You are on page 1of 5

Anthony Gio L.

Andaya 2-1

BSE-EN

Modyul Sa Buhay Ni Dr. Jose Rizal: 9. PAGLALAKBAY NI RIZAL SA EUROPA KASAMA SI VIOLA (1887) 9.1 9.2 NAGSIMULA ANG PAGLALAKBAY Mayo 11, 1887- nilisan nila Rizal at Viola ang Berlin at sinimulan ang kanilang paglalakbay. Sila ay patungo sa Dresden na tinaguriang Isa sa pinakamagandang lungsod sa Alemanya. DRESDEN Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak. Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining. Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni Rizal sa Dresden. Pinayuhan ni Dr. Jagor na magpadala muna ng telegram si Rizal ky Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz. 9.3 UNANG PAGKIKITA NINA RIZAL AT BLUMENTRITT
Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.

Nagbatian sila at nagkamustahan sa wikang Aleman. Itinuring ni Blumentritt na tunay na anak si Rizal sa una pa lamang nilang pagkikita.
Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz.

9.4 MAGAGANDANG ALAALA SA LEITMERITZ Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt: a. Rosa- ang asawa ni Blumentritt. b. Dolores anak c. Conrad - anak d. Fritz anak Ipinakita ni Blumentritt kila Rizal ang mga magaganda at makasaysayang lugar sa Leitmeritz. Inanyayahan niya ang mga ito sa isang beer garden kung saan matitkman ang pinakamasarap na beer sa Bohemia. Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng wikang Aleman. Inanyayahan ng Samahang Turista ng Leitmeritz sina Rizal at Viola at ditto ay bumigkas si Rizal ng isang talumpati sa wikang Aleman. Pinuri niya ang magagandang tanawin sa Austria, ang pagiging magiliw at marangal ng mga taong nakatira dito. Pinalakpakan ng mga nakikinig si Rizal dahil sa kanyang kagalingan sa pagsasalita ng wikang Aleman. Gumuhit din si Rizal ng isang larawan ni Blumentritt at ito namay tuwang-tuwa dahil sa regaling kanyang natanggap. Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz. Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa Leitmeritz. Bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob naghandog sina Rizal at Viola ng isang hapunan sa kanilang otel at ito rin ay nagsilbing kanilang pamamaalam.

9.5

9.6 9.7 9.8

9.9

Noong Mayo 16, 1887, 9:45 ng umaga, nilisan nila Rizal at Viola ang Leitmeritz lulan ng tren. PRAGUE Dinalaw ni Rizal at Viola ang lungsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt. Binisita nina Rizal at Viola ang mga sumusunod na lugar sa Prague: 1. Libingan ni Nicolaus Copernicus. 2. Ang kwebang pinagkulungan kay San Juan Nepomuceno at 3. Ang tulay kung saan itinapon ang Santo. Nagtungo rin sila sa Brunn ngunit ayon kay Viola, walang mahalagang nangyari sa lungsod na iyon. Vienna Noong Mayo 20, narating nina Rizal ang magandang lungsod ng Vienna na kabisera ng Austria-Hungary. Tinagurian itong Reyna ng Danube. Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito. Sa Vienna natanggap ni Rizal ang kanyang nawawalang diyamanteng alpiler, natagpuan ito ng isang katulong ng Otel Krebs at ibinigay kay bLumentritt na siya namang nagpadala nit okay Rizal. Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna. PAGLALAKBAY SA DANUBE PAPUNTANG LINTZ Noong Mayo 24, 1887, nilisan nila Rizal at Viola ang Vienna lulan ng bangka upang Makita nila ang magagandang tanawin ng Ilog Danube. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain. MULA LINTZ PATUNGONG RHEINFALL Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang malasahan ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa buong Europa." GENEVA
Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland:

1. Aleman 2. Pranses 3. Italyan Ipinakita din dito ni Rizal ang kanyang husay sa pag-gaod ng Bangka na natutunan niya sa Calamba noong minsang mamangka silang dalawa ni Viola. Noong Hunyo 19, 1887, niyaya ni Rizal si Viola sa isang tanghalian upang ipagdiwang ang kanyang ika-26 na kaarawan. Tumigil sina Rizal sa Geneva sa loob ng labinlimang araw. Noong Hunyo 23, 1887, naghiwalay na sila ng landas dahil nagbalik na sa Barcelona si Viola at ipinagpatuloy naman ni Rizal ang paglalakbay sa Italya.

9.10 IKINAGALIT NI RIZAL ANG EKSIBISYON NG MGA IGOROT SA EKSPOSISYON SA MADRID NOONG 1887 Nagkaroon ng Eksposisyon ng Pilipinas sa Madrid, Espanya. Nang nasa Geneva, napag-alaman ni Rizal ang balita tungkol sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga Igorot na ginawang bahagi ng eksibisyon. Ilan sa kanila ay nangamatay at ang kanilang kasuotan at armas ay pinagtawanan at nilait ng mga Espanyol at mamahayag. Dahil kampeon ng dignidad ng sangkatauhan, labis na ikinagalit ni Rizal ang ginawang kalapastanganan sa mga kababayang Igorot. Inilahad ni Rizal sa isang liham niya kay Blumentritt noong Hunyo 19, 1887, na sang-ayon siya sa isang eksposisyon ngunit hindi sa isang eksibisyon ng kakibang indibidwal na nagpapakita sa kanyang mga kababayan bilang isang kuryusidad ng mga tamad. Idiniin din niya na ang nais nila ay isang eksposisyon industriyal at hindi isang eksibisyon ng mga nilalang na pinilit na manirahan sa labas at mamatay sa lungkot at pulmonya o tipus. 9.11 SI RIZAL SA ITALYA Mula Geneva, nagtungo si Rizal sa Italya at binisita niya ang mga lungsod ng: 1. Turin 2. Milan 3. Venice 4. Florence 5. Rome Roma - nakarating si Rizal sa lungsod na ito na binansagang Lungsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod. Noong Hunyo 29, Pista ni San Pedro at San Pablo, binisita ni Rizal ang Vatican, ang Lungsod ng mga Papa at kabisera ng Kakristiyanuhan. Basilica de San Pedro - ang pinakamalaking simbahan sa mundo. Mga Kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma: 1. Capitolium 2. Baton g Tarpeian 3. Palatinum 4. Forum Romanum 5. Ampiteatro 6. Simbahan ng Santa Maria Magigiore Pagkaraan ng isang linggong pagbabakasyon sa Roma ay handa nang umuwi si Rizal sa Pilipinas at sumulat siya sa kanyang ama na siya ay paparating na. 10. UNANG PAG-UWI NI RIZAL SA PILIPINAS (1887-1888) 10.1 DESISYONG UMUWI SA SARILING BAYAN Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas: 1. Paciano Rizal 2. Silvestre Ubaldo 3. Jose Cecilio Mga dahilan kung bakit determinadong umuwi ng Pilipinas si Rizal: a. Tistisin ang mata ng kanyang ina. b. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan. c. Makita ang epekto ng kanyang nobelang Noli. d. Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera.

10.2 MAGANDANG PAGLALAKBAY PATUNGONG MAYNILA Hulyo 3, 1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan. Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haiphong. Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haiphong sa Maynila. Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila. 10.3 MALIGAYANG PAG-UWI Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba. Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid. Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod siya bilang manggagamot. Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noon hinog. Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika. Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000. Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong. Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal. 10.4 KAGULUHANG GAWA NG NOLI Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga sumbong na laban sa nobelang Noli Me Tangere. Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala. Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre Federico Faura,Francisco de Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya. Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela. Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere. Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang pampubliko. Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng simbahan. Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli Me Tangere ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang pagbabawal ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela. 10.5

You might also like