You are on page 1of 8

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

PE 5, Quarter 3, Week 1

Mga Kasanayan sa Katutubong Sayaw na


Cariñosa

Layunin
Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:
1. natatalakay ang iba’t ibang kasanayan na angkop sa isang partikular na sayaw
2. nagagamit ang mga kasanayan na kailangan at naaangkop sa isang sayaw
3. nagagaya ang mga kasanayan sa sayaw
4. naipapakita ang iba’t ibang kasanayan sa pagsali sa sayaw

Pag-aralan

Aralin 1
Kasanayan sa Pagsayaw ng Cariñosa

Ang Cariñosa ay isang popular na sayaw na ipinakilala sa atin ng mga Espanyol noong
ika -16 na siglo naging tanyag sa buong Pilipinas. Pinaniniwalaang ito ay nagmula sa pulo ng
Panay na kabilang sa mga isla ng Visayas na unang ipinakikilala ng mga espanyol noong sila
ay dumating sa pulo noong 1569.Ito ay itinuturing na Pambansang Sayaw ng Pilipinas.Ang ibig
sabihin ng salitang ito ay “malambing “ o mapagmahal sa pagsasayaw nito ay kailangang
1
gumamit ng panyo at abaniko.Ang mga mananayaw na animo’y nagliligawan at
nagtataguan .Orihinal na isinasayaw ang Cariñosa na suot ang damit Maria Clara at Barong
Tagalog dahil ito ay isang Kastilang sayaw nang ito ay ipakilala ng mga Kastila ang kanilang
kultura.

Ang Tugtog ng Cariñosa ay nagpapakita ng malaking impluwensiya ng mga Kastila sa


mga Pilipino. Ito ay may 3 4 sa kumpas gaya ng ilang mga sayaw na Kastila. Ang Rondalla
ang tumutugtog sa tugtog ng sayaw kung saan ito ay isang pangkat o isang orchestra ng mga
instrumentong na may pisi na binubuo ng mga Bandurya , Mandolin, gitara , triangle , tambol at
banjo.Kadalasang lalaki ang tumugtog sa rondalla.

Ang isang babae ay may hawak na abaniko o panwelo kung saan siya’y patago -tago
sa kanyang napupusuan na nagsasaad na ibig rin niya ang lalaki .Subalit, hindi pa niya ito
masagot ng oo, samantalang gayundin ang binata na humahabol –habol at nagpapahiwatig na
sinisinta rin niya ang dalaga . Ang sayaw na ito ay napakaraming bersiyon subalit ang indak ng
pagtatatguan ay isang pangkaraniwan na sa kahit saan mang panig ng Pilipinas.

Ang sayaw na Cariñosa ay isang katutubong sayaw na dapat pahalagahan ng


kabataang Pilipinas. Ito ay sinasayaw sa tugtuging may ritmong 3 4 na palakumpasan.

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng sayaw na Cariñosa

Paghahanda:
Nakatayong pareho at magkaharap ang lalaki at babae. Magkaharap ang lalaki at
babae.
Simulang tugtog:
Magkaharap ang lalaki at babae, iikot pakanan sa lugar sa loob ng tatlong bilang;
nakahawak sa saya ang babae, samantalang nakalagay sa baywang ang kamay ng
lalaki.

Unang Pigura – Tatlong Hakbang Paturo

1. Humakbang patagilid, pakanan (1,2,3). Ituro ang kaliwang paa sa harap (1,2,3), ang
kanyang kamay ay nasa baligtag na T posisyon habang ang kaliwang kamay ay nasa
baywang. Ikumintang ang kanang kamay kapag itinuturo ang kaliwang paa.
2. Gawin muli ang unang hakbang na nagsisimula sa kaliwang paa, pagilid sa kaliwa. Ang
kamay ay baligtad ang posisyon.
3. Gawin ng tatlong beses ang 1 at 2.

Ikalawang Pigura - Paturo

Magkaharap parin ang babae at lalaki.

1. Gamit ang kaliwang paa, humakbang ng tatlo pasulong sa gitna (1,2,3).


Gamit ang kaliwang paa humakbang palapit sa kanan (1).Tumigil ng (2,3)
sumandi.
2. Mag touch step ng apat paharap, gamit ang pang pinagpapalit-palit. Tingnan ang
kapareha.
3. Humakbang pasulong gamit ang kanang paa papunta sa kanang balikat ng kanang paa
sa kaliwang paa (2,3).
4. Gawing muli ang 1-3, Bumalik sa puwesto.

Ikatlong Pigura- Talikuran

2
1. Magkita sa gitna ang magkapareha (1,2,3,) at umikot pakanan (2,3).
2. Gamit ang kanang paa, ituro ito paharap at iwasiwas ang hintuturo sa kapareha sa
tapat ng kanag balikat, ang kamay ay nakahawak sa baywang (1,2). Humakbang
patagilid-pakanan upang magkita ang isa’t-isa sa kaliwang balikat (3). Gawin ito ng
tatlong beses na itinatama ang kaliwa, kanan, kaliwang paa at iwasiwas ang kaliwa,
kanan, kaliwang hintuturo ng salitan sa kapareh.

Ikaapat na Pigura-Taguan sa Pamaypay


1. Magkita sa Gitna.
2. Gamit ang kanang kamay, bubuksan ng babae ang pamaypay. Ituro ang kanang paa
sa harap at takpan ng bahagya ang mukha ng pamaypay. Humakbang gamit ang
kanang paa palapit sa kaliwa , ibaba ang kanang kamay. Ang lalaki naman ay ituturo
ng salitan ang mga paa paharap at sisilipin ang babae sa ilalim ng pamaypay.
3. Magpalitan ng puwesto.
4. Ulitin ang 1-3. Bumalik sa dating puwesto.

Ikalimang Pigura-pagluhod at Pagpaypay


1. Humakbang ng 3 pasulong sa pamamagitan ng kanang paa. Ang babae ay luluhod
gamit ang kanang tuhod habang ikutan siya pakanan ng lalaki, tatayo sa likuran ng
babae at nakaharap sa direksyon ng babae. Ilagay ang mga kamay sa baywang.
2. Ituturo ng lalaki ang kanan at kaliwang paa ng salitan sa harap at titingnan ang babae
sa kanyang kanan at kaliwang balikat. Titinganan naman siya ng babae pasalungat.
3. Ang lalaki’y babalik pakanan. Magpapalit sila ng lugar.
4. Ulitin ng 1-3. Ang lalaki naman ang luluhod.

Ikaanim na Pigura-Taguan sa Panyo

1. Magkita sa gitna. Hahawakan nila parehas ang apat na sulok ng panyo, ang mga kamay
nglalaki ay nasa itaas sa pantay nag mukha.
2. Ituro ng salitan ang mga paa ng apat na ulit. Salitan ding iingat ang mga kamay habang
hawak ang panyo na nakapagitan sa mukha ng babae at lalaki. Sisilpin lalaki ang mukha
ng kapareha.
3. Bibitiwan ng babae ang panyo at magapapalitan sila ng lalaki ng puwesto.
4. Gawin ang 1-3, bumalik sa lugar. Hahawakan na ng babae ang panyo.

Ikapitong Pigura-Pagsusuyuan sa Panyo

1. Gamit ang kanang paa, gumawa ng dalawang balseng hakbang pupunta sa gitna. Ang
mga bisig ng babae ata lalaki ay magka agapay sa posisyon na papunta sa gilid
pakanan at pakaliwa.
2. Gumawa ng anim na balseng hakbang pasulong at pakanan na gagawin ng babae.
Lilingunin ang lalaki sa balikat ng salitan.
3. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na salungat sa takbo ng orasan. Una ang lalaki.
Magtapos na kaagapay. Nasa gilid sa kanan ang babae.

5 puntos 3 puntos 1 puntos


Mga Sukatan

Nasunod lahat ang Iilan lamng ang Isa lamng ang


1. Nasusunod ang mga
mga hakbang nasunod na nga nasunod na
hakbang sa pagsayaw.
hakbang hakbang
2. Naipapakita ang magandang Naisagawa ang Iilan lamang ang Isa lamng sa mga
katangian ng isang mabuting lahat ng nasunod na katangian ng isang
mananayaw. magandang magandang magandang
3
katangian ng isang katangian ng isang mananayaw ang
mabuting mabuting nasunod
mananayaw mananayaw
Napakahusay ang Hindi masyadong Hindi nagawa ang
pagsayaw at nagawa nang tamang pagsayaw
3. Nakasasayaw ng may
pakikisama sa mahusay ang at pakikisama sa
kahusayan at pakikiisa sa
kapareha o grupo pagsayaw at kapareha o grupo
kapareha o grupo.
pakikisama sa
kapareha o grupo
Mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa mga hakbang at mga terminong sayaw.
Makatutulong ang tama at palagiang pagsasanay upang mapagbuti ang pagsasayaw at
mapaunland ang koordinasyon ng mga kamay at paa.. Subukin ninyong sundan ang mga
hakbang sa pagsayaw. Gamitin ang Rubrik na nasa ibaba.

Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain I.
A. Panuto : Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Titik lamang ang isulat sa
patlang.

Hanay A. Habay B.

_____ 1. Cariñosa A. ¾

_____ 2. Ritmo ng musika B. taguan at hanapan

_____ 3. Abaniko at panyo C. salitang masintahin

_____ 4. Kasuotan ng mga mananayaw D. balintawak at barong tagalog

_____ 5. Kilos na panligawan na tampok E. kagamitan sa pagsasayaw


sa sayaw na Cariñosa

B. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa patlang

Cariñosa Abaniko Balintawak

Pagmamahalan Panyo Barong Tagalog

______________1. Ito ay nakalaylay sa kanang tagiliran ng baywang ng babae.

______________2. Kilalang sayaw sa pagliligawan.


______________3. Ito ay isinusuot ng mga babae sa pagsasayaw ng Cariñosa.

______________4. Ang mga mananayaw na mga lalaki ay may isinuksuk sa bulsa


ng kanilang pantalon.

______________5. Ito ay isang pormal na kasuotan ng mga lalaki hanggang

4
ngayon.

Gawain II.
A. Panuto : Lagyan ng tsek (/) ang kolum na makapagsasalarawan ng inyong
sagot. (5 puntos)
Mga Katanungan Mahirap Katamtaman Madali
1. Naisagawa ko ba nang maayos ang sayawna
Cariñosa?
2. Naisagawa ko ang mga galaw na tama
satiyempo at ayon sa tugtog.
3. Nagawa ko nang tama ang mga hakbang sa
Figure I at II.
4. Naglaan ako ng oras upang makapagsanay
kasama ng aking mgakamag-aral.
5. Naisagawa ko nang maayos ang sayaw na
Cariñosa ng aking kapareha.

B. Panuto : Isalaysay ang inyong naramdaman habang sumasayaw .Isulat


sagutang papel ang mga sagot. (5 puntos)

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________.
Gawain lII.

Panuto: Kopyahin at punan ang graphic organizer ng isang masining at makabuluhang


paglalarawan sa sayaw na Cariñosa.

Cariñosa

Repleksyon

5
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa mga kasanayan sa
katutubong sayaw na Cariñosa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

6
7
GAWAIN I
A.
1. C
2. A
3. D
4. E
5. B
B
1. Abaniko
2. Cariñosa
3. Balintawak GAWAIN II
4. Panyo A.Iba-iba ang maaaring sagot
5. Barong Tagalog B.Iba-iba ang maaaring sagot
GAWAIN III
Iba-iba ang maaaring sagot
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

Mga Aklat:

Rico, Lennie V., Rene L. Balinton. 2020. “PE 5 Quarter 2 Module 3.” In
MAPEH 5 Quarter 2 Module 3, by Lennie V., Rene L. Balinton, 13-18.
Ozamis City:
NONE

Tayo Nang Magpalakas 6 page 140-.145

Online:
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-pe-q1q4

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden

146 ng Self-Learning Module (SLM)


Bumuo sa Pagsusulat

Manunulat : Oliva A. Cordova


Editor : Babylyn V. Josol
Tagasuri : Tessie C. Dolores, Richard B. Antallan,
Melcharie C. Escol, Kareen Jane Paronia
Hasmin L. Eniola, Jose Joemer M. Tuisa, Jr.
Tagamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Venus M. Alburoto
Tessie C. Dolores

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

You might also like