You are on page 1of 3

Grade 7 - ORCHIDS

Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

PANIMULA:

Pinakamalaking tribo ng mga Muslim sa Mindanao ang Maranao. Ang salitang


Maranao ay nangangahulugang “tao ng lawa” sapagkat karaniwan silang nakatira sa
lawa ng Lanao.
Sa araling ito inaasahang maunawaan ang mga paniniwala at katangian ng
Maranao sa pamamagitan ng kanilang Kwentong-bayan. Tatalakayin din ang Mga
Pahayag at Salita na Nagbibigay-patunay na makatutulong upang mapahalagahan
ang nasabing akda. Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makadidisenyo ng
poster batay sa sumusunod na pamantayan: a) naglalarawan ng panimula, mga
kaugalian at kalagayang panlipunan ng Maranao, b) orihinal, c) masining, at d)
makatotohanan.
Sa pagtalakay sa aralin, gagabayan ang mag-aaral na masagot ang mga
pokus na tanong na:
1. Masasalamin ba ang paniniwala at katangian ng mga taga-Maranao sa kanilang
mga kuwentong- bayan?
2. Mahalaga ba ang paggamit ng wastong salita/pahayag sa pagbibigay-patunay
sa pagpapahalaga sa mga kuwentong-bayan ng mga Maranao?

SAKLAW NG ARALIN
Aralin
Pamagat Matutuhan mo ang …
Blg.
1 (Ako at Ang Aking Pagkilala  Nasusuri ang pangyayari sa binasa sa
sa Isla ng Mindanao) mga kaganapan sa iba pang lugar ng
Nakalbo ang Datu bansa.
Panitikan: Kwentong-bayan  Nagagamit nang wasto ang mga
Gramatika: Ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga
Pahayag na Nagbibigay ng patunay.
Patunay  Nasusuri gamit ang graphic organizer,
ang ugnayan ng tradisyon at akdang
pampanitikan batay sa binasang
Kuwentong-bayan.

CONCEPT MAP NG ARALIN

Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng


Mindanao

Panitikan ng Mindanao

Akdang
Pampanitikan

Kwentong-bayan

Pag-aaral ng Wika
Ang mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
INAASAHANG MGA KASANAYAN

Upang mapagtagumpayang masagutan ang mga aralin at malinang nang lubos


ang iyong pag-unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod.

1. Napagsusunod-sunod ang lahat ng mga panuto ng aralin.


2. Nasusuri ang nilalaman ng akdang pampanitikan ang kwentong-bayan na may
kaugnayan sa kasaysayan at kultura ng Mindanao.
3. Nagagamit ng wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

PANIMULANG PAGTATAYA

1. Alin sa sumusunod na akda ang hindi maituturing na kuwentong-bayan?


A. Si Juan Tamad at ang mga Palayok
B. Si Pilandok at ang Batingaw
C. Indarapatra at Sulayman
D. Kuwento ng Ulan at Araw

2. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pinuno?


A. magandang kumilos
B. may matipunong pangangatawan
C. mahusay mamuno at magdesisyon
D. mapagkawanggawa

3. Anong gawain ang maaari mong gawin kapag nais mong lumikha ng larawan sa
pamamagitan ng pagguhit, kung paano nasasalamin ang kultura mula sa mga
kuwentong-bayan?
A. slogan C. poster
B. jingle D. role playing

4. “Sa totoo lang, kaming mga laruan ay ginawa upang paligayahin kayo subalit
natatakot din kaming baka isang araw ay hindi n’yo na kami pansinin.” Anong pang-
ugnay na nagpapatotoo ang ginamit sa pangungusap?
A. Sa totoo lang C. upang
B. baka D. subalit

5. ________, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring ipuno
sa patlang upang ito ay mapatotohanan?
A. Talagang C. Sa totoo lang
B. Tunay na D. Sa tingin ko

ACQUISITION

PAGTUKLAS

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Mindanao.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
Kasanayan:
Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit
sa pangungusap.

LEARNING TARGETS

 Magagawa kung masusuri ang pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa


Mindanao.
 Magagawa kung magamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga
patunay.
 Magagawa kung masusuri gamit ang graphic organizer, ang ugnayan ng tradisyon at
akdang pampanitikan batay sa binasang Kuwentong-bayan.
Tuklasin

GAWAIN 1. Ilarawan Mo!


Sa pamamagitan ng isang pangungusap, isulat kung anong paniniwala ang
nakapaloob sa sumusunod na gawi/kaugalian. Subuking gamitin ang mga pahayag na
nagbibigay-patunay tulad ng: totoo, tunay, talaga, at tiyak. Isulat sa kahon ang sagot.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

1. sama-samang pagsamba ng
buong pamilya sa Panginoon

2. pagbabautismo/pagpapabinyag

3. pagtutuli (circumcision) sa anak


na lalaki

4. pag-aayuno

GAWAIN 2. Mahusay na Hinuha


Subuking sagutin ang mga tanong sa tulong ng kasunod na graphic organizer.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Masasalamin ba
ang mga
paniniwala at Patunayang
katangian ng mga mahalaga ang
taga-Mindanao sa paggamit ng
kanilang mga wastong
kuwentongbayan? salita/pahayag sa
Ipaliwanag. pagbibigay-
patunay sa
pagpapahalaga
ng kuwentong–
bayan ng
Mindanao.

You might also like