You are on page 1of 35

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin:
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentog
bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. (F7PN1a-b1)
2. Nagagamit ang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay(F7WG-1a-b-1)

II. Paksang Aralin

A. Paksa: “ Nakalbo ang Datu“


Uri ng Panitikan: Alamat

B. Wika: Mga Pahayag at salita na nagbibigay Patunay


C. Sanggunian: Deped Module 1 – Unang Markahan,
D. Kagamitan: Powerpoint Presentation. Video, Google meet

III. Yugto ng Pagkatuto

Paglinang

A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Paguulat ng liban at Takdang Aralin
 Balik Aral:
Ating balikan ang inyong mga dating kaalaman tungkol sa Panitikan. Kopyahin ang
tanong at ibigay ang tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Ang pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
__________________________________
2. Bago nabuo ang ARMM, ang Mindanao ay nahahati sa apat na rehiyon. Ano ang apat na
rehiyong ito? _________________, ________________, _______________,
_________________
3. Ano-anong mineral ang matatagpuan sa Mindanao? Magbigay ng lima.
_________________,______________, _________________, _________________,
____________________.
4. Ano-anong produktong agrikultura na matatagpuan sa Mindanao? Magbigay ng lima.
________________, _______________, ________________, _______________,
______________.
5. Ano ang ibig sabihin ng ARMM?
____________________________________________________.

B. Panimulang gawain

Natuklasan ko! Gamit ang mga larawan sa ilalim, magtala ng mahahalagang impormasyon
sa Mindanao, isulat ito sa inyong sagutang papel
3.

4.

5.

C. Presentasyon

Pagpapanood/Pagpapabasa ng isang kwento “Nakalbo ang Datu”

“Nakalbo ang Datu”

Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other
Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81

(Kwentong-Bayan ng Maranao) May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa


kaniyang mga nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook
kaya nalimutan na niya ang magasawa. Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang
tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay. Totoong naging pihikan ang
datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa
tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig
ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay
na magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa
ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Isa sa dalagang pinakasalan
ng datu ay si Hasmin. Siya ay batangbata at totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang
datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa
kaniya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin
ng paraan upang magmukhang bata ang asawa. “Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng
datu. Sa ganitong paraan, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.” Ganoon nga ang
ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok
ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa. Sadyang mahal
din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay na maganda at mabait din si Farida
ngunit kasintanda siya ng datu. Tuwangtuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng
datu. Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa. https//www.marvicrm.co mm 14 Dahil sa ipinakikitang
pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay ang datu. Tunay na
naging maligayang-maligaya siya, at pinagsisihan niya kung bakit hindi kaagad siya nag-
asawa. Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang minsang manalamin siya,
Hindi niya nakilala ang kaniyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu
dahil sa pagmamahal nina Hasmin at Farida.

D. Paglinang ng Talasalitaan

Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa katumbas na kahulugan ng salita


samantalang ang kasalungat naman ay kabaligtarang kahulugan ng salita.
Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang may
salungguhit ayon sa pakakagamit sa pangungusap. Gayahin ang kasunod na pormat sa
sagutang papel.

Pangungusap Kasingkahulugan Kasalungat


1. Ang Datu ay laging abala
sa kaniyang pook na
pinamumunuan.
2. Sadyang naging pihikan
ang Datu sa pamimili ng
kanyang magiging
kabiyak.

3. Mahal na mahal ng Datu si


Hasmin kaya ipinagkakaloob
ang bawat kahilingan nito.
4. Palihim niyang binubunot
ang itim na buhok ng
Datu kapag ito ay
nakakatulog.
5. Binubunutan ni Hasmin ng
puting buhok ang Datu sa
oras na ito ay tulog
namamahinga.

E. Gawain :

Pag-unawa sa Nilalaman

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang kinahaharap na suliranin ng Datu?


2. Bakit ito ang kanyang naging suliranin?
3. Ipaliwanag kung paano natutong umibig ang Datu?
4. Paano pinatunayan nila Hasmin at Farida ang matinding pagmahahal nila sa
Datu?

Hasmin Farida

5. Ipaliwanag kung bakit nakalbo ang Datu?

F. Pagpapalawak ng Gawain

Tayo’y Maghinuha!

Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong-bayan batay sa pangyayari o usapan ng mga tauhan. Bilugan ang tamang
sagot.

1. May isang Datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kaniyang mga


nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook
kaya nalimutan na niya ang mag- asawa. Dahil dito, pinayuhan na siya ng
matatandang tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak na
magiging tagapagmana niya.

Mahihinuhang ang katangian ng Datu sa kanyang pamumuno ay .


A.. magaling C. tapat
B. matandang D. masiyahin

2. Napilitang mamili ang Datu ng makakasama niya habambuhay. Totoong naging


pihikan ang Datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang
pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang
bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang Datu.

Mahihinuha sa pahayag na ito na ang Datu ay .


A. napilitang maghanap ng kabiyak ang Datu
B. nakatagpo din ang Datu ng kanyang iibigin
C. naging padalos-dalos ang pagpapasya ng Datu sa pagkakaroon ng iniibig
D. walang naibigan ang Datu sa mga magagandang dilag ng
pamayanan.

3. Isa sa dalagang pinakasalan ng Datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at totoong


napakalambing. Kahit na matanda na ang Datu, mahal ni Hasmin ang asawa.

Mahihinuha sa pahayag na ang pag iibigan ng Datu kay Hasmin ay .


A. may pinipiling edad ang pagmamahalan ng dalawang tao.
B. napilitan lamang si Hasmin na mahalin ang Datu.
C. walang pinipiling edad ang pagmamahalan matanda man o bata.
D. nahirapan ang Datu at kanyang kabiyak na si Hasmin dahil
masyadong magkalayo ang kanilang edad.

4. “Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng Datu. Sa ganitong paraan,


magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.”

Mahihinuha sa kanyang pahayag na .


A. mahal ni Hasmin ang Datu, sa katunayan gusto niya itong mag mukhang
kasing edad nya.
B. gusto ni Hasmin na maubos ang buhok ng Datu.
C. ikinahihiya ni Hasmin na makasama ang Datu lalo na at may mga
putingbuhok na ito.
D. ayaw makita ni Hasmin ang puting buhok ng Datu.

5. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng Datu.

Mahihinuha sa pahayag na ang Datu ay .


A. Natakot sapagkat siya ay kalbo na.
B. naging masaya ang Datu sa resulta.
C. panghihinayang na ang Datu ay kalbo na
D. pagkabigla ng Datu na siya ay kalbo na

G. Paglalapat

Paano nakakatulong ang tamang paggamit ng gramatika at retorika upang maunawaan


at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng Mindanao?
I. Paglalahat (sintesis)

ISIPIN MO

Ang kasunod na larawan ay ilang halimbawa ng mga


bagay na ginagamit sapanghihikayat ng mga turista
para dumayo rito sa Pilipinas. Ipaliwanag ang gamit ng
mga ito at paano naiiba ang isa’t isa.

1. .

2. .

3. .

4. .

IV. Takdang Aralin

Panoorin ang link na ito upang maunawaan ang kahulugan ng Flyers at


mga hakbangin sa pagbuo nito.

https://www.youtube.com/watch?v=uDp-5zTatkc

Inihanda ni:

Bb. ANNA LOU G. BUQUID


Teacher Applicant

You might also like