You are on page 1of 20

File Edit Format View MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

Bulacan State University B I U

Ang Pagharap sa Panganib at


Kadakilaan ni Jose Rizal

Miguel Bautista
Page 2

SI DR. RIZAL AT ANG


LA LIGA FILIPINA

Sa kabila ng maraming banta sa buhay ni Dr. Rizal, hindi niya inalintana ang mga ito para lamang makabalik muli
sa kaniyang Inang bayan. Masidhi ang kaniyang pagnanasang muling makita ang bansang kanyang nililiyag,
maisakatuparan ang kanyang mga iniwan na balakin, at higit sa lahat ay makausap si Hen. Despujol upang ilatag
ang kanyang plano na pagtatayo ng kolonisasyon ng mga Pilipino sa Hilagang Borneo.
• Mayo 1, 1882 - umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng Biñan, nakarating sa Maynila
pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay.​Mayo 3, 1882 - Nilisan ang Maynila patungong Singapore sakay ng Bapor Salvador.​Mayo
9, 1882 -dumating sa Singapore, tumuloy sa otel La Paz.​ Mayo 11, 1882 - sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong
Marseilles (France), dinaanan ang Point de Galle, Colombo, Cafe' Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw. ​Hunyo 7,
1882 - dumaong sa Port Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps. Hunyo 11, 1882 - dumating sa Naples at Sicily, naghulog ng
sulat sa bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng Mansanello (palasyo royal)
• Hunyo 13, 1882 – dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Nelisse, nagpunta sa Chateau d'If (pook na kinabibilangguan ng
pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo). ​ Hunyo 15, 1882 - lumulan sa isang de primerang klaseng tren,
huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy sa Barcelona.
• Hulyo 03, 1892 – nagsagawa si Dr. Rizal ng isang pagpupulong sa tahanan ng kaniyang kaibigan na si Doroteo Ongjunco upang
ipaliwanag ang layunin at mithiin ng isang samahang itatatag niya, ang La Liga Filipina.
Page 4 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

Mapag-isa ang buong kapulungan ng may lakas;


1.

Mapangalagaan ang bawat isa sa oras ng

LAYUNIN NG LA 2. kagipitan;

LIGA FILIPINA 3. Mapaunlad ang edukasyon at komersiyo; at

AYON KAY DR. JOSE RIZAL


4. Maisulong ang marami pang mga pagbabago.

Bawat isang inidibidwal na nagnanais maging kasapi ng samahan ay kinakailangang magbayad ng membership fee na nagkakahalagang
diyes (.10) sentimos lamang piso na gagamitin sa mga gawaing ilulunsad ng samahan.
Page 5 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

• Sa pulong na iyon ay nagkita sa unang pagkakataon si Dr. Jose


Rizal at si Andres Bonifacio, pormal na pumili din ng mga
opisyales o kawani ang samahan:

Pangulo: Ambrosio Salvador


Kalihim: Deodato Arellano
Ingat-Yaman: Bonifacio Arevalo
Piskal: Agustin Dela Rosa

• Ang opisyal na motto ng samahan ay Vnus (unus ang


pagkabigkas) Instar Omnium o “pagkakaisa ng lahat” (VIO).
Page 6 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

ANG DAPITAN
Ang Dapitan ay isang liblib na bayan na matatagpuan sa Kamindanawan. Bahagi ito

BUHAY SA ngayon ng lalawigan ng Zamboanga del Norte at mayaman sa kasaysayan. Natuklasan ng


mga Kastila ang Dapitan noong 1629 sa pamumuno ng isang misyonerong Heswita na si
Fray Pedro Guitierrez. Sa bisa ng BatasRepublika Blg. 3811, naging lungsod ang bayan

DAPITAN, ng Dapitan sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Diosdado Macapagal noong


Mayo 12, 1963.

MINDANAO
SA LOOB NG ANG PAGDATING
APAT NA Hulyo 17, 1892 nang gabi na ang oras ay dumating si Dr. Rizal sa Dapitan lulan ng
barkong Cebu. Siya ay nakatakdang manuluyan sa loob ng kumbento kapalit ng ilang mga

TAON
kondisyon na iniuutos na gawin sa kanya. Sa halip, siya ay tumuloy sa tahanan ni Cap.
Ricardo Carcinero, pinuno ng pulitiko-militar ng Dapitan.
Page 7 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

ANG KONDISYON
1. Pagsisisihan ni Dr. Rizal ang lahat ng kanyang ginawa at sinabi laban sa relihiyong

BUHAY SA Katoliko at magpahayag siya na magiging tapat sa pagsunod sa lahat ng kautusan ng


pamahalaang España;
2. Siya ay gagawa ng santo ejercicio at confesion general sa kaniyang dinaanang buhay; at

DAPITAN, 3. Maging ulirang mamamayan sa simbahang Katoliko at Espanya.

MINDANAO
SA LOOB NG MGA NALIKHA
APAT NA
• Nagtayo siya ng sariling bahay at tinawag itong Talisay.
• Mi Retiro: isang tula tungkol sa pagkakabilanggo na alay sa kanyang ina.
• Himno Al Talisai: isang awiting alay niya sa mga taumbayan ng Talisay, Zamboanga del Norte.
• Nakapagpatayo ng sariling paaralan.

TAON
• Natuklasan niya rin ang ibang species ng hayop na kalauna’y ipinangalan din sa kaniya: ang butiking lumilipad, maliit
na uwang at isang ‘di pangkaraniwang palaka).
• Nakapagbukas ng isang klinika na tutulong para sa lahat ng mga taga Dapitan na nangangailangan ng atensyong
medikal.
• Ang pagsasagawa ng maayos na sistema ng patubig sa Dapitan.
Page 8 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

SA ASPETO NG PAG-IBIG
sa Dapitan niya nakilala ang isang babaeng dumating sa kaniyang buhay na ang ngala’y

BUHAY SA Josephine Bracken. Sila ay nagsama bilang mag-asawa at nabiyayaan ng isang anak na
lalaki na agad din namang pumanaw ilang oras matapos itong ipanganak. Naging
katulong niya si Josephine sa pagtuturo sa mga bata sa paaralang kaniyang itinayo at

DAPITAN, maging sa panggagamot. Pinunan ni Dr. Rizal ng pagmamahal ang asawa nyang ito dahil
alam niyang ulilang lubos na si Josephine.

MINDANAO
SA LOOB NG
SA ASPETONG PINANSYAL
APAT NA Ang kasanayan sa pag-imbento ng isang makinang kahoy ang isang paraan upang siya ay

TAON
magkapera, ang makinang kahoy na ito ay kayang lumikha ng 6,000 piraso ng tisa sa
isang araw. Si Ramon Carreon na isang negosyanteng taga-Dapitan ang kaniyang naging
kasosyo.
Page 9 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

SI DR. RIZAL AT ANG PAGKAKASANGKOT NIYA SA KILUSANG


KATIPUNAN
Kung ating babalikan ang ating pinag-aralan sa Kasaysayan ng Pilipinas, matatandaang naitatag ang Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong
Hulyo 07, 1892. Ang samahan ay naitatag sa tahanan ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga, Tondo, Maynila kung saan si Arellano ang nahalal na lider ng samahan. Kabilang din
sa mga nagtatag ng samahan sina Andres Bonifacio, Teodoro Plata, at Ladislao Diwa, samantalang si Emilio Jacinto naman ang Utak ng Katipunan.

Apat na taon na pinaghandaan ng Katipunan ang binabalak nilang panghihimagsik. Sa loob ng apat na taong paghahanda, pinagsumikapan ni Andres Bonifacio na lumawak ang
samahan at dumami ang maging kasapi ng Katipunan mula sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas. Inatasan ni Andres Bonifacio si Pio Valenzuela na magtungo sa Dapitan, Mindanao
upang kanyang maging emisaryo o kinatawan sa layuning isangguni kay Dr. Rizal ang balaking nilang paghihimagsik. Agad pinuntahan ni Dr. Pio Valenzuela si Dr. Rizal sa Dapitan
upang agad na ibalita ang binabalak na panghihimagsik laban sa mga Kastila naging kasama niya ang isang kunwaring pasyente na nais magpagamot kay Dr. Rizal.

Si Dr. Valenzuela ay mula sa Polo, Bulacan (Lungsod ng Valenzuela ngayon) na isinugo ni Andres Bonifacio upang ibalita kay Rizal ang mga plano. Sinabi ni Dr. Rizal kay
Valenzuela na tiyakin lamang ng Katipunan na sila ay totoong handa at may sapat na armas upang labanan ang mga Kastila nang sa gayo’y huwag silang mabigo sa kanilang
hangarin.

Bukod pa rito, ipinabatid ni Dr. Valenzuela kay Dr. Rizal ang balak na itakas siya ng Katipunan mula sa Dapitan bago sumiklab ang himagsikan, nguni’t hindi ito inayunan ni Dr.
Rizal at sinabing kawalang-galang at ‘di pagkamaginoo sa laban ang pagtakas. Sa halip, sinabi ni Dr. Rizal kay Dr. Valenzuela ang balak nyang paglilingkod bilang isang
manggagamot sa Cuba at upang malaman na rin ang taktikang pandigma na ginamit ng Cuba laban sa Espanya.
Page 10 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

ANG PAGLILITIS KAY RIZAL


• Nobyembre 29, 1896 nang simulan ang paunang imbestigasyon na tumagal ng limang araw sa pangunguna ni Col.
Francisco Olive. Ang resulta ng nasabing imbestigasyon ay nakarating kay Oidor Rafael Dominguez, ang huwes-
panghukom sa Fuerza Santiago.
• Napagdesisyunan ng korte na isailalim si Dr. Rizal sa court marshall, ito ang sistemang isinasailalim sa mga kasapi
ng sandatahang lakas o mga taksil sa Espanya. Nangyari ito kahit hindi naman nararapat sapagka’t si Dr. Rizal ay isa
lamang ordinaryong mamamayan.
• Sa loob ng kanyang selda ay binasa ni Andrade na kanyang abogado ang kasong kinakaharap ni Dr. Rizal. Mga kaso
tulad ng sedisyon, at ilegal na pagtatatag ng isang samahan na di umano’y may balak pabagsakin ang pamahalaang
Kastila at Simbahang Katoliko.
• Ang susunod na pagliiltis ay nakaiskedyul sa Disyembre 26, alinsunod kay Hen. Camilo Polavieja, ang pumalit kay
Hen. Blanco. Si Sr. Enrique de Alcocer y de vaamonde ang itinakdang mag-uusig at maghaharap kay Rizal sa lupon
at syang babasa ng buod ng kaso at magiging sentensya nito.
• isang huwad na paghatol ang naganap, isang palabas lang ang paglilitis na nangyari. Hindi man lang siya nabigyan
ng pagkakataong maiharap ang testigo laban sa mga paratang sa kanya. Binigyan siya ng pagkakataong mailahad
ang kaniyang katuwiran ngunit nagbingi-bingihan lamang ang mga hukom.
• Lumabas din agad ang hatol sa kaniya. Pinagtibay ni Gob. Hen. Polavieja ang hatol na parusang kamatayan.
Nakatakda ang pagbibitay sa Disyembre 30 na gaganapin sa Bagumbayan, Maynila kung saan maraming tao ang
makakasaksi sa pagbitay sapagkat maraming namamasyal sa pook na iyon.

SI RIZAL SA LOOB NG KULUNGAN


Page 11 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

1. tula

MGA 2. talumpati

EBIDENSYANG 3. nota
GINAMIT
4. nobela
LABAN KAY
RIZAL 5. mga liham
MGA HULING
SANDALI NI DR.
RIZAL
Page 13 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

• Sa nalalabing sandali ni Dr. Rizal ay marami pa siyang tinapos na gawain. Mababanaag ang kahinahunan sa
mukha ni Dr. Rizal, tila ‘di siya nakakaramdam ng kaba at takot.

• Sunud-sunod ang mga dumalaw kay Dr. Rizal sa bilangguan, mga kamag-anak at mga naging guro. Inalayan
siya ng panalangin ng mga naging guro niya sa Ateneo at hinikayat na magbalik-loob na sa Simbahan
(ipinakalat ng mga fraile ang balitang siya’y isang erehe at pilibustero). Dinalaw din siya ng ilang mga
mamamahayag upang kapanayamin. Hindi pa din nawawaglit sa mukha ni Dr. Rizal ang kahinahunan.

• Kaunting oras na lamang ang nalalabi sa buhay ni Dr. Rizal nguni’t nagawa pa niyang sumulat ng mga liham
para sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Sinulat niya ang kaniyang huling tula na inumpisahan niya noong
Disyembre 12, 1896 at tinapos na lamang nitong Disyembre 29, 1896. Kalaunan, ang walang pamagat na
tula na ito ay nakilala bilang Mi Ultimo Adios.

• Disyembre 29, 1896 nang dalawin si Dr. Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Humingi ng tawad si Dr.
Rizal sa ina dahil sa lahat ng pasakit, pag-aalala, at pagsuway sa utos at bilin ng ina
Page 14 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

KAGANAPAN SA KA-30 NG
DISYEMBRE, 1896
• Sa kabila ng kanyang nalalapit na kamatayan, mababanaag pa din ang kahinahunan
• Alas 3:00 ng umaga – si Dr. Rizal ay nakinig ng misa, nangumunyon, at sa mukha ni Dr. Rizal. Sinuri ni Dr. Felipe Ruiz Castillo ang kaniyang pulso at
nangumpisal. Pagkatapos nito’y sumulat siya ng liham para sa pamilya at namangha na kalmado si Dr. Rizal sapagkat normal ang pintig nito. Patunay
kapatid na si Paciano pagkatapos niyang mag-agahan. lamang na hindi kinakabahan at hindi natatakot si Dr. Rizal.
• Bandang 5:00 ng umaga – dumating si Josephine Bracken kasama si Josefa. • Ipinuwesto si Dr. Rizal sa isang malawak na parisukat na naliligiran ng mga
Ikinasal ni Fray Balaguer si Dr. Rizal kay Josephine sa mga nalalabing oras sundalo. Siya ay binasbasan ng isang prayle na kung saan ay ipinahalik sa kanya
ni Dr. Rizal at pinagkalooban ng regalo ang asawa ng isang aklat. ang isang krus. Tinutulan ng isang prayle na huwag syang barilin ng nakatalikod,
• Mag-iika 6:30 ng umaga – kailangan nang magtungo ni Dr. Rizal sa sapagkat traydor o taksil lamang ang binabaril ng nakatalikod.
Bagumbayan kasama ang iba pa. Apat na sundalo ang nasa harapan niya, • Handa na ang walong sundalong Pilipino na kikitil sa buhay ni Dr. Rizal, sa likod
napapagitnaan siya ng kanyang abogado na si Ten. Andrade at nina Fray ng mga Pilipinong sundalo na ito ay may walo namang sundalong Kastila na may
dala ring baril kung sakaling di magwang barilin ng mga sundalong Pilipino si Dr.
March at Fray Villaclara. Nakadamit siya ng itim mula ulo hanggang paa at
Rizal.
may hawak na rosaryo
Page 15 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

KAGANAPAN SA KA-30 NG
DISYEMBRE, 1896

Sa kabila ng isang paligid na tahimik, umalingawngaw ang tinig na nagsasabing:


• Pagkatapos mabanggit ang mga salitang iyon ay binaril na ng
“Peliton… Cargen… Apunten…”
tuluyan si Dr. Rizal. Bumagsak ang kanyang katawan sa lupa na
nakaharap ang mukha sa dakong sinisikatan ng araw. Lumapit ang
Habang binabanggit ang mga katagang iyon ay binanggit naman ni Dr. Rizal ang
mga katagang: isang kapitan kay Dr. Rizal at binaril siya sa dibdib gamit ang isang
revolver upang tiyaking patay na si Dr. Rizal.
“Consummatum Est!” • Eksaktong 7:03 ng umaga – binawian na ng buhay si Dr. Rizal. Ang
mga elite at kontra-rizal ay nagsigawan ng katagang “Viva España!
Ibig sabihin ng mga katagang binitawan niya ay “naganap na”. Umalingawngaw Muerte a los traidores! Viva!”
naman ang tinig na:

“Ajunte… Fuego!”
Page 16

ANG LABI NI DR. RIZAL


MAKARAAN ANG PAGBITAY
AT ANG KANYANG
BANTAYOG
Sa araling ito, tatalakayin ang iba pang mga kaganapan matapos mamatay si Dr. Rizal mula sa
hatol ng inhustisya. Mga kaganapang may kinalaman sa mga pangyayari sa kaniyang labi ang
pagtutuunan ng pansin.
Page 17 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

• Agosto 17, 1898 – naipalibing ng pamilya Rizal ang bangkay ni Dr. Rizal
sa disenteng pamamaraan. Nang kukunin ang bangkay niya sa
sementeryo sa Paco, napag-alamang inilibing si Dr. Rizal ng walang
kabaong at tila hinagis ang kanyang bangkay na pabaliktad. Natagpuan
nila itong buto na agad at inilagak sa tahanan ng kanyang ina.

• Ang kaniyang pangalan ay isinama sa mga binitay noong Enero 11, 1897
kasama ang tatlo pang miyembro ng La Liga Filipina. Hanggang sa
kamatayan ay binalot nila sa kasinungalingan si Dr. Rizal.
Page 18 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

Disyembre 30, 1912 – ang bangkay ni Dr. Rizal ay inilipat sa


Bagumbayan kung saan sya binaril. Dito siya pormal na inalayan ng
bantayog dahil sa kaniyang kabayanihan. Ang kaniyang buto ay nasa loob
ng monumento na idinisenyo ni Richard Kissling. Ang disenyo ng
monument ni Kissling ang siyang nagwagi sa patimpalak ng mga
arkitekto na gagawa ng monumento ni Dr. Rizal, ito rin ang naging
opisyal na disenyo ng mga matatayog na monumento ni Rizal sa iba’t
ibang panig ng mundo
Page 19 MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

ANG INIWANG BAKAS NI DR. RIZAL


Mula sa pagkamulat ni Dr. Rizal hanggang sa kaniyang kamatayan ay natikman niya ang bagsik ng hustisya sa kaniyang bayan mula sa
kamay ng mga mananakop.

Hindi batid ng mga Kastila na may kapalit ang kanilang ginawa. Sunod-sunod na mga pag-aalsa ang naganap sa Pilipinas ilang taon
matapos mamatay si Dr. Rizal. Dumagdag pa sa kaba ng mga Kastila ang pag-aalsang nagaganap noong panahon na iyon sa Cuba at ang
unti-unting paghina ng kanilang pwersa laban sa mga Amerikano.

Si Dr. Rizal ay tunay na kamangha-mangha. Ang kaniyang iniwang bakas sa atin ay hanggang ngayo’y nananalaytay sa ating diwa.
Kilala siya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maraming parte pa ng daigdig. Dalubhasa rin na maituturing dahil sa mataas na antas ng
kaalaman na taglay niya sa iba’t ibang larangan. Higit sa lahat, naging tanglaw siya sa panahong ang Pilipinas ay nilulugmok ng
kadiliman.
File Edit Format View MODULE 5 / RIZAL LIFE & WORKS

Thank You
For Listening
MAY MGA KATANUNGAN BA?

• https://bulsumain.sharepoint.com/:w:/r/sites/BSC2EMonday10-1AM/_layouts/15/Doc.aspx?
action=edit&sourcedoc=%7B8fe8bc6c-801c-4c43-807e-2ce07912ebde%7D&wdOrigin=TEAMS-
WEB.teamsSdk.openFilePreview&wdExp=TEAMS-CONTROL&web=1&cid=c27453ee-2110-4af0-
9ca7-1ea97afa4e94
• https://prezi.com/p/rlaygv9gayof/rizal-group-11/

You might also like