You are on page 1of 1

Ece Q.

Capili
BSED-FIL III
• INDONESIA
• Nahahati sa Oral Literature at Written Literature • Binubuo ng mga epiko, pabula, kuwentong-bayan, tula, bugtong,
alamat, atbp.
• Oral Literature • Karamihan sa mga kanta o tula ay pasalindila mula sa mga propesyonal na pari •
Naimpluwensiyahan ng mga Panitikan ng India
•  Written Literature • 9th -10th century C.E. • Napreserba sa iba’t-ibang lenggwahe ng iba’t-ibang kapuluan sa
Indonesia • Naimpluwensiyahan ng India at Arab
• Ang mga Indonesyo (Indones) Sila ay nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na ang nakaraan. Ang unang sapit ng
mga Indonesyo ay may lahing Mongol at Kaukaso kaya’t sila’y mapuputi at manilaw-nilaw ang balat. Matatangkad
at balingkinitan ang kanilang mga katawan, makitid ang mukha, malapad ang noo, malalim ang mga mata at
matangos ang ilong. Walang masasabing gaanong kultura ang kanilang dinala sa Pilipinas. Pagkaraan ng 4,000
taon ay dumating naman ang ikalawang sapit. Iba ang hitsura nito kaysa sa mga unamg Indonesyong
nandarayuhan sa atin. Ang mga ito’y mabubulas at matipuno ang mga katawan ngunit maiitim. Sila’y may malapad
na mukha, makapal na labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, at bilugan ang mga mata. Sila ay may sariling
sistema ng pamahalaan
• Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit / Kambodya Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa
Indonesya ay naging napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay
IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga
bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay
katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa.
• Malaysia
• Ang mga Malay Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang unang pangkat aynakarating dito
noong kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo. Ang mga Malay na
ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa
kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninunong mga Igorot, Bontok at Tinguianes. Ang ikalawang pangkat ay
dumating dito mula noong 100 hanggang 1300 taon p agkamatay ni Kristo. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog,
Bisaya, Ilokano at m ga iba pa. Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga ala mat at
mgakarunungang bayan. Ang mga ito bagama’t mga tubong Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga
kalapit bansa gaya ng Borneo, Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay kumalat sila sa iba’t ibang
lalawigan ng Luzin at Visayas. Sila ang nagdala ng Baranggay. Ang ikatlong pangkat ay ang mga Malay na
Moslem. Nagsidating sila noong 1,300 at 1,500 taon. Nanggaling sila sa Malaysia
• Ang mga Malay Una pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon Ikalawa wika, alpabeto, awiting
bayan, kuwentong baya n, mga alamat at mgakarunungang bayan Ikatlo Epiko, Alamat, Kuwentong-Bayan 

You might also like