You are on page 1of 11

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Nakikilala ang Sarili
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Nakikilala ang Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maribeth M. Madlangbayan

Editor: Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Elaine Jade C. Diolola

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Nakikilala ang Sarili
Alamin
Ang bawat bata ay may iba’t bang gusto o interes na gawin, may
mga potensyal o kakayahan na maaring niyang linangin.
Halimbawa sa mga ito ay pagpipinta,pag-awit,pagtula, pag-
sasayaw at maraming pang iba. Ang bata rin ay may kahinaan,
damdamin o emosyon na nagpapakita kung sila ay malungkot,
masaya o nasasaktan.

Ang batang lubusang kilala ang sarili ay may tiwalang


naipapahayag ang kanyang gusto o interes, potensyal, kanyang
kahinaan at damdamin o emosyon nito kanino man, saan man at
kailanman nang walang pag-aalalang ay magdudulot ito ng
kalungkutan sa bawat kasama sa loob at labas ng tahanan o
paaralan.

Sa modyul na ito, inaasahan ang pagsagot mo sa Mahalagang


Tanong na:

 Ano-ano ang mga gawaing hilig mong gawin?


 Ano-ano ang mga gawaing kaya mong gawin?
 Paano mo mapaghuhusay ang paggawa mo ng mga
gawaing ito?
 Paano mo magagamit ang talentong ito upang makatulong
ka sa pagpapasaya ng iyong mag-anak?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang


sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakikilala ang sariling:
 gusto
 interes
 potensyal
 kahinaan
 damdamin/emosyon

1
Subukin
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng iyong interes at gusto?
Lagyan ng puso ang patlang.

_____gumuhit ______lumangoy

_____sumayaw _______maglaro ng chess

_____tumula _______maghugas ng pinggan at baso

_____umawit _______magkompyuter

_____magpinta _______magbiseklita

Aralin

1 Nakikilala ang Sarili

Ang kaalaman tungkol sa ating sarili ay higit na makahalugan


kaysa pagkilala sa atin ng iba. Tayo ang higit na dapat makaalam ng
katotohanan tungkol sa ating sarili. Dahil dito, marami tayong
maibibigay na impormasyon at masasabi nating lahat ng nauukol sa
ating pagkatao, kaugalian, at kinahihiligan.

Balikan

Iguhit ang tsek (✔) sa patlang kung ito ay ginagawa ninyo at ekis (✖)
kung hindi naman.
_____ 1. Nagtatanong ako sa Nanay kapag hindi ko maintindihan
ang aralin.
_____2. Nagtatago ako sa kuwarto kapag sa palagay ko ay mali
ang aking ginagawa.
_____3. Hindi sinusunod ang mga utos ng mga nakakatanda.
_____4. Nagpapatulong ako kay Ate o Kuya kung hindi ko kayang
gawin.

2
_____5. Umiiyak ako kapag mayroon akong hindi magawa.

Mga Tala para sa Guro


Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang
basahing mabuti ang mga panuto sa bawat
gawain. Ipaunawa na gumamit ng activity sheet
nakalakip ng modyul sa pagsagot sa mga
pagsasanay at gawain sa modyul.

Tuklasin
Panuto: Sa inyong Activity sheet, bilugan ang mga larawan na
nagpapakita ng iyong kakayahan.

Ano ang iyong naramdaman kung ikaw ay nagpakitang-gilas ng


iyong kakayahan? Ikaw ba ay natutuwa?nahihiya? kinakabahan?
O nagagalit? Bakit ganito ang iyong naramdaman? Isulat ang
iyong pahayag sa Activity Sheet.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3
Suriin

Ang bawat bata ay may iba’t ibang hilig na gawin, may kakayahan
na dapat niyang paunlarin at pagyamanin. Ang tiwala sa sarili ay
napakahalaga upang maipakita ang iyong talento sa iyong kapwa.
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali
kung di-wasto.
_______1. Ipinapakita ko ang aking natatanging kakayahan.

_______2. Nagtatago ako sa kuwarto kapag may taong nakatingin


sa akin habang tumutula.

_______3. Sumasali ako sa paligsahan upang mapaunlad ko ang


aking kakayahan.
_______4. Sa pagpapakita ng ating talento, dapat tayong mahiya.

_______5. Nagtatago ako sa aking guro upang di niya ako isali sa


paligsahan sa pagguhit.

Pagyamanin
A. Tapusin ang pangungusap.

Ang aking mga kakayahan ay


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Dapat ko itong
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4
B. Ano kaya ang madarama mo sa mga sitwasyong ito? Isulat
ang iyong sagot sa loob ng bilog.

1. Sumali ka sa paligsahan at nanalo ka.


2. Malapit ka ng tawagin upang tumula.
3. Hindi ka nanalo sa pag-awit.
4. Napili ang iyong iginuhit para isali sa pagdiriwang ng Buwan
ng Wika sa inyong paaralan.
5. Nagkamali ka sa pagbasa ng kuwento kaya pinagtawanan
ka ng iyong mga kamag-aral.

Isaisip
Ngayon ay alam mo na. Ikaw ay isang natatanging bata.
Tuklasin mo kung ano ang kaya mong gawin. Pahusayin mo pa ang
iyong nalalaman. Kung mayroon ka namang gustong gawin na
parang hindi mo kaya, magtanong ka, magpatulong ka. Sa ganitong
paraan, matututo ka. Ang bawat tao ay may sariling damdamin o
emosyon tulad ng natutuwa, nagagalit, nalulungkot, natatakot o
nahihiya. Ipagpatuloy ang nasimulan na gawain upang mapaunlad
ang iyong kakayahan.

Isagawa
Iguhit sa loob ng kahon ang iyong gusto, interes, hilig o ang
iyong kakayahan na kaya mong gawin.

5
Ano ang iyong nararamdaman kapag nakakagawa ka ng mga
bagay na may husay at galing? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Basahin ang pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang


sagot.
1. Mahilig umawit si Anita . Nais niyang iparinigito sa kanyang
nanay at tatay. Ano ang gagawin niya?

A. Hindi kakanta dahil nahihiya.


B. Aawitan sila nang buong husay.
C. Magtatago sa kwarto.
D. Sisigaw habang kumakanta.

2. Magaling si Yuri sa pagpinta kaya madalas siyang sumali sa


mga kontes o paligsahan. Paano niya mapaghuhusay ang
kanyang abilidad sa pagpinta?

A. Magsasanay araw-araw sa pagpipinta


B. Pag may paligsahan na lang magsasanay
C. Maglaro ng cellphone araw-araw
D. Magsanay kung kelan lang gustong magpinta

3. Naghahanap si Bb. Cueva ng mahusay sumayaw at ikaw ay


sinabihang sumali sa kontes. Ano ang gagawin mo?

A. Magtatago
B. Hindi papayag
C. Sasabihan sa guro na ibang kaklase na lang ang isali
D. Sasali at mag-eensayo para mapahusay pa ang
pagsayaw

6
4. Magaling ka sa pagsasaulo. Pinili ka ng iyong guro na sumali sa
kontes ng pagtula subalit nalaman mong maraming taong
manonod sa iyo. Ano ang gagawin mo?

A. Tatakbuhan ang guro at magtatago


B. Iiyak sa harapan at hindi na lang sasali
C. Bababa na lang sa entablado
D. Ipapakita ang kakayahan sa pagtula

5. Mabilis kang tumakbo isinali ka ng iyong ama sa paligsahan ng


takbuhan. Subalit sa di-inaasahang pangyayari, ikaw ay
nadapa sa iyong pagtakbo. Ano ang dapat mong gawin?

A. Iiyak ako at uuwi na lang


B. Hindi na lang tatakbo
C. Pipilitin kong tumayo kung may sugat ako at hihingi ako
ng tulong
D. Magagalit ako sa mga kasama ko

Karagdagang Gawain
A. Ngayong alam mo na kung kung ano ang iyong gusto o interes
at iyong kakayahan. Ano ang mapapangako mo sa iyong
sarili?

Ang aking pangako


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________
B. Tanungin ang iyong magulang kung sila ay may mga
kaibigan na may kakayahan. Isulat ang pangalan nito at
ilagay ang kanilang mga kakayahan.
Pangalan Kakayahan

7
B. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga
tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. May palatuntun sa inyong paaralan. Sinabi ng iyong


guro na ikaw ay aawit. Ano ang dapat mong gawin?

______________________________________________________

2. Nais ng bunso mong kapatid gumawa ng bankang


papel, marunong kang gumawa nito. Ano ang
gagawin mo?
______________________________________________________

3. May patimpalak sa inyong paaralan sinabihan ka ng


iyong guro na sumali dahil alam niyang magaling kang
magpinta. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________

4. Natalo ka sa paligsahan na iyong sinalihan. Ano ang


iyong gagawin sa susunod kung ikaw ay sasali muli sa
paligsahan?
_____________________________________________________

5. Marunong kang sumayaw. Gusto mo itong ipakita sa


mga kamag-aral mo. Ano ang iyong gagawin?
______________________________________________________

You might also like