You are on page 1of 18

PROYEKTO

sa
ARALING PANLIPUNAN
Ipinasa ni:

ARJEIM JEUR C. MARTIZANO


Mag-aaral

Ipinasa kay:

DR. LYZYL LOPEZ-BANUAG


Guro
KABUHAYAN
NG MGA
PILIPINO
KABUHAYAN NG MGA PILIPINO
Karaniwang kabuhayan ng mga
ninunong Pilipino ang mga sumusunod:
 magsaka ng lupa at magtanim ng
palay at iba pa;
 pangingisda dahil sa saganang
yamang dagat;
 pagmimina sa mga kabundukan; at
 pakikipagkalakalan sa
pamamagitan ng sistemang barter.
PAGSASAKA

PANGINGISDA
PAGMIMINA

PANGANGALAKAL
Barter ng mga Kalakal sa mga Dayuhan
PAMUMUHAY NG SINAUNANG
PILIPINO
Mga katangian ng pamumuhay ng mga
ninunong Pilipino ang mga sumusunod:
 payak sapgakat maliit lamang ang kanilang
populasyon at sama-samang naninirahan
ang magkakamag-anak;
 namamalagi sila sa yungib o kuweba kung
tag-ulan na may katangian na tuyo at
mahaba ang loob, pumapasok ang sikat ng
araw, at malaki ang bunganga o lagusan; at
 nagtatayo sila ng maliit na kampo kung tag-
init.
PAMUMUHAY NG SINAUNANG
PILIPINO
 Katulad ng ibang sinaunang tao, ang ating mga ninuno
ay nagsimula sa pangangalap ng pagkain sa kanilang
kapaligiran. Nililibot nila ito at sadyang napakaaliwalas
ng kanilang pamumuhay.
 Nangangalap sila ng mga nakakaing ugat, dahon,
bulaklak, prutas, halaman at pulot-pukyutan. Inalam din
nila kung saan nangingitlog ang mga ibon, kasama na rin
ang karne, isda, mga lamang-dagat at mga suso at kabibe
ang kanilang kinakain.
 Magaling din ang ating mga ninuno sa pangangaso. Ang
mga hayop na usa, baboy ramo at iba pang malalaking
hayop ang kanilang hinahanap sa kagubatan.
 Nangingisda ang ating mga ninuno gamit ang kamay o di
kaya ay pagsibat.
PAMUMUHAY NG SINAUNANG
PILIPINO
 Ang paggamit ng apoy sa sinaunang pamayanan ng mga
Pilipino ay tinatayang naganap noong 5000 BC.
 Sa huling bahagi ng Yugto ng Pagbuo ipinapalagay na
naganap ang pagsasaka ang ating mga ninuno.
Tinatayang naganap ito noong1720 hanggang 1380 BC
ayon kay Richard Shutler noong 1978. Sa panahong ito,
natutunan ng ating mga ninuno ang pagiging horticultural
o pagtatanim sa isang pirasong lupa malapit sa kanilang
tinitirahan.
 Sa Yugto ng Pagsisimula o Incipient Phase, natutuhan
nila ang paghahabi. Ipinapalagay ng mga iskolar na
gumagamit na ng backloom ang ating mga ninuno sa
paghahabi ng kanilang mga damit.
 Sa pag-unlad ng mga kagamitan at kasangkapan,
nagresulta ito sa pagbuti ng kabuhayan nila.
YUGTO NG PAG-UNLAD
 Sa pagtatapos ng unang milenyo AD, malalaking
pagbabago ang mga naganap sa pamumuhay ng ating
mga ninuno. Ito ang mga sumusunod:
 Pagkakatuklas sa bakal na siyang nakapagpabago sa
paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
 Mas lumaki ang populasyon sa mga pamayanan lalo
na sa mga baybayin, look, at mga bunganga ng ilog.
 Mas madaling pangangalap ng pagkain.
 Pag-aalaga ng halaman at hayop.
 Ang pangangalakal ay naging isa sa pangunahing
paraan ng pamumuhay.
 Ang agrikultura ay naging mas malawakan at mas
mabunga.
 Ang yugtong ito ay tinawag Yugto ng Pag-unlad dahil dito
nagsimulang makita ang maayos na pamayanan at
nangingibabaw na kultura ng mga Pilipino.
PAG-UNLAD NG PAMAYANAN
 Ang dating naliliit na pamayanan na gumagamit ng
sistemang kaingin sa pagtatanim ay naging malaking
snetro ng kalakalan. Ang mga nakalap na mga pagkain
ng ating mga ninuno sa kagubatan ay ipinagpapalit nila
sa mga gawang kalakal tulad ng platong porselana at
marami pang iba.
 Ang buhay sa pamayanan ay umiikot sa
pakikipagkalakalan at nagdala ng maayos na
pamumuhay sa ating mga ninuno. Dahil dito, natutuhan
ng mga sinaunang Pilipino ang pagiging mahusay sa ilang
mga kasanayan tulad ng pagpapalayok, pagtunaw ng
mga bakal, pagdidisenyo ng mga alahas, at paghahabi
ng mga tela.
PAKIKIPAGKALAKALAN SA MGA DAYUHAN
INDIA-INDONESIA
 Ang INDIA ay nagsimulang makipag-ugnayan sa Pilipino
noong 800 BC but ang iba ay nagsasabi noong Unang
Milenyo AD. Hindi naging direkta ang kalakalan sa India at
Pilipino ngunit ito ay sa pamamagitan ng taga-Indonesia.
Ang Indonesia, lalo na ang Sumatra at Java, ang
pinakasentro ng kalakalan sa timog-silangang Asya.
 Nang bumagsak ang imperyo ng Srivijaya noong ika-7 siglo
at pinalitan ng Madjapahit, dito pumasok ang mga
kulturang Hindu sa Pilipinas.
 Ang nangingibabaw na elemento na nakuha sa Hindu-
Indonesian ay ang sistema ng pagsusulat na tinatawag na
baybayin.
 Ang pinkamahalagang nahukay sa lahat ay ang 21-carat na
gintong estatwa na pinaniniwalaang si Tara, isang diyosa ng
bituin ng mga Hindu kaya’t nakilala ito bilang “Gintong
Tara”.
PAKIKIPAGKALAKALAN SA MGA DAYUHAN
INDIA-INDONESIA
 Isa pang imahen ang natagpuan sa Cebu noong 1943.
pinaniniwalaan na ito ay diyos ng mga Hindu na si
Shiva. Gayundin ang isa pang medalyon na palayok
na nahukay sa Calatagan, Batangas noong 1961.
 Bukod dito, mayroon ding 336 na mga salita na may
kaugnayan sa wikang Sanskrit. Karamihan dito ay
mga pangalan ng halaman at mga hayop na
ipinapalahgay ng mga mangangalakal sa kanilang
pagpunta rito sa kapuluan ng Pilipinas.
PAKIKIPAGKALAKALAN SA MGA DAYUHAN
CHINA
 Ang mga Tsino ang isa sa mga unang pangkat ng mga
mangangalakal na mula sa Asya na nagkaroon ng tuwirang
pakikipag-ugnayan sa ating mga ninuno at nakapagbigay ng
malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng sinaunang
kultura ng mga Pilipino.
 Sadyang napakalaki ng impluwensiya ng mga Tsino sa
pamumuhay ng mga Pilipino lalo na ang kanilang kultura at
teknolohiya na maaring nadala sa Timog-Silangang Asya at
ilang bahagi ng Indochina, tuwiran man o di-tuwiran.
 Ang ugnayang ito ay lumawak sa pagpasok ng ika-11 siglo
AD hanggang ika-14 hanggang ika-15 siglo. Libu-libong
kasangkapang porselana na ang nakarating sa bansa. Ang
nahukay na mag kasangkapan ay nauri sa ga dinastiya
kung saan sila nagawa. Ang mga dinastiyang ito ay T’ang,
Sung, Yuan, at Ming.
PAKIKIPAGKALAKALAN SA MGA DAYUHAN
CHINA (Dinastiyang T’ang 618-906AD
 Ang mga manganaglakal sa dinastiyang ito ang sinasabing
unang nakarating sa bansa noong ika-9 siglo AD.
Ipinapalagay na dinala ng mga mangangalakal na Arabe ang
mga kasangkapan mula sa kanilang dinastiya sa bansa.

CHINA (Dinastiyang Sung 960-1279AD


 Libu-libong mga porselana ang nahukay at pinaniniwalaang
gingamit ng sinaunang Pilipino bilang kagamitan sa
paglilibing o pagsasagawa ng ritwal.
 Dinala ang mga kagamitang porselana sa ating bansa sa
pamamagitan ng Chinese Junk. Bukod sa mga porselana,
dinala rin ang mga salamin, timbangan, barya, jade, at
mga sandata.
PAKIKIPAGKALAKALAN SA MGA DAYUHAN
CHINA (Dinastiyang Yuan 1260-1368AD
 Aang maikling pamumuno ng dinsatiyang ito ang naghatid
ng mga kagamitang porselan sa bansa.
 Subalit ang pakikipagkalakalan sa kanila ay di gaanong
umunlad hanggang sa bumagsak ang kanilang kaharian.

CHINA (Dinastiyang Ming 14 – 16 siglo AD


 Habang nagaganap ang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino
sa mga Kastila, patuloy ang pakikipagkalakalan ng mga
Pilipino sa mga Tsino sa ilalim ng dinatiyang Ming.
 Naiulat na hindi lamang pakikipagkalakalan ang ugnayan
ng Pilipnas at China kundi pati na rin ang pagdalw ng ilang
mga pinuno ng barangay upang magbigay ng regalo sa
emperador ng China.
PAKIKIPAGKALAKALAN SA MGA DAYUHAN
JAPAN
 Pinapatunayan na sa tala ng Nihonji (Nihon Shoki), taong 654
AD na ipinapalagay a ang tinutuoy na Tokhara ay ang
Pilipinas. Isinasalaysay din sa tala na minsan nang
napadpad sa wako o Luzon ang mga piratang Hapon bago
pa man dumating ang mga Kastila.
 Madalas na nakikipagkalakalan ang ga Hapon sa mga
Pilipino sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga
kalakal tulad ng perlas, ginto, at mga katutubong gusi o
banga. Di nagtagal, ninais nilang manirahan sa bansa at
nag-asawa ng mga katutubo.
 Ilang industriya ang iniwan sa atin ng mga Hapon tulad ng
paggawa ng mga armas at kasangkapan, pagkukulti ng
mga balat ng usa, at artipisyal na pagpaparami ng mga
pato at isda ang siyang hinangaan ng mga Kastila at sinala
pa nila sa Europa ang pamamaraang ginamit ng mga
Hapon.
That is all.
Thank you!

You might also like