You are on page 1of 2

KABANATA 2

1. Ano-ano ang dalawang bahagi ng panahon ng Matandang Panitikang Pilipino?


Ang dawalang bahagi ng panahon ng matandang panitikang pilipino ay ang kapanahunan ng
mga alamat at kapanahunan ng mga epiko
★ Kapanahunan ng mga alamat-Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa
panahon ng pagdating ng ikalawang pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan ay
pasalita lamang na binubuo ng mga mitolohiya, alamat, kwentong bayan, mahiya,
seremonya sa pananampalataya sumasambala sila sa punongkahoy, sa araw at sa iba
pang mga anito. Naniniwala rin sila sa pamahiin.
★ KAPANAHUNANAN NG MGA EPIKO -Nagsimula sa pali-palibot ng mga taong 1300 A.D.
at nagtatapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi noong taong 1565.

2. Sino ang unang naninirahan dito? Kailan at papaano sila nakarating dito? Anu-ano ang
kanilang mga katangian?
Ang mga unang naninrahan dito ay ang mga Ita o Negrito Ang mga Ita ang mga aboriginal na tao
na naninirahan dito kumbaga dito na talaga sila nakatira simula pa noong unang panahon.Sila ay
walang pamahalaan, panulat, sining, siyensya, bagamat sanay sa gamit ng busog at pana sa
paghahanap ng makakain

3. Sino ang mga Indonesyo? Ilang sapit ng pandarayuhan o lakbayan ang kanilang ginawa , kailan
at papaano? Ano ang kanilang mga katangian?
INDONESYO- Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na. Nang sumapit sila rito’y may
malalaking pangangatawan, maitim na balat, makapal na labi, malaking ilong at pangahan. May
kabihasnan silang higit sa mga Negrito sila rin ay may pamahalaan. Nagsusuot ng damit,
nagluluto ng pagkain, nagsasaing sa tukil, marunong magpanginas ng apoy. Mayroon silang
alamat at mga epiko, mga pamahiin at mga bulong na pangmahiya.

4. Sino ang mga 'mangugusi'? Saan galing at saan dito sila nagsipanirahan?
Ang mga instik na manggugusi Tinawag na mga “mangugusi” ang mga intsik na lahing Hakka
na nagbuhat sa Fukien (Tsina) sapagka’t kanilang inilagay sa gusi ang bangkay
ng isang magulang o nunong namatay at ibinabaon doon din sa kanilang
kalooban. Ang salita nating “gusi” ay galing sa kanila. Sumapit sila rito mula
noong 300 hanggang 800 A.D. Nanirahan sila sa pulo ng Batangas at
Babuyanes, sa hilagang tabing-dagat ng luson, sa Tayabas, Sorsogon,
Silangan

5. Ano ang matandang pangalan ng 'Mindoro'? Papaano natin ito nalaman?


Ang Pulo ng Mindoro ay orihinal na kilala ng mga sinaunang sina Ma-i. Pormal itong tinawag na
Mait, at kilala ng mga negosyanteng Tsino bago dumating ang mga Espanyol. Ang pagkakaroon
nito ay nabanggit sa mga lumang salaysay ng Tsino noong 775 A.D. at higit na mas detalyado
noong 1225.

6. Anong uri ng mga Arabe at Persia ang nadayuhan sa atin , at bakit sila nandayuhan? Kailan at
saan sila naninirahan?

Dumating ang mga Arabe sa Pilipinas noong 890 A.D. hanggang ika- 12 siglo,
ngunit ang nagdala ng pananampalatayang Muslim ay ang tinatawag na
“Hadramaut Sayyid” mga misyonerong Arabe na nanggaling sa Malaysia at
dumating sa Pilipinas noong ika 16-siglo. Kasama nila ang maraming
mangangalakal na Arabe at Persyano

You might also like