansin ang
kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan,
Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa hindi panatag na kalagayan. Sila
ang mga wala o may limitadong kakayahang matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang-
bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib
na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga
biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng nakakulong.
Matapos mong mabasa ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan, ngayon naman ay
iyong unawain ang ukol sa batas na magbibigay ng benepisyo sa mga kalalakihan sa kanilang mga trabaho.

Ang Paternity Leave

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa
pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7)
araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki
sa unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado na nag-a- apply para
sa Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong
asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga
empleyadong lalaki.
Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga panuntunan at regulasyon na ipinakilala rito
ay parurusahan ng multa na hindi lalampas sa dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na
hindi kukulangin sa tatlumpung (30) arw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
Ang isang lalaki ay maaaring mag-file ng Paternity Leave bago, habang at pagkatapos na ang kanyang legal
na asawa ay makapanganak. Nararapat lamang niyang kumpletohin ang mga impormasyong hinihingi sa
Paternity Notification Form buhat sa kanyang employer kasama ang kopya ng marriage contract.
Bagaman hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa kalalakihan, patuloy pa ring tinutugunan ng
pamahalaan ang anumang karahasan at diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang
mga panukalang batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga LGBTQIA+.

IV. PAGSUSURI.

A. Da-Hu?
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
nakalaang patlang.
A. CEDAW
B. Pamahalaan
C. Marginalized Women
D. Magna Carta for Women
E. Women in Especially Difficult Circumstances
F. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

_____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang
alagad ng pagbabago at pag-unlad.
_____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at anak nito.
_____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad ng batas
na ito.
_____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at prostitusyon.
_____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong kakayahan, at
maralitang-tagalungsod.

B. Hanep-Salita
Panuto: Hanapin at isulat sa mga nakalaagn patlang ng bawat bilang sa ibaba ang mga letrang nakatapat
sa bawat bilang na nasa kahon upang mabuo ang mga salita.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
C. Magkalinawan tayo
Panuto: Punan ang mga dialogue box sa ibaba, base sa mga tanong sa kaliwang bahagi ng papel. Isulat ang
iyong paliwanag sa 2-3 pangungusap. Isulat ang mga ito sa loob ng didalogue box.

V. ABSTRACTION
Magsaliksik tungkol sa mga batas para kalalakihan. Magtala sa talahanayan ng isang batas na
kukumpleto sa bawat hanay. Pagkatapos, humanap ka ng mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa karapatan
ng kalalakihan.
Batas Para sa Kababaihan Batas Para sa LGBT Batas Para sa Kalalakihan

Tanong:
1. Makakatutulong ba ang mga batas na ito upang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa karahasan
at pang-aabuso sa babae , lalaki at LGBT? Pangatwiranan.

Tandaan

Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa paglinang ng


ganap na kalayaan ng lahat ng Pilipino, maging anuman ang kasarian nito
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
VI. PAGLALAPAT

A. Sa pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng isang Pledge of Commitment. Gawin mong gabay ang
halimbawa sa ibaba.

Bilang isang mabuting Pilipino/ mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang mga
natutunan ko sa araling ito sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

B. Bilang pagtatapos ng araling ito, kompletuhin ang mga kasunod na pahayag o pangungusap upang mas
maunawaan mo ang aralin

Ang aralin ay tungkol sa ______________________________________________________


____________________________________________________________________________
natutunan ko na _______________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat______________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

#Makatutulong ako

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Panuto: Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang maging epektibo ang mga batas na
nagbibigay-proteksiyon sa iba’t ibang kasarian? Isulat sa isang buong papel ang paliwanag.

SAGOT: __________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO.

References:

* Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
* Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog
* Online sources: Violence Against Women and their Children
http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf
* Asian Transsexual/Transgender Women
http://taw.acas.org./contents/index.php?option+comcontent&view+articl e&id=54:trans-101-
pilipino&catid+477:tagalog
* Magna Carta Primer
http://www.wegoverninstitute.org/wp-content/uploads/2012/07/MagnaCarta-Primer.pdf

Development Team of the LAS

Writer: Grace A. Labarro


Editors/Reviewers: Wilma Joy M. Del Monte, EdD
EPS 1 Araling Panlipunan – SDO Camarines Norte

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte

You might also like