You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino

Ika-7 na Baitang

I. Layunin

A. Pamantayan sa Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng kabisayaan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting bayan gamit ang wika ng
kabataan,
C. Kasanayang Pampagkatuto
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ng Baitang 7 seksyon
Dahlia ay inaasahang:

a. Maipapaiwanag ang kahulugan ng Awiting Bayan.


b. Makapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng Awiting Bayan.
c. Makakabisado ang mga awiting bayan mga anyo ng Panulaang
Filipino.
d. Mapapahalagahan ang mga Awiting Bayan bilang pamana ng lahi
e. Natutukoy ang mga ibat-ibang uri ng Awiting Bayan.

II. Paksang-Aralin

Paksa: Awiting Bayan


Sanggunian: Modyul sa Filipino(Supplemental Lessons)
Kagamitan: kartolina,marker,pandikit,modyul

III. Pamamaraan

A. Aktibiti

a. Pang araw-araw na gawain

 Panalangin
 Pagtataya at pagbati
 Pagtataya ng mga lumiban sa klase
 Pagpapaalala
b. Pagbabalik-tanaw

 Magtatanong ang guro tungkol sa kanilang ikatlong


pagsusulit, kung pinaghusayan ba nila ang kanilang
pagsasagot at nakakuha ba sila ng matataas na marka.

c. Motibasyon
 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung may alam ba
silang mga AWITING BAYAN.

 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung anong salita


ang maari nilang maiugnay sa salitang AWITING BAYAN.

AWITING
BAYAN

B. Analisis

 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung bakit iyon


ang kanilang naibigay na salita. Ang bawat mag-aaral na
nagbigay ng salita na may kaugnayan ay AWITING BAYAN
ay magpapaliwanag kung bakit iyon ang kanilang naisipan.
C. Abstraksyon

 Ilalahad ng guro ang kasaysayan at pinagmulan ng


AWITING BAYAN .
 (Ang mga awiting bayan ay mga awit ng mga Pilipinong
ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.)

 Ibibigay ng guro sa mga uri ng AWITING BAYAN.


 KUNDIMAN- awit ng pag-ibig
 KUMINTANG O TAGUMPAY- awit ng pandigma
 DALIT O IMNO- awit sa diyos-diyosan ng mga Bisaya.
 OYAYI O HELE- awit ng pagpapatulog ng bata.
 DIONA- awit sa kasal.
 SULIRANIN-awit ng mga manggagawa.
 TALINDAW-awit sa pamamangka.
 DUNGAW-awit sa patay.
.

IV. Aplikasyon

 Hahatiin ng guro ang klase sa walong pangkat. Ang bawat


pangkat ay may ibat-ibang uri ng Awiting Bayan. Ang
gagawin ng bawat pangkat ay ibibigay ang kahulugan ng
kanilang naatasang Awiting Bayan at magbibigay ng isang
halimbawang kantahin.

V. Ebalwasyon

MGA TANONG:
 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ilagay sa
isang kalahating papel 1/2 .

1. Isang uri ng awiting bayan na kinakanta tuwing may patay?


2. Kinakanta tuwing nasa baybayin ng dagat o nasa gitna ng
karagatan?
3. Awit ng mga manggagawa?
4. Isang awitin kapag ang magkasintahan ay nag-iisang dibdib?
5. Anong uri ng awiting bayan kung ang isang tao ay nagpapatulog
ng bata?
6. Awit sa diyos-diyosan ng mga bisaya?
7. Ito ay isang awit sa pakikipagdigma?
8. Isang awitin tungkol sa pagmamahal o pag-ibig?
9. -10. Ang mga __________ ay mga awit ng mga ___________
at hanggang ngayon ay kinakanta pa rin.

MGA KASAGUTAN:

1. Dungaw
2. Talindaw
3. Suliranin
4. Diona
5. Oyayi o Hele
6. Dalit o Imno
7. Kumintang o Tagumpay
8. Kundiman
9. Awiting bayan
10. Pilipinong ninuno

VI . Takdang-Aralin

 Kinakailangan bang tangkilikin natin ang sariling atin?


Pangatwiranan. Ialagay sa isang kalahating papel ½. At ipasa
bukas.

You might also like