You are on page 1of 12

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksiyon: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ______________________

GAWAING PAGKATUTO Blg. 1


Filipino 7: Kuwentong Bayan (Mindanao)
I.Panimula
Ang pagkatuto sa panitikan ng karatig lugar ay lubhang napakahalaga
upang maging isang batayan ito sa wika at kultura ng isang naturang lugar.
Isang kaalaman na mabibitbit sa anumang oras. Maaaring ito ay sa
pamamagitan ng pagbabasa, panonood, pakikinig at maging sa pakikipag-
usap.
Ang gawaing ito ay naglalaman ng iba’t ibang gawaing magpapalalim sa
iyong pang-unawa sa aralin. Tandaan na ang kuwentong bayan ng Mindanao
ay malaking ambag sa panitikang ating ginagalawan, kaya gawing
makabuluhan ang pagganap sa gawaing pagkatuto na ito.

II.Kasanayang Pampagkatuto
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan. (F7PN-Ia-b-1)

III.Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. mahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng Mindanao;


2. matutukoy ang mahalagang pangyayari sa kuwentong bayan;
3. mapayayaman ang mga sitwasyon na nakapaloob sa kuwento.

1
IV.Pagtalakay
Mga gawain na huhubog sa pagkatuto at daan sa pag-unawa ng
aralin. Ang pagkilala sa kultura, wika, at produkto ang magiging gabay sa
araling kuwentong bayan ng Mindanao.

Bago magsimula, talakayin at subukin ang isang gawain sa ibaba


upang mas lubos na maunawaan ang talakay.

ANONG SABI!

Panuto: Gamit ang isang pahayag ay magbibigay ng reaksiyon sa mga


produkto, tanawin, kultura at likas na yaman ng Mindanao bilang isang
turista.

Durian
1.
Reaksiyon: ____________________________________

Tiruray
2. Reaksiyon: _____________________________________

Siargao
3. Reaksiyon: _____________________________________

Kulintangan

4. Reaksiyon: _____________________________________

Kadayawan Festival
Reaksiyon: _____________________________________
5.

Larawan kuha ni Rockers John Isip at mula sa https://www.canva.com


2
Kuwentong-Bayan (Mindanao)

Ang Mindanao ay tinatawag ding “Kamindanawan”. Isinunod ang pangalang


Mindanao sa mga “Maguindananon” na bumubuo sa pinakamalaking kasultanan
ayon sa kasaysayan. Ito ang pangalawa sa pinakamalaking pulo ng Pilipinas na
pinalilibutan ng maliliit na pulo. Ang pinakamalaking Lungsod ng Mindanao ay ang
Lungsod ng Davao. Ang pangunahing wika na sinasalita ay “Cebuano”. Bago pa man
dumating ang mga mananakop na kastila ay mayroon nang mayamang panitikan
ang Pilipinas na isinalin sa paraang pasalita o salimbibig imbes na nakasulat.

Ang prekolonyal na panitikan ay isang gawaing pangkomunidad, isang


pagtitipon-tipon ng mga mamamyan sa bawat pamayanan, at isang pinagsasaluhang
ritwal.

Ang Mindanao ay may siksik liglig na panitikan tulad ng kuwentong-bayan.


Ang Kuwentong-Bayan o “folklore” ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na
mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang
hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang
kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o
lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Tandaan: Bago pa man nasakop ang Pilipinas ay mayroon ng sariling panitikan


ang mga ng katutubong Pilipino. Ito ay lubos na nahubog at napagyaman dahil sa
mga mananakop.

Ang Kataksilan ni Sinogo


ni: Evil Mujo

Maraming-maraming taon na ang nakararaan, noong si Maguayan pa ang


panginoon sa dagat, at ang mapusok na Kaptan ang naghahagis ng kidlat mula sa
kanyang kaharian sa langit, pulos mga halimaw ang lumalangoy sa tubig at
lumilipad sa himpapawid. Malalaki ang ngipin at matatalas ang kuko ng mga
halimaw sa himpapawid. Subalit kahit ano ang bangis nila, sama-sama silang
nabubuhay nang tahimik dahil takot sila sa galit at lupit ni Kaptan. Kakaiba ang
kalagayan sa dagat sapagkat dambuhala ang mga halimaw na lumalangoy at
malakas ang loob nila dahil sa kanilang laki at lakas. Pati si Maguayan ay sindak sa
kanilang laki at dahas kaya hindi siya sinusunod, ni hindi iginalang ng mga
halimaw. Araw-araw ay balisa si Maguayan na baka siya ang balingan ng mga ito.
Sa wakas, nawalan siya ng pag-asa at humingi ng tulong kay Kaptan. Inutusan ng
diwata ng langit ang mga pinaka-matulin niyang mga tagahayag na tawagin lahat ng
mga halimaw upang magpulong sa isang munting pulo ng Kaweli, sa gitna ng dagat
ng Sulu, sa lalong madaling panahon. Agad namang nagdatingan ang mga halimaw

3
hanggang dumilim ang langit sa dami ng mga lumilipad. Kumulo ang dagat sa dami
ng mga lumalangoy.

May mga dambuhalang buwaya mula Mindanao, mababangis na tikbalang


mula Luzon, mga ligaw na sigbin mula Negros at Bohol, daan-daan ng mga ungloks
mula Panay at Leyte, malalaking uwak-uwak at iba pang nakakatakot na halimaw -
lahat ay nagsiksikan sa munting pulo na halos natakpan sa dami nila.
Nakakabinging tilian at hiyawan habang hinihintay ang atas nina Kaptan at
Maguayan mula sa kanilang gintong luklukan. Pagtagal-tagal, itinaas ni Kaptan ang
isa niyang bisig at biglang tumahimik lahat ng halimaw. Inihayag ni Kaptan ang
kanyang utos. Si Maguayan ay kapwa niya diwata, sabi ni Kaptan, at dapat siyang
igalang ng mga halimaw tulad ng paggalang na inilalaan sa kanya. Inutos niya sa
lahat na sumunod at igalang si Maguayan. “Hahagisan ko ng kidlat at papatayin,”
babala ni Kaptan, “ang sinumang sumuway sa utos kong ito.”

Pinauwi na niya ang mga halimaw at muling pumailanlang ang mga tili at
hiyawan nang sabay-sabay. Mabilis na nag-alisan ang mga mababangis na nilalang.
Dagli lamang, walang naiwan sa Kaweli maliban kina Kaptan at Maguayan, at ang
tatlong pinaka-matulin sa mga tagahayag - si Dalagan, ang pinaka-mabilis, si
Gidala, ang pinaka-matapang, at si Sinogo, ang pinaka-makisig at pinaka-mahal ni
Kaptan. Silang tatlo ay mga dambuhalang mala-diwata na may malalaking pakpak
kaya mabilis lumipad. May sandata silang mahahaba at matatalim na mga sibat at
kampilan na walang kiming ginagamit nilang pamatay, sa utos ni Kaptan.
Nagpasalamat si Maguayan kay Kaptan. “Walang anuman,” tugon sa kanya,
“tinupad ko lamang ang aking tungkulin sa isang kapatid.” Tapos, ibinigay ni Kaptan
kay Maguayan ang isang gintong kabibi. “May mahiwagang kapangyarihan ito,
bulong niya kay Maguayan. Isubo mo lamang at ang anyo mo ay magbabago sa
anumang naisin mo.” Kaya raw kung may mangahas na halimaw, kailangan lamang
maging halimaw din siya, subalit mas malaki at mas mabangis, upang talunin at
patayin ang pangahas!

Nagpasalamat uli si Maguayan at inilagay sa tabi niya ang gintong kabibi.


Pagkatapos, pinakuha ni Kaptan ng pagkain at inumin ang tatlong tagahayag.
Nagpiging na ang dalawang diwata. Hindi nila napansin, nasa likod si Sinogo, narinig
lahat ng ibinulong ni Kaptan at ibig ngayong makamit ang gintong kabibi. Kahit na
marami na siyang tinanggap na biyaya at karangalan mula kay Kaptan, ninais niya
ang higit pang kapangyarihan. Maaari siyang maging tunay na diwata at maghari sa
lupa, at magtago upang hindi maparusahan ni Kaptan. Kaya paghain niya ng
pagkain kay Maguayan, lihim niyang dinampot ang kabibi. Tahimik siyang tumalilis.
Matagal bago namalayang wala si Sinogo, at ipinahanap siya ni Kaptan kay Dalagan.
Mabilis na bumalik si Dalagan at hinayag na wala na sa pulo si Sinogo. Nataon
namang napansin ni Maguayan na naglaho ang gintong kabibi kaya nahulaan ni
Kaptan na ninakaw ito ni Sinogo at tumakas. Sumisigaw sa galit, inutos ni Kaptan
kina Dalagan at Gidala.Pinahabol at pinadakip ito. “Papatayin ko siya!” sigaw ni
Kaptan. Agad at walang puknat na lumipad patungo sa hilaga sina Dalagan at
Gidala, at sa banda ng pulo ng Guimaras, namataan nila si Sinogo. Napansin din

4
sila ni Sinogo na lalong minadali ang paglipad, subalit mas mabilis kaysa sa kanya
ang mga humahabol, lalo na si Dalagan, kaya unti-unti siyang inabutan. Humugot
ng sandata sina Gidala, susunggaban na sana nila si Sinogo. Biglang isinubo ni
Sinogo ang gintong kabibi at sa isang kisap-mata, naging dambuhalang buwaya siya
at sumisid sa dagat. Habol pa rin,c pinagta-taga siya nina Dalagan at Gidala subalit
hindi tumagos sa kapal at tigas ng balat ng buwaya. Patuloy ang hagaran sa
lusutang Guimaras.

Sa kaskas ni Sinogo, at sa laki ng anyo niyang buwaya, sumambulat ang tubig


na dinaanan hanggang, pag-ikot sa dalampasigan ng Negros, natakpan ng tubig ang
munting pulo ng Bacabac, binakbak ang mga bundok duon at naging pantay ang
lupa sa dagat.

Papunta na sa pulo ng Bantayan ang habulan nang biglang lumihis si Sinogo


at sumingit sa makitid na pagitan ng Negros at Cebu. Iniwan ni Dalagan si Gidala
na humabol nang nag-iisa upang makabalik siya sa pulo ng Kaweli. Doon, ibinalita
niya kina Kaptan at Maguayan kung saan lumalangoy si Sinogo bilang isang buwaya.
Natantiya ni Kaptan na matatambangan nila si Sinogo sa makitid na tubig. Lumipad
siya pasilangan at tumatag sa kabilang dulo ng tinatawag ngayong Tanon Strait,
hawak ang isang malakas na kidlat.

Mabilis na dumating si Sinogo at pinagtataga pa rin ni Gidala. Nang


umalingawngaw ang malakas na kulog at biglang tumama ang kidlat sa likod ng
dambuhalang buwaya. Tuloy-tuloy na lumubog si Sinogo na buwaya, tulak-tulak ng
kidlat hanggang bumaon ito sa lupa sa ilalim ng dagat. Nakatuhog sa kidlat, hindi
naka-alpas si Sinogo at sa pagpu-pumiglas niya, nailuwa niya ang gintong kabibi.
Nahulog sana sa putik ang kabibi subalit sinalo ito ng isang isda. Dinala ang
gintong kabibi kay Kaptan. Samantala, nanatiling buwaya si Sinogo at
patuloy na palag nang palag sa ilalim ng dagat.

Ang walang tigil na palag ni Sinogo na dambuhalang buwaya ang sanhi


ng mga ipo-ipo sa bahaging iyon ng Pilipinas. Mga bahaging laging iniiwasan
ng mga namamangka, sa takot na makaranas ng panganib.
(mula sa http://magicworkshopph.blogspot.com/2009/07/ang-kataksilan-ni-sinogo.html)

V.Mga Gawain

Pagpupuntos (Gawain 1-3)


Kaayusan ng salita - 5 puntos
Kalinawan ng pahayag - 5 puntos
Tamang gamit ng bantas (Teknikal - 5 puntos
Kabuuang puntos = 15 puntos

5
Gawain 1
Suriin ang bawat katangian ng tatlong mandirigma.

Gidala Dalagan Sinogo

Gawain 2

Sinong bayani mo?


Maghanap ng “superhero” na maaaring ihalintulad sa tatlong mandirigma.

Gidala Dalagan Sinogo

(pangalan ng superhero) (pangalan ng superhero) (pangalan ng superhero)

Ano ang katangian Ano ang katangian Ano ang katangian


nang napiling nang napiling nang napiling
superhero? superhero? superhero?
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________

6
Gawain 3
Batay sa nabasang kuwentong-bayan ukol sa, “Ang Kataksilan ni Sinogo”,
pumili ng eksena mula dito at ihalintulad sa totoong buhay.

Eksena

Kuwentong-Bayan
Paghahalintulad sa totoong buhay
“Ang Kataksilan I Sinogo”

Kung bibigyan ka nang pagkakataon na may babaguhin, ano ito?

Pagpupuntos (Gawain 4-5)


Kaayusan ng pangungusap - 1 puntos
Malinaw na paliwanag - 2 puntos
Kaangkupan nang sagot sa paksa - 2 puntos
Kabuuan = 5 puntos

Gawain 4
Palawigin ang tatlong salita na magsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay.

1. Gaano kahalaga ang bawat salita?


1.1 respeto - _____________________________________________________
1.2 tiwala - _____________________________________________________
1.3 pamilya - _____________________________________________________
2. Sa tatlong salita, bakit mahalaga ang bawat isa sa pakikisama sa ating kapwa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Mula sa tatlong salitang pinalawig. Anong halaga nito sa ating lipunan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Magsalaysay ng isang pangyayari sa buhay na may kahawig sa akdang iyong
binasa.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Anong solusyon ang iyong ginawa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7
Gawain 5
Panuto: Batay sa nabasang kuwentong bayan ng Mindanao. Bigyang paliwanag
ang sumusunod at ihalintulad ito sa sariling karanasan.
Kuwentong-Bayan
Paksa Sariling karanasan
“Ang Kataksilan I Sinogo”

Mga aswang

Pinuno

VI.Pagsusulit
Alamin natin kung gaano na kalawak ang inyong natutuhan mula gawaing
pagkatuto na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang
sagot.
_______1. Sino ang dating panginoon sa dagat?
A. Maguayan B. Sinogi C. Kaptan D. Diwata
_______2. Sino ang pinatawag ng diwata sa langit?
A. higante B. kerobin C. halimaw D. hayop
_______3. Sino ang mga halimaw na nagmula sa Mindanao?
A. Dambuhalang ipis C. Dambuhalang tutubi
B. Dambuhalang buwaya D. Dambuhalang isdA
_______4. Mula Luzon, sino ang mga halimaw na dumating?
A. Mababangis na tikbalang C. Kapre
B. Nuno sa punso D. Tiktik
_______5. Ang mga halimaw na nagmula sa Negros at Bohol ay ___?
A. Ligaw na bala C. Ligaw na bata
B. Ligaw na hayop D. Ligaw na Sigbin
_______6. Gaano karami ang mga ungkloks na mula sa Panay at Leyte?
A. daan-daan B. bente C. libo-libo D. sampung libo
_______7. Anong mangyayari sa hindi magbibigay pugay kay Maguayan?
A. Hahagisan ng malaking bato
B. hahagisan ng halimaw
C. Hahagisan ng kidlat at papatayin
D. hahagisan ng kidlat at lulumurin sa dagat
_______8. Saan nagpulong ang mga halimaw?
A. Kaweli B. Koweli C. Kuweli D. Kiweli
_______9. Sino ang pinakamabilis sa mga tagahayag?
A. Dalangan B. Sinogo C. Gidala D. Kapitan
_______10. Sino ang pinakamatapang sa mga tagahayag?
A. Maguayan B. Gidala C. Sinogo D. Dalangan

8
_______11. Sino ang nagnakaw ng gintong kabibi?
A. Sinogo B. Maguayan C. Kaptan D. Gidala
_______12. Ano ang mahiwagang kapangyarihan ng gintong kabibi?
A. Isubo lamang ito at magbabago ang anyong nanaisin.
B. Isubo lamang ito at hintayin ang kalalabasan
C. Isubo lamang ito at isigaw ang ninanais
D. Ikiskis sa balat at humiling.
_______13. Kinuha ni Sinogo ang gintong kabibi . At nang makita siya nina Dalagan
at Gidala isinubo nito ang gintong kabibi. Pagkasubo sa kabibi ano ang
nagyari kay Sinogo?
A. Dambulang isda C. Dambuhalang buwaya
B. Dambuhalang hipon D. Dambulang pagong
_______14. Ano ang sanhi ng ipo-ipo batay sa kuwentong - bayang nabasa?
A. Dahil sa pagtakas ni Sinogo
B. Dahil sa walang sawang pagtataga si Gidala kay SInogo
C. Dahil sa paghagi ng kidlat ni Kaptan
D. Dahil sa walang tigil na pagpalag ni Sinogo
_______15. Anong mahalagang kaisipan ang namayani sa kuwentong-bayang, “Ang
Kataksilan ni Sinogo”?
A. Huwag magnanais ng malakas na kapangyarihan.
B. Huwag sayangin ang tiwalang ipinagkaloob
C. Magtago ng maayos at nang hindi mahanap.
D. Humiram ng bagay na hindi pagmamay-ari

VII.Pangwakas
BAKASYON GRANDE!
Mula sa nabasang Kuwentong-Bayan ng Mindanao, magsaliksik ng mga lugar na
ninanais na marating at idikit o iguhit ito. Isulat ang dahilan kung bakit ito ang
napiling puntahan. Gayahin ang pagkasunod-sunod ng Gawain sa loob ng kahon.

ANG AKING BAKASYON GRANDE

Pangalan ___________________________________________________ Petsa ___________

Bilang at pangkat ___________________________ Lagda ng Magulang ____________

Panuto: Sa loob ng kahon ay isulat ang lugar na gustong mapuntahan. Dapat


ito ay nasa bahaging Mindanao. Ilagay ang larawan at sundan ng paliwanag.

9
VIII.Sanggunian

Rex Supplemental Book


Ailene Baisa-Julia et.al., 2018, Pinagyamang Pluma 7, 973 Quezon
Ave., Quezon City, Phones Publishing House, Inc., pg.45
Most Essential Learning Competencies (MELC’s)

https://www.coursehero.com/file/15551558/Panitikan-ng-Mindanao/

http://malacanang.gov.ph/75475-panitikan-ng-ibat-ibang-lalawigan/

http://magicworkshopph.blogspot.com/2009/07/ang-kataksilan-ni-sinogo.html

https://www.canva.com

http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html

https://www.slideshare.net/cli4d/mga-37194330

10
11
Pagsusulit
TAYAHIN
1. C 2. C 3. B
4. A 5. D 6. A
7. C 8. A 9. A
10. B 11. A 12. A
13. C 14. d 15. b
Balikan
*Pagsususri ng guro sa sagot ng mag-aaral
Mga Gawain
Gawain 1-5
Pagpupuntos gamit ang rubriks
IX.Susi sa Pagwawasto
X.Grupong Tagpaglinang

Bumuo sa Pagsulat ng Gawaing Pagkatuto


Manunulat: Erwin G. Maneje

Patnugot ng Wika: Leila L. Serrano PhD/Remedios C. Gerente

Tagasuri: Leila L. Serrano,Ph.D /Edwin T. Turla


Remedios C. Gerente /Arman Deogines Garcia

Tagaguhit: Isagani D. Tique

Tagalapat: Gian Carlo C. Baldovino

Tagapamahala: Engr. Edgard C. Domingo PhD, CESO V


Leandro C. Canlas PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

12

You might also like