You are on page 1of 5

Learning Area: Filipino 7

Petsa: Hunyo 5, 2019


Grade 7

I. Pamantayang Pangnilalaman:

 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng


Mindanao.

Pamantayang Pagganap:

 Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo


Kasanayang Pampagkatuto (Domain): Pag-unawa sa Napakinggan
Pag-unawa sa Binasa

Layunin:
(F7PN-Ia-b-1) Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan

(F7PB-Ia-b-1) Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng
bansa

II. NILALAMAN:
Panitikan: Kuwentong Bayan: Nakalbao ang Datu (Kuwentong-Bayan ng Maranao)

KAGAMITANG PANTURO:
Sanggunian:
Kagamitan ng mga mag-aaral: Kalinangan 7, Supplemental Book
Kagamitan ng Guro: Competency Guide
Kagamitang Pampagtuturo: Kopya ng kuwento, speaker at banghay aralin.
III. PAMAMARAAN:

A. Pagbabalik-Aral
1. Panimulang pagbati sa mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa pasukan at pormal na
pagpapakilala bilang kanilang guro sa Filipino 7.
2. Pagkakaroon ng malinaw na mga panuntunan sa panahon ng klase.

B. Pagganyak:
GAWAIN 1. Natuklasan Ko

Sa tulong ng kasunod na picture collage, bumuo ng photo essay na naglalahad ng


mahahalagang impormasyon tungkol sa kultura ng mga taga-Mindanao. Isulat ito sa sagutang
papel.
C. Paglalahad/Pagtalakay
Alam mo ba na…
Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay na likhang-isip lamang. Lumaganap at
nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila (paraan
na pagkukuwentong pasalita). Isa sa mahalagang elemento ng kuwentong-bayan ang tauhan.
Sila ang gumaganap ng mahahalagang karakter. May dalawang uri ang tauhan: Ang tauhang
lapad (flat character), na hindi nagbabago ang katauhan mula simula hanggang sa magwakas
ang kuwento at ang tauhang bilog (round character) naman na nagbabago ang katauhan mula
sa simula hanggang sa wakas ng kuwento. Nauuri rin ang tauhan sa katangiang protagonista at
antagonista. Ang protagonista ang pangunahing tauhan sa isang akda. Sa kaniya nakasentro
ang mga pangyayari. Antagonista naman ang lumilikha ng hakbang upang hindi magtagumpay
ang pangunahing tauhan.

Pakikinig: Basahin at unawain ang isa sa mga kuwentong-bayan ng Maranao.


Alamin kung masasalamin ba dito ang mga paniniwala at katangian
ng mga Maranao.

Nakalbo ang Datu


(Kuwentong-bayan ng Maranao)

Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Muslim. Ilalahad nito ang ilang paniniwala ng mga
Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang paniniwala, ang isang lalaki ay maaaring magasawa
nang higit sa isa kung may kakayahang sustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging
pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sapaglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan.
Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang mag-
asawa. Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng
makakasama niya habambuhay. Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang
dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi
lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na magaganda at mababait
pa. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal,
pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya
ay batangbata at totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang
asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa kaniya ang bawat hilingin niya.
Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata
ang asawa.

“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan, magmumukhang


kasinggulang ko lamang siya.” Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang
datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang
datu at napakahimbing pa. Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay
na maganda at mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu.

Tuwangtuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.Tuwing tanghali,
sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng
asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay
ang datu. Tunay na naging maligayang-maligaya siya, at pinagsisihan niya kung bakit hindi
kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang minsang
manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kaniyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo
ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at Farida.

Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga


Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing
Press, 1986, pp.80-81.
Pagsusuri
Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang suliranin ng Datu?
2. Bakit naging suliranin niya ito?
3. Paano natutong umibig ang Datu?
4. Paano pinatunayan nina Hasmin at Farida ang kanilang pagmamahal sa
Datu?

Hasmin

Farida

5. Ano ang naging bunga ng pagmamahal ng dalawang asawa ng datu?

E. Paglalahat

1. KWENTONG BAYAN Ang KWENTONG- BAYAN o FOLK TALE ay kuwentong


nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan. Pumapaksa ito sa mga katangian ng mga
tauhan mabuti man o masama at may layuning manlibang. Kalimitan, ito rin ay
nagbibigay ng aral sa mambabasa.

2. KWENTONG BAYAN -Kadalasang nagpapakita ito ng katutubong kulay tulad ng


pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop o pangyayari na doon lamang nakikita o
nangyayari. Masasalamin sa mga kwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan
nito.

F. Paglalapat
1. Ano ba ang aral na nakuha ninyo sa kuwentong inyong nabasa?
2. Paano masasalamin ba ang mga paniniwala at katangian ng mga taga-Maranao sa
kanilang kuwentong-bayan.
3. Paano natin ito maisasabuhay bilang mga mag-aaral?

IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang tradisyong inilahad sa binasang kuwentong-bayan lalo na ang tungkol sa
pag-aasawa. Ihambing ito sa ibang pangkat-etniko sa ating bansa o iba pang lugar sa
bansa. Gumamit ng venn diagram. Gayahin ang kasunod na sagutang papel.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Magsaliksik tugkol sa kahulugan ng magkasalungat at magkasingkahulugan. Isulat


sa kwaderno.
Pangalan: ______________________ Seksyon: ___________ Petsa: _________

Nakalbo ang Datu


(Kuwentong-bayan ng Maranao)

Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Muslim. Ilalahad nito ang ilang paniniwala ng mga
Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang paniniwala, ang isang lalaki ay maaaring magasawa
nang higit sa isa kung may kakayahang sustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging
pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sapaglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan.
Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang mag-
asawa. Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng
makakasama niya habambuhay. Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang
dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi
lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na magaganda at mababait
pa. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal,
pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya
ay batangbata at totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang
asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa kaniya ang bawat hilingin niya.
Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata
ang asawa.

“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan, magmumukhang


kasinggulang ko lamang siya.” Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang
datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang
datu at napakahimbing pa. Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay
na maganda at mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu.

Tuwangtuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.Tuwing tanghali,
sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng
asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay
ang datu. Tunay na naging maligayang-maligaya siya, at pinagsisihan niya kung bakit hindi
kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang minsang
manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kaniyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo
ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at Farida.

Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga


Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing
Press, 1986, pp.80-81.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang suliranin ng Datu?
2. Bakit naging suliranin niya ito?
3. Paano natutong umibig ang Datu?
4. Paano pinatunayan nina Hasmin at Farida ang kanilang pagmamahal sa
Datu?
Hasmin

Farida

5. Ano ang naging bunga ng pagmamahal ng dalawang asawa ng datu?

You might also like