Professional Documents
Culture Documents
Marami pang masasamang balita ang nakarating kay Rizal sa Madrid habang
ipinaglalaban niya ang hustisiya. Balita ng kanyang bayaw na si Silvestre Ubaldo, nakatanggap
siya ng kopya ng kasulatang pagpatalsik na ipinag-utos ng mga Dominiko para kay Francisco
Rizal at iba pang kasama. Balita naman ng kanyang kapatid na si Saturnina na ipinapatapon sina
Paciano (Rizal), Antonio (Lopez), Silvestre (Ubaldo), Teong (Mateo Elejorde), at Dandoy
(kamag-anak ng mga Rizal) sa Mindoro; sila’y dinakip sa Calamba at pinaalis ng Maynila noong
Setyembre 6, 1890. Nalaman pa niya mula sa liham ni Saturnina na ang kanilang mga magulang
ay sapilitang pinaalis sa kanilang tahanan at naninirahan na sa bahay ni Narcisa (asawa ni
Antonino).
Kaya nga ang kanyang mga huling salita, na pawang pagmamahal sa Inang
Bayan, ay madamdaming pamamaalam sa Pilipinas. At kung isasaalang-alang natin ang
mga pangyayari sa kanyang buhay na inilaan sa pagmamahal sa kanyang bayang
tinubuan, mauunawaan natin ang lungkot sa kanyang puso at kasama niyang ililibing
ang kanyang mga lehitimong pag-asa, marubdob na pangarap, at makatarungang
aspirasyon.
Naudlot na Duelo kay Antonio Luna. Sa pagtatapos ng Agosto 1890, dumalo si Rizal
ng isang salu-salo ng mga Pilipino sa Madrid. Gaya ng nakagawian, nagkainuman ang mga
paisano. Pagkaraan ng maraming nainom, naging matabil ang mga panauhin at kung anu-ano na
ang pinagkukuwentuhan. Isa sa mga nalasing ay si Antonio Luna.
Nang panahong iyon, masama ang loob ni Luna dahil bigo siya sa kanyang pag-ibig
kay Nellie Boustead. Sa loob-loob niya, sinisisi niya si Rizal sa kanyang kabiguan, kahit na
naipaliwanag sa kanya ni Rizal na wala siyang kinalaman dito. Dala ng selos at kalasingan, kung
anu-anong masasamang bagay ang nasabi niya tungkol kay Nellie.
Narinig siya ni Rizal. Maginoo, hindi mapapayagan ni Rizal ang ganoong pambabastos
sa sinumang babae. Galit na galit sa kaibigan, hinamon niya si Luna sa isang duelo.
Mas mahusay sa pamamaril si Rizal kaysa kay Luna. Ngunit ang huli’y magaling sa
eskrimahan. Dahil si Luna ang hinamon, siya ang may karapatang pumili ng armas. Makatwirang
piliin ni Luna ang espada kaya nanganganib ang buhay ni Rizal.
Natakot ang mga Pilipino sa insidenteng ito. Sinikap nilang gawing mahinahon sina
Rizal at Luna, sinasabing ang kanilang duelo’y magiging kasiraan lamang sa ipinaglalaban nila.
Hinamon ni Rizal si Retana sa Duelo. Si Rizal ay hindi likas na mainitin ang ulo at
palaaway. Ngunit kapag nasaling ang karangalan ng kanyang kababayan, pamilya, kababaihan, o
kaibigan, hindi siya nangingiming makipag-away kahit na buhay niya ang itaya. Sa isang
okasyon, hinamon ni Rizal ang isa pang lalaki sa isang duelo – si Wenceslao E. Retana, ang
karibal niya sa panulat.
Nainsulto rito si Rizal kaya kaagad siyang kumilos. Nagpadala siya ng mensahe kay
Retana na hinahamon niya ito sa isang duelo. Tanging dugo ni Retana o kanyang paumanhin ang
maghuhugas sa dinungisang ngalan ng pamilyang Rizal at mga kaibigan nito.
Ang insidente ay nagpatahimik sa panulat ni Retana laban kay Rizal. Nabuo ang
malaking paghanga niya kay Rizal, at pagkaraa’y sinulat niya ang unang aklat ng talambuhay ng
pinakadakilang bayaning Pilipino, na ang mga talino ay hinangaan niya at ang pagmamartir ay
kanyang dinakila.
Ilang linggo ang lumipas bago nagawa ni Rizal na ikuwento ang kanyang kasawian sa
matalik niyang kaibigang si Blumentritt. Sinagot ng huli ang liham ni Rizal noong Pebrero 15,
1891. Nakikiramay, sinabi ni Blumentritt: “Ang huli mong liham ay ikinalungkot naming lahat;
pagkatapos ng mga kasawian mo’y ito namang iyong pinakamamahal ay iniwan ka. Hindi
maunawaan ng aking maybahay kung paano nagawa ng isang babaing minahal ng isang Rizal
ang iwanan siya; nagagalit siya rito. Ako ma’y nalulungkot para sa iyo dahil alam ko ang sakit sa
kaloobang dinaranas mo; ngunit isa ka sa mga bayaning makasusupil sa sakit na dulot ng isang
babae dahil mas marangal ang iyong nilalayon sa buhay. Matapang ka, at ikaw ay nagmamahal
sa mas marangal na babae, ang iyong Inang Bayan. Ang Pilipinas ay tulad ng isang mahiwagang
prinsesa sa mga alamat na Aleman, na bihag ng isang kasindak-sindak na dragon, hanggang sa
siya’y iligtas ng isang matapang na kabalyero.”
Hidwaan nina Rizal at Del Pilar. Noong pagtatapos ng 1890, nagkaroon ng hidwaan
para sa pamumuno sina Rizal at M.H. del Pilar. Walang kaduda-duda ang pagiging pinuno ni
Rizal ng mga Pilipino sa Europa dahil siya ang pinakatalentong Pilipino ng kanyang panahon. Sa
kabilang banda, si Del Pilar ay matapang na abogado at mamamahayag, at nakikilala sa Madrid
dahil sa kanyang matatapang na editorial sa La Solidaridad, na naging pag-aari na niya. Binili
niya ang pahayagang ito mula kay Pablo Rianzares, ang unang may-ari, at pinalitan si Graciano
Lopez Jaena bilang patnugot.
Bilang pinuno, sinikap ni Rizal na mapuspos sa mga kababayan ang kanyang sariling
idealismo dahil naniniwala siyang para magkaroon ng prestihiyo ang Kilusang Propaganda at
para makuha ang paggalang ng mga Espanyol, kailangang maging mataas ang kanilang
panuntunan sa moralidad, dignidad, at diwa ng pagdurusa. Sa kasamaang palad, hindi sang-ayon
ang ilang kababayan sa kanyang idealismo dahil ang mahalaga sa kanila’y alak, babae, at sugal.
Kaya tinanggihan nila ang pamumuno ni Rizal. Ilan sa mga dating tagapagtaguyod niya’y
tinalikuran din siya dahil hindi rin sila sang-ayon sa panghihimasok ni Rizal sa kanilang
pribadong buhay. Sinuportahan nila si Del Pilar.
Binitawan ni Rizal ang Pamumuno. Ang eleksiyon ay itinakda noong unang linggo
ng Pebrero 1891. Ang mga Pilipino ay nahati sa dalawang magkasalungat na pangkat – ang mga
Rizalista at ang mga Pilarista. Naging mainit ang eleksiyon at hindi nagkasundo ang
magkababayan. Mula sa simula, noong unang araw ng botohan, si Rizal ang nananalo, ngunit
hindi niya makamit ang dalawa-katlong boto para maiproklama siyang Responsable. Sa
ikalawang araw ng botohan, ang resulta ay di na naman makapagbigay ng pasya – nanalo si
Rizal ngunit hindi pa rin niya makamit ang dalawa-katlong boto.
Ang sitwasyon ay naging mainit at kritikal. Noong ikatlong araw, buong pusong
nakiusap si Mariano Ponce sa mga kababayan na ihalal si Rizal. Ang ilang Pilarista ay
pinakinggan ang kanyang panawagan. Kaya nanalo si Rizal sa araw na iyon ng botohan. Dahil
nakamit ang dalawa-katlong boto, siya ang naging Responsable.
Habang papaalis ang tren, pinagmasdan niya mula sa kanyang bintana ang lungsod ng
Madrid, kung saan naging masaya siya noong una niyang pagbisita (1882-1885) ngunit naging
malungkot sa ikalawang pagpunta (1890-1891). Ito ang huling pagkakataong makikita niya ang
Madrid. Nagdurugo ang kanyang puso habang namamaalam sa metropolis, na patungkol dito’y
isinulat niya ilang taon nang nakararaan:
Ang Madrid ay isa sa pinakamasayang lungsod sa buong mundo, lungsod na
nagtataglay ng diwa ng Europa at Silangan, na bumagay sa kaayusan, kaginhawaan, ng
sibilisadong Europa nang walang pagkamuhi, walang pagtanggi, sa makikinang na
kulay, maiinit na pasyon, sinaunang kaugalian ng mga tribung Aprikano, pagiging
maginoo ng mga Arabe na ang mga batas ay nakikita pa rin sa lahat ng lugar dito, sa
kaanyuhan, damdamin, at di-matuwid na palagay ng mga tao, at kahit na sa kanilang
mga batas.
Kabanata 18 Bakasyon sa Biarritz at Pakikipag-ibigan
kay Nelly Boustead (1891)
Para maibsan ang sama ng loob na dulot ng kanyang mga kabiguan sa Madrid, nagpasyang magpunta si
Rizal sa Biarritz, isang bakasyunang lungsod sa napakagandang French Riviera. Siya ay naging panauhin
ng mayamang mag-anak na Boustead sa kanilang tahanan—ang Villa Eliada. Naging kaibigan niya si
Eduardo Boustead at maybahay nito at dalawang kaakit-akit na anak na babae (Adelina at Nellie) sa Paris
noong 1889-90. Noo'y nakikipag-eskrimahan siya sa magkapatid na Boustead sa estudyo ni Juan Luna, at
nakadalo na rin siya ng mga salusalo sa bahay ng mga Boustead sa Paris. Dito sa Biarritz sila nagkaroon
ng pagkakaunawaan ni Nellie. Sa lugar ding ito niya natapos ang huling kabanata ng pangalawa niyang
nobela, ang El Filibusterismo.
Sa Piling ng mga Boustead sa Biarritz. Nang dumating si Rizal sa Biarritz noong pagpasok ng Pebrero,
1891, mainit siyang sinalubong ng mga Boustead, lalung-lalo na ni G. Boustead na tunay na malaki ang
paghanga sa kanya dahil sa mga angkin niyang talino. Bilang panauhin ng mag-anak, maayos siyang
tinanggap nina Gng. Boustead, Adelina, Nellie, at Tiya Isabel (kapatid ni Gng. Boustead).
Maganda ang naidulot kay Rizal ng isang buwan niyang bakasyon sa Biarritz. Nalimutan niya ang
mapapait na karanasan, sa Madrid dahil sa naggagandahang dalampasigan na dinadayo ng mga turista
mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naaliw siya ng masasayang tanawin ng lungsod, at nahalina siya sa
preskong hanging dala ng Karagatang Atlantiko. Unti-unti, nanumbalik ang sigla sa kanyang puso, at
bumuti ang kanyang kalusugan. Aniya sa kanyang liham noong Pebrero 11, 1891 kay Mariano Ponce, na
noo'y nasa Madrid, "Naragdagan ang aking timbang mula nang dumating ako rito sa Biarritz; hindi na
humpak ang aking mga pisngi, gaya ng dati dahil maaga na akong nakatutulog at wala na akong mga
alalahanin.
Pakikipag-ibigan kay Nellie Boustead. Romantikong lugar ang Biarritz—mga kaibig-ibig na hardin, kaaya-
ayang villa at kahali-halinang kagandahan. Naghahanap ng lugod para sa pusong nasugatan—nabigo si
Rizal sa pag-ibig niya kay Leonor—isinaalang-alang niya ang pagsinta para kay Nellie, ang mas maganda
at nakababatang anak na dalaga ng kanyang maybisita. Natuklasan niyang tunay na dalagang Pilipina si
Nellie, matalino, masayahin, at matwid. Sinulat niya sa matatalik niyang kaibigan, liban kay Propesor
Blumentritt, ang kanyang pag-ibig para kay Nellie, tinatawag ding Nelly, at ang intensiyon niyang
pakasalan ito.
Noon pang Pebrero 4, 1891, biniro na siya ni M.H. del Pilar tungkol sa pagpapalit ng "o" sa Noli, at gawin
itong "e" na nangangahulugang naging Nelly ang Noli. Pagkaraan ng limang araw, sinabihan ni Tomas
Arejola si Rizal:
Sa iyong liham, paulit-ulit mong ikinuwento si Boustead na maaaring isang ginang o binibini. llang ulit na
rin dito noong nakaraang taon na nasabihan ako tungkol sa babaing ito, na ayon sa liham mo ay isa ring Pilipino.
Nabanggit nila sa akin na talaga namang karapat-dapat siya dahil sa kanyang mataas na pinag-aralan, magaganda
ang katangiang panlabas at panloob, at karagdagan pa nga ang kaniyang pagiging Pilipino. Sa pagkakataong ito at
sa buong panahong inilagi mo sa pamilyang iyan ay naging saksi ka sa mainit nilang pagtanggap sa iyo. Nais ko
sanang bigyan ang aking sarili ng kalayaan para sabihin sa iyo ang mga pagmumuni ko. Dahil na rin sa iyo mismo,
napagtanto kong malaya ka na sa pananagutan mo sa Pilipinas. Sa kabilang banda, bagaman hindi pa rin
nagbabago ang mga kondisyon doon, ang pananatili mo sa ating bansa ay hindi nararapat; at kahit magkaganoon
man, hindi ka tatantanan ng gulo sa sarili mong tahanan. Kung kaya sa pag-aasawa mo doon, nangangamba akong
hindi kaligayahan kundi kapaitan at gulo lamang ang matatagpuan mo.
At ano ang mainam na solusyon? Tingnan mo kung nararapat sa iyo si Binibining Boustead, ligawan mo
siya, at pakasalan mo siya, at kami rito ay tunay na magbubunyi sa mabuti mong ginawa.
Noo'y nagmahal ngunit nabigo si Antonio Luna sa kanyang pag-ibig kay Nelly. Gayunman, sinulatan niya
si Rizal para hikayating ligawan, pagkaraa'y pakasalan ang dalaga. Ito ang bahagi ng liham ni Luna kay
Rizal mula Madrid:
Tungkol kay Nelly, tapatan kong sasabihin sa iyo na walang namagitan sa amin liban sa
pakikipagkaibigang pinasigla ng pagiging magkakababayan. Sa palagay ko, wala nang iba pa, paniwalaan mo ako.
Naging mangingibig niya ako, nagsulatan kami. Gusto ko siya dahil alam kong karapat-dapat siya, ngunit ang mga
pangyayaring labas sa aming kontrol ang naging hadlang sa kaligayahang itinatangi. Mabait siya, nasa kanya na ang
mga kahanga-hangang katangiang dapat ay mayroon ang isang dalaga, at naniniwala akong magdudulot siya ng
kaligayahan di lamang sa iyo kundi sinumang lalaking karapat-dapat sa kanya...Binabati kita, gaya ng pagbati ng
isang kaibigan sa kanyang kaibigan. Maligayang bati!
Bunga ng pampalakas-loob mula sa malalapit na kaibigan, niligawan ni Rizal si Nelly na nagpakita rin ng
pagkagiliw sa kanya. Sa kasamaang-palad, hindi naging masaya ang wakas ng kanilang pag-iibigan. Hindi
tinanggap ang alok na kasal ni Rizal dahil sa dalawang bagay: (1) hindi pumayag si Rizal na tumiwalag sa
Katolisismo para yumakap sa pananampalatayang Protestantismo, gaya ng hiniling ni Nelly, at (2) ayaw
ng ina ni Nelly na maging manugang si Rizal.
Dahil mabuting Protestante, nais talaga ni Nelly Boustead na maging Protestante si Rizal bago sila
magpakasal. Si Rizal na may matatag na paninindigan ay hindi naman sang-ayon dito. Oo nga't naging
Mason siya ngunit nanatili pa rin siyang tapat sa Katolisismo, ang relihiyon ng kanyang angkan.
Pagkaraan ng ilang taon, habang naninirahan sa Dapitan, bilang desterado, pinatunayan niyang mali ang
paratang ni Padre Pablo Pastell hinggil sa pagiging Protestante niya: "Tungkol sa pagiging Protestante...
Kung alam, lamang ng inyong Reverencia ang pinawalan ko dahil sa di ko pagyakap sa Protestantismo,
hindi ninyo sasabihin ang ganyang bagay. Kung wala akong paggalang sa ideyang relihiyoso, kung ang
pagtanaw ko sa relihiyon ay isang bagay na magpapadali ng buhay o isang sining na bahagi lamang ng
buhay na ito, sa halip na maging mahirap na desterado, ako ngayo'y mayaman, malaya, at
pinagpipitaganan".
Hindi hangad ng ina ni Nelly, tulad din ng ina ni Leonor Rivera, na itaya ang kaligayahan ng anak sa isang
lalaking salat sa mga materyal na bagay, isang manggagamot na walang pasyenteng nagbabayad, isang
manunulat na di naman kumikita sa kanyang panulat, at isang repormistang tinutugis ng mga prayle at
opisyal ng pamahalaan ng sariling bayan.
Bagaman hindi sila ikinasal, nanatiling mabuting magkaibigan sina Rizal at Nellie. Nang malaman niyang
lilisanin na ni Rizal ang Europa, nagpadala siya ng liham ng pamamaalam na nagsasabing: "Ngayong
lilisan ka na, hinahangad ko ang masaya mong paglalakbay, at nawa'y magtagumpay ka sa iyong mga
ginagawa, at higit sa lahat,nawa'y patnubayan ka ng Diyos at gabayan Niya ang iyong daraanan ng mga
biyaya, at nawa'y matuto kang magsaya sa buhay. Ang tanging pabaon ko sa iyo ay aking mga dalangin."
Natapos ang El Filibusterismo sa Biarritz. Bigo sa Pag-ibig, pinagtuunan ni Rizal ang pagsusulat.
Bagaman nililigawan si Nellie at nagpapakaligaya "sa mga gabing sinilayan ng buwan," patuloy ang
kanyang pagsulat ng ikalawang nobela na sinimulan niya sa Calamba noong 1887.
Noong Marso 29, 1891, sa bisperas ng paglisan niya sa Biarritz papuntang Paris, natapos niya ang
manuskrito ng El Filibusterismo. Sa sulat niya kay Blumentritt nang araw ding iyon, sinabi niya ito.
Natapos ko rin ang aking aklat! Naku, hindi ko isinulat dito ang mga idea ko ng paghihiganti sa aking mga
kaaway kundi iyon lamang makabubuti sa mga nagdurusa, para sa mga karapatan ng lahing Tagalog, bagaman
kayumanggi ang kulay at maaaring di-kagandahan.
Bukas na bukas ay pupunta ng Paris, at mula roo'y di ko na alam kung saan ako patutungo.
Sa Paris at Pabalik sa Brussels. Gaya ng isinulat niya kay Blumentritt, nagpaalam si Rizal sa mabubuting
Boustead (magulang at mga anak na dalaga) noong Marso 30, 1891, at nagtuloy siya sa Paris sakay ng
tren. Tumuloy siya sa tahanan ng kaibigang si Valentin Ventura sa 4 Rue de Chateaudum.
Mula Paris, sinulatan niya ang kaibigang si Jose Ma. Basa sa Hong Kong noong Abril 4, at ipinahayag ang
kanyang pagnanais na magpunta sa kolonyang ito ng Britanya para doon na magpatuloy ng
panggagamot sa mata (ophthalmology) na siyang ikabubuhay niya. Sa sulat ding ito, hiniling niya kay
Basa na padalhan siya ng pambili ng tiket sa barkong magmumulang Europa hanggang Hong Kong.
Sa kalagitnaan ng Abril, 1891, nagbalik si Rizal sa Brussels, at malugod siyang tinanggap nina Marie at
Suzanne Jacoby (Na may-ari ng tinutuluyan niya) at higit sa lahat, ni Petite Suzanne (ang dalagang Belga
na umibig sa kanya.)
Pagbitiw sa Kilusang Propaganda. Mula nang magbitiw sa pamumuno sa Madrid noong Enero 1891,
dahil na rin sa mga pang-iintriga ng mga naiinggit na kababayan, nagbitiw sa Kilusang Propaganda, o
krusada para sa mga reporma. Ninais na niyang ipalathala ang pangalawa niyang nobela, maging
manggagamot, at kalaunan, kapag kumikita na siya, umaasa siyang maging masigasig sa
pangangampanya para sa katubusan ng sariling bayan.
Mula Brussels, noong Mayo 1, 1891, ipinaalam niya sa mga awtoridad ng Propaganda sa Maynila na
ikansela ang buwanan niyang panustos at ilaan ang salapi sa mas mainam na gawain, gaya ng
pagpapaaral ng estudyanteng Pilipino sa Europa. Ang notipikasyon ay kalakip ng kanyang sulat kay G. A.L.
Lorena (sagisag-panulat ni DeodatoArellano):
Sa kagandahang-loob ni J. A.; natanggap ko ang iyong liham ng Pebrero 13 na may kalakip na sandaang
pisong papel (P100) na ipinadala sa akin ng Propaganda para sa mga buwan ng Enero at Pebrero, at
nagpapasalamat ako sa inyo.
Nang sa gayon ay maiwasan ang pagpuna sa ganitong bagay, minabuti ko nang magbitiw. Itataguyod ko
ang aking sarili at maghahanapbuhay. Ang napili kong lugar ay maaaring Pilipinas, Hong Kong, o Japan, dahil ang
Europa, para sa akin, ay tila lugar ng mga desterado, at ipinaaalam ko sa Propaganda ang aking intensiyon
nang ,makagawa sila ng kaukulang aksiyon.
Ang halagang P50 na ipinadadala sa akin buwan-buwan ay makatutulong nang malaki sa pagtustos sa
pagpapaaral ng isang lalaking wala sa sitwasyong tulad ko. Bagaman ang gayong halaga ay sapat na para mabuhay
sa isang Iugar, gaya ng Europa, hindi ito sapat para sa isang nagnanais na makagampan ng isang gawain at
maisagawa ang mga plano niya sa buhay.
Kaya nga hiniling ko sa, aking kaibigan na si Basa na padalhan ako ng pondo para sa aking pagbabalik,
nang sa gayon ay kumita naman ako nung kaunti. At kung sa wakas, pagkaraan ng ilang taon ay maging matatag na
ang aking katayuang pinansiyal magiging mas masigasig ako sa pangangampanya, higit pa sa aking ginagawa
ngayon.
Batid ni M.H. del Pilar ang pangangailangan para sa pakikipagkolaborasyon ni Rizal sa Kilusang
Propaganda at pahayagang La Solidaridad dahil sa pananamlay ng krusada para sa mga reporma. Noong
Agosto 7, 1891, sinulatan niya si Rizal, humingi ng kapatawaran sa anumang ipinanghihinanakit sa kanya
ni Rizal, at hinihiling na muli siyang sumulat para sa La Solidaridad. "Sa madaling salita," sabi niya sa sulat,
"kung anumang hinanakit ang mayroon ka, hinihingi kong ipag-isantabi na natin iyon; kung inaakala
mong ako ang may kasalanan, at ang kasalanang ito ay di mapapatawad, humihingi pa rin ako ng
kapatawaran....Nais naming muli kang sumulat para rito; di lamang natin patatatagin ang La Solidoridad,
bagkus ay tatalunin natin ang mga pang-iintriga ng mga prayle sa Pilipinas.
Sa kanya namang sagot sa liham ni Del Pilar, pinabulaanan ni Rizal ang anumang hinanakit niya, at
ipinaliwanag niya kung bakit tumigil siya sa pagsusulat para sa La Solidaridad:
Ako'y sadyang nagulat sa iyong liham, sa sinasabi mong mga hinanakit, di pagkakaunawaan,
pagkakasundo, atbp. Naniniwala akong walang saysay na pag-usapan natin ang isang bagay na hindi naman
nangyayari, at kung nagaganap man, dapat sana'y naglaho na ito sa nakaraan. Magkatulad tayo kung mag-isip, na
kung wala namang kabagay-bagay ay di na dapat nating, pag-aksayahan ng panahon. Sakali mang tumigil na ako
ng pagsusulat para sa La Solidaridad, dahil ito sa maraming dahilan. Una, kailangan ko ng panahon para gawin ang
aking aklat; pangalawa, gusto ko rin namang makapagtrabaho ang ibang Pilipino; pangatlo, naniniwala akong
mahalaga para sa mga partido ang pagkakaisa sa gawain; at ikaw ang siya nang namumuno at may iba rin naman
akong ideya, kaya mabuti pang iwan ko na sa iyo ang pangangasiwa sa patakaran kung paanong nauunawaan mo
ito, at ayoko namang makialam. May dalawang kabutihang maidudulot ito; magiging kapwa malaya tayo, at
mapaiigting ang iyong prestihiyo, ang kailangang-kailangan, yaman din lamang na prestihiyo ang kailangan ng ating
bansa. Hindi naman ito nangangahulugang di na ako gagawa at susunod sa kalakaran ng iyong gawain. Tulad ko'y
isang sundalo, na sa panahon ng pangangailangan, makikita mong una pang lumusob sa hanay ng mga kaaway.
Ngunit hinihingi ko sa Diyos na bigyan ako ng pamamaraan na gawin ito..... nakikipaglaban ako para sa bansa, ang
Pilipinas.
Mga Rebisyon sa Fili para Mailathala. Sa Brussels, araw-araw na inayos at binago ni Rizal ang mga
natapos na manuskrito ng El Filibusterismo ng maihanda na ito para sa pagpapalathala. Karamihan sa
mga rebisyon ay natapos noong Mayo 30,1891. Sa araw na ito, sinulatan niya si Jose Ma. Basa: "Malapit
nang mailimbag ang aking aklat; ang unang dalawampung kabanata ay naiwasto at maililimbag na, at
ginagawan ko na lamang ng bagong kopya ang iba. Sakaling makatanggap ako mula sa iyo ng kahit
magkanong halaga, matatanggap mo ito sa Hulyo. Mas masigasig ang pagsusulat ko rito kaysa Noli at
bagaman hindi kaaya-aya, mas malalim ang kaisipan nito at mas tumpak...Sakali namang wala akong
matanggap na salapi, maaari bang ikaw na ang humingi sa kanila ng pera para mailathala ang aking aklat?
Kungdi ay lilisanin ko na ang pook na ito at diyan na sa inyo tutuloy."
Pagkaraan ng dalawang linggo, noong Hunyo 13, ipinaalam ni Rizal kay Basa: "Nakikipag-usap na ako sa
isang imprenta at dahil hindi ko alam kung dito (Belhika) o sa Espanya maililimbag ang aklat hindi ko
muna ito maipadadala sa iyo.
Sakaling hindi ito dito maililimbag, ipadadala ko ito sa iyo sa susunod kong pagsulat. Tatlo na lamang
kabanata ang aayusin. Mas mahaba ito kaysa Noli, ang unang bahagi. Matatapos ito bago maglabing-
anim ng buwang ito. Sakaling may mangyari sa akin, ihahabilin ko ang paglalathala nito kay Antonio Luna,
kasama na rito ang mga koreksiyon... Kung ang aking Noli ay hindi mailathala, sasakay ako ng tren sa
susunod na araw na matanggap, ko ang iyong liham na may kalakip na salapi; ngunit kung mailathala ang
aking aklat, maghihintay muna akong matapos itong malimbag."
Kabanata 19
El Filibusterismo Nailathala sa Ghent (1891)
Tulad ng lumilipad na palaso, mabilis na lumipas ang mga araw sa Brussels para kay
Rizal. Araw-araw ay abala siya sa pagrerebisa at pagpapaganda sa manuskrito ng El
Filibusterismo para maihanda na ito sa pagpapalimbag. Sinimulan niya ang pagsusulat
nito noong Oktubre 1887 habang nagsasanay ng medisina sa Calamba! Nang sumunod
na taon (1888), sa London, gumawa siya ng ilang pagbabago sa banghay (plot) at
iniwasto ang ilang kabanatang naisulat na. Sumulat pa siya ng karagdagang kabanata
sa Paris at Madrid, at tinapos ang manuskrito sa Biarritz noong Marso 29, 1891. Sa
kabuuan, inabot siya ng tatlong taon sa pagsulat ng kanyang ikalawang nobela.
Kasalatan sa Ghent. Noong Hulyo 5, 1891, nilisan ni Rizal ang Brussels para
magtungo sa Ghent, isang kilalang siyudad unibersidad sa Belhika. Ang mga dahilan
niya sa paglipat sa Ghent ay (1) ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent ay mas
mababa kaysa Brussels, at (2) makaiwas sa panghahalina ni Petite Suzanne. Sa
Ghent, nakatagpo siya ng dalawang kababayan, sina Jose Alejandro (mula Pampanga)
at Edilberto Evangelista (mula Maynila), na kapwa nag-aaral ng inhenyeria sa kilala sa
buong mundona Unibersidad ng Ghent.
Sa Ghent, nanirahan kami sa isang kuwarto na sapat lamang ang pambayad para sa
panunuluyan at agahan. Tinanong ako ni Rizal: "Magkano ang magiging upa sa kuwarto
kung walangagahan?"
Kinausap ko ang babaing nagpapaupa at sinabi niya sa akin na babawasan niya ang
upa kung hindi siya maghahanda ng agahan. Nagkuwenta si Rizal at naisip niyang
mainam kung kami na ang maghahanda ng agahan nang sa gayon ay makatipid kami.
Bumili siya ng tsaa, asukal, alkohol , at isang lata ng biskuwit. Pagdating sa bahay,
binuksan niya ang lata, binilang ang mga biskuwit, at sa pamamagitan ng paghati rito
para sa tatlumpung araw ay mayroon na kaming biskuwit para sa bawat agahan. Sa
unang araw, dahil na rin sa pagpapahalaga ko sa sarili, nakontento ako sa aking
rasyon. Ganoon dinnoong ikalawang araw. Ngunit noong ikatlong araw, sinabi ko sa
kanya na hindi sapat ang aking rasyon. Sinagot niya ako: "Maaari kang humiram sa
rasyon mo para bukas." Kaya sa kahihiram ko, naubos ko ang aking rasyon sa loob
lamang ng labinlimang araw habang siya ay talagang nagkasya sa kanyang arawang
rasyon.
Sumulat siya kay Basa mula Ghent noong Hulyo 1891. Sabi ni Rizal: “Naisanla ko na
ang lahat ng aking alahas,naninirahan ako sa mumurahing kuwarto, kumakain lamang
ako sa mumurahing restawran, para lamang makapagtipid nang mailathala ko ang
aking aklat; malapit nang mahinto ang paglalathala nito kapag walang perang dumating
... “
Noong Agosto 6, itinigil ang paglilimbag, gaya ng pangamba ni Rizal, dahil wala na
siyang maibayad sa imprenta. Sa araw na ito, sumulat siya kay Basa sa Hong Kong:
“Gaya ng makikita mo sa kalakip na sipi, ang paglilimbag ng ikalawang bahagi
(karugtong ng Noli -Z.) ay mabilis naman, at ako ngayon ay nasa pahina 112. Dahil
walang perang dumarating at inutangan ko na ang lahat at baon na ako sa utang,
ipinatigil ko na ang pagpapalimbag at hinayaang kalahati lamang ng aklat ang natapos.”
Ventura, Tagapagligtas ng Fili. Ang kalbaryo ni Rizal sa pagpapalimbag ng Noli ay
naulit sa pagpapalimbag ng Fili. Naubos ang kanyang pondo sa Ghent, at ganitong-
ganito ang naranasan niya sa Berlin noong taglamig ng 1886. Sa panahon ng mapait na
karanasang ito, muntik niyang ipalamon sa apoy ang manuskrito ng Fili, gaya ng muntik
na niyang gawin sa Noli noong nasa Berlin siya.
“Hindi ko na alam,” sabi ni Rizal kay Basa na may himig ng panghihinayang, “kung hindi
darating ang inaasahan kong pera sa susunod na koreo, wala na akong magagawa
para sa aklat, at magtatrabaho na lamang ako para mabuhay ang sarili ... May mga
panahong gusto kong sunugin ang manuskrito. Ngunit naiisip kita, at alam kong
maraming mabubuting taong tulad mo, mabubuting taong tunay na nagmamahal sa
kanilang bayan.”
Nang mukhang wala nang pag-asa ang lahat, dumating ang tulongmula saisang di-
inaasahan. Nalaman ni Valentin Ventura ang suliranin ni Rizal at kaagad siyang
nagpadalang kinakailangan nitong pondo. Dahil sa tulong na pinansiyal na ito,
naipagpatuloy ang pagpapalimbag ng Fili.
Abot-langit ang papuring tinanggap ng nobela mula sa mga Pilipinong nasa ibang
bansa at gayundin sa mga nasa Pilipinas. Ang mga kasapi ng kolonyang Pilipino sa
Barcelona ay naglathala pa ng isang papuri sa La Publicidad, isang pahayagan sa
Barcelona, na nagsasabingang estilongorihinalngnobela ay “maitutulad lamang kay
Alexander Dumas” at maaaring maging “modelo at mahalagang yaman sa mga
kasalukuyang dekadenteng literatura ng Espanya.”
Isinerye naman ng El Nuevo Regimen, isang pahayagan sa Madrid, ang nobela sa mga
isyu nito noong Oktubre, 1891.
Sa alaala ng mga paring sina Don Mariano Gomez (85 taong gulang), Don Jose
Burgos (30 taong gulang), at Don Jacinto Zamora (35 taong gulang). Binitay sa
Bagumbayan noong ika-28 ng Pebrero, 1872.
Sa mga kasulatan ng sangkatauhan, liban kay Rizal, wala pang bayani ang
nakapagsulat ng ganitong kadakilang pagkilala sa kapwa bayani.
Gayunman, para maituwid ang mga pangkasaysayang ulat, kailangang maiwasto ang
mga pagkakamali ni Rizal sa kanyang dedikasyon. Unang-una, ang pagkamartir nina
Gomez, Burgos, at Zamora ay naganap noong Pebrero 17, 1872-hindi noong ika-28.
Pangalawa, si Padre Gomez ay 73 taong gulang-hindi 85, si Padre Burgos ay 35 taong
gulang-hindi 30, at si Padre Zamora ay 37 taong gulang-hindi 35.
May dalawang bahagi sa manuskrito na hindi makikita sa inilimbag na aklat. Ito ang
PAUNANG SALITA at ang BABALA. Hindi ito isinama marahil ay para makabawas sa
halaga ng pagpapalimbag.
Ang PAUNANG SALITA ay matatagpuan bago ang pahina ng dedikasyon. Ito ang
nakasulat dito:
Ferdinand Blumentritt
Nang nagsisimula ang kasalan, ang makatang si Isagani, na nabigo kay Paulita dahil sa
kanyang mga liberal na kaisipan, ay nakatayo sa labas ng bahay, malungkot na
pinanonood ang kasiyahan sa loob. Sinabihan siya ni Basilio, kanyang kaibigan, na
lumayo dahil sassbog na ang inilawang lampara.
Hindi nadakip si Simoun dahil uminom siyang lason. Nang naghihingalo, nangumpisal
siya kay Padre Florentino, sinabi niya ang kanyang totoong katauhan, ang paggamit
niya sa kanyang yaman para maipaghiganti ang sarili, at ang masama niyang balak na
wasakin ang buhay ng kanyang mga kaibigan at kaaway.
Mahaba at masakit ang kumpisal ng naghihingalong si Simoun. Gabi na nang si Padre
Florentino, na nagpupunas ng pawis sa kanyang napakunot na kilay, ay tumayo at
nagsimulang magmuni-muni. Kinausap niyang mahinahon ang naghihingalong lalaki:
“Papatawarin ka ng Diyos, Se?or Simoun. Batid Niya na tayong lahat ay nagkakasala.
Nakita Niyang ikaw ay nagdurusa, at sa pagtatalaga Niya ng parusa-kamatayan ng mga
minamahal mo sa buhay na gawa mo rin ang dahilan-para sa iyong mga kasalanan,
makikita mo ang walang hanggan Niyang awa. Isa-isa Niyang binigo ang iyong mga
plano, ang pinakamagandang plano, una sa pamamagitan ng pagkamatay ni Maria
Clara, sumunod ang kakulangan ng paghahanda, pagkaraan sa mga mahiwagang
paraan. Tanggapin natin ang Kanyang kaloob at pasalamatan natin Siya!”
Lumuhod si padre Florentino at ipinagdasal ang namatay na alahero. Kinuha niya ang
kaban yaman at itinapon ito sa dagat. Habang nilalamon ng mga alon angvpaaplubog
na kaban yaman, muling nagsalita ang pari:
Ang iba pang tauhan sa El Filibusterismo ay sina Tandang Selo, lolo ni Huli at ama ni
Kabesang Tales; G. Amerikanong impresaryo na may-ari ng palabas sa perya sa
Quiapo na nagpapalabas ng isang Ehiptong mummy; Sandoval, isang Espanyol na
estudyante na sumusuporta sa tunguhin ng mga Pecson, estudyanteng isa Pilipino sa
mga na estudyanteng mapalaganap Pilipinong ang mga araling masigasig Espanyol;na
kumikilos para sa pagtuturo ng Espanyol; Kabesanang Andang, ang ina ni Placido ni
Don Penitunte; Pepay, magandang mabuting mananayaw at kalaguyo ni Don Custodio :
padre Fernandez
Ang orihinal na intensiyon ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa Noli. Ngunit
nang maimprenta, naging mas maiksi ito kaysa Noli. Mayroon lamang itong 38
kabanata, kumpara sa 64 ng Noli. Kinakailangang iksian ni Rizal ang Fili dahil sa
kakulangan ng pondo.
Ang mga kaibigan ni Rizal at mga Rizalista ngayon ay nagkakaiba ng opinyon tungkol
sa alin ang mas mahusay na nobela-ang Noli o ang Fili. Ipinapalagay mismo ni Rizal na
mas magandang nobela ang Noli kaysa Fili, na umaayon kay M. H. Del Pilar na ganito
rin atng opinyon. 12 Si Retana, unang Espanyol na sumulet ng talambuhay ni Rizal, ay
naniniwala ring mas mahusay ang Noli sa Fili.
Lopez Jaena ,at Dr.Rafael Palma 14 ay may opinyon na superyor neFili kaysa Noli.
Saisang sulat niya kay Rizal noong Oktubre ,1891,sinabing Lopez Jaena na ”AngEl
Filibusterismo ay isang superior na nobela kaysa sa iyong Noli Me Tangere, lalo na sa
marikitnitong istilong pampanitikan, ang magaan at tumpak nitong dialogo,angklaro
nitong gamit ng mga parirala, masigla at elegante,mga malalim na ideya at dakilang
kaisipan.15Gayunman,hindisiya sang-ayon na ang Fili ay isang nobelang politikal ishil
ang “wakas nito ay hindi karapat-dapat na kasukdulan (cli- max) sa isang
napakagandang akda.” Kaya pinayuhan niya si Rizal na sumulat ng isa pang nobela ng
magbibigay ng tumpak na solusyon sa suliranin ng bansa nang sa gayon ang
“pagdating ng magandang araw ng ating katubusan” ay mapadali.
Ang isyu kung alin ang mas superyor na nobela-ang Noli o ang Fill- ay pang akademiko
lamang. Pareho itong mainam na nobela mula sa punto-de-vista ng kasaysayan.
Parcho nitong mahusay na inilalarawan ang totoong kondisyon ng Pilipinas at mga
Pilipino noong mapanupil na Panahon ng Espanyol; parehong instrumento ito sa
pagmulat ng diwa ng nasyonalismo ng mga Pilipino; at parehong responsable ito sa
paghawan ng daan tungo sa Rebolusyong Pilipino na nagpabagsak sa Espanya.
Alinman sa Fili o ang Noli ay di masasabing mas superyor sa bawat isa. Gaya ng sinabi
ni Mariano Ponce kay Rizal, pagkaraang mabasa ang Fili: “Totoong napakahusay, wala
na akong masasabi pa sa iyong aklat liban dito: Totoong maganda ito gaya ng iba mong
gawang henyo. Totoong kakambal ito ng Noli.” 16
Ang Di-Natapos na Ikatlong Nebela ni Rizal. Bago pa imungkahi ni Lopez Jaena ang
pagsulat ng isa pang nobela, mayroon nang naisip si Rizal na magiging ikatlong nobela.
Noong Setyembre 22, 1891, apat na araw pagkaraang lumabas sa imprenta ang Fili,
sumulat ito kay Blumentritt: “Iniisip ko ang pagsulat ng ikatlong nobela ko, isang
nobelang makabago, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito magiging politikal kundi etika
ang magiging pangunahing diwa. Mas pagtutuunan ko nig pansin ang mga kaugalian ng
mga Pilipino, at dalawa lamang Espanyol, ang kuraparokoatang teny’entengGuardias
Civiles ang makikita roon. Inansahan kong ito’y at magiging tumawa sa katawa-tawa,
mapanudyoluha, at matalino, ang lumuha at tumawa kung gayo’y umiyak ng mapait.
Ang di-natapos na ikatlong nobela ay wala pang pamagat. Mayroon itong 44 pahina (33
sentimetro x 21 sentimetro) na nasa sulat-kamay ni Rizal. Nasa manuskritopa lamang
ito,atngayo’y pinag-iingatan ng Aklatang Pambansa sa Maynila.
Sinabing si Rizal ay masuwerte’t di niya natapos ang nobelang ito dahil magiging sanhi
ito ng malaking iskandalo at paghiniganti ng mga Espanyol. 18
Iba pang Di- Natapos na Nobela ni Rizal. Marami pang nobelasi Rizal na diniya
natapos.Isarito ay pinamagatang
Ang nobela sa Espanyol tungkol sa buhay sa Pili, isang hayan sa Laguna, ay hindi rin
natapos. Ang manuskrito ay binubuo ng147pahina, 8”x6.5”,atwalapangtitulo.Kabilang sa
mga tauhanditoayangmgasumusunod:PadreAgaton, isang prayleng Espanyol; Kapitan
Panchong at Kapitana Barang; Cecilia, ang magandanilanganak;Isagani,kasintahan
niCecilia; Kapitan Crispin, kalabansa politika ni Panchong; at Dr. Lopez, isang
malayang mag-isip.
Ngunit kahit kamatayan ay hindi naging hadlang sa pasya ni Rizal. Noong Hunyo
19, 1892, idinaos niya ang kanyang ika-31 na kaarawan sa Hong Kong. Noo'y may
pangitain na siya ng kanyang kamatayan dahil nang sumunod na araw, Hunyo 20,
sumulat siya ng dalawang liham at mahigpit niyang ipinagbilin na "bubuksan lamang ito
pagkaraan niyang mamatay. Ang mga ito'y ibinigay niya sa kanyang kaibigang si Dr.
Marques para ingatan. Sa mga pahina ng kasaysayan, wala pang Iiham na halos
pumantay sa pagkakasulat gaya ng mga liham na ito ni Rizal, na masasabing
testamentong politikal niya.
Noong Hunyo 21, 1892, sa Hong Kong, muling sumulat si Rizal kay
Gobernador Despujol, na ikatlo na niyang Iiham sa Walang pitagang punong
tagapagpaganap na Espanyol. Sa sulat na ito, ipinaalam niya sa gobernador-
heneral ang pagbabalik niya sa Maynila at pagpapailalim niya sa proteksiyon
ng pamahalaang Espanyol.
Nang araw ding iyon (Hunyo 21), Herbosa, nilisan ang ni Rizal Hong at ang
kanyang kapatid na si Lucia, balo ni Herbosa. Ang Hong Kong para Maynila. Dala
nila ang isang espesyal na pasaporte o "permiso" na ibinigay ng Espanyol na
konsul-heneral sa Hong Kong.
Ang matapang na pagbabalik ni Rizal sa Maynila noong Hunyo 1892 ay ang pangalawa niyang
pag-uwi, ang una niyang pag-uwi mila sa pangingibang-bayan ay noong Agosto 1887. Ito ang nagmarka
ng muli niyang mapanganib na kampanya para sa mga reporma. Matatag ang kanyang paniniwalang ang
pakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas ay pumasok sa bagong antas; kailangan na itong ipaglaban
mismo sa Pilipinas, hindi sa Espanya. "Ang labanan ay nasa Pilipinas," sabi niya sa mga kababayang nasa
Europa, "Doon tayo dapat na magtagpo ... Doon tayo magtutulungan, doon tayo sama-samang
magdurusa o magtatagumpay. Pagkaraan ng dalawang buwan, noong Disyembre 31, 1891, ipinagdiinan
niya ang ganitong paniniwala sa isang liham kay Blumentritt, "Ako'y naniniwalang ang La Solidaridad ay
hindi na ang lugar na siyang labanan; ngayon ay isa na itong bagong pakikipaglaban ... ang labanan ay
wala na sa Madrid." Sa kanyang pag-uwi upang magbigay-daan sa isang kilusang repormista, tulad niya
ay si Daniel ng Bibliya na makikipagsagupaan sa leong Espanyol sa sarili nitong kulungan.
Pagdating sa Pilipinas, Kasama ang kanyang kapatid na Babae. Noong tanghali ng Hunyo 26, 1892,
dumating sa Maynila si Rizal, kasama ang kanyang balong kapatid na si Lucia(maybahay ng yumaong
Mariano Herbosa). Metikuloso sa pagtatala sa kanyang talaarawan, inilarawan ni Rizal ang pangalawa
niyang pag-uwi sa Pilipinas:
Dumating ako sa Maynila noong Hunyo 26, 1892, Linggo, ika-12 ng tanghali.
Sinalubong kami ng maraming karabino na pinamumunuan ng isang komandante.
Mayroon ding isang kapitan at isang sarhento ng Veteranos Guardias Civiles. Bumaba
akong, dala ang aking mga bagahe at siniyasat nila ako sa bahay-adwana, Mula doon,
nagtungo ako sa Hotel de Oriente kung saan ako umupa ng isang kuwarto, Blg. 22, na
nakaharap sa simbahan ng Binondo."
Nang hapong iyon, mga alas kuwatro, nagtungo siya sa Malacañang para kausapin ang Espanyol
na gobernador-heneral na si Eulogio Despujol, Konde ng Caspe.“ Sinabihan siyang bumalik sa gabi ring
iyon, mga alas siyete. Sa ganap na alas siyete ng gabi ay nagbalik si Rizal sa Malacañang at nagkaroon
siya ng pagkakataong makausap si Gobernador Heneral Despujol, na pumayag na patawarin ang
kanyang ama ngunit hindi ang ibang miyembro ng kanyang pamilya, at sinabihan siyang magbalik sa
Pagkaraan ng maikli niyang pakikipanayam sa gobernador-heneral, binisita niya ang mga kapatid
na babaeng nasa lungsod---una si Narcisa (Sisa, asawa ni Antonio Lopez) at pagkaraa'y si Neneng
(Saturnina, asawa ni Manuel T. Hidalgo).
Pagbibisita sa mga Kaibigan sa Gitnang Luzon. Alas sais ng gabi ng sumunod na araw (Hunyo 27),
lumulan si Rizal sa isang tren sa Estasyon ng Tutuban at binisita niya ang mga kaibigan sa Malolos
(Bulacan), San Fernando (Pampanga), Tarlac (Tarlac), at Bacolor (Pampanga). Mainit siyang sinalubong at
inasikaso sa mga tahanan ng kanyang mga kaibigan. Ang mga kaibigang ito ay mabubuting makabayan,
na nakikiisa at nakikisimpatiya sa krusadang repormista, at kinuha niya alig oportunidad na batiin sila
nang personal at matalakay sa kanila ang mga suliraning bumabagabag sa mga kababayan.
Sakay pa rin ng tren ay bumalik si Rizal sa Maynila nangsumunod na araw, Hunyo 28, alas singko
ng hapon. Alam man niya o hindi, sinusubaybayan na ng mga espiya ng pamahalaan ang bawat ikinikilos
niya. Ang mga bahay na binisita niya ay sinalakay ng mga Guardias Civiles at sinamsam ang mga sipi ng
Noli at Fili at iba pang "subersibong" babasahin.
Iba pang Pakikipanayam kay Despujol. Pagkaraang bisitahin ang mga kaibigar sa Gitnang Luzon,
nagkaroon pa ng ibang pakikipanayam si Rizal kay Gobernador Heneral Despujol. Ang mga panayam na
ito ay naitala sa kanyang talaarawan.
Noong Miyerkules (Hunyo 29— Z), 7:30, nakipagkita ako sa kanyang Kataas-taasan. Hindi ako
nagtagumpay sa pakiusap na alisin na ang kaparusahang pagpapatapon, ngunit binigyan niya ako ng pag-
asa kaugnay sa kalagayan ng aking mga kapatid na babae. Dahil pista ni San Pedro at San Pablo, ang
aming panayam ay natapos ng 9:15. Babalik ako kinabukasan ng 7:30.
Nang sumunod na araw, Huwebes (Hunyo 30), pinag-usapan namin ang tungkol sa Borneo. Hindi
sang- ayon dito ang heneral, matigas ang kanyang pagtutol. Sinabihan niya akong bumalik sa Linggo.
Noong Linggo (Hulyo 3—Z.) bumalik ako. Pinag- usapan namin ang iba't-ibang bagay at
pinasalamatan ko siya sa pag-aalis ng kaparusahang pagpapatapon sa aking mga kapatid na babae.
Sinabi ko rin sa kanya na ang aking ama at kapatid na lalaki ay darating lulan ng unang barko. Tinanong
niya ako kung gusto kong magpunta sa Hong Kong. Sinabi ko, "00". Pinabalik niya ako sa Miyerkules.
Ang inihalal na pamunuan ng bagong liga ay binubuo ng mga sumusunod: Ambrosio Salvador,
pangulo; Deodato Arellano, kaſihim; Bonifacio Arevalo, ingat-yaman; at Agustin de la Rosa, piskal.
Ang Konstitusyon ng La Liga Filipina. Ang mga layunin ng La Liga Filipina, gaya ng isinasaad ng
Konstitusyon nito, ay ang mga sumusunod:
5. Pag-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago. Ang motto ng La Liga Filipina ay: Unus Instar
Omnium (Bawat isa'y katulad ng lahat.)
Ang mga tungkulin ng mga miyembro ng Liga ay ang mga sumusunod: 1) sundin ang mga utos
ng Kataas-taasang Konseho; 2) tumulong sa pangangalap ng mga bagong miyembro; 3) mahigpit na
panatilihing lihim ang mga desisyon ng mga awtoridad ng Liga; 4) magkaroon ng ngalang-sagisag na di
maaaring palitan hanggang di nagiging pangulo ng kanyang konseho; 5) iulat sa piskal ang anumang
maririnig na makaaapekto sa Liga; 6) kumilos na matwid na siyang dapat dahil siya'y mabuting Pilipino,
at 7) tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras.
Dinakip at Ikinulong si Rizal sa Fuerza Santiago. Noong Miyerkules, Hulyo 6, nagtungo si Rizal sa
Palasyo ng Malacañang para ipagpatuloy ang serye ng kanyang pakikipanayam sa gobernador-heneral.
Sa panayam na ito, nagpakita si Gobernador Heneral Despujol ng ilang nailimbag na babasahin na
diumano ay natagpuan sa loob ng punda ng unan ni Lucia. Ang mga subersibong babasahin ay
pinamagatang "Pobres Frailes" (Mga Kawawang Prayle) na isinulat ni Padre Jacinto at inilimbag ng
Imprenta de los Amigos del Pais, Maynila. Ang mga ito ay satiriko laban sa mayayamang prayleng
Dominikong kumamkam ng yaman, kabaligtaran ng kanilang panata ng kahirapan.
Mahigpit na itinanggi ni Rizal na ang mga babasahing iyon ay nasa kanya o nasa bagahe ni Lucia,
na tiningnan naman ng mga awtoridad ng adwana nang dumating sila mula Hong Kong. Kahit na
itinanggi niya at humingi siya ng imbestigasyon ayon na rin naman sa batas,dinakip pa rin siya,dinala at
sinamahan sa Fuerza Santiago ni Ramon Despujol, pamangkin at ayudante ni Gobernador Heneral
Despujol. Sa Fuerza Santiago, naginginkomunikado siya, gaya ng isinulat niya sa kanyang talaarawan:
Inilagay nila ako sa isang may kaayusang kuwartong may kama, sandosenang
silya, isang mesa, isang palanggana, at isang salamin. Ang kuwarto ay may tatlong
bintana; isang walang rehas na nakatanaw sa patio, ang isa'y may rehas na nakatanaw
naman sa mga pader ng lungsod at dalampasigan, at ang isa'y pintong nakakandado.
Dalawang armadong lalaki ang nagtatanod dito. Pinag- utusan silang barilin ang
sinumang magbigay ng senyal mula sa dalampasigan. Hindi ako makapagsulat
nimakapagsalita rito liban na lamang sa opisyal na nagbabantay dito.
Nang sumunod na araw, Hulyo 7, inilathala ng Gaceta de Manila ang pagkakadakip kay Rizal, na
nagdulot ng kaguluhan at pagkagalit sa maraming Pilipino, lalo na sa mga kasapi ng bagong tatag na La
Liga Filipina.
Pagpapatapon sa Dapitan. Sa isyu ring ito ng Gaceta (Hulyo 7, 1892) nakasulat ang dekreto ni
Gobernador Heneral Despujol na nagpapatapon kay Rizal sa "isa sa mga isla sa Katimugan." Ayon sa
dekreto ng gobernador, ito ang mga dahilan ng pagpapatapon kay Rizal:
Si Kapitan Delgras ay bumaba ng barko at inihabilin si Rizal kay Kapitan Ricardo Carnicero,
Espanyol na komandante ng Dapitan. Nang gabing iyon, sinimulan ni Rizal ang buhay-desterado sa
malungkot na Dapitan na magtatagal hanggang Hulyo 31, 1896, sa haba ng apat na taon.
Kabanata 22
Ang Pagkakapatapon sa
Dapitan, 1892-96
Nanirahan si Rizal bilang desterado sa malayong Dapitan, isang liblib na bayan sa
Mindanao na nasa pangangasiwa ng mga misyonerong Heswita, mula 1892 hanggang 1896.
Ang apat na taong ito sa kanyang buhay ay hindi kasingkulay, ngunit mas maraming
ibinungang magagandang gawa. Nagsanay siya rito ng medisina, nagsagawa ng mga
siyentipikong eksperimento, nagpatuloy ng kanyang gawaing pansining at pampanitikan,
nagpalawak ng kaalaman sa mga wika, nagtatag ng isang paaralang panlalaki, nagtaguyod ng
kaunlarang panlipunan, nag-imbento ng isang makinang kahoy na gumagawa ng mga
ladrilyo, at naging magsasaka at mangangalakal. Sa kabila ng marami niyang gawain, hindi
niya nalimutang makipagsulatan sa kanyang pamilya, kaanak, kapwa repormista, at kilalang
siyentipiko at iskolar ng Europa, kabilang na sina Reinhold Rost, A. B. Meyer, W. Joest ng
Berlin, S. Knuttle ng Stuttgart, at N.M. Keihl ng Prague.
Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mga kondisyong ito. Kaya doon siya nanirahan sa
bahay ng komandante, si Kapitan Carnicero. Naging magkaibigan at maganda ang relasyon
nina Carnicero (bantay) at Rizal (preso).
Humanga si Carnicero sa magagandang katangian at personalidad ni Rizal. Madalas
silang magsalo sa pagkain at masaya silang nagkakausap. Nalaman ni Carnicero na si Rizal
ay hindi basta-bastang preso, lalo namang hindi siya pilibustero. Naging maganda ang mga
ulat niya kay Gobernador Despujol hinggil sa kanyang preso. Binigyan niya ng kalayaan si
Rizal na magpunta sa kahit saan at minsan lamang sa isang linggo kung mag-ulat sa kanyang
tanggapan. Pinayagan niya si Rizal, na mahusay mangabayo, na sumakay sa kanyang kabayo.
Sa bahagi naman ni Rizal, hinangaan niya at iginalang ang mabait at mapagbigay na
kapitang Espanyol. Bilang tanda ng kanyang paghanga, sumulat siya ng isang tula, ang A Don
Ricardo Carnicero, noong Agosto 26, 1892, sa okasyon ng kaarawan nito.
Walang sakay na opisyal na Espanyol ang barkong Butuan ngunit dala nito'y
magandang balita. Ang Tiket sa Loterya blg. 9736 na pag-aari nina Kapitan Carnicero, Dr.
Rizal, at Francisco Equilor (Espanyol na residente ng Dipolog, kalapit bayan ng Dapitan) ay
nanalo ng pangalawang gantimpalang P20,000 sa Loterya ng Maynila na pag-aari ng
pamahalaan.
Ang bahagi ni Rizal sa premyo ay nagkakahalaga ng P6,200. Nang matanggap niya ang
salapi, ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 sa kaibigang si Basa na nasa Hong
Kong, at ang natira ay ibinili niya ng lupang sakahan sa may baybay-dagat ng Talisay, isang
kilometro mula Dapitan.
Sa lahat ng kanyang liham kay Padre Pastells, ipinakita ni Rizal ang kanyang mga anti-
Katolikong ideya na nakuha niya sa Europa at mapait na karanasang bunga ng pag-uusig ng
masasamang prayle. Mauunawaan kung bakit masama ang kanyang loob sa mga prayleng
umaabuso. Gaya ng isinulat niya kay Blumentritt mula Paris noong Enero 20, 1890: "Gusto
kong saktan ang mga prayle, ngunit ang mga prayleng gumagamit sa relihiyon hindi lamang
bilang pananggalang ngunit bilang sandata, kastilyo, kuta, baluti, atbp. napilitan akong
atakihin ang kanilang mali at mapamahiing relihiyon nang sa gayon malabanan ang kaaway
na nagtatago sa likod nito."
Ayon kay Rizal, ang pansariling paghuhusga ay biyaya mula sa Diyos, at lahat ay
kailangang gumamit nito ng tulad sa lamparang gumagabay sa daan, at ang pagpapahalaga
sa sarili, kung hindi lalabis dahil sa paghuhusga, ay magliligtas sa tao sa mga walang
kabuluhang gawain. Ipinangatwiran din niyang ang paghahanap sa katotohanan ay maaaring
makita sa iba’t ibang landas, kaya "ang mga relihiyon ay maaaring magkaiba-iba, ngunit
iisang landas lamang ang patutunguhan sa liwanag."
Si Padre Sanchez, mula noong nag-aral si Rizal sa Ateneo, ay tumigil ng tatlong taon
sa Europa at nagbalik sa Maynila noong 1881 para muling magturo sa Ateneo at pangasiwaan
ang museo nito. Siya lamang ang paring Espanyol na nagtanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal.
Kahit na hindi niya nakumbinsi si Rizal na iwaksi ang taliwas nitong pananaw sa
relihiyong Katoliko, hindi naman nagbago ang pagtingin ni Sanchez sa kanyang estudyante.
Tinulungan niya si Rizal sa proyekto nitong pagandahin ang Dapitan. Noong kaarawan niya,
niregaluhan siya ni Rizal ng isang napakagandang aginaldo—isang manuskritong may
pamagat na Estudios sobre Ia lengua tagala (Mga Pag-aaral hinggil sa Wikang Tagalog)—
gramatikong Tagalog na sinulat ni Rizal at inihandog niya sa kanyang dating guro.
Magandang Buhay sa Dapitan. Sa Dapitan, naging maganda, tahimik, at kaaya-
aya ang buhay ni Rizal. Mula Agosto 1893, salit-salitang dinalaw si Rizal ng kanyang pamilya
nang maibsan ang kalungkutan nito sa kanyang pag-iisa sa kuta ng mga Espanyol sa lupain
ng mga Moro. Ang mga dumalaw sa kanya ay ang kanyang ina, mga kapatid na sina Trinidad,
Maria, at Narcisa; at mga pamangkin na sina Teodisio, Estanislao, Mauricio, at Prudencio.
Nagpatayo siya ng bahay sa baybay-dagat ng Talisay, na pinaliligiran ng mga punong
namumunga ng prutas. Nagpatayo rin siya ng isang paaralang panlalaki at isang ospital para
sa kanyang mga pasyente.
Sa sulat niya kay Blumentritt noong Disyembre 19, 1893, inilarawan ni Rizal ang
kanyang buhay sa Dapitan:
Ikukuwento ko sa iyo kung paano kami nabubuhay dito. Tatlo ang
aking bahay dito: isang parisukat, isang hexagonal, at ang pangatlo,
octagonal—at lahat ay yari sa kawayan, kahoy, at nipa. Nakatira kami sa
parisukat na bahay, kami ng aking ina, kapatid na si Trinidad, at pamangkin.
Doon sa octagonal ang mga batang lalaki at ibang mabubuting kabataang
tinuturuan ko ng aritmetika, wikang Espanyol at Ingles; at sa hexagonal na
bahay naman ang aking mga alagang manok. Mula sa aking bahay ay
maririnig mo ang bulong ng malinaw na sapang dumadaloy mula sa
matataas na bato; nakikita ko ang dalampasigan, ang dagat kung saan
mayroon akong maliliit na bangka at dalawang baroto, gaya na rin ng tawag
nila rito. Marami akong puno rito, mangga, lansones, guyabano, baluno,
langka, atbp. May alaga akong kuneho, aso, pusa, atbp. Maaga akong
magising — mga alas singko — para diligan ang aking mga tanim, pakainin
ang mga manok, gisingin ang mga tao rito nang sila ma’y kumilos na rin.
Pagsapit ng alas siete y media, nag-aagahan kami ng tsaa, tinapay, keso,
matamis, atbp. Maya-maya, titingnan ko na ang aking mga pasyenteng
dumayo pa rito sa aking lugar; magbibihis at pupunta sa bayan sakay ng
aking baroto, manggagamot ng mga tagaroon, babalik dito ng alas dose, na
handa na ang aking tanghalian. Pagkatapos ay tuturuan ko na ang mga
batang lalaki hanggang alas kuwatro ng hapon, at ang natitirang oras ay
ilalaan ko na sa pagtatanim. Sa gabi, nagbabasa at nag-aaral ako.
……………………………
Batay sa mga ulat na ito, ang insidente ng lihim na misyon ni “Pablo Mercado" sa
Dapitan ay hindi isang “Pagtatangkang Pagpaslang kay Rizal." Ito ay isa lamang pang-
eespiyang pakana ng mga prayle.
Noong Agosto 1893, dumating sa Dapitan ang kanyang ina at kapatid na si Maria at
doon nanirahan sa kanya ng isang taon at kalahati. Inoperahan niya ang kanang mata ng
kanyang ina. Naging matagumpay ang operasyon, ngunit sa kabila ng mga paalala ng anak,
tinanggal ni Doña Teodora ang benda sa kanyang mata kaya naimpeksiyon ito. Kaya nasabi
ni Rizal kay Hidalgo, ang kanyang bayaw: "Ngayo'y nauunawaan ko na kung bakit di dapat
gamutin ng isang doktor ang sarili niyang pamilya.” Sa kabutihang palad, nagamot ang
impeksiyon sa mata ni Doña Teodora, salamat sa husay ng kanyang anak bilang
manggagamot sa mata, at muli siyang nakakita.
Isang Amerikanong inhinyero, si Ginoong H.F. Cameron, ang pumuri sa talinong ito ni
Rizal:
Bukod sa pagpapatayo ng unang sistemang patubigan dito, gumugol din siya ng ilang
buwan para alisin ang mga latiang nagiging sanhi ng malaria sa Dapitan. Bilang isang
manggagamot na nagsanay sa Europa, alam niyang kumakalat ang malaria dahil sa mga
lamok na naninirahan sa mga basang lugar.
Ang P500 ibinayad sa kanya ng pasyente niyang Ingles ay ginamit niya para
magkaroon ng sistemang pang-ilaw ang Dapitan. Ang sistemang pang-ilaw noon ay binubuo
ng mga lamparang langis ng niyog na inilalagay sa madidilim na lugar ng Dapitan. Ang
elektrisidad ay hindi pa nakararating sa Pilipinas. Noon lamang 1894 nang magkaroon ng
elektrisidad ang Maynila.
Si Rizal bilang Guro. Mula pagkabata, batid ni Rizal ang kahalagahan ng mabuting
edukasyon. Sa kanyang mga paglalakbay, pinag-aralan niya ang sistemang pang-edukasyon
ng mga makabagong bansa. Siya mismo ay nagplanong magtatag ng isang modernong
kolehiyo sa Hong Kong para sa Pilipinong kalalakihan nang sa gayon ay maisanay niya ang
mga ito sa mga modernong konsepto, na noo’y hindi pa kilala sa Pilipinas.
Nagkaroon siya ng pagkakataong magamit ang mga ideya niya sa edukasyon nang
mapatapon siya sa Dapitan. Noong 1893, itinatag niya ang isang paaralan na tumagal
hanggang sa matapos ang kanyang destiyero noong Hulyo, 1896. Nagsimula siya sa tatlong
mag-aaral, at habang tumatagal, naging 16, at kinalaunan, 21 ang kanyang mga estudyante.
Sa kanyang liham kay Blumentritt noong Marso 13, sinabi ni Rizal na mayroon siyang 16 na
mag-aaral at ang mga ito ay walang matrikula. Sa halip, sila ang nagtatrabaho sa kanyang
halamanan, bukid, at mga proyektong pangkomunidad.
Tinuruan ni Rizal ang mga batang lalaki ng pagbasa, pagsulat, mga wika (Espanyol at
Ingles), heograpiya, kasaysayan, matematika (aritmetika at heometriya), gawaing
industriyal, pag-aaral sa kalikasan, mga moral, at gymnastics. Sinanay niya ang mga ito sa
pangongolekta ng mga ispesimen ng mga halaman at hayop, magmahal sa anumang gawain,
at kung paano "kumilos na tulad ng lalaki."
Ang klase ay ginaganap mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon. Si Rizal, na siyang guro,
ay nakaupo sa duyan habang ang mag-aaral niya ay nakaupo sa isang mahabang bangko. Sa
isang araw, ang mga aralin ay tinatalakay sa Espanyol; sa susunod na araw, sa Ingles. Tulad
sa Ateneo, ang pinakamahusay na mag-aaral ay tinatawag na “emperador" at nakaupo siya
sa puno ng bangko; ang pinakamahina naman ay nasa kabilang dulo ng bangko.
Kapag rises, nagsisiga ang mga mag-aaral para maitaboy ang mga insekto, nagtatabas
ng mga puno, at naglalagay ng pataba sa lupa.
Kapag walang klase, hinikayat ni Rizal ang mga bata na maglaro para mapalakas ang
kanilang katawan. May gymnastics, wrestling, boksing, paglangoy, arnis, at pamamangka.
KORO
Mabuhay, O Talisay!
Matatag at matibay
Laging inspirasyon,
Lakad na maginoo.
Mga bagay, sa lahat ng lugar
Sa dagat, lupa, at hangin
Ikaw ang mangingibabaw.
Noong Abril 5, 1896, huling taon ng kanyang destiyero sa Dapitan, sumulat siya kay
Blumentritt: "Alam ko nang magsalita ng Bisaya at maayos naman ako sa wikang ito;
gayunman, kailangan ko pa ring matutunan ang iba pang diyalekto ng Pilipinas.” Sa
panahong ito, maihahanay na si Rizal sa mahuhusay na linggwista sa buong daigdig.
Marunong siya ng 22 wika: Tagalog, Ilokano, Bisaya, Subanum, Espanyol, Latin, Griyego,
Ingles, Pranses, Aleman, Arabiko, Malay, Hebreo, Sanskrit, Olandes, Catalan, Italyano, Tsino,
Nipponggo, Portuges, Swisa, at Ruso.
Mga Gawaing Masining. Ipinagpatuloy din ni Rizal ang kanyang mga masining
na gawain. Sa pamamagitan ng kanyang talino sa pagpinta, natulungan niya ang mga Madre
ng Kawanggawa sa paghahanda ng altar ng Mahal na Birhen sa kanilang kapilya. Para
makatipid, ang ulo ng imahen ay "binili mula sa ibang bayan." Ang damit, na nagkukubli sa
buong katawan ng imahen, liban sa paa, na nakatayo sa isang globo na pinalilibutan ng ahas
na may mansanas sa bibig, ay ginawa ng mga madre. Si Rizal ang gumawa ng kanang paa ng
imahen, mansanas, at ulo ng ahas. Siya rin ang nagdisenyo ng magarang kurtina, na sa ilalim
ng kanyang pangangasiwa ay ipininta ng isang pintor na madre.
Iginuhit din ni Rizal ang ilang tao at bagay sa Dapitan na nakaakit sa kanya. Iginuhit
niya, halimbawa, ang tatlong kakaibang nakaakit sa kanya. Iginuhit niya, halimbawa, ang
tatlong kakaibang uri ng hayop—ang butiki, palaka, at uwang—na natuklasan niya. Gumuhit
din siya ng maraming isdang nahuhuli sa katubigan ng Dapitan.
Isang araw noong 1894, ilan sa mga mag-aaral niya ang lihim na nagtungo sa Dapitan
sakay ng isang bangka mula Talisay; isang tuta ng Syria (aso ni Rizal) ang nagtangkang
sumunod sa kanila at nakain ito ng buwaya. Pinagalitan sila ni Rizal dahil hindi nila sinunod
ang kanyang biling huwag pupunta sa bayan nang wala siyang pahintulot. At kung di rin dahil
sa ginawa nila, di-namatay ang tuta at di-nagdadalamhati ang ina nito. Para bigyang-diin ang
aral ng karanasang ito, gumawa si Rizal ng isang istatwa ng isang buwayang pinapatay ng
isang aso bilang paghihiganti sa tutang namatay, at tinawag niya itong "Paghihiganti ng Ina."
Ilan pang nililok ni Rizal ay ang rebulto ni Padre Guerrico (isa sa mga guro niya sa
Ateneo), istatwa ng isang batang babaing pinamagatan niyang "Ang Batang Babae ng
Dapitan," kahoy na lilok ni Josephine Bracken (kanyang asawa), at ang rebulto ni San Pablo
na ibinigay niya kay Padre Pastells.
Sa liham niya kay Hidalgo noong Enero 19, 1893, ipinahayag niya ang kanyang plano
na mapaunlad ang industriya ng pangingisda ng Dapitan. Sinabi niya na ang bayan ay may
magandang dalampasigan tulad ng sa Calamba, at sagana sa isda ang dagat; gayunman, ang
mga mangingisda, na sinauna pa ang paran ng pangingisda, ay kaunti lamang ang huli. Kaya
inatasan niya si Hidalgo na hanapan siya ng mabibiling malaking lambat para sa pangingisda
at padalhan siya ng dalawang mahuhusay na mangingisdang taga-Calamba na magtuturo sa
mga taga-Dapitan ng mas mainam na paraan ng pangingisda.
Sa Dapitan, naimbento niya ang isang makinaryang gawaan ng ladrilyo. Ang makinang
ito ay kayang gumawa ng 6,000 ladrilyo araw-araw. Kaya isinulat ni Rizal kay Blumentritt
noong Nobyembre 20, 1895: "Bumuo ako ng isang kahoy na makinang gawaan ng mga
ladrilyo, at naniniwala akong makagagawa ito ng humigit-kumulang 6,000 ladrilyo sa isang
araw ... Noong ako ay nasa Belhika, nakita ko ang paggawa ng ladrilyo nang walang hurno, at
sa pagbisita ko sa Baden, nakita ko ang pagpaparami ng ladrilyo. Sa palagay ko, sa Bohemya,
gumagawa sila ng ladrilyo na ibang pamamaraan; kung gayon man, maaari bang ipaalam mo
sa akin kung paano hinuhurno ang mga ladrilyo nang walang gaanong aksaya.”
"Mi Retiro," Noong Pebrero 1895, nagbalik sa Maynila si Doña Teodora, na muli
nang nakakakita. Sa matagal niyang paninirahan sa Dapitan, nakita niya kung gaano kaabala
ang kanyang matalinong anak at nanghihinayang siya na napabayaan nito ang pagsulat. Kaya
hinilingan ng ina ang anak na sumulat muli ng tula.
Bilang pagbibigay sa ina, sinulat ni Rizal ang napakagandang tula tungkol sa payapa
niyang buhay bilang desterado at ipinadala niya ito sa kanyang ina noong Oktubre 22, 1895.
Ang tulang ito ay "Mi Retiro" na sinasabi ng mga kritiko na isa sa pinakamahusay na isinulat
ni Rizal. Ito ang kanyang tula.
Nang malaman ni G. Taufer ang plano nilang pagpapakasal, nagalit siya. Hindi niya
makayanan ang mawala sa piling niya si Josephine kaya nagtangka itong magpakamatay sa
pamamagitan ng paggilit ng lalamunan. Ngunit napigilan siya ni Rizal. Para maiwasan ang
ganitong trahedya, sinamahan ni Josephine si Taufer sa Maynila. Ang bulag na lalaki ay hindi
mapagaling dahil ang pagkabulag niya ay sanhi ng sakit sa babae kaya wala nang lunas.
Masayang namuhay sina Rizal at Josephine sa Dapitan. Sa ilang liham niya sa kanyang
pamilya, pinuri ni Rizal si Josephine at sinabing napakasaya niya sa piling nito. Hindi na siya
nalulumbay. Ang Dapitan, para sa kanya, ay isa nang langit.
Josephine, Josephine
Noong Hunyo 15, umalis ng Maynila si Dr. Valenzuela sakay ng barkong Venus. Para
maitago ang kanyang misyon ay nagsama siya ng isang bulag, na ang ngalan ay Raymundo
Mata, at isang gabay. Sa ganitong paraan, iisiping hihingi lamang siya ng payo ukol sa
panggagamot mula sa dalubhasang si Rizal.
Dumating si Dr. Valenzuela sa Dapitan noong gabi ng Hunyo 21, 1896. Si Rizal, na
talagang mabuting maybahay, ay malugod na tinanggap si Dr. Valenzuela. Pagkatapos ng
hapunan, ang dalawa ay masinsinang nag-usap sa hardin. Sinabi ni Valenzuela kay Rizal ang
plano ng Katipunan at ang pangangailangan ng kanyang suporta.
Kung kailan hindi niya inaasahan, isang liham mula kay Gobernador Blanco, na may
petsang Hulyo 1, 1896, ang dumating sa Dapitan, at nagpapaalam na tinatanggap ng
pamahalaan ang kanyang alok. Ang liham, na dumating noong Hulyo 30, ay nagsasaad na
isang Komandante Politiko Militar ng Dapitan ang magbibigay sa kanya ng isang permiso
para makabalik siya sa Maynila, kung saan siya bibigyan ng pasaporte para makapunta sa
Espanya, “at doon nama'y aatasan siya ng Ministro ng Digmaan sa Mga Operasyong
Sandatahan sa Cuba, na maitalaga sa pangkat mediko.”
Paalam, Dapitan. Noong Hulyo 31, 1896, nagwakas ang apat na taong
pagkakapatapon kay Rizal sa Dapitan. Nang hatinggabi ng petsang iyon, sumakay siya sa
barkong España. Kasama niya si Josephine, Narcisa, Angelica (anak ni Narcisa), tatlong
pamangkin na lalake, at anim na estudyante. Halos lahat ng taga-Dapitan, bata man o
matanda, ay nasa pantalan para ihatid siya. Marami ang lumuha nang pumalaot na ang
barko—lalo na ang ibang mag-aaral na may kahirapan kaya hindi sila nakasama sa mahal
nilang guro sa Maynila. Bilang musika ng pamamaalam, tinugtog ng banda ang
makapanindig-balahibong Funeral March ni Chopin. Habang inihahatid ng hangin ang
napakalungkot na melodiya, nararamdaman marahil ni Rizal ang nalalapit niyang
kamatayan.
Habang pumapalaot ang barko, tinapunan ni Rizal ng huling tanaw ang Dapitan at
kumaway sa mababait na tagaroon, dala-dala sa kanyang puso ang magagandang alaala ng
pagkakatira niya roon. Nang hindi na niya maaninag ang dalampasigan ng Dapitan,
malungkot siyang nagtungo sa kanyang silid at nagsulat sa kanyang talaarawan: “Nanirahan
ako sa distrito ng apat na taon, labintatlong araw, at ilang oras."
*****
KABANATA 23
HULING PANGINGIBANG-BAYAN
(1896)
Hindi na desterado, naging maganda ang paglalakbay ni Rizal
mula Dapitan pa-Maynila, na may pagtigil sa Dumaguete, Cebu, Iloilo,
Capiz, at Romblon. Hindi niya naabutan ang barkong Isla de Luzon, na
pumalaot papuntang Espanya isang araw bago siya lumapag sa Maynila.
Habang naghihintay sa susunod na barko pa-Espanya, naging
"panauhin" siya sa barkong Espanyol na Castilla. Samantala, noong
Agosto 26, 1896, naganap ang Sigaw sa Balintawak na naghudyat ng
paglunsad ng rebolusyong pinamunuan ni Andres Bonifacio at ng
Katipunan. Si Rizal, na nangangamba sa lumalalang pag-aalsa, ay umalis
patungong Espanya sakay ng Isla de Panay noong Setyembre 3, 1896.
Ito na ang huli niyang pangingibang-bayan.
Mula Dapitan pa-Maynila. Umalis ng Dapitan noong hatinggabi
ng Hulyo 31, 1896, ang España, sakay si Rizal at mga kasama niya, ay
pumalaot pa-hilaga. Nang madaling-araw kinabukasan (Sabado, Agosto
1), dumaong ito sa Dumaguete, kabisera ng Negros Oriental. "Ang
Dumaguete," isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan, "ay nakalatag sa
dalampasigan. Malalaki ang bahay dito, ang ilan ay may bubong na
yero. Pinakamaganda ang bahay ng isang babae na ang ngalan ay
nalimutan ko na na inookupa ng pamahalaan at isa pang katatayo
lamang at may mga haliging ipil."
Sa Dumaguete, binisita ni Rizal ang isang kaibigan at dating
kaklase, si Herrero Regidor, na naging huwes ng lalawigan. Binisita rin
niya ang iba pang kaibigan, kabilang na rito ang mga pamilyang
Periquet at Rufina. Kinahapunan, inoperahan niya ang isang kapitang
Espanyol ng Guardias Civiles.
Umalis ang España sa Dumaguete nang ala una ng hapon at
nakarating sa Cebu ng sumunod na umaga. Nabighani si Rizal sa
pagpasok pa lamang ng Cebu na itinuturing niyang "maganda." Sa
bahay ng abogadong si Mateos, nakilala niya ang matandang mag-
asawang nakilala niya sa Madrid. "Sa Cebu," isinulat niya sa kanyang
talaarawan, "dalawang operasyon ng strabotomiya ang ginawa ko, isang
operasyon sa tainga, at isa sa isang tumor."
Noong umaga ng Lunes, Agosto 3, nilisan ni Rizal ang Cebu
papuntang Iloilo. "Mainam ang aming biyahe," isinulat niya, "at sa
gawing kanan, natanaw namin ang Mactan, islang nakilala sa
kinasapitan ni Magellan. Ang maghapon ay naging maganda ...
Maraming isla ang aming nakita ... Nang sumunod na araw, noong
umaga, narating namin ang Iloilo ..."
Lumapag si Rizal sa Iloilo, namili sa lungsod, at dumalaw sa Molo.
Sa simbahan ng Molo, sinabi niya: "Ang simbahan ay maganda kahit sa
labas pa lamang, ang loob nito'y di rin naman kapangitan, lalo pa't ito'y
pinintahan lamang ng isang binatilyo. Ang mga larawan ay karaniwang
kopya lamang ng mga eksenang iginuhit ni Gustave Dore."
Mula Iloilo, ang barko ni Rizal ay pumalaot papuntang Capiz.
Sandaling tumigil ito rito bago nagtuloy sa Maynila sa pamamagitan ng
pagdaan sa Romblon.
Hindi Naabutan ni Rizal ang Barkong Pa-Espanya. Ang
España ay dumaong sa Lawa ng Maynila noong umaga ng Huwebes,
Agosto 6, 1896. Sa kasamaang palad, hindi naabutan ni Rizal ang
barkong Isla de Luzon na papuntang Espanya dahil pumalaot na ito ng
alas singko ng hapon ng nakaraang araw. Lubos siyang nalungkot
ngunit tinanggap niya ang kamalasang ito.
Sa sulat niya kay Blumentritt, binanggit ni Rizal ang kabanatang
ito, "Sa kasamaang-palad, hindi ko naabutan ang barkong pa-Espanya,
at nangangambang ang pagtigil ko sa Maynila sa loob ng isang buwan
ay magdulot lamang sa akin ng kaguluhang nasabi ko na sa gobernador-
heneral, habang nandito sa barko (España-z). Ang aking hangaring
mapag-isa, liban sa makapiling ang aking pamilya."
Nang maghahatinggabi ng araw na iyon, Agosto 6, inilipat si Rizal
sa barkong Espanyol na Castilla, sunod sa utos ni Gobernador Heneral
Ramon Blanco. Binigyan siya ng magandang akomodasyon ng kapitan, si
Enrique Santalo, na nagsabi sa kanya na hindi siya isang preso, kundi
isang panauhing tumitigil lamang sa barko "nang sa gayon ay maiwasan
ang kaguluhan ng mga kaibigan at kaaway."
Tumigil si Rizal sa barkong ito ng mga isang buwan, mula Agosto 6
hanggang Setyembre 2, 1896, habang hinihintay ang barkong
pupuntang Espanya.
Ang Pagsiklab ng Rebolusyong Pilipino. Habang matiyagang
naghihintay si Rizal sa barkong Castilla ng isa pang barkong magdadala
sa kanya sa Espanya, naganap ang isang pangyayaring magbabadya ng
pagbagsak ng kapangyarihang Espanyol sa Asya.
Noong gabi ng Agosto 19, 1896, ang plano ng Katipunan na
pabagsakin ang pananakop ng Espanya sa pamamagitan ng rebolusyon
ay natuklasan ni Padre Mariano Gil, kurang Agustino ng Tondo. Ang
nakasisindak na insidenteng ito ay naghasik ng takot sa puso ng mga
opisyal at residenteng Espanyol, na naging sanhi ng histirya ng
paghihiganti sa mga makabayang Pilipino.
Ang kaguluhang sanhi ng pagkakatuklas sa plano ng Katipunan ay
napalala pa ng "Sigaw ng Balintawak" na pinamunuan ni Bonifacio at
kanyang magigiting na Katipunero noong Agosto 26, 1896. Noong
bukangliwayway ng Agosto 30, nilusob ng mga rebolusyonaryo, sa
pamumuno ni Bonifacio at Jacinto, ang San Juan malapit sa lungsod ng
Maynila, ngunit natalo sila sa sagupaang ito. Noong hapon, pagkaraan
ng Labanan sa San Juan, idineklara ni Gobernador Heneral Blanco na
nasa estado ng giyera walong lalawigang nag-alsa sa Espanya- ang
Maynila (bilang lalawigan), Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna,
Pampanga, Nueva Ecija, at Tarlac.
Mula sa mga pahayagang nababasa niya sa Castilla, napag-alaman ni
Rizal ang pagsiklab ng rebolusyon at ang paglaganap ng mga labanan sa
palibot ng Maynila. Nangamba siya dahil:
(1) naniniwala siyang hindi pa handa ang bayan sa isang
madugong rebolusyon at magdudulot lamang ito ng labis na
pagdurusa, pagbubuwis ng buhay at pagkasira ng mga pag-aari,
at
(2) magiging sanhi lamang ito ng paghihiganti ng mga Espanyol
sa lahat ng mga makabayang Pilipino.
Paglisan Papuntang Espanya. Noong Agosto 30, 1896, ang araw
kung kailan idineklarang nasa estado ng giyera ang walong lalawigan,
nakatanggap si Rizal mula kay Gobernador Heneral Blanco ng dalawang
sulat ng pagpapakilala para sa Ministro ng Digmaan at Ministro ng mga
Kolonya, na may kalakip na liham na nag-aalis ng pagkadawit niya sa
nagaganap na rebolusyon. Ito ang nilalaman ng liham:
G. Jose Rizal
Iginagalang na Ginoo:
Kalakip nito ay dalawang liham para sa mga Ministro ng Digmaan
at Mga Kolonya na sa aking palagay ay magiging maganda ang
pagtanggap.
Wala akong pag-aalinlangan na mabibigyan mo ako ng katwiran sa
harap ng Pamahalaan sa pamamagitan ng ipakikita mong magandang
ugali, di lamang dahil isa kang taong may paninindigan sa sariling salita,
kundi dahil na rin sa kasalukuyang nagaganap na nagpapakita ng
walang kaduda-duda na ang pagkilos na produkto ng mga kalokohang
ideya, ay magdudulot lamang ng pagkasuklam, pagkawasak, mga luha,
at dugo. Na nawa’y maging maligaya ka ay hangarin ng iyong abang
lingkod na humahalik sa iyong kamay,
Ramon Blanco
Dalawang klase ng ebidensiya ang iniharap laban kay Rizal ang mga
dokumento at testimonya. Ang mga ebidensiyang dokumento ay binubuo
ng labinlimang eksibit. Ito ang mga sumusunod.
Kundiman
Sa magandang Silangan
Ang araw ay sumilang,
Sa lupang kay ganda Puno
ng hiwaga
Ngunit nakakadena.
Kaguluha'y di nasasawata
Mahal sa aking tunay, itong ating lupa.
A! ito ang aking bansa,
Manunupil na siyang umaalila
Scanned wïth CamScanner
Sa kapit ng tirano, lumuluha
Kasihan siya ng tadhana
na magbibigay sa kanya ng laya!
Jose Rizal
Ang Paglilitis kay Rizal. Ang paglilitis kay Rizal ay isang maliwanag na
patunay ng kawalang-katarungan ng mga Espanyol. Hindi lamang ito katawa-
tawa, walang totohanang paglilitis ang nangyari rito. Si Rizal, na isang sibilyan,
ay nilitis ng isang hukumang militar na binubuo ng mga di-kilalang opisyal
militar. Bago pa man ay may hatol na sa kanyang kaso; ipinagpapalagay na
siyang may sala. Ang hukumang militar ay nagkaisa nang hindi siya bigyan ng
hustisya, bagkus ay akusahan at ikondena siya. Tinanggap nito ang mga
ibinibintang at testimonya laban kay Rizal, at isinawalang bahala ang mga
argumento at katibayang nasa pabor niya. Higit sa lahat, hindi binigyan si Rizal
ng karapatan (na sinumang akusado ay mayroon sa harap ng isang totohanang
hukuman) na makaharap ang mga saksi laban sa kanya sa harap ng hukuman.
Camilo G. de Polavieja
Aking kapatid:
Sa aking pamilya,
Scanned CamScanner
5:30 ng umaga, durnating si Josephine Bracken; kasama kapatid
ni Rizal (Josefa). Lumuluhang nagpaalam si Josephine kay Rizal.
Niyakap siya ni Rizal sa huling pagkakataon, at bago siya umalis,
ibinigay ni Rizal ang huli niyang regalo--- isang relihiyosong aklat,
ang Imitation of Christ ni Padre Thomas a Kempis, na kanyang
nilagdaan:
Jose Rizal
Scanned CamScanner
Eleganteng tingnan si Rizal sa suot niyang itim na
terno, itim na sumbrero, itim na sapatos„puting polo, at itim
na kurbata.Nakatali ang kanyang mga braso, mula Siko pa-
siko, ngunit ang pagkakatali ay di-gaanong mahigpit para
maigalaw niya ang kanyang mga braso.
Sa mahina na tunog ng tambol, tahimik at dahan-dahan
silang nagmartsa. May mga nag-aabang sa mga kalsada mula
Fuerza Santiago hanggang Plaza del Palacio sa harapan ng
Katedral ng Maynila. Para bang ang lahat ay nasa Bagumbayan,
kung saan may malaking pulutong ng mga taong nagtipon para
masaksihan ang pagkamatay ng isang martir.
Kawawang mga Espanyol, walang mga pananaw! Hindi nila alam ang
di-nababagong ihip ng hangin ng kasaysayan. Ang pagkamatay ni Rizal ay
naging pundasyon ng isang bansang nagsasarili. Totoo, pinatay si Rizal ng
punglo ng mga Espanyol, ngunit hindi nila napatay ang mga ideyang liberal
na umusbong sa utak ni Rizal, na siyang nagwasak sa pamamahala ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Gaya ng sinabi ni Cecilio Apostol, pinakadakilang
makatang Pilipino sa Espanyol:
Scanned CamScanner