You are on page 1of 19

TALOBATIB HIGH SCHOOL

Purok 4, Talobatib, Labo, Camarines Norte

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)


GAWAING PAGKATUTO: Bilang 06
Pangalan ng Mag-aaral : ________________________________________________________________________
Asignatura (Subject) : ARALING PANLIPUNAN Antas: Grade 10: Seksyon(Class) :
______________________
Petsa ng Pagbigay: : February 15, 2021 Petsa ng Pagsumite/Pagsauli sa Guro: February 23, 2021

PAALAALA: PAGKATAPOS NA ITO AY MABASA AT MAUNAWAAN ANG NILALAMAN AY, GAMIT ANG
BALLPEN, DITO NA RIN NINYO SAGUTAN ANG LAHAT NG MAKIKITA NINYONG MGA KATANUNGAN. IBALIK
SA GURO AYON SA NAKATAKDANG PETSA NG PAGSA-ULI. MARAMING SALAMAT.

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


1. Nakauunawa sa salitang migrasyon
2. Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo ng migrasyon dulot globalisasyon,
3. Nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

II. PANIMULANG KONSEPTO

PAKSA: Aralin Konsepto ng Migrasyon Dulot ng


1 Globalisasyon
Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay susubukin ang iyong pasiunang kalalaman sa araling ito. Isulat
ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita mo lamang ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang
lahat ng aytem.
_____1. Ano ang ibig sabihin ng salitang migrasyon?
A. Pag-alis ng magulang para ng trabaho.
B. Paghahanap ng trabaho upang makapagbigay ginhawa sa pamilya.
C. Pag-ikot ng tao sa bansang kanyang gusto ng puntahan.
D. Proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa
ibang pook upang doon manirahan ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan
_____2. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?
A. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
B. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.
1
C. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
D. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magagandang tanawin sa ibang Bansa
_____3. Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?
A. Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang bansa.
B. Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mas mahirap na bansa.
C. Sila ay mula sa mayamang bansa patungo mayaman ding bansa.
D. Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap ding bansa.
_____4. Ilang uri mayroon ang migrasyon?

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
A. 1 B. 2 C. 4 D. 7
_____5. Ano ang ibig sabihin ng migrasyong panlabas?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya Page 1
B. Mga nagTNT sa ibang bansa
C. Ito ay paglipat ng mga tao upang manirahan sa ibang bansa o paglabas ng tao sa bansa.
D. Ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan na gustong bumisita sa ibang bansa.

_____6. Ano ang ibig sabihin ng OFW?


A. Overworked Filipino Worker B. Overseas Filipino Writers
C. Owner of Foreign Website D. Overseas Filipino Worker
Sa bilang 7-9 tunghayan ang talahanayan

_____7. Mula sa talahanayan, saang rehiyon ang may pinakamaraming OFW?


Table 2. Regional Distribution of Land-based Overseas Filipino Workers, 2004*

Region Numbers Percent


Asia 266,609 37.84
Middle East 352,314 50.00
Europe 55,116 7.82
America 11,692 1.66
Africa 8,485 1.20
Trust Territories 7,177 1.02
Oceania 3,023 0.43
Others 170 0.02
Total 704,586 100.00
Pinagkunan: http://www.migrationpolicy.org/article/philippines-culture-migration
A. Africa B. Asia C. Middle East D. Oceania
_____8. Anong bansa ang may pinakamaliit na bilang ng nangingibang bansa?
A. Asia B. Europe C. Middle East D. Oceania
_____9. Ilang porsyento ang OFW sa rehiyon ng Middle East?
A. 0.02 % B. 7.82 % C. 50 % D. 37.84 %
_____10. Ano ang tawag sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa
bansang nilipatan.
A. Departures B. Figures C. Flow D. Stocks

BALIKAN.
Bago mo umpisahan ang araling ito, balikan ang mga nakaraang aralin sa paggawa.
1. Ano- ano ang mga suliraning natatamasa ng mga manggagawa sa ating bansa?
2. Bakit kaya patuloy pa rin ang problema sa contractualization?
3. Bilang mag-aaral, ano ang iyong mai-ambag sa lipunan upang maibsan ang problema sa paggawa?

III. MGA GAWAIN:

1. TUKLASIN.
Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay
makatutulong sa iyo upang masubok ang iyong kakayahan sa paksa.
Panuto: Hanapin sa youtube ang music video sa kantang ‘Babalik ka Rin’ by Gary V. Pakinggan at tingnang mabuti ang
video upang maging handa sa mga katanungan pagkatapos ng awitin.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Page 2

youtube.com/watch?v=gYAWpb_w83w
1. Anong linya sa awitin ang pumukaw sa iyong damdamin? _______________________________________________

______________________________________________________________________________________________

2. Sa iyong pag-unawa, Ito ba ay isyung panlipunan? Bakit? _______________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

2. SURIIN.

Sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang umalis sa kanilang tirahan at pumunta sa ibang lugar o bansa. Hindi
maipagkaila na maraming mga Pilipino ang iniwan ang kani-kanilang pamilya upang mangingibang bansa. Bakit nga ba?
Ilan sa mga rason ang ang dulot ng kahirapan at gustong makatulong sa pamilya.

Ang lumilipat patungo sa ibang pook upang doon na manirahan ay tinatawag na migrasyon. Ang mga tao ay
nagmimigrasyon patungo sa ibang bansa o lalawigan. Madaming mga dahilan ang mga Pilipino kung bakit sila’y
nagmimigrasyon papunta sa ibang lugar at ang pangunahong kadahilanan ay kahirapan. Ang kanilang pag-alis ay
katumbas ng salapi o kita na kanilang pinagtratrabahuan. Maaring sa lugar na kanilang pinuntahan ay isang maunlad na
bansa at sa tingin nila ay madali silang uunlad dahil sa laki ng sahod.

Ayon sa Commision on Filipino Overseas, may tinatayang 8.6 milyong Pilipino ang noong 2009 ang naninirahan sa iba’t
ibang bansa kasama ang magtratrabaho bilang seaman. Ito ay patunay na parami ng parami ang mga umaalis sa bansa
upang makapagbigay ng masaganang pamumuhay sa kani-kanilang pamilya na naiiwan na ang kapalit ay ang pagtitis na
malayo sa mga mahal sa buhay.

Ngunit hindi lamang sa ibang bansa may naganap na migrasyon, maging sa loob din ng bansa. Madami din sa mga tao na
nagmimigrasyon lalo na sa malaking bayan o lungsod tulad ng Maynila kaya lumalaki ag populasyon dito.

Panuto: Ibigay ang iyong sariling paghihinuha sa mga sumusunod.

1. Sa palagay mo, bakit umaalis o patuloy na nangingibang bansa ang mga Pilipino sa kabila ng pagtitiis na malayo sa
kanilang mahal sa buhay? Maaring maglahad ng karanasan na magpapatunay nito.

______________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
______________________________________________________________________________________________
2. Paano mapipigilan ang pagdagsa ng mga kababayan nating Pilipino na dumayo sa lungsod o bayan upang doon
maghahanapbuhay? Magbigay ng iyong sariling mungkahi.Page 3

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________
Magaling! Kaya’t halika, tapusin mo ang gawaing inilaan para sa iyo sa Pagyamanin upang mapalawak pa ang iyong
kaalaman tungkol dito.

3. PAGYAMANIN.
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang
doon manirahan ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan. Maraming dahilan kung bakit ito nagaganap,
dahil sa kabuhayan, tirahan, oportunidad at maging sa mga sakunang nagaganap sa kanilang pinanggalingan. Hindi lang
overseas o pangingibang bansa nagaganap ang migrasyon dahil sa kahit anong rehiyon o lugar na kapag ang tao ay
lumilipat ito’y maituturing na migrasyon. Meron ding itong kaakibat na epekto, ito man ay nakakabuti o ‘di nakakabuti.
May dalawang uri ng migrasyon:
1. Migrasyong panloob
Ito ay ang paglipat ng tao sa loob lamang ng bansa, maaring ito ay sa lalawigan, bayan o rehiyon.
2. Migrasyong panlabas
Ito ay kapag lumilipat ang mga tao upang manirahan sa ibang bansa, pag alis o paglabas ng tao sa bansa.

Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang
madalas gamitin sa disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.

Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon
na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries o immigration. Kasama din dito ang
bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures o outflows. Kapag
ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration.

Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow
sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri
sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.

Pamprosesong tanong
1. Kung ang isang OFW ay umuwi sa Pilipinas, ano ang salitang angkop sa kanya, immigration o emigration?
Pangatwiran. ___________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________
2. Anong uri ng migrasyon ito? _______________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________
3. Ang iyong kapatid ay natanggap sa trabaho sa Davao at doon na naninirahan_________________________________

_______________________________________________________________________________________________
4. Si Rosh ay nakakuha ng scholarship sa bansang Australia, kaya doon siya mag-aaral ng limang taon.

_______________________________________________________________________________________________
5. Nakapag-asawa ang iyong pinsan ng foreigner, nagustuhan niyang tumira sa Bohol kaysa Singapore.

_______________________________________________________________________________________________

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod.
1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa Page 4

_______________________________________________________________________________________________

2. Ang migrasyong panloob ay ang _____________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

3. Migrasyong panlabas ang tawag kapag _______________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

4-5. Sa international migration ay mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin. Ang

pagkakaiba ng flow sa stockfigures. Ang flow ay _____________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

at ang stockfigures naman ay ______________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

4. KARAGDAGANG GAWAIN.
Isulat sa isang bond paper and kasagutan sa gawaing ito

Panuto: Base sa mga natutuhan at naintindihan sa paksang migrasyon, ikaw ay inaatasang gumawa ng embentaryo sa
iyong pamilya o kamag-anak tungkol sa migrasyon. Iulat kung sila ba ay kabilang sa tinatawag na migrasyong
panlabas o migrasyong panloob.

IV. PAGTATAYA
_____1. Ano ang ibig sabihin ng salitang migrasyon?
A. Pag-alis ng magulang para ng trabaho.
B. Paghahanap ng trabaho upang makapagbigay ginhawa sa pamilya.
C. Pag-ikot ng tao sa bansang kanyang gusto ng puntahan.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
D. Proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa
ibang pook upang doon manirahan ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan
_____2. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang
PageOFW?
5
A. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
B. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.
1
C. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
D. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magagandang tanawin sa ibang Bansa
_____3. Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?
A. Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang bansa.
B. Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mas mahirap na bansa.
C. Sila ay mula sa mayamang bansa patungo mayaman ding bansa.
D. Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap ding bansa.
_____4. Ilang uri mayroon ang migrasyon?
A. 1 B. 2 C. 4 D. 7
_____5. Ano ang ibig sabihin ng migrasyong panlabas?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga nagTNT sa ibang bansa
C. Ito ay paglipat ng mga tao upang manirahan sa ibang bansa o paglabas ng tao sa bansa.
D. Ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan na gustong bumisita sa ibang bansa.

_____6. Ano ang ibig sabihin ng OFW?


A. Overworked Filipino Worker B. Overseas Filipino Writers
C. Owner of Foreign Website D. Overseas Filipino Worker

Sa bilang 7-9 tunghayan ang talahanayan

_____7. Mula sa talahanayan, saang rehiyon ang may pinakamaraming OFW?


Table 2. Regional Distribution of Land-based Overseas Filipino Workers, 2004*

Region Numbers Percent


Asia 266,609 37.84
Middle East 352,314 50.00
Europe 55,116 7.82
America 11,692 1.66
Africa 8,485 1.20
Trust Territories 7,177 1.02
Oceania 3,023 0.43
Others 170 0.02
Total 704,586 100.00
Pinagkunan: http://www.migrationpolicy.org/article/philippines-culture-migration
A. Africa B. Asia C. Middle East D. Oceania
_____8. Anong bansa ang may pinakamaliit na bilang ng nangingibang bansa?
A. Asia B. Europe C. Middle East D. Oceania
_____9. Ilang porsyento ang OFW sa rehiyon ng Middle East?
A. 0.02 % B. 7.82 % C. 50 % D. 37.84 %
_____10. Ano ang tawag sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa
bansang nilipatan.
A. Departures B. Figures C. Flow D. Stocks

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs
1. Napag-alaman ang konsepto at perspektibong pananaw ng migrasyon,
Page 6
2. Nagkaroon ng kamalayan ng iba’t ibang perspektibong pananaw ng migrasyon na dulot ng globalisasyon sa ating
bansa,
3. Nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay .

II. PANIMULANG KONSEPTO

PAKSA: Arali
Pananaw at Perspektibo ng
n
Migrasyon
2
Panuto:
Basahing mabuti at unawain ang mga katanungansa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot sa pagpipilian.
_____1. Ang ____________ ay ang pagkuha ng isang kompanya sa isang indibidwal na subcontractor upang gawin ang
trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
A. Flow B. Iskemang Subcontracting C. Migrasyon D. Overseas
_____2. Ano ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t
ibang
direksiyon? A. Globalisasyon B. Naturalisasyon C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal
_____3. Ano ang kasunduan na nilagdaan noong 1989 na pang internasyunal sa pamamagitan ng mga International
Accrediting Agencies na naglalayong iayon ang Engineering Degree Programs sa iba’t ibang kasaping bansa?
A. BPO B. Magna Carta C. Washington Accord D. Washington DC
_____4. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anong sistemang pang- ekonomiya ang umiiral na nagbibigay
daan
sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan?
A. Kapitalismo B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Oligopolyo
_____5. Sino - sinong tao ang tinutukoy na nakatutulong o demand sa kasalukuyang globalisasyon?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga manggagawang sumama sa rally
C. Mga online seller
D. Mga skilled worker
_____6. Ang pagrecruit, pagpapadala, paglilipat, pagtatago o pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng di tamang
paraan. A. Human Trafficking B. Slavery C. Terorismo D. Training
_____7. Ano ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa ibang lugar maging
ito man ay pansamantala o permanente ay __________?
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Recruitment D. Seminar
_____8. Ang _____________ ay isang anyo ng human trafficking ayon sa ILO na konektado sa mga sitwasyon kung saan
ang mga tao ay puwersadong pinagtatrabaho sa pamamamagitan ng dahas.
A. Actual labor B. Emergency labor C. Forced labor D. Human labor
_____9. Ang ______ ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng mga nandarayuhan ay nagiging

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
A. Human migration B. Migration transition C. Translation D. Vacation
_____10. May mga mamamayan na nangingibang bansa na hindi dokumentado, walang permit sa pagtratrabaho at
overstaying. Ano ang tawag dito?
A. Celebrity B. Irregular migrants C. Permanent migrants D. Tourist
BALIKAN.
Page 7
Bago mo umpisahan ang araling ito balikan ang mga konseptong may mahalagang aral sa paksang migrasyon.
Punan ang mga hinihingi sa ibaba.

1. Ano ang migrasyon? ____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

2. Paano kinukwenta ang “net migration”? ____________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

III. MGA GAWAIN:


1. TUKLASIN.

Ang layunin sa bahaging ito ay pag-aralan at unawain ang nga pananaw at perspektibo sa paksang migrasyon dulot ng
globalisasyon. Alamin mo rin ang mga impormasyon at datos at iba’t ibang programa ng pamahalaan upang
mapangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan sa mga pagbabagong naganap.

Ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa ng mga artikulo tungkol sa paksa.

Panuto: Basahin na may panunuri sa mahalagang ideya tungkol sa aralin. Ang artikulong ito ay nai-post sa Bulwagan ng
Karunungan at maaring panoorin sa https://www.youtbe.com/watch?v=tpGh4fzEm0

Sanhi at Bunga ng Pagdami ng Overseas Filipino Workers


Pamprosesong katanungan:
1. Ano-ano ang dahilan sa pangingibang bansa ng mga kababayan nating Pilipino? _____________________________

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
______________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

2. Ano-anong suliranin sa paggawa dulot ng globalisasyon ang nabanggit? ___________________________________


Page 8
_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

3. Nakatulong ba ang pangingibang bansa ng mga Pilipino? Pangatuwiran. ____________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

2. SURIIN

Ang pangingibang bansa ng Pilipino ay isang halimbawa ng migrasyon na dulot ng globalisasyon. Dahil dito ang mga
manggagawa ay mas may kakayahan na magtrabaho sa ibang bansa sanhi ng kanilang pangangailangan sa sarili at
pamilya sa umusbong na ekonomiya ng ibang mga bansa.

Panuto: Mula sa artikulo na nabasa, bumuo ng buod nito sa pamamagitan ng isang graphic organizer sa ibaba.
Mga Dahilan ng
Pangingibang Mga Dahilan
Bansa ayon kay:

1.David Ricardo

2. Susan Ople

Sagutin: Paano nakatutulong ang pangingibang bansa sa manggagawang Pilipino sa pagiging matatag na ekonomiya ng

bansa? ___________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo
ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping pangkabuhayan
(ekonomiko), seguridad (politikal) o maging personal. Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan
kung ihahambing sa nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao sa loob at labas ng bansa ay
masalimuot kung pagtutuunan ng pansin ang dahilan, patterns at epekto nito sa lugar na iniiwan, pinupuntahan at
binabalikan. Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo. Nandarayuhan ang mga tao bilang
manggagawang manwal, highly qualified specialists, entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang The Age of Migration na sa buong
mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon ang nangyayari bilang tugon sa pagbabagong pangkabuhayan,
pampolitikal, kultural at marahas na tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila ng mga pangkalahatang obserbasyon tungkol sa
usaping ito na mababasa sa mga sumusunod na ideya.
1. Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan
Page 9 ng migrasyon. Ang mga bansang madalas
puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa
katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Malaking bilang ng mga migrante ay
mula sa mga bansa sa Asya, Latin America at Africa.

Tanong: Sa iyong pananaw, bakit kaya madalas dayuhin ang mga bansang nabanggit sa binasang teksto? Ipahayag ang

iyong saloobin. ____________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________
2. Mabilisang paglaki ng migrasyon
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang
implikasyon nito sa mga batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito. May
mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon nang
sabay-sabay. Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at permanent migrants.
Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit
para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan. Temporary migrants naman ang tawag sa mga
mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan
nang may takdang panahon. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga
negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.

Samantala, ang permanent migrants ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay
hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit
ng pagkamamamayan o citizenship.
4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal
Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito. Ang usaping pambansa,
pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan
ng isyu ng migrasyon.
5. Paglaganap ng ‘migration transition’
Ang migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay
nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang
nararanasan ng South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.
6. Peminisasyon ng migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour
migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan ng
kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy,
Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.

Tanong: Mayroon ka bang kamag-anak o kakilala na nangingibang bansa bilang isang manggagawa? Sila ba ay
maituturing na specialists, entrepreneur o manual laborers?
Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng dahilang pang-ekonomiya sa pagpunta ng maraming mga Pilipino
sa ibang bansa. Binanggit sa mga naunang aralin sa kwarter na ito na malaki ang naipadadalang dolyar ng mga OFW sa
kani-kanilang kamag-anak sa bansa na nag-aambag naman sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
3. ISAGAWA

Panuto:Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga katanungan. Batay sa estadistika, dumarami
ang mga Koreans na pumupunta sa Pilipinas upang mag-aral ng kolehiyo. Partikular sa mga lugar na
kanilang pinupuntahan ang lungsod ng Baguio, Manila, at Cebu. Sa anong uri kaya ng migrasyon sila nabibilang? Ano
kaya ang epekto nito sa mga lugar na madalas nilang puntahan? Ipaliwanag o ibahagi ito nang maayos. Isulat ang
iyong Page 10
sagot sa loob ng kahon.

Dito isulat ang sagot:

Panuto: Tunghayan ang datos na nasa kahon na naglalahad ng daloy ng migrasyon ng mga Pilipino batay sa kasarian
mula
2005 hanggang 2014.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Pamprosesong tanong:
1. Anong taon nagkaroon ng may pinakamaraming rehistro na Filipino emigrants? _____________________________

2. Sino ang may pinakamaraming emigrants base sa gender?Bakit? __________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

3. Bakit kaya dumarami ang umaalis o nangingibang bansa? ________________________________________________

4. Paano mapanatili ang mga mamamayan sa ating bansa upang dito maghanapbuhay at hindi na maiiwan ang kanilang
Page 11
pamilya? ________________________________________________________________________________________

5. Nakatutulong ba ang pangingibang bansa sa pag-unlad ng kanilang pamilya? Bakit? ____________________________

________________________________________________________________________________________________

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungansa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot sa pagpipilian.
_____1. Ang ____________ ay ang pagkuha ng isang kompanya sa isang indibidwal na subcontractor upang gawin ang
trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
A. Flow B. Iskemang Subcontracting C. Migrasyon D. Overseas
_____2. Ano ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t
ibang
direksiyon? A. Globalisasyon B. Naturalisasyon C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal
_____3. Ano ang kasunduan na nilagdaan noong 1989 na pang internasyunal sa pamamagitan ng mga International
Accrediting Agencies na naglalayong iayon ang Engineering Degree Programs sa iba’t ibang kasaping bansa?
A. BPO B. Magna Carta C. Washington Accord D. Washington DC
_____4. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anong sistemang pang- ekonomiya ang umiiral na nagbibigay
daan
sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan?
A. Kapitalismo B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Oligopolyo
_____5. Sino - sinong tao ang tinutukoy na nakatutulong o demand sa kasalukuyang globalisasyon?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga manggagawang sumama sa rally
C. Mga online seller
D. Mga skilled worker
_____6. Ang pagrecruit, pagpapadala, paglilipat, pagtatago o pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng di tamang
paraan. A. Human Trafficking B. Slavery C. Terorismo D. Training
_____7. Ano ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa ibang lugar maging
ito man ay pansamantala o permanente ay __________?
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Recruitment D. Seminar
_____8. Ang _____________ ay isang anyo ng human trafficking ayon sa ILO na konektado sa mga sitwasyon kung saan
ang mga tao ay puwersadong pinagtatrabaho sa pamamamagitan ng dahas.
A. Actual labor B. Emergency labor C. Forced labor D. Human labor

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
_____9. Ang ______ ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
A. Human migration B. Migration transition C. Translation D. Vacation
_____10. May mga mamamayan na nangingibang bansa na hindi dokumentado, walang permit sa pagtratrabaho at
overstaying. Ano ang tawag dito?
A. Celebrity B. Irregular migrants C. Permanent migrants D. Tourist

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Page 12
1. Nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon na nakaaapekto sa pammuhay ng tao,
2. Naiuugnay ang iba’t ibang dahilan at pananaw ng globalisasyon sa migrasyon bilang isyung panlipunan,
3. Nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

II. PANIMULANG KONSEPTO

PAKSA. Arali
n Dahilan ng Migrasyon
SUBUKIN. 3

_____1. May mga mayayamang bansa na kulang ng manggagawa kaya malakas ang migrasyon mula sa ibang bansa na
kilala sa tawag na_____.
_____2. Bahagi rin ng mga migrante ang _____na lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan,
prosekusyon o karahasan at gutom sanhi ng kalamidad.
_____3. Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na economic migrants. Anong
dahilan ng migrasyon ito?
_____4. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang kanilang pinanggalingan sa
pamamagitan ng _______.
_____5. Paghahanap ng ligtas na tirahan na sanhi ng migrasyon.
_____6. Nangunguna sa mga dahilan kung bakit nangingibang-bansa ang mga Pilipino ayon sa survey ng Soroptimist
International noong 1994.
_____7. Isa sa mga sanhi o dahilan ng politikal na migrasyon kung saan ang mga tao ay lumilisan sa kanilang lugar.
_____8. Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng pagiging komportable sa buhay sa
kahilanang kasama niya ang mga mahal sa buhay, kapamilya o kaibigan.
_____9. Dahilan ng migrasyon na kinakailangan ng tao ang lumikas upang maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang
pupuntahan tataas ang bilang ng populasyon. Maaaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na nang
magandang pagkakaitaan o tirahan.
_____10. Ang mga____________ang nangunguna sa pangingibang-bansa upang makatulong sa pamilya.
_____11. Ito ang bansag ng mga kalalakihan na siyang naiwan sa bahay, nag- aalaga ng mga anak at nag-aasikaso

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
samantalang sa ibang bansa ang kabiyak nito.
_____12. Humigit kumulang na sa 2.2 milyon ang naitala ng _______na bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa.
_____13. Nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga domestic
workers. Ito ay upang maiwasan ang mga_____na laganap sa ibat ibang panig ng mundo.
_____14. Tawag ng mga Pilipinong nangingibang-bansa.
_____15. Ahensiya na nangangalaga ng mga Overseas Filipino Workers.

BALIKAN:
Bago mo umpisahan ang araling ito balikan ang mga konsepto na may mahalagang aral sa paksang migrasyon.
Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
1. Ano ang permanent migration?
2. Nakatutulong ba sa ekonomiya ng bansa ang mga OFW? Bakit?
TUKLASIN.

Page
Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol 13 sa migrasyon. Maaari ka nang tumungo sa
sa mga
susunod na bahagi ng modyul upang higit na mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito.

Panuto: Tapusin ang sanaysay sa loob ng dalawang minuto. Isulat ito sa kalahating malinis papel.

1. Ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa abroad ay nakakaapekto sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng

______________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

2. Ang mga nangingibang bansa ay may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas dahil

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

SURIIN.
Sa dinami-dami ng mahihirap sa bansang Pilipinas, trabaho at sapat na kita ang pangunahing lunas para dito. Ngunit
pahirapan ang pagbubukas o paghahanap ng trabaho para sa bawat mahihirap na Pilipino kaya’t ang tanging paraan ay
mangingibang bansa. Migrasyon ang tawag sa paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa iba pang pook upang doon
manirahan ng pangmatagalan o panandalian. Ang Pilipinas ay may mataas na bilang ng mga migrante,Humigit kumulang
na sa 2.2 milyon ang naitala ng Philippine Satistic Authority (PSA) na bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa o
tinatawag na Overseas Filipino Workers. Tiyak na higit na mataas ang bilang ngayon sa mga umalis sa bansa dahilan sa
patuloy sa pagtaas ng demand sa ibang bansa ng mga manggagawa na nakapang-akit sa maraming Pilipino at dahil sa
pag-asang makabangon sa kahirapang tinatamasa. Ano nga ba ang dahilan ng paglawak n migrasyon sa Pilipinas? Ang
mga aspekto na nagtutulak sa kagustuhanng makapagtrabaho sa ibang bansa ng mga Pilipino ay may iba’t-ibang
dahilan, ayon sa Overseas Filipino Workers Welfare Administration (OWWA), 1991. Ang mga karaniwang dahilan ay
mataas na antas ng pamumuhay, kakulangan ng oportunidad na makapagtrabaho, at kagustuhang makapagtapos sa
pag-aaral ang mga anak. Ayon naman sa Soroptimist International (1994), isang pandaigdigang pribadong organisasyon
ang nagpahayag na ang pinakapangunahing dahilan ng mga Overseas Contract Workers (OCWs) ay ang sumusunod:

Pangunahing Dahilan ng OCW’s Porsyento


Edukasyon 80.7
Mataas na Sahod 63.3
Makabili ng bahay at lupa 50.0
Pambayad ng mga utang 31.3
Pangkapital sa negosyo 29.3
Makabili at makapundar ng ari-arian 17.3
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES
Ekonomikal NORTE
na pangangailangan 22.0
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Source: Soroptomist International, 1994

Ang kadahilang ito ay patuloy na nagiging matibay na dahilan upang ang migrasyon sa bansa ay lumawig at maging isang
panlipunang pangyayari o ganapin. Ito ang katotohanan sa lahat ng mga mahihirap na bansa at papaunlad pa lang na
mga bansa. Ang walang humpay na pagyabong ng Filipino Diaspora (Overseas Filipinos) sa buong mundo ay kapansin-
pansin at nagdudulot ng iba’t-ibang epekto sa pamilyang Pilipino.Milyon-milyon ang sumugal ng kanilang kapalaran
upang makahanap lamang ng ilaw at pag-asa upang may paipangtustos sa pamilya.Hahamakin ang lahat maibigay
lamang ang magandang kinabukasang hinahangad ng bawat pusong ang nais lang ay maayos na buhay.

Panuto: Sumulat ng repleksiyon kung papaano makakamit ang isang matatag at makapagsabayang pag-unlad ng bansa
sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon dulot ngPage 14
globalisasyon. Isulat sa loob ng kahon.

Sa mga papaunlad na bansa sa daigdig, isa ang Pilipinas na may pinakamataas na antas ng paglago ng mga
lungsod kung saan 60 porsiyento ng populasyon ay naninirahan sa mga lungsod. Ang bawat pag-alis o paglipat ng tao ay
may kaabibat na dahilan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Mga Sanhi ng Migrasyon

1. Paghahanap-buhay (Ekonomikal)- Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag


na economic migrants o iyong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang
kabuhayan. Kung ang tao ay may nakikitang magandang oportunidad na magandang hanapbuhay, kabuhayan at kita.
Dumarami ang tao sa lungsod na nagbibigay trabaho sa mga mamamayan. Kahit nagsisiksikan ay pilit na manirahan sa
lungsod dahil doon nakakita ng magandang hanapbuhay na nakapagtustos sa mga pangangailangan ng bawat
mamamayan.

May mga mayayamang bansa na kulang ng manggagawa kaya malakas ang migrasyon mula sa ibang bansa na
kilala sa tawag na migrants o mga economic migrants na tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang
kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng remittances.

2. Ligtas na tirahan (Politikal)- Ang tao ay gusto ng kapayapaan kaya naman kung magulo ang kanilang lugar
nililisan nila ang kanilang lugar at lumipat sa isang lugar na tahimik at mapayapa. Ang ganitong kalakaran ay matagal
nang laganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Bahagi rin ng mga migrante ang refugee na lumikas sa kanilang sariling
bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at gutom sanhi ng kalamidad.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
3. Paghihikayat ng pamilya (Sosyal)- Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng
pagiging komportable sa buhay. Halimbawa na lang ang pagpapakasal ng isang Pilipino sa dayuhan at nahikayat na
tumira sa ibang bansa sa kadahilanang nandoon ang kanyang pamilya, kaibigan o doon mas maraming kakilala na
maaring tatanggap at tutulong sa kanila anumang oras kaya piniling doon na lamang manirahan.

4. Klima at panahon (Heograpikal)- Ang mga kalagayang pangkapaligiran ay isa din sa dahilan kung bakit may
nagaganap na migrasyon. Halimbawa na lamang ang ang mga lugar na biktima ng landslide o bagyo. Kinakailangan ng
tao ang lumikas upang maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang pupuntahan tataas ang bilang ng populasyon.
Maaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na nag magandang pagkakaitaan o tirahan.

III. MGA GAWAIN:


Page 14
1. Panuto: Gumawa ng islogan tulad ng halimbawa sa ibaba tungkol sa paksang migrasyon na angkop sa rubrik sa
ihahanda.

2. ISAISIP.
Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa isang pamilya. Sinasabing kapag ang lalaki
ang nangibang bansa ang asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan. Sa kalagayan sa

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Pilipinas kapag ang asawang babae ang nangibang bansa pangkaraniwan na na kumuha ng tagapag-alaga ang lalaki sa
kanyang mga anak o ipagkatiwala ang ibang pangtahanang gawain sa kapatid na babae, sa magulang o di kaya ay sa mga
kamag-anak.
Sa pag-aaral na ginawa ni Raharto (2013) kapag ang lalaki ang nangibang bansa hindi ito masyadong
nakakaapekto sa pamilya kapag responsibilidad ang pag uusapan sa dahilan na patuloy na ginagawa ng babae ang
kanyang responsibilidad bilang asawa at nananatiling “breadwinner” ang lalaki. Subalit sa kaso ng Pilipinas at Thailand,
napag alaman at lumabas sa pag-aaral na malaki ang epekto kapag ang isa sa magulang o pamilya ang nangibang bansa
dahilan ito sa tradisyunal na kaisipan ng nasabing bansa lalo na kung babae ang umalis upang magtrabaho malayo sa
pamilya dahil mas higit na nararamdaman ng mga anak ang kawalan ng isang miyembro kahit pa ito ay nakakatulong ng
malaki sa pagpuno ng gastusin sa kanilang pamumuhay.
Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng konseptong “house husband” kung saan inaako na ng lalaki ang lahat
ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina (kung ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang
mapangalagaan ang buong pamilya lalo na ang mga anak. Hindi ito marahil nakakaapekto sa kalagayang panlipunan ng
Page 16
mga lalaki at unti unti nang natanggap ng lipunan sa kadahilanan na mas tinatanggap na dahilan ay upang mapaunlad at
maiangat ang katayuan ng kani-kanilang pamilya.

Mahalagang banggitin na maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na
imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan. Halimbawa na lang ang bansang Bangladesh na
nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga domestic workers. Ito ay
upang maiwasan ang mga undocumented workers na laganap sa ibat ibang panig ng mundo. Sa bansang Nepal
nagkaroon din ng panukala na ang lahat ng employer o recruitment agency ay dapat na magkaroon ng approval permit
mula sa kanilang embahada bago kumuha ng mga Nepalese worker upang maprotektahan ang kanilang mga
mamamayan at maiwasan ang mga illegal na pagpasok sa ibang bansa

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong

Sagot. ___________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________
2. Nakabuti ba ang pangingibang-bayan ng iyong mga magulang, kamag-anak o kakilala? Ipaliwanag ang sagot.

________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________
3. Sang-ayon ka ba na ang mga babae ang mag-abroad at ang mga lalaki ang mag-aalaga ng mga anak o

tinatawag na house-husband? Panindigan. _____________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________
3. ISAGAWA.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
IV. PAGTATAYA
Page 17

_____1. May mga mayayamang bansa na kulang ng manggagawa kaya malakas ang migrasyon mula sa ibang bansa na
kilala sa tawag na_____.
_____2. Bahagi rin ng mga migrante ang _____na lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan,
prosekusyon o karahasan at gutom sanhi ng kalamidad.
_____3. Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na economic migrants. Anong
dahilan ng migrasyon ito?
_____4. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang kanilang pinanggalingan sa
pamamagitan ng _______.
_____5. Paghahanap ng ligtas na tirahan na sanhi ng migrasyon.
_____6. Nangunguna sa mga dahilan kung bakit nangingibang-bansa ang mga Pilipino ayon sa survey ng Soroptimist
International noong 1994.
_____7. Isa sa mga sanhi o dahilan ng politikal na migrasyon kung saan ang mga tao ay lumilisan sa kanilang lugar.
_____8. Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng pagiging komportable sa buhay sa
kahilanang kasama niya ang mga mahal sa buhay, kapamilya o kaibigan.
_____9. Dahilan ng migrasyon na kinakailangan ng tao ang lumikas upang maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang
pupuntahan tataas ang bilang ng populasyon. Maaaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na nang
magandang pagkakaitaan o tirahan.
_____10. Ang mga____________ang nangunguna sa pangingibang-bansa upang makatulong sa pamilya.
_____11. Ito ang bansag ng mga kalalakihan na siyang naiwan sa bahay, nag- aalaga ng mga anak at nag-aasikaso
samantalang sa ibang bansa ang kabiyak nito.
_____12. Humigit kumulang na sa 2.2 milyon ang naitala ng _______na bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa.
_____13. Nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga domestic
workers. Ito ay upang maiwasan ang mga_____na laganap sa ibat ibang panig ng mundo.
_____14. Tawag ng mga Pilipinong nangingibang-bansa.
_____15. Ahensiya na nangangalaga ng mga Overseas Filipino Workers.

V. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS (kung kinakailangan )


VI. SUSI SA PAGWAWASTO

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
VII. SANGGUNIAN
Antonio Eleanor L., Dallo Evangeline M., Imperial Consuelo M., Samson Maria Carmelita B., at Soriano Celia D. Kayamanan Mga Kontemporaryong
isyu, Binagong Edition

Page 18

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte

You might also like