Professional Documents
Culture Documents
MERLANDALVAREZMABAIT
PhilippineScienceHighSchool-MainCampus
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas,
mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang
Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko,
salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga
kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang
mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga
panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay
na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang
mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat
batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle
nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay
gawa ng demonyo.
KAPANAHUNANAN KAPANAHUNANAN
NG MGA NG MGA EPIKO
ALAMAT
‡ Ang panahon ng mga alamat ay ‡ Nagsimula sa pali-palibot ng
sumasakop mula sa panahon ng mga taong 1300 A.D. at
pagdating ng ikalawang pangkat
ng Malay. Ang kanilang nagtatapos sa panahon ng
panitikan ay pasalita lamang na pananakop ni Legazpi noong
binubuo ng mga mitolohiya, taong 1565.
alamat, kwentong bayan,
mahiya, seremonya sa
pananampalataya sumasambala
sila sa punongkahoy, sa araw at
sa iba pang mga anito.
Naniniwala rin sila sa pamahiin.
Ang mga Ita o Negrito ●●● Indonesyo ●●●
●●● Bumbay ●●● Arabe at Persiyano
• Unang nanirahan sa ating mga pulo.
• Nakilala sa tawag na ita, ayta o agta at
kung minsa’y baluga.
•Sila ay walang pamahalaan, panulat,
sining, siyensya, bagamat sanay sa
gamit
ng busog at pana sa paghahanap ng
makakain
ANG MGA
Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na.
INDONESYO
• Nang sumapit sila rito’y may malalaking
pangangatawan, maitim na balat, makapal na
labi,
malaking ilong at pangahan
• May kabihasnan silang higit sa mga Negrito.
-may pamahalaan
-Nagsusuot ng damit
-nagluluto ng pagkain
-nagsasaing sa tukil
-marunong magpanginas ng apoy
Mayroon silang alamat at mga epiko, mga
Ang mga Bumbay o Hindu ay nakarating sa Pilipinas
noong ika-12 siglo. Ang unang sapit ng mga Bumbay
ay nanggaling sa Borneo at sila’y nagdala ng
pananampalatayang Budismo, Epiko at Mahiya.
Ang Ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo
din noong ika-14 na siglo, nagdala sila ng
pananampalatayang Bramanistiko
at panitikang epiko, awiting bayan atliriko. Marami
ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng
wikang Pilipino. Ang mga ito’y, guro, bansa,
mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.
Dumating ang mgaArabe sa Pilipinas noong ika-
12 siglo, ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang Muslim ay ang tinatawang
na “Hadramaut Sayyids” mga misyonerong
Arabe na nanggaling sa Malaysia at dumating sa
Pilipinas noong ika 16-siglo.
Kasama nila ang maraming mangangalakal na
Arabe at Persiyano, sila’y nanirahan sa
Mindanao at Sulu. Nagdala rin sila ng mga
Epiko, Kuwentong Bayan, Dula at Alamat.
MGA KATANGIAN NG KAPANAHUNAN NG MGA
ALAMAT
1. Ang mga nakatira sa kapuluang ito noong Kapanahunan
ng mga Alamat, bagama’t hindi tahasang gala, ay walang
panatilihang tahanan.
2. Kung nasa isang pook ay pangkat-pangkat at sila ay may
sariling pamahalaang ksaundo o kaaway ng mga kalapit-
pangkat.
3. Ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, na ang
nagpapahayag ay ang mga apo, na karaniwang puno ng
baranggay o pinaka-pari ng kanilang relihiyon.
4. Ang relihiyon noon ay ang pagsamba sa araw,
punungkahoy o anumang kalagayan ng kalikasan at ang
lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mga mabubuting
hilagyo (spirit) na tinatawag nilang “anito” .
MGA KATANGIAN NG KAPANAHUNAN NG MGA
ALAMAT