You are on page 1of 8

buhay ni rizal

kabanata 16

Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa isang
kainamang bahay paupahan sa 38 Rue Philippe Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid na
babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie. Dito, sinimulang isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at
patuloy pa rin ang pagsusulat niya ng mga artikulong ipinapadala niya para sa La Solidaridad.

Sa pananatili niya dito, ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa pagpapalakas ng
katawan sa gymnasium at sa pagsasanay sa pagbaril at iskrima. Naging kasama din ni Rizal sa kuwarto si
Jose Alejandrino na nakapansin sa labis niyang pagtitipid – pagkain na lamang sa bahay at pagluluto ng
pansit bilang kanyang miryenda.

Dito, binigyang-pansin din ni Rizal ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa pamamagitan ng paggamit ng
paggamit ng mga letrang k at w at itinuwid niya ang Hispanikong pagsusulat tulad ng mga salitang “arao”
at “salacot”. Dahil dito, sinulat ni Rizal ang kanyang artikulo “Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de
Tagala” na inilathala sa La Solidaridad. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa
Aleman sa wikang Tagalog.

Nakatanggap din siya rito ng masasamang mga balita mula sa Pilipinas. Ang kalagayan ng mga
magsasaka sa Calamba ay lalong sumasama sa ilalim ng pamamahala ng mga prayle, nagharap ng
demanda ang mga Dominikano para alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don Francisco
Mercado – Rizal, ipinatapon ang kanyang kapatid na si Paciano at ang kanyang bayaw na si Manuel
Hidalgo ay muling ipinatapon sa Bohol.

Dahil sa mga masamang balitang niyang natanggap, nagnais umuwi si Rizal dahil para sa kanya, hindi
siya maaring manatili na nagsusulat lamang habang ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay
nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ngunit ang kanyang balaking umuwi ay sinalungat ni
Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga kaibigang na sina Basa, Blumentritt, at Mariano
Ponce.

Dahil sa mga pagtututol sa kanyang desisyon at iba pang mga kadahilanan, nagbago ang isipan ni Rizal
na umuwi. Nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang
iaapela sa korte supremo sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa
kaso. At dahil na rin nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby, ang pamangkin ng kanyang
mga kasera.

Kabanata 17

Isa sa mahirap na yugto sa buhay ni Rizal ay ang pagtira niya sa Madrid kung saan naganap ang
malungkot na pangyayari.
Nasakdal ang kanyang pamilya, namatay ang si Panganiban, nakagalit niya sina Retana at Luna, naging
magkapangagaw sila M.H. del Pilar sa pamumuno at ang pinakamasaklap ay ang pagpapakasal ni Leonor
Rivera sa isang Ingles.

Ang mahalagang sadya at layunin ni Rizal sa pagpunta sa Madrid ay maghanap ng tulong at tangkilik na
magmumula sa mga kaibigang Pilipino at sa mga kasapi ng Asociacion HispanoFilipino sa kanyang
paghingi ng katarungan para sa kanyang pamilya at sa mga usaping kasangkot ang mga kasama sa
Calamba.

Tinanggap ni Rizal ang balitang pinaaalis sa kani-kanilang tahanan ang kanyang pamilya gayundin ang
mga kasama sa Calamba. Ipinatapon sina Paciano, Antonio Lopez, Silvestre Ubaldo, Teong Elejorde at
Dandoy sa Mindoro.

Nadagdagan ang mga kabiguan at dalamhati ni Rizal nang namatay si Jose Ma. Panganiban, isang matalik
na kaibigan at kapanalig sa Kilusang Propaganda sa Barcelona.

Panganiban, isang mahusay na kasama sa paggawa ay pumanaw sa gulang na 27 taon. Kami ang nasa
tabi niya ng malagutan siya ng hininga.

Namatay siyang malayo sa tinubuang lupa, nakahiwalay sa kanyang pamilya at sa kanyang minamahal,
napakabata pa at halos abot-tanaw na ang magandang bukas.

Kaya ang namumutawi sa kanyang mga labi ay pamamaalam sa minamahal na Inang Bayan.

Nagluksa ang karamihang Pilipino sa Europa noong Agosto 19. Isang kawalan ang pagkamatay ni
Panganiban, nagtataglay ng pambihirang katalinuhan, kapayapaan, at walang kapaguran sa paggawa,
karapat-dapat at matuwid na pag-asa sana ng sawimpalad na bayan.

Kamuntik nang makipagduelo si Rizal kay Antonio Luna. Nakapagbitiw ng hindi mainam na salita itong
huli kay Nellie Bousted na ikinagalit ni Rizal.
Hinamon ni Rizal si Luna. Mahusay si Rizal humawak ng pistola, si Luna ang hinamon, may karapatan siya
sa sandatang gagamitin

Sa kabutihang palad nang maalis ang kalanguhan ni Luna, humingi ng paumanhin si Luna sa kanyang
inasal. Naging mabuting magkaibigan sila uli

Ang lathalain ni Retana sa La epoca na nagsasabing ang dahilan ng pagpapaalis sa mga kasama sa lupa sa
Calamba ay ang kawalan ng kakayahan ng mga ito na magbayad ng upa ang ikinagalit ni Rizal.

Hinamon niya sa isang duelo si Retana, Kastilang mamahayag. Sinabi ni Rizal ang tanging dugo lamang ni
Retana o ang paghingi nito ng paumanhin ang magtitindig sa pangalan ng pamilya ni Rizal at mga
kaibigan.

Pinaalalahan si Retana ng mga kaibigan ni Rizal na wala siyang pag-asang magapi si Rizal dahil eksperto
itong huli sa eskrima at sa pistola. Pinili ni Retana ang paghingi ng paumanhin na inilathala sa mga
pahayagan.

Dito huminto ang panunuligsa ni Retana sa mga Pilipino at nang bandang huli, ang paghang nito ay
ipinakita niya sa pagsulat ng talambuhay ng bayani na singhaa ng isang aklat.

kabanata 18

Sa Piling ng mga Boustead sa Biarritz- Dumating si Rizal sa Biarritz noong pagpasok ng Pebrero, 1981,
mainit siyang sinalubong ng mga Boustead lalo na ni G. Boustead na tunay na malaki ang paghanga sa
kanya dahil sa angkin niya talino. Maayos siyang tinanggap nina Gng. Boustead, Adelina, Nellie, at Tiya
Isabel (kapatid ni Gng.Boustead). Naging maganda ang naidulot kay Rizal sa isang buwan niyang
bakasyon sa Biarritz. Nalimutan niya ang mapapait na karanasan at Unti-unti nanumbalik ang sigla sa
kanyang puso, at bumuti ang kanyang kalusugan. Pakikipag-ibigan kay Nellie Boustead- Romantikong
lugar ang Biarritzmga kaibig-ibig na hardin, kaaya-ayang villa, at kahali-halinang kagandahan. Nabigo si
Rizal sa pag-ibig niya kay Leonor isinaalang-alang niya ang pagsinta para kay Nellie. Bunga ng
pampalakas-loob mula sa malalapit na kaibigan, niligawan ni Rizal si Nelly na nagpakita ng pagkagiliw sa
kanya. Sa kasamaang-palad hindi naging masaya ang kanilang pag-iibigan. Hindi tinanggap ang alok na
kasal ni Rizal dahil sa dalawang bagay: (1) Hindi pumayag si Rizal na tumiwalang sa katolisismo para
yumakap sa pananampalatayang Protestantismo, gaya ng hiniling ni Nelly, at (2) ayaw ng ina ni Nelly na
maging manugang si Rizal.Dahil mabuting Protestante, nais talaga ni Nelly Boustead na maging
Protestante si Rizal bago sila magpakasal. Si Rizal na may matatag na paninindigan ay hindi naman sang-
ayon dito. Habang naninirahan sa Dapitan, bilang desterado, pinatunayan niyang mali ang paratang ni
Padre Pablo Pastell hingil sa pagiging Protestante niya.

Hindi hangad ng ina ni Nelly, tulad din ng ina ni Leonor Rivera, na itaya ang kaligayahan ng anak sa isang
lalaking salat sa mga materyal na bagay, isang manggagamot na walang pasyenteng nagbabayad, isang
manunulat na di naman kumikita sa kanyang panulat, at isang repormistang tinutugis ng mga prayle at
opisyal ng pamahalaan ng sariling bayan. Bagaman hindi sila ikinasal, nanatiling mabuting magkaibigan
sina Rizal at Nellie. Nang malaman niyang lilisanin na ni Rizal ang Europa, nagpadala siya ng liham na
pamamaalam na nagsasabing: Ngayong lilisan ka na, hinahangad ko ang masaya mong paglalakbay, at
naway magtagumpay ka sa iyong mga ginagawa, at higit sa lahat, naway patnubayan ka ng Diyos at
gabayan niya ang iyong daraanan ng mga biyaya, at naway matuto kang masaya sa buhay. Ang tanging
pabaon ko sa iyo ang aking mga dalangin.Natapos ang El Filibusterismo sa Biarritz- Bigo sa pag-ibig,
pinagtuunan ni Rizal ang pagsusulat. Patuloy ang kanyang pagsulat ng ikalawang nobela na sinimulan
niya sa Calamba noong 1887. Noong Marso 29, 1891, sa bisperas ng paglisan niya sa Biarritz papuntang
Paris, natapos niya ang manuskrito ng El Filibusterismo.Sa Paris at Pabalik sa Brussels- Gaya ng isinulat
niya kay Blumentritt, nagpaalam si Rizal sa mabubuting Boustead Marso 30, 1891, at nagtuloy siya sa
Paris sakay ng tren. Tumuloy siya sa tahanan ng kaibigang si Valentin Ventura sa 4 Rue de Chateaudum.
Mula Paris, sinulatan niya ang kaibigang si Jose Ma. Basa sa HongKong noong Abril 4, at ipinahayag ang
kanyang pagnanais na magpunta ng kolonyang ito ng Britanya para doon na magpatuloy ng panggagamot
sa mata na siyang ikabubuhay niya. Abril.1891, nagbalik si Rizal sa Brussels at malugod siyang tinanggap
nina Marie at Suzanne Jacoby at higit sa lahat ni Petite Suzanne.

Pagbitiw sa Kilusang Propaganda- Mula ng magbitiw sa pamumuno sa Madrid noong Enero 1891, dahil
na rin sa mga pang-iintriga ng mga naiinggit na kababayan, nagbitiw na si Rizal sa Kilusang Propaganda, o
krusada para sa reporma. Mayo 1.1891, ipinaalam niya ang mga awtoridad ng Propaganda sa Maynila na
ikansela ang buwanan niyang panustos at ilan ang salapi sa mas mainam na gawain, gaya ng pagpapaaral
ng estudyanteng Pilipino sa Europa.Huminto si Rizal sa Pagsusulat para sa La Solidaridad- Kasabay sa
pagbibitiw sa kilusang Propaganda, itinigil na rin ni Rizal ang pagsusulat ng mga artikulo para sa La
Solidarid. Hinihikayat siya ng karamihan ng kanyang mga kaibigan sa Espanya na ipagpatuloy ang
pagsusulat para sa makabayang pahayagan dahil napupukaw nito ang atensyon ng maraming bansang
Europeo. Batid mi M.H del Pillar ang pangangailangan para sa pakikipagkolaborasyon ni Rizal sa Kilusang
Propaganda at Pahayagang La Solidaridad dahil sa pananamlay ng krusada para sa mga reporma. Agosto
7, 1891, sinulatan niya si Rizal, humingi ng kapatawaran sa anumang ipinaghihinakit sa kanya ni Rizal, at
hinihiling na muli siyang sumulat para sa La Solidaridad.Mga Rebisyon sa Fili para sa Mailathala- Sa
Brussels, araw-araw na inayos at binago ni Rizal ang mga natapos na manukristo ng El Filibusterismo ng
maihanda na ito para sa pagpapalathala. Karamihan sa rebisyon ay natapos noong Mayo 30, 1891.
Sinulatan niya si Jose Ma.Basa Malapit ng mailimbag ang aking aklat; ang unang dalawampung kabanata
ay naiwasto na, at nailimbag na at ginagawan ko na lamang ng bagong kopya ang iba. Pagkaraan ng
dalawang linggo at sumulat uli si Rizal kay Basa: Nakipag-usap na ako sa isang imprenta at hindi ko alam
kung dito sa Belhika o sa Espanya maililimbag ang aklat ko, at sakaling hindi ko mailimbag ipapadala ko sa
iyo sa susunod kong pagsulat. Tatlo kabanata na lamang ang aayusin at matatapos ito bago mag labing-
anim ng buwang ito.

kabanata 19

Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod sa Belgium. Mula pa sa Calamba ay
sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling kabanata sa Biarritz. Siya ay
nanirahan sa Ghent dahil mura lang ang halaga pag magpapalimbag sa Ghent at para makaligtas sa pang-
aakit ni Suzzane Jacoby.

Nakilala ni Rizal ang dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na sina
Jose Alejandrino at Edilberto Evangelista. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at
nakasama niya si Jose Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na katipiran. Sa pagdating ni Rizal sa
Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo
at kanyang natagpuan ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang
maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga
alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan. Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya
ng pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan. Sa ganitong kagipitan ay
halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy. Nang malaman ni Ventura ang
kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng salapi para maituloy ang
pagpapalimbag. Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang
ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang
kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan
Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay Valentin Ventura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo. Inilathala
ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng Oktubre 1891.
Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA.

Nagkamayroon ng pagkukumpara sa pagitan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ito ay ang Noli ay


isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at may taglay na tuwa. Ang Fili
naman ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at
pagdurusa. Orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit sa
kadahilanan ng kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili na mayroong 38 kabanata, at ang Noli na
mayroong 64 kabanata. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli habang para kay Marcelo H.
del Pilar mas mahusay ang Fili.
Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng ikatlong nobela. Ito ay
hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika. kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang
sinimulang sulatin ang ikatlong nobela.

Kabanata 20

Kabanata 20Siruhano sa Mata sa Hongkong (1891-1892)

Spain Hongkong Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong:

Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga
Pilipino sa Europa.

Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.

Para kupkupin ang kanyang pamilya.

Pamamaalam sa EuropaNagpaalam ng maayos si Rizal kaydelPilar sa paglalayon na mapanatili ang


kaisahan ng mga Pilipino sa Europa.

Mula sa Merseilles sumakay ng barkongMelbournepatungo ng Hongkong, kasama ng kanyang bagahe


ang 600 na kopya ngEl Filibusterismo.

Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na nangmamaliit sa kanya sa
usapan na ipinahiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong pamamaraan.

Pagdating sa HongkongDumating si Rizal sa Hongkong noong Nobyembre 20, 1891. Sinalubong siya ng
mga kaibigan at siya ay nanirahan sa5 D' Aguilar Street No. 2Rednaxola Terrace at dito ay nagbukas ng
isang klinika.
Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo.
Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, atTrinidad.

Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.

Narito kaming lahat, ang aking mga magulang, mga kapatid, namumuhay nang mapayapa at malayo sa
pag-uusig na pinagdurusahan nila sa Pilipinas. Labis silang nasisiyahan sa pamahalaang Ingles.

-J.P. RIZALSiruhano sa MataNagsanay ng medisina si Rizal upang kumita para sa sarili at pamilya. Si Dr.
Lorenzo P. Marques ang tumulong sa kanya upang magkaroon ng mga kliyente.Nakilala si Rizal sa
Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino, Portuges, at
Amerikano.Matagumpay niyang naoperahan ang kaliwang mata ng kanyang ina.Maraming bumati kay
Rizal sa kanyang panggagamot.

Nasa kanya ang lahat ng katangian ng isang ideal na siruhano sa mata matalas at mapanuring pag-iisip,
magaan at malikhaing kamay ng isang pintor, katapangan at pagiging kalmante, malawak at malalim na
kaalaman sa medisina at optalmolohiya, at siyay nagsanay mula sa mahuhusay na siruhano sa mata.

-Dr. Geminiano de OcampoProyekto sa Kolonisasyon ng BorneoBinalak ni Rizal na magtayo ng isang


kolonya saBorneona bubuuin ng mga walang lupang Pilipino mula sa ating bansa.

Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na
mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 100,000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at mahusay
na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang bayad.Proyekto sa Kolonisasyon ng
BorneoIpinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na
ito ay maisakatuparan.

Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang ProyektongBorneo ngunit hindi ito
sumagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin ito sumagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng
Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito.
Kulang sa mga manggagawa ang Pilipinas at hindi makabayang gawi ang magtungo sa dayuhang lupain
para doon magbungkal.

You might also like