You are on page 1of 11

Sulyap sa Katutubong

Panitikan
Modyul 6
Sulyap sa Katutubong Panitikan
Magkaugnay ang panitikan at kasaysayan. Isinasaad ng
kasaysayan ang mga naganap na pangyayari at tinutukoy ang
tiyak na panahon. Inilalarawan naman ng panitikan ang kultura,
pamumuhay, hanapbuhay, paniniwala, kaugalian at karanasan
ng mga tao.
Ipinahahayag ng panitikan ang ba 'tibang mukha ng buhay at
damdamin ng bawat nilalang katulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, tagumpay, kabiguan, poot at iba pang damdaming
naipapahayag sa pamamagitan ng panitikan.
Sanligang Kasaysayan
Bago pa dumating ang mga Kastila sa ating
bansa ay may panitikan na tayo. Ang ating mga
ninuno ay mayroon ng mga salawikain,
bugtong, palaisipan, alamat, kuwentong bayan,
awiting bayan at epiko. Ang mga sumusunod
ang mga pangkat ng mga taong dumating sa
Pilipinas bago dumating ang mga Kastila.
Ang Mga Ita o Mga Negrito
• Ayon sa kasaysayan, sila ang mga unang nanirahan sa Pilipinas.
• Tinatawag silang Negrito, Ita, Aetas o Baluga. Wala silang
sariling kultura at wala rin silang nalalaman sa agham, sining,
paghahanapbuhay, pagsulat at pamumuhay. Sila’y walang
palagiang tirahan.
• May 25,000 taon na ang nakalilipas, sila' y nakarating sa mga
pulong sakop ng Pilipinas dahil sa ugali nilang maglakbay.
Sinasabi sa kasaysayan na ang mga pulo sa Pilipinas at ang mga
pulo sa Asya ay dating magkakadugtong.
•Sila' y matatagpuan sa mga kagubatan at
kabundukan sa ating bansa katulad ng Bicol,
Pangasinan at Pampanga.
•Ang mga sinaunang Ita ay gumamit ng mga busog
at pana sa paghahanap ng kanilang pagkain. Wala
silang kaalaman sa pamahalaan ngunit mahigpit ang
bigkis ng kanilang pagsasamahan
Ang Mga Indonesyo
•Nakarating sa Pilipinas ang mga Indonesyo may
8,000 na ang nakaraan. May sarili na silang sistema
ng pamahalaan, nagsusuot ng damit, marunong
gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkikiskis ng
dalawang patpat ng tuyong kahoy, at may mga
alamat, pamahiin at mga epiko. May higit silang
kabihasnan kaysa mga Ita.
Ang Mga Malay
•Tatlong pangkat ng mga Malay ang dumayo sa Pilipinas.
Ang unang pangkat ang mga ninuno ng lahing igorot,
linggiyanes at Bontoc. Ang ikalawang pangkat ay ang
mga ninuno ng mga Tagalog, Kapampangan,
Bicolano, Bisaya, Ilokano, Pangasinense, Ibanag
at iba pa.
•May dala silang alpabeto na nakilala sa tawag na Alibata,
mga karunungang bayan, alamat at kuwentong bayan.
•Nagdala sila sa Pilipinas ng sistema ng
pamahalaan na tinawag na Balangay na hinango
sa sinakyan nilang balsa. Nang lumaon ay tinawag
na itong Baranggay.
•Ang ikatlong pangkat ay napadpad sa Mindanao,
sila ang mga ninuno ng mga Muslim. May dala
silang epiko, alamat, kuwentong bayan gayundin
dinala nila ang pananampalatayang Muslim.
Ang Mga Intsik na Manggugusi
• Nakarating dito ang mga Intsik mula sa taong 30 o hanggang 800 A.D.
• Tinawag silang manggugusi sapagkat inilalagay nila sa gusi ang namatay
na kaanak at ibinabaon sa kanilang bakuran. (Gusi-isang uri ng
malaking banga)
• Nanggaling sa kanila ang mga salitang gusi, susi, kawali, talyasi,
kawa, kuya, diko, sangko, ate, ditse at iba pa. Nasakop ng mga
Intsik ang Pilipinas noong taong 1405 hanggang 1417.
• Binigyan nila ng pangalang Luzon o Lusong ang pinakamalaking pulo
sa Pilipinas.
Ang Mga Bumbay
•Nakarating sa Pilipinas ang unang pangkat ng mga
Bumbay noong mga ikalabindalawang dantaon, A.D.
Sila’y may pananampalatayang Beda at sinasamba nila
ang Araw at ang Kalikasan. Ang ikalawang pangkat ay
dumating noong ikalabintatlong dantaon. Sila' y may
pananampalatayang Bramin.
•Nagdaan sila sa Java at Borneo sa panahon ng
paghahari ni Madjapahit.
Mga Arabe at Persiyano
•Sila' y mga biyaherong dumayo at nanirahan sa
katimugan ng Pilipinas mula nang taong 890 A.D.
hanggang ikalabindalawang dantaon.
•Ang mga misyonerong Arabe at Persiyanong
nagsiparito upang ikalat ang Mahometanismo sa
Malaysia at Pilipinas ay nandayuhan dito noong
ikalabinlimang dantaon na. Sa Mindanao at Sulu sila
nagsipanirahan.

You might also like