You are on page 1of 29

Mga Layunin:

a. Nakakunawa ng kultura at tradisyon ng mga taga-


Mindanao na kakaiba sa mga taga-VIsaya at taga-Luzon
b. Nakikilala ang pagkakaiba ng kultutra at tradisyon ng
mga taga-Mindanao na nakakatulong sa pag-unawa ng
identidad ng pagka-Pilipino
c. Nakasusulat ng repleksyong papel tungkol sa kultura
at tradisyon ng mga taga-Mindanao
d. Naipapaunawa sa mga mag-aaral ang
pagpapahalaga sa kultura ng taga-Minadanao at taga-
Visaya
• Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13
siglo sa pamamagitan ng isang Arabong
Misyonaryo na si Sharif Makhdum na
lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya ang
unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-
Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan ng
Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng
Masjid ay makikita pa rin sa dati niyang
kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa
Pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at
ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga
turista hanggang sa ngayon.
• Ng taong 1390, si Rajah Baginda ay dumating
sa Bansa at pinagpatuloy ang pagpapalaganap
ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si
Abu Bakr ay dumating sa Jolo noong 1450 at
pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang
anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess)
Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa
tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan
silang mag-asawa ang naging unang Sultan at
Sultana.
• Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu, ang
mga Muslim ay naglakbay patungong
Mindanao sa pamumuno ni Sharif
Kabungsuwan. Siya ay lumapag sa
Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at
pagkatapos ay pinakasalan niya si Putri Tunina.
Sila rin ang kauna-unahang Sultan at Sultana
sa Maguindanao.
• Sa paglipas ng maraming taon, maraming Datu
na Muslim ang pumunta sa Pilipinas
pagkatapos marinig ang magandang balita sa
magandang pagtanggap sa mga naunang
Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating ang
sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga
Datung ito ay sina : Datu Puti, Datu Sumakwel,
Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu
Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay, Datu
Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu
Balensula.
Datu
Ang datu ay ang katawagan sa pinuno ng mga barangay
noong kapanahunan ng pre-historikong Pilipinas. Sila ang
nagsisilbing tagapagpatupad ng mga batas at nagsisilbing
pinakahari.
Nakalbo ang Datu
Kuwentong-bayan (Mindanao)
• Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating
kababayang Muslim.  May katutubong
kultura ang mga Pilipinong Muslim
tungkol sa pag-aasawa.  Sa kanilang
kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring
mag-asawa nang dalawa o higit pa kung
makakaya nilang masustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging
pamilya nila.
Sino ang mga Muslim?
• Isang bilyong mamamayan ng iba’t-ibang kulay,
lahi at kultura sa buong daigdig mula sa timog ng
Pilipinas hanggang Nigeria, ay nagkakaisa sa
kanilang pananampalatayang Islam.
• Mga labing-walong bahagdan (18%) ay nakatira sa
mga bansang Arabo. Ang pinakamalaking bilang
ng sambayanang Muslim ay nasa Indonesia.
Marami ding bahagi ng Asia at Afrika ay mga
Muslim. Gayundin, may minoridad na Muslim na
matatagpuan sa Rusya, Tsina, hilaga at timog
Amerika at sa Europa.
Ang pag-aasawa ng isang lalaki ng higit
sa isang asawa (poligamya) sa isang
pagkakataon ay kaugalian na makaluma
kahalintulad ng kasaysayan ng tao at ito’y
pinahihintulutan sa batas ng Islam.
Kaakibat nito, ang poligamya ay kilalang
kilala sa mga makalumang tao ng
Hebrew, Ehipto, Griyego, Persiya, Asyrian,
Hapon, Hindu, Ruso at Alemanya.
• Ang Allah (U), Ang Pinakamapagbigay, ay nagsabi:
• "At kung kayo ay nangngamba na hindi kayo
makagaganap na maging makatarungan sa mga
babaeng ulila, kaya’t kayo ay mag-asawa ng ibang
babae na inyong mapusuan, (mula sa) dalawa o
tatlo o apat, datapwa't kung kayo ay
nangangamba na kayo ay hindi makaganap na
maging makatarungan (sa kanila), kung gayon ay
mag-asawa lamang ng isa kung ano ang ankin ng
inyong kanang kamay (mga aliping babae). Ito ay
higit na ankop sa inyo upang kayo ay hindi
mabulid sa kawalang katarungan.
" (Qur'an 4:3)
Mahalagang Tanong
Bakit dapat maunawaan ang kultura at
tradisyon ng mga taga-Mindanao na
kakaiba sa mga taga-Visayas at taga-
Luzon?
Mahalagang Pang-unawa
Ang pagkilala sa pagkakaiba ng
kultura at tradisyon ng mga taga-
Mindanao ay makatutulong sa pag-
unawa ng identidad ng pagka-
Pilipino.
Iba’t ibang Paraan ng Pagmamahal
Gamit ng pang-ugnay
Kung, dahil, upang, ngunit
Wastong gamit ng mga Pahayag
at Pagbibigay Patunay
Ano ang Pagpapahayag?
• Ito ay paraan ng pagsasabi sa ibang tao kung
ano ang iniisip, nararamdaman, o iba pang
opinyon, damdamin at impormasyong nais
ibigay sa kausap.
• Ito ay mabisang paraan ng komunikasyon o
pakikipagtalastasan sa ibang tao gamit ang
iba’t ibang midyum o paraan.
• Maari itong pasalita o pasulat.
Kuwentong Bayan
Kuwentong Bayan
• Kuwentong galing sa ating bayan
• Tungkol sa bayan na nagpasalin-salin sa iba’t
ibang tao at henerasyon
• Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas
oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga bata
upang kapulutan ng aral. At ang kadalasang
paksa ay mga bagay na nakapaninindig-
balahibo tulad ng tungkol sa mga aswang,
maligno, kapre, mga sirena at nuno sa punso.
• Maikling salaysay na nagpalipat-lipat
sa salinlahi sa pamamagitan ng oral
na tradisyon o salimbibig.
• Payak na kuwento na nagmula sa
isang tiyak na lugar na buhat naman
sa isang bayan, kung saan
masasalamin ang umiiral na
paniniwala, kaugalian, kultura o
tradisyon nito.
• Maraming kwentong bayan ang matatagpuan
sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Ilan sa mga
ito ay nagmula pa sa panahon ng ating mga
ninunong Ita. Karamihan naman sa mga ito ay
halos magkakapareho na lang, nagkakaiba
lamang sa tagpuan, tauhan, at sa ilang
kaganapan; ang dahilan nito ay may
kinalaman sa pagsalin-salin nito sa iba't ibang
henerasyon. Dahil sa pagkukwento, minsan
ay nababawasan ang ikinukwento, minsan
naman ay dinaragdagan hanggang sa
magkaroon ng iba't ibang bersyon ng mga
kwento.

You might also like