You are on page 1of 3

BENTAZAR, CHRISTINE LAYE B. READINGS IN THE PHIL.

HISTORY

BSMA 1-5 PROF. MARK JOSEPH P. SANTOS

ISANG BUOD NG THE REVOLT OF THE MASS — THE SEEDS OF DISCONTENT


Sa unang rebolusyong tagumpay laban sa mga Kastila na sinundan ng pagkabigo ni
Gobernador Heneral Blanca na labanan ang makapangyarihang awtoridad, ang Katipunan sa
Cavite na nahahati sa dalawa — ang Magdiwang at ang Magdalo, ay agarang sinimulan ang
pagsasaayos ng nasabing probinsya. Ang dalawang grupo ay namamahala sa kani-kanilang sakop
at hindi nabigyan ng pagkakataon na magtalaga ng isang punong konseho na hahawak sa buong
probinsya. Ang Magdiwang ay nagsagawa ng sariling eleksyon at nagtalaga ng mga opisyal na
mamumuno. Ang sentro ng Magdiwang ay nasa Noveleta na nailipat sa San Francisco Malabon at
sa Naik. Ang Magdalo naman ay nasa Kawit at nung ito ay bumagsak ay nailipat sa Imus, San
Francsico Malabon, Naik, at Maragondon.

Noong ang Cavite ay pinamunuan ng kanilang katunggaling grupo ay matagumpay na


nakaahon sa rebulusyon, ang mga namumuno ay nagkaroon ng hidwaan na nagmula sa pagnanais
na pamunuan ang isa’t-isa. Ang dalawang grupong ito ay hindi nagpapasakop sa isa’t-isa. Ang
hidwaan sa kanilang pagitan ay nagbabantang wasakin ang kanilang pagkakaisa na siyang
nakapigil sa kanilang mga kalaban sa pagsakop ng buong probinsya. Naniniwala ang Magdiwang
na bilang sila ang nagpasimula ng rebolusyon, nararapat lamang na sila ang mamuno ngunit ito ay
tinutulan ng mga Magdalo.

Inimbitahan ng Magdiwang si Andres Bonifacio upang mamagitan sa hidwaan ng dalawa.


Noong una ay tumanggi siyang dumalo sapagkat naniniwala siya na upang magtagumpay sa
rebolusyon laban sa mga kastila ay hindi dapat tumutok sa isang lugar lamang ngunit, hindi
kalaunan ay pinaunlakan niya rin ang ikatlong imbitasyon. Para sa mga pinuno ng Magdalo, ang
kinilos umuno ni Bonifacio ay tila may pagka mayabang. At napansin din ni Bonifacio na hindi
siya gaanong maimpluwensya sa mga Magdalo lalo na noong hindi naibigay sa kanya ang nais
niyang ipaaresto at parusahan na si Vicente Fernandez, ang nangako na aatakihin ang mga Kastila
sa Laguna at Morong kasabay ng pag-atake ni Bonifacio sa San Juan del Monte ngunit hindi ito
naisagawa ni Vicente. Dahil sa pangyayaring ito ay sumulat si Bonifacio kay Mariano Alvarez
upang siya ay maliwanagan sa organisasyon ng Magdalo. Ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan
ng Magdalo at Magdiwang ay lalo pang lumalim kung kaya’t naisipan nila na ang paraan upang
maresolba ito ay sa pamamagitan ng pagsasama-sama at mabigyang kasagutan ang pamamahala
sa probinsya. Dahil dito ay nagpatawag sila ng pagtitipon sa Imus.

Nagkita-kita ang dalawang grupo at umupo si Bonifacio sa isang upuan kung saan ang
namumuno ang maaaring umukupa rito at pinaupo niya sa kanang bahagi niya ang mga
Magdiwang na nagpapakita ng pagkakahati ng dalawang grupo. Kahit hindi sang-ayon ang ibang
Magdalo rito ay nanatili silang tahimik upang maiwasan ang gulo. Si Emilio Aguinaldo naman ay
nanatili bilang taga-suri ng mga pangyayari. Sa pagtitipon na ito ay iminungkahi ng Magdalo na
magtatag muli ng isang rebolusyunaryong pamahalaan at ang Cavite ay hindi na dapat nahahati sa
dalawang grupo. Ngunit agad itong tinutulan ng Magdiwang sapagkat mayroon na umanong
konstitusyon na sinusunod ang Katipunan. Para kay Ariston Villanueva, ang ministro pang gyera
ng Magdiwang, kung magtatatag man ng bagong gobyerno ay dapat hindi na magsagawa ng
eleksyon at ituring na si Bonifacio bilang pangulo. Agad naman itong tinutulan ng magdalo at
nagmungkahi pa rin sila ng eleksyon. Naging mainit ang diskusyon at walang kinahinatnan ang
naging pagtitipon.

Hindi pa man humuhupa ang tensyon ay muling nagplano ang Magdiwang ng isang
pagtitipon sa isang bahay sa Tejeros, isang teritoryo ng Magdiwang. Ito rin ang dating resort ng
mga prayle kung saan nasaksihan ang isa sa imporatanteng eleksyon sa ilalim ng gobyerno ng
katipunan. Hindi lahat ng pinuno ng Magdalo ay nakarating. Binuksan ang ika-19 na kumbensyon
sa pangunguna ng tumatayong presidente na si Jacinto Lumberas. Sa kumbensyon na ito ay
nagkaroon ng iba’t-ibang pagtatalo at diskusyon na nauwi rin sa pagbuo ng bagong gobyerno
maliban sa katipunan. Ang naging kasunduan dito ay ang pagsunod sa magiging desisyon ng
nakararami. Sumang-ayon ang mga tao sa kondisyon na ito kung kaya’t sila ay naghanda na para
sa eleksyon ng mga mamumuno na bubuuin ng siyam na tao. Nagmungkahi si Bonifacio na kahit
sino ang manalo, hindi makaaapekto ang antas nito sa buhay at edukasyon sa pagkakaluklok.

Nang matapos ang botohan ay inalam na ang mga maluluklok sa pwesto base sa mga
ibinoto ng mga tao. Ang nanalo bilang presidente ay si Emilio Aguinaldo. Iminungkahi ni Severino
de las Alas na kung sino ang may pangalawang pinaka mataas na boto sa pagka presidente ang
siyang maging bise ngunit marami ang tumutol dito. Si Bonifacio ay nanalo bilang direktor
panloob. Sa kanyang pagkakaluklok ay agad itong tinutulan ng isang Magdalo na si Daniel Tirona.
Kanyang iginiit na ang posisyon na iyon ay nangangailangan ng isang edukadong tao at may
diploma sa abogasya at kanyang iminungkahi na si Jose del Rosario ang iluklok bilang direktor
panloob. Tila nainsulto si Bonifacio at muli niyang ipinaalala kay Tirona ang kanyang mungkahi
na hindi makaaapekto sa pagkapanalo sa pwesto ang estado ng edukasyon ng nanalo. Ngunit hindi
ito binigyang pansin ni Tirona. Sa kanyang galit ay bumunot ng pistol si Bonifacio at itinutok ito
kay Tirona. Mabuti na lamang at siya ay napigilan ni Ricarte. Isa-isa ng nilisan ng mga tao ang
Tejeros at sa sama ng loob ni Bonifacio ay kanyang isinigaw na bilang namumuno at presidente
ng Katipunan ay isinasawalang bisa niya ang lahat ng napagkasunduan sa agenda na naganap.
Niliban na rin niya ang lugar kasama ang kanyang mga tauhan.

Dahil sa pagkatalo ni Bonifacio sa pagka presidente na sinundan pa ng hindi magandang


engkwentro kay Daniel Tirona na kasapi ng Magdalo, nag iwan ito ng sama ng loob kay Bonifacio.
Siya ay naniniwala na bilang siya ang naka diskubre sa Katipunan at lider ng rebolusyon ay dapat
sa kanya mapunta ang pwesto ng presidente. Matutupad umano ito kung hindi dahil sa
panglolokong ginawa ng mga Magdalo. Sumulat siya sa kanyang tiyuhin na si Mariano Alvarez at
inilahad niya ang kanyang saloobin sa nangyaring eleksyon. Inihayag niya na may dayaang
nangyari kung bakit hindi siya ang naihalal bilang presidente. Kanya ring isinalaysay ang mga
gawain ng mga Magdalo kung saan naging isang maduming eleksyon ang naganap sa agenda.

You might also like