You are on page 1of 4

Asignatura P.E.

Baitang 4
W5-8 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pangunahing Kaalaman sa ayaw na Ba-Ingles
II. MGA PINAKAMAHALAGANG 1.Naipaliliwanag ang batayang kaalaman ng sayaw.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO 2.Nailalarawan ang mga kasanayang gamit sa sayaw.
(MELCs) 3. Naisasagawa ang iba’t ibang hakbang sa pagsasayaw ng Ba-Ingles
III. PANGUNAHING NILALAMAN Batayang Hakbang at Posisyon ng Kamay sa Sayaw na Ba-Ingles

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 40 minuto)
Una- Ikalawang Linggo
Sa kasalukuyan, ang katutubong sayaw ay binubuhay sa puso at isip ng mga kabataang Pilipino sa
pamamagitan ng maraming kapistahan o festival sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Nagpapakita ito ng
paakakaisa, paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan sa iba’t ibang bayan.
Ang palagiang pag-indak ay makakatulong sa paglinang ng balanse, koordinasyon at mabilisang pagtugon
(reaction time) para maging maganda at makabuluhan ang pagkilos.
Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na nagmula sa Cabugao, Ilocos Sur. Ito ay hinalaw sa
salitang baile at Ingles na ang ibig sabihin ay English Dance. Sinasabing ang sayaw na ito ay dala-dala ng mga
mangangalakal mula sa Inglatera maliban sa huling bahagi na masasabing tunay na Ilokano.
Kasuotan: Ang mga mananayaw ay nakasuot ng damit ng Ilokanong magsasaka.
Musika: nahahati sa tatlong bahagi (A, B, C) 2/4TS
Bilang: isa, dalawa o isa at dalawa ang sukat
1, 2, o 1, at 2
Pormasyon. Ang magkapareha ay magkatapat na nakatayo na may layong anim na talampakan ang pagitan.
Kapag nakaharap sa madla, ang batang babae ay nakatayo sa kanang bahagi ng batang lalaki.
Gawin ang pinagsamang mga posisyon at direksyon na ginagamitan ng lakad tungo sa iba’t ibang pormasyon
(formation).

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 360 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Alin sa mga sumusunod ang katutubong sayaw? Lagyan ng tsek ( ∕ ) ang mga
sayaw na ito.
_____1. Pandanggo ______5. Maglalatik
_____2. Boogie ______6. Tango
_____3. Tiklos ______7. Cha-cha
_____4. Carińosa ______8. Tinikling

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ating alamin ang mga hakbang at galaw na ginagamit sa sayaw na Ba-Ingles.

Panimulang Posisyon: Tumayong magkadikit ang mga paa at kamay sa ibaba.


Figure I
a. Lumakad pasulong (4x), iimbay ang braso nang malaya sa tagiliran.
b. Lumakad pahuli (4x) ilagay ang kamay sa baywang
c. Ulitin ang (a-b)
Figure II
a. Lumakad pagilid sa kanan (3x), pagdikitin ang dalawang paa na bahagyang nakayuko ang tuhod, gawin
ang kumintang sa kanan sa itaas ng ulo.
b. Ulitin ang (a) sa kaliwa Repeat (b) , gawin ang kumintang sa kanan sa itaas ng ulo.
c. Ulitin ang (a-b)
Figure III
a. Lumakad ng paikot sa kanan (4x) ipalakpak ang kamay sa huling bilang
b. Lumakad ng paikot sa kanan (4x) ipalakpak ang kamay sa huling bilang
c. Ulitin ang (a-b) 7
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Figure IV
Lumakad ng may kapareha:
Panimulang posisyon: Humarap sa kapareha na may apat na talampakan ang layo sa kapareha. Tumayo nang
magkadikit ang mga paa.
a. Lumakad pasulong (4x) patungo sa kapareha, ang kamay ng lalaki ay sa baywang at ang babae ay sa
palda.
b. Lumakad pahuli (4x) palayo sa kapareha. Parehong posisyon ng kamay.
c. Lumakad pasulong (4x) papunta sa lugar ng kapareha na dumadaan sa parehong kanang balikat. Itaas ang
kanang kamay sa itaas ng ulo, kaliwang kamay sa baywang.
Magtapos na nakaharap sa gitna.
d. Ulitin ang (c )na dumadaan sa parehong kanang balikat patungo sa iyong lugar.
e. Ulitin ang (c-d) na dumadaan sa parehong kaliwang balikat, kaliwang kamay nakataas sa itaas ng ulo,
kanang kamay sa baywang.
Figure V
a. Humakbang ng 4 na change steps sa lugar iyong lugar na nagsisimula sa kanang paa, ang mga kamay sa
baywang
b. Gumawa ng 4 na point step nang salitan ang kanan at kaliwang paa
c. Gumawa 4 na change steps paikot sa kanan, Kumintang sa kanan at kaliwang kamay nang salitan. Ulitin ang
(c) paikot sa kaliwa, kumintang sa kaliwa at kanan nang salitan
Figure VI
Ulitin figure II. sa pagkakataong ito ang babae naman ang tutungo pakanan pagkatapos pupunta sa kaliwang
bahagi ng kapareha, papalakpak ang lalaki......................................16M
Figure VII
Uulitin ang figure III.................................................................16M
Figure VIII
Uulitin ang figure IV................................................................16M

Gawin nang isa-isa ang mga hakbang ng sayaw na naayon sa bilang sa ilalim ng bawat step.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tingnan muli ang larawan. Subuking gawin nang isa-isa ang mga nasa larawan.
Gawin ang pinagsamang mga posisyon at direksyon na ginagamitan ng lakad tungo sa iba’t ibang pormasyon
(formation).

Edukasyong Pankatawan at Pangkalusugan (Kagamitan ng Mag-aaral) pahina 192

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 200 minuto)


Ikatlong Linggo

Mahalaga ang koordinasyon ng mga kamay at mga paa sa pagsasayaw. Upang makamit ang tamang
koordinasyon, kailangang magsanay at maisaulo ang sayaw.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Lagyan ng tsek ( ∕ ) ang hanay na angkop sa inyong kasagutan pagkatapos
sagutin ang katanungan sa ibaba ng table.

Edukasyong Pankatawan at Pangkalusugan (Kagamitan ng Mag-aaral) pahina 197

1.Ano ang iyong naramdaman matapos isagawa ang pagsasayaw?


2. Saan kayo nahirapan at saan kayo nadalian?
3.Saan kayo nasiyahan at saan kayo nakaramdam ng pagbabago sa katawan?

Ang Ba-Ingles ay sayaw na ginaya sa mga Amerikano. Ito ay nanggaling sa rehiyong Ilocos. Ito ay sinasayaw
sa tugtuging may 2/4 na palakumpasan. Sinulat ang sayaw na ito ni Gng. Francisca Aquino.

Muli, balikan ang mga hakbang sa pagsasayaw ng Ba-Ingles. Isagawa ang gawain sa pagsasayaw. Humanap
ng kapareha sa pagsasagawa nito. Isend ang video sa inyong guro.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 80 minuto)

Ang tamang pagsasagawa ng mga hakbang-sayaw ay makatutulong sa pagpapahalaga sa kultura ng mga tao
sa bayan o rehiyon na pinagmulan ng sayaw. Makatutulong ang tama at palagiang pagsasanay upang
mapagbuti ang pagsasayaw at mapaunlad ang koordinasyon ng mga kamay at paa.

Ikaapat na Linggo
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Isalaysay ang inyong naramdaman habang sumasayaw. Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot. Gawing batayan ang rubrik na nasa ibaba.

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 80 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain Sa Pagkatuto Bilang 6: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng tamang kasagutan.
1. Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na nagmula sa
A. Cabugao Ilocos Sur. B. Ilocos Norte. C.Vigan Ilocos Sur.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
2. Ang Ba-Ingles ay hinalaw sa salitang ___ at Ingles na ang ibig sabihin ay English Dance.
A. baila B. baile C. bailo

3. Sinasabing ang sayaw na ito ay dala-dala ng mga mangangalakal galing ng ___ maliban sa huling bahagi na
masasabing tunay na Ilokano.
A.Espanya B. Amerika C. Inglatera

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 40 minuto)


 Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano ang iyong natutunan sa araling ito?
2. Paano mo ito iuugnay sa iyong pang-araw-araw na gawain?

VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan (Kagamitan ng Mag-aaral) pahina 190-


202.
Inihanda ni: JONALYN V. AGNO Sinuri nina: NAIDA C. PABELICO
ANALYN P. TOLENTINO
CYRUS T. FESTIJO
FLORDELIZA P. LAURIANO

You might also like