You are on page 1of 7

Department of Education

Edukasyon sa
Pagpapakatao 5
Magiging Matapat Ako
Supplementary Worksheets 7

Eugene P. Picazo
Manunulat

Dr. Yaledegler C. Maligaya

Dr. Liliosa B. Palce
Tagasuri

Schools Division Office – Muntinlupa City

Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 1
Panimulang Mensahe

Para sa mga magulang/tagapangalaga/

Tagapagturo
Ang Worksheets na ito ay ginawa upang inyong maging
gabay, mga magulang, tagapangalaga o tagapagturo ng ating mag-
aaral. Mahalagang sundin ang bawat panuto upang maging epektibo
ang pag gamit nito at maging kasiya-siya sa mga mag-aaral ang
pagkatuto. Hangarin nito na ang bawat mag-aaral ay maabot ang
pagkatuto bagama’t tayo ay humaharap sa pandaigdigang
pandemya. Kami na nasa Kagawaran ng Edukasyon ay gumagawa
ng paraan upang patuloy na maihatid sa bawat mag-aaral ang
edukasyon sa lahat ng panahon at pagkakataon. Hangad namin ang
inyong kooperasyon.

Para sa mga mag-aaral

Ang Worksheets na ito ay ginawa upang tuloy-tuloy ang
inyong pag-aaral. Bagama’t tayo ay humaharap sa pandaigdigang
pandemya hangad naming mga guro at ng Kagawaran ng Edukasyon
na ikaw ay maturuan. Ang bawat bahagi ng gawain o pagsasanay ay
dapat sagutan, pag-aralan at ingatan.

Mga Kinakailangang Gamit sa Pag-aaral:

a. Lapis
b. Krayola
c. Activity Worksheets

2
Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Pangalan ________________________________________ Petsa ____________________

Seksiyon _______________________ Guro ______________________Iskor___________

Layunin: Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya

ng pagkuha ng pag-aari ng iba, pangongopya sa oras ng pagsusulit,
pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa.
Code: EsP5PKP – Ih – 35

Alamin

Gawain 1: Unang Araw

Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ipinapakita ng unang larawan, o pangalawang

larawan.
____________________________________________________
____________________________________________________
2. Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, ano ang iyong
gagawin?
____________________________________________________
____________________________________________________
3. Magsasabi ka pa rin ba ng totoo sa isang pangyayari kung
ang sangkot ay ang iyong kaibigan, kamag-anak o kakilala
kahit alam mong ito’y masakit sa iyong kalooban?
____________________________________________________
____________________________________________________
3
Isagawa

GAWAIN 2: Ikalawang Araw

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba.

Mahirap lamang ang buhay ng magkakaibigang sina

Lucio, Lito at Marlo. Nang araw na iyon binanggit ni Bb.
Imelda Reyes ang mga gamit na kailangan nila sa pagbuo ng
kanilang proyekto sa EsP. Kinakailangan nila ang magtungo
sa isang internet shop upang magsaliksik. Alam nila na
kailangan nila ang malaki-laking halaga upang ito’y
magawa.
Sa kanilang paglalakad isang pitaka na maraming
lamang pera ang natisod ni Lito. Ano kaya ang gagawin
nilang tatlo?

Sagutin ang mga tanong:

1. Ilarawan ang mga tauhan sa sitwasyong binasa.

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
2. Anong dahilan ng kanilang lakad?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon, ano ang gagawin
mo?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4. Anong aral ang natutunan mo sa activity na ito?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
5. Kung lalapatan mo ito ng pamagat, anong pamagat ang
angkop sa sitwasyong ito? Ipaliwanag.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

4
Isapuso

GAWAIN 3: Ikatlong Araw

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon, iguhit ang
masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng katapatan. Iguhit
naman ang malungkot na mukha kung hindi. Iguhit ito sa loob ng
kahon.

1. Nakita mo na nabasag ng kapatid mo ang baso. Galit

na galit ang nanay mo at ipinaaamin kung sino ang may
gawa nito. Sinabi mo na ang kapatid mo ang
nakabasag.

2. Inutusan ng iyong nanay ang iyong kuya na ilabas ang

Basura dahil daraan na ang mga basurerong
nangongolekta nito. Pero inuna ng kuya mo ang
kaniyang paglalaro kaya’t hindi niya naabot ang trak ng
basurero. Dahil sa takot na mapagalitan ng nanay ay
itinapon niya ito sa bakuran ng kapitbahay. Nakita mo
ito pero hindi mo ito isinumbong sa iyong nanay.

3. Bumaba ang grado mo sa EsP, tinanong ka ng nanay

mo kung bakit ito bumaba, sa takot na mapagalitan,
sinabi mo sa nanay mo na nagkasakit ang guro mo sa
EsP kung kaya’t hindi ka rin pumapasok pag EsP Class.

4. Nakita mo ang kaibigan mong nagnakaw ng gamit ng

kapitbahay, noong tinanong ka ng kapitbahay mo kung
nakita mo ang nagnakaw ng kanilang gamit, sinabi mo
hindi, dahil ayaw mo mapahamak ang iyong kaibigan.

Sagutin ito:

1. Ano ang natutunan mo sa activity na ito? ______________

______________________________________________________
______________________________________________________

5
Isabuhay

GAWAIN 4: Ikaapat na Araw

Panuto: Lumikha ng sariling kasabihan o salawikain tungkol sa
pagiging matapat.

1.

2.

B. Panuto: Gumawa ng isang saknong ng Tula na may temang pagsasabi ng

katotohanan

Pamagat ng Tula:

____________________________________________

_________________________________________________________

6
Subukin

Gawain 5: Ikalimang Araw

Panuto: Gumuhit o magdikit ng larawan na nagpapakita ng
katotohanan, sundin ang paksa sa bawat kahon, idikit ito sa loob ng
kahon.

Eleksiyon ng Supreme Pupil

Government Organization Paggawa ng School Publication

Tree Planting Solid Waste management

Sanggunian:

Peralta, Gloria A, Ylarde, Zenaida R. Edukasyon sa Pagpapakatao 5:

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Vibal Group Inc.,
Quezon City, c2016

You might also like