You are on page 1of 17

IKALAWANG MARKAHAN

ARALIN 2.6
Panitikan :Pangwakas na Gawain
Teksto :Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya
Wika :Nagagamit ang Linggwistikong Kahusayan sa Pagsulat
ng Sariling Akda
Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIi-j-49)


 Naipapahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang
akdang orihinal.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIi-j-49)


 Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling
kaisipan at damdamin.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIi-j-49)


 Nabibigyang - kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto
ng pangungusap.

PANONOOD (PD) (F9PD-IIi-j-49)


 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa ibinahaging sariling
akda sa napanood na kumperensiya.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIi-j-52)


 Naisasalaysay sa isang kumperensiya ang naisulat na sariling akda.

PAGSULAT (PU) (F9PS-IIi-j-52)


 Naisusulat ang sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging Asyano.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIi-j-52)


 Nagagamit ang linggwistikong kahusayan sa pagsulat ng sariling
akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.

Ikalawang Markahan | 86
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIi-j-49)


 Naipapahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang
akdang orihinal.

II. PAKSA

Panitikan :Pangwakas na Gawain


Teksto :Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya
Wika :Nagagamit ang Linggwistikong Kahusayan sa
Pagsulat ng Sariling Akda
Kagamitan :Pantulong na biswal, lap top
Sanggunian :prezi.com, Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et. al
Panitikang Asyano ni Romulo N. Peralta, et. al
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: READ AND SHARE
Nauunawaan ng mag-aaral ang napakinggang “Ang Puting Tigre”,
kuwentong mula sa Korea.

Gabay na Tanong:

a. Anong damdamin ang nangibabaw matapos mapakinggan


ang kuwento?

b. Bilang pag-unawa sa kuwento, ano ang maibabahaging


kaisipan sa akda?

Ikalawang Markahan | 87
2. Pokus na Tanong
a. Paano nagiging mabisa ang mga akdang pampanitikan ng
Silangang Asya sa pagpapakilala ng kultura at kaugalian ng mga
bansa nito sa mambabasa?

b. Paano nakatutulong ang iba’t ibang akdang pampanitikan ng


Silangang Asya upang maipakita ang pagpapahalaga sa pagiging
Asyano?

3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: TIME TRAVEL


Sa mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya na napag-aralan, pag-
uusapan ng mga mag-aaral ang kanilang pagkaunawa sa mga aralin.

Japan Korea China

Haiku at Tanka Ang Hatol ng Kuneho Niyebeng Itim

Taiwan Mongolia

Ang Kababaihan ng Tawan: Mongol: Ang


Ngayon at Noong Nakaraang 50 Pagtatagumpay ni Genghis
Taon Khan

ANALISIS

1. Ilarawan ang damdaming namayani sa bawat akdang pampanitikan ng


Silangang Asya.

2. Ibahagi ang mga kaisipan sa bawat akdang binasa.

3. Ano-anong kultura sa Silangang Asya ang ipinakita ng bawat akda?

4. Paano iminulat ng mga akdang ito ang kamalayan ng mga Asyano?

5. Ano-anong impluwensya ng mga akda sa Silangang Asya ang ating


isinasabuhay sa kasalukuyang panahon?

Ikalawang Markahan | 88
4. Pagbibigay ng Input ng Guro
Alam mo ba na…

Ang mga komposisyong pampanitikan tulad ng tanka at haiku, pabula,


sanaysay, maikling kuwento, at dula ay kinapapalooban ng katotohanang
masagisag at umaantig sa ating kamalayan at damdamin. Hindi lamang ito
naglalayong magpahayag ng kaalaman o magpaliwanag o dili kaya’y
manlibang at magpagaan ng kalooban kundi upang tuminag at tumimo sa
kaisipan.

Ayon kay Jacques Barzun, ang isang alagad ng sining ay may


karapatan o maaari ring sabihing tungkulin na itanghal ang kanyang mga
obra upang lumaganap at mabatid ito ng madla.
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: REPLEKSYON KO, PAKINGGAN MO


Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin at pagkaunawa sa
kaisipang nasa loob ng kahon.

Makikita sa mga akdang pampanitikan ng Silangang


Asya ang kanilang paniniwala, pilosopiya, katangian,
kaugalian at kultura ng kanilang lahi na nagpapamulat sa
kamalayan ng mga Asyano.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: IHAHAYAG KO, DAMDAMIN KO


Naipahahayag ng mga mag-aaral ang buod ng isang akdang
pampanitikan ng Silangang Asya at ilahad ang damdaming namayani sa
akda.

IV. KASUNDUAN

 Itala ang mga naging bisa ng nabasang akda sa Silangang Asya.

Ikalawang Markahan | 89
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIi-j-49)


 Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling
kaisipan at damdamin.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIi-j-49)


 Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto
ng pangungusap.

II. PAKSA

Panitikan :Pangwakas na Gawain


Teksto :Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya
Wika :Nagagamit ang Linggwistikong Kahusayan sa
Pagsulat ng Sariling Akda
Kagamitan :Pantulong na biswal, cue cards, lap top
Sanggunian :www.google.com, Kayumanggi 9 ni Perla
Guerrero et. al
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: IHAYAG, YAMAN NG ISIP
Ibibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa
pagkakagamit sa pangungusap.

1. Ang naganap kahapon ay suliranin ng kasalukuyan na


kababakasan ng magaganap bukas.
Kahulugan__________

2. Marami tayong batikang mananalaysay na buong talinong


naisulat ang nakaraang kaganapan.
Kahulugan__________

Ikalawang Markahan | 90
3. Mayaman ang imahinasyon ng mga manunulat kaya nakalilikha
sila ng akdang bunga ng kanilang guni-guni.
Kahulugan__________

4. Ang mga akdang naisulat ay patuloy na tinatangkilik ng mga


mamamayan sa bawat bansa.
Kahulugan__________

5. Bawat bansa’y may bantog na manunulat na kilala sa akdang


bunga ng kanilang guni-guni.
Kahulugan__________

2. Presentasyon ng Aralin

 Paglalarawan sa damdamin, saloobin at kaisipan hinggil sa mga


akda ng Silangang Asya.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
AK…SYON!
Pagpapakita ng mga kultura at kaugaliang nalaman sa mga
akdang pampanitikan ng Silangang Asya.

Pangkat 2
SHOUT OUT!
Paglalahad ng mga naging bisa ng mga nabasang akda sa
kaisipan ng mga Asyano.

Pangkat 3
PANEL DISCUSSION
Pagpapahayag ng bisang pandamdamin sa mga akdang
pampanitikan ng Silangang Asya.

Pangkat 4
REPORTER’S NOTEBOOK
Pagpapakita ng mala-dokumentaryong pagpapahalaga ng mga
mamamayang Asyano sa mga akdang pampanitikan ng
Silangang Asya.

Ikalawang Markahan | 91
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti

Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang


at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa pamamaraang sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon ginamit ng
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang miyembro sa
kanilang gawain gawain (2) kanilang
(3) gawain (1)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain.

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Paano iminulat ng mga akdang pampanitikan sa Silangang Asya ang


mga kultura at kaugalian?

2. Anong bisang pangkaisipan at pandamdamin ang nangibabaw sa


mga nabasang akda?

3. Sa kasalukuyan nating pamumuhay, paano nakaapekto ang mga akda


ng Silangang Asya?

Ikalawang Markahan | 92
7. Pagbibigay ng Input ng Guro
Alam mo ba na…
Ang bisang pandamdamin ay tumutukoy sa naging pagbabagong
naganap sa damdamin matapos mabasa ang isang akda.
Ang bisang pangkaisipan ay mga pagbabago sa isipan dahilan sa
natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
Sanggunian: www.google.com

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GRAPHIC ORGANIZER


Ilalahad ang mga naging bisa ng akda sa Silangang Asya.

Mga Akda sa Silangang Asya

Bisa sa Damdamin Bisa sa Kaisipan

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: KONSEPTONG KUMPLETO!


Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng makabuluhang konsepto.

Ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging


Asyano ay nagbubunsod ng _________________________.

EBALWASYON

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang A kung bisa sa
damdamin at B kung bisa sa kaisipan ang ipinahahayag ng
pangungusap.

____1. Lubhang kasiya-siya na malaman na ang mga kultura ng


Silangang Asya ay nagpapatatag at nagpapaunlad ng pagkatao ng
bawat Asyano.

____2. Nabago ang pananaw ng mga Asyano dahilan sa mabuting


impluwensya ng bawat bansa sa Asya.

Ikalawang Markahan | 93
____3. Ikinagalak ng mga Asyano ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan
sa pagitan ng bawat bansa sa Asya na nagbunsod upang
pahalagahan ang mga minanang kultura at pagkakakilanlan.

____4. Lubos na naunawaan na ang panitikan ng Silangang Asya ay


nakapagbigay ng malaking ambag sa pagkakakilanlan bilang mga
Asyano.

____5. Malugod na tinanggap ng mga Asyano ang malaking impluwensya


ng mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa pagpapakilala
ng kanilang mga kultura at kaugalian.

Susi sa Pagwawasto

1. A 2. B 3. A 4. B 5. A

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Magsaliksik at itala ang mga mahahalagang detalye sa pagsulat ng


isang akda.

Ikalawang Markahan | 94
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIi-j-52)


 Nagagamit ang linggwistikong kahusayan sa pagsulat ng sariling
akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging Asyano.

II. PAKSA
Panitikan :Pangwakas na Gawain
Teksto :Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya
Wika :Nagagamit ang Linggwistikong Kahusayan sa
Pagsulat ng Sariling Akda
Kagamitan :Pantulong na biswal, lap top
Sanggunian :Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et. al ,
Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et. al
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: DISCUSS IN CONFERENCE
Pag-uusapan ang isang akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng isang kumperensiya.
Halimbawa:

Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon


Isinalin sa Filipino nii Sheila C. Molina
(Taiwan)

2. Presentasyon ng Aralin

Proseso ng Pagsulat na Kailangang Isaalang-alang:


a. Ano ang aking isusulat?
b. Kailan at paano ko iyon isusulat?
c. Sino ang babasa sa aking isusulat?
d. Paano ako magsisimula?
e. Ano ang magiging wakas nito?

Ikalawang Markahan | 95
 Pagbasa sa Talata
TSINOY
Ang Tsino ang unang Asyanong bansa na nakipag-ugnayan sa mga
sinaunang Pilipino sa pamamagitan ng tuwirang kalakalan na nagsimula
noong ikasampung siglo. Tinatayang nagsimula na ang ugnayang ito bago pa
man dumating ang mga Espanyol. Ilan sa mga patunay rito ang mga
relikyang nahukay sa tabing-ilog ng Lamayan Sta. Ana na dating isang sikat
na barangay sa Maynila kung saan naganap ang barter o palitan ng kalakal
sa pagitan ng mga katutubo at Tsino. Isa pa ay ang mga nahukay na 1, 135
piraso ng mga palayok sa Calatagan, Batangas at 80% ng mga ito ay
itinuturing na gawa sa China kaya sa paglipas ng mga panahon, maraming
pagkakataon na rin na maiuugnay sa mga Pilipino ang ilang kaugaliang Tsino
sa pang-araw-araw na buhay. Bukod pa riyan, batay sa pag-aaral 1, 500 na
salita ng Tsino ang nahalo na sa ating wika kaya sa ating pakikipag-usap
ginagamit natin ang salitang mami, siopao, pansit, lumpia, okoy, chopsuey at
marami pang iba.
Malaki rin ang naging impluwensiya sa mga Pilipino ng mga
magagandang gawi na iminulat sa atin ng mga Tsino tulad ng paggalang sa
magulang at matatanda, magbubuklod-buklod ng pamilya, paggunita sa
alaala ng mga yumao, ang pakikipagkasundo ng mga magulang sa pag-
aasawa ng kanilang anak, ang magagandang katangian tulad ng pagiging
matiyaga, masipag, mapagpaumanhin at mapagkumbaba na minana rin natin
sa kanila. Maging ang pagsusuot ng putting-damit panluksa, mga pantalong
maluwang at dyaket ay nagging bahagi na rin sa buhay ng mga Pinoy.
Hindi lamang sa usaping pampamilya nagkakaugnay ang mga Pilipino
at Tsino. Masdan natin ang kapaligiran lalo na’t madadako tayo sa Ongpin, sa
mga “mall” at iba pang kilalang establisyamento. Aminin natin, isa sila sa
nagpapabago sa takbo ng kabuhayan ng mga Pinoy. Ang likas na pagiging
negosyante ng mga Tsino ay nagbigay-daan sa diwa ng entreprenyural ng
mga PInoy.
Sa ating mga Pilipino, bahagi na sila n gating kahapon at kinabukasan.
Sila ang nagpayaman ng kulturang Pilipino lalo na sa ugnayang
pangkabuhayan na hindi mapasusubalian ng kasaysayan kaya nagkataon
man o nagkatagpo, Pinoy tayo, Tsino sila, hindi magkadugo, hindi magkalahi
ngunit nagbibigkis ng mga kulturang nagpapatatag at nagpapayaman sa
bawat henerasyong pinag-ugnay ng mga kinagisnang pag-uugali at tradisyon
bilang Asyano.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et. al

ANALISIS

1. Ilahad ang nilalaman ng talataan.

2. Paano naipakita sa akda ang pagpapahalaga sa pagiging Asyano?

3. Paano nakatutulong ang kaalaman sa linggwistikong pagsulat ng akda?

Ikalawang Markahan | 96
2. Pagbibigay ng Input ng Guro
Alam mo ba na…

Ang pagsulat ay pagpapahayag ng saloobin, kaalaman, kaisipan at


anumang pangyayari sa paraang pasulat. Naglalarawan ito ng wastong gamit
ng mga salita, talasalitaan, paghahanay ng mga kaisipan at iba pang mga
elemento sa pagsulat.
Mahalaga ang pagsulat sapagkat sa pamamagitan nito, nalalaman ang
kasaysayan ng lahi, ang mga paniniwala, kultura at matatayog na kaisipan ng
mga tao sa daigdig. Bukod dito, kahit na magkalayo, nasa magkaibang pook,
nananatili ang ugnayan, naroroon pa rin ang pagkakaunawaan na
nagpapatindi sa pagkakaisa ng dalawang tao, samahan, pangkat, o pamilya.

May tatlong proseso sa pagsulat ayon kay Badayos

1. Bago sumulat
Sa prosesong ito pinipili ang paksa at binubuo na ang konsepto
tungkol sa paksa.
2. Pagsulat
Binubuo dito ang draft (burador), pagtanggap ng puna.
3. Paglalathala
Ipinakikita ang natapos na gawain sa pamamagitan ng paglalagay ng
Bulletin Board.

Tatlong Pangunahing Hakbang sa Pagsulat

1. Pre-Writing/Gawain Bago Sumulat


Sa hakbang na ito nagaganap ang pagpili sa paksang isusulat at
pangangalap ng mga impormasyong kakailanganin sa isusulat. Sa hakbang
na ito maaaring magmasid, magsarbey, makipanayam, magbasa-basa,
manaliksik, mag-eksperimento o ano mang gawaing makatutulong upang
makakuha ng angkop na datos hinggil sa paksa.

2. Actual Writing/Gawain Habang Sumusulat


Dito ginaganap ang pagsulat ng burador o draft. Isinasaalang-alang sa
pagbuo ng unang talata ang mainam na paraan ng pagsisimula tulad ng:
a. Isang katanungan
Halimbawa:
Naniniwala ka ba na nakapaloob sa mga akda ng Silangang
Asya ang kanilang paniniwala, kultura, saloobin at pananaw sa
buhay?
b. Isang pahayag na sinipi
Halimbawa:
“Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng
kalungkutan. Tila kailan lamang nang kasama ko si ama…”

Ikalawang Markahan | 97
c. Isang makatawag-pansing pangungusap
Halimbawa:
Ilang kababaihan lamang sa mundo ang nakakakuha ng pantay
na karapatan.

Sa pagwawakas naman ng talata, maaaring:


a. Pag-uulit sa ginamit na parirala.
b. Pagbubuod o pagbibigay ng mahahalagang impormasyong inilahad
sa isinulat.
c. Pagbuo ng paghihinuha batay sa kinalabasan ng binuong
komposisyon.

3. Rewriting/Gawain Pagkatapos Sumulat


Sa hakbang na ito isinasagawa ang pag-eedit o pagwawasto sa draft
batay sa wastong gramatika, wastong salita, at baybay nito, pati na ang
pagkakasunud-sunod ng kaisipan. Sa pagrerebisa, tinitingnan kung tama ang
pangungusap, magkakaugnay ang ideya, angkop ang salitang ginamit at
malinaw ang mensahe.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: CHAT WITH US!


Ilalahad ng mag-aaral ang mga kaalaman sa mga tanong na nasa kahon.

1. Paano nagiging mabisa ang mga akdang pampanitikan ng


Silangang Asya sa pagpapakilala ng kultura at kaugalian ng mga
bansa?

2. Paano nakatutulong ang linggwistikong kahusayan sa pagsulat


ng sariling akda sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging
Asyano?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: ISANG TALATA, SARILING AKDA!


Bubuo ang mag-aaral ng isang talatang naglalahad ng damdamin,
saloobin at kaisipan hinggil sa mga akda ng Silangang Asya na
nakapagbigay halaga sa pagiging isang Asyano.

Ikalawang Markahan | 98
EBALWASYON

Panuto: Isulat kung Tama ang isinasaad ng pangungusap at Mali


kung hindi angkop ang isinasaad ng pahayag.

_____1. Sa pamamagitan ng pagsulat, nalalaman ang kasaysayan ng


lahi, paniniwala, kultura at matatayog na kaisipan ng mga tao sa
daigdig.

_____2. Sa proseso ng pagsulat ng sariling akda, maaari nang walang


isaalang-alang na mga katanungan.

_____3. Sa pagrerebisa ng akdang isinulat, tinitingnan kung tama ang


pangungusap, magkakaugnay ang ideya, angkop ang salitang
ginamit at malinaw ang mensahe.

_____4. Sa pagsulat ng akda tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging


Asyano, hindi na mahalagang maipaliwanag ng akda ang bisa ng
paggamit ng maayos na simula at wakas ng pagsulat.

_____5. Ang pagsasalita ay pagpapahayag ng saloobin, kaisipan at


anumang pangyayari sa paraang pasulat.

Susi sa Pagwawasto

1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Mali 5. Mali

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Bumuo ng isang talata at isaalang-alang ang mga hakbangin sa


pagsulat ng akda.

Ikalawang Markahan | 99
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIi-j-52)


 Naisasalaysay sa isang kumperensiya ang naisulat na sariling
akda.

PAGSULAT (PS) (F9PS-IIi-j-52)


 Naisusulat ang sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging Asyano.

II. PAKSA

Panitikan :Pangwakas na Gawain


Teksto :Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya
Wika :Nagagamit ang Linggwistikong Kahusayan sa
Pagsulat ng Sariling Akda
Kagamitan :Pantulong na biswal, lap top
Sanggunian :Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et. al, Panitikang
Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et. al
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: AKDA’Y PAKAPAKINGGAN!
Babasahin ng guro ang isang akda tungkol sa Silangang Asya.

Sa Silangang Asya…

Kahapon… ngayon… at bukas, mga salitang masasabing


magkakaugnay sapagkat ang naganap kahapon ay salamin ng kasalukuyan
at karugtong ng kinabukasan. Ito ang pinatotohanan ng mga nasusulat na
kaganapan, likhang-isip man o aktuwal na pangyayari.

Ikalawang Markahan | 100


Ganyan kahalaga ang pagsulat, isang proseso ng pakikipag-ugnayan,
pagpapabatid at paglalahad ng anumang aspeto sa alinmang larangan at
sitwasyon sa paraang pasulat, tulad ng mga naisulat na sa kasaysayan ng
mga batikang mananalaysay at sa mayamang imahinasyon ng mga
manunulat ng mga akdang pampanitikan na tinangkilik at tinatangkilik sa iba’t
ibang panig ng mundo.

Bawat bansa ay may ipinagmamalaking akda sa larangan ng panitikan


at ang Silangang Asya ay hindi nahuhuli sa ganitong kalagayan. Sa bansang
Japan, nariyan sina Basho at Natsume Soseki sa kanilang Haiku. Sa Tanka
naman, sina Oshikochi Mitsune, Prinsesa Nukada at Ki No Tomonori.
Banggitin pa rin ang mga manunulat ng pabula sa Korea, sanaysay ng
Taiwan, maikling kuwento ni Liu Heng ng China at marami pang iba na
kasasalaminan ng kanilang paniniwala, kaugalian, pilosopiya at kultura ng
kanilang lahi.

Tulad ng mga bansa sa Silangang Asya, ang Pilipinas ay mayroon


ding mga dakila at bantog na manunulat na may mahalagang ambag sa
pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging Asyano.

Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ANALISIS

1. Paano naiiba ang paraang pagsulat sa ibang paraan ng pakikipag-


ugnayan sa kapwa?

2. Ipaliwanag kung paano makatutulong ang pagsulat ng akda sa


pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging Asyano.

3. Naniniwala ka ba na ang bawat tao ay maaaring lumikha ng sariling


akda batay sa paksang mapipili niya? Ipaliwanag.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: KATUWIRAN…HALINA’T PAKINGGAN


Ilalahad ng mag-aaral ang kanilang pananaw sa pamamagitan ng
pagbibigay katuwiran sa tanong na nasa kahon.

Paano nakatulong ang mahusay na pagsulat ng akda sa


pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano?

Ikalawang Markahan | 101


APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Pangwakas na Gawain.

Pagpapakita ng isinulat na sariling likhang akda tungkol sa


pagpapahalaga sa pagiging Asyano.

GRASPS

GOAL Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa pagiging Asyano.
ROLE Kontribyutor sa Literary Exhibit
AUDIENCE Samahan ng Nagkakaisang Bansa sa Silangang Asya
SITUATION Naanyayahan kang maging kontribyutor sa ilulunsad
na Literary Exhibit na pinamagatang Ani ng Panitikan
bilang bahagi ng Social Awareness Program
PERFORMANCE Sariling likhang akda
STANDARDS Maayos na napalutang ang paksa 30%
Magkakaugnay ang kaisipan 20%
Malinaw na nailahad ang mensahe 20%
Tumpak ang impormasyon 20%
Orihinalidad 10%
Kabuuan 100%

3. Isasalaysay sa isang kumperensiya ang sariling akda na isinulat.


Pag-uusapan ito ayon sa pagsulat na ginawa ng manunulat.

4. Pagbibigay ng fidbak sa isinagawa ng mga mag-aaral.

5. Pagbibigay ng iskor ng guro.

6. Pagpili ng natatanging mahusay na manunulat ng akda.

IV. KASUNDUAN

 Bumuo ng isang mahusay na talata. Isaalang-alang ang mga


hakbangin sa pagsulat.

Ikalawang Markahan | 102

You might also like