You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 6

Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules,
Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central Office.
Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit,
for educational use and constitutes fair use. All Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Marisa A. Alada Evaluator/s:


Illustrator: Marites P. Alzate, EdD
Layout Artist: Maria Eva B. Bongcayao
Jocelyn M. Basaca
PSDS/DIC: Arlene B. Sumabat Meciel M. Bato
Aileen G. Abunda Junedave M. Orquita

Learning Area EPS:


Analiza G. Doloricon, EdD

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae N. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns

Telefax:
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa
ilalim ng Batas Militar (AP6TDK-IVa-1)

Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, inaasahan na magagawa


mo ang sumusunod:
 natutukoy ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan at
pagkabansa ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar;
 nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng Batas Militar sa
pulitika, lipunan, pamumuhay at edukasyon ng mga Pilipino; at
 Naipapahayag ang sariling opinyon tungkol sa dinanas ng mga
Pilipino sa panahon ng Batas Militar.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon

Pag-aralan ang mga salita para mas madaling maunawaan ang aralin:

Batas Militar - kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang


ipinatutupad nang panandalian ng isang pamahalaan
kapag hindi na nito maayos magampananan ang
pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan.

- nagbibigay ng karapatan sa mamamayan na


Writ of Habeas sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis at
Corpus maprotektahan laban sa di makatarungang pagdakip.

- batas na nagtatakda ng oras kung kalian maaaring


lumabas ang mga tao sa mga lansangan o sa labas ng
Curfew hour
kani-kanilang mga tahanan.

- grupo ng mga taong naghahangad ng pagbabago at


Makakaliwang pagsusulong ng liberal o radikal na pananaw
Pangkat pampolitika.

Rebelyon - isang marahas na pagkilos na kalimitan ay nangyayari


bilang pagtutol o paglaban sa pamahalaan.

1
MGA SULIRANIN AT HAMON SA ILALIM NG BATAS MILITAR

Ang paghahari ng Ikatlong Republika na tumagal ng mahigit dalawang


dekada ay nagwakas nang ilagay ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa ilalim
ng Batas Militar sa bisa ng proklamasyon Bilang 1081 na kanyang nilagdaan
noong Setyembre 21, 1972.
Ayon kay Pangulong Marcos, kinakailangan ang Batas Militar upang
bigyang proteksiyon ang demokrasya ng bansa sa mga kalaban ng
mamamayan. Ang Batas Militar ay isang marahas na hakbang na maaring
isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang mga panganib katulad ng
paghihimagsik, rebelyon, paglusob, at karahasan. Sa ilalim ng Batas Militar,
nagkaroon ng espesyal na kapangyarihan ang pangulo na gumawa ng mga
batas sa pamamagitan ng:

1. Kautusang Pampanguluhan
(Presidential Decree)
2. Kautusang Pangkalahatan
(General Order)
3. Liham- Pagpapatupad
(Letter of Instruction)
https://www.google.com/search?q=pagwewelga

Ang mga batas na ito ay pinairal ni Marcos sa lahat ng mga sibilyang


sangay. Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bias at kapangyarihang tulad
ng mga batas na ipinalabas ng Kongreso. Ang isa sa mga unang batas na
isinagawa ni Marcos ay ang pagpapalabas ng Pangkalahatang Utos Blg. 2-A
na nag-aatas sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na dakpin o hulihin ang
mga taong nakagawa ng krimeng panghihimagsik laban sa pamahalaan.

Gayundin, pinadakip ang sinumang lumabag sa batas gaya ng pagbibili


ng mga sandata, pangingidnap, pagnanakaw, panghaharang, at iba pang
krimeng nakapipinsala sa lipunan at nakatitigatig sa katatagan ng
pamahalaan.

Sa panahon ng Batas Militar, ang kapangyarihan ng pamahalaan ay


nasa iisang tao lamang. Ang pangulo ang higit na makapangyarihan sa lahat.
Bukod sa pagiging pangulo, siya rin ang tumatayong Punong Ministro. Lalong
naging makapangyarihan si Marcos nang baguhin at pagtibayin ang Saligang
Batas ng 1973. Bukod sa pagiging puno ng sangay tagapagpaganap ay siya
rin ang namahala sa batasan at gabinete. Namahala rin siya sa mga korteng
military. Dito nililitis ang mga nagkakasalang sundalo at sibilyan.

2
MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA PANAHON NG BATAS MILITAR
1. Pampulitika
 Binuwag ang senado, kongreso at Batasang Pambansa
 Lumikha ang Pangulo ng Hukumang Militar
 Patuloy na nasuspinde ang Writ of Habeas Corpus
 Inilunsad ang Bagong
Lipunan gamit ang islogan “Sa
ikauunlad ng bayan, disiplina ang
kailangan” kaya madaling napasunod
ang karamihan sa paglikha ng mga
bagong tanggapan
https://www.google.com/search?q=islogan+ni+
pangulong+marcos&source=lnms&tbm

 Inilunsad ang programang PLEDGES


P- Peace and order (Kapayapaan)
L- Land Reform (Reporma sa Lupa)
E- Economic Development (Kaunlarang Pangkabuhayan)
D-Development of Moral Values (Pagbabagong Moral)
G- Government Reform (Pagbabago sa Gobyerno)
E- Educational Reform (Pagbabagong Pang-edukasyon)
S- Social Services (Kagalingang Panlipunan)
 Tinipon ng Pangulo ang lahat ng kaalyansa sa pulitika sa ilalim ng KBL
 Nag-utos si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng Pangulo Blg 86 na
lumikha ng mga asembleyang pambarangay
 Nagtatag ng samahan ng mga kabataan at ginawang tagapangulo
ang anak na si Imee Marcos
2. Panlipunan
 Ipinatupad ang curfew mula alas dose hanggang alas 4:00 ng
umaga.
 Pinangunahan ng Unang Ginang Imelda marcos ang maraming
proyekto sa pagpapaganda, paglilinis, pagtatanim ng puno at
pafpapatayo ng Sentro Kultural ng Pilipinas at iba’t ibang tanghalan
upang mapasulong ang sining at kultura
 Nagtayo ng murang pabahay tulad ng BLISS sa Taguig
 Nagtatag ng pamilihang bayan – ang KADIWA, para sa mahihirap
 Nagpatayo ng mga ospital at gusaling pampubliko na nagbibigay ng
murang konsultasyon

3
 Nagtatag ng MEDICARE upang maparating sa mamamayan ang
serbisyong pangkalusugan
 Ginawang mahigpit ang pagpapalakad ng medya. Ang mga
istasyon ng radio, diyaryo at telebisyon ay ipinasara at hinalinhan ng
mga istasyong pinalakad ng pamahalaan
3. Pang-edukasyon
 Nagpatayo ng mga paaralan nakilala bilang “Marcos Type”
 Inilunsad ang Youth Civic Action Program (YCAP) na naglalayong
linangin ang kasanayan sa paggawa at paglahok ng mag-aaral sa
mga proyektong panlipunan
 Isinama sa kurikulum ang pagmamahal sa paggawa, bokasyon at
teknikal.
 Nagkaroon ng CAT (Citizen Army
Training) upang sanayin ang mga mag-
aaral sa hayskul sa mga kasanayang
pang-militar
 Inilunsad at ipinatupad ang NCEE
(National College Entrance
Examination) upang mapataas ang
kalidad ng antas pangkolehiyo
https://www.google.com/search?q=CITIZEN+A
RMY+TRAINING+&tbm

4. Pangkabuhayan
 Isinulong ang Repormang Pansakahan na napapaloob sa Atas ng
Pangulo Blg. 27
 Inilunsad din ang Masagana 99 o pagpapadami ng ani at
produksiyon sa palay
 Isinulong ang “Parity Rights”
 Nagtayo ng mga EPZA o Export
Processing Zone sa bansa at
nagkaroon ng “Open Door Policy”
 Isinulong ang malawakang
pangungutang sa IMF-World Bank na
nagging simula ng paglaki ng utang
panlabas ng bansa
 Nabuo ang NEDA na naging
pangunahing ahensya ng pamahalaan
https://www.google.com/search? sa pagpaplano ng programang pang-
q=masagana+99&source=lnms&tbm
pangkabuhayan.
 Naitatag din ang OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).

4
Gawain 1

Panuto: Isulat ang PB kung suliraning pangkabuhayan ang tinutukoy, PL kung


panlipunan, PP kung pampulitika at PE kung pang-edukasyon.

1. Dumami ang nawalan ng tiwala sa pamahalaan kaya nabuo ang


samahan ng mga New People’s Army.
2. Tumaas ang krimen sa bansa, marahil ay dahil sa malayang bilihan ng
armas at lumalagong private army.
3. Patuloy na yumaman ang mga kapitalista at patuloy naming naghirap
ang mga mahihirap.
4. Lumaki ang panlabas na utang ng pamahalaan.
5. Kakulangan ng pondo sa pagpapatayo ng pampublikong paaralan sa
liblib na lugar.

Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga salitang nakasulat sa unang hanay at pagkatapos ay


lagyan ng tsek ang angkop na sagot batay sa iyong konklusyon. Gawin ito sa
sagutang papel.

Mga Epekto sa mga Pilipino sa iba’t ibang larangan


pagbaba- Pangkabuhayan Pampulitika Panlipunan Pang-edukasyon
gong Mabuti Hindi Mabuti Hindi Mabuti Hindi Mabuti Hindi
Naganap Mabuti Mabuti Mabuti Mabuti

Curfew
Mababang
kriminalidad
Repormang
Pansakahan
Pagsuspinde
ng writ of
Habeas
Corpus
Pagkakaroon
ng CAT

5
Gawain 3

Panuto: Ibigay ang sariling opinyon sa tanong na ito.

Ano-anong karapatang pantao ang hindi nalasap ng mga


mamamayan sa panahon ng Batas Militar? Makatarungan ba ang ginawang
ito ni Pangulong Marcos?

Rubrik sa Pagtataya;

Pamantayan
5 Maliwanag, tumpak, may kaisahan ang kabuoan ng talata at
naibigay nang wasto at higit pa sa hinihingi ang lahat ng kailangang
impormasyon.
4 Maliwanag, tumpak, may kaisahan ang kabuoan ng talata at
naibigay nang wasto ang kailangang impormasyon.
3 May kaliwanagan, kakikitaan ng pagkakaisa ang kabuoan ng talata
at bahagyang naibigay ang lahat ng kailangang impormasyon.
2 May kaunting kaliwanagan at bahagyang may pagkakaisa ang
kabuoan ng talata bagama’t hindi gaanong naibigay ang mga
kailangang impormasyon.
1 Walang kaugnayan ang mga salitang ginamit na saloobin hinggil sa
sitwasyon

Pagsusulit

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag at tukuyin ang


hinihingi nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang pangulong nagtakda ng Batas Militar.


A. Diosdado Macapagal
B. Elpidio Quirino
C. Ferdinand Marcos
D. Ramon Magsaysay
2. Ang pribilehiyong ito ang nangangalaga sa mamamayan upang hindi
makulong nang hindi dumaraan sa tamang proseso ng paglilitis.
A. plebisito
B. subpoena
C. referendum
D. writ of habeas corpus

6
3. Ito ang uri ng batas na maaring ipalabas ng pangulo, maliban sa:
A. Liham-Pagpapatupad
B. Kautusang Pangkongreso
C. Kautusang Pangkalahatan
D. Kautusang Pampanguluhan
4. Sa panahon ng Batas Militar, ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa:
A. mga tao
B. iisang tao
C. sa kongreso
D. sa military
5. Ito ang isinagawang hakbang ni Marcos upang maiwasan ang
nagbabantang panganib sa pamahalaan dahil sa mga paghihimagsik,
rebelyon at karahasang nangyayari sa bansa.
A. batas militar
B. coup d’ etat
C. referendum
D. pambansang kumbensyon

Susi ng Pagwawasto

GAWAIN 1 GAWAIN 3
1. PP
2. PL Iba –iba ang sagot
3. PB
4. PB
5. PE

GAWAIN 2
Mga Epekto sa mga Pilipino sa iba’t ibang larangan
pagbaba- Pangkabuhayan Pampulitika Panlipunan Pang-edukasyon
gong Mabuti Hindi Mabuti Hindi Mabuti Hindi Mabuti Hindi
Naganap Mabuti Mabuti Mabuti Mabuti
Curfew /
Mababang /
kriminalidad
Repormang /
Pansakahan
Pagsuspinde /
ng writ of
Habeas
Corpus
Pagkakaroon /
ng CAT

7
Mga Sanggunian

Baisa-Julian Arlene G., Lontoc, Nestor S. Bagong Laklbay ng Lahing Pilipino 6 p.


298-305, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Internet Resources:
https://www.google.com/search?q=pagwewelga+bago+ang+batas+militar&tbm=isch
&ved=2ahUKEwiz1JT23rzwAhUP_5QKHV1-CPgQ2-
cCegQIABAA&oq=pagwewelga+bago+ang+batas+militar&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFC
AAQsQM6AggAOgcIABCxAxBDOgQIABBDOgYIABAFEB46BAgAEBg6BggAEAoQGFDmg
gNY2eIDYLTmA2gAcAB4AIABlwKIAa0wkgEGMC4yNS44mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pb
WfAAQE&sclient=img&ei=deiXYPPFB4_-
0wTd_KHADw&bih=657&biw=1349&rlz=1C1GCEB_enPH881PH881&hl=en#imgrc=4CNKP6
eY5YTpAM&imgdii=oYK2VIuyRinbTM

https://www.google.com/search?q=islogan+ni+pangulong+marcos&source=ln
ms&tbm

https://www.google.com/search?q=masagana+99&source=lnms&tbm

https://www.google.com/search?q=CITIZEN+ARMY+TRAINING+&tbm

You might also like