You are on page 1of 86

Energizer

Yunit 4
Physical Education (PE)
Marites T. Abion
Post ES
Calamba City
KASANAYAN SA
PAG-SAYAW NG
CARIÑOSA
Layunin
1.Naisasagawa ng may kasanayan
ang mga hakbang pansayaw ng
katutubong sayaw na Cariñosa
2.Natutukoy ang pinagmulan ng
sayaw na Cariñosa.
Panimulang Gawain

Masdan ang larawan


ng kasuotan
San kaya
isinusuot
ang
damit na
nasa
larawan?
Slide for MP4 of CARIÑOSA
Panlinang na Gawain
Balik-aral
Magbigay ng mga Hakbang
Pansayaw na may Kumbinasyon
sa Ritmong 3?
4
Pagganyak
Iparinig ang tugtog o awitin
na sinasaliwan ng sayaw na
Cariñosa.
Ang larawang inyong nakita ay mga
kasuotan na maaaring gamitin sa
sayaw na Cariñosa. Ang sayaw na
Cariñosa ay isang katutubong sayaw na
dapat pahalagahan ng kabataang
Pilipino. Ito ay sinasayaw sa tugtuging
may ritmong 3 na palakumpasan.
4
Ano nga ba ang kahulugan
ng sayaw, kasuotan, ritmo
at musika sa sayaw na
Cariñosa?
a.Ang Cariñosa ay sayaw na
malambing at mapagmahal.
b.Nagpapakita ito ng kaugalian
ng dalagang Pilipino at ang
paraan ng kanyang pag-
ibig.Nagsimula ito sa bayan ng
Panay.
c.Suot ng babae ay
Patadyong at Kimona
d.Suot ng lalaki ay Barong
Tagalog at pantalong may
kulay.
e.Gumagamit ng pamaypay ang
babae na nakasabit sa kanyang
baywang.
f.Nasa bulsa ng lalaki ang
panyo.
g.Nasa ritmo 3 ang sayaw na
ito. 4
Mga Hakbang sa
Pagasasagawa ng sayaw
na Cariñosa
Paghahanda: Nakatayong
pareho at magkaharap ang
lalaki at babae. Nasa kaliwa
ng lalaki ang babae.
Simulang tugtog:
Magkaharap ang lalaki at babae,
iikot pakanan sa lugar sa loob ng
tatlong bilang; nakahawak sa saya
ang babae, samantalang nakalagay
sa baywang ang kamay ng lalaki.
Unang Pigura- Tatlong Hakbang Paturo
1. Humakbang patagilid, pakanan
(1,2,3). Ituro ang kaliwang paa sa harap
(1,2,3), ang kanang kamay ay nasa
baligtad na T posisyon habang ang
kaliwang kamay ay nasa baywang.
Ikumintang ang kanang kamay kapag
itinuturo ang kaliwang paa.
2. Gawin muli ang unang hakbang
na nagsisimula sa kaliwang paa,
pagilid sa kaliwa. Ang kamay ay
baligtad ang posisyon.
3. Gawin ng tatlong beses ang 1
at 2.
Ikalawang Pigura- Paturo
Magkaharap parin ang
babae at lalaki.
1. Gamit ang kanang paa,
humakbang ng tatlo pasulong sa
gitna (1,2,3). Gamit ang
kaliwang paa humakbang palapit
sa kanan (1). Tumigil ng (2,3)
sumandali.
2. Mag touch step ng apat
paharap, gamit ang paang
pinagpapalit-palit. Tingnan
ang kapareha.
3. Humakbang pasulong gamit
ang kanag paa papunta sa
kanang balikat ng kapareha
(1,2,3,4). Umikot pakanan at
humarap sa isa’t-isa, ilapit ang
kanang paa sa kaliwang paa
(2,3).
4. Gawing muli ang 1-3.
Bumalik sa puwesto.
Ikatlong Pigura-Talikuran
1. Magkita sa gitna ang magkapareha
(1,2,3) at umikot pakanan (2,3).
2. Gamit ang kanang paa, ituro ito
paharap at iwasiwas ang hintuturo sa
kapareha sa tapat ng kanang balikat, ang
kamay ay nakahawak sa baywang (1,2).
Humakbang patagilid-pakanan upang
magkita ang isa’t-isa sa kaliwang balikat
(3). Gawin ito ng tatlong beses na itinatama
ang kaliwa, kanan, kaliwang paa at iwasiwas ang
kaliwa, kanan, kaliwang hintuturo ng salitan sa
kapareha. Nakatayo ang magkapareha na
magkadikit ang kanang balikat kung ang kanang
hintuturo ay iwinawasiwas sa kapareha, at
magkadikit naman ang kaliwang balikat kung ang
iwinawasiwas ay kaliwang hintuturo. 3. Umikot
ng pabalik at pumunta sa lugar ng kapareha. 4.
Gawin ang 1-3.
Ikaapat na Pigura-Taguan sa
Pamaypay
1. Magkita sa gitna.
2. Gamit ang kanang kamay, bubuksan
ng babae ang pamaypay. Ituro ang
kanang paa sa harap at takpan ng
bahagya ang mukha ng pamaypay.
Humakbang gamit ang kanang paa palapit
sa kaliwa, ibaba ang kanang kamay. Ang
lalaki naman ay ituturo ng salitan ang
mga paa paharap at sisilipin ang babae sa
ilalim ng pamaypay.
3. Magpalitan ng puwesto.
4. Ultin ang 1-3. Bumalik sa dating
puwesto.
Ikalimang Pigura-Pagluhod at Pagpaypay
1. Humakbang ng 3 pasulong sa
pamamagitan ng kanang paa. Ang babae
ay luluhod gamit ang kanang tuhod
habang iikutan siya pakanan ng lalaki,
tatayo sa likuran ng babae at nakaharap
sa direksyon ng babae. Ilagay ang mga
kamay sa baywang.
2. Ituturo ng lalaki ang kanan at
kaliwang paa ng salitan sa harap at
titingnan ang babae sa kanyang kanan at
kaliwang balikat. Titinganan naman siya
ng babae pasalungat.
3. Ang lalaki’y babalik pakanan.
Magapapalit sila ng lugar.
4. Ulitin ng 1-3. Ang lalaki naman ang
luluhod
Ikaanim na Pigura-Taguan sa Panyo
1. Magkita sa gitna. Hahawakan nila
parehas ang apat na sulok ng
panyo, ang mga kamay ng lalaki
ay nasa itaas na pantay ng
mukha.
2. Ituro ng salitan ang mga paa ng
apat na ulit.
Salitan ding iangat ang mga kamay habang
hawak ang panyo na nakapagitan sa mukha
ng babae at lalaki. Sisilipin lalaki ang
mukha ng kapareha.
3. Bibitiwan ng babae ang panyo at
magpapalitan sila ng lalaki ng puwesto.
4. Gawin ang 1-3, bumalik sa dating lugar.
Hahawakan na ng babae ang panyo.
Ikapitong Pigura-Pagsusuyuan sa Panyo
1. Gamit ang kanang paa, gumawa ng
dalawang balseng hakbang pupunta sa
gitna. Ang mga bisig ng babae at
lalaki ay magka agapay sa posisyon na
papunta sa gilid pakanan at pakaliwa.
2. Gumawa ng anim na balseng hakbang
pasulong at pakanan na gagawin ng babae.
Lilingunin ang lalaki sa balikat ng salitan.
3. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na
salungat sa takbo ng orasan. Una ang
lalaki. Magtapos na kaagapay. Nasa gilid
sa kanan ang babae
Gawain 1
Patayuin ang mga bata na medyo
bahagyang magkalalayo. Maari
ding humarap sa timog, hilaga,
kanluran o silangan.
Magpatugtog ng musika at
iparinig sa mga bata. Palikhain
sila ng mga galaw gamit ang mga
kilos at hakbang sa pagsayaw ng
Cariñosa.
Tandaan Natin
Mahalaga sa pagsasayaw ang
pagsaulo sa mga hakbang at mga
termino ng sayaw. Makatutulong
ang tama at palagiang pagsasanay
upang mapagbuti ang pagsasayaw
at mapaunland ang koordinasyon
ng mga kamay at paa.
Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1.Ano ang ibig sabihin ng
salitang Cariñosa?
a. Malambing c. Masaya
b. Matapang d. Malungkot
2. Ano-ano ang mga kailangan
sa pagsayaw ng Cariñosa?
a. Tsinelas at salakot
b. Panyo at abaniko
c. Bilao at panyo
d. Bulaklak at pamaypay
3. Sino ang grupo ng mga
dayuhan na nagpakilala ng
sayaw na Cariñosa?
a.Tsino b. Amerikano
c.Espanyol d. Hapon
4. Saan lugar unang naging ang
sayaw na ito?
a. Bukidnon b. Palawan
c. Cebu d. Panay
5. Magbigay ng ilang hakbang
na ginagamit sa sayaw na
Cariñosa?
TAKDANG ARALIN
Lumikha ng mga galaw gamit
ang mga kilos at hakbang sa
pagsayaw ng Cariñosa.
Thank you!!!
Katutubong Sayaw
- Polka sa Nayon
Layunin
1.Naisasagawa ng may kasanayan ang
mga hakbang pansayaw ng
katutubong sayaw na Polka sa Nayon.
2.Natutukoy ang pinagmulan ng sayaw
na Polka sa Nayon.
Panimulang Gawain
Pagsasagawa ng mga hakbang-
sayaw sa tandang galaw 2
4
Halimbawa:
hakbang papalit(change step) at hakbang diit( touch step)
Balik Aral
Ano- ano ang iba’t-ibang hakbang
na ginamit sa sayaw na Cariñosa?
Ano ang tawag ninyo sa
kasuotang inyong nakita?
San kaya isinusuot ang
ganitong mga damit?
Sa pagsayaw ng Polka sa Nayon
Panlinang na Gawain
Pagganyak
Saan kaya nagmula ang sayaw
na “Polka sa Nayon”?
Paglalahad
Noong panahon ng Kastila popular
ang ballroom polka sa lalawigan ng
Batangas. Sinasayaw ito sa mga
pistahan at malaking pagtitipong
sosyal.
Pagtatalakayan

Paano kaya isinasayaw ang Polka


sa Nayon?
Ano-ano kaya ang mga hakbang
sa pagsasayaw nito?
Ipapanood ng guro ang video ng
Polka sa Nayon

Tatalakayin ng guro ang mga


hakbang sa pagsasayaw ng
Polka sa Nayon
Panimulang Musika

Nakaharap sa manonood ang mga


pareha, ang mga babae ay nasa kanan
ng lalaki at ng mga kamay ng babae
ay nkahawak sa gilid ng saya, ang sa
lalaki nasa baywang.
(a) I-tap ang kanang paa sa bawat
bilang ng sukat … 8 s
(b) Mga pareha magkahawak sa
closed ballroom position at
humanda sa Fig. I … 4 s
Figure I
Ang magkapareha ay
nakaunat ang mga kamay na
nakaturo sa manonood.
(a) Simulan sa Kl (Kn) paa,
gumawa ng 4 na polks step sa
kanan (clockwise) at
magtatapos sa dating
lugar………………………..4 s
) Ituro ang KL (Kn) pakaliwa
(b

(pakanan) (blg. 1), ituro ang Kl


(Kn) Itabi sa KL (Kn) (blg. 2).
Gumawa ng 1 polka step pakaliwa
(pakanan) (blg. 1 at 2)……2 s
(c)Ulitin (b), simulan sa Kn
(Kl) paa…………..2 s
(d) Uliting lahat (a-c) , 3
beses pa …24 s
Figure II
Magkapareha magkaharap sa
nanonood. Magbitiw ng mga kamay.
Tumayo ng magkatabi, babae sa Kn
(mga panloob na kamay
maghahawak) . Malayang kamay ng
babae sa gilid ng palda, sa lalaki sa
(a) Simulan sa panlabas na paa,
gumawa ng 2 heel and toe polka
pasulong……………………………….4 s

(b) Humakbang ng 1 polka step palabas


(1 s) . At 1 polka step,
papasok…………………………………2 s
(c) Magbitiw ng kanang kamay
pangloob. Simulan sa panlabas
na paa, gumawa ng 2 polka step
para makaikot sa lugar na
nakaharap sa kabilang
direksyon………………………….…..2 s
Maghawak-kamay na panloob.
Malayang kamay Tulad ng
nasasaad sa itaas.
(d) Ulitin (a-c) Simulan sa panloob
na paa. Baligtarin ang direksyon sa
(b) at (c) ………………………8 s

(e) Uliting lahat (a-d)


…….............................…..16 s
Figure III
Mga pareha magkahawak sa
closed ball dance posisyon, mga
kamay nakaunat Na nkaturo sa
nanonnood.
(a) Simulan sa Kl (Kn), gumawa ng
4 na polka step paikot pakanan
tulad ng Sa Figure I
……………………..................................
.................4 s
(b) Gumawa ng 3 galop step
patagiliran KL (Kn) papunta sa
harapan (3 blg.) , hinto (1 blg.).
Huwag ilagay ang bigat sa
inilalapit na paa sa ikatlong galop
step
c) Ulitin (b), simula Kn (KL) papunta
sa kabilang
direksyon………………………………2 s

(d) Ulitin lahat (a-c), 3 bese pa


………………………………….…24 s
Figure IV
Mga pareha nakaharap sa nanonood.
Mga babae nasa kanan ng lalaki at
magkahawak .Ang panloob sa kamay
tulad ng Figure II.Pareho silang
magsisimula sa Kn paa.
(a) Gumawa ng 1 polka step
pakanan at 1 polka step
pakaliwa………2 s
(b) Ituro ang Kn paa sa harap (blg.
1) , itaas and Kn paa ng
pakurus sa KL sa harap bahagyang
itaas ang bukongbukong (blg.
2).Ituro ang Kn paa sa harap (blg.
1) ilapit ang Kn Paa sa KL paa (blg.
2) ………......................................
(c) Ulitin (a) at (b) simula sa KL paa
…………………………………4 s

Magbitiw ng kamay.Humarap
sa kapareha at ilagay ang dalawang
Kamay sa sariling baywang.
(d) Paglapitin ang 2 kanang siko sa
isa’t isa (jaleo position), gumawa
ng 8 polka step pasulong na iikot
nang pakanan ng 2 beses (4 na
polka step sa bawat ikot ). Tapusin
sa tamang lugar…………..8 s
(e) Uliting lahat (a-d)
Gawain 1

Itanong ang mga sumusunod:


1. Anong hakbang ang madali
mong natutunan?
Itanong ang mga sumusunod:

1. Anong hakbang ang madali mong


natutunan?

2. Anong hakbang ang pinakamahirap


para sayo?
Paglalapat

Ipasagawang muli sa buong klase ang Figs. I-IV. Paulit-


ulit na gagawin

hanggang sa matamo ang kasanayang itinakda. Bigyang


pansin ang wastong paggalaw

ng kamay at paa. Iwasto kaagad ang mga kamalian.


Tandaan Natin:
Mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa
mga hakbang at mga termino ng sayaw.
Makatutulong ang tama at palagiang
pagsasanay upang mapagbuti ang
pagsasayaw at mapaunland ang
koordinasyon ng mga kamay at paa.
Lagyan ng tsek (/) ang kolum na
makapagsasalarawan ng inyong sagot.
Mga Katanungan Mahirap Katamataman Madali
1.Naisagawa ko
ba nang maayos
ang sayaw na
Polka sa Nayon?
Mga Katanungan Mahirap Katamataman Madali

2.Naisagawa
ko ang mga
galaw na tama
sa tiyempo at
ayon sa tugtog.
3.Nagawa ko
nang tama
ang mga
hakbang sa
Figure I at II.
4.Naglaan ako
ng oras upang
makapagsanay
kasama ng
aking mga
kamag-aral.
5.Naisagawa ko
nang maayos
ang sayaw na
Polka sa Nayon
ng aming
pangkat.
Takdang-aralin:

Isalaysay ang inyong naramdaman


habang sumasayaw. Isulat sa sagutang
papel ang mga sagot.
Thank You!!!

You might also like