You are on page 1of 5

Isang Masusing Banghay Aralin

Sa PE V

I. Layunin

Pagkatapos ng 40-minutong talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

A. Naipaliliwanag ang likas at kasaysayan ng katutubong sayaw;


B. Nailalahad ang kahalagahan ng pagsasayaw; at
C. Naitatanghal ang mga pangunahing posisyon sa klase.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Timbre: Mga Pangunahing Posisyon sa Pagsasayaw


B. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation and video.
B. Sanggunian; Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Panimulang gawain

1. Balik Aral

Ano ang tinalakay natin kahapon mga bata? Patungkol sa Rondalla at mga instrument ng
rondalla
Magaling!

2. Pagganyak

4pics 1 word

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad

Ngayon naman panoorin naman natin itong


video na ito.

Video ng Katutubong Sayaw “Cariñosa”

Ang ating pinanood ay ilan lamang sa mga


katutubong sayaw sa Pilipinas.
2. Pagtatalakay

Ang ating pag aaralan ngayon ay “Ang


Pangunahing Posisyon sa Pagsasayaw”

Ang katutubong sayaw ay isang uri ng sayaw


na nilikha ng isang pangkat mula sa iisang
komunidad, probinsiya, o bansa. Karaniwang
nagpapakita ito ng kultura, tradisyon,
paniniwala, at maging pang-araw- araw na
gawain ng isang partikular na grupo.

Ang katutubong kasuotan ng mga lumikha ng


sayaw ang nagsisilbing kasuotan ng mga
mananayaw Ang katutubong sayaw ay
tinatawag ding etnikong sayaw o tradisyonal
na sayaw. Madalas tinatanghal ang mga
katutubong sayaw sa mga pagdiriwang sa
lalawigan o probinsiya. Malaking bahagi rin
ito ng mga programa ng niga paaralan para sa
Edukasyong Pangkatawan o PE.

Mga Pangunahing Posisyon sa Pagsasayaw

BRASO

Unang Posisyon
a. Isaayos ang mga bisig at kamay sa harap
ng dibdib
b. Ikurba ang bisig nang pabilog habang
nakalabas ang mga siko.
c. Panatilihing nakaharap sa iyong mga Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
palad.

Pangalawang Posisyon
a. Ibuka nang sabay ang mga bisig at kamay
sa iyong tagiliran kapantay ng iyong mga
balikat.
b. Ikurba ang iyong mga bisig
c. Ang iyong mga palad ay nakaharap sa
paitaas Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon

Pangatlong Posisyon
a. Itaas ang kanang bisig na ang iyong palad
ay nakaharap sa baba.
b. Panatilihing nasa pangalawang posisyon Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
ang iyong kaliwang bisig.

Pang-apat na Posisyon
a. Panatilihing nasa pangatlong posisyon
ang iyong kanang bisig. Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
b. Ilagay ang iyong kaliwang bisig sa harap,
gaya ng unang posisyon.

Panglimang Posisyon
a. Itaas ang iyong mga bisig.
b. Ikurba ang iyong mga bisig at Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
panatilihing nakaharap sa ibaba ang iyong
palad.

MGA PAA

Unang Posisyon
a. Tumayo nang magkadikit ang iyong mga
sakong (heel)
b. Iposisyon sa labas ang iyong mga daliri Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
sa paa upang magporma itong letter V.

Pangalawang Posisyon
a. Ihakbang sa gilid ang iyong kanang paa
habang pinapanatiling nakaposisyon sa labas
ang iyong mga daliri sa paa. Ang iyong mga Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
paa ay kapantay ng iyong mga balikat.

Pangatlong Posisyon
a. Panatilihin sa dating pwesto ang kanang
paa.
b. Ilagay ang iyong kaliwang paa sa arko ng Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
talampakan ng iyong kanang paa.

Pang-apat na Posisyon
a. Panatilihin sa dating posisyon ang iyong
kanang paa.
b. Ihakbang ang iyong kaliwang paa pa Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
diagonal sa harap.
c. Panatilihing nakaposisyon sa labas ang
iyong mga daliri sa paa

Panglimang Posisyon
a. Ilagay ang iyong kanang paa sa harap ng
iyong kaliwang paa Isasagawa ng mga mag-aaral ang posisyon
b. Hayaang nakadikit ang sakong ng iyong
kanang paa sa mga daliri ng iyong kaliwang
paa.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat

Tayo ay magkakaroon ng group activity at


ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo. Ang
bawat grupo ay kinakailangan na itanghal ang
Pangunahing Posisyon sa pagsasayaw.

2. Paglalahat

1. Bakit mahalagang malaman natin ang mga


kasaysayan ng katutubong sayaw? Upang mabigyang halaga kung paano nag
umpisa o nakilala ang pagsasayaw sa ating
bansa.

2. Bakit mahalaga ang pagsayaw sa buhay ng


isang tao? Ang pagsasayaw ay isang paraan ng pag
eehersisyo.
IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa ang T kung totoo at H kung hindi ang bawat pangungusap.

1. Ang henerasyon ngayon ay maalam sa mga katutubong sayaw.


2. Karamihan sa mga batang Pilipino ay napag-aralan ang katutubong sayaw dahil sa programa
ng paralang palaguin ang ating kultura.
3. Ang pagtanghal ng katutubong sayaw ay nakatutulong sa ating kakayahang pangkatawan.
4.Ang katutubong sayaw ay tinatawag din na etnikong sayaw.
5. Ang katutubong sayaw ng Pilipinas ay nagmumula sa iba't ibang lugar at probin-siya sa buong
bansa.

V. Takdang Aralin

Panuto: Alamin ang mga katutubong sayaw sa Bayan ng Echague at isulat ito sa malinis na papel

Prepared by

EXCELLSIS LANDWEEN M. GONZALES


Pre-Service Teacher

You might also like